You are on page 1of 1

1. Entry No.

KABATAAN LABAN COVID-19

Kalusugan ay pag-ingatan,
Bawat buhay ay pahalagahan,
Sumunod sa mga tuntunin ng ating lipunan,
Upang ang bawat isa ay malayo sa kapahamakan.

Malubhang sakit ay tapusin,


Labanan natin ang Covid-19,
Ugaliing maghugas ng kamay,
At panatilihing malinis ang ating bahay.

Tulungan natin ang bawat isa


Para sa mabilisang paggaling ng ating bansa,
Mga kabataan ay dapat makinig,
Tayo'y makiisa sa pagpuksa ng Covid.

Ugaliing kumain ng prutas at gulay,


Mag ehersisyo araw-araw sa bahay.
Palakasin ang katawan,
Pagtibayin ang kalusugan 

Mga simpleng paraan,


Kanya-kanya nating gampanan
Tayo'y makibahagi sa paglutas,
At huwag maging sakit sa ulo
ng ating bansa.

You might also like