You are on page 1of 20

Araling Panlipunan

Quarter 2, Wk1-Wk2 - Modyul 7


Demand
Modyul 1
Konsepto ng Demand

Pangkalahatang Ideya

Sa panahon ngayon na may pandemic, mahalagang masuri ng bawat


mamamayan kung ano ang kanilang tunay at pinakahigit na
pangangailangan. Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang kahulugan,
konsepto, at batas ng demand para mailapat ito sa pang-araw araw na
pamumuhay. Maiintindihan mo rin ang kahalagahan at epekto ng bawat salik
sa paggalaw ng demand na maging batayan ng desisyon mo para maging
isang matalinong mamimili.

Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto:

Natatalakay ang konsepto at salik na nakaapekto sa demand sa pang


araw – araw na pamumuhay.

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. naibibigay ang kahulugan ng konsepto ng demand;


2. naisa-isa ang impluwensya ng presyo sa paggalaw ng demand;
3. nailalarawan ang relasyon ng presyo at demand sa pamamagitan ng
mathematical equation, iskedyul ng demand, at grap;
4. nakagagawa ng market list ayon sa prayoridad ng pangangailangan; at
5. napahahalagahan ang mga salik na nakakaapekto sa demand.
Subukin

Basahing mabuti ang bawat aytem, piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin


ng mamimili.
A. Demand function B. Demand
C. Demand schedule D. Demand curve
2. Isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mamimili
sa iba’t – ibang presyo.
A. Demand B. Demand function
C. Demand curve D. Demand schedule
3. Ito ay mabubuo kung ilalapat ang demand schedule sa isang grap.
A. Demand Curve B. Demand Function
C. Demand Slope D. Demand Schedule
4. Ito ay isang matematikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity
demanded.
A. Demand Curve B. Demand Function
C. Demand Slope D. Deman Schedule
5. Makikita sa ibaba ang kurba ng demand. Alin sa sumusunod ang
naglalarawan nito?
A. Downward Slope
B. Sideward Slope
C. Upward Slope
D. Backward Slope

File:Demand curve.png - Wikimedia Commons


6. Kung panahon ng tag-ulan, ano ang mangyayari sa demand ng mga
produktong kapote at payong?
A. Mananatili B. Bababa C. Tataas D. Iregular
7. Nagkakaubusan na ng suplay ng Japanese Siomai kaya tumaas ang
demand ng Pork Siomai. Ano ang tawag sa produktong kwek-kwek?
A. Pamalit B. Komplemetaryo C. Temporaryo D. Maliit
8. Tuwang-tuwa si aleng Nena dahil dumami ang nagpapa-load sa kaniya
sapagkat halos lahat ng tao sa kanilang barangay ay may cellphone na.
Ano ang tawag sa mga produktong ito?
A. Pamalit B. Komplemetaryo C. Temporaryo D. Maliit
9. Bilang isang mag-aaral mahalagang isabubuhay mo ang batas ng demand.
Papano mo ito gagawin?
A. Marunong nang mag-ipon para sa gusto mong gadget.
B. Aalamin ang kalidad ng produkto sa bawat pagbili.
C. Gagastos ayon sa pangangailangan.
D. Aalamin ang presyo ng produkto sa bawat pagbili.
10. Sa panahon ngayon ng pandemic, nangangamba ang mga tao na
maubusan ng produkto para sa kaligtasang pangkalusugan. Ano ang
mangyayari sa demand ng face mask?
A. Mananatili ang pangangailangan ng face mask.
B. Bababa ang pangangailangan ng face mask.
C. Tataas ang pangangailangan ng face mask.
D. Regular ang pangangailangan ng face mask.
11. Bumaba ang benta ng tindahan ni Cesar simula ng Quarantine. Bakit
naapektuhan ang kanyang benta?
A. Dahil marami na ang nagsulputang bagong tindahan
B. Dahil marami ang nawalan ng trabaho
C. Dahil bawal na lumabas
D. Dahil lumipat ang kanyang mga suki sa ibang tindahan
12. Isa sa mga salik ng demand ay ang dami ng mamimili. Kung kayo ay may
negosyong pater, ano ang gagawin mo para dumami ang benta ninyo?
A. Tataasan ko ang presyo ng pater
B. Kumbinsihin ko ang mga kaklase na bumili
C. Mamimigay ako ng libreng sample
D. Iimbetahan ko ang aking mga kaibigan at kaklase sa amingtindahan
13. Para makatipid, bumili si Samuel ng tsokolate para sa kanyang nobya kahit
sa susunod na linggo pa ang araw ng mga puso. Bakit nagdesisyon si
Samuel na gawin ito?
A. Dahil sa dami ng mamimili
B. Dahil sa kanyang panlasa
C. Dahil sa inaasahang niyang kiita
D. Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito
14. Gamit ang Demand Function Equation, Qd = 50 – 2P, Ilan ang Quantity
Demanded kung ang presyo ng isang pirasong mansanas ay 15php?
A. 10 B. 15 C. 20 D. 25
15. Alin sa mga sumusunod na datos ang kukumpleto sa schedule batay sa
demand function na: Qd = 50 – 2P.
A. (1.)6, 2.)34, 3.)10,4.) 26, 5.)14)
Presyo Qd
B. (1.)7, 2.)35, 3.)11,4.) 27, 5.)15)
1.) 38 C. (1.)8, 2.)36, 3.)12,4.) 28, 5.)16)
D. (1.)9, 2.)37, 3.)13, 4.)29, 5.)17)
8 2.)

3.) 30

12 4.)

5.) 22
Aralin
Konsepto ng Demand
1
Balikan

Batay sa iyong napag-aralan sa nakaraang modyul, magkaroon tayo


ng paglinang ng kakayahang mag-isip.

Basahin ang mga katangian ng mga organisasyon ng negosyo na nasa


talahanayan. Tukuyin kung anong uri ng organisasyon ang inilalarawan ng
bawat katangian sa pamamagitan ng paglagay ng sa naangkop na kolum.
Gawin ito sa iyong activity notebook.

Isahang
Katangian Sosyohan Korporasyon Kooperatiba
Pagmamay-ari
1. Maliit lamang ang
puhunan
2. Paghahatian ang
kita
3. Nasa kamay
lamang ng iilan ang
pamamalakad
4. Maliit ang tubo
5. Madaling Itatag
6. Ang mga kasapi ay
kasama sa pagtatag
at pamamalakad
7. Makakalikom ng
malaking Puhunan
8. Malaki ang
puhunan
9. Isang tao lamang
ang gumagawa ng
desisyon
10. Hindi pagkaka-
unawaan sa pagitan
ng mga nagkasosyo
Tuklasin

Kaarawan Ko, Bibili Ako!

Kaarawan mo at naisipan mong biyakin ang iyong alkansya at piggy


bank. Ang iyong ipon ay umabot ng Php 10, 365.00. Tingnan at pag-aralan
ang bawat produkto sa ibaba. Alin sa mga sumusunod ang bibilhin mo batay
sa iyong naipong pera? Isulat ang iyong sagot sa activity notebook.

Pangkat A Pangkat B

1
https://pixabay.com/photos/shoes-
Photo Credits: Melissa Lienbacher mens-black-fashion-dress-
4887100/

https://pixabay.com/photos/bac
kground-business-clips-color-
Photo Credits: Melissa Lienbacher 2091/

Photo Credits: Jessa Marie C. Macapobre https://freesvg.org/backpack-vector-


image9903

1. Sa anong pangkat kadalasan ang iyong mga napili?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng mga ito?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Suriin

Demand

Ang demand ay ang dami ng


produkto o serbisyo na nais at
kayang bilhin ng mga mamimili sa
iba’t-ibang presyo sa isang takdang
panahon. Tinatawag na quantity
demanded ang dami na gustong bilhin
ng isang mamimili sa isang particular na
presyo Photographed by; John Anthony B. Dayday

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng presyo kaya palagi


itong nakaugnay sa demand. Ito ay pangunahing salik na nagtatakda at
nakapagpapabago ng demand ng isang mamimili.

May dalawang
konseptong nagpapaliwanag kung bakit inverse o magkasalungat ang
ugnayan ng presyo at demand; 1. Substitution Effect, 2. Income Effect.
Magkasalungat na ugnayan ng
Presyo at Demand

Substitution Effect Income Effect

Isinasaad dito na kung ang presyo Isinasaad dito na mas malaki ang halaga ng
ng isang produkto ay tataas, kita ng tao kapag mababa ang presyo.
mababawasan ang bilang ng mga Tataas ang kakayahan ng kita ng tao na
mamimili dahil sila ay maghahanap makabii ng maraming produkto kung
ng produktong pamalit sa mas mababa ang presyo. Kapag tumaas naman
murang halaga. ang presyo ay lumiliit ang kakayahan nitong
makabili ng mga produkto.
Konsepto ng Demand
Ang ugnayan ng demand at presyo ay maaaring maipapakita sa
tatlong pamamaraan; Demand Function, Demand Schedule at Demand
Curve.

1. Demand Function – ito ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng


presyo at quantity demanded. Ito ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng
mga equation sa ibaba.

Kompyutasyon sa Demand Function

Ipagpalagay ang Demand Function; Qd = 50 – 2P

Komputasyon ng Qd;

kung ang P ay Php6: kung ang P ay Php10: kung ang P ay Php14:


Solution 1: Solution 2: Solution 2:
Qd=50−2 P Qd=50−2 P Qd=50−2 P
¿ 50−2(6) ¿ 50−2(10) ¿ 50−2(14)
¿ 50−12 ¿ 50−20 ¿ 50−28
Qd=38 Qd=30 Qd=22

Komputasyon ng P;

kung ang Qd ay 34: kung ang Qd ay 26:

Solution 1: Solution 2:
a−Qd a−Qd
P= P=
b b
50−34 50−26
¿ ¿
2 2
16 24
¿ ¿
2 2
P=8 P=12
2. Demand Schedule – Ito ay isang talahanayang pagpapakita ng dami ng
produkto o serbisyong kaya at gustong bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang
presyo.

Makikita ang demand schedule


na nabuo mula sa demand function na
Qd = 50 – 2P. Inilalahad dito sa
schedule na habang tumataas ang
presyo ay bumababa rin ang demand.

3. Demand Curve (Kurba ng Demand) – ito ay isang grapikong paglalarawan


sa ugnayan ng presyo at quantity demanded o dami ng demand ng produkto
o serbisyo.

Makikita sa nabuong grap mula sa


schedule gamit ang demand function
na Qd = 50 – 2P. Ipinapakita sa grap
ang curve kung saan inilalarawan ang
ugnayan ng presyo at demand.
Inilalahad din sag rap ang download
sloping o paggalaw ng curve dahil sa
inverse o magkasalungat na ugnayan ng presyo at demand

Pagyamanin

Idemand, Itala, at Ikurba!

Oras na para sa tanghalian, pumunta kayo sa canteen upang bumili


ng inyong pananghalian. Nais mong kumain ng pater. Ipinagbibili ang pater
sa iba’t – ibang presyo. Gusto mo ngayong malaman ang demand ng pater
sa inyong paaralan. Ipakita ang inyong solusyon sa activity notebook.

Gamit ang demand


function na Qd = 60 – 2P,
kompyutin ang Qd gamit ang
iba’t – ibang presyo upang
makumpleto ang schedule
sa ibaba. Isulat sa activitiy
notebook ang iyong sagot.
Batay sa nabuong demand
schedule, gumawa ka ng grap
para maipakita ang demand curve.
Maaaring gumamit ng graphing
paper o gawin ito sa iyong activity
notebook.

Isaisip

Icrossword Puzzle mo!

Punan mo ang mga pababa at pahalang na mga kahon ng puzzle ng


mga nararapat na letra upang makumpleto ang mga katawagan o konseptong
tinutukoy ng mga sumusunod na pangungusap.

D C E

S T

1. Isinasaad dito na mas malaki ang halaga ng kita ng tao


kapag mababa ang presyo.

2. Ang dami ng produkto o serbisyo na nais at kayang bilhin


D ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang
panahon.
3. Ito ay isang grapikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at demand.
4. Sinasabi dito na magkasalungat o inverse ang ugnayan ng demand at
presyo
5. Isinasaad dito na kung ang presyo ay mataas ay mababawasan ang bilang
ng mamimili dahil hahanap sila ng kapalit sa mas murang halaga.

Pamprosesong tanong.

1. Paano nakaimpluwensya ang presyo sa pagbabago ng demand?

Isagawa

Magtanong sa mga magulang o sa kung sinumang may hawak ng


budget ng inyong tahanan. Alamin kung ano ang kanilang mga batayan sa
pagbili ng inyong mga pangunahing pangangailangan. Isulat sa activity
notebook ang mga impormasyon na nakuha base sa interbyung iyong
ginawa.

______________ ______________ ______________ ______________


______________ ______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________ ______________

Kung ikaw ang gagawa ng budget, ang parehong batayan din ba ang
iyong magiging pamantayan? Ipaliwanag ang iyong sagot at isulat sa activity
notebook ang iyong sagot.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Aralin

2 Mga Salik ng Demand

Balikan

Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Punan ang mga salita inilalarawan ng


bawat pahayag.

1. ___________________

2. ___________________

3. ___________________ 4. ___________________

Isang matematikong Isang talahanayang


pagpapakita ng ugnayan nagpapakita ng dami ng
ng presyo at quantity produkto o serbisyong kaya
demanded. at gusting bilhin ng mamimili
sa iba’t – ibang presyo.

5. ___________________

Isang grapikong pagpapakita


sa ugnayan ng presyo at
quantity demanded.

Tuklasin
Nagbabagang Balita!

Dumarami ang kaso ng Covid-19 sa Region 10. Ipinag-uutos sa


publiko na gumawa ng mga paghahanda. Nagpunta si Eugene sa FK Mart
upang bumili ng sampung bote ng alcohol.

Bakit maraming bote ng alcohol ang binili ni Eugene? Ipaliwanag ang


iyong sagot. https://pixabay.com/vectors/televi
sion-vintage-tv-retro-36276/

Sagot:__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Suriin

Dahil sa krisis na nararanasan natin ngayon, naging mas maingat tayo


sa ating mga desisyon kung ano ang dapat nating bilhin. Napahalagahan ang
tamang paggasta at pagkonsumo upang maging matatag ang presyo sa
pamilihan. Maliban sa presyo, mahalagang matutunan natin ang iba pang
salik ng demand upang maging matalinong mamimili.

Pansinin ang
tsart na nasa
kanang bahagi na
nagpapakita ng
iba’t – ibang mga
salik na nakaka-
apekto sa demand.

Pagyamanin
Buuin ang tsart sa ibaba batay sa tekstong napag-aralan. Isulat sa
karampatang kahon ang mga salik na nakaapekto sa demand batay sa mga
halimbawang ibinibigay.

Mga Salik ng Demand

Halimbawa: mga
kalamidad o sakuna

Marginal Utility

karagdagang
kasiyahan sa
paggamit ng
produkto

1. _____________________
__
2. _______________________

Komplementaryo Pamalit

VS
3. ____________________
___ mga produktong mga produktong
ginagamit ng sabay pang-alternatibo
Normal Goods Inferior Goods

4. __________________

Diminishing Utility
mgamgaproduktong
produktong pagkasawa sa
tumataas
tumataasang
ang paggamit ng
demand
demand kasabay
kasabay produkto
ngngpagtaas ngng
pagbaba kita
kita

5. ____________________
___

Dahil sa uso ang isang produkto ay mas


naengganyo ang mas maraming tao na
bumili nito kaya tumataas din ang demand

Isaisip

Gawain 1

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon na nasa talahanayan. Tukuyin kung


tataas o bababa ang demand ng mga produkto na nasa ikalawang kolum
batay sa sitwasyong katapat nito. Iguhit sa ikatlong kolum ang simbolong ↑
kung ang demand ay tataas, at ang simbolong ↓ kung bababa ang demand.

Ano ang mangyayari


Sitwasyon Produkto
sa Demand?
Nagkaroon ng Covid-19
Face Mask
Pandemic
Malapit na ang Pasukan School Supplies
Panahon ng Taglamig Ice Cream
Nagkaroon ng malakas na
Isda at Gulay
bagyo
Nagkaroon ng Red Tide Tahong

Gawain 2

Panuto: Tukuyin kung anong salik na nakakaapekto sa demand ang isinasaad


ng mga pahayag.
1. Napromote sa trabaho si Hector kaya may karagdagan sa kaniyang
magiging sweldo.
2. Ibinalita sa TV na may isang aktibong kaso na ng COVID-19 sa syudad
kaya agad na namili ng alcohol mask at bigas si Mario.

3. Tumaas ang demand ng mga bulaklak dahil sa nalalapit na araw ng


mga puso.

4. Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa mga pagkaing


Koreano dahil sa pagsubaybay ng mga KDrama.

5. Tumaas ang presyo ng tinapay dahil sa pagtaas ng presyo ng arina.

Isagawa

Ilista mo!

Bilang isang mag-aaral, gumawa ng Market List ayon sa prayoridad ng


iyong pangangaila-ngan. Ipaliwanag kung bakit ito ang nasa iyong listahan.
Isulat sa activity notebook ang lahat ng iyong mga sagot.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang iyong


naging batayan sa
pagbibigay
prayoridad sa mga
produkto

2. Sa pagbuo mo ng
iyong Market List,
presyo lang ba ng
iyong naging
pamantayan?Ipaliwanag.

Buod
Natalakay sa modyul na ito ay ang konsepto ng demand. Sa pagganap
ng mga gawain at pagbasa ng mga teksto, nabigyang linaw ang mga
sumusunod;

 Ang demand ay ang dami ng produkto o serbisyo na nais at kayang


bilhin ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang
panahon
 Ayon sa batas ng demand ang presyo ay may inverse o
magkasalungat na ugnayan ang presyo at quantity demand ng isang
produkto.
 Ang pagbabago sa presyo ng produkto ay nagdudulot ng pagbabago
ng dami na demanded (quantity demanded) para sa produkto.
 Ang dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit inverse o
magkasalungat ang ugnayan ng presyo at demand ay ang Substitution
Effect at Income Effect.
 Ang ugnayan ng demand at presyo ay maaaring maipapakita sa
tatlong pamamaraan; Demand Schedule, Demand Curve, at Demand
Function.
 Ang mga salik na nakaapekto sa demand ay: kita ng maimili;
panlasa; Dami ng Mamimili; Presyo ng magkaugnay na produkto
sa pagkonsumo; at Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa
hinaharap

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat aytem, piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin


ng mamimili.
A. Demand function B. Demand
C. Demand schedule D. Demand curve
2. Isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mamimili
sa iba’t – ibang presyo.
A. Demand B. Demand function
C. Demand curve D. Demand schedule
3. Ito ay mabubuo kung ilalapat ang demand schedule sa isang grap.
A. Demand Curve B. Demand Function
C. Demand Slope D. Demand Schedule
4. Ito ay isang matematikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity
demanded.
A. Demand Curve B. Demand Function
C. Demand Slope D. Deman Schedule
5. Makikita sa ibaba ang kurba ng demand. Alin sa sumusunod ang
naglalarawan nito?
A. Downward Slope
B. Sideward Slope
C. Upward Slope
D. Backward Slope

File:Demand curve.png - Wikimedia Commons


6. Kung panahon ng tag-ulan, ano ang mangyayari sa demand ng mga
produktong kapote at payong?
A. Mananatili B. Bababa C. Tataas D. Iregular
7. Nagkakaubusan na ng suplay ng Japanese Siomai kaya tumaas ang
demand ng Pork Siomai. Ano ang tawag sa produktong kwek-kwek?
A. Pamalit B. Komplemetaryo C. Temporaryo D. Maliit
8. Tuwang-tuwa si Aleng Nena dahil dumami ang nagpapa-load sa kanya
sapagkat halos lahat ng tao sa kanilang barangay ay may cellphone na.
Ano ang tawag sa mga produktong ito?
A. Pamalit B. Komplemetaryo C. Temporaryo D. Maliit
9. Bilang isang mag-aaral mahalagang maisabuhay mo ang batas ng
demand. Papano mo ito gagawin?
A. Marunong nang mag-ipon para sa gusto mong gadget.
B. Aalamin ang kalidad ng produkto sa bawat pagbili.
C. Gagastos ayon sa pangangailangan.
D. Aalamin ang presyo ng produkto sa bawat pagbili.
10. Sa panahon ngayon ng pandemic, nangangamba ang mga tao na
maubusan ng produkto para sa kaligtasang pangkalusugan. Ano ang
mangyayari sa demand ng face mask?
A. Mananatili ang pangangailangan ng face mask.
B. Bababa ang pangangailangan ng face mask.
C. Tataas ang pangangailangan ng face mask.
D. Regular ang pangangailangan ng face mask.
11. Bumaba ang benta ng tindahan ni Cesar simula ng Quarantine. Bakit
naapektuhan ang kanyang benta?
A. Dahil marami na ang nagsulputang bagong tindahan
B. Dahil marami ang nawalan ng trabaho
C. Dahil bawal na lumabas
D. Dahil lumipat ang kanyang mga suki sa ibang tindahan
12. Isa sa mga salik ng demand ay ang dami ng mamimili. Kung kayo ay may
negosyong pater, ano ang gagawin mo para dumami ang benta ninyo?
A. Tataasan ko ang presyo ng pater
B. Kumbinsihin ko ang mga kaklase na bumili
C. Mamimigay ako ng libreng sample
D. Iimbetahan ko ang aking mga kaibigan at kaklase sa amingtindahan
13. Para makatipid, bumili si Samuel ng tsokolate para sa kanyang
nobya kahit sa susunod na linggo pa ang araw ng mga puso.
Bakit nagdesisyon si Samuel na gawin ito?
A. Dahil sa dami ng mamimili
B. Dahil sa kanyang panlasa
C. Dahil sa inaasahang niyang kiita
D. Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito
14. Gamit ang Demand Function Equation, Qd = 50 – 2P, Ilan ang Quantity
Demanded kung ang presyo ng isang pirasong mansanas ay 15php?
A. 10 B. 15 C. 20 D. 25
15. Alin sa mga sumusunod na datos ang kukumpleto sa schedule batay sa
demand function na: Qd = 50 – 2P.
A. (1.)6, 2.)34, 3.)10,4.) 26, 5.)14)
Presyo Qd
B. (1.)7, 2.)35, 3.)11,4.) 27, 5.)15)
1.) 38 C. (1.)8, 2.)36, 3.)12,4.) 28, 5.)16)
D. (1.)9, 2.)37, 3.)13, 4.)29, 5.)17)
8 2.)

3.) 30

12 4.)

5.) 22

Susi sa Pagwawasto

1. B
2. D
3. A
4. B
5. A
6. C
7. A
8. B
9. C
10. C
11. C
12. D
13. D
14. A
15. C

You might also like