You are on page 1of 18

Department of Education

Region VII
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
Plaridel St., Centro, Mandaue City

MGA ELEMENTO AT ANYO NG TULA


( PANGWAKAS NA GAWAIN )
Para sa Filipino 8
IKALAWANG MARKAHAN - LINGGO 6
PAUNANG SALITA

“Kasabay ng pag-unlad ng ating bansa sa tulong ng makabagong


teknolohiya ay kasabay rin ang paglaganap ng nakahahawa at
nakamamatay na sakit sa sanlibutan ang “COVID 19 Pandemic” na
siyang ikinabahala ng lahat ng tao at ng Kagawaran ng Edukasyon sa
ating bansa.”
Dahil sa kalagayang ito, gumawa ng paraan ang kinauukulan
upang maipagpapatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan o mag-aaral sa
paraang maayos, ligtas at hindi mababahala ang kanilang kalusugan.
Narito ang Sariling Linangang Kit ( SLK ) sa Filipino baitang 8 na
sadyang inihanda para sa mga mag-aaral. Pinaglaanan nang mahusay
at makabagong pamaraan ang kagamitang panturong ito. Ang
“ Modular” na paraan upang higit na maiangkop sa uri ng mag-aaral ang
mga Gawain sa SLK na ito. Ang may-akda ay nagsumikap din na pag-
ibayuhin ang paggawa ng sariling Kit o SLK.
Ang nilalaman ng Kit na ito ay Tungkol sa Elemento at Anyo ng Tula
“PANGWAKAS NA GAWAIN” sa Asignaturang Filipino baitang 8.

Ang mga babasahin at mga Gawain ay inayos at pinili upang


maggamit ang “MAKROng Kasanayan” at sa pamamagitan ng araling
inilahad, inaasahang lalawak at uunlad ang Akademik at Leksikal na
gamit ng Wikang Filipino.

2|Page
Pamantayang Pangnilalaman :

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikang


lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan

Pamantayan sa Pagganap:

Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig


sa tao, bayan o kalikasan
Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pangwakas na Gawain ( Mga Elemento at Anyo ng Tula )


F8PN-Iii-j-27
1.1 Nabibigyang interpretasyon ang tulang binasa o napakinggan
F8PB-Iii-j-28
1.2 Naihahambing ang anyo at ang elemento ng tulang binasa sa iba pang anyo ng
tula.
F8PU-Iii-j-29
1.3 Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas ng wika at may
apat o higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay, gamit ang paksang
pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan

Mga Layunin :

1. Nabibigyang ng interpretasyon ang tulang nabasa


2. Naihahambing ang elemento at anyo ng tulang binasa sa
iba pang anyo ng tula
3. Natutukoy ang mga nakakubling kahulugan sa mga talinghaga sa
tula at nasusuri ang mga elemento nito
4. Nasusuri ang iba’t ibang antas ng wika
5.Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas
ng wika at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong
tinalakay gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o
kalikasan

3|Page
I. ANO ANG NANGYARI
I

Gawain 1: Bilang pagbabalik-aral sa nakaraang aralin( Tula)


Lagyan ng (/ ) ang patlang na nagpapahayag ng katotohanan
tungkol sa tula at X kung hindi.
_______ salamin ng buhay
_______ maaring may sukat at tugma
_______ nahahati sa iba’t ibang kabanata
_______ binubuo ng mga taludtod at talata
_______ piling-pili ang mga salitang ginamit
_______ naglalaman ng masisidhing damdamin
_______ maikli lamang at nababasa ng isang upuan
_______ karaniwang nagsasalayay ng mga pangyayari
_______ nagpapahayag ng katotohanan lamang
_______ ginagamitan ng tayutay o matatalinghagang pahayag

Paano mo malalaman
na ang akdang
Iyong binasa ay isang tula?

II. ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

MGA ELEMENTO AT ANYO NG TULA


1. SUKAT - tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa
isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
Isda - is/ da - ito ay may dalawang pantig
Isda ko sa mariveles ( is/da/ ko/ sa/ ma/ ri/ vi/ les ( 8 pantig )

2. SAKNONG - isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming


linya o taludtod.
3. TUGMA - ito ay pagkakapare-parehong dulong tunog ng dalawa o higit
pang taludtod sa isang saknong ng tula.

4|Page
Hal : “Kung siya mong ibig na ako’y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata.
Ako;y minsan-minsang mapag-alala
Isagi mo lang sa puso ni Laura”
Mula sa tulang “Florante at Laura ni Francisco B. Baltazar”

4. KARIKTAN - kailangang magtaglay ang tula ng maririkit at magagandang


salita upang masiyahan ang mga mambabasa gayon din mapukaw ang
damdamin at kawilihan nito.

5. TALINGHAGA - tumutukoy sa paggamit ng matalinghagang salita o


tayutay.
Tayutay – paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagsasatao ang
ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula.

6. Damdamin- -tumutukoy sa saloobin ng may-akda ukol sa paksa ng tula


Hal: tulad ng pagmamahal, pagmamalaki, nanghikayat, galit, lungkot
atbp.

7. Tono – kung paano binigkas ang tula. Maaring ito ay mabagal, mabilis,
pataas o pababa atbp.

8. PERSONA - tinutukoy nito kung sino ang nagsasalita sa tula ( una, ikalawa
o ikatlong panauhan )

8. PAKSA/ KAISIPAN - mga nabubuong kaalaman o kaisipan,mensahe,


pananaw saloobin na nais iparating ng may-akda sa mga mambabasa.
KAYARIAN/ ANYO NG TULA
 TRADISYUNAL NA TULA – ito ay sumusunod sa lumang pamamaraan
ng pagsulat. Nagtataglay ito ng apat na sangkap-sukat,tugma, talinghaga,
at kaisipan.
Hal: Sa langit na iyon,agham ang may haka,
Walang katapusan, diya’y naglipana.
Ang napakaraming bitui’t bantala.
O! San hahantong ang ganiyang hiwaga?
Mula sa tulang “ Ang Diyos at ang Agham” ni Conrado C. Fajardo

 TULANG MALAYA– tulang walang sukat at tugma ngunit nagtataglay


naman ng talinghaga at kaisipan.
Hal: Sa bawat araw na nagdaan
May mithiin tayong gagampanan.
Marangal na hangarin
Taos sa damdamin
Tumulong sa kapwa, ating adhikain.
Mula sa tulang “ Kapit-Kamay’ni Fernando Nocum

5|Page
TALAKAYAN

Babasahin 1: “ Sa Aking Mga Kabata”


ni: Jose P. Rizal

Gawain 2A : Paglinang ng Talasalitaan :

Panuto : Bigyang kahulugan ang iilang mahihirap na salitang ginamit ng may-akda.


Hanapin ang kahulugan sa loob ng kahon. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.
_____1. Kabagay a. unos
b. bangka
_____2. Maalam c. nagsiwalat
d. marunong
_____3. Naggawad
e. naghandog
_____4. Sigwa f. Kaparis
g. lungkot
_____5. Lunday

Gawain 2 B :
Panuto : Suriin ang Tula. Tukuyin mo ang kasabihang ginamit ni Dr. Jose P. Rizal.
Ilahad ang tiyak na kaisipan na nais ipabatid nito.

Sa Aking Mga Kababata


Ni: Dr. Jose P. Rizal

Kasabihan kaisipan

_______________________________ _________________________________

________________________________ __________________________________

________________________________ __________________________________

6|Page
Babasahin 2

Basahin at unawain ang tulang “ Sa Aking Mga Kababata” ni Dr.


Jose P. Rizal.

“ Sa Aking Mga Kababata”


ni Jose P. Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


sa kanyang salitang kaloob ng langit,
sanlang Kalayaan nasa ring masapit
katulad ng ibong na sa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
at ang isang tao’y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong Kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang tagalog tulad din sa latin,


sa ingles, kastila, at salitang angel,
sa pagka ang Poong maalam tumingin
ang siyang nag-gawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba


na may alfabeto at sarilng letra,
na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.

(https://www.kapitbisig.com)

Gawain 2 C :

Panuto : Basahin at unawain ang mga katanungan, pagkatapos isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Kanino inihandog ni Dr. Jose P. Rizal ang tulang “ Sa Aking mga Kababata”?
___________________________________________________________________
2. Ipaliwanag ang Kahulugan ng pamagat ng tula.
___________________________________________________________________

7|Page
3. Ano ang nais iparating ng may-akda sa mga kabataan sa makabagong
henerasyon?
___________________________________________________________________
4. Matapos mong mabasa ang tula, ano ang emosyon /damdamin ang naghahari sa
iyong puso?
5. Ano-ano ang pagkakaiba ng mga tula noon sa kasalukuyang panahon?
_________________________________________________________________________
6. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang iyong sariling wikang
kinagisnan?

Gawain 2D: Gawaing Upuan

Panuto : Basahin ang saknong o pahayag, pagkatapos ibigay ang kahulugan


ng mga ito.

1. Ang hindi magmahal sa kanyang salita _____________________________


Mahigit sa hayop at malansang isda _____________________________
Kaya ang marapat pagyamanin kusa _____________________________
Na tulad sa inang tunay na nagpala _____________________________

2. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, _____________________________


Sa Inglis, Kastila, at salitang anghel, _____________________________
Sapagkat ang Poong maalam tumingin _____________________________
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin _____________________________

Babasahin 2
Basahin ang isa pang halimbawa ng tula:
Pag-ibig
Teodoro Gener

Umiibig ako, at ang iniibig


Ay hindi ang dilag na kaakit-akit
Pagkat kung talagang ganda lang ang nais,
Hindi ba’t nariyan ang nanungong langit?

Lumiliyag ako, at ang nililiyag


Ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag
Pagkat kung totoong perlas lang ang hangad…
Di ba’t masisisid sa pusod ng dagat

Umiibig ako’t sumisintang tunay ,


Di sa ganda’t hindi sa ginto at yaman
Ako’y umiibig, sapagkat may buhay
Na di nagtitikim ng kaligayahan..

Ang kaligayahan ay wala sa langit


Wala rin sa dagat ng hiwagang tubig..
Ang kaligayaha’y nasa iyong diddib
Na inaawitan ng aking pag-ibig..

8|Page
Gawain 5 : CHART
Panuto:Balikan natin ang tulang sa “Aking mga Kababata” ni Dr, P. Rizal. Paghambingin
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga Elemento at Anyo ng tula sa tulang “ Pag-ibig “ ni :
Teodoro Gener .

PAGHAHAMBING
Pagkakaiba Pagkakatulad
Tula : “ Sa Aking mga “ Pag-big” ni Teodoro
Kabata” ni Jose P. Gener
Rizal
1. Bilang ng
sukat
2. Bilang ng
taludtod sa bawat
saknong
3. saknong
mayroon ang tula
4. Tugma
5. Tono
6. Paksa/
kaisipan
7. Talinghaga
8.Persona
9. Kariktan
10. Anyo o
kayarian ng tula

GRAMATIKA : ( Antas ng Wika )

Ano ang tawag natin sa mga


salita na bumubuo ng bawat saknong “ Wika” ang tawag natin dito.
ng tula?
Ang Wika ay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan
- Kalipunan ng mga simbolo, tunog at
mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin nito.

9|Page
Ano ba ang Antas ng Wika?
Ang antas ng wika ay ang level o kategorya ng wikang ginamit sa pakikipag-usap o
pakikipagtalastasan sa ating kapwa. Dahil dito, malalaman natin sa kung anong antas-
panlipunan napapabilang ang taong ating kausap at kakilala.

Dalawang uri ng Antas ng Wika :


1. Pormal na Wika – wikang kinikilala,masining, tinanggap at ginamit sa higit na
nakararami. Ito naman ang wikang gamitin ng mga manunulat sa pagsulat ng kanilang mga
akda.

2. Di-pormal na Wika – ito ay ang pang-araw-araw na ginamit, palasak at karaniwang


ginamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan sa kapwa.

Pampanitikan- mga masisining at mga


patalinghagang salita at ito ang
pinakamataas na antas ng wika.
Hal: salitang-angel, nanungong langit,
wagas nap ag-ibig atbp.
Pormal na Wika

Pambansa- wikang ginamit sa paaralan,


sa pamahalaan at ginamit din ito sa
pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
Hal. pag-ibig, liyag, Kalayaan, huwad atbp.

Di- Pormal na Wika:


1. Kolokyal – ang pagpapaikli ng isa o higit pang salita, halaw sa mga pormal na mga
salita o wika, ginagamit sa okasyong di-pormal.
Hal: Paano – pano , winika ko- Ikako, Diyan- dyan atbp.

2. Lalawiganin- maituturing itong dayalikto sa isang lalawigan na kung saan sila ang
nakakaalam sa kahulugan nito.
Hal: pasanin- problema, bahay- balay, kaunin- sunduin atbp.

3. Balbal – Ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginamit sa lansangan at


ito ay gawa gawa lamang ng mga taong walang pinag-aralan.
Hal: patay- yatap, kuya-ayuk, matanda- gurang, sigarilyo-yosi atbp.

10 | P a g e
Gawain 6: Maikling Pagsusulit
Panuto : Itala ang iyong sagot sa sagutang papel, kung anong antas ng wika
ang mga sumusunod. ( Pampanitikan, Pambansa, Kolokyal, Lalawiganin at Balbal )

1. gugma
2. Wika
3. Haligi ng tahanan
4. Nasan
5. Sikyo
6. Kapiling
7. Bunga ng pag-ibig
8. Datung
9. Ganto
10. Pinoy

Dapat bang pag-aralan ang


Oo, dapat lang dahil ito ay antas ng wika? Bakit?
mabisang palatandaan kung
anong uri ng tao ang kausap
mo.

11 | P a g e
III. Ano ang natutunan?
Panuto : Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan pagkatapos piliin ang
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Anong tawag sa parehong tunog ng huling pantig ng tula?
a. sukat b. tugma c. taludtod d. talinghaga
2. Ano ang tawag sa mga linya ng tula sa bawat saknong?
a. sukat b. tugma c. taludtod d. Talinghaga
3. Ano ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?
a. sukat b. tugma c. taludtod d. talinghaga
4. Ano ang tawag natin sa mga salitang may malalim na kahulugan sa mapanuring na isipan
ng mambabasa?
a. sukat b. tugma c. taludtod d. talinghaga
5.Ano ang tawag natin sa pinagsama-samang taludtod sa isang tula?
a. saknong b. kariktan c. kaisipan d. persona
6. Ano ang tawag sa mga salitang nagpapaganda sa isang tula?
a. saknong b. kariktan c. kaisipan d. Persona
7. Ano ang tawag natin sa nabubuong kaalaman o mensahe/ pananaw o saloobin na nais
iparating ng tula?
a. saknong b. Kariktan c. Kaisipan d. Persona
8. Ano ang tawag natin sa taong nagsasalita sa tula ?
a. saknong b. kariktan c. kaisipan d. Persona
9. Anong kayarian o anyo ng tula na kung saan ito ay may sukat at tugma?
a. malaya b. berso c. tradisyunal d. blangko berso
10. Anong anyo ng tula na wala itong sukat at tugma?
a. Malaya b. berso c. tradisyunal d. blangko berso
11. Ano ang pinakamababang antas ng wika?
a. pampanitikan b. pambansa c. kolokyal d. balbal
12. Ano ang pinakamataas na antas na wika?
a. pampanitikan b. pambansa c. kolokyal d. balbal
13. Ano ang tawag natin sa mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas
gamitin sa pakikipag-usap sa mga kilala at kaibigan?
a. kolokyal b. antas ng wika c. di-pormal d. pormal

12 | P a g e
14. Ano ang tawag sa mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
higit sa nakararami.?
a. kolokyal b. antas ng wika c. di-pormal d. pormal
15. Ano ang tawag natin sa isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao ang kausap
at kung anong antas panlipunan sa napabilang ang isang tao.
a. kolokyal b. antas ng wika c. di-pormal d. pormal

PAGLILIPAT

Gawain 5:
Pagsulat ng isang orihinal na tulang may masining na antas ng wika at may apat o
higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay gamit ang paksang pag-ibig
sa Kapwa, bayan o kalikasan. Isulat ito sa isang puting papel pataas

Pamantayan 10 8 6 4
Pagkakabuo Angkop na angkop Angkop ang mga May mga iilang Hindi ginamitan
at piling-pili ang salitang o salita o parirala ng angkop na
mga salita o pariralang ginamit na hindi angkop salita o parirala
pariralang ginamit
Nilalaman Mabisang- Mabisang Hindi masyadong Hindi naipahayag
mabisang naipahayag ang naipahayag ang ang kaisipan o
naipahayag ang kaisipan o kaisipan o damdamin ng tula
kaisipan o mensahe ng tula mensahe ng tula
mensahe ng tula
Pagkamalikhain Nabigyang buhay Nabigyang buhay Di-masyadong Hindi na
ang tula sa ang tula sa nabigyang buhay bibigyang ng
malikhaing paraan paglalahad ng ang tula sa buhay ang tula
ng paglalahad ng mga ideya o magandang
mga ideya o kaisipan paraan ng
kaisipan paglalahad ng
idiya o kaisipan
Pagkakasulat Malinis na malinis Malinis at wasto Hindi masyadong Hindi wasto ang
at wasto ang ang pagkakasulat malinis ang pagkakasulat
pagkakasulat pagkakasulat

13 | P a g e
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
Plaridel St., Mandaue City

NIMFA D. BONGO,EDD.,CESO V
Schools Division Superintendent
ESTELA B. SUSVILLA Ph.D.
Assistant Division School Superintendent
JAIME P. RUELAN Ed.D.
Chief, Curriculum Implementation Division
DR.ISMAELITA DESABILLE Ph.D.
Education Program Supervisor- (LRMDS)
FELICITAS C. MAGNO
Education Program Supervisor –(FILIPINO)
ANTONIETTA S. CABLAO
Writer
QUENNIE MARIE S. CABLAO
Ilustrator/Layout Artist

Department of Education
REGION VII – CENTRAL, VISAYAS

DR. SALUSTIANO JIMENEZ, OIC


Regional Director

DR.EMILIANO ELNAR
Chief, Curriculum and Learning Management Division

LRMDS - Education Program Supervisor

MAPEH - Regional Education Program Supervisor

14 | P a g e
SINOPSIS

Ang panitikan ay maihahalintulad natin sa isang napakagandang


tanawin na kailangang pahalagahan, at kung hindi ito maalagaan at
ma- pabayaan, ito’y unti-unting mawawala at makakalimutan.

Ang SLK na ito ay napapalooban ng mga kasanayang o gawaing


pupukaw sa iyong malikhaing imahinasyon at gigising sa puso mong
uhaw sa kaalaman.

SUSI NG PAGWAWASTO

Gawain 1 Gawain 2A :
1. / 1. f
2. / 2. d
3. X 3. e
4. / 4. a
5. / 5. b
6. /
7. /

Gawain 2 B : Mga Katanungan:

Kasabihan Kaisipan
Ang hindi magmahal sa kanyang salita Ang wika ay nangangailangan ng
Mahigit sa hayop at malansang isda pag-aaruga, gaya ng pag-aalaga
ng ina sa kanyang anak.

Gawain 2 C : Tula : “ Sa Aking Kababata” ni Jose P. Rizal

1. Ang tulang kanyang isinulat ay inihandog niya ito sa kanyang mga kababatang
Pilipino.
2. Ang kahulugan ng pamagat ng tula ay tungkol sa pagkakaroon ng iisang wika na
ginamit sa lahat ng tao sa ating bansa.
3. Sa kanyang mga kababata nais niyang ipabatid ang pag-ibig sa kanyang sarling
wikang kinagisnan.
4. Ang damdamin ng may-akda ay ang pagmamahal sa sariling wika at ang
pagmamalaki nito.
5. Karaniwan sa mga tula noon ay may sukat at tugma, sa kasalukuyan, Malaya na

15 | P a g e
Ang pagkakasulat.
5. Bilang kabataang Pilipino, maipapakita ang pagmamahal sa sariling wika sa
pamamagitanng paggamit nito at tulad din ni Jose P. Rizal dapat na itong
ipagmalaki dahil dito tayo nagkakaisa at nagkaintindihan.

Gawain 2 D.
1. Ang wika ay nangangailangan ng pag-aaruga, gaya ng pag-aalaga ng ina sa
kanyang anak. Inahalintulad ang pambansang wika sa isang sanggol na kailangang
alagaan at mahalin.

2.Ang wikang tagalog ay kasinghalaga sa iba pang wika. Hindi ito dapat minamaliit
kapag itoy ipaghahambing sa ibang wika na mas maunlad pa. Sapagkat itoy bigay
ng maykapal. At dahil dito, tayo ay nagkaunawaan at nagkakaisa.

Gawain 3 :
Panuto: Paghambingin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga Elemento at Anyo
ng Tulang ” Sa Aking Mga Kabata” ni Dr. Jose P. Rizal at ang tulang “ Pag-big “ ni
Teodoro Gener

PAGHAHAMBING NG DALAWANG TULA


Pagkakaiba Pagkakatulad
Tula : “ Sa Aking Tula : “ Pag-ibig“
Kabata” ni Jose Ni: Teodoro Gener
P. Rizal
1. Bilang ng 12 sukat ngpantig Walang sukat
sukat
2. Bilang ng Tig aapat na Tig-aapat na May tig-aapat na
taludtod sa taludtod sa bawat taludtod sa bawat taludtod sa bawat
bawat saknong saknong saknong saknong
3. Bilang ng
saknong 5 na Saknong 4 na Saknong
mayroon ang
tula
4. Tugma Magkatugma ang Walang tugma
mga salita sa
dulo ng bawat
saknong
5. Tono Mabagal, pataas Mabagal Kapwa mabagal ang
at mabagal kung pagbigkas
bigkasin
6. Paksa/ Pagpapahalaga Tunay at wagas na Pagpapahalaga at
kaisipan at pagmamahal pag-ibig sa isang pagmamahal
sa sariling wika tao o kahit sino pa
man.
7. Talinghaga Ginamitan ng Ginamitan ng mga Kapwa ginamitan ng
mga Tayutay o matalinghagang mgamatatalinghagang

16 | P a g e
mga talinghagang salita salita
salita
8.Persona May-akda Mag-aaral
9. Kariktan Gumamit ng Gumamit ng maririkit Kapwa ginamitan ng
maririkit na na pananalita mga magagandang
pananalita salita
10. Anyo o May sukat at Walang sukat at
kayarian ng tula Tugma tugma

Gawain 4: ANO ANG NATUTUNAN MO?


1. Lalawiganin 1. b 11. d
2. Pambansa 2. c 12. a
3. Pampanitikan 3. a 13. c
4. Kolokyal 4. d 14. d
5. Balbal 5. a 15. b
6. Pambansa 6. b
7. Pampanitikan 7. c
8. Balbal 8. d
9. Kolokyal 9. c

10. Balbal 10. a

Gawain 5: ( Pagsulat ng Orihinal na tulang may masining na antas na wika at may


apat o higit pang saknong sa alinmang tinalakay gamit ang paksang pag-ibig sa
kapwa, bayan o kalikasan,
Isulat ito sa isang putting papel pataas ( kalakip dito ang rubrics ) na makikiita
sa pahina

SANGGUNIAN :

Internet

Kapit Bisig, “Sa aking mga kababata ni Dr. Jose P. Rizal, original tagalog in the
Phillipines.,
(Url.https://www.kabitbisig.com)

Aklat

Enrijo, Willita A., Bola, Asuncion B.,Mariquis, Arlene B. et al. Panitikang Pilipino 8

17 | P a g e
Modyul para sa mag-aaral. Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig City
Phillipines.2013

Tula ( Fair Used )


Bahagi ng tula:
“Florante at Laura” ni Francisco Balagtas Baltazar
“ Ang Diyos at ang Agham” ni Conrado C. Fajardo
“ Kapit Kamay” ni Fernando Nacum

18 | P a g e

You might also like