You are on page 1of 2

MAMUHAY PARA GAWIN ANG KALOOBAN NG DIYOS,

HINDI ANG SA ATIN


Paalaala sa tagapagsalita:
Ipaliwanag kung paano napaalipin sa kasalanan ang sangkatauhan at kung paano mapalalaya ang isa sa
pamamagitan ng pananampalataya sa pantubos ni Kristo. Ang pagpapahalaga para dito ang dapat mag-udyok
sa atin na ipakita ang pananampalataya sa pantubos sa paraan ng ating pamumuhay

LAGANAP SA LIPUNAN NGAYON ANG ESPIRITU NG PAGSASARILI (3 min.)


May panahong kailangan ang pagsasarili, dahil ayaw nating laging umasa sa ibang tao
Pero laganap sa sanlibutan ngayon ang hindi balanseng espiritu ng pagsasarili na lumalapastangan sa Diyos
Si Satanas ang pinagmumulan ng espiritung ito (Efe 2:2)
Inuudyukan ng makademonyong espiritung ito ang mga tao na magrebelde sa lahat ng awtoridad at
magpadala sa mga pagnanasa nila (lv 53-54 ¶7-8)

PARA MAGING TUNAY NA MALAYA, KAILANGAN TAYONG UMASA SA DIYOS AT KAY JESUS
(10 min.)
Inaakala ng karamihan na malaya sila, pero ang totoo, alipin sila ng kasalanan [Basahin ang Roma 6:16]
Marami ang lumaki sa mga lupain na hindi pamilyar sa konsepto ng pagiging makasalanan; ang iba naman ay
basta hindi naniniwala sa kasalanan (w11 6/15 8-9 ¶9-12)
Itinuturo ng Bibliya na sina Adan at Eva ay totoong mga tao na nilikhang malaya sa kasalanan
Maaari silang mabuhay nang walang hanggan kung susunod sila sa Diyos (Gen 2:16, 17)
Sa pagsuway ni Adan, pinili niyang magsarili mula sa Diyos at naging isang makasalanan (1Ti 2:14)
Naiwala ni Adan ang pag-asang buhay na walang hanggan para sa sarili niya at para sa lahat ng kaniyang
supling (Gen 3:19; Ro 5:12)
Dahil sa pag-ibig, isinaayos ng Diyos na Jehova na matubos ang sangkatauhan para palayain sila mula sa
kasalanan at kamatayan [Basahin ang Roma 6:23]
Ang pantubos ay saligan para sa kapatawaran ng mga kasalanan; dapat tayong manampalataya rito (w10 8/15
13-14 ¶8-11)
Dahil sa pantubos, maaari tayong magkaroon ng tunay na kalayaan at ng pag-asang buhay na walang hanggan

MAMUHAY ARAW-ARAW PARA GAWIN ANG KALOOBAN NI JEHOVA (14 min.)


Dapat ipakita ng lahat ang kanilang pagpapahalaga sa Pinagmulan ng buhay, ang Diyos na Jehova, at sa kaniyang
Anak, si Kristo Jesus, na nagbigay ng kaniyang buhay para sa sangkatauhan (Mat 20:28; Gaw 17:26-28)
Maipakikita natin ang ating pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagpili na gawin ang kalooban ng Diyos sa
halip na ang sa atin [Basahin ang 2 Corinto 5:14, 15]
Para magawa ang kalooban ng Diyos, ang isa ay kailangang maging nakaalay at bautisadong Saksi ni Jehova
Hindi sapat ang basta masiyahan sa pag-aaral ng Bibliya at makisama sa mga gumagawa ng kalooban ng
Diyos
Kasama sa mga hakbang para sa bautismo ang pagsisisi sa ating mga kasalanan at pag-iwan sa
masasamang gawain (w13 3/15 17, kahon)
Kasama sa pag-aalay sa Diyos ang kusang-loob na pagtatatwa sa sarili (Mat 16:24; w05 3/15 11-12 ¶8)
Pagkatapos makapag-alay sa pamamagitan ng panalangin, dapat nating hayagang sagisagan ito sa
pamamagitan ng bautismo sa tubig (Mat 28:19; Ro 10:10)
Bautisado man tayo o sumusulong pa lang tungo sa bautismo, patuloy nating itakwil ang makasariling landasin
Tumakas mula sa seksuwal na imoralidad [Basahin ang 1 Corinto 6:18-20]
Iwasan ang mga kasama at libangan na nagtataguyod ng maruruming kaisipan at paggawi (Efe 5:3; g 9/13
5)
Huwag magkumahog sa kayamanan o ibigin ang mga materyal na pag-aari (1Ti 6:9, 10)
Sinabi ni Jesus na “hindi [tayo] maaaring magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan” (Mat 6:19-24)
Bilang pagtulad kay Jesus, dapat nating gamitin ang ating panahon at lakas para tulungan ang iba
Tulungan silang malaman ang katotohanan tungkol sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Kaharian (Mat 9:36-38)
Kusang-loob at mapagpakumbabang alalayan ang iba, at tulungan sila sa kanilang pangangailangan (Ju 13:3-
5, 12-15; w15 2/15 8-9 ¶14-16)

PATIBAYIN ANG IYONG PASIYA NA MAMUHAY PARA GAWIN ANG KALOOBAN NG DIYOS
(3 min.)
Kailangan nating patuloy na paalalahanan ang ating sarili na umaasa tayo sa Diyos at kay Jesus
Sa panalangin, kilalanin natin na ang ating buhay ay nagmula sa Diyos at ang ating pag-asa sa hinaharap ay
nakadepende sa pananampalataya natin sa pantubos
Gumawa ng mga desisyon, hindi bilang independiyenteng indibiduwal, kundi bilang lingkod ng tunay na
Diyos
Kapag pinatibay natin ang ating determinasyong gawin ang kalooban ng Diyos, magtatamasa tayo ng walang-
hanggang mga pagpapala [Basahin ang Roma 6:22]
[Huwag lumayo sa outline, at sundin ang ipinakitang oras sa bawat bahagi. Hindi kailangang basahin o
komentuhan ang lahat ng nabanggit na teksto. Tingnan ang aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 52-
55, 166-169]
Blg. 8-TG 9/15 SASAKLAWIN SA 30 MINUTO

You might also like