You are on page 1of 3

Ulirang Pag-ibig

Members:
Rainier
Lianna
Jairus
Lindsay
Mearah
Gabby

1 - Rainier
2 - Lianna
3 - Jairus
4 - Lindsay
5 - Gabby
6 - Mearah
7 - Rainier
8 - Lianna
9 - Jairus

1. Ang kwento ay tungkol sa katatagan ng pag-ibig ng isang magkasintahan. Nagsimula


ang kwento ng ipinapahayag ng magkasintahan ang pagmamahal nila para sa isa’t isa,
sila ay si Roman at si Ninay. Tapos biglang tumatak sa isip ni Roman ang kanyang
kinabukasan, iniisip niya ang malungkot na mangyayari kapag siya’y malayo kay Ninay,
pero sinabi niya na malaki na daw sila at kinakailangang ipagpatuloy ang kanilang pag-
aaral. Kaya humingi ng pahintulot si Roman kung pwede siyang lumisan sa Maynila,
pero natatakot si Ninay na baka siya ay makalimutan ni Roman.
2. Patuloy pa rin nilang pinaguusapan ang paglisan ni Roman, at sinasabi niya na hindi
niya makakalimutan si Ninay saan man siya pupunta. Ang pagpatuloy ng pag-aaral ay
nais ng magulang ni Roman, at hindi maiwasan ni Ninay na umiyak. Sa huli, pinayagan
ni Ninay si Roman na lumisan papunta sa Maynila.
3. Dumating ang araw, nagpaalam si Roman sa kanilang nayon at patuloy nang umalis.
Nakaranas si Ninay ng sobrang kalungkutan, pero nasanay na siya ng lumipas ang
ilang araw. Natapos na ang apat na taon, at si Roman ay hindi nakatapos ng hayskul,
dahil lagi siyang naglilibang at nahirapan siyang mag-aral, subalit sa kabila ng
pagkabigo ay mayroon naman siyang pinagkakakitaan at ito ay sapat na para sa
kanyang pangangailangan.
4. Apat na ang taon na lumipas, at hindi pa nakakallimutan ni Roman si Ninay, at si
Ninay naman ay patulong pa ring umaasa na hindi siya kalilimutan ni Roman. Isang
araw ay bumalik si Roman mula Maynila, pero siya ay nakakaranas ng sakit. Nabalitaan
ni Ninay ang pagbalik at kalagayan ni Roman, kaya agad niyang pinuntahan ito
pagkatapos ng hapunan, kasama ang kanyang maliit na kapatid.
5. Nang nakarating na sila sa bahay ni Roman, sinabihan sila wag magsalita ng
malakas dahil magigising si Roman, subalit nang marining ni Roman ang tinig ni Ninay
ay dumilat siya at sinubukang tumayo pero hindi niya kaya, at tinawag niya si Ninay.
Nag-usap sila at sinabi ni Ninay kay Roman na magpagaling siya, at mas lalong
lumakas ang tiwala ni Roman na siya ay gagaling.
6. Isang masayang araw ang dumating at gumaling si Roman, kaya inisip ng kanyang
magulang na ipagdiwang ang kanyang pagkagaling at pasalamatan ang Diyos dahil
dito. Sila ay nag-awitan at nagtulaan, at nang uwian na, inisip ni Roman na iuuwi niya si
Ninay sa kanyang bahay. Nakarating na sila sa bahay ni Ninay at sinabi ni Roman ang
kanyang planong mag-usap at maging tapat sa kanya, kaya pumunta sila sa lagi nilang
inuupuan kapag lulubog na ang araw.
7. Tinanong ni Roman kay ninay kung siya ay napatawad na niya, at iginiit ni Ninay na
wala naman siyang ginawang kasalanan. Sinabi ni Roman ang kanyang plano na
hilingin ang kamay ni Ninay at titira sila sa Maynila, pero gusto lamang ni Ninay na
manatili sa nayon. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan, pinipilit pa rin ni Roman
na sumama si Ninay sa kanya sa Maynila, pero ayaw pa rin niya at sinabi niya na hindi
ganyan ang Roman na nakilala niya bago lumisan sa Maynila.
8. Patuloy nang umalis si Roman ng may galit sa kanyang puso. Hindi nakatulog si
Ninay at nakaranas siya muli ng kalungkutan halos buong araw, at pinangkako niyang
hindi siya muling magmamahal upang hindi na muling masaktan ang kanyang
damdamin. Pagkatapos ng ilang oras, dumating si Roman at nagulat si Ninay, sinasabi
niya na hindi na siya aalis, humingi siya ng tawad mula kay Ninay at pinatawad naman
siya, pinangako niya na hindi na siya muling luluwas.
9. Ang plano ni Roman ang maging magbubukid na lamang siya at magiging sapat ito
sa plano nilang magkaroon ng pamilya. Inakala ni Ninay na siya ay nagbibiro pero hindi
dahil sinabi niya sa kanyang magulang na siya ay magiging magsasaka na lamang at
hindi siya luluwas kailanman. Sobrang natuwa si Ninay at nagpasalamat si Roman. Sa
huli, nabigyan sila ng pahintulot upang magpakasal at patuloy nang lumaki ang
pagmamahal nila sa isa’t isa.

You might also like