You are on page 1of 4

Mga isyung moral tungkol sa buhay

Layunin natin:
1. Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay,
2. Nasusuri ang mga paglabag sa buhay.

Isyu
- isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig
o posisyon na magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang
malutas.
- ang isyu ay nararanasan natin sa ating pangaraw araw, maaaring maliit na isyu lang
ito o malalim na isyu. Anything na may pagkakasalungat sa panig pwede natin ito
masabing isyu lalo na pag kinalaman sa pagdedesisyon sa ating buhay at pagkatao.

Mga isyu tungkol sa buhay


1. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot
- ayon kay agapay, ito ay isang estadong sikiko (pyschic) o pisikal na pagdepende sa
isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa
tuloy-tuloy na pagkakataon.
- madalas na naririnig sa balita pag madalas ginagamit nagkakaroon ng addiction
examples nito ay marijuana, cocaine, shabu
- Naging isyu sa buhay dahil kapag ang tao ay lulong sa droga ay hindi sya
nakakapagisip ng maayos.
- Nagiging cause ng mga krimen.

Blank spot
- napupunta ang tao kapag aktong na sa pinagbabawal na gamot
- hindi na masyadong nagpaprocess ang isip mo kasi naooverpower na siya ng gamot
na tinetake mo.
- kapag paulit ulit ginagawa nagiging reliant ang katawan sa gamot.

Withdrawal
- hinahanap ng katawan ng mga addict ang nakasanayang intake ng gamot

*Hindi lang pinagbabawal na gamot. Puwede rin dito ang overused ng medicine kung
saan
nirereseta lang dapat ng doktor.

2. Alcoholismo
- ito ang labis na pagkonsumo ng alak.
- ito ay unti unting nagpapahina sa enerhiya ng tao, nagpapabagal ng pag-iisip at
sumisira sa kapasidad na maging malikhain.
- sa paginom ng alak ng sobra o labis na pagconsumo na tatake for granted niya na
yung kalusugan niya kung saan ang sobrang pagkonsumo ng alak ay may epekto sa
ating katawan.
- possible na magkaroon ng iba't ibang sakit ang mga taong sobra sa pagkonsumo ng
alak.
- pinagmumulan ng violence sa pamilya or mga accident katulad na lang ng mga car
accident kaya pinagpapayuhan na huwag magmaneho kapag nakainom.
- katulad din sa droga ay magkakaroon din ng withdrawal ang katawan.

3. Aborsiyon
- pag alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina

2 uri ng aborsiyon:
1. Kusa (miscarriage) - ito ay pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20 linggo ng
pagbubuntis.
2. Sapilitan (induced) - ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng
isang sanggol sa pamamagitan ng pag opera o pagpapainom ng mga gamot.

Pro life at pro choice


Pro life
- ang sanggol ay itinuturing na isang tao
- "responsible pregnancy" ; dapat maging accountable ang isang ina sa pagkabuntis
niya
- kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon-magiging regular itong
paraan upang hindi ituloy ang pagbubuntis.
- ang lahat ng sanggol ay may potensiyal; iniisip nila na yung bata na maipapalaglag ay
may maiitulong sa lipunan
- procreation ; sinasabi sa bibliya na tayo ay ginawa upang magpadami ng lahi

Pro-choice
- "family planning" : sang ayon sila sa aborsiyon dahil may mga pamilyang kelangan
paghandaan ang pagkakaroon ng anak. sa financial, emosyonal at sa kung ano ang
dapat nilang ibigay sa bata mas magandang planado upang masuportahan ang bata.
- ang fetus ay hindi pa maituturing na ganap na isang tao (dependent pa ang fetus sa
katawan ng nanay niya)
- sa mga kasong rape o incest, ang sanggol ay maaring maging tagpagaalala sa babae
ng trauma na kaniyang naranasan. (maaring maging source ng violence sa bata)
- kulang ang kapasidad ng mga bahay-ampunan (para maiwasan ang pagdadala ng
nanay sa bahay ampunan na kulang sa facilities)
-ang aborsyon, sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan

Ang prinsipyo ng double effect


1. ang layunin ng kilos ay nararapat na mabuti
2. ang masamang epekto ay hindi dapat diektang nilayon ngunit bunga lamang ng
naunang kilos na may mabuting layunin.
3. ang mabubuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masamang
pamamaraan
4. kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatuwirang dahilan upang maging
katanggap tanggap ang masamang epekto.

4. pagpapatiwakal (isyung moral tungkol sa buhay)


- ito ay ang sadyang pagtikil ng isang tao sa sariling buhay at naayos sa sariling
kagustuhan
-*ang kawalan ng pag-asa (despair)
- isa sa mga karaniwang dahilan kungbakitmay ilang taong pinipiling kitlin ang sarili
nilang buhay
- tumutukoy sa pagkawala ng tiwala sa sarili at kapuwa, gayundin ang pagkawala ng
paniniwala na may mas magandang bukas pang darating
-*support system ; nangagaling sa pamilya, friends, pinagkakatiwalaang adult at iba
pang
professional helpers.

5. euthanasia (mercy killing)


- isang gawain kung saan napapadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at
walang lunas na karamdaman
- tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang
paghihirap ng isang may sakit
- tinatawag ding "assisted suicide"; ginusto din ng tao na matapos ang kaniyang buhay

Quote
"the more you praise and celebrate your life, the more there is in life to celebrate"
-oprah winfrey

You might also like