You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN

SA FILIPINO

MGA PONEMANG
KATINIG AT PATINIG
I. Layunin
 Pagkatapos ng aralin, ang mga mag - aaral ay dapat:

A.) Naiisa - isa ang mga ponemang patinig at katinig.


B.) Nailalarawan ang imang punto ng artikulasyon
C.) Naipapakita kung paano ang tamang pagbigkas, tamang paglabas ng hangin, at
pormal na pagsabi ng letra.
D.) Maipaliliwanag ang mga sumusunod na mga salita:
1) Ponemang Segmental
2) Patinig at Katinig
3) Manner of Articulation o paraan ng artikulasyon
4) Point of Articulation o punto ng artikulasyon
5) Digrap

II. Paksang aralin


A.) Pamagat: Mga Ponemang Patinig at Katinig
B.) Sanggunian: Yaman ng Wika at PAnitikan - Unang taon sa Mataas na Paaralan
C.) Pahina: 14 - 16
D.) May - akda: Angelita Binsol at Teresita Laxina
E.) Bilang nng araw na ituturo: 1 araw
F.) Mga kagamitan sa pagtuturo:
1) Tsart
2) Chalk at Eraser

III. Istratehiya sa Pagtuturo


 Ang mga sumusunod ay ang mga gagawin sa klase:

Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante


A.) Panimulang Gawain A.) Panimulang Gawain
1) Panalangin 1.) Panalangin
 “Magsitayo ang lahat para  (Magsisitayo ang lahat
sa maikling panalangin.” bilang pagbibigay - galang
sa maikling panalangin.)
Panalangin:
 Panginoon, maraming salamat sa lahat ng mga bagay na Iyong ipinagkaloob sa amin.
Nawa’y samahan at gabayan Mo kami sa aming gagawin. Ito’y aming panalangin sa
Pangalan ni Hesus, Amen.
2) Pagbati 2) Pagabati
 “Magandang umaga/hapon  “Magandang umaga/hapon
sa inyong lahat” rin po…”
 “Maaari nang magsiupo”  “Salamat po.”
3) Pag - alam sa Attendance 3) Pag - alam sa Attendance
 (Ilalabas ang class  (Itataas ang kamay kapag
attendance.) tinawag ang pangalan.)
 “Kapag tinawag ko ang
inyong pangalan, itaas ang
kamay.”

B.) Balik - Aral B.) Balik - Aral


 Nakaraang Araliin: “Ang Ortograpiyang  (Magbabalik - tanaw sa
Pilipino” nakaraang aralin.)

 Mga Tanong:  Maaaring Sagot:


1. Ano ang tinalakay natin noong 1. Patungkol po sa Ortograpiyang
nakaraang araw? Pilipino
2. Ilang letra meron ang:
a) Alibata 2. Meron po itong:
b) Abecedario a) 16 na letra
c) Abakada b) 30 letra
c) 21 letra
C.) Bagong Aralin C.) Bagong Aralin
1) Pagganyak 1) Pagganyak
 (Gagawa ng laro na may  (Kooperasyon o
kinalaman sa bagong pakikilahok sa nasabing
aralin.) laro na ginawa ng guro.)
 Laro: “Word Hunt”
 Panuto: hanapin sa loob ng kahon ang
mga salitang nakasulat sa ibaba ng
kahon at bilugan.
 Mga salitang hahanapin sa kahon:
a) Katinig
b) Artikulasyon
c) Digrap
d) Patinig
e) Ponema

2) Paglalahad 2) Paglalahad
 (May ididikit na visual aids  (ang dalawang napiling
sa babasahin ng dalawang estudyante ay babasahin
napiling estudyante.) ang idinikit na visual aids
at ang iba naman ay
makikinig.)
 Basahin: “Usapin nina Rosa at Perla”

Rosa: Tila umalis kayo kahapon ng ate mo, saan ba kayo galling?
Perla: Bumili kami ng tela na gagamitin ko sa aking proyekto sa THE.
Rosa: Ano ba ang nakita ko sa mesa niyo sa silid?
Perla: Iyon nga ang binili naming, pero hindi ko raw muna dadalhin sa aking guro para
sa gagawing bestida. Hinihiram kasi ng ate ko ang tela at gagamitin daw sa misa bukas.
Itatakip kasi sa mesa dahil dapat daw ang putting tela ang gagamitin.
Rosa: Sino ba ang mag - aasikaso sa misa, bakit ang ate mo ang magdadala ng tela?
Perla: Ewan ko ba, pero si ate ang nagapiwan sa simbahan para mag - asikaso roon.

 “Pagakatapos basahinay  (Susuriing mabuti ang


surring mabuti ang mga mga nakasalungguhit na
salitang nakasalungguhit sa mga salita.)
loob lamang ng 2 minuto.”
 “Pagkatapos niyong suriing  (Babasahin at susuriing
mabuti ay basahin at surrin mabuti ang susunod na
niyo rin ang susunod kong visual aids na idnikit ng
ididikit na visual aids sa guro sa pisara.)
pisara.”
Pagsusuri sa mga salita:
a) Baso - Balo
b) Pasa - Basa
c) Bala - Pala
d) Tayo - Talo
e) Tulo - Turo
3) Paghambing at Paghalaw 3) Paghambing at Paghalaw
 Maaaring sagot:
 “Paano ninyo  “Base po sa aking
paghahambingin ang mga pagsusuri, napansin ko
salita sa usapan at ang mga po na ang mga salitang
salita sa pangalawang nakasalungguhit sa
paglalahad?” usapan ay may mga
salita na pareho ang
pagbigkas ngunit sila’y
naiiba sa isang patinig.
Samantalang ang isa
naman ay katinig naman
ang napalitan.”

 “Pansinin muna natin ang  “Ang mga salitang tila at


usapan nina Rosa at Perla. tela. Ang pinagkaiba lang
Anu - ano ang mga salita na nila ay ang unang salita
magkapareho ang pagbigkas ay gumamit ng letra /i/
ngunit iba ang kanilang samantalang ang
letra?” sumunod naman ay
gumamit ng letrang /e/.”
 “Ang mga salitang misa
at mesa. Ang pinagkaiba
lang nila ay ang unang
salita ay gumamit ng
letra /i/ samantalang ang
sumunod naman ay
gumamit ng letrang /e/.

 “Pansinin naman ang  (Magtataas ng kamay


pangalawa. Maaari mo bang kapag alam ang sagot.)
guhitan ang mga letra na
kanilang pinagkaiba? Itaas  a) Baso - Balo
ninyo ang kamay kung alam b) Pasa - Basa
ninyo ang sagot?” c) Bala - Pala
(Tatawagin ng guro ang d) Tayo - Talo
nakataas ang kamay) e) Tulo - Turo

 “Mahusay!” (magdaragdag
ng kaunting paliwanag.)
4) Paglalahat 4) Paglalahat
 (May ididikit at ipapakopya  (Kokopyahin ang idinikit
na visual aids sa mga na visual aids ng guro
estudyante bilang lektyur.) bilang kanilang lektyur.)
 “Bibigyan ko lamang kayo
ng 25 minuto para kopyahin
ang lekyur. Pagkatapos ng
25 minuto ay atin nang
tatalakayin.”
 Lektyur: Ponemang patinig at katinig

Patinig
itinuturing na siyang pinakatampok na bahagi ng pantig.
Binubuo ng mga letrang /a/, /e/, /i/, /o/, at /u/.

MGA PONEMANG PATINIG


HARAP SENTRAL LIKOD
MATAAS /i/ /u/
GITNA /e/ /o/
MABABA /a/

Katinig
ito ang mga ponemang binubuo ng mga ponemang /b/, /k/, /d/, /g/, /h/, /l/, /m/,
/n/, /ɧ/, /ɿ/, /p/, /r/, /s/, /t/, /w/, at /y/.
Ponemang segmental o Ponema
tawag sa makabuluhang tunog sa Filipino.

PARAAN NG PUNTO NG ARTIKULASYON


ARTIKULASYO Panlabi Pangngipin Panggilagid Pangngalangala Impit
N Matigas o Malambot (Glottal)
Palatal o Bilar
Pasara P
Walang tinig B T K ɿ
May tinig D G
Pailong M N
May tinig ɧ
Pasutsot S H
Walang tinig
Pagilid L
May tinig
Pakatal R
May tinig
Mala - patinig Y W
May tinig

Manner of Articulation o Paraan ng Artikulasyon


bahagi ng artikulasyon na isinasaad ang pagbigkas ng isang katinig na may
tunog o walang tunog.

Point of Articulation o Punto ng Artikulasyon


ito ang bahagi ng bibig kung paano ibinibigkas ang isang katinig.

IBA’T IBANG PUNTO NG ARTIKULASYON:


PANLABI - ang ibabang labi ay dumidiit sa itaas na labi
PANGNGIPIN - dumidiit ang dulo ng dila sa loob ng mga ngipin sa itaas.
PANGNGALANGALA (MATIGAS O PALATAL) - dumidiit sa matigas na bahagi ng
ngalangala ang ibabaw ng dulong dila.
IMPIT O GLOTTAL - itinuturing ang impit na isang ponemang katinig sa Filipino,
bagama’t hindi ipinpakita sa ortograpiya ng ating wika. Nagdidiit ang
bagbagtingang patinig at hinaharang ang presyon ng papalabas na hininga,
pakakalwaln pagkataposupang lumikha ng paimpit na tunog.

Digrap - kilala sa tawag na kambal - katinig;


5) Paggamit 5) Paggamit
a. Pagbibigay ng halimbawa a. Pagbibigay ng
 (nakasulat ang mga halimbawa
halimbawa sa visual aids.)  (pagsusuri sa mga
ibinigay na halimbawa ng
guro.)
 “Pakibasa ng sabay -
sabay.”  (Sabayang pagbigkas.)

MGA HALIMBAWA:
a) Buti - Bote
b) Binta - Benta
c) Puso - Poso
d) Ampon - Ambon
e) Pantay - Bantay
f) Tinta - Tinda
g) Sabit - Sapit
h) Tambal - Kambal
b. Pagtukoy sa mga halimbawa b. Pagtukoy sa mga
 “Base sa mga halimbawang halimbawa
ibinigay, alin sa mga ito ang  (Pagsagot sa tanong ng
napapalitan ang:” guro.)
 Sagot
Patinig Blg. 1 hanggang 3
Katinig Blg. 4 hanggang 8

 “Mahusay!”

6) Pagtataya 6.) Pagtataya


 (PAgbibigay ng maikling
pagsusulit tungkol sa napag
- aralang paksa; Ididikit ang
ipapagawang pagsusulit sa
pisara.)
 “Maglabas kayo ng ¼ na  (Maglalabas ng ¼ na
bahagi ng papel at sagutin bahagi ng papel para
ang isang maikling sa maikling
pagsusulit. Mayroon lamang pagsusulit.)
kayong 15 minuto para
sagutin ang maikling
pagsusulit.”
 Maikling Pagsusulit
ɸ PANUTO: Magbigay ng salita na kasingtunog ng mga sumusunod na mga salita s
ibaba guhitan ang ponemang napalitan (2 puntos kada bilang).
1. Balon
2. Puno
3. Lambak
4. Pila
5. Pamalo
6. Hikaw
7. Panuto
8. Libing
9. Balik
10. tampok
 “Magpalitan ng papel sa katabi.”  (Makikipagpalitan ng papel.)
 “ano ang sagot sa Blg. :  Mga Maaaring tamang sagot:
1 1. Balon - Talon
2 Balon - Baton
3 2. Puno - Puto, Pugo, Pulo
4 Puno - Puna
5 3. Lambak - Tambak
6 Lambak - Lambat
7 4. Pila - Hila, Tila, Dila
8 Pila - Pala. Pula
9 Pila - Pili
10 5. Pamalo - Pamala
Pamalo - Pamato
6. Hikaw - Hikab
7. Panuto - Paluto
8. Lbing - Libang
9. Balik - Batik
10. Tampok - Tumpok

 (Pagkatapos mag - check, isusulta sa


class record ang kanilang nakuhang
puntos.)

 “Kapag tinawag ko ang pangalan ng may  (Pagsasabi ng bilang ng tamang


- ari ng papel na hawak niyo, Pakisabi sagot ng may - ari ng papel.)
ang bilang ng kanyang tamang sagot.”
IV. Takdang Aralin:

 “Pakilabas ang kwaderno at isulat  (Ilalabas ang kanilang kwaderno at


takdang aralin para bukas.” kokopyahin ang takdang aralin.)
 (Isusulat ang Takdang aralin sa pisara.)

Takdang aralin:
Pakibasa ang isang alamat na may pamagat na “Ang buindok ng Kanlaon” sa pahina
17.
Pakisagutan ang lahat ng katanungan sa pahina 18 sa isang buong papel.

Sanggunian: “Yaman ng Wika at Panitikan 1”


May - akda: Angelita Binsol at Teresita Laxina

You might also like