You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 8
Heograpiyang Pantao
Unang Markahan – Ikalawang Linggo

Precious Sison -Cerdoncillo

Precious Sison-Cerdoncillo
Manunulat

Ma. Monette Ullero


Tagasuri

Maria Elena B. Araja


Mark Joseph C. Fernandez
KAtibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Matapos matutuhan ang Heograpiyang Pantao na isa sa mga sangay ng
heograpiya na tinatawag ding kultural na heograpiya. Ang sangay na ito ay
tumutukoy sa mga pag-aaral sa mga aspektong kultural na matatagpuan sa daigdig.
Ang paraan ng interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran, kung paano niya ito
binabago at kung paano rin siya nababago o naaapektuhan.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matututuhan mong


mapahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, mamamayan sa
daigdig.

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang
papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng


maraming wika sa isang bansa?
a. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
b. Maraming sigalot sa bansa.
c. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
d. Walang sariling pagkakakilanlan sa mga bansa.
2. Paano mapapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang
relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng
kanilang mga paniniwala?
a. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
b. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
c. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng iba’t ibang relihiyon.
d. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.
3. Ano ang tawag sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa
daigdig?
a. heograpiya b. topograpiya c. kultura d. heograpiyang pantao
4. Ano ang itinuturing na kaluluwa ng kultura?
a. wika b. tradisyon c. relihiyon d. lahi
5. Alin sa mga sumusunod ang pinagmulan ng salitang relihiyon?
a. regaleri b. religare c. rigaleri d. religion
6. Anong relihiyon ang may pinakamalaking bilang ng tagasunod sa buong
mundo?
a. Hinduismo b. Islam c. Kristiyanismo d. Budismo
7. Ano ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao?
a. kultura b. tradisyon c. kaugalian d. asimilasyon
8. Ano ang tawag sa kagawian o praktis na sinusunod ng mga tao?
a. kasanayan b. kaugalian c. kultura d. tradisyon

2
9. Ano ag tawag sa kohesibong koleksiyon ng mga kaugalian?
a. akulturasyon b. kultura c. tradisyon d. kaugalian
10. Ano ang tawag sa rehiyonal na bersyon ng wika?
a. wika b. diyalekto c. salita d. pagbigkas
11. Ano ang kinikilala bilang Unibersal na wika?
a. English b. Filipino c. Espanyol d. Arabic
12. Anong wika ang may pinakamaraming tao na nagsasalita?
a. Hindi b. Portuguese c. Bengali d. Chinese Mandarin
13. Ano ang tawag sa paniniwala sa maraming Diyos?
a. animismo b. politeismo c. monoteismo d. ateista
14. Ano ang tawag sa paniniwala sa isang Diyos?
a. monoteismo b. animism c. ateista d. politeismo
15. Ano ang tinatawag na katangiang biyolohikal o tumutukoy sa pagkakakilanlan
ng isang pangkat ng mga tao?
a. wika b. pangkat-etniko c. lahi d.relihiyon

Gawain 1: Four Pics- One Word!


PANUTO: Batay sa apat na larawang binigay, buuin ang salitang inilalarawan.

1. __ __ __ __ __ __ __ __ __ 2. __ __ __ __

3. __ __ _ __ __ 4. __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

3
5. __ __ __ __ __ __ __ - __ __ __ __ __ __ 6. __ __ __
GAWAIN 2: Say Mo, Opinyon Mo!
PANUTO: Basahin ang balita at sagutin ang mga gabay na tanong.
Isang wika sa buong mundo, namamatay sa bawat dalawang taon – UNESCO
Posted by M.R. Faith on August 3, 2018

(Eagle News) — Sa pag-aaral ng United Nations Educational, Scientific and


Cultural Organization (UNESCO) isang wika sa buong mundo ang namamatay
sa bawat dalawang taon.

Sa Pilipinas, may ilang wika ang itinuturing na rin na endangered o nanganganib


na ring na mawala.

Lumabas sa pagsusuri ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na marami sa mga


katutubong wika sa bansa ang hindi na halos ginagamit ng isang partikular na
grupo.

Dumagat
Binanggit ni National Artist for Literature at Tagapangulo ng Komisyon na si
Virgilio Almario na ilan sa mga wikang malapit nang mamatay ang karaniwang
ginagamit ng mga katutubong Dumagat o Agta.
May mga hakbang na raw silang ginagawa para mapangalagaan ang mga
endangered language sa Pilipinas.

Pangunahin na rito ang pagtuturo ng mga naturang wika sa mga bata upang
maimulat sila sa kasanayan sa pagsasalita ng kanilang lenggwahe.
Bukod pa rito ang balak na pagtatatag ng tinatawag na language archive kung
saan mapapangalagaan pa ang mga katutubong wika para makita at mapag-
aralan ng susunod na henerasyon.

Naniniwala ang KWF na panahon na upang itaguyod ang paggamit ng mga wika
sa pilipinas na maituturing na pamana ng lahi.

Kasunduan
Samantala, isang kasunduan ang nilagdaan ng KWF at ng Unibersidad ng Santo
Tomas para sa pagtatatag ng kauna-unahang Sentro ng Salin.
Layunin nito na maisalin sa wikang Filipino ang lahat ng mga nilimbag na
banyagang aklat at pag-aaral na magagamit sa mga paaralan.
Bahagi na rin ito ng kampanya ng KWF sa pagtataguyod at pagmamahal sa
paggamit ng wikang pambansa.
Sa nasabi ring pasilidad ng UST sisimulang sanayin ang mga nagnanais na
maging propesyunal na tagasalin o translator sa wikang Filipino. Jerold Tagbo
Pinagkunan: https://www.eaglenews.ph/isang-wika-sa-buong-mundo-namamatay-sa-bawat-dalawang-taon-unesco/

4
Pamprosesong mga Tanong:
1. Tungkol saan ang binasang balita?
2. Ano ang nararamdaman mo habang binabasa ang balita? Bakit?
3. Anong aral ang napulot mo mula sa balita? Ipaliwanag.

Heograpiyang Pantao
Ang heograpiyang pantao (human geography) ay tungkol sa pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Wika
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng
pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105
buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob
ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay
at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig.
Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.6 ang ilan sa mga
pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.

Ang wika ay ang tanda ng kultura. Kapag wala ito, hindi magkakaroon ng
ugnayan ang mga tao. Hindi nila maipapasa ang kanilang kaalaman o paniniwala sa
mga susunod na henerasyon. Lahat ng kultura ay may sistema ng panulat. Ang ilan
sa mga wika na ginagamit sa kasalukuyang panahon ay ang Arabic, Chinese, English,
German, Hindi, Russian at Spanish.

Sa maraming bansa, ang wika ay nagdudulot ng isang problema. Nais ng


gobyerno na magkaroon ng iisang kultura. Pumipili sila ng isa o dalawang wika para
sa mga paaralan at sa mga negosyo. Ngunit marami sa mga mamamayan ang
nagnanais na yakapin ang sariling nilang wika bilang pagpapatunay ng kanilang
pagmamahal sa kanilang wika ayon sa kanila ay isang hakbang ng pagkawala ng
kanilang kultura.

Talahanayan 1.6 Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig


Pamilya Buhay Bahagdang
ng Wika na ng mga Bansang Gumagamit ng Wika
Wika Nagsasalita
Afro- 366 5.81 Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad, Cyprus,
Asiatic Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia, Iran, Iraq,
Israel, Jordan, Kenya, Libya, Mali, Malta,
Mauritania, Morocco, Niger, Nigeria, Oman,
Palestine, Saudi Arabia, Somalia, Sudan,
Syria, Tajikistan, Tanzania, Tunisia, Turkey,
United Arab Emirates, Uzbekistan, at Yemen

5
Austronesi 1,221 5.55 Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook
an Islands, East Timor, Fiji, French Polynesia,
Guam, Indonesia, Kiribati, Madagascar,
Malaysia, Marshall Islands, Mayotte,
Micronesia, Myanmar, Nauru, New
Caledonia, New Zealand, Niue, Northern
Mariana Islands, Palau, Papua New Guinea,
Philippines, Samoa, Solomon Islands,
Suriname, Taiwan, Thailand, Tokelau,
Tonga, Tuvalu, United States, Vanuatu, Viet
Nam, Wallis
at Futuna
Indo- 436 46.77 Afghanistan, Albania, Armenia, Austria,
European Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium,
Bosnia and Herzegovina, Brazil, Bulgaria,
Canada, China, Croatia, Czech Republic,
Denmark, Fiji, Finland, France, Germany,
Greece, Iceland, India, Iran, Iraq, Ireland, Isle
of Man, Israel, Italy, Latvia, Lithuania,
Luxembourg, Macedonia, Maldives,
Myanmar, Nepal, Netherlands, Norway,
Oman, Pakistan, Peru, Poland, Portugal,
Romania, Russian Federation, Serbia,
Slovakia, Slovenia, South Africa, Spain, Sri
Lanka, Suriname, Sweden, Switzerland,
Tajikistan, Turkey, Ukraine, United
Kingdom, United States, Vatican State, at
Venezuela
Niger- 1,524 6.91 Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso,
Congo Burundi, Cameroon, Central African
Republic, Chad, Comoros, Congo, Côte
d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of the
Congo, Equatorial Guinea, Gabon, Gambia,
Ghana, Guinea, Guinea-Bissau, Kenya,
Lesotho, Liberia, Malawi, Mali, Mayotte,
Mozambique, Namibia, Niger, Nigeria,
Rwanda, Senegal, Sierra Leone, Somalia,
South Africa, South Sudan, Sudan,
Swaziland, Tanzania, Togo, Uganda, Zambia,
at Zimbabwe
Sino- 456 20.34 Bangladesh, Bhutan, China, India,
Tibetan Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Nepal, Pakistan,
Thailand, at Vietnam
Pinagkunan: http://www.ethnologue.com/statistics/family

6
Gawain 3: Ay Wika Sabi Ko Na! Sabi Ko Na Wika!

Panuto: Tukuyin at pagsama-samahin sa ikalawang kolum ang mga bansa na


gumagamit ng magkakatulad na pamilya ng wika.

Egypt Philippines Brunei


Spain Saudi Arabia Kyrgystan
France Malaysia United Arab Emirates
Germany Bhutan Zimbabwe
Cuba Laos Cote d’Ivoire

Pamilya ng Wika Bansang Gumagamit ng Wika


1. Afro- Asiatic
2. Austronesian
3. Indo-European
4. Niger-Congo
5. Sino-Tibetan

Heograpiyang Pantao
1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa
pisikal na heograpiya?
2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?

Wika
1. Ano ang ibig sabihin ng wika?
2. Paano maipapakita ang pagmamahal sa sarili mong wika?
3. Ano ang di mabuting dulot sa pagkakaroon ng maraming wika sa buong mundo?

Lahi/Pangkat Etniko
1. Ano ang ibig sabihin ng lahi?
2. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal
o isang pangkat ng tao?
3. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao
sa daigdig?

7
Gawain 4: I BELIEVE
PANUTO: Kumpletuhin ang tsart batay sa sumusunod na saklaw ng heograpiyang
pantao. Isulat ang mga kabutihan at hindi mabuting dulot ng mga ito sa
mga bansa.

TERMINOLOHIYA MAGANDANG DULOT HINDI MAGANDANG DULOT

Wika

Lahi

Pangkat-etniko

A. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula
sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa
sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa saklaw sa pag-aaral ng


heograpiyang pantao?
a. lahi b. relihiyon c. wika d. topograpiya
2. Alin sa limang pangunahing pamilya ng wika ay may pinakamaraming
gumagamit?
a. Afro-Asiatic b. Indo-European c. Sino-Tibetan d. Niger-Congo
3. Ano ang tinatawag na kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat
ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos.
a. relihiyon b. pangkat etniko c. lahi d. wika
4. Anong relihiyon ang may pinakamaraming taga-sunod?
a. Islam b. Hinduismo c. Kristiyanismo d. Budismo
5. Ano ang tinatawag na katangiang biyolohikal o tumutukoy sa pagkakakilanlan
ng isang pangkat ng mga tao?
a. wika b. pangkat-etniko c. lahi d. relihiyon
B. PANUTO: Basahing mabuti ang talata at punan ang mga patlang upang makumpleto
ang pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
Itinuturing ang wika bilang _______(6)________ ng isang kultura. Nagbibigay
ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May
_______(7)________ buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000
katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga
wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may
_______(8)________ language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito
ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

8
Ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ay ang _______(9)________,
_______(10)________, _______(11)________, _______(12)________ at _______(13)________.
Ang relihiyon ay nagmula sa salitang _______(14)________ na
nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang
kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon,
ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.
Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging
paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o
_______(15)________ na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao,
gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.

Wakas

Sanggunian
A. Aklat

- Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig nina Celia D. Soriano et.al Binagong Edisyon


2017, pp. 20-21,
- Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig - Modyul ng Mag-aaral Unang
Edisyon 2014, pp. 31-38
- Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Teofista L.
Vivar, Ed.D. et.al, pp. 15
- Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina
Grace Estela C. Mateo, Ph.D. Binagong Edisyon 2012, pp. 21
B. Modyul

- EASE-Modyul-1-Heograpiya-ng-Daigdig

C. Websites

- Daigdig
https://images.app.goo.gl/jjc4gJP7Q

- Pangkat-etniko
https://images.app.goo.gl/nxRQ2NrBX4i4LJQCA
https://images.app.goo.gl/KYzmp9etMvaaSby27

- Mga larawan sa wika


https://images.app.goo.gl/j5ynoF7CQ4HvNVP76
https://images.app.goo.gl/gW1hJHTTMTA1MqqUA
https://images.app.goo.gl/86CJkXshqBmZU6Tq8
https://images.app.goo.gl/RQs5TNg7FTRQEsZd8
- Mga Tao
https://images.app.goo.gl/Qf9zBE9fhJbn5ZVk7
https://images.app.goo.gl/1W9RaFUmwraM8Ufy6

- Sanggol
https://images.app.goo.gl/7m9CpAzxvW4zHiks6
- http://www.ethnologue.com/statistics/family
- https://quizizz.com/admin/quiz/5d208a3aa54b3a001d8f5740/heograpiya-ng-
daigdig-1
- https://quizlet.com/330431185/ap-reviewer-aralin-3-ang-heograpiyang-pantao-
at-kultural-ng-daigdig-2nd-periodical-exam-flash-cards/
- https://www.eaglenews.ph/isang-wika-sa-buong-mundo-namamatay-sa-bawat- dalawang-taon-
unesco/

9
10
Gawain 3
Unang Pagsubok
1. Egypt, Saudia Arabia, United
Pangwakas na Pagsusulit
Arab Emirates 1. C
2. Brunei, Malaysia, Philippines 2. D
1. D
3. France, Germany, Spain 3. D
2. B
4. Cote d’Ivoire, Cuba, 4. A
3. A
Zimbabwe 5. B
4. C
5. Kyrgyzstan, Laos, Bhutan 6. C
5. C
7. A
6. kaluluwa
8. B
7. 7,105
9. C
8. 136 Gawain 1 10. B
9-13. Afro-Asiatic, 1. relihiyon
Niger-Congo,
11. A
Sino-Tibetan, 2. wika 12. D
Austronesian,
Indo-European 3. heograpiya 13. B
14. Religare 4. lahi 14. A
15. lahi 15. C
5. pangkat-etniko
*pahina 2-3
6. tao
Susi sa pagwawasto
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_pangkat_etniko_sa_Pilipinas
the-same-ethnic-group/
race-are-people-from-different-ethnic-groups-generally-genetically-more-different-than-people-from-
- https://presmarymethuen.org/tl/dictionary/what-is-the-difference-between-an-ethnic-group-and-a-
and-society-religions
- https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/xx.html#field-anchor-people-

You might also like