You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


Office of the Vice President for Branches and Campuses
Santa maria bulacan campus
Santa Maria, Bulacan

PANITIKANG FILIPINO
Final na Pagsusulit
A. Mga Pamantayan sa isasagawang Pagsusuring Pampanitikan

1. Pumili ng isang nobela o isang maikling kuwento suriin ito nang naaayon
sa Balangkas ng Pagsusuri. Tiyakin lamang na ang iyong akda na mapipili
ay magiging makabuluhan.
2. Tukuyin din kung anong teorya ang lumulutang sa akdang sinusuri.
3. 3.Isa-isahin din ang maka-pilipinong pananaw na matatagpuan sa akda.

Balangkas ng Pagsusuri

I. A. Pamagat ng Katha – May-akda


B.Sanggunian o Aklat na pinagkunan
II. Buod ng Katha
III. Pagsusuri
A.Uring Pampanitikan
1. Pagbibigay ng uri at paliwanag tungkol dito

B.Istilo ng Paglalahad
1. Paraan ng Paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari

K. Mga Tayutay
1. Mga halimbawa ng bawat tayutay na natagpuan sa
kathang sinusuri
2. Maikling paliwanag tungkol sa bawat tayutay na hinalaw

D. Sariling Reaksyon
1. Mga Pansin at Puna sa:
a. Mga tauhan
b. Istilo ng awtor
k. Galaw ng mga Pangyayari
2. Bisang Pampanitikan
a. Bisang Pangkaisipan
b. Bisang Pandamdamin
c. Bisang Pangkaasalan
E. Mga Teorya/Pananalig na matatagpuan sa akda
F. Mga Pamamaraan/dulog na matatagpuan sa akda
(Pormalistiko/Sikolohikal/Sosolohikal/Arketipal/Moralistiko)
G. Mga maka-Pilipinong pananaw na matatagpuan sa akda
H. Pagpapaliwanag sa kaugnayan ng Pamagat sa kabuuan ng akda.

B. Mga Pamantayan sa pagsulat ng sariling Obra Maestra

1. Pumili ng akdang pampanitikan na nais mong likhain.


a. Maikling Kuwento
b. Tula
c. Spoken Poetry
d. Sanaysay
2. Malaya kang makapipili ng paksang nais mong gawin. Tiyakin lamang na itoy magiging
makabuluhan.
3. Gumamit ng mga talinghaga/ malalaim na salita upang maging masining ang iyong
akdang susulatin.
4. May Kalayaan kayo kung ilang saknong o taludtod ang inyong nais sa gagawin ninyong
tula o spoken poetry. Bigyang pansin ang tono, tema, talinghaga, malalim na salita,
imahen at persona.
5. Sa pagsulat ng maikling kuwento Malaya rin kayo sa pagbuo kung ilang talata ang
bubuuin ng iyong maikling kuwento. Dapat taglay ng iyong maikling kwento ang mga
bahagi at elemento ng maikling kuwento.

Inihanda ni: Prof. Marry Ann G. Macaraig

You might also like