You are on page 1of 9

ANG WIKA

Kahulugan ng Wika

Ayon sa:
Linggwista
-masistemang balangkas na may sinusunod na hakbang o pamamaraan upang ito’y matutunan o
mapag-aralan.
 Gleason
-ang wika ay isang sistematikong balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitrary upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
 Caroll (1973)
-ang wika ay masistemang estruktura ng sinasalitang tunog at pagsasaayos nito sa paraang
arbitrary upang magamit sa interpersonal na pakikipagkomunikasyon at ang makabuluhang pagsasama-
sama ng mga bagay, pangyayari at mga karanasan ng sangkatauhan.
Sosyolinggwista
 Basil Bernstein
-restricted code-pampublikong wika o wikang pangmasa
-elaborated code-pormal na wika o wikang ginagamit sa mga komplikado at ekspresyon ng
organisasyong panlinggwistika.
 Benjamin Lee Whorf
-ang wika ay binubuo ng mga payak na salitang nalilikha dahil sa pagtugon ng mga tao sa
kanyang kapaligiran.
 Edward Sapir
-ang wika ay pantao at likas ang paggamit ng tao sa wika.
Transpormasyonal
 Chomsky
-ang wika ay isang sistema ay may kaugnayan sa kahulugan at kabuluhan.
-ang wika ay isang penomenang mental kung saan ito ay likas sa tao at dahil sa kaikasan nito ,
may kakayahan siyang matuto ng wika.
 Tumangan (1997)
-ang wika ay isang paraan ng pananagisag o pagbibigay-kahulugan sa mga tunog sa tulong ng
mga bahagi ng katawan sa pagsasalita upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan.
#lorimarbook
 Hutch (1991)
-ang wika ay sistema ng mga tunog, arbitrary na ginagamit sa komunikasyong pantao.
 Bouman (1990)
-isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao , sa isang tiyak na lugar, para sa isang
particular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal para makapagpahayag .
 Webster
-ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na
komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng
kalakip na mga sangkap ng pananalita.
 Sturtevant
-ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng
mga tao.
 Samakatuwid,Brown (1980)
-ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang
kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao.
Sa pangkalahatan : ang wika ay pantao ; ang wika bilang naisasaayos na sinasalita o binibigkas na mga
simbolo, ang mga simbolong ito ay may mga taglay na kahulugan; masistema ang wika: at nabubuo o
nagagamit ang wika sa isang lipunan o kultura.

KATANGIAN AT KALIKASAN NG WIKA

1. May dalawang masistemang balangkas ang wika


Dalawang balangkas ng wika:
Balangkas ng tunog at balangkas ng kahulugan
Bawat wika ay may tiyak na dami ng tunog na pinagsama-sama sa isang sistematikong
paraan upang makabuo ng isang makahulugang yunit(ponema). Sa pagsasama-sama ng mga
tunog, dapat din nating isaalang-alang ang pagtataglay nito ng kahulugan. Mula sa pinagsama-
samang mga tunog,mabubuo ang isang salita. Pinagsasama-sama rin ang mga salita upang
makabuo ng ng mga parirala(walang simuno at panaguri) at mga pangungusap. Kung
pagsasama-samahin ang mga pangungusap ay makakabuo tayo ng makabuluhang talata o
pahayag.

Sa ibang salita, nagsimula ito sa pag-aaral sa antas ng ponolohiya hanggang sa sintaksis


na isinaalang-alang ang kahulugang taglay ng bawat pahayag. Sa pagbuo ng salita, masasabi na
ang wika ay may estrukturang sinusunod. Tumutukoy ang estruktura sa anyo ng mga wika at sa
wastong kaayusan ng mga ito bilang mgkakaugnay na salita sa loob ng pangungusap.

2. Ang wika ay arbitraryo

Ang wika ay arbitraryo dahil ang mga tunog ay pinipili at isinasaayos ayon sa layunin at
pangangailangan ng mga taong gumagamit nito. Ang mga taong gumagamit ng wikang ito ay
nagkakasundo sa mga tunog at mga katawagang kanilang gagamitin upang itawag sa mga bagay-
bagay sa pagpapahayag ng kanilang sariling saloobin at kaisipan.

Filipino Ingles Zambal Botolan Cebuano/cebuana


BAHAY HOUSE BALE BALAY
SANGGOL BABY KULAW puya

3. Ang wika ay sinsalitang tunog

Ito ay binibigkas sa tulong ng ibat ibang sangkap/bahagi ng katawan ng tao sa pagsasalita tulad
ng dila, labi, babagtingang tinig, ngalangala at iba pa. Mahalaga ang sangkap na ito upang
mabuo ang tunog ng isang wika at upang maintindihan ang nais ipahayag. Dahil ang wika ay
sinasalita, ang pasulat na wika ay representasyon lamang ng sinsalitang tunog dahil nababasa
lamang ng isang tao ang nakasulat na wika kung alam niyang bigkasin ang mga tunog na
napapaloob dito.

4. Ang wika ay pantao


Tao lamang ang nagtataglay ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita o sa pagbuo n
mga tunog ng pangwika. Magkaiba ang wikang pantao at wikang panghayop,
nakakalikha ng mga tunog ang mga hayop hindi nito kayang lumikha ng tunog na
kailangan sa pakikipagtalastasan.

5. Ang wika ay buhay at dinamiko

Dinamiko ang wika dahil patuloy na umuunlad, yumayabong at lumalawak ang mga termino at
bokabularyo. Ang wika hindi nagbabago at umuunlad ay sinasabing patay na wika. Upang
maging buhay ang wika, dumaraan ito sa proseso ng panghihiram mula sa wikang katutubo at
dayuhan,paglikha o pagbuo ng bagong salita, paglalapi, pag-uulit at iba pa.

Halimbawa ng patay na wika: Hebrew, griyego at iba sapagkat hindi na ito tumutugon sa mga
pangangailangan sa pagbabago ng wika.

6. Ang wika ay natatangi

Bawat wika ay nagtataglay ng katangiang naiiba sa ibang wika. Bawat wika ay may sariling set ng
ng mag tunog, mga yunit panggramatika at sistema ng palaugnayan. Walang wikang magkatulad
na magkatulad, mayroon at mayroon ito pagkakainba sa sistema ng mga tunog, pagbubuo ng
mga salita at pagbubuo ng mga pangungusap.

7. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng taong gumagamit nito

Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin,


tradisyon,mithiin at paniniwala ang mga tao. Dahil ditto,masasabing sapat ang wika upang
maipahayag ang kultura ng mga tao at walang wikang mas superior o mataas kaysa sa iba dahil
ang wikang ginagamit ng mga taong may isang kultura,sapat na para sa kanilang
pangangailangan at pakikipamuhay sa kapangkat.

8. Ang wika ay malikhain

Ito ay malikhain sapagkat nakakabuo ng ibat ibang anyo at uri ng pahayag sa kaniyang
pakikipagtalastasan ang tao sa pamamagitan ng wika. Taglay ng wika ang mga tuntuning
makapagbubuo ng walang hangganang pangungusap lalo na sa kaniyang unang wika. Dahil din
sa katangian ng wika, nakalilikha ang isang tao ng mga pangungusap na bagong-bago na maaring
hindi pa niya nasasabi at nagagamit.

9. Ang wika ay para sa komunikasyon

Sa tulong ng wika naipapahayag ng tao ang kaniyang saloobin,opinion,palagay at damdamin


saiba upang maiugnay niya ang kaniyang sarili sa iba. Ito ay nagbubunga ng
pagkakaunawaan,pagkakaisa at kapayapaan.

10. Ang wika ay isang penomenong panlipunan


Ginagamit ang wika upang upang makipag-ugnayan sa kapwa sa lipunang ginagalawan. Paraan
din ito upang magkaroon ang tao ng ugnayan sakapaligiran. Kung gayon, masasabing natutuhan
ang wika dahil sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at isa itong kasanayang kailangan upang
makipamuhay ang isang tao sa lipunan nito.

KAHALAGAHAN NG WIKA

A. Instrumento ng Komunikasyon - ginagamit ng tao ang wika sa pagpapahayag ng


damdamin at kaisipan. Kung minsan, hindi kinakailangang ang isang tao ay magkaroon ng
mataas na kaalaman sa isang wika upang maipahayag nya ang kanyang saloobin. Ang
kawastuang gramatika ay hindi na gaanong pinapansin lalo na kung ang nag-uusap ay may
magkaibang wika. Sapat nang maipahayag ng bawat isa ang konseptong nais nilang iparating sa
wikang pareho nilang mauunawaan. Ang mahalaga sa komunikasyon ay pagkakaunawaan.

B. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng kaalaman - maraming kaalaman ang naisasalin sa


bawat saling-lahi sa pamamagitan ng wika. Kung ang isang tao ay nakatuklas ng isang
mahalagang kaalaman, ang kaalamang ito ay sinusulat niya o kaya'y sinasabi sa isang kakilala.
Dahil dito ang kaalamang kanyang natuklasan ay hindi kasamang nalilibing kapag ang taong
nakatuklas ay namatay na. Kung sakaling matapos matuklasan ni Benjamin Franklin ang
kuryente siya ay namatay nang hindi man lang nya ito naisulat o hindi man lamang nasabi sa
isang kakilala, Marahil ay wala pa tayong kuryente ngayon. Sa ganitong pagkakataon masasabi
nating ang wika ay gumanap ng tungkuling pag- iingat sa kaalaman. Sa pamamagitan ng wika
ang kaalaman ay nanatili o napangangalagaan. Wika rin ang ginagamit na midyum upang ang
nabanggit na kaalaman ay mapalaganap. Mabisang gamitin ang wika sa pagtuturo at
pagpapalaganap ng kaalaman sa loob at labas ng paaralan.

C. Nagbubuklod ng Bansa - ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga


upang magkaisa at mabuklod ang mga mamayan nito. Kung titingnan nating ang mga bansang
kalapit natin, mapapansing lahat sila ay nagsisikap na malinang ang kanilang pambansang wika.
Ang China na siyang pinakamalaking bansa sa daigdig ay may isang pambansang wika, ang
Mandarin. "Ang mga Indonesyan, noong sila ay nakikipaghamok sa mga Olandes upang makamit
ang kalayaan ay sumisigaw ng "Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-ir!" (Isang Bansa! Isang
Wika! Isang Inangbayan!). Maagang nakilala ng mga Indonesyan ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng isang pambansang wika upang ang kanilang mga mamayan ay mabuklod. Kaya
naman ang unang ginawa nila matapos makamit ang kasaimlan ay bumuo sila ng isang Bahasa
Indonesya na ngayon ay kanilang wikang pambansa buhat sa lahat ng wikaing sinasalita sa
kanilang bansa." (Relova: 1973)

D. Lumilinang ng Malikhaing pag-iisip - ayon kay Reynaldo L. Aguilar (1994), ito ang
pinakamahalagang tungkuling ng wika, sapagkat dito pinaiiral ang malikhaing paglalang ng mga
bagong pamamaraan at bagong paniniwala. Sa tungkuling ito, ang wika ay kinakailangang
matatas at maunlad. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela, parang
nararamdaman natin ang nararamdaman ng pangunahing tauhan dahil pinagagana ng wika at
ating imahinasyon. Sa pamamagitan ng payak at tiyak na panuto, naituturo sa ating ang
paggawa ng isang bagay kahit hindi natin nakikita kung paano ito ginagawa. Dahil sa wika
maraming mga bagay ang nabubuo, nalilikha o naiimbento. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng
idea ng mga tao, nakabubuo sila ng mga bagong konsepto na humahantong sa paglikha o pag-
imbento ng mga bagong bagay.

TUNGKULIN/ GAMIT NG WIKA

Ferdinand Sausure-- isang functionalist -- mas kailangan pagtuunan ng pansin ang anyo at
paraan ng wikang ginagamit, subalit sa katunayan, ang kahulugan ng sinasabi ng nagsasalita ay
nakasalalay sa paraan at anyo ng pagsasalita. -- ang bawat salitang ginagamit ay makabuluhan at
magkakaugnay.

Emile Durkheim (1985) “ Ama ng Makabagong Sosyolohiya” -- ang lipunan ay nabubuo sa


pamamagitan ng mga taong naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang bawat isa ay may kani-
kaniyang papel na ginagampanan. -- “Ang tao ay nabubuhay, nakikipagtalastasan at nakikisama
sa lipunang kinabibilangan niya.

Ayon kay M.A.K. Halliday (1973) (Aklat na explorations in the functions of language)
1. Pang-instrumental -- tugunan ang pangangailangan
2. Panregulatori -- pagkontrol ng ugali o asal ng tao hal. Pagbibigay ng direksyon
3. Pang-interaksyon -- paraan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa.
4. Pampersonal -- pala-palagay o kuro-kuro; talaarawan at jornal
5. Pang-imahinasyon -- malikhaing guni-guni ng isang tao sa paraang pasulat o pasalita.
6. Pang-heuristiko -- pagkuha p paghahanap ng impormasyon hal. Pag-iinterbyu,pakikinig sa
radio
7. Pang-impormatibo -- pagbibigay ng impormasyon 7 Tungkulin ng Wika – “Explorations in the
functions of Language

Ayon kay Jakobson (2003)– may anim na paraan na paggamit ng wika


1. Pagpapahayag ng Damdamin ( Emotive) -- palutangin ang karakter ng nagsasalita.
2. Paghihikayat (conative) -- ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o magpakilos
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) -- panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan
sa kapwa.
4. Paggamit bilang Sanggunian (referential) -- nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng mga
taong nagtatrabaho nang sama-sama
5. Pagbibigay ng Kuro-kuro (metalingual) -- ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay
ng komentaryo sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (poetic) -- masining na paraan ng pagpapahayag

MGA TEORYA/PANINIWALA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG WIKA

A. Paniniwalang galling sa Bibliya

1. Lumang Tipan(Tore ng Babel)- Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong
unang panahon(Aramian) kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao.
Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-
ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at
mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang
tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at
naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)

2. Bagong tipan(pentekostes)

-Hango sa Bagong Tipan na nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo ,


natuto ang mga apostol ng mga wikang hindi nil nalalaman.

-Nilukob sila ng maladilang-apoy na nagpasigla sa


kanila hanggang sa sila ay nagsalita ng iba’t ibang
wika.

B. Paniniwala mula sa mga pilosopo at siyentista

Bow-wow

Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong
magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang
tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung
bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin
ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng
mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung
totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog
na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?

Ding-dong

Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang
ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao.
Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat
isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-
bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng
tunog

Pooh-pooh

Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay
napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng
takot?
Yo-he-ho

Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin
ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin
kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate
o kapag ang mga ina ay nanganganak?

Yum-yum

Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng


pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-
ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika

Ta-ta

Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa
bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha
ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang
nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at
pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.

Sing-song

Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,


pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na
taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi
maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

Hey you!

Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng


interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula
ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!).
Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din
itong teoryang kontak.

Coo Coo

Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang
mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-
bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog
ng mga matatanda.
Babble Lucky

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa
pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang
kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na
kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

Hocus Pocus

Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan
ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw
kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal
na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.

Eureka!

Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay
may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na
bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at
naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).

La-la

Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.

Ta-ra-ra-boom-de-ay

Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain
tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa
nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay
ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw
ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y
nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

Mama

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng


pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya
masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang
mother.

Rene Descartes

Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya't likas sa kaniya ang gumamit ng wika na
aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak
gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang
kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba't ibang tungkulin
nito sa kaniyang buhay.

Plato

Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa
paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng
tao ang wika kung kaya;t naimbento ito ng tao.

Charles Darwin

Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya't nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination
of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya
ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of
Language”, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa
kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.

Wikang Aramean

Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May
paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga
Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia.
Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.

Haring Psammatichos

Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si


Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol siyang
pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig ng
anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng "Bekos" ang dalawang bata na
ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi
ituro ang pinanghahawakan ng teoryang ito.

You might also like