You are on page 1of 6

Bata, Bata Paano Ka Ginawa?

(Unang Kabanata)
Lualhati Bautista
AT sa wakas, tumugtog ang graduation march at nagmartsa papasok ang mga batang
magsisipagtapos.
“Ladies and gentlemen, here comes kindergarten class, section one, handled by Mrs.
Erlinda Macasaya! Please give them a big hand!”
Palakpakan
Itinaas nií Lea ang nakahanda nang kamera, isinentro sa anak na nása kalagitnaan ng
linya. Saglit na huminto sa pagnamartsa si Maya, itinaas ang babà, nameywang, at ngumiti nang
maluwang. Klik! Itinulak ito ng kasunod. Hinarap ni Maya’t tinampal ang kamay ng kaklase.
Pinandilatan sila ni Mrs.Macasaya.
"Coming next is kindergarten class, section two, led by their adviser, Miss Elvira Sagun.
Ladies and gentlemen, please give them a big hand!”
Martsa papasok ang section two. Oo nga’t tinuruan sila ng titser ng mga chest out,
stomach in, pero sa oras na ito’y wala na sa mood ang mga bata.
May dumadarag na, may nagkakalkal na ng ulo. Aba nga naman, alas siyete ang usapang
mag-uumpisa ang programa' y alas-otso pasado na ngayon. Mataas na’t mainit ang araw. At sa
school ground lang, sa open air, dinaos ang graduation.
Pati mga manonood ay ngayon lang napipirmi. Kanina'y nagkisaw-kisaw na ang mga tao,
reklamuhan kabi-kabila, paypayan, singhalan.
Higit kasi pang matindi sa lahat ang pagkayamot ng mga magpipitong taon. Pinapawis
nga naman silá sa suot nilang toga. Hindi na yata nakatiis ang isa, sa kalagitnaan ng pila’y
hinablot ang toga niya at ginawang pamaypay.
“Sst!, Balik ‘yan, balik!" gigil na singhal ni Miss Sagun sa bata. Bubulong-bulong na
isinalpak ng bata sa ulo niya ang toga.
Humingi rin ng palakpak ang tagapagsalita para sa dumarating na section three. Inihatid
din ng adviser ang mga ito sa kanilang takdang upuan.Isang batang mukhang pilyo ang huminto
sa tapat ng titser at nagsabi:
“Tser, may I go out!'
Napahindig ang titser. "Mamayal
“lihi akó!”
“Mamaya sabi!"
Nagbanta ang batà. "Ba'la kayo!
“Ssh!"
Bahala nga naman kayo. Pagdating sa upuan (nakatayo pa ang lahat habang hindi pa
kompletong nakakapasok ang mga ga-graduate) inilabas ng pilyong ang ano niya at sinabayan ng
ihi. Lingunan ang mga batang babaeng natilamsikan. Gimbal sa "pagkadungis" ng kanilang mga
“dangal!”
“Ma’am, si Roderick, dito umiihi!"
Tawanan ang mga tao. Natukso si Lea, itinaas ang kamera at isinentro sa batang umihi.
Klik!
Inanawns ng tagapagsalita ang pagsisimula ng programa sa pamamagitanng Pambansang
Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan.
Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan ng mabilis na pagkilos ng
maraming ina. Puntahan sila sa kanya-kanyang anak para hubaran ang mga ito ng toga, na
magbibilad ng suot nilang bikini suit. Ito ang mga batang kasali sa pilian ng Miss Kinder, kasali
sa fashion show na gaganapin sa stage.
Si Ding ang taya sa pag-aalis ng damit ni Maya. lyon ang usapan nina Lea at Ding: si
Ding, katulong si Flor na pamangkin ni Lea, ang mag-aasikaso kay Maya dahil si Lea ang
kukuha ng mga retrato ng anak.
Teka, hindi pa pala ‘yong bikini ang kailangan. Iyon muna pa lang gown. Sinuutan ni
Flor ng gown si Maya. Sinusuklayan. Kinakabitan ng dekorasyon sa buhok.
Sa paligid, hindi lang gown at suklay ang dalá ng maraming ina sa kanilang anak kundi
pati make-up at lipstick. Pinupulbuhan nila nang makapal ang mga anak nila, nilalagyan ng eye
liner, pinapahiran ng pampapula sa pisngi. May sinabi si Ding kay Flor at batay sa pagsuyap nito
sa paligid, nahulaan ni Lea na itinatanong nito kung si Maya ba ay hindi nila pipintahan din.
Hindi. Mahigpit ang order ni Lea na h’wag lalagyan si Maya kahit lipstick. Para kay Lea,
maruming tingnan ang isang batang naka make-up at lipstick. Imbis na makaganda’y sinisira nito
ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan at karanasan.
Inihanda na ng mga hurado ang papel at lapis nila. Mag-uumpisa na siláng bigyan ng
kaukulang marka ang personalidad ng mga batang kandidato.
Maya-maya’y umaakyat na sa stage ang mga bata; idinidisplay ang gown nila, lumalakad
nang nakapameywang, nagpa-pause, nagpo-pose, habang sinasabi ng tagapagsalita ang mga
pangalan nila na sinasagot naman ng palakpakan ng mga tao. Panay ang klik ng mga kamera, na
sinisingitan pa ng kislapan ng mga flush bulbs. Ke tatanga nila, sa loob-loob ni Lea. Sa kainitan
ng araw, hindi ka gagamit ng thush bulb.
“Arlina de los Santos!"
Isang bata sa gown na kulay ginto at nagkikislapang mga palamuti ang nagpapalahaw
dahil ayaw umakyat sa stage. Hatak-hatak ito ng ina, pinipilit, pinapalo pa man din.
Nagtatawanan na ang marami, nanghihinayang ang ilan.
“Gagang bata yan, ang ganda-ganda pa naman ng suot!
“Ay, mahal yan, mare! Manigit isangg ibo ang ginasta ni Corazon diyan!” Yong Corazon
siguro ang ina.
Nag-concentrate si Lea sa pagkuha ng retrato ni Maya. Sa parisukat na camera lens,
aaminin niyang maganda nga ang anak niya. Manang-mana sa ina, sabi niya sa sarili. Pero hindi
iyon ang kahang-hanga dito kundi ang tiwala sa sarili na masasalamin sa mga hakbang nito, sa
mga pa-cute nito. Puwedeng mag-artista paglaki, sabi nga ng iba. Puwedeng mag-leader.
Kung mananatili siyang ligtas sa mundo ng isang musmos, naisip ni Lea. Kung hindi siya
wawasakin ng mga kawalang-katiyakan. Nanay, nagkakalkal ng ulo si Ojie sa tabi ni Lea.
Kanina pa nga naman siya tinatawag ni Ojie.
Sumilip uli sa lens ng kamera Si Lea. "Ano?” tanong niya.
"Gusto ko ng soft drinks.”
"Don ka humingi ng pera sa tatay Ding mo. wala akong dala dito.”
"Malayo siya, e!"
"Lapitan mo.”
"Hindi akó makadaan!"
“Di mamaya ka na mag-soft drinks, pag makakadaan ka na!"
Dumadarag na lumayo si Ojie, at nakadaan papunta kay Ding. Tatay Ding. Ba’t may
Ding pa, tanong ng isang kapitbahay kay Lea no’ng bagong lipat pa lang sila sa lugar na ito. Ba't
hindi basta tatay na lang?
To differentiate, sagot niya. Dahil meron siyang Tatay Raffy.
Nag-anawns ang tagapagsalita ng kasunod na bahagi ng programa. Sayaw mula sa isang
guro ng mga mag-aaral. Ehersisyong sayaw.
Bumanat ng kanta si Florante, Abakada... egahaila.. manangaopa... rasatauwaya! Umentra
sa stage ang grupo at sinayawan ang kanta ni Florante.
Naghuhubaran na naman ng gown ang mga batang kasali sa contest. Ngayon, ang iniwan
nila sa katawan ay ang saplot na bikini. Kinambatan ni Lea ang tatanga-tangang pamangkin.
Mabilis namang tinulungan ito ni Ding sa pag-iintindi kay Maya.
Iyong ibang ina, nireretoke ang make-up ng anak nila. Lumapit si Flor kay Lea at
ibinulong:
“Tita Lea, Si Maya lang ang walang make-up.Lalagyan ko siya maski lipstick"
“Wala akóng lipstick.”
“Manghihiram akó.”
“Tumigil ka:”
Isa pang palabas at balik sa stage ang mga kandidato sa pagka-Miss Kinder. Dumarami
ang mga batang nagmamarakulyo. Ang isa'y nagpoposing nga pero halatang napipilitan na lang.
Halatang malapit nang umiyak. Ginulo naman ng isa pa ang buhok niya bago nag-fashion
show...isang maliwanag na paninirya sa ina't titser.
lyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa
mga beauty contest? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro gagawin lang nila
pag gusto nila. Pag nása mood silà.
Karaniwan na ina lang ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito
sa magaganda, maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya’n mo nang masabak siya sa
rehearsal pagkatapos ng klase. Baya'n mong maibilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya,
sipunin siya. Gusto ng nanay ng tropeo, gusto ng nanay ng karangalan.
Dear asawa ko na nasa Saudi: padalhan mo agad ako ng isang milyong dolyar pambili ng
gown ng anak mo na isusuot sa beauty contest. Aba, bakā hindi mo nalalaman, kandidato ang
anak mo sa pagka-Miss Kinder!
Naturalmente, kailangang pinakamaganda ang suot niya sa okasyong iyon. H'wag mong
sabihing maitim siya, hindi na mapapansin ang kulay niya pag napansin ang suot niya.At
susuutan ko siya ng gold, sasabugan ko ng sequence para kumislap. Pag nagmarakulyo siya,
hahatakin ko siya. Babanatan ko. Ku, makikita ng batang yan pagdating namin sa bahay!
Naisip ni Lea na kung anong banat kaya ang aabutin ng batà sa suot na gold pag-uwi nila
ng bahay. T’yak na maraming kurot at amba ng suntok at mura. Sáyang ang gown, e. Biro mo,
isang milyon ang halaga, hindi naidisplay?
Iniisip din ni Lea kung hindi kaya si Maya lang ang napaiba sa pagkakataong ito. Si
Maya mismo ang pinagdesisyon niya kung gusto niyang sumali.
"S'yempre naman!” tiyakang sagot sa kanya ni Maya.
“Magpapagod ka sa kare-rehearsal. Siyempe araw-araw me praktis kayo"
"S'yempre!” “Baka mamaya, iiyak ka?”
"Baka ikaw ang iyak, Nanay?”
"Bakit ako?"
“Bibili mo 'ko ng toga saka gown saka bikini. Maraming perang kailangan do’n!”
May mga pumuna sa kanya sa pagkumporme niya na sumali si Maya sa nasabing beauty
contest. Lalo na’t nasa sirkulo siya ng mga taong may matibay na paniwala na ang mga
pagandanan ay isa pa ring uri ng pagsasamantala sa mga babae.
Pero gano'n din naman ang damdamin niya. Ang totoo’y nagalit na siya nang makita niya
ang ipinapagod ni Maya sa rehearsals. Hanggang sa hulíng praktis kahapon, hanggang sa mag-
umpisa na ang programa kanina, ay gusto na niyang i-withdraw sa contest ang anak...gusto na
niyang iuwi! May lagnat na ito kahapon. 38.2. Nag-aalala siya na tumaas pa iyon.
Kaso'y disidido talaga si Maya na maging parte ng programang ito. Hindi ito papayag na
mag-pull out. Ano man ang dinaramdam ni Maya ay ginagawa pa rin nito ang kanyang the best.
Sport siya, sabi ni Lea sa sarili. Manang-mana sa nanay. At kakambal ng nararamdaman
niyang pag-aalala’y nakadarama din siya ng pagmamalaki.
“Ngayon naman po, ang mga bata natin ay magpapakita ng kanilang talino sa
pamamagitan ng pag-awit, tula, at sayaw!”
Unang bata, ala-Celeste Legaspi sa mga angat ng balikat, liyad ng katawan at lukot ng
mukha:
"Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe!...”
Pangalawang bata, nagpakuha pa man din ng gitara’t upuan: "Nang isilang ka sa
mundong ito, laking tuwa ng magulang mo!...”
“Talo'ng anak mo ro 'n,” biro niya kay Ding na tumabi sa kanya."Marunong siyang
maggitara."
Seryoso't may kaba si Ding sa panonood. Naisip ni Lea kung napakahalaga ba kay Ding
ng paligsahang ito. Kung matter of life and death ba sa kanya ang na manalo ang anak.
Huminga nang malalim si Lea... Wala kang magagawa, sabi niya sa sarili. Simpleng tao
lang si Ding...sing-simple ng karaniwang ama’t ina.
“Oh, Captain, my captain!" banat ng ikatlong batà.
Nagpayanig din ang ikaapat na bata sa pamamagitan ng pagbabali-bali ng katawan nito sa
saliw na tugtuging rock.
“Talo na nga yata ang anak mo,” bulong ni Ding kay Lea. Na-insecure na nga si Ding.
Hindi na yata huminga si Ding nang pumagitna si Maya at magbandila ng tula niya:
“Ang tiyan ng nanay, malaki't mabilog
Ano yon? Tanong ni Ojie sa nanay
Bola? Bola ng basketball?
Hindi, iba.
Puwedeng paglaruan
Hindi at may laman.
Ano’ng laman, ha ‘Nay?
Sorpresa, sorpresa!
Ang sorpresa nang lumabas, ako pala!
Pa’nong ang bola ay naging si Maya?
Biglang tawa si Nanay:
Paglaki mo na, Ojie, sakā mo malalaman!
Hindi siguro akalain ni Ding, pero pinakamasigabo ang palakpakan ng tao kay Maya.
May kasáma pang malakas na tawanan.
Pero hindi pumalakpak ang prinsipal. Hindi natawa. Kundi napahindig:
"Que barbaridad!”
Natawa uli ang tao sa reaksyon ng prinsipal.
Nalagay sa alanganin si Ding. Hindi malaman kung matatawa o mapapahiya.
Ngayon lang narinig ni Ding ang tula ni Maya. Pag tinatanong kasi nito ang anak kung
ano’ng gagawin sa stage, ang laging sagot ni Maya: "Malalaman mo.”
Nalaman nga niya ngayon.
“Sinong nagturo sa anak mo no'n?” usig ni Ding kay Lea.
Nakangiti si Lea. "Sino pa!" at nagmamalaki pa!
Tumalim ang tingin ni Ding kay Lea. "Talagang wala kang turong mabuti!"
Babaan na naman ang mga batà para isuot uli ang kanilang toga. Mag-aabutan muna ng
diploma habang nagde-deliberate ang mga hurado.
Isa-isang tinawag ang mga ga-graduate. Sa huli na raw ibibigay ang medalya ng
karangalan.
Hanggang sa oras na ito, walang nakakaalam kung sinu-sino ang mag-uuwi ng medalya.
Nakabitin sa suspense ang mga magulang.
"Una muna po, pagkaraang pagtibayin natin ang pag-graduate ng bata, hihingin natin ang
pasiya ng mga hurado sa ating paligsahan bago natin iproklama ang mga honor students natin
At least may sapat na isip naman sila na ilagay sa huli ang pagsasabi ng honor students.
At least alam nila na ang pinaka-importante sa umagang ito’y hindi kung sino ang
pinakamaganda kundi kung sino ang pinakamarunong.
Panhikan na naman sa stage ang mga kandidato suot angg kanilang gown. Tulad sa lahat
ng beauty contest, nagpilian muna ng Miss Photogenic, Miss Talent, at kung anu-ano pang Miss.
Naubos na ang tropeo sa pagka-Miss. Kung anu-ano ay wala pang nakukuha si Maya.
“Wala pang nakukuha si Maya,” ninenerbiyos nang bulong ni Ding
“May makukuha yan,” pampalakas-loob ni Lea. “Yong pinakamalaki" iyong
pinakamalaking trophy ang nakalaan sa Miss Kinder.
Third Princess
Second Princess
Wala pa ring hawak si Maya at na-insecure na rin pati si Lea. Minumura na niya nang
pabulong ang mga hurado. Ipinagngingingit na niya ang tila pagpapakaseryoso ng mga ito sa
pamaanagi ng trophy.
Kung siya ang hurado, titiyakin niya na bawat bata’y may iuuwing tropeo. Na wala sa
kanilang uuwi nang bigo.
At nahihiya. Dahil sa gano’ng edad, ang pagkabigo’y laging may kakabit na
pagkapahiya.
“Tinatawagan po sa entablado ang Miss Kinder ng nakaraang taon para siyang
magputong ng korona sa ating Miss Kinder,’83. Ladies and Gentlemen, Miss Kinder ‘82 Dolores
Villafuerte! Lets give her a big hand, please!
Sabog ang palakpakan. Taas-noo, aral na aral ang lakad, tulad ng isang Miss sa
pandagdig na pagandahan, naka-gown ng kulay rosas na tinataya ni Lea na nagkakahalaga na rin
ng libo, kuntodo naka-guwantes at parang isinubsob sa make-up, dala ang makislap na korona ng
karangalan, ang nakaraang Miss Kinder.
Diyos ko, usal ni Lea sa sarili. Diyos Ko, ano’ng ginagawa nila sa mga bata?
“And now, Miss Kinder ‘83, ladies and gentlemen... because of her simplicity; her
freshness, poise and total personality...” pause. Birada ng tugtog. Mga nakabiting hininga.
"Mara Natalia Gascon!
Napalundag si Ding. At sa kabila ng damdamin niya, napalundag din si Lea. Pati puso
yata niya’y tumalon at nawala sa lugar. Pero siyempre di dapat malimutan ang kamera lalo na sa
pagkakataong ito. Klik! Teka, ang likot ng kamera! Nanginginig ba ang kamay niya? Klik!
Lumalabo ang lens sa mga mata niya. Ano ‘to, umilyak ba siya? Klik! Habang sa tabi niya'y
hindi rin makontrol ni Ding ang buhos ng kaligayahan.
Klik! Anak ko yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko ‘yon! Klik! Narinig n'yo ba?
Anak ko yon!
Klik! Klik!
Anak ko sa labas. ‘Yong batang konti ko nang tinunaw no’ng araw. Kundi ko lang naisip
na lahat ng bata’y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.
Klik! Maya, naririnig mo ba, anak? Si Raffy ang naging katumbas mo! Alam mo ba kung
sino si Raffy? Iyon ang pinakamalaking pagibig ko!
Klik! Klik!
"Ding, yong film! Sagad na 'to, Ding yong film!”
"Eto, eto!"
“Diyos ko, matagal pa ba bago malagay ‘yan! Mae-expose 'tong nauna!”
"Misis, isi ka lang. Eto'ng kamera ko, me film pa!"
Inagaw niya halos ang kamera sa kamay ng lalaking nagmamagandangloob
Klik! Naloko na, fixed focus. Malabo ang kuha! Tarantadong mama ito, mumurahin ang
kamera!
Umiyak siya. Putang 'na, pati leeg niya, basang basa na sa luha!
Diyos ko, e alam mo namang hindi akó mahilig sa mga beauty contest e bakit
nagkakaganito akó?
Idineklara rin si Maya bilang honor student, pangatlo sa mga nakakuha ng karangalan.
Dito sana dapat mapaiyak sa tuwa si Lea. Pero by that time e wala na siyang luha... kung
paanong wala ring filnm ang kamera ng laláking nagmagandang-loob sa kanya, at binayaran na
lang niya ang commercial photographer na gumagala sa school ground para kunan ang mga
dagdag na retrato ang kanyang anak.

You might also like