You are on page 1of 5

Dalumat- Salita Mga Salitang Taon

 Kasaysayan ng Wikang Pambansa


 Panahon ng Kastila: Espanyol – opisyal na wika at wikang panturo
 Panahon ng Amerikano: Ingles at Espanyol (kautusan at proklamasyon). Ingles- wikang opisyal at wikang
panturo (Komisyon Schurman – Marso 4, 1899). 1935 lahat ng kautusan, proklamasyon at batas (Boras-
Vega 2010)
 Simula ng laban ng Katipunero wikang Tagalog sa opisyal na kasulatan. Konstitusyong
Probisyonal ng Biak-na-Bato noong 1987 Tagalog bilang opisyal na Wika
 Marso 24, 1934 – Franklin D. Roosevelt ng US- Batas Tydings-Mcduffie – kalayaan ng Pilipinas
matapos ang 10 taong pag iral ng Pamahalaang Komonwelt.
 Article 14 Section 3 1935 constitution – tungkol sa wikang pambansa, pagpapaunlad at
pagpapatibay ng wika ng katutubong wika ( Peb. 8,1935)
 Katutubong WIka/Pangunahing Wika ( Cebuano, Hiligaynon, Samar, Tagalog, Ilokano,
Pangasinan, Kapampangan, Leyte, Bikol )
 Oct 27, 1936 – Pangulong Manuel Louis M. Quezon – Asemblea Nasyonal – Surian ng Wikang
Pambansa, pag aaral ng wikang katutubo, layunin: mapaunlad at mapatibay ang wika
 Nobyembre 13, 1936 – Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 – Surian ng Wikang
Pambansa Takda: kapangyarihan at tungkulin
 Tungkulin ng SWP
 Pag aaral ng pangunahing wika
 Paggawa ng paghahambinng at pag aaral ng talasalitaan
 Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino
 Pagpili ng Katutubong wika – batayan ng wikang pambansa
 A. pinakamaunlad at mayaman sa panitikan
 B. wikang tinatanggap at ginagamit ng maraming Pilipino
 Enero 12, 1937 - Manuel L. Quezon – kagawad na bubuo ng SWP – Sec. 1, Batas Komonwelt 184,sa
pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333
 Jaime C. Veyra – Visayang Samar – Tagapangulo
 Cecilio Lopez – Tagalog-Kalihim at Punong Tagapagpaganap
 Santiago A. Fonacier (Ilokano) – Kagawad
 Filemon Sotto – visayang Cebu – Kagawad
 Lope K. Santos - Tagalog – Kagawad
 Jose I. Zulueta Pangasinan Kagawad
 Nob. 9, 1937 - Tagalog ang siyang nakakatugon sa Batas Komonwelt Blg 184.
 Dec. 20,1937 – wikang Pambansa ng Pilipinas ay TAGALOG.
 Abril 1,1940 - Kautusang Tagapagpanggap Blg 263 –
 mga utos: limbag ng Tagalog-English Dictionary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang
Balarila ng Wikang Pambansa:
 Pagtuturo ng wikang Pambansa simula hunyo 19, 1940 sa paaralan
Panahon ng Pananakop ng Hapon (Ginuntuang Panahon ng Tagalog)

 1942 – pagdaong ng Hapon sa Pilipinas, grupong “Purista” na nais gawing TAGALOG mismo ang wikang
pambansa at hindi na batayan lamang.
 Prof. Leopoldo Yabes – ang Pangasiwaang Hapon ang nag utos na baguhi ang probisyon sa konstitusyon at
gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Layunin ng Hapon na mabura ang impluwensya ng Amerikano
 Niponggo at Tagalog – wikang Opisyal. Sumigla ang Panatiking nakasulat sa TAGALOG

Panahon ng Pagsasarili

 Hunyo 7,1940 – Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang TAGALOG
simula Hulyo 4, 1940.
 Marso 26, 1954 – Nilaagdaan ni Pres. Ramon Magsaysay ang proklama blg 12, pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa ( Marso 29 – Abril 4): araw ni Balagtas (Abril 2)
 Sep. 23, 1955- Nilagdaan ang Proklama Blg 186 nagsususog sa Proklama Blg 12, Paglilipat ng panahon sa
Linggo ng wika ( Aug 13- 19) bilang (paggunita sa kaarawan ni Manuel Agosto 19). Ama ng Wikang Pambansa.
 Agosto 13, 1959 – Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg 7.
 Oct 24,1967 – Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 ang n=lahat ng infrastructure ay
pangangalanan sa Pilipino
 Marso 27, 1968 – Kalihim Tagapagpaganap Rafael M, Salas ang MEMORAMDUM SIRKULAR BLG 172 na nag
aatas na ang tanggapan, teksto ay nakasulay sa Pilipino kalakip ang kaaukulang Ingles
 Hulyo 21,1978 – Ministro ngEdukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministro Blg 22 na nag
uuto na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum sa kolehiyo. 6 na unit salahat ng kurso, 12 unit sa pang
edukasyon.
 Peb 2, 1987 – Art. 14, Sec 6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Sec 7 – layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles

1987 – Lourdes R. Quisimbing, Dept. of educ, Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg 52 wikang panturo sa lahat ng
antas kaalinsabay ng ingles na nakatakda na patakarang bilinggwal.

1996 – CHED Memorandum blg 59 na 9 units na nilalaman ang mga kurong Filipino 1 ( Sining ng Pakikipagtalastasan),
Filipino 2 ( Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina), Filipino 3 (retorika)

Hulyo, 1997 – Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama blg 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon taon ay
magiging Buwan ngWikang Filipino.

TAGALOG – Katutubongg Wikang pinagbatayan ng Pambansang wika ng Pilipinas (1935)

PILIPINO – Unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas

FILIPINO – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino at isa sa mga opisyal
na wika sa Pilipinas kasama Ingles (1987)
ANTAS NG WIKA

 PABALBAL/BALBAL – Pinakamababang Antas , SLANG , salitang Pang kalye o Panlansangan eg. Paral, tiboli,
brokeback, istokwa,eskapo
 KOLOKYAL – salitang pang araw araw na hinalaw sa pormal na salita. Eg. Alala, lika, naron,kanya-kanya,antay
 LALAWIGANIN/PANLALAWIGAN –salitain o dayalekto ng mga katutubo eg. KAIBIGAN - Kaibigan-tagalog,
gayyem-ilokano, Higala-Cebuano,Amiga-Bikolano HALIK – halik-tagalog, ungngo- Ilokano, halok-cebuano,
Hadok Cebuano
 PAMBANSA/LINGUA FRANCA – ginagamit sa mga aklat,babasahin, sirkulasyonng pangmadla. Ginagamit sa
paaralan. Eg. Aklat, ina, ama , dalaga,Masaya
 PAMPANITIKAN- Pinakamayamang uri, ginagamit ag salita sa ibang kahulugan. Gumagamit ng idyoma ,
tayutay eg. Mabulaklak ang dila, di-maliparang uwak, kaututang dila, balat sibuyas, taingang kawali, nagbukas
ng dibdib.

MGA SALITA NG TAON/SAWIKAIN, AMBAGAN MGA SUSING SALITA

DALUMAT- malalim na pag iisip at pabibigay ng interpretasyon.


Pamanahong Papel – papel-pananasliksik. Term paper.

Bahagi ng pamanahong papel

A. Mag pahinang Preliminari o Front Matters


a. Fly Leaf 1 – pinakaunang pahina. Blank paper.
b. Pamagating pahina – pagpapakilala sapamagat ng papel. Kung kanino inihaaraap o ipinasa ang papel, kung
saan asignaturaa ito pangangailanga, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid
ang pagkakaayos nito.
c. Dahong Pagpapatibay – pahinang kinukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkatanggap ng guro
ng pamanahong papel.
d. Pasasalamat o pagkilala- acknowledgement. List down kung sino tumulong sa research
e. Talaan ng nilalaman- nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagiat nilalman ng pamanahong papel at
nakatala ang kaukulang bilang ng pahina at kung saan matatagpuan ang bawat isa.
f. Talaan ng mga Talahanayan o Graf – nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan o graf na nasa loob ng
pamanahong papel at ang bilang ng pahina kungg saan matatagpuan ang bawat isa.
g. Fly leaf 2 – sang blanking papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel

B. Kabanata 1: Ang suliranin at Kaligiran nito


a. Ang Panimula o Introduksyon – isang talagang pinagkakalooban ng pagtatalakay ng paksa ng pananaliksik
b. Layunin ng Pag aaral – dahilan kung bakit isinasagawa ang pag aaral. Specific na suliranin
The general objective – Phraisal or or pa sentence
The specific sentence – usually tatlo,patanong
c. Kahalagahan ng Pag aaral - nilalahad ang signifikans ng pagsasagawang pananaliksik ng paksa ng pag aaral.
Inilalahad dito kung sino makikinabang.
d. Saklaw at Limitasyon – tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Date
e. Depinisyon ng mga Terminolohiya – katawagan na makailang ginamit na binigyan kahuluguhan. Giving the
real term
f. Operatonal na kahuluguhan – kung paano ginamit sa pananaliksik
g. Conceptual na kahulugan- istandard na kahulugan makikita sa dictionary

C. Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag aaral at Literatura


 Tinutukoy ang mga pag aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik
 Tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung tao
 Gumamit ng pag aaral at literaturang local at dayuhan.

D. Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik


a. Disenyo ng Pananaliksik- nililinaw kung anong uri ng pnanaliksik
b. Respondente- tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napilli
c. Instrumentopng Pananaliksik – paraan ang gagamitin sa pannaliksik, sa pangangalap ng datos
d. Tritment ng Datos – istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikalna datos ay mailarawan.
Tally
E. Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
 Nakalagay ang datos na nakalap. Naka graph
F. Kabanata: V: Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
a. Lagom – binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik sa komprehensibong tinatalkay
sa kabanata III. Buod ng information
b. Konklusyon- inferences, abstraksyon,implikasyon at interpretasyon, pangkahalatan
c. Rekomendasyon – mungkahing solusyon para sa suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik

G. Mga Panghuling Pahina


a. Listahan ng Sanggunian
b. Apendiks – Dahong dagdag (liham, formularyo ng evaluation, smple ng survey- questionnaire bio data ng
mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu ano pa.

You might also like