You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHAN

MAIKLING PAGSUSULIT BILANG 1


ARALING PANLIPUNAN 8
S.Y. 2020-2021

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Ito ay tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ng Greece?


a. kontra-repormasyon b. humanism c. renaissance d. repormasyon
2. Ano ang tawag sa kilusang intelektuwal noong renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na
sibilisasyon ng Greece at Rome?
a. humanismo b. philosophes c. renaissance d. Society of Jesus
3. Ano ang tawag sa panghihimasok, pag-impluwensya o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa?
a. Imperyalismo b. Kolonyalismo c. Protectorate d. Sphere of influence
4. Kailan nagsimula ang dakilang panahon ng Eksplorasyon?
a. ika-15 na siglo b. ika-16 na siglo c. ika-17 na siglo d. ika-19 na siglo
5. Ano ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalungad?
a. France b. Netherlands c. Portugal d. Spain
6. Alin sa mga sumusunod na motibo sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon ang HINDI kabilang?
a. paghahanap ng kayamanan b. paghahanap ng pampalasa
c. paghahangad ng katanyagan at karangalan d. pagpapalaganap ng kristiyanismo
7. Alin sa mga sumusunod na salik ang HINDI kabilang kung bakit naisakatuparan ng mga Europeo ang paglalakbay sa
malalawak na karagatan noong ika-15 siglo?
a. pagiging mausisa dulot ng renaissance
b. pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay
c. pagkatuklas ng mga instrumentong pangnabigasyon at sasakyang pandagat.
d. pakikipagtulungan sa mga bansang Europeo na nangunguna sa paggagalugad at nabigasyon.
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epekto ng eksplorasyon sa kasaysayan ng Daigdig?
a. Naging dahilan upang makaimbento ng mga instrumentong pangnabigasyon.
b. Naging dahilan upang magsimula ang pagtuklas ng lupain ng mga espanyol.
c. Nagbigay lakas sa mga Europeo upang palakihin ang pakikipagkalakalan sa silangan.
d. Naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng imperyong Europeo.
9. Bakit hindi gaanong kilala ng mga maggagalugad na Europeo ang Africa?
a. Sapagkat mahirap marating ang kaloob-loobang bahagi nito
b. Sapagkat wala pang nailathala o napalimbag na aklat tungkol dito.
c. Dahil wala pang Europeo ang nakasubok na marating at magalugad ang Africa.
d. Dahil sa misteryong alamat na ito’y napaliligiran ng mga higanteng puno at wala ng nakakalabas ng buhay dito.
10. Ano ang naging epekto ng unang yugto ng kolonisasyon sa pagkakaroon ng pagbabago sa ecosystem ng daigdig?
a. Nagresulta ng maunlad na pamumuhay ng mga tao at masaganang likas na yaman.
b. Nagresulta sa pagpapalitan ng mga hayop,halaman at sakit sa pagitan ng Old World at New World.
c. Nagresulta ng maraming hanapbuhay na mapapasukan ng mga tao at nagpasigla sa ekonomiya ng bansa.
d. Nagresulta ng pagkakaroon ng kasarinlan at kalayaan ng mga bansang nasakop ng mga makapangyarihang bansa.
II. PAGTATAMBAL: Piliin ang tamang sagot sa Hanay B sa bawat tinutukoy ng mga pahayag sa Hanay A. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. Ama ng Humanismo a. Isotta Nogarola
2. Makata ng mga Makata b. Galileo Galilei
3. Ang may obra maestra ng estatwa ni David c. Raphael Santi
4. Ang hindi malilimutang obra maestra niya ay ang “Huling Hapunan” d. Leonardo da Vinci
5. Ganap na Pintor e. Michelangelo Bounarotti
6. Isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha”. f. Miguel de Cervantes
7. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron” g. Nicollo Machievelli
8. May akda ng “The Prince” h. Francesco Petrarch
9. Isang astronomo at matematiko na nakaimbento ng teleskopyo i. Giovanni Boccacio
10. Ang may akda ng Dialogue on Adam and Eve j. William Shakespeare
k. Laura Cereta

You might also like