You are on page 1of 1

Refutation sa mga Pork Eater: Acts 10:15

SAGOT: Acts 10:28

"Sinabi niya, “Alam naman ninyo na BAWAL SA ISANG JUDIO ang MAKIHALUBILO o dumalaw
sa isang HINDI JUDIO [o Hentil].

Subalit IPINAKITA sa AKIN ng DIYOS na WALA akong dapat ITURING na MARUMI at di


KARAPAT-DAPAT PAKITUNGUHAN."

Ef. 2:15-19 (MBB):

"Pinawalang-bisa niya ang Kautusang pawang mga utos at alituntunin upang ang mga
Judio at mga Hentil ay maging iisang bayan na lamang, at sa ganito'y maghari ang
kapayapaan.

Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan niya ang kanilang alitan,


pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan.

Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat ang Magandang Balita ng


kapayapaan, sa inyong mga Hentil, at sa inyong mga Judio.

Dahil kay Cristo, tayo'y kapwa nakakalapit sa presensya ng Ama sa pamamagitan ng


iisang Espiritu.

Samakatuwid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan na ng mga


hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan."

Hindi tumutukoy sa Marumi at Karumaldumal na hayop ang pangitaing dumating kay


Pedro. Kundi ito'y tungkol sa pagkalinis ng mga Hentil na itinuturing na marumi ng
mga Hudyo kaya silay hindi nakikisalamuha sa kanila noon. Subalit ng ipakita ng
Deus ang pangitain at naunawaan ito ni Pedro, nangangahulugan pala ito na sila ay
pwede nang makisalamuha sa mga Hentil at hindi dapat ito ituring na marumi sapagkat
ang Deus ay hindi nagtatangi. Dahil ang pagliligtas ng Panginoong Hesus at
paglilinis ng kasalanan ay hindi lamang para sa Israel bagkus maging para sa mga
Hentil. Muli, ang pangitain ni Pedro ay hindi tungkol sa batas ng pagkain kundi sa
batas na umiiral tungkol sa Judio at Hentil.

You might also like