You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALAMINOS CITY
TELBANG ELEMENTARY SCHOOL
TELBANG, ALAMINOS CITY PANGASINAN

Name: __________________________________________________ Grade & Section___________________


Music

Arts
Sa isang coupon bond na short, gumuhit ng isang selebrasyon sa Pilipinas. Pagkatapos, sumulat ng 5 pangungusap
tungkol sa iyong iginuhit. Gawing gabay ang sumusunod na halimbawa sa ibaba. NOTE: Huwag nang iguhit ang ginawang
halimbawa:

Pangalan: ___________________________________ Petsa: __________________________

Grade and Section: ____________________________

Isang Selebrasyon sa Pilipinas


(Pamagat ng Sining)

Coupon
bond

Ang Araw ng mga Patay ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 2. Minsan, ipinagdiriwang


ng iba tuwing Nobyembre 1. Ito ay ipinagdiriwang upang gunitain ang pumanaw na mahal sa
buhay. Nagpupunta tayo sa sementeryo upang magtirik ng kandila, ng bulaklak at mag-alay ng
dasal. Nagluluto pa ang iba ng kakanin bilang kanilang handa.
Criteria para sa score/grade

Naiguguhit ang selebrasyon nang maayos ------------------- 5 pts.


Malinis ang pagkakagaw ----------------------------------------- 5 pts.
Naisusulat nang maayos ang deskripsyon ng larawan ---- 5 pts.
KABUUAN ------------- 15 pts.

Physical Education
Panuto: Isulat ang malaking titik T kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at M naman
kung mali.
__________ 1. Ang mga manlalaro sa tumbang preso ay kailangang may hawak na pamato o tsinelas.
__________2. Ang larong tumbang preso ay para lamang sa mga batang lalaki.
__________3. Ang manuhan o pamulang guhit ay lima hanggang pitong metro ang layo sa lata.
__________ 4. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob ng bilog.
__________ 5. Kapag nanghahabol ang taya, hindi maaring sipain ng ibang manlalaro ang lata
upang tumumba ito.
__________ 6. Ang target games ay nasa unang antas ng Physical Activity Pyramid Guide.
__________ 7. Hindi mahalaga ang warm up at cool down exercises sa paglalaro ng tumbang
preso.
__________ 8. Mahalang masunod ang mga pag-iingat pangkaligtasan (safety precautions) upang
maging maayos at ligtas ang paglalaro.
__________ 9. Ang mga larong pagtudla o target games ay maaring isahan o pangmaramihan.
__________10. Kapag nakatayo ang lata at may nataga (nataya) ang taya, ang nataga (nataya) ang
magiging bagong taya.

Health
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, Mali naman kung hindi. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
__________1. Ang pag-iwas sa problema ay isang indikasyon sa pagkakaroon nang hindi maayos na mental na
kalusugan.
__________2. Ang kalusugan ng isang tao ay sumasaklaw sa pisikal na aspeto lamang.
__________3. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan ay tanda ng malusog na sosyal na aspeto ng kalusugan.
__________ 4. Malaki ang maitutulong ng sariling pamilya upang mapaunlad ang kalusugan ng tao.
__________5. Ang pagsali sa iba’t- ibang gawain ng komunidad ay palatandaan ng malusog na pangangatawan.
__________6. Ang paghinga nang malalim at meditasyon ay mga gawaing pisikal na makatutulong sa pagbawas
ng matinding pagod.
__________7. Ang stress o pagkapagod ay nakaaapekto sa pangkalahatang kalusugan ng tao.
__________8. Ang positibong pananaw sa buhay ay makatutulong upang mapaunlad ang mental na kalusugan
ng tao.
__________9. Ang mental at emosyonal na kalusugan ay may kaugnayan sa sosyal na kalusugan ng tao.
__________10. Ang pagmamaktol at pagdadabog ng isang bata sa ikalimang baitang kung hindi nakukuha ang
gusto ay palatandaan ng pagiging malusog

You might also like