You are on page 1of 16

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Matalinong Pagpapasiya
para sa Kaligtasan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Matalinong Pagpapasiya para sa Kaligtasan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Gina W. David
Co-Awtor - Content Editor : Niza Jane D. Pamintuan
Co-Awtor - Language Reviewer : Marlon D. Paguio
Co-Awtor - Illustrator : Renalyn L. Muli
Co-Awtor - Layout Artist : Hazeline M. Pestelos/Mary Grace L. Beltran

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Alma Q. Flores
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP/Values : Jacquelyn C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Matalinong Pagpapasiya
para sa Kaligtasan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat at idinisenyo upang tulungan kang maging mapanuri
at maisagawa ang matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan ng bawat isa.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutunan mo ang:

1. Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan


(EsP5PPP-IIIc – 26)

1.1. paalala para sa mga panoorin at babasahin

1.2. pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag- iingat sa sunog at paalala

kung may kalamidad.

Subukin

Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Anong kalamidad ang ipinakikita sa


bawat larawan? Ano ang mabuting gawin upang maiwasan ito? Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. 3. 2.14"

2. 4.

5.

1
Aralin Matalinong Pagpapasya para
1 sa Kaligtasan

Ang bawat tao ay may kani-kaniyang responsibilidad o tungkulin upang mapanatili


ang kaligtasan. Narararapat lamang na ang bawat isa sa atin ay magmalasakit sa
ating kapaligiran. Kailangang magkaroon ng disiplina, maging responsable at
palaging isaisip ang magiging resulta ng kilos na ating gagawin.

Mahalaga rin na magkaroon ng kaalaman sa mga kalamidad upang masiguro ang


kaligtasan ng bawat isa. Makinig ng mga balita, makiisa sa proyekto ng barangay,
makiisa sa pagtatanim ng mga puno at tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaligtasan ng ating kapaligiran.

Bukod dito, kailangan din nating maging mapanuri at magkaroon ng matalinong


hakbang sa pagbuo ng pasiya kung tayo ay nasa panganib lalo na kung ang nakataya
rito ay ang kapakanan at kaligtasan ng lahat.

Balikan

Isulat ang tsek () kung ang ipinapahayag sa pangungusap ay nagpapakita ng pagiging
malikhain at ekis (x) kung hindi.Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Hindi sumali sa paligsahan ng pagguhit si Alden kahit maaari naman niyang ipadala
ang kaniyang nilikha sa online.

2. Nagvideo si Maine ng kaniyang sarili habang siya ay umaawit at ipinadala sa


kaniyang nanay na nasa ibang bansa.

3. Nanood ng katutubong sayaw si Rica upang mapagbuti ang kaniyang gagawing


pagtatanghal sa klase.

4. Lumahok ang mga mag-aaral sa Zumba Dance Competition para sa Pawikan


Festival nang buong husay.

5. Nakabuo ng sariling awitin ang pangkat tungkol sa kapaligiran matapos


mapakinggan ang kanta sa radyo.

2
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
magbigay kaalaman sa mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral upang makasunod ng may
masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan.

Tuklasin

May mga pagkakataon na nakararanas ng banta ng kapaligiran ang mga tao at isa
na rito ang pamilya ni Dino? Ano kaya ang gagawin niya? Halina at tuklasin natin
ang mga pagpapasiyang ginawa ni Dino sa nangyaring sunog sa kanilang
barangay.
Sunog sa Barangay Maharlika
Isinulat ni: Gina W. David

Araw ng Sabado, maagang gumising si Dino.


Tuwang-tuwa siya dahil sa wakas ay
kumpleto ang kaniyang buong pamilya.
Tumulong siya sa mga gawaing bahay. Nang
matapos siya ay tinulungan niya ang
kaniyang nanay sa pagluluto ng kanilang
pagsasaluhang pagkain. Masayang nagsalo-
salo ang buong pamilya sa inihanda ni Nanay
Lita para sa kanilang buong pamilya.
Matapos kumain binuksan ni tatay ang
kanilang karaoke upang magkantahan.
Walang pagsidlan ang naging saya ni Dino sa
pangyayaring ito sa kanilang pamilya.

3
Habang sila ay nagkakasiyahan biglang
napahinto si Dino. Napatanaw siya sa
bintana. Napansin niya na nagkakagulo
ang mga tao. Lumabas siya ng kanilang
bahay. Pinuntahan niya ang isang
kakilalang tumatakbo at nagtanong
kung ano ang nangyayari. Itinuro nito
ang mga bahay at laking gulat niya ng
makita na may sunog pala sa kanilang
barangay. Napansin niya na dalawang
bahay na lamang at aabutan na rin ang
kanila kaya dali-dali niyang pinuntahan
ang kaniyang pamilya.

“Inay! Itay! May nasusunog po sa labas


at dalawang bahay na lamang po at
madadamay na rin po ang ating bahay”
ang sabi ni Dino. “Anong sunog? Naku!
Ano ang gagawin natin, Lito?”
natatarantang tanong ni nanay kay
tatay. “Huwag po tayong matakot at
mataranta nanay. Nakahanda naman
po ang mahahalagang gamit natin
kukuhanin ko lamang po sandali”,
mahinahong sabi ni Dino sa kaniyang
ina. Pagkakuha ng gamit ay kaagad na
lumabas ng kanilang bahay ang buong
mag-anak.

Laking pasasalamat nila Dino ng kaagad naagapan ang sunog at hindi inabot ang
kanilang bahay. Dahil sa nangyari nagpasya ang buong mag-anak na ipatingin ang
mga outlet ng kanilang kuryente na naging sanhi ng sunog na naganap sa kanilang
barangay, bilang pag-iingat na rin at upang masigurado na wala ng sunog na
mangyayari pa. Bukod dito, naging ugali na rin nila Dino na alisin ang lahat ng
kanilang kagamitang de-koryente sa saksakan sa tuwing sila ay umaalis ng kanilang
bahay.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang okasyon sa tahanan nila Dino?

2. Bakit tuwang-tuwa si Dino?

3. Ano ang nakita niya nang sumilip siya sa kanilang bintana?

4. Ano ang ginawa ni Dino nang makitang natataranta ang kaniyang Nanay Lita?

5. Kung ikaw si Dino ano ang gagawin mo sa ganoong sitwasyon? Bakit?

4
Suriin

Lagi mong tandaan, upang makaligtas sa anumang banta ng panganib, sumunod


nang maayos sa mga paalala at gumamit ng matalinong pagpapasiya para sa
kaligtasan ng bawat isa. Hindi natin matitiyak kung kailan ito magaganap at kung
saan ito mananalasa kung kaya kailangan nating maging handa sa tulong ng mga
piling tanggapan ng ating pamahalaan na nangangasiwa sa mga paparating na
kalamidad o banta ng panganib.

Bukod dito, mahalaga rin na matutunan mo kung ano-ano ang mga hakbang sa
paghahanda na dapat gawin sa panahon ng kalamidad at sakuna. Ang kaalaman na
ito ay makatutulong sa iyo upang makapagbigay ng abot-kayang tulong sa
nangangailangan. Ang pag-unawa o pag-alam sa mga hakbang kung paano
maghahanda sa mga kalamidad man o pandemya ay isang pamamaraan upang
makatulong sa kapwa. Ang pagbibigay ng babala o impormasyon sa iyong kapwa ay
makatutulong naman upang sila ay maging ligtas sa anomang kapahamakan o
panganib.

Narito ang ilang mahahalagang paalala para sa mga panoorin at babasahin na hindi
angkop sa bata at ilang paghahanda o hakbang na dapat gawin sa banta ng panganib
o kalamidad at sakuna.

Mga Dapat Gawin sa Panonood ng mga Eksena o Palabas sa


Telebisyon na Hindi Angkop sa Bata

 Huwag gagayahin ang mga ginagawa ng mga paborito mong artista na


alam mong makasasama o makapagpapahamak sa iyong kapwa.
 Maging matalino sa panonood at iwasan ang mga panoorin na hindi
akma sa isang batang tulad mo.
 Kung may mapanood man na hindi maganda sa paningin mo, humingi
ng paggabay ng iyong magulang.

Paghahanda para sa Lindol Paalala sa Pananalasa ng


Bagyo
 Ugaliing makiisa sa programa
ng paaralan tulad ng  Ugaliin ang pakikinig sa radyo
at telebisyon para sa mga
Earthquake Drill
balita mula sa PAG-ASA hinggil
 Pag-aralan o manood ng sa parating na bagyo.
videos kung paano magbigay  Sa pagdating ng bagyo,
ng paunang lunas. manatili sa bahay at huwag
 Maghanda ng isang bag na magpunta sa mga lugar tulad
naglalaman ng mga ng ilog at baybaying dagat.
 Kung nakatira sa mababang
emergency kits tulad ng first
lugar pumunta na kaagad sa
aid kit, flashlight, kandila, mga evacuation centers para
posporo, pito, inuming tubig, maging ligtas.
de-latang pagkain at iba pa.

5
Dapat Gawin sa Oras ng Sunog

 Habang maliit pa ang apoy ay subukan na itong apulahin, kung hindi mo


ito magagawa ay humingi ng tulong sa mga kalapit na bahay at tumawag
ng bumbero o sa BFP (Bureau of Fire & Protection).

 Kung ikaw ay nasa ikalawang palapag o pataas, hintayin ang bumbero


upang ikaw ay masaklolohan.

 Huwag tumalon, maliban na lamang kung ito na lamang ang paraan para
mailigtas ang sarili ngunit siguraduhin na ang iyong pagtatalunan ay ligtas.

Mga Dapat Gawin sa Panahon ng Pandemya

 Manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang matataong lugar upang


maiwasang mahawa sa iba.

 Maghugas palagi ng kamay pagkatapos humawak ng kung ano-anong


bagay, magsuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay at panatilihin ang
isang metrong layo mula sa ibang tao (social distancing).

 Panatilihing malusog at malakas ang resistensiya at kumain ng mga


masusustansyang pagkain.

Pagyamanin

Gawain 1
Isulat ang Tama kung ang isinasaad sa pangungusap ay nagpapakita ng
matalinong pagpapasya sa banta ng kalamidad o sakuna at Mali kung hindi. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Maging alerto sa mga nangyayari sa kapaligiran.

_____2. Lumabas ng iyong bahay kahit na nabalitaan mo na may bagyong


paparating.

_____3. Sumang-ayon kaagad sa babalang sinabi lamang sayo ng iyong kaibigan.

_____4. Para sa wastong pagpapasiya, mangalap ng wasto o tamang impormasyon.


_____5. Linisin ang mga kanal upang makaiwas sa pagbaha.

6
Gawain 2
Anong paghahanda ang gagawin mo sa mga kalamidad o sakuna na nakatala sa
ibaba. Sumulat ng tatlong pamamaraan sa bawat letra. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
a. Lindol b. Sunog
1. 1.
2. 2.
3. 3.

c. Baha
1.
2.
3.

Isaisip

Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap upang makabuo ng matalinong


pagpapasiya sa mga banta ng kalamidad o sakuna. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

matalino , ligtas nakasaksak , nakasarado ang gas kalsada , basura

makinig, makibalita pagtatapon ng basura , pagpuputol

1. Ang pagbaha ay bunga ng mga gawain ng tao tulad ng ___________________sa


paligid at _______________________ ng mga puno sa bundok.

2. Sa tuwing aalis ng bahay siguraduhin na walang ______________________________


na kagamitang de-koryente at _____________________ kalan sa kusina .

3. ________________________ o ____________________ ng balita sa telebisyon upang


maging handa sa mga banta ng panganib sa paligid.

4. Maging _________________ sa anumang pagpapasiya upang maging


_________________ sa lahat ng pagkakataon.

5. Alisin ang mga kalat sa __________________ at ilagay sa tamang lalagyan ang mga
_________________upang hindi magbaha sa paligid sa tuwing sasapit ang tag-ulan.

7
Isagawa

Sa isang malinis na typewriting, gumawa ng isang poster na nagpapakita ng


paghahanda sa anumang banta ng panganib sa paligid at sa tao.

Pamantayan sa Pagsasagawa ng Poster

Pamantayan Iskor

Akma at eksakto ang kaugnayan sa paksa. Gumamit ng


kulay at kagamitan na may kaugnayan sa paksa.
Makapukaw interes at tumitimo sa isipan. Maganda, 10
malinis at kahanga–hanga ang pagkagawa. Nasa
takdang oras ang pagpapasa.
May isang kulang na sangkap na kinakailangan. 8
Kulang ng dalawang sangkap na kinakailangan. 6
Kulang ng tatlong sangkap na kinakailangan. 4

Kulang ng apat na sangkap na kinakailangan. 2


Hindi naisagawa ang gawain. 0

Tayahin

Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang pangungusap ay nagsasaad at


nagpapakita ng tamang pagpapasiya para sa kaligtasan at malungkot na mukha 
kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Inalis ni Klyde ang pagkakasaksak ng telebisyon pagkatapos niyang


gamitin.
_____ 2. Pinalitan ni tatay ang lumang electrical wire na maaaring mag-init at
pagmulan ng sunog.
_____ 3. Sumama pa rin si Jonathan sa kaniyang mga kaibigan na maligo sa dagat
kahit may babala ng pagtaas ng tubig dahil sa bagyo.

8
_____ 4. Nakinig ng balita sa radyo si Peter tungkol sa paparating na bagyo.
_____ 5. Inilagay ni Boyet sa mataas na lugar ang posporo upang hindi
mapaglaruan ng kaniyang nakababatang kapatid.
_____ 6. Umakyat sa puno ng bayabas si Domdom kahit malakas ang ulan.
_____ 7. Tumingin muna sa gawing kaliwa at sa gawing kanan ng daan si John
bago tumawid.
_____ 8. Hinayaan ni Maricel na maglaro ng siga sa labas ng bahay ang kaniyang
kapatid kahit matindi ang sikat ng araw.
_____ 9. Inayos ng tatay ang bubong ng kanilang bahay upang maging handa sa
darating na bagyo.
_____ 10. Lumayo si Raymond sa mga bagay na maaaring mahulugan o
mabagsakan ng mga bagay habang lumilindol.

Karagdagang Gawain

Gumupit sa pahayagan o diyaryo o humanap sa internet ng mga balita tungkol sa


kalamidad o sakunang nangyari sa ating bansa. Pag-aralan ang balitang nakalap at
sumulat nang maikling sanaysay kung paano ka makakatulong sa pagpapalaganap
ng impormasyong pangkaligtasan sa inyong barangay. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

9
10
Isagawa Isaisip Balikan
Depende sa sagot ng bata 1. pagkakalat ng 1. x
basura, pagpuputol 2. √
3. √
2. nakasaksak, 4. √
nakasinding 5. √
3. manood, making
4. matalino, ligtas
5. paligid, basura
Subukin Pagyamanin Tayahin
Depende sa Gawain 1 1. Masaya
sagot ng bata 2. Masaya
1. Tama 3. Malungkot
2. Mali 4. Masaya
3. Mali 5. Masaya
4. Tama 6. Malungkot
5. Tama 7. Masaya
6. Tama 8. Malungkot
7. Tama 9. Masaya
8. Mali 10.Masaya
9. Mali
10.Tama
Gawain 2 at
Depende sa sagot
ng bata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ylarde, Z, and G Peralta. Ugaling Pilipino Sa Makabagong Panahon, 2016.

DepEd (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies. ESP 5


DepEd (2016). Curriculum Guide. Edukasyon sa Pagpapakatao 5

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like