You are on page 1of 13

8

Department of Education
National Capital Region
S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig
Unang Markahan – Modyul 1

Manunulat: Hazel H.Carpio


Tagaguhit ng Kober: Ma. Gwendelene J. Corañez

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang katangiang heograpikal ng daigdig


bilang planeta at tirahan ng lahat ng organismo, kasama na ang tao.
Mahalagang maunawaan mo ang katuturan ng heograpiya at ang mga
katangiang pisikal ng daigdig upang malaman mo ang kaugnayan ng
kapaligiran sa paghubog ng kasaysayan ng tao. Bukod dito, sasagutan mo rin
ang mga mapanghamong gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong
kaalaman tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:


1. nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig;
2. natutukoy ang heograpiya ng daigdig gamit ang limang tema
ng heograpiya;
3. nalalaman ang konsepto ng daigdig bilang isang planeta;
4. nalalaman ang istruktura ng daigdig, ang crust, mantle at
core.

Subukin
Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang bumuo ng mga salitang
may kaugnayan sa paksa at magpapakilala sa mga konseptong tatalakayin sa ating
aralin.

Gawain 1: Mga letrang ito, Ayusin mo!

Ginulong Konsepto Sagot


Salita
Ikatlong planeta mula sa araw, tirahan ng mga
GIADGID organismong may buhay gaya ng tao, hayop at
halaman.
Tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
RAHEIPOGYA katangiang pisikal ng mundo.
Ang matigas at mabatong bahagi ng daigdig at
STCUR magkaiba ang kapal nito sa kontinente at sa
karagatan.
Sentro ng ating Solar System at pinagmumulan ng
AARW enerhiya na nagbibigay buhay sa ating daigdig.
Gamit sa pag-aaral ng heograpiya, ito ay replika ng
OBGLO ating mundo.

City of Good Character 1

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Balikan

Gawain 2: Ideya mo, Isulat mo!


Matapos mong matukoy ang mga mahahalagang salita ay subukin mo
namang ibigay ang iyong sariling ideya tungkol sa ugnayan ng heograpiya at
katangiang pisikal ng daigdig sa paghubog ng kasaysayan. Tapusin mo ang pahayag
sa call out sa ibaba at maaari mo itong sagutan sa iyong kwaderno.

“Ang Heograpiya at kaalaman sa katangiang pisikal ng


daigdig ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa paghubog
ng kasaysayan ng tao sapagkat
___________________________________________________________
____________________________________________________________
_________________________________________________________________. ”

Tuklasin

Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya


Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at graphia
o paglalarawan. Samakatuwid, ang Heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-
aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

Diyagram 1.1 Saklaw ng pag-aaral ng heograpiya:

HEOGRAPIYA
Anyong Lupa at Likas na Yaman
Anyong Tubig

Klima at Panahon FLORA (plant life)


FAUNA (animal
SAKLAW
life)
Distribusyon at Interaksyon ng tao at
iba pang organismo sa kapaligiran nito

http://digital-vector-maps.com/WORLD/GL-1068-Asia-Globe.htm

City of Good Character 2

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang
heograpikal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng
Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas
madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham
panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng tao ang
daigdig na kaniyang ginagalawan.

Diyagram1.2 LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA

Lokasyon: Tumutukoy sa Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit


kinaroroonan ng mga lugar sa tulad ng latitude line at longitude line na bumubuo sa grid.
daigdig Ang pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa
eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig.
Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay
na nasa paligid nito. Hal. ang mga anyong lupa at tubig, at
mga istrukturang gawa ng tao

Lugar: Tumutukoy sa mga


katangiang natatangi sa isang Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa
pook at tubig, at likas na yaman.
Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika,
relihiyon, densidad o dami ng tao, kultura, at mga
Rehiyon: Bahagi ng daigdig na sistemang politikal
pinagbubuklod ng
magkakatulad na katangiang
pisikal o kultural
Kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng
Interaksiyon ng Tao at
Kapaligiran: ang kaugnayan tao; gayon din ang pakikiayon ng tao sa mga
ng tao sa pisikal na katangiang pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran
taglay ng kaniyang
kinaroroonan
Paggalaw: ang paglipat ng tao
mula sa kinagisnang lugar pa may tatlong uri ng distansiya ang isang lugar:
tungo sa ibang lugar; kabilang (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar?
din dito ang paglipat ng mga
bagay at likas na pangyayari, (Time) Gaano katagal ang paglalakbay?
tulad ng hangin at ulan
(Psychological) Paano tiningnan ang layo ng lugar?

Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Rosemarie C. Blanco etal,


Unang Edisyon 2014 (pp 12-13)

City of Good Character 3

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Gawain 3: Tukoy-Tema-Aplikasyon
Tukuyin ang tema ng heograpiya na isinasaad sa bawat bilang: lokasyon,
lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw. Isulat ang iyong
sagot sa talahanayan na nasa ibaba.
1. May tropikal na klima ang Pilipinas.
2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi
Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
3. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga-Gitnang Luzon
dahil sa malawak na kapatagan sa bahaging ito ng Pilipinas.
4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand
upang magtrabaho.
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations na
pinagbubuklod ng iisang mithiin at sama-samang hangarin ng
pagtutulungan.
6. Gumagamit ang Saudi Arabia ng teknolohiya upang kunin ang kanilang
reserbang tubig sa ilalim ng mga disyerto at gawing malinis na tubig ang
tubig-alat sa pamamagitan ng desalination process.
7. Ang mataas na antas ng teknolohiya sa transportasyon ay nagpabilis sa
pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan.
8. Sa pagkakabuo ng samahang (EU) o European Union sa Europe ay mas
naging matatag ang pagtutulungang pang-ekonomiya at relasyong politikal
ng mga bansa sa kontinenteng ito.
9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang
longhitud.
10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.

Tema ng Heograpiya Konseptong tumutukoy sa tema

Lokasyon

Lugar

Rehiyon

Interaksyon ng tao at
kapaligiran

Paggalaw

City of Good Character 4

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Gawain 4
Pagpapalalim
Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa sa Asya, suriin
at ilarawan mo ang kalagayang heograpikal ng napiling bansa sa tulong ng
mga konkretong halimbawang naaayon sa limang tema ng heograpiya.
Gamitin ang 5-box chart sa pagsagot sa gawain. Magkakaroon ng 10 puntos
ang kumpletong sagot sa chart at pamprosesong tanong.

Lugar:
Lokasyon: Rehiyon:

Bansa:

Interaksyon ng tao Paggalaw:


at kapaligiran:

Pamprosesong Tanong. Ilagay ang iyong sagot sa papel.

1. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng


katangiang pisikal ng bansa?
2. Paano nakatulong ang limang tema ng heograpiya upang mas higit mong
maunawaan ang katangiang heograpikal ng isang bansa o lugar ?
3. Sa bansang napili mong gawin, ano ang labis na pumukaw ng iyong
interes? Bakit?

City of Good Character 5

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Suriin

Paksa: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig


Pagkatapos mong matutunan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod
na tatalakayin natin ay ang katangiang pisikal ng daigdig upang higit na
mauunawaan ang daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar system na maaaring
tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organismo.
Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang
araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa
daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw.
Gayundin, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan,
klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw.Mahalaga rin ang sinag ng araw sa
mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga
halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang
pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa
solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay
paikot sa araw bawat taon.

Talahanayan 1. Ilang Mahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig


Tinatayang Bigat (mass) 5.9736 x 1024 kg

Tinatayang Edad 4.6 bilyong taon

Populasyon (2009) 6,768,167,712

Kabuuang Lawak ng 510,066,000 kilometro kuwadrado (km2 )


Ibabaw ng Daigdig

Lawak ng Kalupaan 148,258,000 km kwd (29.1%) (km2 )

Lawak ng Karagatan 335,258,000 km kwd (km2 )

Uri ng Tubig 97% alat, 3% tabang

Bilis ng Pag-ikot Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa bilis na


66,700 milya bawat oras (mph), 107,320 km bawat
oras

Orbit sa Araw Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa loob ng


365 araw, limang oras, 48 minuto at 46 na
segundo.

City of Good Character 6

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Diyagram 1. Ang Estruktura ng Daigdig
Ang daigdig ay binubuo ng crust,ang matigas at
mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang
kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim
mula sa mga kontinente. Subalit sa mga
karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km.
Ang mantle ay isang patong ng mga batong
napakainit kaya malambot at natutunaw ang
ilang bahagi nito.

Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi ng


daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron
at nickel. Ang outer core ay lubhang napakainit
http://www.rocksandminerals4u.
na tunaw (molten) na metal samantalang
com/earths_interior.html sinasabing solid na metal ang inner core na
nasa pinakagitnang bahagi ng mundo.

Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi


nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang
inaanod sa mantle. Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na sa katunayan,
umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang
paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng
mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad
ng Himalayas. Ito rin ang makapag -papaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-
milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago.
Ang daigdig ay may apat na hatingglobo (hemisphere): Ang Northern
Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng Equator, at ang
Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian.

http://en.wikipedia.org/wiki/Plate_tectonics Hemisphere of Earth en.wikipedia.org

City of Good Character 7

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Pagyamanin

Gawain 5: Poster ng ating sariling daigdig!


Sa isang oslo paper, gumawa ng isang poster tungkol sa mga planetang
bumubuo sa ating Solar System partikular ang ating planetang daigdig.
Maaari mong idagdag sa iyong guhit ang mga biyayang bigay ng araw sa ating
planeta at mga organismong dito ay nabubuhay.
Rubrik sa pagmamarka sa Poster

Pamantayan Indikador Puntos

Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe ng 5


konsepto poster

Orihinal ang konsepto Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster 5


(Originality)

Kabuuang Presentasyon Malinis at maayos ang kabuuang 5


presentasyon

Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng 5


(Creativity) kulay upang maipahayag ang konsepto at
mensahe

20

Isaisip
Gawain 6: Ngayon alam ko na!
Upang masukat ang iyong mga natutunan sa modyul na ito, punan
mo ng mga konseptong naunawaan mo tungkol sa ating daigdig ang pahayag
sa loob ng scroll

“ Planetang daigdig, ating natatanging tirahan “

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
City of Good Character
________________________________________________ 8

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Isagawa

Gawain 7: Resourceful Ako!


Dahil sa pandemya ng Covid 19 na nararanasan ngayon sa buong mundo at
sa ating bansa, marami ang nawalan ng hanapbuhay at pagkaing itutustos sa
kanilang pamilya ngunit hindi nangangahulugan na wala na tayong magagawa. Sa
simpleng paraan ay maaari kang makatulong gaya ng pagtatanim ng gulay o
halaman sa maliit na lote o plastic na taniman upang mapakinabangan ang biyaya
ng araw at lupa. Bukod dito maaari kang maglista ng iba pang paraan kung paano
ka magiging resourceful at makatutulong sa iyong pamilya ngayong tayo ay nasa
mapanghamong sitwasyon. Gawing pattern ang halimbawa sa ibaba.

Paraang Aking Naisip Paano ko isinagawa ang pagiging maparaan o


resourceful

Nagtanim ng talbos ng Itinanim ko sa aming maliit na bakanteng lote


kamote

City of Good Character 9

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Tayahin
I. Isulat sa tabi ng letra ang bahagi ng daigdig na tinutukoy.

II.Basahin ang konsepto at isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang matigas at mabatong bahagi ng daigdig na may kapal na umaabot sa


70 kilometro (km) 0 45 milya pailalim sa mga kontinente ngunit 5-7 km
lamang sa mga karagatan.
A. crust B. mantle C. outer core D. inner core
2. Isang patong ng mga batong napakainit kung kaya't ang ilang bahagi nito
ay malambot at natutunaw.
A. crust B. mantle C. outer core D. inner core
3. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng
iron at nickel.
A. crust B. mantle C. plate D. core
4. Ang malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Ito
ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle kaya madalas din
ang pagbabanggaan nito.
A. crust B. mantle C. plate D. core
5. Ang imahinasyong guhit na humahati sa daigdig sa dalawang hemispero
na Northern hemisphere at Southern hemisphere
A. core B. crust C. Prime Meridian D. Equator

City of Good Character 10

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Sanggunian

Rosemarie C. Blando et al . Kasaysayan ng Daigdig. AP8 Learning Resource


ph. 2-17

Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014, ISBN: 978-971-


9601-67-8

City of Good Character 11

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Hazel H. Carpio (Guro, MHS)


Mga Tagasuri: Gemma P. Soneja (Guro, PHS)
Mita A. Abergos (Principal, CISSL)
Aaron S. Enano ( Superbisor, AP)
Tagasuri – Panlabas: Rowena R. Hibanada (Propesor, PNU)
Tagaguhit: Ma. Gwendelene J. Corañez (Guro, PES)
Tagalapat: Ma. Gwendelene J. Corañez (Guro, PES)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines
Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character 12

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like