You are on page 1of 4

Learning Area EPP-Agriculture Grade Level 4

W1 Quarter 3 Date Week 2

I. LESSON TITLE Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa pamilya at sa
COMPETENCIES (MELCs) pamayanan
EPP4AG-0a-2
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang
ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan.
(References:: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 p. 320-323, MELC EPP/TLE
p.400, PIVOT 4A BOW p. 273)
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
A. Introduction Unang Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
Panimula Araw inaasahang natatalakay ang pakinabang sa
pagtatanim ng halamang ornamental para sa pamilya
at sa pamayanan.

Ang paghahalaman ay isang sining ng pag-


aalaaga at pagtatanim ng mga halamang ornamental,
gulay at mga punungkahoy. Ito’y isang kasiya-siyang
gawain na nakalilibang sa atin at nagdudulot ng
maraming kapakinabangan sa mag-anak, pamayanan, at sa bansa. Sa panahon ng pandemya
nabigyang pansin nga mga Pilipino ang gandang naidudulot ng mga halamang ornamental sa
kanilang tahanan kung kaya’t marami ang nagkainteres na magtanim ng mga ito. Naging
malaking oportunidad ito ng mga taong may mga hardin ng halamang ornamental upang ang
kanilang libangan ay kanila ring mapagkakitaan. Maraming tindahan ng halamang ornamental
ang tinatangkilik ng mga tao.

Mga Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang ornamental? May makukuha ba tayong


kapakinabangan mula dito? Ano ang naitutulong ng pagtatanim ng mga halamang ornamental
sa pamilya at pamayanan?
Maraming kapakinabangang naidudulot sa mga mag-anak at pamayanan ang pagtatanim
ng halamang ornamental. Isa na rito ang pagpapaganda ng mga bakuran dahil sa mga
bulaklak at dahon nito na nagtataglay ng magagandang kulay. Nililinis ng mga puno ang
maruruming hangin na nagiging sanhi ng polusyon at ginagawa nitong sariwa ang hangin sa
kapaligiran. Higit sa lahat kung ito ay magiging isang gawaing pangkabuhayan, makatutustos
ito sa mga pang araw araw na gastusin ng pamilya.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kapakinabangan
ng pagtatanim ng halamang ornamental :

1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at


pagbaha- Kumakapit ang mga ugat ng
mga punong ornamental sa lupang
taniman kaya nakakaiwas sa landslide o
pagguho o pagkaanod ng lupa. Ang mga
punong ornamental ay nakatutulong din upang maiwasan ang pagbaha dahil sa
mga ugat nito na sumisipsip ng tubig.

2. Nagagamit ang mga halaman/ punong


ornamental upang mabawasan ang
polusyon sa pamayanan na dulot ng
maruming hangin na nagmumula sa
mga usok ng sasakyan, sinigaang
basura, usok mula sa mga pabrika at
pagsusunog ng basura. Sinasala pa ng
mga punong ito ang maruruming
hangin at pinapalitan ito ng malinis na
oksiheno (oxygen) na siya nating
nilalanghap.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities

3. May mga matataas at mayayabong na halamang ornamental na nagbibigay ng


lilim ( shade ) gaya ng kalachuchi, ilang-ilang, pine tree, fire tree, at marami
pang iba na maaaring itanim sa gilid ng kalsada, kanto ng isang lugar na
puwedeng masilungan ng mga tao.
 
4. Maaaring maibenta ang mga halamang ornamental na hindi naitanim o
naipunla o naitanim sa paso , sa mga
itim na plastik bag o lata na puwedeng
ibenta. Na kung saan ang napagbilhan
nito ay maaaring gamiting panustos sa
pang araw-araw na gastusin

5. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga


halamang ornamental sa paligid ng
tahanan, parke, hotel, mall, at iba pang
lugar, ito ay nakatatawag ng pansin sa
mga dumadaan na tao lalo na kung ang
mga ito ay namumulaklak at
mahalimuyak bukod sa
nakapagpapaganda ng kapaligiran.

B. Development Ikalawang Gawain sa Pagkatuto 1 Basahin at unawain ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (/) kung
Pagpapaunlad Araw sumasang-ayon at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
______1. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nagbibigay kasiyahan sa
nagtatanim bukod pa sa ito ay nagsisilbing daan upang may bagong pagkakitaan.
______2.Naiiwasan ang polusyon dahil nililinis ng mga punong ornamental ang maruming
hangin na dulot ng usok ng sasakyan, usok mula sa pabrika, usok mula sa sigarilyo, at usok
mula sa sinigaang basura.
______3. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa pamilya at iba
pang tao sa pamayanan.
______4. Ang pagkakaroon ng sariwang hangin ay biyaya ng kalikasan na hindi dapat
pangalagaan.
______5. Maaring ipagbili ang mga itinanim na halamang ornamental.

C. Engagement Ikatlong Gawain sa Pagkatuto 2 Pagtambalin ang mga kapakinabangan ng halamang Ornamental na
Pakikipagpalihan Araw nasa hanay A at mga larawan na nagpapakita ng kapakinabangan sa hanay B. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

______1. Naiiwasan ang Polusyon a.

______2. Napagkakakitaan ng mga tao b.

______3. Nagpapaganda ng paligid c.


Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
______4. Pumipigil sa paguho ng lupa d.

at pagbaha

______5. Nagbibigay lilim at sariwang

hangin e.

D. Assimilation Ikaapat na Gawain sa Pagkatuto 3: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
Paglalapat Araw 1. Ano-ano ang mga kapakinabangang makukuha sa
pagtatanim ng halamang ornamental?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Sa panahon ng pandemya, paano nakatulong sa mga tao ang pagtatanim ng
halamang ornamental?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

V. ASSESSMENT Ikalimang Gawain sa Pagkatuto 4: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel.
(Learning Activity Sheets for Araw 1. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang ornamental sa
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks 3
pamilya at pamayanan?
and 6) a. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
b. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
c. Nagpapaunlad ng pamayanan.
d. Lahat ng mga nabanggit .
2. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental
maliban sa isa?
a. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran
b. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
c. Nagiging makabuluhang libangan ito.
d. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke.
3. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong hindi lamang sa atin kundi sa ating
kapaligiran. Alin sa mga ito ang mabuting naidudulot ng halamang ornamental?
a. napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
b. nakadadagdag ng polusyon ang halamang ornamental
c. Nakasisira ito ng lupa
d. Nakatutulong ito sa paglala ng pagbaha.
4. Paano makatutulong sa kabuhayan ng pamilya ang pagtatanim ng halamang ornamental?
a. nagbibigay ng oksiheno ( oxygen) ang halamang ornamental.
b. nililinis nito ang maruming hangin.
c. naibebenta ang mga tanim na halamang ornamental.
d. nagbibigay ng lilim
5. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng mga puno/halamang
ornamental?
I. Nililinis ng mga puno/halamang ornamental ang maruming hangin.
II. Naglalabas naman ng oksiheno ( oxygen) ang mga puno/halamang ornamental.
III. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
IV. Napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
V. Lahat ng nabanggit ay tama.

a. I b. I at II c. I, II, III d. V.

 
VI. REFLECTION  The learner communicates the explanation of their personal assessment as indicated
in the Learner’s Assessment Card.
 The learner, in their notebook, will write their personal insights about the lesson
using the prompts below.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
I understand that ___________________.
I realize that ________________________.
I need to learn more about __________.
Prepared by: Checked by:

Adora A. Villanueva Lamberto C. Perolina

Susi ng Pagwawasto

Gawain sa Pagkatuto 1

1. √
2. √
3. ×
4. ×
5. √

Gawain sa Pagkatuto 2

1. E
2. A
3. C
4. B
5. D

Gawain sa Pagkatuto 3

Depende sa sagot ng bata

Gawain sa Pagkatuto 4

1. A
2. D
3. A
4. C
5. B

You might also like