You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

PATRIDEL V. SATIRA
MAED- FILIPINO
Dr. TERESITA C. ELAYBA

“PANITIKAN NG FILIPINAS”

Ito’y nagpapahayag ng kaisipan,


kung tawagin ng lahat ay Panitikan.
Ang mga damdamin, mga karanasan,
hangari’t diwa ng tao ay kabilang.

Tayo’y may dalwang uri ng panitikan,


ang tulang patula at tulang tuluyan
kinagiliwan at kinahumalingan
ninuno at makabangong kabataan.

Ayon sa pag-aaral at pagsaliksik


may pagkakahawig ang korido at awit
karaniwan at madalas na paksain
ay patungkol sa pamilyang madasalin.

Pinakasikat ang Florante at Laura


na isinulat ni Francisco Baltazar,
na itinuring ni Dr. Jose Rizal
na isang awit na pinakamahusay.

Ang iba’t ibang anyo ng panitikan


ay mayaman sa kulturang Pilipino
tanyag ang kwentong-bayan, maikling kwento,
nobela, katha, sanaysay, tula’t dula.

Awit ang madalas na kahumalingan


Lalo na ang paksa ay pag-iibigan
Isinisiwalat ang nararamdaman
saliw ng musika ay sinasabayan.

You might also like