You are on page 1of 1

CRISOSTOMO IBARRA

Si Crisostomo Ibarra ay ang pangunahing tauhan sa Noli Me


Tangere. Siya ay anak ni Don Rafael Ibarra. Nakapag-aral siya sa
Europa at nangarap na makapagtayo ng paaralan sa San Diego
upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan dito.

Siya ay may katamtamang tangkad at may malusog na


pangangatawan. Bakas sa kaniyang mukha ang lahi at dugong
Kastila subalit siya ay may kayumangging balat.

Dahil siya ay edukado at nakapag-aral sa Europa, ang kilos


niya'y maginoo at kakikitaan ng respeto. Matalino at magalang si
Crisosotomo Ibarra. Mataas ang kanyang katayuan sa lipunan dahil na rin sa kanyang angkan at
sa ugnayan niya sa mga Kastilang nasa posisyon.

Sensitibo siya kung ang pag-uusapan ay ang kaniyang ama. Nagiging palaban siya lalo na
kung ito ay hinahamak at nililibak. Subalit, sa kabuuan, mas pinipili ni Crisostomo Ibarra ang
mapayapang pakikipaglaban kaysa ang marahas na paraan.

1. Edukado
2. Magalang
3. Matulungin
4. Maginoo
5. Matapang

https://brainly.ph/question/1266600

https://brainly.ph/question/1407168

You might also like