You are on page 1of 2

Mala-masusing Banghay-aralin

Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)

Pamantayang Nilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sector ng


ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo
sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na


pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-
ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakapagbibigay ng sariling kahulugan ng pambansang kaunlaran;
2. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran; at
3. Nakapaghihinuha ng mga paraan kung paano makatutulong ang mga kabataan sa
pambansang kaunlaran.

II. Paksang-aralin

A. Paksa: Pambansang Kaunlaran


B. Sanggunian: Araling Panlipunan sa Makabagong Siglo: Ekonomiks ng Salesiana Books
C. Kagamitan: Aklat, kagamitang biswal, flash cards
D. Pamamaraan: Talakayan, sarbey, pagsusuri

III. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng lugar/pagligpit ng kalat
4. Pagtala ng mga lumiban sa klase
5. Pagbabalik-aral (Tatawag ng iilang mag-aaral upang magbigay-rebyu sa
nakaraang talakayan)
B. Pagganyak (Pagpapakilala)
1. Magpapakita ang guro ng mga salita.
2. Pupunan ng mga mag-aaral ang mga kulang na titik sa mga salita.

P_M_ANS_NG KA_NL_RA_
PR_DU_SIYO_
P_PU_ASY_N
P_GGAW_

C. Paglalahad ng Paksa:
Tatanungin ang mga mag-aaral:
Ano kaya sa tingin niyo ang ating magiging talakayan ngayong hapon?
Sasagot ang mga mag-aaral.
Itatama ng guro ang kasagutan at ilalahad ang paksa (Pambansang Kaunlaran)

D. Pagtalakay ng Paksa (Question and Answer)


1. Hahayaan ang mga mag-aaral na ibigay ang kanilang sariling depinisyon ng
kaunlaran/pambansang kaunlaran.
2. Ilalahad ng guro ang depinisyon ng pambansang kaunlaran sa mata ng ordinaryong
Pilipino.
3. Tatanungin ang mga mag-aaral:
Paano nagiging maunlad ang isang bansa? Ano ang mga katangian nito?
4. Ilalahad ng guro ang mga palatandaan ng Pambansang Kaunlaran:
 Produksiyon
 Populasyon
 Pamahalaan

E. Paglalapat (Pakikinig ng Awitin/ Pangkatang Gawain)


1. Hahatiin sa apat na pangkat ang klase.
1. Papakinggan ng mga mag-aaral ang isang awiting makabayan.
2. Uunawain at itatala ng bawat pangkat ang mga paraan para maging isang
responsableng mamamayang Pilipino.

F. Pagbabahagi
1.Ibabahagi ng bawat representante ng pangkat ang kanilang mga naitalang paraan.
2. Magtatawag ng iilang mag-aaral upang ibahagi ang kabuuang mensahe ng awitin.

G. Paglalagom ng Tinalakay (Pagsusuri/Pagsisiyasat)


1. Ilalahad ng guro ang mga kilos para sa sama-samang paggawa.
2. Tatanungin ang mga mag-aaral:
Naunawaan baa ng ating naging talakayan at gawain?
May mga tanong ba o mga bagay na hindi naunawaan?

IV. Pagtataya (Formative Assessment)

Maikling Pagsusulit
Sa isang sangkapat na papel, Magtala ng limang paraan kung paano makatulong ang
kabataan sa pambansang kaunlaran.

V. Kasunduan
- Subuking isaulo ang awiting makabayang inilahad sa klase.

Inihanda ni:

IRISH ARIANNE S. LAGA


Teacher I – Mabini National High School

You might also like