You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of SIARGAO
JAMOYAON ELEMENTARY SCHOOL
Jamoyaon, Del Carmen, Surigao del Norte

WEEKLY TEST
IN
FILIPINO 6
Q1-Wk 1

Name: __________________________________ Grade: _____________

Date: ____________________________________ Score: _________________

Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat ang mga
tanong at sagot sa iyong kuwaderno.
Ang Gamot ni Bien
Bata pa ay may kapilyuhan na ang batang si Bien. Madali siyang umisip ng paraan
upang huwag makagalitan. Isang araw ay inutusan siya ng ina na bumili ng paso. “Bien, ibili
mo nga ako ng dalawang paso. Nabasag ang pasong pinagtatamnan ko ng rosas. Eto ang pera at
dalian mo sana,” ang utos ng ina kay Bien. “Opo, Nanay,” sagot ni Bien na agad umalis
papuntang palengke. May kalayuan din ang bahay nila sa bayan. Nagdudumali siyang
makarating sa palengke. Nakabili naman agad ng paso si Bien. Napansin niyang maaga pa, kaya
marahan lamang ang paglalakad niya. Nanood muna siya ng mga nakapaskil na larawan sa
isang sinehan. Itinabi niya sa isang sulok ang mga pasong dala niya. Paglabas ng mga tao sa
sinehan ay nagkagulo na sa labasan. Lahat ng tao ay kamot nang kamot. Dahil sa siksikan sa
labasan, natapakan ang mga paso ni Bien at nabasag. Malungkot na pinulot ni Bien ang
nagdurog-durog na paso. Alam niyang pagagalitan siya ng ina. Mabilis na nag-isip siya ng
paraan upang makalusot sa problema. Maya-maya pa’y napasuntok siya sa tuwa. Kinuha niya
ang mga basag na paso at umalis. Dinikdik niya nang pinong-pino ang mga basag na paso.
Hindi naglaon at bumalik siya sa palengke. May panibagong tinda siya. “Mabisang gamut sa
kati! Bili na kayo at murang-mura!” Agad naglapitan ang mga taong galing sa sinehan at
inusyoso ang mga balot sa papel na tinda ni Bien. “Bili, bili kayo! Baratilyo! Baratilyo! Piso-
piso lang! Garantisadong maaalis ang kati!” Naubos ang tinda ni Bien at marami siyang
pinagbilhan. Nakabili pa siya ng tatlong paso. Takangtaka ang ina niya ngunit hindi na lamang
umimik. Nang sumunod na araw, nagbalik sa kabayanan si Bien. Nakita siya ng mga tao at
hinabol siya. Galit na galit ang mga tao kay Bien.
1. Ano ang katangian ni Bien bilang isang bata?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Ano ang ginawa ni Bien sa mga nabasag na paso? Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Kung ikaw si Bien, gagawin mo ba ang kanyang ginawa? Kung Oo, bakit? Kung hindi, ano
ang gagawin mo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Bakit hindi natin dapat niloloko ang ating kapwa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Anong aral ang nais iparating ng kwento? Ipaliwanang ang sagot.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Prepared by:

RESA C. MAGUSARA
Class Adviser

You might also like