You are on page 1of 3

Libingan ng mga Gamu-Gamu

Dinig na dinig ang pagharurot ng mga eroplaning pampasabog. Nagmamadali na rin ang mga tao na
pumunta sa kweba upang makaligtas sa tinatapong bomba ng hapon. Kinulayang ang kalangitan ng
maitim at makapal na usok at pinaliligiran ang mga kabahayan ng nalalamon na apoy. "Magmadali lang
ako. Kaito alagaan mong mabuti si Ana. May babalikan lang ako sa bahay." Isang malaking pagsabog ang
nadinig at ang lahat ng kasama sa kweba ay sumigaw at yumuko. Niyakap ng ina ang dalawang anak at
inilapit ang noo sa dibdib ng dalawang anak. "Pagkatapos nito, pumunta kaagad kayo sa istasyon ng
tatay niyo". "Pero Nay" tanggi ng dalawa. Nang tumakbo ang ina, tinanaw ang dalawa sa mahigit limabg
metro. "Magkita tayo doon, antayin nyo ako" at tuluyang naglahi sa mayayabong na halaman. Malaki
ang kweba na pinagtaguan ng mga tao. Ilang araw na din ng ito'y nakasanayan ng mga tao sa bayan ng
Karakura. Humupa ang tensyon at natapos ang putukan.

Tinalunton mga nakatagong tao ang istasyon ng mga sundalo upang maantabayanan ang mga susunod
na galaw ng kalaban. Sinakay ni Kaito si Ana sa likod at tinalian ng lubid upang di maantala. "Andito si
Tatay, kuya?" panluluming sabi ng nakakbabatang kapatud. Anim n taong gulang na si Ana ngunit ang
pag-aalala nito at pagmamahal sa pamilya ay napakalaki. Binaba ni Kaito si Ana at huminga ng malalim.
"Makikita din natin si Tatay mamaya kasi nadoon pa siya nakipagbakbakan" tumayo si Kaito at pinorma
ang sarili ng nakikipagbarilan upang aliwing ang kapatid. "Pero hanapin muna natin si...", pag-aalalang
tugon nito sa aliwing kapatid nang bigalang may tumawag sa kanya ng isang seryosong tinig. "Kaito,
maari bang palaruin mo muna si Ana sa puno ng manstanella. At tumungo pagamuran." Pinalaro ni Kaito
si Ana at agad nagtungo sa pagamutan. Bata pa lamang siya ay gusto na niyang maging doktor. Gamutin
ang mga nangbgailangan at pabutihin ang mga may karamdaman. "Manang Cedes, ano.ba aking
matutulong dito" pangusap nya ng mahinahon sa matalik na kaibigan ni nanay. "Kaito," nilapitan ni Aling
Cedes ang binatang musmus at sinabing, "papupuntahin daw kayo ng nanay nyo sa kabilang bayan ng
Ashiko at manuluyan sa Nanay Belen n'yo" maluluha nito reaksyon. "Kasi Kaito, nabagsakan ang iyong
ina ng nasusunog na kahoy kakaligtas sa mga nasugatan."

Isang malamig na hangin ang humigop sa lakas ng binata na siyang pagkabagsak ng kanyang tuhod sa
lupa ng humahagolgol sa lupa. " Na saan na siya ngayon? Nang?!" pagmamakaawa niyang tanong. "Baka
sakaling makausap ko siya't marinig ang boses koy maibsan ang kanyang nadaramang hapdi". "Kaito,
makinig ka, agad kaming rumisponde pero sadyang malakas talaga ang apoy." pagpapaliwang ni Manang
Cedes. "Ito na lang ang natir", ibinigay ni Cedes ang damit ng kanyang kaibigan. Gumuho ang mundo ni
Kaito. Sa murang edad nilang magkakapatid wla na ang kanilang ina. Hinwakan ng mahigoit ni Kaito ang
damit ng nasunog na ina. Itinaas niya ang kamay sa langit at bumitaw ng masasakit na salita sa Maylikha.
"Ganito mo ba suklian ang kabutihan ng nanay? Ganto mo ba gantihan ako?" At lumupasay sa sahig.
Naging mabuti si Kaito sa anumang problema sa buhay dahil alam nya na ikakasiya ito ng mga magulang
at tutularan ito ni Ana ngunit hindi niya lubos maakala na ganitong pangyayayi ang ibibgay at aabutan
niya.

Nilisan ng dalawa ang bayan ng Karakura at nagtungo sa bayan ng Ashiko kung saan nakatira ang kapatid
ng ina ng wlang sentimong dala. "Oh, kayo pala!" bati ng kapatid ng kainlang ina. "Nandito po kami para
makikituloy ng pansamantala, iyon po ang gusto kasi ni ina" sagot ni Kaito sa ninang. "Pasok kayo at
nang makaligo't makakain ang dungis dungis nyo na." Pinapasok ang magkapatid sa maliiy na bahay.
Napaplibutan ito ng mababang paril at magagandang halamn sa tabi nito. May katabi itong lote na
binakuran naman ng alambre. May tatlong kwarto ang bahay. At napunta sa magkapatud ang dating
imbakan ng lumang gamit.

"Alam nyo po ba kong kailan uuwi si itay, ninang?" tanong ni Ana. " Siguro sa malalawa pa dahil ang
tatay niyo, abay malakas yun sa suntukan."Hinawig ni Kaito ang buhok ng nakababatang kapatid at
ningitian na agad napgpatawa kay Ana. Dapit hapon na kayat naisipan ng dalawa na mamasyal upang
maibsan ang lungkot na nadarama. " Umuwi kayo bagi mag alas 8, kundi di ko na kayo papasukin,
maliwanag ba? Kaito?" Umalis ang dalawa at pumunta sa bakanteng lote. At hinintay na lumalim ang
gabi. Humiga ang dalawa sa lilim ng puno at nagkwentuhan kungvl ano ang gaawain matapos ang gyera.
"Ana, tingnan mo to", inalog ni Kaito ang mga matataas na damo at lumutaw ang mga nagkikislapang
gamu-gamu. Namagha si Ana sa kanyang nakita. Agad na tumakbo si Ana upang habulin ang mga ito
ngunit sa kanyang pagtakbo umalpas din ang malabituing gamu-gamu na napakarami. Namangha ang
dalawa sa nakitang eksena wari yugto ito sa buhay nilanna di dapat kalimutan at mananatiling buhay
magpakailanman.

Umaga na noon ng magising ang dalawa. Isang nakakagimbal na balita ang narinig nila, wla na ang
kanilang ama. "Nasawi ang iyong ama sa lumubog na barkong militar", habang inabot ng tiyo ang sulat.
"Ibig sabihin, lang noon wala na kayong kwenta, wala ng perang darating." dagdag ng pinsan nitong
lalaki. "Pero pamilya po tayo, pagtratrabahuan ko po, ipagbibili ko katawan ko kung kailangan. May
matuluyan lang oo si Ana" tutol ni Kaito. Nagising si Ana at sa di inaasahan tinaboy ito ng tiyahin. "Kaito,
ali ka na", mangiyakngiyak nitong sambit. Pinalayas ang magkapatid at hunanap ng ibang matutuluyan.
Krisis na kung krisis ang panahong yaon at lahat ay naghihirap.

Pinili ng dalawa na bumalik sa kweba na kanilang pinagtaguan. Doon sila namuhay ng mapusok.
Nakakain lamang sila sa nakaw at tira-tirang pagkain. Di lumaon nagkasakit ang nakababatang kapatid.
Lumubo ang tiyan ni ni Ana at may pangangating tumutubig. "Heto Ana'f kainan mo, ang ninakawan ko
nito ay isang magalaing na tagaluto kaya't masasarapan ka. Odong ang tawag dito" pagkawiling subo ng
naktatandang kapatid. "Kuya paano na tayo ngayon" nanghihinang sambit ni Ana. "Ano kaba hahanapin
natin si na-" wika ni Kaito ng putulin ni Ana ang kasinungalingan. "Wala na si nanay kuya. Andoon ako
noong umiiyak ka yakap yakap ang damit ni nanay". Tumayo si Ana at niyakap si Kaito na natigilan ng
mga sandali. "Andito lang ako kuya, salamat sa lahat lahat. Mahal kita kuya" nang sumuka na ng dugo
ang kapatid. Humandusay ang kapatid sa lupa. Hinawakan ni Kaito si Ana at tinapiktapik sa pisngi, "Ana
may gamot ako, pupunta tayo ng bayan at gagaling ka, gagaling ka pangako ko sayo." Kinarga ni Kaito si
Ana at tumakbo papuntang bayan. Dumilim ang paligid dahil sa bilia ng takbo ni Kaito. Nagbabakasakali
na magiging maayos pa ang sumpang dinulot ng Maykapal. Natatanaw na ni Kaito ang klinika at
naramdaman ang paglumpayat ng puso sa kasiyahan. Ngunit hindi na humihinga ang bata at bumigay na
sa pintuan ng klinika. "Tulong! tulong!" ngunit walang nakakita sa dalawa. "Doktor ako Ana maniwala
kaya kitang pagalingin" paiyak nitong sabi na naninigas na katawan ng kapatid. Ginamitan nya ang ng
pwersa ang kamay na itinutok sa dibdib upang humingang muli. Inihipan nya ang bibig para d mawlan ng
malay. Makailang beses nya itong ginawa ngunit patay na si Ana.
"Andito lang ako kuya, salamat sa lahat lahat. Mahal kita Kuya" ito ang nasa isipan ni Kaito sa sandaling
napayakap siyang muli sa kanyang kapatid. Bumagsak ang malalaking bomba dala ng mga militar.
Nasunog at natuook ang mga bahay. Nakulayan ang langit ng itim at kahel. May lumilipad na maliit na
bagay na nasusunog. "Nakita na natin to Ana, diba?".

You might also like