You are on page 1of 1

PASIG CATHOLIC COLLEGE

junior High School


School Year 2021-2022

Balangkas 2 (Maikling Kwento / Nobela)


I. Pamagat ng Akda – Ang pamagat ng akdang sinusuri. Ipaliwanag.
II. May-akda – Maglahad ng impormasyon hinggil sa manunulat.
III. Sanggunian – Pinanggalingan ng mga impormasyon at iba pa.
IV. Banghay – Ilahad ang bahagi ng banghay ng sinusuring akda.
a. Simula – Ilahad ang simula ng sinusuring akda. Tukuyin kung anong uri ng simula ang
kwento. Ipaliwanag
Saglit na Kasiglahan – Ilahad ang simula ng sinusuring akda.
Kasukdulan – Ilahad ang kasukdulan ng sinusuring akda.
Kakalasan – Ilahad ang kakalasan ng sinusuring akda.
Tunggalian – Ilahad ang tunggalian ng sinusuring akda.
Wakas – Ilahad ang wakas ng sinusuring akda. Tukuyin kung anong uri ng wakas
nagtataglay ang kwento (Masaya, Malungkot, Makatarungan at Iniiwan sa
mambabasa)
b. Uri ng Panitikan – Tukuyin kung anong uri ng panitikan ang sinusuri. Ipaliwanag.
c. Kahulugan ng Pamagat – Suriin ang kahulugan ng pamagat. Ipaliwanag.
d. Karakterisasyon – Ilahad ang ilan sa mga pangunahing tauhan at maglagay ng ilang
dayalogo bilang patunay nito.
V. Dulog/Teoryang Pampanitikan – Ilapat sa anong teoryang pampanitikan nakapaloob ang akda.
Maglagay ng ilang pahayag o patunay na magpapatibay na akma
ang teoryang inilapat. Ipaliwanag.
(Magsaliksik sa mga teoryang panitikan)
VI. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman
a. Kulturang Pilipino – Iugnay ang akda sa kulturang Pilipino. Ipaliwanag
b. Simbolismo – Simbolo na makikita o maiuugnay sa akda. Ipaliwanag.
VII. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip – Tungkol saan ang akdang binasa. Ipaliwanag
b. Bisa sa Asal – Balyus na nakuha o makikita sa akda. Kinakailangan na magsisimula ang
pangungusap na DAPAT… Ipaliwanag.
c. Bisa sa Damdamin – Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang akda. Ipaliwanag.
VIII. Implikasyon
a. Kalagayang Panlipunan – Ano ang kaugnayan ng akdang binasa at ilapat sa kasalukuyang
panahon. Ipaliwanag.
b. Kalagayang Pansarili – Ano ang kaugnayan ng akdang binasa at ilapat sa iyong sarili.
Ipaliwanag.
IX. Katulad na Uri ng Panitikan
a. Pilipino – Katulad na akda na nilimbag sa Pilipinas. Ipaliwanag saan nagkatulad ang akda.
b. Banyaga – Katulad na akda na nilimbag sa ibang bansa. Ipaliwanag saan
nagkatulad ang akda.

You might also like