You are on page 1of 65

1

KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Ang pagtataguyod ng de kalidad na edukasyon ay ang isa sa mga

proyaridad ng Kagawaran ng Edukasyon sa bansa sa kabila ng pandemya.

Sinasabing ang edukasyon ay hindi dapat tumigil, Ito raw ay hindi

makapaghihintay. Kapag ang pagkatuto ay tumigil, mawawalan tayo ng kapital

ng tao (UNESCO 2020).

Dahil dito, hindi na nakapagtatakang maraming mga guro ang

sumasailalim sa mga pagsasanay upang harapin ang bagong normal sa

larangan ng edukasyon.

Hindi rin tumitigil ang mga guro sa pagsasagawa ng mga inobasyon at

iba’t ibang pamamaraan upang mapaunlad ang proseso ng pagtuturo at

pagkatuto.

Ang mga guro ang pangunahin at may tuwirang komunikasyon sa mga

mag-aaral sa loob ng silid-aralan kung kaya’t sila rin ang nakaaalam ng iba’t

ibang pangangailangan, kahinaan at maging kalakasan ng kanilang mga mag-

aaral.

Sa loob ng maraming taon bago pa man dumating ang pandemyang

Corona Virus 2019 ay naging kapuna-puna sa mga guro at sa mga mananaliksik

ang iba’t ibang pangangailangan ng mga mag-aaral na nasusumpungan sa

klase. Ang mga ito ay ang kahinaan sa mga makrong kasanayan partikular sa

pagbasa at pagsulat.
2

Subalit higit na kapuna-puna sa mga mag-aaral ngayon at sa mga

nagdaang mga taon ang kanilang kahinaan sa pagsulat kung ikukumpara sa iba

pang makrong kasanayan. Kakaunti lamang ang mga mag-aaral na nahihilig sa

pagsulat. Makikita ito sa mga gawain o pagsasanay na ibinibigay sa kanila na

may kinalaman sa domain ng pagsulat na matatagpuan sa Gabay

Pangkurikulum ng K-12 Basic Enhanced Education.

Hindi natatamo ang mga kasanayang pampagkatuto o kompitensi sa

domain ng pagsulat dahil kalimitan ay walang naisusulat sa kanilang mga

gawaing papel ang mga mag-aaral. Sa oras ng pagpasa, napapansin lagi ng

guro ang mga blangkong papel, ang kakapusan sa kanilang pangungusap at ang

iba naman ay hindi na nagpapasa pa ng kanilang mga gawain. Kadalasan, kung

may naisusulat man ay hindi pa rin malinaw ang kanilang mga nais na ipahayag.

Malimit ay nagkakamali sila sa baybay ng mga salita, hindi gumagamit ng

wastong bantas at hindi rin maingat sa paggamit ng malaki at maliit na titik at

hindi ma-organisa nang maayos ang kanilang damdamin,saloobin at ideya. Hindi

rin nagiging sapat ang 30 minuto o kahit pa ang isang oras upang matapos ang

kanilang gawain. Ipauwi man ito ay hindi rin nila nagagawa. Sa ikalawang araw

ng pagpapasulat bilang pagbibigay ng pagkakataon sa kanila ay hindi pa rin nila

nabubuo hanggang sa uupuan na ng guro ay wala pa ring maisusulat o kaya ay

makasusulat nga kahit iilang salita subalit wala namang kaugnayan sa paksa.

Kung hindi mabibigyan ng pansin ang kahinaan sa pagsulat,

nakababahalang makararating sila sa mas mataas na antas at sa Senior High

nang wala pa rin silang maisusulat na anuman pagdating sa mga gawain at


3

kompitensing nakalaan sa domain na ito. Kung magkagayon ay mas

mahihirapan silang makabuo ng kanilang pananaliksik na isa sa mga

pinakamabusisi at maprosesong pagsulat pagdating sa mas mataas na antas o

grado.

Ito ay nagiging malaking suliranin sapagkat ang kompitensi na dapat

sanang matutunan ng mga mag-aaral ay hindi nakukuha at di napauunlad.

Iwasto man ng guro ang kanilang pagkakamali sa kanilang baybay, paggamit ng

malaki at maliit na titik, paggamit ng wastong bantas ngunit sa mga susunod na

gawain na may kinalaman sa kompitensi sa domain ng pagsulat ay nauulit pa rin

sa mga ganitong kahinaan ang mga mag-aaral. Nagiging paulit-ulit ang kamalian

at hindi ito dapat humangga lamang sa paulit-ulit na pagwawasto ng guro.

Sa kasalukuyan mula sa mga obserbasyon at pananaliksik ng guro,

maraming salik ang nakaaapekto ng pagsulat ng mga kabataan. Isa na rito ang

malaganap na text messaging at chatting, pagiging hindi maingat, kawalan ng

follow-up sa bahay ng mga magulang, kawalan ng ganang matuto at iba pang

mga katulad nito. Dahil sa mga salik na ito, nakasanayan na ng mga mag-aaral

ang pagbabalewala sa pagsulat. Madalas kapag ang gawain ay nauukol na rito,

mababakas ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral upang magsulat.

Halatang umiiwas sila sa mga ganitong gawain kung kaya’t lalong wala silang

magandang awtput. Nakapagpapabigat nang labis ang mga salik na ito sa mga

mag-aaral nang hindi nila namamalayan.


4

Sa panahong ito ng pandemyang Covid 19 (Corona Virus Disease 2019),

iba-iba ang pamamaraang ginagawa ng mga guro upang matugunan ang

kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Hindi pa pinapayagan ang face to face

learning o harapang pagkatuto, kung kaya’t ang daan ng mga pamamaraan ay

sa pamamagitan ng mga modyul, online, telebisyon at radyo. Dahil dito, may

mga guro na bumubuo ng mga video lesson, modyul at elektronikong modyul,

samantalang ang iba naman ay lumilikha ng iba’t ibang dulog,teknik at

estratehiya. Nauso na noon pa man ang mga ganito ngunit lalo pang bumilis ang

pagbangon ng Digital Era dahil sa pandemya. Karamihan sa mga modyul ngayon

at sa iba pang kagamitang pampagtuturo ay ginagawang interaktibo upang

makasabay sa bagong normal kung saan ang integrasyon ng teknolohiya ay

kitang-kita. Ito ang kailangan sa mga ganitong sitwasyon na hindi pa maaari ang

face to face learning o harap-harapang pagkatuto.

Mula sa mga naranasan ng mananaliksik at sa kaniyang mga naging

obserbasyon ukol sa suliraning ito, nahimok siyang maghanap rin ng solusyon

upang matugunan ang kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Malimit na

banggitin ngayon ang linyang “para sa bata, para sa bayan” na siyang nasa puso

rin ng mananaliksik upang makatulong sa mga mag-aaral sa panahong ito na

ang bawat isa ay nagbabayanihan. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng

pagbuo ng isang interaktibong sariling linanging kit na nauukol sa pagsulat

upang malinang ang kasanayan sa domain na ito at makaagapay ang mga mag-

aaral sa pagtatamo ng mga kompitensi ukol dito.


5

Ang pag-aaral na ito ay pinagsamang salitang sulat at laro o Sularo kung

saan tutugon ito sa iba’t ibang learning style ng mga mag-aaral sapagkat ito ay

isang interaktibong kagamitang pampagtuturo na nakaangkla sa mga makrong

kasanayan, may pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at higit sa lahat ay ang

pagsulat na siyang pinaka-awtput ng tatlong makrong kasanayan.

Sapagkat nakababagot para sa mga mag-aaral ang pagsulat kaya naman

minabuti ng mananaliksik na pagsamahin ang sulat at laro upang makapagbigay

interes sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng laro higit na matututunan nang

mag-isa ng mag-aaral ang bawat kompitensi sa modyul. Naglalaro sila habang

natututo at nasisiyahan.

Ang mga gawain sa pagpapaunlad ng pagsulat sa Sariling Linanging Kit

na ito ay may limang lebel. Unang lebel- “Sabi ko, baybayin mo”. Dito malilinang

ang kakayahan ng mga mag-aaral sa tamang pagbabaybay ng mga salitang

maaari nilang magamit para sa pagtatamo ng kompitensi. Ikalawang lebel- “1 pic

more words.” Sa lebel na ito mapapalawak ang imahinasyon ng mga mag-aaral

sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga salita sa mga larawang kanilang

makikita. Ang mga larawang ito ay may kinalaman sa akda at paksang tinalakay.

Ikatlong lebel- “Malaki ba o maliit?” Dito mapauunlad ang kasanayan ng mga

mag-aaral sa paggamit ng malaki o maliit na letra ng mga salita. Ikaapat na

lebel- “Pahayag ko, bantasan mo”. Sa lebel na ito malilinang ang kakayahan ng

mga mag-aaral sa tamang pagbabantas sa pamamagitan ng mga pahayag na

gagamitin sa gawaing ito. At ang Ikalimang lebel- “Sulat pa more!” Makatutulong


6

ang huling lebel upang mas mapalawak ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

pagbuo ng kuwento batay sa mga larawang kanilang makikita.

PAGLALAHAD NG MGA LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matugunan ang pangangailangan

ng mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa domain ng

pagsulat at makamit ang mga kompitensing nakalaan dito.

Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng pag-aaral na ito na

inaasahang matutugunan ng mananaliksik.

1. Makabuo ng isang interaktibong sariling linanging kit sa domain ng

pagsulat

2. Maipabalido ang nabuong interaktibong sariling linanging kit ng pagsulat

sa mga gurong eksperto batay sa mga sumusunod;

2.1 Layunin

2.2 Nilalaman

2.3 Pormat

2.3.1 Ilustrasyon

2.3.2 Disenyo at Pag-aanyo

2.4 Presentasyon at Organisasyon

2.5 Pagsasanay

2.6 Kawastuhan at Napapanahong Impormasyon

3. Matukoy ang antas ng pagtanggap batay sa resulta ng pagpapabalido ng

interaktibong sariling linganging kit sa mga gurong eksperto.


7

4. Matukoy ang implikasyon ng nabuong interaktibong sariling linanging kit

sa pagkatuto at pagtuturo ng pagsulat sa Filipino 7 sa pamamagitan ng

mga eksperto.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami kung gaano kahalaga na matuto

sa pagsulat. Mahalagang matutunan ng mga mag-aaral ang kasanayang ito

upang maayos at mabisang maipahayag o mailahad ang kanilang mga saloobin,

ideya o opinyon. Mangyayari ito kung gagamit ang guro ng isang interaktibong

sariling linanging kit upang makaganyak sa mga mag-aaral na matuto nang

nasisiyahan gaya ng kasalukuyang pag-aaral. Sa pamamagitan nito, maaaring

maging maayos ang daloy ng pagtuturo ng guro at pagkatuto ng mga mag-aaral

sapagkat interesado sila, ganado at sabik matuto sa kanilang ginagawa.

Sa mga tagapamahala ng paaralan. Dahil sa pag-aaral na ito

matutugunan at mapagtitibay ng mga namamahala sa mga paaralan ang mga

programa, pamamaraan o kagamitang pampagtuturo, modyul at iba pang kauri

nito. Magiging daan ang sariling linanging kit na ito para mabigyang inspirasyon

ang mga tagapamahala ng paaralan na lubos na suportahan ang mga guro

upang magpursigi sa pagpaplano ng mga pamamaraan at matugunan ang

kahinaan ng mga mag-aaral kasanayang ito.

Sa mga guro. Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga guro sa

Filipino kung paano nila matuturuan ng wastong pagsulat ang kanilang mga

mag-aaral. Magiging daan din ito upang makabuo rin sila ng kanilang sariling
8

linanging kit. Maaaring maging gabay din nila ang pag-aaral na ito upang

matutukan sa pagsulat ang mga mag-aaral at magawan ng kilos pananaliksik sa

mga paaralan.

Sa mga mananaliksik. Malaki ang maitutulong ng pananaliksik na ito

upang makapagbigay ng inspirasyon at panibagong ideya sa mga mananaliksik

na makababasa nito. Magsisilbi rin itong isang gabay ng kaalaman sa mga ibang

mga mananaliksik sa pagbuo ng mga iba’t ibang interaktibong pamamaraan

upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagsulat.

Sa mga magulang. Maaari itong maging daan upang mas maunawaan

ng mga magulang na malaki rin ang kanilang responsibilidad sa paggabay sa

kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral. Higit nilang masusubaybayan ang

kanilang mga anak na magabayan sa pagsagot sa sariling linanging kit ng

pagsulat.

Sa mga mag-aaral. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral

sapagkat sila ang unang makikinabang sa kasanayan sa pagsulat na kanilang

matututunan. Matatamo nila ang mga kompitensi o kasanayang pampagkatuto

ng kurikulum ng DepEd at magagamit nila sa kanilang mabisang

pakikipagkomunikasyon nang pasulat. Matututo silang magsulat nang

nasisiyahan.
9

SAKLAW AT DELIMITASYON

Sa pagpapabalido ng sariling linanging kit, limang eksperto ang masusing

nagsuri nito. Dalawang Master Teachers na nagtuturo sa Cristo Rey High

School, isang Ulong guro naman mula sa O’donnell High School, isang gurong

mula sa Aranguren Integrated School- High School Department na ICT

coordinator ng nasabing paaralan at ang Pansangay na Tagamasid ng DepEd

Tarlac Province na isa ring Quality Assessor ng Learning Resource Management

and Development System (LRMDS)-Portal sa asignaturang Filipino.

Ang mga akda at paksang tatalakayin sa sariling linanging kit ay pawang

may kaugnayan sa kompitensi o kasanayang pampagkatuto na nauukol sa

domain ng pagsulat na matatagpuan sa Gabay Pangkurikulum ng K-12

Enhanced Basic Education ng Kagawaran ng Edukasyon (May 2016).

KATUTURAN NG MGA TERMINOLOHIYANG GINAMIT

Ang mga sumusunod na terminolohiya ang ginamit sa pananaliksik na ito

na makatutulong upang mas maunawaan ang buong pag-aaral.

Bantas. Tumutukoy sa tuldok, kuwit, tandang pananong, tandang

pandamdam na ginagamit sa pasulat na komunikasyon na isa sa kadalasang

kamaliang nagagawa ng mga mag-aaral sa pagsulat na bibigyang tuon sa pag-

aaral na ito upang maiwasto at mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa

pagsulat
10

Baybay. Tumutukoy sa ispeling o pagbubuo ng mga salita gamit ang mga

letra na isa sa mga kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsulat na lilinangin sa pag-

aaral na ito

Domain. Ito ay mga kaalaman sa Gabay Pangkurikulum ng K-12 Basic

Education (May 2016) tulad ng Pag-unawa sa Napakinggan, Pag-unawa sa

Binasa, Paglinang ng Talasalitaan, Panonood, Pagsasalita, Pagsulat, Wika at

Gramatika at Estratehiya sa Pag-aaral na nakapaloob sa limang makrong

pangkasanayang Pakikinig, Pagbabasa, Pagsasalita, Pagsusulat at Panonood

kung saan sa bawat domain ay may kasanayang pampagkatuto o kompitensi na

itinuturo sa mga mag-aaral. Dito nakapokus ang sariling linanging kit ng pagsulat

na kailangang matutunan ng mga mag-aaral.

Kagamitang pampagtuturo. Ito ay ang materyales o gamit na binuo ng

guro upang maging mabisa ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-

aaral. Ito ay ang interaktibong sariling linanging kit na nasa anyong laro.

Kompitensi. Ang mga ito ay mga kasanayang pampagkatuto na nasa

iba’t ibang domain sa Gabay Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon na

bibigyang tuon sa pag-aaral na ito upang mabisa itong matamo ng mga mag-

aaral

Pagsulat. Isang makrong kasanayan na dapat malinang at mapaunlad ng

mga mag-aaral, kabilang sa mga domain na matatagpuan sa Gabay

Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon na nagtataglay ng iba’t ibang

kompitensi
11

Sariling linanging kit. Isang kagamitang pampagtuturo na ginawang

interaktibo para makatulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng interes na

matuto sa pagsulat na binubuo ng mga paksang nababatay sa mga kompitensi

Ang sariling linanging kit na ito ay tinawag na Sularo.

Sularo. Ito ang pamagat ng interaktibong self-learning kit na nagmula sa

dalawang pinagsamang salitang sulat at laro. Binuo sa pamamagitan ng

aplikasyong micrososoft powerpoint presentation 2016 at nasa anyong laro

upang makahikayat sa mga mag-aaral na matutong magsulat.


12

KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito matutunghayan ang mga ginamit ng mananaliksik ng

mga kaugnay na literatura at pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Iba-iba ang pananaw ng mga dalubhasa ukol sa pagsulat. Sinasabing ito

ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat

ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel o pagpindot sa keys ng keyboard

ng kompyuter (https://www.slideshare.net/jombasto7/pagsulat-15995547 ). Ang

mga mag-aaral na gagamit ng sariling linanging kit sa pag-aaral na ito ay

magsusulat gamit ang keyboard ng kompyuter.

Samantala, isa rin itong mental na aktibiti dahil sa ito ay isang ehersisyo

ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa tiyak na metodo ng debelopment at

pattern ng organisasyon at sa isang estilong grammar na naaayon sa mga

tuntunin ng wikang ginamit (https://www.slideshare.net/GinoongGood/batayang-

kaalaman-sa-pagsulat). Matutugunan din ng pag-aaral na ito ang pagsulat bilang

isang mental na aktibiti.

Batay sa aklat ni Graham at Harris (2013), laging magkaagapay ang

pagbasa at pagsulat sa pagkatuto. Dagdag pa nila, mas nauunawaan umano ng

mga estudyante ang kanilang mga binabasa kung nagsusulat sila ukol dito. Ang

pagtuturo ng pagsulat ay nakapagpapaunlad umano sa kanilang kakayahan sa

pagbasa. Kung magkagayon, napakalaki ng ginagampanan ng domain na ito sa


13

pagkatuto ng mga estudyante. Kaya naman ganito na lamang ang pagnanais ng

kasalukuyang pananaliksik na matamo ng mga mag-aaral ang mga kompitensi

sa domain ng pagsulat. Ang interaktibong self-learning kit na ito ay kakikitaan rin

ng pakikinig, pagsasalita at pagbabasa bagaman ang pinakatuon ay sa pagsulat.

Mahalagang natutugunan ng mga guro ang bawat masumpungang

kahinaan ng mga mag-aaral. Mangyayari ito kung sila ay magsasagawa rin ng

mga ganitong pananaliksik, bubuo ng mga pamamaraan at kagamitang

pampagtuturo. Lalo na ngayong panahon ng pandemyang Covid 19 kung saan

walang harap-harapang pagtuturong magaganap. Patuloy na matututo pa rin ang

mga mag-aaral sa gitna ng banta ng pandemya sa pamamagitan ng mga

modyul, sariling linanging kit at iba pa. Kahit na walang harap-harapang

pagsubaybay ng guro ay kayang-kayang matuto ng mga estudyante sa

pamamagitan ng mga ito.

Ayon nga kay Salandanan (2006) ang kasalukuyan nating edukasyon ay

dapat ituon sa wastong direksiyon at naaangkop na pagtuturo at pagkatuto ng

mga mag-aaral para makasabay ang bawat isa sa mga pagbabago. Ngayong

panahon ng Covid 19, akmang-akma ang tinukoy ni Salandanan sa kaniyang

isinulat na aklat na siya namang nakikita nating ginagawa ng Kagawaran ng

Edukasyon at Komisyon ng Mataas na Edukasyon katuwang ang mga propesor

at mga guro upang sa gitna ng pandemya ay magawa pa rin at maibigay ang

nararapat na de-kalidad na edukasyon sa mga kabataang Pilipino.


14

May iba-iba mang pananaw ang mga dalubhasa ukol sa pagsulat ngunit

kung susuriing mabuti iisa lamang ang nais ipahiwatig ng mga ito. Lubhang

napakahalagang matutunan ng tao ang pagsulat.

Sa aklat na isinulat nina Recorba et.al (2003), sinabi ni Badayos (1999)

ang pagsulat ay isang proseso ng pagbubuo at pagsasatitik ng pahayag ng isang

tao hinggil sa anumang bagay. Ito rin ay itinuturing na isang kompleks na

proseso. Sang-ayon sa kaniyang naging pahayag, hindi na kung gayon

nakapagtataka na marami sa mga mag-aaral ngayon ang nahihirapan at

nagiging kahinaan ang pagsulat tulad ng napuna ng mananaliksik sa

kasalukuyang pag-aaral. Kaya naman nabuo ang sariling linanging kit ng

pagsulat upang matugunan ang kahinaang ito.

Samantala, mula naman sa aklat nina Alcantara et.al (2003), tinukoy doon

nina Peck at Buckingham (1976) na ang pagsulat ay extension ng wika. Ang

anumang natutunan mula sa makrong pakikinig, pagsasalita at pagbabasa ay

nagiging awtput ng pagsulat. Totoo ang mga pahayag na ito sapagkat sa

kasalukuyang pag-aaral na ito ang awtput na ukol sa pagsulat ay nakabatay sa

kung ano ang kanilang napakinggan, sinalita o naging reaksyon sa kanilang

napakinggan at binasang akda at paksa.

Napapanahon ang pag-aaral na ito at umaakma sa kasalukuyang

kalagayan ng edukasyon sa gitna ng pandemya. Upang maiwasan ang pagkalat

ng COVID 19 ay ipinagbabawal muna ang harapang pagkatuto at ang

pinakamabilis na komunikasyon na magagamit ng mga guro at mga mag-aaral


15

ay ang makabagong teknolohiya tulad ng paggamit ng cellphone, laptop at

internet.

Noon pa man, sinasabing buhat sa kasaysayan ng komunikasyon ng tao,

ang makabagong teknolohiya ay makapangyarihan at nangingibabaw

(Frick,1991). Makatotohanan ang pahayag na ito sapagkat kitang-kita naman sa

buhay at pamumuhay ng tao ngayon ang paggamit ng iba’t ibang gadget sa

pakikipagkomunikasyon. Sa larangan ng edukasyon ngayon, ang sinasabing

edukalidad ay nakasalalay na sa pagsasanib ng teknolohiya.

Dagdag pa ni Frick na ramdam sa buong mundo ang mabilis na

pagbabago pagdating sa komunikasyon ng tao. Hindi na nakapagtataka kung

gayon ang paggamit ng teknolohiya upang maipagpatuloy ang edukasyon ng

mga kabataan sa buong mundo at maging dito sa ating bansa sa kabila ng

pandemya. Ang kasalukuyang pananaliksik ay nakaangkla sa paggamit ng

teknolohiya at mabisang magagamit ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-

aaral sa bahay.

Kaugnay na Pag-aaral

Banyaga

Mula sa mga obserbasyon at pananaliksik ng mga guro sa iba’t ibang

panig ng mundo, lumilitaw na maraming salik ang nakaaapekto ng pagsulat ng

mga kabataan. Isa na rito ang malaganap na text messaging at chatting,

pagiging hindi maingat, kawalan ng follow-up sa bahay ng mga magulang,

kawalan ng ganang matuto at iba pang mga katulad nito.


16

Si Bratu (2015) sa kaniyang case study ay nagsabing ang pagtetext

bilang paraan ng komunikasyon ay isa lamang sa mga salik na

nakaiimpluwensiya sa paraang nagbabago ang wika na siya ring nasuri ng

kasalukuyang pag-aaral na nakasasagabal sa pagsulat ng mga mag-aaral,

Subalit ayon kay Bratu, walang dahilan umano upang mag-alala sa hinaharap ng

pamantayan sa pasulat na Ingles at iba pang wika.

Aniya, sa pamamagitan ng wastong pagtuturo, ang SMS na wika ay

maaaring maging kagamitan o kasangkapan sa pagtuturo. Nakasalalay lamang

sa mga guro kung paano nila tutulungan ang kanilang mga mag-aaral na alamin

ang pagkakaiba ng slang, SMS, pagdadaglat at tamang wika at magamit ang

mga ito sa mga akmang konteksto.

Mababakas sa nabanggit na pag-aaral na may pamamaraang inilatag ang

mananaliksik upang matugunan ang mga salik na nakakaapekto sa pagsulat ng

mga mag-aaral. Sa kasakukuyang pag-aaral na ito nabanggit na ng mananaliksik

sa unang kabanata, ang kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsulat at ang iba’t

ibang salik na nakakaapekto rito. Ito ang dahilan kung bakit ang mananaliksik ay

naghanap rin ng pamamaraan o ng solusyon ukol sa suliranin sa pagsulat

anuman ang salik na nakaaapekto rito. At ito ay sa pamamagitan ng pagbuo ng

ng isang interaktibong self-learning kit sa pagsulat.

Ganito rin ang naging pag-aaral nina Odey et.al (2014). Ayon sa kanilang

pananaliksik ang paglaganap sa komunikasyon na dala ng makabagong

teknolohiya gaya ng text messaging ay nakaaapekto sa literasi ng mga mag-


17

aaral ukol sa wika. Nakakatulad ito ng napuna ng kasalukuyang pag-aaral kung

saan ang mga mag-aaral ay kinakikitaan ng maling baybay sa mga salita sa

kanilang mga gawain ukol sa pagsulat na maaaring bunga ng malaganap na text

messaging o ng iba pang salik.

Sa kanilang pananaliksik ay lumitaw na nakakaimpluwensiya ito sa

kanilang mga mag-aaral, sinasadya o di sinasadyang naililipat nila sa kanilang

sulatin ang pagtetext,

Kung mapapansin ay may kaugnayan ang mga nabanggit na pananaliksik

sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat pare-parehong nakitaan ng kahinaan sa

pagsulat ang mga mag-aaral at hinanapan ng solusyon o iba’t ibang

pamamaraan na tutugon sa kanilang kahinaan.

Ang pag-aaral sa kasalukuyan ay may pagkakatulad din sa pag-aaral nina

Swantarathip at Wichadee (2014) na pinamagatang “The Effects Of Collaborative

Writing Activity Using Google Docs On Students’ Writing Abilities” na gumamit rin

ng makabagong teknolohiya para sa pagpapaunlad ng abilidad sa pagsulat ng

kanilang mga estudyante sa Bangkok, Thailand.

Nakakahawig ng nabanggit na pananaliksik ang pag-aaral na ito sapagkat

hindi rin pangkaraniwang pamamaraan ang ginamit ng mananaliksik sa kaniyang

pag-aaral upang matugunan ang kahinaan sa pagsulat ng mga mag-aaral. Ang

paggamit nila ng Google Docs ay katumbas ng paggamit ng Microsoft Power

Point 2016 ng kasalukuyang pag-aaral.


18

Iba naman ang naging pamamaraang ginamit nina Adas at Bakir (2013)

sa kanilang pag-aaral na tulad ng kasalukuyang pananaliksik na nakatuon din sa

pagtugon sa kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Ang naging solusyon

naman nila rito ay ang Blended Learning.

Kagaya ng kasalukuyang pag-aaral nakita rin nila na ang pagsulat ay ang

isa sa mga pinakakomplikadong gawain; ang pinakamahirap matamo sa lahat ng

kakayahang pangwika. Hindi na umano gaanong nakatutulong ang mga

tradisyunal na pamamaraan sa pagtuturo maliban kung ang guro ay makalikha

ng nakawiwili at nakapupukaw ng interes ng mga mag-aaral na may mabuting

kalalabasan.

Totoo ang tinuran nina Adas at Bakir, ikinababagot na ng mga mag-aaral

ngayon ang mga tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo. Ito marahil ay dahil

sa ang mga kabataan ngayon ay henerasyon na ng Panahon ng Makabagong

Teknolohiya. Kaya naman, ang kasalukuyang pag-aaral ay gumamit ng

makabagong kasangkapan sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng elektroniko o interaktibong kagamitang pampagtuturo.

Makabagong pamamaraan din ng pagtuturo ang ginamit nina Darmaji et

al. sa kanilang pag-aaral. Bagaman hindi nakatuon sa pagsulat ang kanilang

pananaliksik ngunit gaya ng kasalukuyang pananaliksik kapwa bumuo o gumamit

ng mataas na teknolohiya upang makita kung ito ay magiging mabisa.

Sa Bangkok, Thailand naman ay ginamit ni Kitchakarn (2012) ang isa

pang makabagong paraan ng komunikasyon na kung tawagin ay web blogs


19

upang mapaunlad ang kasanayan ng kaniyang mga estudyante sa pasulat na

komunikasyon gamit ang wikang Ingles. Makabagong pamamaraan din ang

kaniyang ginamit tulad ng pag-aaral na ito at parehong nakatuon sa pagsulat.

Bagaman hindi pareho ng pamamaraang ginamit ng kasalukuyang

mananaliksik ang pamamaraang ginamit ni Kitchakarn subalit iisa sila sa

layuning matugunan ang kahinaan ng mga mag-aaral ukol sa pagsulat.

Ayon naman kina Kellogg at Raulerson (2007) sa kanilang pag-aaral na

pinamagatang “Improving the Writing Skills of College Students, ang maayos na

pagsulat ay isang pangunahing kognitibong hamon sapagkat ito ay isang

pagsubok sa memorya, wika at kakayahan sa pag-iisip. Tulad nila, naniniwala rin

ang kasalukuyang mananaliksik ng pag-aaral na ito na kinakailangang dumaan

sa mga pagsasanay ang mga mag-aaral upang mapaunlad nila ang kanilang

kakayahan sa pagsulat at hindi sila basta na lamang tinuruan.

Ang pagsulat ay hindi itinuturo lamang kung kaya’t ang pag-aaral na ito ay

bumuo ng kagamitang pampagtuturo na kinapapalooban ng iba’t ibang lebel ng

pagsasanay o gawain sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat.

LOKAL

. Hindi matututulan ninuman ang kahalagahan ng kasanayan sa pagsulat

na siyang pinakatuon ng pananaliksik na ito

Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ang pagsulat ay isang

makrong kasanayan at domain na nakapaloob sa Gabay Pangkurikulum ng


20

Kagawaran ng Edukasyon (May 2016) na dapat mapaunlad at matamo ng mga

mag-aaral. Subalit dahil na rin sa ang pagsulat ay itinuturing na isang kompleks

na proseso tulad ng nabanggit ni Badayos kaya naman marami sa mga mag-

aaral ang nahihirapan sa makrong kasanayang ito.

Batay sa naging obserbasyon at karanasan ng mananaliksik sa mga mag-

aaral, napuna niyang isang malaking hamon sa mga mag-aaral ang gawaing

pagsulat na hangga’t maaari ay gusto nilang iwasan.

Sa isinagawang pag-aaral ni Ortiz, sinabi niya na kulang sa kasanayan sa

komunikasyong pasulat ang mga mag-aaral. Binanggit niya rito ang kaugnay na

pag-aaral nina Bersales at Villafuerte na kung nakasusulat man ang mga mag-

aaral, ang kanilang mga nililikhang sulatin ay hindi tumutugon sa mga itinakdang

kraytirya sa kanilang antas ng pagkatuto. Kung susuriin, nakakatulad ng

kasalukuyang pag-aaral ang naging pananaliksik ni Ortiz sapagkat kapwa

napansin ang kahinaan at kakapusan sa mga sulatin o gawaing papel ng mga

mag-aaral ukol sa pagsulat.

Kung titingnang mabuti, ang mga pag-aaral na ito ay parehong nag-ugat

sa nakitang suliranin sa apat na sulok ng silid-aralan.

Kapag may na-oobserbahan ang mga guro na kailangan ng mga mag-

aaral, sila ay nagpaplano ng mga pamamaraan upang matugunan ang mga ito.

Ang iba ay bumubuo ng iba’t ibang estratehiya na aangkop sa suliraning

dapat solusyunan sa kani-kaniyang asignatura o disiplina. Samantala, may mga

pag-aaral naman na nakatutok sa sariling pagkatuto ng mga mag-aaral tulad ng


21

modyul, self-learning kit, digitized at game-based instructional materials at iba

pa.

Sa ginawang pag-aaral ni Ortiz (2017) sinabi niyang kabilang sa

kompitensi ng 21st century skills ang information, media and technology skills. Ito

ay kasanayang kailangang makamit ng mga mag-aaral upang makasabay sa

hamon ng buhay sa kasalukuyan. Gaya ng pag-aaral na ito, hangad nitong

malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa tulong ng makabagong

teknolohiya. Kapwa gumamit ng may mataas na teknolohiya ang estratehiyang

ginawa upang matugunan ang kahinaan sa pagsulat ng mga mag-aaral.

Sa naging pag-aaral naman ni Galbadores (2015) ay bumuo siya ng isang

sariling linanging kit para sa pagtuturo ng Science. Pareho ito ng kasalukuyang

pananaliksik sapagkat kapwa sariling linanging kit ang kagamitang

pampagtuturong binuo bagama’t magkaiba ng asignatura.

Pinaniniwalaan ni Galbadores na ang makabagong teknolohiyang

tinatamasa ngayon ay nangangailangan ng patuloy na pansariling pag-unlad at

adjustment upang makasabay sa mga hamon ng mabilis na pagbabago sa

daigdig.

Kung gayon, aniya, ang edukasyon ay naglalayong matugunan ang

ganitong demand sa pamamagitan ng pagtuturo na hindi lamang isinusubo sa

mga mag-aaral ang mga kaalaman kundi bagkus ay matulungan sila kung paano

sila matututo gamit ang sariling kakayahan sa pamamagitan ng mga kagamitang

aangkop sa kanila.
22

Hindi man magkapareho sa asignatura subalit ang pag-aaral ni

Galbadores at ang kasalukuyang pananaliksik ay naniniwalang matututo ang

mga mag-aaral sa pamamagitan ng sariling linanging kit na may integrasyon ng

teknolohiya na kayang manipulahin ng mismong mga mag-aaral.

Marami sa mga kabataan ngayon na ang tingin sa pagsulat ay mahirap.

Kapag naatasan na silang magsulat ay makikitang problemado na sila kung

paano nila oorganisahin ang kanilang mga opinyon at damdamin. Ang lalong

mahirap pa rito ay kung walang maisusulat na ano pa man ang isang mag-aaral.

Masasalamin na hindi lubusang nahahasa ang kanilang kasanayan sa

pagsulat sa kabila ng katotohanang hindi naman nawawala sa Gabay

Pangkurikulum ang domain na ito at itinuturo naman ito sa kanila ng mga guro.

Isang malaking suliranin ito sapagkat tulad ng sinabi sa pananaliksik ni

Matias (2013), ang pagsulat ay lubhang napakahirap at kung lilimiing mabuti, sa

apat na kasanayang pangkomunikasyon, ito rin ang pinakakomplikado sa lahat.

Ang kaniyang pag-aaral ay ukol sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng

mga mag-aaral sa ikapitong grado tulad rin ng pag-aaral ni Albuñan et.al. Naging

batayan ng kasalukuyang pag-aaral ang mga pag-aaral na ito sapagkat pare-

parehong nakatuon sa kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsulat.

Batay kay Albuñan, ang pagsulat ay may antas ng kasanayan:

kasanayang pampag-iisip at kasanayan sa pagbuo ng talata. Ang kasanayang

pampag-iisip ay tumutukoy sa analisis, organisasyon ng ideya at imahinasyon.


23

Ang kasanayan sa pagbuo ng talata ay tumutukoy naman sa palugit at

indensyon, pagbabaybay, pagbabantas at paggamit ng malalaki at maliliit na titik.

Binuo ng kasalukuyang pag-aaral ang isang sariling linanging kit upang

matugunan ang kasanayang pampag-iisip at pagbuo ng talata ng mga mag-

aaral.

Samantala, sinabi naman ni Matias sa kaniyang pag-aaral na

kinakailangang alam ng mga mag-aaral ang paggamit ng wastong bantas

sapagkat nakasalalay dito ang diwa ng pangungusap. Katulad nito ang

kasalukuyang pag-aaral kung saan binigyang diin sa kagamitang

pampagtuturong binuo ang mga pagsasanay sa pagpapaunlad sa paggamit ng

wastong bantas sa mga pangungusap o pahayag.

Napakahalagang nakalilikha ang mga guro ng mga kagamitan sa

pagtuturo na makatutulong upang mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral

at matiyak ang kanilang pagkatuto.

Hindi nalalayo ang pag-aaral na ito sa pananaliksik ni Laxamana (2012)

kung saan bumuo naman siya ng mga video-based instructional materials para

sa pagtuturo ng Physics na nabalido ng mga eksperto at ng mga mag-aaral na

gumamit nito.

Nilayon nitong makuha ang interes ng mga mag-aaral at maiparating nang

maayos ang mga paksang- aralin na nakakatulad ng kasalukuyang pananaliksik.

Sa ganitong paraan umano ay magiging mas madali pareho sa guro at mga

estudyante ang pagtuturo at pagkatuto.


24

Magkaiba man ng asignatura at domain ngunit magkaparehong bumuo ng

kagamitang pampagtuturong pupukaw sa interes ng mga estudyante at

nakaangkla sa makabagong teknolohiya na aangkop sa kasalukuyang

henerasyon.

Ang kasalukuyang pag-aaral na ang isa sa mga layunin ay makabuo ng

sariling linanging kit na tutugon sa kahinaan o suliranin sa pagsulat ay

naghahangad na matulungan ang kasalukuyang henerasyon na mga mag-aaral

na isinilang sa Digital Era at gamay ang paggamit ng iba’t ibang gadget tulad ng

cellphone at tablet na may iba’t ibang aplikasyon.

Isa pang pag-aaral na nakakatulad nito ay ang pananaliksik na isinagawa

ni Pecson kung saan bumuo rin siya ng isang self-learning kit para mapaunlad

naman niya ang akademikong performance ng mga mag-aaral sa Senior High

ukol sa Pagpapakilala sa Pandaigdigang Relihiyon at Sistema ng Paniniwala.

Hindi man pareho ng tuon ngunit katulad naman ito ng kasalukuyang

pananaliksik sa pagbuo ng self-learning kit na ginamit o gagamiting pamamaraan

upang makasabay sa mabilis na hamon ng makabagong panahon para

matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.

Sa kabilang banda, napatunayan naman mula sa iba’t ibang pag-aaral

ang tungkol sa sinasabi ng karamihan na ang mga dalang pagbabago ng

makabagong teknolohiya ay may positibo at negatibong impak o implikasyon sa

buhay ng tao lalo na sa komunikasyon, pasalita man o pasulat.


25

Sa pag-aaral nina Lacson et.al (2011), napatunayang ang malaganap na

text messaging ay may impluwensiya sa pasulat na wika ng mga mag-aaral. Ang

pagbabaybay sa SMS ay nakaapekto sa kanilang pagsulat ng mga komposisyon.

Tulad ng kasalukuyang pag-aaral, naging kapuna-puna ang mali sa

pagbabaybay ng mga salita ng mga kabataan ngayon sa kanilang mga awtput sa

pagsulat.

Nagsilbing daan sa pag-aaral na ito ang ganitong obserbasyon upang

makabuo ng kagamitang pampagtuturo na tutugon sa suliraning ito na ukol sa

maling pagbabaybay ng mga salita sa kanilang mga isinusulat.

Nakapaloob sa sariling linanging kit ang limang lebel kasama ang ukol sa

pagbabaybay ng mga salita na magsisilbing pagsasanay sa mga mag-aaral

upang mapaunlad ang kahinaang ito.

Iba naman ang naging pagtugon ni Gutierrez sa kaniyang pag-aaral ukol

sa kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Bumuo siya ng mga estratehiya sa

pagtuturo ng pagsulat upang magsilbing pantulong sa pagwawasto ng epekto ng

text messaging sa pagsulat ng mga mag-aaral sa ikasiyam na grado.

Anuman ang salik na nakaaapekto sa kahinaan ng mga mag-aaral sa

pagsulat ngunit iisa sa layunin ang mga guro at mananaliksik na matugunan ang

suliranin ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba’t iba ring pamamaraan na

ginagamit ang makabagong teknolohiya upang makasabay sa mabilis na

globalisasyon at makaangkla sa ika-21st century education.


26

BALANGKAS NA KONSEPTUWAL NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makita ang antas ng pagtanggap ng

mga eksperto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng interaktibong

self-learning kit ukol sa pagsulat sa Filipino 7 na binuo ng mananaliksik.

PAGDIDISENYO
 Gabay Pangkurikulum ng Implikasyon ng nabuong
Kagawaran ng Edukasyon sa interaktibong sariling linanging
Filipino 7 kit sa pamamagitan ng
 Mga kompitensi o kakayahang balidasyon ng mga eksperto
pampagkatuto sa domain ng
pagsulat
 Mga sangguniang aklat sa Filipino
7
Antas ng pagtanggap ng mga
eksperto sa Sularo:Isang
Interaktibong Sariling Linanging Kit
PAGBUBUO AT PAGHAHANAY ng Pagsulat sa Filipino 7
 Makabuo ng isang interaktibong
self-learning kit at maihanay sa
sumusunod na pamantayan
 Layunin
PAGREREBISA
 Nilalaman
Marebisa ang ginawang
 Pormat
interaktibong self-learning kit ayon
 Organisasyon
sa sumusunod na resulta ng
 Presentasyon
tseklis:
 Pagsasanay
 Layunin
 Kawastuhan at Napapanahong
 Nilalaman
Impormasyon
 Pormat
 Organisasyon
 Presentasyon
 Pagsasanay
PAGPAPABALIDO
 Kawastuhan at Napapanahong
Makapagpabalido sa mga gurong eksperto
Impormasyon
sa Filipino, IT expert at LRMDS Quality
Komento at Mungkahi
Assessor
27

Figyur 1. Paradigma ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay bumuo ng isang interaktibong sariling linanging kit ng

pagsulat na susundan ng iba’t ibang proseso: 1. Pagdidisenyo, ibinatay ng

mananaliksik ang mga paksang tatalakayin na nakaangkla sa mga kompitensi sa

domain ng pagsulat ng Gabay Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon, 2.

Pagbubuo at Paghahanay, binuo ang isang kagamitang pampagtuturong sariling

linanging kit na nakahanay sa sumusunod na pamantayan: layunin, nilalaman,

pormat: ilustrasyon at disenyo, presentasyon at organisasyon, pagsasanay,at

kawastuhan at napapanahong impormasyon. 3. Balidasyon, pagpapabalido sa

limang (5) eksperto gamit ang tseklis na batay sa salin ni Hernandez (2018) at

minodipiko ni Pacol (2020) kung saan nakapaloob ang eskalang Likert. Sila ay

pawang Master Teachers (2), Ulong guro (1), ICT coordinator (1) at ang

Pansangay na Tagamasid ng Kagawaran ng Edukasyon ng Lalawigan ng Tarlac

na isa ring Quality Assessor ng LRMDS- Portal sa asignaturang Filipino.

Upang makapagpabalido ang mananaliksik sa mga nabanggit ay gumawa

ng liham pahintulot sa mga prinsipal ng mga dalubgurong sumasakop sa kanila,

at nagbigay rin ng sulat ng pagsang-ayon sa mga eksperto 4. Pagrerebisa ng

binuong sariling linanging kit sa pamamagitan ng mga suhestiyon at komento ng

mga gurong eksperto.

Ang kit na ito ay pinamagatang SULARO na mula sa dalawang salitang

sulat at laro na magagamit bilang kagamitang pampagtuturo sa pagsulat ng mga

mag-aaral sa ikapitong grado, at 5. Pagkatapos ay nilikom ang mga datos mula


28

sa mga eksperto at sumailalim sa pagrerebisa kung may kailangang baguhin

batay sa mga nagbalidong eksperto at batay na rin sa kanilang mga komento at

mungkahi

Sa tulong ng tagapayong istatistisyan, nalaman ang resulta o antas ng

pagtanggap ng mga eksperto ukol sa binuong sariling linanging kit at kung

katanggap-tanggap itong ipagamit sa mga mag-aaral sa ikapitong grado. Mula sa

mga resulta ng datos natukoy rin kung ano-ano ang maaring maging implikasyon

nito sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral

KABANATA III

MGA PAMAMARAAN AT METODOLOHIYANG GINAMIT SA PAG-AARAL


29

Sa kabanatang ito matutunghayan ang disenyo ng pananaliksik, lokal ng

pag-aaral, pinagmulan ng mga datos, instrumentong ginamit, pamamaraan sa

pagkalap ng mga datos, pagsusuring pang-estadistika at konsiderasyong etikal.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isang research and development (R & D)

method. Nakatuon ito sa pagbuo ng isang interaktibong sariling linanging kit sa

domain ng pagsulat na may iba’t ibang kompitensi at ito ay pinamagatang

SULARO na may kahulugang sulat at laro.

Naglalaman ang kit na ito ng mga paksang may kaugnayan sa mga

kompitensi sa domain ng pagsulat at mga iba’t ibang pagsubok o mga

pagsasanay na binubuo ng limang lebel na naglalaman ng mga panuto kung

paano ito laruin at kung paano magkakaroon ng puntos.

Hindi nag-iisa sa ganitong disenyong R and D ang pag-aaral na ito.

Nakakatulad ito ng naging pananaliksik ni Galbadores na gumamit rin ng

ganitong disenyo kung saan bumuo siya ng isang self-learning kit sa Science 7

at ipinabalido sa mga eksperto. Ang mga ganitong pag-aaral ay naglalayong

maka-develop o makabuo ng mga modyul o sariling linanging kit at iba pang

kagamitang pampagtuturo na ipinababalido sa mga eksperto upang makita ang

kabisaan nito sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Katulad ng ibang pag-aaral na may disenyong R and D, gumamit rin ang

kasalukuyang pananaliksik ng tseklis ng Timbang Eskalang Likert para sa

balidasyon ng mga eksperto.


30

Lokal ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasakatuparan sa Aranguren Integrated School-

High School Department sa Aranguren, Capas, Tarlac. Ang paaralang ito ay

isang pampublikong paaralan kung saan gagamitin ang nabuong sariling

linanging kit ng pagsulat na pinamagatang Sularo na nabuo bilang isang

kagamitang pampagtuturo. Ang mga mag-aaral dito na nasa ikapitong grado ang

gagamit ng nabanggit na kagamitan sapagkat dito nagtuturo ang gurong

mananaliksik at isang guro rin sa Filipino 7.

Subalit naudlot ang pasukan ng taong panuruang 2020-2021 dahil sa

pandemya kung kaya’t walang mga mag-aaral ang gagamit ng sariling linanging

kit. Magkagayon man, ang kagamitang ito ay nakalaan pa rin sa mga mag-aaral

ng ikapitong baitang sa nasabing paaralan.

Sa kawalan ng Ulong guro at mga dalubguro sa paaralang ito kaya ang

mananaliksik ay naghanap ng mga ekspertong tagapagbalido ng sariling

linanging kit sa Cristo Rey High School at O’donnell High School. Isang guro

lamang ang nagmula sa Aranguren Integrated School na nagbalido ng

kagamitang pampagtuturo.

Pinagmulan ng mga datos

Ang mga pinagmulang datos ng mananaliksik upang mabuo ang

kagamitang pampagtuturo at ang kabuuan ng pag-aaral ay sa pamamagitan ng

masusing pagbabasa sa internet, modyul, mga aklat, at tesis na may kinalaman

sa pananaliksik.
31

Samantala, upang makuha ang mga datos kung ito ay katanggap-tanggap

para maipagamit sa mga mag-aaral ay ipinabalido ito sa mga dalubhasa. Ang

mga nagbalido ng kagamitang pampagtuturong ito ay limang (5) eksperto. May

dalawang Master Teacher na nakatutok sa nilalaman ng Sariling linanging kit na

nagmula sa Cristo Rey High School, isang Ulong guro sa Filipino na nagmula

naman sa O’donnel High School, isang IT expert na isa ring guro at nagmula

naman sa Aranguren Integrated School, at isang Pansangay na Tagamasid.na

siya ring Quality Assessor ng Learning Resource Management and Development

System (LRMDS) – Portal sa asignaturang Filipino.

Instrumentong ginamit

Ang ginamit na instrumento sa pananaliksik na ito para malaman ang

antas ng pagtanggap ng mga eksperto sa nabuong sariling linanging kit ay ang

tseklis na batay sa salin ni Hernandez (2018) na minodipika ni Pacol (2020) kung

saan nakapaloob rito ang Timbang Eskalang Likert. Ito ang ginamit para sa

pagbabalido ng mga eksperto sa nabanggit na linanging kit.

Nakabatay ang tseklis na ito sa panukatang hango sa Resource

Management and Development System (LRMDS).

Ang mga layuning nakapaloob sa sariling linanging kit na dumaan sa

balidasyon ay nakasunod o nakaangkla sa Gabay Pangkurikulum ng Kagawaran

ng Edukasyon sa bawat kompitensi sa ilalim ng domain ng pagsulat. Sinunod ng

mananaliksik ang proseso na may sumusunod na pamantayan: layunin,


32

nilalaman, pormat, organisasyon at presentasyon, pagsasanay at kawastuhan at

napapanahong impormasyon.

Pamamaraan sa Pagkalap ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sistematikong

pamamaraan o hakbang na ginawa ng mananaliksik.

Una, masusing pinag-isipan ng mananaliksik kung ano ang

pinakamalaking suliranin na kaniyang naobserbahan sa kaniyang mga mag-aaral

sa loob ng 12 taon niyang pagtuturo.

Sa kaniyang obserbasyon ay nangibabaw ang kahinaan ng mga mag-

aaral sa domain ng pagsulat na nakabatay sa Gabay Pangkurikulum ng K-12.

Dahil dito, sumangguni ang mananaliksik sa prinsipal ng Aranguren Integrated

School upang bumuo ng isang pamamaraan na pakikinabangan ng mga mag-

aaral sa ikapitong grado at idadaan sa isang pananaliksik.

Sumunod ay ang pagsangguni sa tagapayo ng tesis kung saan nagsimula

ang ideyang pagbuo ng kagamitang pampagtuturo o sariling linanging kit.

Bago pa man nagsimula ang pandemya ay nakapaghanap-hanap na sa

silid-aklatan ang mananaliksik ukol sa mga pag-aaral na may kinalaman sa

pagsulat. Sa pagdating ng Covid 19 ay buong tiyagang nagsaliksik ang guro sa

internet para sa iba pang mga kaugnay na literatura at pag-aaral.


33

Ikatlo, sa tulong ng mga nakalap na impormasyon sa iba’t ibang

sanggunian, nabuo ang sariling linanging kit ng pagsulat na nahahati sa tatlong

bahagi at kinapapalooban ng limang lebel sa pagpapaunlad ng pagsulat.

Iniangkop ito sa inilabas na panukatan ng Learning Resource

Management and Development System o LRMDS ng buong Rehiyon III sa

pagbuo ng sariling linanging kit. Ang tatlong bahagi ay ang Ano ang Nangyari,

Ano ang Dapat Malaman at Ano ang Natutunan.

Ginawa ito sa Microsoft Powerpoint 2016 at nilapatan ng musika at voice

recordings ng mananaliksik. Ang mananaliksik rin ang gumuhit ng mga larawang

ginamit para sa linanging kit.

Iniharap din ito sa prinsipal, mga kasamahan sa trabaho, sa tagapayo ng

tesis, at sa mga tagasuring propesor.

Sumunod, ipinabalido ang interaktibong sariling linanging kit sa limang

eksperto gamit ang tseklis. Pagkatapos ay nilikom ang mga resulta sa tulong ng

statistician adviser. Tinipon rin ng mananaliksik ang mga komento at suhestiyon

para sa bahaging lagom, kongklusyon at rekomendasyon.

Pagsusuring Pang-estadistika

Upang masuri ang mga datos na tinipon mula sa mga gurong eksperto ay

ginamit ang sumusunod na estadistika:

1. Ang pagtataya ng mga eksperto, ang weighted mean ang ginamit na

batayan.
34

Ang formula ng weighted mean ay:

X= Σx
N

Ang ibig sabihin nito ay:

X= para sa weighted mean

Σx= para sa iskor

N= para sa kabuuang bilang ng mga gurong tagataya

2. Ibinatay ang pagtataya sa panukalang Eskalang Likert.

Kalimitan, ito ang ginagamit ng mga mananaliksik sa mga ganitong

disenyo ng pag-aaral. Sa buong mundo ito ang pinakagamiting eskala o panukat.

Ito ay 5 (o 7) eskalang puntos na ginagamit upang maihayag ng isang indibidwal

kung gaano siya sumasang-ayon o tumututol sa isang pahayag

(www.simplypsychology.org).

Sa tseklis na sinagutan ng limang eksperto ay matatagpuan ang Eskalang

Likert para sa pagsukat o pagtataya ng sariling linanging kit.

Sa ibaba makikita ang scale value na ginamit:

Timbangang Eskalang Likert

Iskor Weighted Mean Interpretasyong Berbal

5 4.50-5.00 Pinakamataas na
Katanggap-tanggap
4 3.50- 4.49 Mataas na Katanggap-
tanggap
3 2.50- 3.49 Katanggap-tanggap

2 1.50- 2.49 Di-gaanong Katanggap-


35

tanggap
1 1.00- 1.49 Di-tanggap

Para sa interpretasyong berbal, ang pinakamataas na katanggap-tanggap

ay nangangahulugang napakahusay at napakaangkop ng isinagawang pag-

aaral. Ang mataas na katanggap-tanggap ay nangangahulugan naman na mas

mahusay at mas angkop. Samantala, ang katanggap-tanggap ay

nangangahulugang mahusay at angkop. Ang Di-gaanong katanggap-tanggap ay

nangangahulugang mahusay-husay subalit maaari pang maiwasto. At ang Di-

tanggap naman ay nangangahulugang mahina at hindi angkop ang interaktibong

sariling linanging kit na kailangang muling pag-aralan nang maigi.

Konsiderasyong Etikal

Naging isang suliranin ng mananaliksik ang pagkaudlot ng klase dahil sa

pandemya kung kaya’t walang mag-aaral na gagamit ng sariling linanging kit.

Ang pagpapabalido sa mga eksperto ang maaari lamang na masandigan

sa mga panahong ito na limitado ang galaw ng bawat tao.

Sa ganitong panahon ng pandemya, hindi madali ang harapang

pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Sapagkat iniiwasan ang pagkalat ng

Corona Virus Disease kung kaya’t maging ang paghahanap ng mga ekspertong

magbabalido ng binuong sariling linanging kit ay hindi rin naging madali para sa

mananaliksik lalo pa’t nagtatrabaho sa kani-kaniyang tahanan ang mga guro at

hindi nagtutungo sa kani-kaniyang paaralan.


36

Sa tulong ng makabagong komunikasyon ay natukoy ng mananaliksik ang

limang ekspertong nagbalido ng kagamitang pampagtuturo. Sa pamamagitan ng

WeTransfer application, Facebook Messenger at USB ay nagawang ibalido ng

mga eksperto ang kagamitang pampagtuturo.

Upang makapagpabalido sa kanila ay gumawa muna ng liham pahintulot

ang mananaliksik sa prinsipal na sumasakop sa kanilang paaralan. Kalakip ng

pagsang-ayon ng mga nakatataas sa kanila ay saka pa lamang sila binigyan ng

liham pagsang-ayon bago binigyan ng tseklis o ng instrumentong ginamit sa pag-

aaral.

Tiniyak ng mananaliksik na pribado at kompidensiyal ang mga datos na

nalikom mula sa mga eksperto. Ang anumang kanilang pansariling impormasyon

ay hindi sapilitan. Ito ay opsyunal o kung gugustuhin lamang nila na isulat sa

tseklis ang kanilang pagkakakilanlan.

Gayunpaman, ipinaliwanag pa rin ng mananaliksik ang nilalaman ng

tseklis at ang ukol sa sariling linanging kit upang maunawaan nila ang layunin ng

mananaliksik sa pagsasagawa ng ganitong pag-aaral at pagpapabalido ng

kagamitang pampagtuturo.
37

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito matutunghayan ang presentasyon at interpretasyon ng

mga nalikom na datos sa isinagawang balidasyon ng sariling linanging kit ng

pagsulat ng mga gurong eksperto.

1. Pagbuo ng Isang Interaktibong Sariling Linanging Kit ng Pagsulat sa

Filipino 7

Ang unang layunin ng pananaliksik na ito ay ang makabuo ng ng isang

interaktibong sariling linanging kit sa domain ng pagsulat. Binuo ito batay sa

kakayahang pampagkatuto o kompitensi na matatagpuan sa Gabay

Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon (May 2016).

Sinikap ng mananaliksik na makapangalap ng mga impormasyon sa mga

modyul, tesis, sangguniang aklat, at internet na may kaugnayan sa pagsulat para

mabuo ang sariling linanging kit.


38

Iniangkop ang kagamitang pampagtuturo sa mga panukatang inilabas ng

LRMDS- Rehiyon III na matatagpuan sa YouTube. Ang tatlong bahagi ay ang

Ano ang Nangyari, Ano ang Dapat Malaman at Ano ang Natutunan.

Una, Ano ang Nangyari? Ito ay ang panimulang pagtataya na

pinamagatang “Gawin Mo” na sasagutin ng mga mag-aaral kung saan wala pa

silang lubusang pagkaalam sa kompitensi.

Ikalawa, Ano ang Dapat Malaman? Sa bahaging ito ang talakayan na

binubuo ng Basahin Mo, Sagutin Mo, Alamin Mo at ang Isularo Mo kung saan

napapaloob ang limang lebel sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pagsulat.

At ang huli ay ang Ano ang natutunan? Dito matatagpuan ang panapos na

pagtataya na binubuo ng Kayang-kaya Mo at ang Isulat Mo.

Masusing pinag-aralan ng mananaliksik ang limang lebel sa

pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat. Ang Unang lebel- “Sabi ko, baybayin

mo”. Dito malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa tamang pagbabaybay

ng mga salitang maaari nilang magamit para sa pagtatamo ng kompitensi.

Ikalawang lebel- “1 pic more words.” Sa lebel na ito mapapalawak ang

imahinasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga salita

sa mga larawang kanilang makikita. Ang mga larawang ito ay may kinalaman sa

akda at paksang tinalakay. Ikatlong lebel- “Malaki ba o maliit?” Dito mapauunlad

ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng malaki o maliit na letra ng

mga salita. Ikaapat na lebel- “Pahayag ko, bantasan mo”. Sa lebel na ito

malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa tamang pagbabantas sa

pamamagitan ng mga pahayag na gagamitin sa gawaing ito. At ang Ikalimang


39

lebel- “Sulat pa more!” Makatutulong ang huling lebel upang mas mapalawak ang

kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng kuwento batay sa mga larawang

kanilang makikita.

Upang ito ay maging interaktibo kung kaya’t gumamit ng Microsoft

Powerpoint 2016 kung saan ang mga iginuhit na larawan ng mananaliksik ay

inilagay at makapagpadali sa pagkaunawa ng mga aralin. Naglagay rin ng

kaligirang musika na angkop sa lugar na pinagmulan ng mga akda. Nilapatan rin

ito ng musikang panglaro upang makapagpaalis ng pagkabagot sa mga mag-

aaral at makapukaw ng kanilang interes.

Inilagay rin ang voice recording ng guro upang hindi mapagod sa

pagbabasa ang mga mag-aaral at mapaunlad rin ang kanilang kasanayan sa

pakikinig. Nilapatan ito ng mga sound effects at disenyong tatatak sa

pagkakakilanlan ng Sularo at naglagay ng mga salita o pahayag na naka- flash

sa screen. Upang maging maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga slides at

maging dinamiko at interaktibo ang linanging kit ay gumamit rin ng hyperlinks.

Sinunod din ng mananaliksik ang panukatang nagmula sa Resource

Management and Development System o LRMDS at ibinatay rito ang

sumusunod: layunin, nilalaman, pormat; ilustrasyon at disenyo, presentasyon at

organisasyon, pagsasanay, at kawastuhan at napapanahong impormasyon.

Anim na aralin kung saan anim rin na kompitensi ang bumubuo sa Sularo

na isang interaktibong sariling lnanging kit. Tatlo sa unang markahan at tatlo rin

ikalawang markahan.
40

Sa unang markahan ang Aralin 1 ay Kuwentong bayan kung saan ang

kompitensi rito ay ang makasulat ang mag-aaral ng mga patunay na ang

kuwentong bayan ay salamin ng tradisyon at kaugalian ng lugar na pinagmulan

nito. Aralin 2: Pabula, ang kompitensi rito ay ang makasulat ng sariling

damdamin o saloobin sa paggamit ng hayop bilang tauhan na nagsasalita at

kumikilos na parang tao sa pabula. Aralin 3: Maikling Kuwento, ang kompitensi

naman sa araling ito ay ang makasulat nang maayos na buod ng binasang

kuwento at may kaisahan ang mga pangungusap.

Para naman sa ikalawang markahan ang Aralin 1 ay Alamat. Ang

kompitensi ay ang makasulat ng isang alamat sa anyong komiks. Aralin 2: Dula,

ang kompitensi naman ay ang makasulat ng isang editoryal na nanghihikayat

kaugnay ng paksa. At sa Aralin 3: Epiko, ang kompitensi ay ang makasulat ng

isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya sa

kinagisnang kultura.

Sa bawat aralin ay naglagay rin ng susi sa pagwawasto. Matatagpuan sa

pinakahuling slide ang sanggunian upang makilala ang mga pinagkuhanang

impormasyon, musika, sound effects at ibang larawan na ginamit sa sariling

linanging kit.

2. Balidasyon ng mga Gurong Eksperto

Ang binuong sariling linanging kit ay ipinabalido sa limang gurong

eksperto upang makita ang antas ng pagtanggap ng mga eksperto ukol dito.
41

Matutunghayan ang mga naging resulta ng balidasyon ng mga eksperto

sa kagamitang pampagtuturo sa sumusunod na talahanayan.

2.1 Layunin

Ang mga layunin sa bawat aralin ay binuo sa pamamagitan ng unpacking

ng mga kompitensi. Mula sa kompitensi ibinatay ang mga layunin sa pagkatuto

na dapat matamo ng mga mag-aaral.

Talahanayan 1

Resulta ng Balidasyon ng mga Eksperto sa Layunin ng Interaktibong

Sariling Linanging Kit

Layunin Mean Berbal na


Interpretasyon
Naihahayag ang layunin sa gawaing kilos. 4.60 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
Naaayon ang layunin sa kasanayang nais 4.80 Pinakamataas na
makita sa mga mag-aaral. katanggap-tanggap

Naisasakatuparan ang bawat layunin ng 4.40 Mataas na katanggap-


aralin. tanggap
Nasusukat ang mga layunin ng bawat 4.80 Pinakamataas na
aralin. katanggap-tanggap
Kabuuang Mean 4.65 Pinakamataas na
katanggap-tanggap

Sa Talahanayan 1 ay makikita ang naging resulta ng balidasyon ng mga

eksperto batay sa layunin ng interaktibong sariling linanging kit. Base sa resulta,

lumabas sa berbal na interpretasyon na ang layunin ng kagamitang

pampagtuturo ay may pinakamataas na katanggap- tanggap na may kabuuang

mean na 4.65. Ito ay nangangahulugang ang bawat layunin ng linanging kit ay


42

naihahayag, naaayon, naisasakatuparan,at nasusukat ang mga kasanayang

pampagkatuto na dapat matamo ng mga mag-aaral.

Ang mga kompitensi o kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin ay

kinakailangang i-unpack upang makabuo ng mga tiyak na layunin sa pagkatuto

na inaasahang matatamo ng mga mag-aaral. Ang unpacking ng mga kompitensi

ay isa sa mga kasanayan na itinuro at hinasa sa mga guro sa Kagawaran ng

Edukasyon upang mas maging madali ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng

mga mag-aaral (Learning Delivery Modalities Course for Teachers o LDM2

2020). Ito ay isinakatuparan ng mananaliksik sa binuong kagamitang

pampagtuturo

Ginagawa ang unpacking dahil ang mga kompitensi o kasanayang

pampagkatuto ay malawak. At upang hindi mahirapan na matutunan ito ng mga

mag-aaral. mula sa kompitensi ay bumubuo ng mga layunin na siyang magiging

basehan ng guro kung saan iikot ang kaniyang proseso ng pagtuturo at

pagkatuto ng mag-aaral. Sa mga layunin din ibabatay ang mga pagsasanay

upang matiyak ang kanilang pagkatuto.

2.2 Nilalaman

Ang nilalaman ay tumutukoy sa mga nakapaloob na aralin sa

interaktibong linanging kit kung saan matatagpuan ang mga kaalaman,

kasanayan at karunungang dapat matamo ng mga mag-aaral.

Talahanayan 2
43

Resulta sa Balidasyon ng mga Eksperto sa Nilalaman ng Interaktibong

Sariling Linanging Kit

Nilalaman Mean Berbal na


Interpretasyon

Naaangkop ang nilalaman sa antas ng 4.80 Pinakamataas na


paghubog ng kasanayan ng mga mag-aaral. katanggap-tanggap

Nakatutulong ang kagamitan sa pagtugon ng 4.60 Pinakamataas na


mga tiyak na layunin sa asignatura at antas ng katanggap-tanggap
mga mag-aaral na pagagamitan nito.

Nakalilinang ang kagamitang pampagtuturo ng 4.80 Pinakamataas na


mataas na kasanayang pangkaalaman tulad ng katanggap-tanggap
pagiging mapanuri,malikhain, pagkatuto mula
sa pagsasagawa, nagsisiyasat,paglutas ng
problema at iba pa.

Ang kagamitan ay malaya sa anumang 4.20 Mataas na


pagkiling sa ideolohiya, kultura, relihiyon, lahi, katanggap-tanggap
at kasarian.

Ang kagamitan sa paglinang ng kaaya-ayang 4.40 Mataas na


kaugalian, at pagpapahalaga tulad ng: katanggap-tanggap
pagmamalaki bilang isang Pilipino; makaagham
na pag-uugali at pangangatuwiran;
paghahangad ng tagumpay; pagmamahal sa
bayan, pagkamatulungin; pagkakaisa;
pagnanais makatuklas ng panibagong
kaalaman, katapatan at mapagkakatiwalaan;
kakayahan sa pagtukoy ng tama at mali;
respeto; kritikal at malikhaing kaisipan; at
kapaki-pakinabang na gawa.

Nakapupukaw ng interes ang kagamitang 4.80 Pinakamataas na


pampagtuturo sa mga mambabasa. katanggap-tanggap

Kabuuang Mean 4.60 Pinakamataas na


katanggap-tanggap

Makikita sa Talahanayan 2 ang resulta ng balidasyon ng mga eksperto sa

nilalaman ng sariling linanging kit.


44

Batay sa resulta, lumabas sa berbal na interpretasyon na ang nilalaman

ng interaktibong sariling linanging kit ay may pinakamataas na katanggap-

tanggap na ang kabuuang mean ay 4.60. Ito ay nangangahulugang ang

nilalaman ng linanging kit ay lubos na makatutulong sa mga mag-aaral sa

ikapitong baitang.

Naniniwala ang mga eksperto na ang kagamitang pampagtuturong ito ay

isang kasangkapan na huhubog at lilinang ng mataas na kasanayang

pangkaalaman ng mga mag-aaral.

Dahil sa mga kaalamang ito, magiging malawak ang kaisipan at pananaw

ng mga mag-aaral na magpapagalaw sa kanilang damdamin upang magbigay

reaksiyon na maaaring magamit para sa kanilang gawain ukol sa pagsulat.

Tiniyak ng mananaliksik na nakahanay ang bawat aralin sa Gabay

Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon (May 2016) na siyang

pinakasaligan ng mga guro sa pagtuturo.

Mahalagang magkaroon ng kaalamang kurikular. Ito ay tumutukoy sa

kabatiran ng guro sa mga programang pampagkatuto na binuo ng nasyunal na

pamahalaan (SEAMEO INNOTECH,2018) kung kaya’t dapat lamang na ito ay

sinusunod at pinauunlad.

2.3 Pormat

Nahahati sa dalawa ang pormat. Ang mga ito ay ang ilustrasyon at ang

disenyo o pag-aanyo. Tumutukoy ang ilustrasyon sa mga larawan at iba pang


45

nilikhang disenyo na makapagpapadali sa pang-unawa ng mga mag-aaral sa

mga akda at teksto. Samantala, ang disenyo o pag-aanyo naman ay tumutukoy

sa relasyon ng mga inilagay na mga larawan, voice recordings, sound effects, at

musika upang maging kaakit-akit, kasiya-siya sa paningin ang interaktibong

sariling linanging kit.

Talahanayan 3

Resulta sa Balidasyon ng mga Eksperto sa Pormat ng Interaktibong

Sariling Linanging Kit Ayon sa Ilustrasyon

Ilustrasyon Mean Berbal na


Interpretasyon
Payak at madaling makilala at 4.60 Pinakamataas na
maunawaan. katanggap-tanggap
Malinaw at napupunan ang 4.40 Mataas na katanggap-
pangangailangan ng teksto. tanggap
Maayos ang paraan ng pagpapaliwanag. 4.80 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
Makatotohanan/angkop ang ginamit na 4.40 Mataas na katanggap-
kulay tanggap
Malikhain/ nakatatawag-pansin. 4.60 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
May kaugnayang pangkultura 4.80 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
Kabuuang Mean 4.60 Pinakamataas na
katanggap-tanggap

Sa Talahanayan 3 ay makikita ang resulta sa balidasyon ng mga eksperto

sa interaktibong sariling linanging kit.


46

Sa Talahanayang ito, lumabas sa berbal na interpretasyon na ang pormat

ayon sa ilustrasyon ay may pinakamataas na katanggap-tanggap na may

kabuuang mean na 4.60. Ibig sabihin, ang ilustrasyon ng sariling linanging kit ay

payak, malinaw, maayos, makatotohanan, malikhain at may kaugnayang

pangkultura.

Pinag-isipang mabuti ng mananaliksik ang mga larawang kaniyang

iginuhit at tiniyak na ang mga ito ay madaling matukoy at makilala para mas

madaling maunawaan ang mga aralin. Sinigurado rin niyang payak lamang ang

mga ito sa paningin at makapupukaw ng interes ng mga mag-aaral. Batay sa

How to Make Self-Learning Kit or SLK? (Part 1-Parts of the Self-Learning Kit) na

napanuod ng mananaliksik na isa sa ginamit na gabay upang mabuo ang

kagamitang ito, ang ilustrasyon ay dapat orihinal. Ito ang isa sa mga dahilan

kung bakit ang guro ay nagpasiyang gumuhit at lumikha ng sariling mga

larawang aakma sa bawat aralin at paksa. Ang ipinalabas na ito ay nagmula sa

Learning Resource and Management System ng Rehiyon III.

Samantala, makikita naman sa Talahanayan 4 ang resulta sa balidasyon

ng mga eksperto sa pormat ng sariling linanging kit ayon sa disenyo o pag-

aanyo.

Talahanayan 4

Resulta sa Balidasyon ng mga Eksperto sa Pormat ng Interaktibong

Sariling Linanging Kit Ayon sa Disenyo o Pag-aanyo


47

Disenyo o Pag-aanyo Mean Berbal na


Interpretasyon
Nakaaakit at nakasisiya sa paningin 4.80 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
Payak (Hindi nakagagambala ng pansin sa 4.40 Mataas na katanggap-
mambabasa. tanggap
May kasapatan ang mga larawang may 4.60 Pinakamataas na
kaugnayan sa teksto. katanggap-tanggap
Magkaugnay ang bawat elementong 4.60 Pinakamataas na
ginamit. (halimbawa: larawan at teksto) katanggap-tanggap
Kabuuang Mean 4.60 Pinakamataas na
katanggap-tanggap

Sa Talahanayan ay lumabas sa berbal na interpretasyon na ang pormat

ayon sa disenyo ng linanging kit ay may pinakamataas na katanggap-tanggap na

may kabuuang mean na 4.60. Ito ay nangangahulugang nakaaakit, nakasisiya,

payak o hindi nakagagambala ng pansin, at magkakaugnay ang bawat

elementong ginamit sa pagdidisenyo ng interaktibong linanging kit.

Sa tulong ng isang Information Technology (IT) expert ay maayos na

nailapat ng gurong mananaliksik ang sariling voice recordings, sound effects,

napili ang angkop na kaligirang musika sa bawat akda at musikang panglaro sa

bawat lebel ng mga pagsasanay at naiugnay ang mga ito sa bawat bahagi ng

interaktibong sariling linanging kit.

Gumamit rin ang guro ng hyperlinks sa Powerpoint Presentation para sa

kagamitang ito upang makaganyak tulad ng mababasa sa website ng E-Learning

Heroes na sa mga hyperlink, maaari mong madaling gawing mas

nakakaengganyo ang iyong nilalaman at mag-anyaya sa mga nag-aaral.

(https://community.articulate.com/articles/why-and-how-to-use-hyperlinks-in-

powerpoint).
48

Talahanayan 5

Resulta sa Balidasyon ng mga Eksperto sa Pormat ng Interaktibong

Sariling Linanging Kit

Pormat Mean Berbal na


Interpretasyon
Ilustrasyon 4.60 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
Disenyo o Pag-aanyo 4.60 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
Kabuuang Mean 4.60 Pinakamataas na
katanggap-tanggap

Sa Talahanayan 5 ay makikita ang kabuuang resulta ng pormat, ang

pinagsamang kabuuang mean ng ilustrasyon at ng disenyo o pag-aanyo sa

balidasyon ng mga eksperto sa interaktibong sariling linanging kit. Lumabas na

ito ay may pinakamataas na katanggap-tanggap na may kabuuang mean na

4.60. Ito ay nangangahulugang ang pormat ng kagamitang pampagtuturo ay

naaangkop, hindi nakagagambala bagkus ay nakasisiya sa mga mag-aaral.

Ayon sa aklat na isinulat ni Wolf (2009), sinabi nina Valdez et.al na ang

kompyuter ay nakapagpapaunlad ng pag-uugali at interes ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng mas interaktibo at nakasisiyang pagkatuto. Kaya naman ang

mananaliksik ay bumuo ng isang interaktibong linanging kit na ang pormat na

ginamit ay isang aplikasyon sa kompyuter na powerpoint presentation 2016.

2.4 Presentasyon at Organisasyon


49

Tumutukoy sa maayos at sistematikong pagkakabuo ng sariling linanging

kit ang presentasyon at organisasyon.

Talahanayan 6

Resulta sa Balidasyon ng mga Eksperto sa Presentasyon at Organisasyon

ng Interaktibong Sariling Linanging Kit

Presentasyon at Organisasyon Mean Berbal na


Interpretasyon
Nakapupukaw ng interes at madaling 4.60 Pinakamataas na
maunawaan ang presentasyon ng aralin. katanggap-tanggap
Mahusay at malinaw ang pamamaraan ng 4.60 Pinakamataas na
pagkakasunod-sunod ng bawat aralin. katanggap-tanggap
Nakaakma ang bokabolaryo sa antas ng 4.20 Mataas na
mag-aaral at maging ang antas ng katanggap-tanggap
pagkaunawa.
Nakaangkop ang haba ng pangungusap sa 4.40 Mataas na
antas ng komprehensiyon ng mga target na katanggap-tanggap
mag-aaral.
Magkakaiba ng pangungusap at tala at ito 4.60 Pinakamataas na
ay kaakit-akit sa mga target na mag-aaral. katanggap-tanggap
Kabuuang Mean 4.48 Mataas na
katanggap-tanggap

Sa Talahanayan 6, makikita naman ang resulta sa balidasyon ng mga

eksperto sa presentasyon at organisasyon ng interaktibong sariling linanging kit.

Lumabas sa resulta ng berbal na interpretasyon na ang presentasyon at

organisasyon nito ay may mataas na katanggap-tanggap na may kabuuang

mean na 4.48. Ito ay nangangahulugan lamang na ang kagamitang ito ay may

mahusay, malinaw at maayos na pagkakasunud-sunod na mga aralin.


50

Sa bawat kaalaman,kasanayan, mga aralin. kompitensi at mga layunin na

ipinasok ng mananaliksik sa sariling linanging kit ay ibinatay lahat sa Gabay

Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon (May 2016). Ang pagkakasunod-

sunod ng mga aralin ay naaayon lahat dito.

2.5 Pagsasanay

Ang pagsasanay ay tumutukoy sa mga iba’t ibang gawain na nakapaloob

sa interaktibong sariling linanging kit.

Ang mga ito ang magsisilbing panukat upang mataya ang natutunan ng

mga mag-aaral at makapagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa pagsulat.

Kinakailangang nakaangkla ang mga pagsasanay sa kompitensi at mga layunin

ng bawat aralin upang matiyak ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Makikita sa Talahanayan 7 ang resulta sa balidasyon ng mga eksperto sa

kagamitang pampagtuturo batay sa pagsasanay.

Talahanayan 7

Resulta sa Balidasyon ng mga Eksperto sa mga Pagsasanay ng

Interaktibong Sariling Linanging Kit

Pagsasanay Mean Berbal na


Interpretasyon
Malinaw ang paglalahad ng panuto. 4.60 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
Maayos ang pagsasanay sa pagpapalawak ng 4.80 Pinakamataas na
kasanayan ng mag-aaral. katanggap-tanggap
51

Angkop ang mga pagsasanay sa pagsulat na 4.80 Pinakamataas na


tumutugon sa pangangailangan ng aralin. katanggap-tanggap
Akma ang mga pagsasanay sa kakayahan ng 4.80 Pinakamataas na
mga mag-aaral. katanggap-tanggap
Lohikal ang paglalahad ng katanungan sa 4.40 Mataas na
pagsasanay. katanggap-tanggap
Kabuuang Mean 4.68 Pinakamataas na
katanggap-tanggap

Lumabas sa berbal na interpretasyon na ang mga pagsasanay sa

interaktibong kagamitan ay may pinakamataas na katanggap-tanggap na may

kabuuang mean na 4.68. Ito’y nangangahulugang ang mga pagsasanay na

inilagay sa linanging kit ay malinaw, maayos, angkop at akma sa kakayahan ng

mga mag-aaral sa ikapitong grado. Ang mga ito ay makalilinang ng kanilang

kasanayan sa pagsulat.

Sa linanging kit ay binuo ng gurong mananaliksik ang limang lebel sa

pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral na nasa anyong laro

na binubuo ng mga panuto kung paano laruin ang bawat lebel at kung paano

magkakapuntos.

Nilapatan ng laro ang sariling linanging dahil naniniwala ang guro na

makatutulong ang mga ganitong pamamaraan upang maganyak na matuto ang

mga mag-aaral tulad ng binanggit sa pag-aaral ni Woo (2014) na nakadaragdag

ng motibasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang mga digital game-based

learning (DGBL).

2.6 Kawastuhan at Napapanahong Impormasyon


52

Ang huling pamantayan ay tumutukoy sa iba’t ibang tamang konsepto at

mga impormasyon na ginamit sa linanging kit. Mahalagang napapanahon ang

mga konseptong ito upang maging updated ang mga mag-aaral sa mga

impormasyong kanilang dapat na malaman. Ang kawastuhan nito ay maaari ring

tumukoy sa pagiging malaya nito mula sa mga tipograpikal na pagkakamali.

Resulta sa Balidasyon ng mga Eksperto sa Kawastuhan at Napapanahong

Impormasyon ng Interaktibong Sariling Linanging Kit

Kawastuhan at Napapanahong Mean Berbal na


Impormasyon Interpretasyon
May kawastuhan ang mga konsepto. 4.60 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
May kawastuhan ang mga impormasyong 4.40 Mataas na
inilahad. katanggap-tanggap
Maayos ang balarila o pagbuo ng mga 4.80 Pinakamataas na
pangungusap katanggap-tanggap
Paggamit ng mga impormasyon/konsepto. 4.20 Mataas na
katanggap-tanggap
Nalimitahan ang tipograpikal na pagkakamali. 4.60 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
Kabuuang Mean 4.52 Pinakamataas na
katanggap-tanggap

Sa resultang makikita sa Talahanayan 8, lumabas sa berbal na

interpretasyon na may pinakamataas na katanggap-tanggap ang kawastuhan at

napapanahong impormasyon ng linanging kit na may kabuuang mean na 4.52.

Nangangahulugan lamang na ang kagamitang ito ay nagtataglay ng maayos,

tama o wastong impormasyon na makatutulong sa mga mag-aaral upang

matutunan ang mga kaalamang ito kung saan mapapalawak ang kanilang mga

pananaw, reaksiyon at damdamin sa mga konseptong ito na kanilang magagamit

at maililipat sa kanilang mga gawain sa pagsulat.


53

Upang magawa ng gurong mananaliksik na may kawastuhan at

napapanahong impormasyon ang sariling linanging kit, kinailangang maging

mapanuri, mapagmasid, mapagbasa at mulat ang kaisipan sa mga napapanood

at naririnig na may kinalaman sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo.

Mahalagang ang guro ay updated sa mga bagong impormasyon at mga

panuntunan ukol sa pagbuo ng sariling linanging kit kung kaya’t ang bawat

nasaliksik ay kaniyang itinala. Lalo na ngayong pandemya na binago ang dating

pamumuhay maging ang edukasyon na ngayon ay tinatawag ng bagong normal.

Inihanay ng mananaliksik sa sariling linanging kit ang kontekstuwalisasyon at

aplikasyon sa mga nangyayari sa akda sa totoong buhay.

Mahalaga ang pagsasanib ng Contextualized Teaching and Learning

(CTL) sa kagamitang ito dahil  nakatutulong ito sa mga guro na maiugnay ang

nilalaman ng paksa sa tunay na sitwasyon sa mundo, at nahihimok ang mga

mag-aaral na gumawa ng mga koneksyon sa pagitan ng kaalaman at mga

aplikasyon nito sa kanilang buhay bilang miyembro ng pamilya, mamamayan, at

manggagawa (https://eric.ed.gov/?id=ED452376).

3. Antas ng Pagtanggap ng mga Eksperto sa Sariling Linanging Kit

Talahanayan 9

Pangkalahatang Kabuuan ng mga Mean at Berbal na Interpretasyon ng mga

Resulta sa Balidasyon ng mga Eksperto

Pamantayan Mean Berbal na


Interpretasyon
Layunin 4.65 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
54

Nilalaman 4.60 Pinakamataas na


katanggap-tanggap
Pormat 4.60 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
Presentasyon at Organisasyon 4.48 Mataas na
katanggap-tanggap
Pagsasanay 4.68 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
Kawastuhan at Napapanahong Impormasyon 4.52 Pinakamataas na
katanggap-tanggap
Pangkalahatang Mean 4.59 Pinakamataas na
katanggap-tanggap

Sa Talahanayan 9 makikita ang pangkalahatang mean mula sa resulta

sa balidasyon ng mga eksperto sa interaktibong sariling linanging kit. Lumabas

sa berbal na interpretasyon na ito ay may pinakamataas na katanggap-tanggap

na may pangkalahatang mean na 4.59. Sa kabuuan, pinatutunayan lamang nito

na ang binuong interaktibong sariling linanging kit batay sa mga eksperto ay

lubhang katanggap-tanggap at lubos na makatutulong sa mga mag-aaral sa

ikapitong baitang na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagsulat.

Ang antas ng pagtanggap ng mga eksperto rito ay lubhang mataas

kung kaya’t masasabing ito ay isang kagamitang magiging kapaki-pakinabang sa

mga mag-aaral. Matutugunan nito ang kanilang kahinaan sa pagsulat at

makapagbibigay sa kanila ng kasiyahan habang natututo.

Nakakuha ito ng ganitong magandang resulta sa balidasyon sapagkat

ang lahat ng pamantayan na nagmula sa LRMDS ay masusing sinunod ng

mananaliksik. Mula sa pagbuo ng mga layunin batay sa kompitensi, maayos na

inilahad sa bawat aralin ang mga ito. Bukod sa ang mga ito ay nakalinya sa
55

Gabay Pangkurikulum ay nagawa rin ng mananaliksik ang unpacking sa mga

kompitensi.

Pinag-isipan nang mabuti ang mga nilalaman ng mga aralin na

kailangang matutunan ng mga mag-aaral. Naghanap ng mga impormasyon ang

mananaliksik sa iba’t ibang sanggunian habang isinasaalang-alang ang mga

pamantayang pangnilalaman at pamantayan sa pagganap ng bawat markahan.

Ito ay ginawa upang mailapat ang angkop na pamamaraan at makamit ng mga

mag-aaral ang mataas na kasanayang pangkaalaman na magagamit upang

mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagsulat.

Bukod dito, ginamit ng mananaliksik ang Microsoft Powerpoint

Presentation 2016 para mailapat nang naaayon sa kaukulan ng sariling linanging

kit na isang interaktibo at nasa anyong laro. Ginawa ito upang maiangkop ang

kagamitan sa kaniyang pamagat na Sularo na may kahulugang sulat at laro.

Ang iba’t ibang bahagi ng sarling linanging kit ay maingat ding

pinagsunod-sunod para makapukaw ng interes ng mga mag-aaral at madaling

maunawaan.

Binuo rin ng mananaliksik ang limang lebel sa pagpapaunlad ng

kasanayan sa pagsulat bilang pagsasanay na maproseso ng mga mag-aaral ang

kanilang pagkatuto sa kasanayang ito. Ginawang batayan ng guro ang naging

pag-aaral ni Albuñan ukol sa antas ng pagsulat. Aniya, ang pagsulat ay may

antas ng kasanayan: kasanayang pampag-iisip at kasanayan sa pagbuo ng

talata. Kasanayang pampag-iisip ay tumutukoy sa analisis, organisasyon ng

ideya at imahinasyon. Ang kasanayan sa pagbuo ng talata ay tumutukoy naman


56

sa palugit at indensyon, pagbabaybay, pagbabantas at paggamit ng malalaki at

maliliit na titik.

Sinikap rin ng manunulat na magkaroon ng kawastuhan at napapanahong

impormasyon ang binuong sariling linanging kit kung saan matama niyang

binusisi kung ito ay malaya sa mga tipograpikal na pagkakamali.

4. Implikasyon ng Pag-aaral

Ito ang pinakahuling layunin ng pag-aaral. Tumutukoy ito sa mga magiging

epekto o maaaring kalalabasan ng pag-aaral at ang kahalagahan nito sa mga

mag-aaral, sa mga guro, at sa paaralang kinabibilangan at maaabot ng pag-aaral

na ito batay sa balidasyong isinagawa ng mga eksperto.

Una, dahil sa magandang resulta sa balidasyon ng sariling linanging kit,

naniniwala ang mga eksperto na ang kagamitang ito ay tunay na magiging

kasangkapan upang mapaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa

pagsulat kahit sila ngayon ay nasa mga tahanan lamang.

Ang mga mag-aaral ang pangunahing makikinabang sa paggamit ng

kagamitang pampagtuturong ito na pupukaw ng kanilang interes at kamalayan

kung paano sila matututong magsulat habang naglalaro.

Ikalawa, magsisilbing katuwang ng guro ang binuong sariling linanging kit sa

paghubog sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Wala mang harap-

harapang pagtuturo sa kasalukuyan ngunit matutugunan pa rin ng guro ang

kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsulat sa pamamagitan ng kagamitang ito.

Magiging karagdagang kagamitang pampagtuturo rin ang sariling linanging kit

na ito sa paaralan. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na kulang sa mga


57

aklat, modyul at iba pang sanggunian ang mga pampublikong paaralan sa

bansa. Maaari rin itong i-adopt ng dibisyon upang mailagay sa Learning

Resource Management and Development System o LRMDS- Portal na maa-

access ng mga paaralan para sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino.

Sa huli, sa gitna man ng pandemya ay makakatuwang ng paaralan ang mga

magulang sa pamayanan sa paggabay at pagtututro sa mga mag-aaral sa tulong

ng sariling linanging kit na pinamagatang Sularo.

KABANATA IV

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito nakalahad ang pangkalahatang lagom ng pag-aaral,

ang mga nabuong kongklusyon at rekomendasyon mula sa mga nakalap na

datos.

Lagom sa Resulta ng Pag-aaral

Sa bahaging ito matutunghayan ang buod ng mga datos at impormasyong

nalikom ng mananaliksik sa pagbuo at balidasyon ng interaktibong sariling

linanging kit ng pagsulat sa Filipino 7 na pinamagatang Sularo na may

kahulugang sulat at laro.

Ang Sularo ay binubuo ng anim na aralin batay sa domain ng pagsulat na

may iba’t ibang kompitensi o kasanayang pampagkatuto. Nakapaloob dito ang

limang lebel na binuo ng mananaliksik para magsilibing gawain sa pagpapaunlad

ng kasanayan sa pagsulat.
58

Ang Unang lebel- “Sabi ko, baybayin mo”. Dito malilinang ang kakayahan

ng mga mag-aaral sa tamang pagbabaybay ng mga salitang maaari nilang

magamit para sa pagtatamo ng kompitensi. Ikalawang lebel- “1 pic more words.”

Sa lebel na ito mapapalawak ang imahinasyon ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng pag-uugnay ng mga salita sa mga larawang kanilang makikita.

Ang mga larawang ito ay may kinalaman sa akda at paksang tinalakay. Ikatlong

lebel- “Malaki ba o maliit?” Dito mapauunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral

sa paggamit ng malaki o maliit na letra ng mga salita. Ikaapat na lebel- “Pahayag

ko, bantasan mo”. Sa lebel na ito malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral

sa tamang pagbabantas sa pamamagitan ng mga pahayag na gagamitin sa

gawaing ito. At ang Ikalimang lebel- “Sulat pa more!” Makatutulong ang huling

lebel upang mas mapalawak ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng

kuwento batay sa mga larawang kanilang makikita.

Batay sa resulta ng isinagawang balidasyon ng mga eksperto sa Sularo,

nakakuha ng 4.65 ang pamantayang layunin na ang berbal na interpretasyon ay

may pinakamataas na katanggap-tanggap; nakakuha naman ang nilalaman ng

4.60 na ang berbal na interpretasyon ay may pinakamataas na katanggap-

tanggap; ang pormat ay nakakuha ng 4.60 na ang berbal na interpretasyon ay

may pinakamataas na katanggap-tanggap; nakakuha ang presentasyon at

organisasyon ng 4.48 na ang berbal na interpretasyon ay may mataas na

katanggap-tanggap; ang pagsasanay ay nakakuha ng 4.68 na ang berbal na

interpretasyon ay may pinakamataas na katanggap-tanggap; at ang kawastuhan


59

at napapanahong impormasyon naman ay nakakuha ng 4.52 na ang berbal na

interpretasyon ay may pinakamataas na katanggap-tanggap.

Sa kabuuan, nakakuha ng 4.59 na pangkalahatang mean na may

pinakamataas na katanggap-tanggap ang berbal na interpretasyon.

Samakatuwid, mula sa resultang ito masasabing ang sariling linanging kit ay

kinakitaan ng mga eksperto ng katangian at kakayahang magpapaunlad sa

kasanayan ng mga mga-aaral sa pagsulat.

Base sa mga naging komento ng mga ekspertong nagbalido nito, ang

kagamitang ito ay mainam at nakasisiyang kasangkapan dahil sa nilapatan ng

laro ang pagsulat na angkop sa edad ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang.

Ang sabi pa ng isang eksperto, maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga aralin

at madaling intindihin na sadyang makatutulong sa mga mag-aaral. Sa isa pang

komento ay binanggit na ang galaw at paglitaw ng mga pahayag ay akma sa

voice recordings ng guro maging ang mga larawan. Binigyang-diin din sa

komento ang pagpuri sa binuong limang lebel na akma sa kakayahan ng mga

mag-aaral dahil bukod sa ito ay ginawang laro ay nakitaan pa ng mga paksa

bago ang mismong pagsagot o paglalaro.

Naging maganda ang mga komento ng mga eksperto sa pagbalido ng

Sularo. Ang pinakamagandang mungkahi ay nakuha rin nito. Iminungkahing ito

ay maibigay sa lupon ng mga tagasuri at mapabilang sa Learning Resource

Management and Development System o LRMDS- Portal.

Kongklusyon
60

Mula sa mga nakalap na datos at impormasyon ng mananaliksik, ang

sumusunod na pahayag ang pangkalahatang natuklasan sa pag-aaral.

1. Matiyaga at mabusising binuo ang Sularo na isang interaktibong

sariling linanging kit ng pagsulat sa Filipino 7 upang maging

instrumento sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral alinsunod sa

Gabay Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay

naglalaman ng mga aralin, kompitensi at nilapatan ng limang lebel na

gawain sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat.

2. Nakakuha ng magandang resulta sa isinagawang balidasyon ng mga

eksperto ang sariling linanging kit batay sa mga pamantayan. Ang

layunin, nilalaman, pormat, pagsasanay, at kawastuhan at

napapanahong impormasyon ay nakakuha ng pinakamataas na

katanggap-tanggap sa berbal na interpretasyon samantalang ang

presentasyon at organisasyon ay nakakuha naman ng mataas na

katanggap-tanggap.

3. Ang antas ng pagtanggap ng mga eksperto sa sariling linanging kit ay

batay sa pangkalahatang mean na nakakuha ng pinakamataas na

katanggap-tanggap. Sa kabuuan, nangangahulugang lubhang

makatutulong ang kagamitang ito sa pagpapaunlad ng kasanayan ng

mga mag-aaral sa pagsulat.

4. Batay sa mga datos, komento at mungkahing nakalap, malaki ang

maitutulong ng sariling linanging kit sa mga mag-aaral upang

mapaunlad ang kanilang kahinaan sa pagsulat. Sa pamamagitan nito,


61

mahihikayat silang matuto nang mag-isa habang nasisiyahan.

Magsisilbing katuwang din ng guro ang binuong sariling linanging kit sa

paghubog sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat. At sa gitna

man ng pandemya ay makakatuwang ng paaralan ang mga magulang

sa pamayanan sa paggabay at pagtututro sa mga mag-aaral sa tulong

ng binuong sariling linanging kit.

Rekomendasyon

Batay sa mga natukoy na suliranin sa isinagawang pag-aaral, narito ang

sumusunod na mungkahing solusyon.

1. Inirerekomenda na ipagamit ang sariling linanging kit sa mga mag-

aaral sa ikapitong grado.

2. Hinihikayat ang patuloy na pagbuo ng iba’t ibang kagamitang

pampagtuturo at iba pang interbensiyon sa gitna man ng pandemya

upang patuloy na mapakinabangan ang mga ito ng mga mag-aaral.

3. Hinihimok ang mga gurong nagtuturo sa Filipino 7 na gamiting

lunsaran o remedyal ang sariling linanging kit sa pagtuturo ng pagsulat

at iminumungkahi ang patuloy na paghahanap ng iba pang

pamamaraan at pananaliksik ng iba pang impormasyon at kaalaman

na hindi naipaloob sa sariling linanging kit na ito.

4. Kinukumbinsi ang paaralan na lubos na suportahan ang mga guro

upang magpursigi sa pagpaplano ng mga pamamaraan at matugunan

ang kahinaan ng mga mag-aaral sa kasanayang ito.


62

TALASANGGUNIAN

Aklat

Alcantara, Rebecca D. et.al (2003) Teaching Strategies 1: For the Teaching of

the Communication Arts: Listening, Speaking, Reading, and Writing. Makati City.

Katha Publishing Co., Inc.

Recorba, Felisa M. et.al (2003). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina.

Pantoc, Meycauayan 3020 Bulacan. Trinitas Publishing Inc.

Salandanan, Gloria G. (2009). Teacher Education. Revised Edition. Katha

Publishing Co., Inc.

Tesis

Adas Dana and Bakir Ayda (2013). Writing Difficulties and New Solutions:

Blended Learning as an Approach to Improve Writing Abilities

Albuñan, Liezel et.al. Ang Antas Ng Kasanayan Sa Pagsulat Ng Sulatin Ng

Dalawang Grupo Ng Mga Mag-Aaral Sa Ikapitong Baytang Sa Nagpayong High

School (di nailathalang tesis)

Bratu, Simona B. (2015). Text Messaging VS. Academic Writing- A Case Study:

International Conference Knowledge- based Organization. Volume XXI No.2

Darmaji, Astalini et.al. Effectiveness of Using E- Module and E- Assessment (di

nailathalang tesis)

Galbadores, Sharon A. (2015). Self- Learning Kit in Science 7


63

Gutierrez, Lailanie M. Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagsulat: Pantulong sa

Pagwawasto ng Epekto ng SMS/ Text Messaging sa Pagsulat sa Filipino ng mga

Mag-aaral sa Ika-9 na Baitang ng De La Salle Lipa

Kellogg, Ronald T. and Raulerson III, Bascom A. (2007). Improving the Writing

Skills of College Students

Kitchakarn, Orachorn (2012). Using Blogs to Improve Students Summary Writing

Abilities. Turkish Online Journ of Distance Education

Lacson, Jesielyn G. et.al (2011). Text Messaging and It’s Influences on the

Writing Performance of the Senior High School Students

Laxamana, Relly A. (2012). Video-based Instructional Material (VBIM) in Physics

Matias, Janet P. (2013). Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng mga Mag-aaral sa

Ikapitong Grado

Odey, Veronica E. et.al (2014). Effects of SMS Texting on the Writing Skills of

University Students in Nigeria: Case of the College of Education Akamkpa.

International Journal of Linguistics and Communication. Published by American

Research Institute for Policy Development. Vol. 2, No. 3, pp. 83-96

Ortiz, Allan A. Mga Suliranin ng mga Mag-aaral sa Ikawalong Baitang sa

Pagsulat ng Sanaysay na Sulatin (di na-publish na kilos pananaliksik)

Ortiz, Allan A. (2017) Sipat-Suri sa Paggamit ng Learning Management System

(LMS) ng mga Mag-aaral ng Elizabeth Seton School sa Ikawalong Baitang sa

Asignaturang Filipino Taong Pang-Akademiko: 2016-2017


64

Pacol, Junior M. (2020). Pagbuo at Balidasyon ng Interaktibong Kagamitan sa

Pagtuturo ng Filipino Bilang Ikalawang Wika ng mga Dayuhang Mag-aaral

Pecson, Ryan R. Self-Learning Kit in Improving Academic Performance of Senior

High School Students (di nailathalang tesis)

Suwantarathip, Ornprapat and Wichadee, Saovapa (2014). The Effects of

Collaborative Writing Activity Using Google Docs on Students’ Writing Abilities

Woo, Jeng-Chung (2014). Digital Game-Based Learning Supports Student

Motivation, Cognitive Success and Performance Outcomes

Modyul

GURO21 Couse 1 Module 1: Equipping Teachers with Knowledge, Skills,

Attitudes, and Values for the 21st Century. Philippine Copyright 2011 Southeast

Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Regional Center for

Educational Innovation and Technology (INNOTECH)

GURO21 Couse 1 Module 2: Facilitating 21st Century Learning. Philippine

Copyright 2011 Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO)

Regional Center for Educational Innovation and Technology (INNOTECH)

Learning Delivery Modalities Course for Teachers (LDM2). National Educators

Academic of the Philippines. DepEd 2020

Internet
65

Frick, Theodore W. (1991). Restructuring Education Through Technology.

https://tedfrick.sitehost.iu.edu/fastback/fastback326.html

Graham Steve and Harris Karen R. (2013). Designing an Effective Writing

Program. New York. The Guilford Press A Division of Guilford

Publications.www.guilford.com

Wolf, Beverly P. (2009). Building Intelligent Interactive Tutors: Student-centered

Strategies for Revolutionary E- Learning https://books.google.com.ph/books?

hl=tl&lr=&id=MnrUj3J_VuEC&oi=fnd&pg=PP1&dq=study+of+wolfe+2010+about+

the+use+technology+in+education&ots=lxA4o5gwZk&sig=xvaFufKEpjm83UZhQ

YThFPCsSmk&redir_esc=y#v=onepage&q&f=false

https://www.slideshare.net/jombasto7/pagsulat-15995547

https://www.slideshare.net/GinoongGood/batayang-kaalaman-sa-pagsulat

www.simplypsychology.org

https://community.articulate.com/articles/why-and-how-to-use-hyperlinks-in-

powerpoint

https://eric.ed.gov/?id=ED452376

https://youtu.be/4zfC4mSN3qk

Gabay Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon (May 2016)

You might also like