You are on page 1of 16

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I Pangasinan
Lingayen, Pangasinan

Filipino – Sekondarya –Baitang 8


T.P. 2018 – 2019

Kahalagahan ng Wika sa Bawat Bansa


(Pagbasa nang Malakas)

Bawat bansa sa mundo ay may kanya-kanyang wika na ginagamit upang


matalos ang malawak na pagkakaintindihan ng bawat isa. Kung ang iba ay may
salitang Ingles, Niponggo, Mandarin, Spanish at marami pang iba, dito sa Pilipinas,
“Wikang Filipino” ang tawag sa pangunahing wika o “mother language” ng bansa.

Ang Pilipinas ay binubuo ng pitong libo at isang daang mga pulo na pawang
pinaghihiwalay ng mga malalaking karagatan dito sa ating bansa. Bawat mga
mamamayan sa iba’t ibang dako ng Pilipinas ay mayroon ding sariling wikang
kinagisnan. May kanya-kanyang kultura, wika at paniniwala batay sa lahing
kinabibilangan. Maraming salita ang ginagamit sa bansa tulad ng mga
sumusunod: Pampango, Waray, Visaya, Cebuano, Ilokano, Bikolano at iba pa.
Subalit namumukod tangi pa rin na ang Wikang Filipino ang nagsisilbing buklod ng
sangkapilipinuhan upang makamit ang kaunlaran at kapayapaan na ating
pinapangarap. Ito ang landas tungo sa pagkakaisa. Wikang Filipino ang daan
upang ang galit at poot ay maiwaksi sa ating mga puso at tunay na pagmamahalan
ang siyang maghari dito.

(Halaw sa “Pagbasa at Pagsulat” Urbano Perla C. et.al)

Bilang ng salita: 111 na salita

Mga Tanong:

1. Ano ang pinakapaksa sa unang bahagi ng sanaysay?

a. kahalagahan ng wika

b. May sariling wika ang bawat bansa

c. paggamit ng Wikang Filipino

2. Ang katawagan sa pangunahing wika ng mga Filipino?

a. wikang Pilipino b. Wikang Filipino c. Wikang Tagalog

3. Isa sa mga natatanging gamit ng wika ay ang _____________.

a. magkaroon ng malawak na pagkakaintindihan


b. magsisilbing tagapagbuklod ng sangkapilipinuhan

c. parehong a at b

4. Ilang pulo ang bumubuo sa bansang Pilipinas?

a. 8,710 na pulo b. 7,100 na pulo c. 7,101 na pulo

5. Aling grupo ng mga wika ang maaaring maituring na sariling atin?

a. Pampango, Waray, Ilokano, Bikolano

b. Cebuano, Visaya, Niponggo

c. Ingles, Mandarin, Spanish

6. Ano ang bagay na maiwawaksi gamit ang Wikang Filipino?

a. inis at selos b. galit at poot c. kasakiman at katiwalian

7. Ano ang makakamit ng bawat Pilipino sa pagggamit ng sariling wika?

a. kayamanan at karangalan c. kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran

b. kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran

8. Ano ang bagay na pinatotohanan ng bawat bansa?

a. may kanya-kanyang wika,

b. may kanya-kanyang kultura at paniniwala

c. wala sa nabanggit

9. Bilang isang Pilipino, sumasang-ayon k aba na dapat magkaroon ng isang wika lamang na

gagamitin sa isang bansa?

a. Opo b. hindi po

10. Ano ang angkop na pamagat ng paksa?

a. Ang wikang Filipino ay natatangi sa lahat

b. Kahalagahan ng wika sa bawat bansa

c. Bawat bansa ay may kanya-kanyang wika


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I Pangasinan
Lingayen, Pangasinan

Filipino – Sekondarya –Baitang 9


T.P. 2018 – 2019

Higanting Asteriod, Muntikang Bumangga sa Mundo


(Pagbasa nang Malakas)

Asteriod na nagngangalang Toutatis ay kamuntik nang bumangga sa mundo. Kinatatakutan

itong mangyari sapagkat magbubunga ng malaking sakuna sa buong mundo. Ayon kay Don

Yeoman, isang Astronomer, ang Toutatis ay magtatapon ng mga material na sapat upang mawala

ang araw, mamamatay ang mga halaman at mga tao. May sukat na isa hanggang dalawang milya

ang lapad ng Toutatis (1.6 hanggang 3.2 kilometro ang lapad). Ang distansya o layo nito sa

mundo nang muntik nang bumangga ay 2.2 milyong milya. Ang sabi ng mga dalubhasa, ito raw ay

sapat na upang magkaroon ng tuwirang pagbangga sa mundo na magiging malaking kapahamakan

ng lahat.

Ang Toutatis ay nangangahulugangna “tagapagtanggol ng tribu”. Isang Pranses na

astronomer ang nakatuklas dito noong 1989 at siyang nagpangalan na hango sa Gallic God. Ang

sabi ng mga astronomer, kung sakali raw bumangga ito sa mundo, mawawalan ng saysay ang

tunay na kahulugan nito bagkus ito raw ay magiging “tagapagwasak ng tribu”. Tuwing ikaapat na

taon, umiikot sa orbita o ligiran ng mundo ang Toutatis. Ayon kay Yeoman, sa pag-ikot ng

Toutatis sa taong 1996 at sa taong 2000, magiging malayo ang distansya nito sa mundo ngunit

pagsapit ng taong 2004, ay iikot nang may distansyang isang milyong milya sa mundo. Ito raw

ang magiging pinakamalapit sa loob ng 200 taon. Umaabot ng 85, 000 milya bawat oras ang bilis

ng Toutatis.

(Halaw sa “Pagbasa at Pagsulat” Urbano Perla C. et.al)

Bilang ng salita: 150 na salita


Mga Tanong:

1. Ano ang pangalan ng asteroid na muntikan nang bumangga sa mundo?

a. Arthritis b. Dermatitis c. Toutatis

2. Bakit kinatatakutan ang pagbangga nito sa mundo?

a. magbubunga ng malaking sakuna b. pagkakaguluhang tingnan ng mga tao c.

sasaliksikin ito ng tao

3. Kaninong pananaw ang pahayag na, “Ang toutatis ay magtatapon ng mga materyal na sapat

upang mawala ang araw, mamamatay ang mga halaman at mga tao” kapag nangyari ang pagbangga

nito?

a. Yassi Pressman b. Don Yeoman c. Yeahman

4. Gaano kalapad ang Toutatis na babangga sa mundo?

a. 1.6- 3.2 kilometro b. 1.6-3.6 kilometro c. 1.16-3.2 kilometro

5. Ilang milya ang layo nito nang muntikan nang bumangga sa mundo?

a. 2.4 milyong milya b. 3.2 milyong milya c. 2.2 milyong milya

6. Ano ang kahulugan ng Toutatis?

a. tagapagsilbi ng tribu b. tagapagtanggol ng tribu c. tagapagwasak ng tribu

7. Ang pangalan/salitang Toutatis ay hango sa __________.

a. Gallic God b. God’s of the God c. God’s of mankind

8. Ayon sa mga astronomer, kapag tuluyang bumangga ang toutatis sa mundo ito

raw ay magiging ____________.

a. Tagapagwasak ng tribu b. tagapagligtas ng tribu c. tagapagtanggol ng

tribu

9. Gaano kabilis ang pag-ikot ng toutatis sa mundo sa bawat oras?

10. Ano ang maaaring pamagat ng teksto?


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I Pangasinan
Lingayen, Pangasinan

Filipino – Sekondarya –Baitang 8


T.P. 2018 – 2019

Ang Mga Habilin


(Pagbasa nang tahimik)

Ang bilin ng matatanda’y parang huling tagubilin kaya’t matapat mo nga itong

ingatan sa iyong puso. Ngayon, bukas, sa makalawa ay magagamit mo itong parang

isang bunga ng halamang pinatubo nang ilang taon. Kapag ito naman ay iyong

panahon.

Tandaan mo na ang unang habilin ay naglalahad lamang na sambahin mo’t

dakilain ang ating Panginoon. Magsimba sa araw ng Linggo o mag-ngilin sa piyesta

opisyal upang madaling lumago ang iyong pananampalataya. Mas gumagaan ang

pamumuhay at pakikitungo sa kapwa. Mas pagtuunan ito ng pansin kaysa sa mga

makabagong teknolohiyang tila na rin sinasamba, tila ba may kulang sa buhay kung

walang teknolohiya. Bagama’t hindi na ito mawawala sa ating Sistema, piliin sana

nating maging simple at mamuhay nang may pananampalataya..Tumagal man nang

mahabang panahon ay hindi ito mawawaglit sa iyong isipan dahil sa sapat na

kaalamang dadalhin sa lahat ng dako.

(Halaw sa “Pinagyamang Pluma”)

Bilang ng salita: 100 na salita

Mga Tanong:

1. Ang paksang tinutukoy sa binasang teksto?

a. ang mga habilin c. ang mga matatanda

b. ang pagsisimba d. wala sa nabanggit

2. Ano ang unang habilin na dapat mong tandaan?

a. Sambahin mo ang ating Panginoon.

b. Mahalin mo ang ating Panginoon.


c. Dakilain mo ang ating Panginoon.

d. Lahat ng nabanggit

3. Ang habilin ng matatanda’y parang

a. huling tagubilin b. huwag tandaan c. huwag pakialamand. huwag sundin

4. Ano ang dapat gawin sa mga bilin ng matatanda na sinasabi sa binasa?

a. ingatan at kalimutan ang mga ito

b. matapat at ingatan sa iyong puso

c. huwag pakikialaman ang mga ito

d. wala sa nabanggit

5. Kapag ito ay iyong kinalimutan at napadako sa malayong lugar, ano ang mangyayari?

a. magagalit ang matanda habang panahon

b. magtatampo ang matanda sa iyo habang panahon

c. pagsisisihan mo habang panahon

d. magiging masaya ang buhay mo habang panahon

6. Kailan mo magagamit ang mga habilin?

a. bukas b. ngayon c. sa makalawa d. lahat ng nabanggit

7. Ayon sa binasang teksto, anong araw dapat magsimba?

a. Lunes b. Huwebes c. Linggo d. Sabado

8. Bakit kailangang magsimba?

a. Upang Makita moa ng pari sa simbahan.

b. Upang pumasok sa simbahan.

c. Upang madaling lumago ang iyong pananampalataya.

d. Upang malaman mo na mahalaga ka sa simbahan.

9. Sinasabi sa teksto na tumagal man nang mahabang panahon ang mga habilin ay hindi

mawawaglit sa iyong ………

a. puso b. kamay c. isipan d. wala sa nabanggit

10. Kanino galing ang mga habiling binabanggit sa teksto?

a. matatanda b. bata c. anak d. wala sa nabanggit


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I Pangasinan
Lingayen, Pangasinan

Filipino – Sekondarya –Baitang 8

Paninigarilyo
(Pagbasa nang Malakas)

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo ng tao. Bubutasin nito ang iyong bulsa at sisirain pa nito ang

katawan mo. Ang ibig sabihin ng bubutasin ay mauubos ang pera mo sa kabibili ng sigarilyo.

Lahat ng sigarilyo ngayon ay mahal. Habang patuloy na lumilipas ang panahon tumataas din ang bawat

bahagdan ng presyo nito. Nagkakahalaga ng limang hanggang sampungnpiso ang bawat piraso. Ang halaga ng

pinakamababang klase ng sigarilyo ay apatnapung piso bawat kaha. Kung ang naninigarilyo ay nakakaubos ng isang

kaha sa isang araw, sa loob ng isang buwan nakakagasta siya ng isang libo dalawang daang piso. Sa loob ng isang

taon nakakagasta siya ng labing-apat na libo apatnaraang piso. Ang paninigarilyo ay pagsusunog ng pera at baga na

karaniwang naapektuhan ng matinding paninigarilyo.

Ilan sa mga masamang epekto ng sigarilyo ay ang mga sumusunod: pag-ubo, mahirap na paghinga, walang

ganang kumain, bugnutin, mabahong amoy ng bibig at kamay.

Sa buntis, ang kanyang paninigarilyo ay nagdudulot ng masamang epekto sa kanyang katawan at sa sanggol

na nasa sinapupunan niya. Maaaring maapektuhan ang kalusugan ng bata at maging dahilan ito ng pagkalaglag o

maagang panganganak.

Nakakabahala din ang mga mag-aaral na naninigarilyo sa murang edad pa lamang. Lalo na’t may de-

kuryenteng sigarilyo na sa kasalukuyan. Halos bumubuga ng napaka-kapal na usok na siyang kinagigiliwan ng

kabataan, isama narin ang nakakaadik na mabangong amoy sa usok na ibinubuga nito.

Upang maiwasan ang paninigarilyo mas mainam na kontrolin ang sarili at maging disiplinado.

(Halaw sa “Bagong Henerasyon 2”)

Mga Tanong:
1. Ano ang tinutukoy na masamang bisyo sa teksto?
a. pagsusugal b. paninigarilyo c. pag-inom ng alak
2. Ano ang ibig sabihin ng “bubutasin nito ang bulsa” sa teksto?
a. mauubos ang pera b. mapupunit ang bulsa c. butas ang bulsa
3. Ayon sa teksto, magkano ang isang kaha ng sigarilyo?
a. dalawang daang piso b. apatnapung piso c. dalawampung piso
4. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng paninigarilyo?
a. pag-ubo b. mahirap huminga c. lahat ng nabanggit
5. Bakit masama ang paninigarilyo sa nagbubuntis?
a. Dahil magdudulot ng masamng epekto sa katawan ng buntis at sa bata.
b. Dahil nagpapabansot sa bata kapag siya’y maninigarilyo.
c. Dahil mawawala ang bata o magtatampo ang bata.
6. Ayon sa teksto, alin ang sisirain ng paninigarilyo?
a. katawan b. pamilya c. tahanan
7. Alin sa mga bahagi ng katawan ang higit na naaapektuhan ng paninigarilyo?
a. ilong b. baga c. ulo
8. Magkano ang nagagastos ng naninigarilyo sa loob ng isang taon?
a. apatnapung piso c. Labing-apat na libo apat na raang piso
b. isang libong piso
9. Ang paninigarilyo ay isang _____________.
a. mabuting bisyo b. masamang bisyo c. magandang bisyo
10. Lahat ng sigarilyo ngayon ay __________.
a. mahal b. mura c. di-gaanong mahal
11. Isang uri ng makabagong sigarilyo:
a. de-kuryenteng sigarilyo c. lumilipad na sigarilyo
b. murang sigarilyo
12. Halaga ng sirarilyo bawat piraso.
a. piso c. lima hanggang sampung piso
b. dalawa hanggang tatlong piso
13. Ano ang mabuting gawin upang mabawasan ang paninigarilyo?
a. Huwag kumain c. uminom ng marami
b. kontrolin ang sarili
14. Ano ang gagawin upang makontrol ang sarili at maiwasan ang paninigarilyo?

a. libangin ang sarili b. mamasyal c. matulog na lang

15. Ano ang gagawin kung nakita ang mga bata na nasa elementarya na naninigarilyo sa labas ng paaralan?

a. Isumbong sa guro c. Huwag na lang pansinin

b. Pagalitan at pagtawanan

16. Paano naipapakita ang pagiging disiplinado ng mga mag-aaral ?

a. Nagtatago sa likod ng paaralan at naninigarilyo

b. Lumiliban sa klase

c. Alam ang limitasyon sa sarili at hindi sumusubok magbisyo

17. Mga bahagi ng katawan na nasisira ng paninigarilyo:

a. Baga b. Puso c. Paa

18. Ano ang kaibahan ng de-kuryenteng sigarilyo sa sinisindihang sigarilyo?

a. Mas mausok ang de-kuryente at mabango

b. Mahal at nakakamatay ang de-kuryenteng sigarilyo

c. Walang epekto ang de-kuryenteng sigarilyo sa kalusugan

19. Ang paninigarilyo ay isang________________.

a. Bisyo b. Sakit c. Katuwaan

20. Ang mga naninigarilyo ay nagiging bugnutin at may mabahong _______________.

a. Hininga b. Amoy ng Bibig c. Amoy sa paa


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I Pangasinan
Lingayen, Pangasinan

Filipino – Sekondarya –Baitang 7


T.P. 2018 – 2019

Sa Disyerto
(Pagbasa nang Malakas)

Bihirang umulan sa disyerto. Pagkatapos ng ulan lamang nananariwa ang mga halaman

at damo. Sumisibol ang mga bulaklak at nagkakabunga. Pag matagal na matagal ang ulan,

natutuyo ang tubig sa mga sapa. Natutuyo rin ang mga halaman maliban sa mga matitibay na

halaman na pang disyerto.

May mga hayop din nabubuhay sa ilang pook ng disyerto tulad ng leon, leopard,

antelope, giraffe, at ostrich. Marami ring uri ng sawa at ahas dito. Ang maliliit na hayop tulad

ng bayawak, usa, kuneho, daga at ibon ang siyang nagsisilbing pagkain ng mga hayop. Bihira ang

mga halamang namumulaklak na nabubuhay sa ganitong lugar ng ating bansa.

(Halaw sa “Bagong Henerasyon 2”)

Bilang ng salita: 105 na salita

Mga tanong:

1. Bihira bang umulan sa disyerto?

a. siguro

b. oo

c. hindi

d. madalas

2. Kailan nagiging sariwa ang mga halaman at damo ditto?


a. kapag mainit ang araw

b. kapag inaalagaan at dinidiligan

c. pagsapit ng Disyembre

d. pagkatapos ng ulan

3. Ano ang mangyayari kapag matagal na walang ulan?

a. mababaha ang lungsod

b. matutyo ang tubig sa sapa

c. maraming hayop ang namamatay

d. lahat ng nababanggit

4. May mga hayop din bang nabubuhay dito?

a. bihira

b. wala

c. meron

d. lahat ng nabanggit

5. Ano ang nagsisilbing pagkain ng malalaking hayop sa disyerto?

a. mga kulisap

b. mga maliliit na hayop

c. halaman

d. mga bungang kahoy

6-7. Magbigay ng halimbawa ng halamang nabubuhay sa Disyerto.

8-10. Magbigay ng tatlong (3) halimbawa ng hayop na nabubuhay sa ilang pook ng disyerto.

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I Pangasinan
Lingayen, Pangasinan

Filipino – Sekondarya –Baitang 7


T.P. 2018 – 2019

Ang Pamumuhay sa Lungsod at Baryo


(Pagbasa nang Tahimik)
Magkaiba ang buhay sa lungsod at sa baryo. Maganda at masarap ang

buhay sa baryo. Magagandang bagay ang makikita mo sa paligid, ang luntiang

kalikasan gaya ng mga punong-kahoy at bukid, ang matataas na bundok, ang

magkasuyong ibon sa sanga ng kahoy ang malinaw na ilog, at ang masisipag na

taong baryong walang sawa sa paggawa.

Ang lahat ng naninirahan sa baryo ay kilala ang bawat isa. Tahimik ang

mga tao dito at payapa ang kanilang pamumuhay. Ang pagtutulungan at paggalang

sa kapwa tao ay isang kapuri-puring kaugalian sa baryo.

Ang pamumuhay sa baryo ay simple, masaya at pangkaraniwan lamang sa

kanilang kalagayan.

(Halaw sa “Bagong Henerasyon 2”)

Bilang ng salita: 103 na salita

Mga tanong:

1. Ano ang pagkakaiba ng buhay sa lungsod at baryo?

a. magulo

b. maganda

c. marumi ang paligid

d. lahat ng nabanggit

2. Magkakaiba ang lahat ng naninirahan sa baryo?

a. di gaano

b. walang pakialamanan

c. oo

d. hindi

3-4. Ano-ano ang mga kapuri-puring kaugalian sa baryo?

a. pagtutulungan at paggalang

b. pagdadamutan at inggitan

c. bayanihan at pagsusuyuan

d. lahat ng nabanggit

5. Ilarawan ang pamumuhay sa baryo?

a. magulo
b. baku-bako ang kalsada

c. nagkalat ang mga batang kalye

d. simple, masaya at pangkaraniwan

6. Tahimik ba ang mga tao sa baryo?


a. oo
b. hindi
c. di-gaano
d. lahat ng nabanggit

7. Ano ang makikita mo sa kapaligiran?


a. pagdadamutan
b. tsismisan
c. pagtutulungan at paggalang
d. awayan

8. Ano ang makikita mo sa kapaligiran?


a. basura
b. magagandang bagay
c. baku-bakong daan
d. lahat ng nabanggit

9. Masisipag ba ang mga tao sa baryo?


a. hindi
b. oo
c. di-gaano
d. wala

10. Kung ikaw ay papipiliin, saan mo gustong mamuhay?


a. lungsod
b. baryo
c. ibang bansa
d. lahat ng nabanggit
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I Pangasinan
Lingayen, Pangasinan

Filipino – Sekondarya –Baitang 10

T.P. 2018 – 2019

Global Warming
(Pagbasa nang Malakas)

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong

pagbabago hindi lamang sa ating bansa kung hindi sa buong daigdig. Ang lumalalang sitwasyon,

ang dahilan upang magkaroon ng pangyayaring tinatawag na “global warming.” Ang Global

Warming ay ang pagtaas ng temperature ng karagatan at atmospera na patuloy na lumalala.

Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels

na sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng atmospera dahil unti-unting nabubtas ito. Ang init na

galing sa araw o ng sun’s rays na maapanganib sa ating kapaligiran kapag direktang makapasok

ang nangyayari sa kasalukuyan. Ang ozone layer, ang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang

ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmospera.

Sa isyung ito, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan

ng pag-iiba-iba ng klima. Iwasan natin ang mga gawaing makapagdudlot ng unti-unting

pagkabutas ng ating ozone layer.


Isipin natin ang mga sumusunod na henerasyon na maaapektuhan ng global warming.

Habang maaga pa kumilos na tayo, magkaisa tayo upang masolusyunan ang problemang ating

kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng maayos at malinis na kapaligiran.

Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy na sumisira ng ating kalikasan.

(Halaw sa “Pagbasa at Pagsulat”)

Bilang ng salita: 130 na salita

Mga Tanong:

1. Ano ang pangunahing isyung tinutukoy ng teksto?

a. patuloy na pagkasira ng kapaligiran b. tungkol sa Ozone Layer c. Global Warming

2. Ayon sa akda, ano ang dahilan ng pagkasira ng kapaligiran?

a. pagsusunog ng fossil fuels b. Global Warming c. nabubutas ang ozone layer

3. Ayon sa akda, alin ang nasisira sa pagsusunog ng fossil fuels?

a. karagatan b. Ozone Layer c. mga henerasyon

4. Anong kataga ang nangangahulugan “pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at

atmospera”?

a. Ozone Layer b. Sun’s Rays c. Global Warming

5. Ano ang silbi ng Ozone Layer sa ating atmospera?

a. tagapagpataas ng atmospera b. tagasala o filter c. tagpagbigay ng init

6. Ano ang mahalagang dapat na pagtuunan ng pansin ng mga tao?

a. isyu ng Global Warming c. dahilan ng pabago-bagong klima

b. susunod na henerasyon

7. Alina ng pinakamalapit na kahulugan ng salitang may salungguhit sa pahayag na “Habang

maaga pa kumilos na tayo…?”

a. sa darating na taon b. ngayon na c. bukas na lang

8. Ano ang bagay na maiaambag ng tao nang masolusyunan ang isyung ito?

a. gawing maayos at malinis ang kapaligiran

b. mag-aral na mabuti

c. iasa na lang sa gobyerno

9. Anong halagang pangkatauhan ang nakapaloob sa akdang ito?

a. mahalin at alagaan ang Inang Kalikasan c. a at b

b. gawing maayos at malinis ang kapaligiran

10. Anong pamagat ang akma sa akda?

a. Global Warming sa Pilipinas


b. pagkasira ng kapaligiran

c. ingatan ang Inang Kalikasan

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I Pangasinan
Lingayen, Pangasinan

Filipino – Sekondarya –Baitang 10


T.P. 2018 – 2019

Ang Sakit na Diabetes


(Tahimik na Pagbasa)

Magandang balita para sa mga maysakit na diabetes. Mabibili na sa mga


botika ang kilalang lunas laban sa diabetes- ampalayang tsaa. Ang walang pait na
tsaang ito ay nakapagpapababa ng blood sugar.

Ang kakaibang tsaang ito ay tinatawag na Charantia Ampalaya Health Drink. Ang
charantia ay binubuo ng 100 porsyentong pinatuyong mga butil na bunga at buto ng ampalaya.
Pinatuyo ang mga ito sa pamamagitan ng espesyal na proseso ng dehydration na nagtatanggal ng
pait nito. Pakuluan lamang ang mga pinatuyong butil, buto at bunga o ibabad lamang ang mga ito
upang mainom ang tsaa. Maaaring inumin ito nang mainit o malamig.

Ginagamit ang ampalaya sa Pilipinas at sa iba pang bansa bilang lunas sa


diabetes at sa maraming sakit tulad ng hypertension, chrome constipation at viral
infection. Natuklasan sa pagsusuri na ang bunga at buto nito ay taglay ang isang uri ng plant
insulin na tinatawag na Polypeptide-p na nakapagpapababa ng blood sugar at nakapagpapabuti ng
glucose at tolerance

Sumusuporta ang DOH sa ampalayang tsaa bilang lunas sa diabetes mellilus.

Bilang ng salita: 104 na salita


Mga tanong:

1. Ang tinutukoy ba ng ay tungkol sa

a. sakit c. lunas sa diabetes

b. gamot d. ampalayang tsaa

2. Ang kakaibang tsaang ito ay tinatawag na:

a. Ampalaya Health Drink c. Charantia Health Drink

b. Charantia Ampalaya d. Charantia Ampalaya Health Drink

3. Ang Charantia ba ay pinatuyong amapalaya na galing sa _________.

a. sanga at dahoon c. bulaklak at ugat

b. bunga at buto d. buto at dahoon

4. Sinasabing maaaring inumin ito sa pamamagitan ng _____________.


a. pagtago sa kaldero c. pagpiprito

b. pag-iihaw d. pagpapakulo

5. Bukod sa diabetes, isa sa mga nabanggit na sakit ay gaya ng :

a. ulcer c. hypertension

b. lagnat d. lukemia

6. Napaplitan sa pamamagitan ng pag-inom nito ang nawawalang:

a. lakas c. insulin

b. sigla d. diabetes

7. Ano ang bumababa kapag nakainom ng Charantia Ampalaya Health Drink?

a. blood pressure c. blood sugar

b. blood compact d. blood circulation

8. Saan maaaring makabili nito?

a. canteen c. botika

b. palengke d. bakery

9. Kapag ang ampalaya ay naproseso na ng dehydration ito ay maaari nang tawaging:

a. Ampalaya food c. ampalaya tsaa

b. Ampalaya kape d. ampalaya milk

10. Ang kagawarang sumusuporta dito ay:

a. Department of Social Welfare c. Department of Health

b. Department of Heart d. Department of Labor

You might also like