You are on page 1of 1

LITERATURA NG PILIPINAS CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: MARAWIYA ANJI SEKSYON: LIT 1(O34-2)


PAMAGAT NG GAWAIN: ALAMAT PETSA: APRIL 30, 2021

ANG ALAMAT NG CACTUS

Noong unang panahon sa lungsod ng Masagana, maraming mga tao ang naninirahan
doon. Isa na rito ay ang pamilya ni Lito at Neneng. Maganda ang kanilang pamumuhay.
Ang mag-asawang si Lito at Neneng ay may mga mabubuting puso. Sila ay lubos na
ginagalang ng mga tao roon dahil sa taglay nilang kabaitan.

Sa tagal ng kanilang pagsasama, nagbunga ito ng isang magandang dilag. Ang dalagang
ito ay ang nag-iisa nilang anak at ito ay si Carmela. Napakagandang dalaga ni Carmela
ngunit kabaliktaran naman ito ng kaniyang ugali. Maganda ang pagpapalaki sa kaniya ng
mag-asawa ngunit hindi ito nagbunga ng magandang asal. Si Carmela ay parating galit
sa mga taong nakapaligid sa kaniya na naging rason upang hindi lumapit sa kaniya ang
mga tao. Ang ganitong ugali ni Carmela ay nagdulot ng lungkot sa kaniyang mga
magulang. Hindi nila alam kung papaano nila babaguhin ang ugali ng kanilang anak dahil
tila ayaw nitong mabago ang kaniyang ugali.

Isang araw, habang naglalakad si Carmela pauwi, ay nakasalubong niya ang isang
matandang babae. Kitang-kita sa mukha ng matanda na ito ay gutom. Sinubukan niyang
iabot ang kaniyang kamay kay Carmela upang humingi ng makakain. Tinulak ni Carmela
ang matandang babae na naging sanhi ng pagkatumba nito. Agad siyang tumakbo pauwi
at hindi man lang tinulungang makatayo ang matanda. Isang araw, hindi nakapasok si
Carmela sa paaralan sapagkat siya ay nagkasakit. Pinatingin ni Lito at Neneng ang
kalagayan nito sa isang doctor ngunit hindi matiyak ng doctor ang karamdaman ni
Carmela. Labis silang nag-alala at hindi nila alam kung papaano magiging maayos ang
kalagayan ni Carmela. Umabot na ng tatlong lingo ngunit hindi pa rin ito gumagaling.
Hanggang sa isang araw, nadatnan na lamang ng mag-asawa na wala na itong buhay.
Ilang araw makalipas ang pagpanaw ni Carmela,may isang halaman ang tumubo sa
hardin ng mag-asawa. Ang halamang ito ay puno ng tinik at hindi basta-bastang
nahahawakan tulad na lamang ni Carmela. Dahil sa anyo ng halamang ito, pinangalanan
nila itong Cactus.

You might also like