You are on page 1of 15

Modyul para sa Sariling Pagkatuto

Taong Panuruan 2021-2022

Baitang: 7

Asignatura
Filipino
(Code):

Markahan: Unang Markahan

Pamagat ng
G7FILQ104 - ALAMAT (Alamat ng Palendag)
Modyul:
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

§ Nakapagbabahagi ng mga dahilan ng pagluha (PP7EP-If-12)

§ Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng
pangungusap (F7PT-IIIh-i-16)
Mga Layunin
§ Natutukoy ang salitang may naiibang kahulugan (PP7PT-If-6)
ng Pagkatuto:
§ Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasa (PP7PB-If-1.4)
§ Nakikilala ang mga detalye ng binasa (PP7PB-If-8)
§ Nakapagbabahagi ng mahirap na sitwasyong kinaharap sa buhay
(PP7PL-If-5)

Mga § Pluma 7
Kagamitan:
§ Pinagyamanag Pluma 7 (Phoenix Publishing House)
Kadluan: § Ang mga larawan ay kinuha mula internet via pngguru.com
§ https://www.youtube.com/watch?v=fDHZkLeh6vw

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved. This publication and its
contents are the intellectual property of and are meant for the exclusive use of Corpus Christi
School. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form
or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods,
without the prior written permission of Corpus Christi School, except in the case of brief
quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by
copyright law.
Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO
Pahina 2 of 15
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag)

Magandang buhay! Kumusta?

Salubungin mo ng isang magandang ngiti ang panibagong

araling iyong matutunan ngayon. Marami-raming aralin na
rin ang iyong natutunan. Halina’t daragdagan na naman natin
ang iyong kaalaman. Huwag kalimutang magtanong kung may
mga salita kang hindi masyadong maintindihan. Alalahaning
hindi ka nag-iisa sa pag-aaral ng araling ito.

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO
Pahina 3 of 15
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag)

Mga ilang paalala bago ka mag-umpisa sa ating aralin:

A. Para sa synchronous session

² Mag-log-in ka sa ating LMS o Learning Management System

ng ating paaralan sa oras na laan para sa ating asignatura
tuwing synchronous session natin.
² Mag log-in ka 5-10 minuto bago ang oras ng ating klase upang
mabigyan ng oras ang sarili kung sakaling magkaroon ng
problema sa pag log-in.
² Siguraduhin mong malinis, maayos, at nakasuot ng disenteng
damit ang sarili kapag nakaharap na sa kamera.
² Ihanda mo ang iyong mga kagamitan na kakailanganin gaya
ng aklat, kuwaderno, pansulat, at iba pa upang di ka na
kailangang tumayo kapag nag-umpisa na ang klase.
² Iwasang gumawa ng mga bagay o ingay na walang kinalaman
sa ating klase upang hindi makaabala o makaisturbo sa takbo
ng ating klase.
² Panatilihin mong nakamute ang iyong pc/laptop/desktop
kapag maingay ang iyong paligid o di kaya ay may ibang
nagsasalita.
² Hangga’t maaari ay pumili ng lugar na maliwanag at malayo
sa anumang ingay upang makapagpokus ka sa ating klase.
² Maaari mo akong i-chat kapag may mga bagay talaga na hindi
mo maiiwasan o di kaya ay magpadala ng mensahe kapag
hindi ka makakapag-online.

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO
Pahina 4 of 15
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag)

B. Para sa asynchronous session

² Basahin mo nang may pag-unawa ang bawat bahagi ng

modyul, pag-aralan mo, at sagutin mo nang mahusay ang
mga pagsasanay sa modyul na ito.
² Ikaw ang magwawasto ng iyong sariling pagsasanay gamit
ang answer key ngunit siguraduhing mapanatili ang iyong
katapatan sa pagsagot nito.
² Panatilihin mo ang iyong katapatan sa pagsagot at bigyang-
pansin ang mga bahaging iyong nalampasan. Matuto kang
iwasto ang iyong sariling pagkakamali.
² May ilang pagsasanay na kailangan mong ibigay sa akin,
kaya maghintay lamang sa aking ibibigay na panuto kung
kailan at paano mo ito ibibigay.
² Maari kang gumamit ng diksyunaryo bilang gabay mo upang
mas lalong maintindihan ang mga hindi pamilyar na salita
² Kung may mga bagay na kailangan ng paglilinaw ay maaari
kang magpadala ng mensahe sa akin sa oras na laan sa ating
asignatura.

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO
Pahina 5 of 15
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag)

UNANG MARKAHAN

MODYUL 4 | Alamat (Alamat ng Palendag)

• Kailan ka huling lumuha?

• Ano ang naging dahilan ng
iyong pagluha?

Sagot mo:

1. ____________________________________________________
2. ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO
Pahina 6 of 15
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag)

SIMULAN NATIN

Sa maraming pagkakataon sa ating buhay, nakararanas tayo ng pagluha. Ikaw, kailan ka ba

huling lumuha? Ano ang naging dahilan sa iyongh pagluha? Batay sa iyong obserbasyon at
maging sa tunay mong karanasan o karanasan ng iyong mga kapamilya o kaibigan, ano-ano
nga ba ang nagiging dahilan sa pagluha ng isang tao? Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng
kahon.

Lumuluha ang tao kapag Lumuluha ang tao kapag

Mga karaniwang dahilan ng

pagluha ng isang tao

Lumuluha ang tao kapag Lumuluha ang tao kapag

Sa iyong palagay, nakatutulong ba o nakasasama ang pagluha sa isang tao?

Ø Paano ito maaaring makasama?

Ø Paano naman ito maaaring makatulong?

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO
Pahina 7 of 15
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag)

PAYABUNGIN NATIN

A. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap

(F7PT-IIIh-i-16)

Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin sa

hanay A batay sa konteksto ng pangungusap. Hanapin ang sagot sa hanay B.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa linya.

A B

_____1. Madarama ang bigat ng suliraning dinadala A. inubos

ng dalaga sa kanyang tahimik na paghikbi. B. nakasaling
_____2. Ang kalungkutan ng dalaga ay tunay na nakaantig C. pagluha
sa aking damdamin D. sundalo
_____3. Inatasan ng hari ang kawal upang mamuno sa E. tungkulin
isang digmaan
_____4. Ipinadala ng hari ang binate sa isang mahalagang
misyon kaya kinalaingan niyang iwan ang minamahal.
_____5. Ginugol niya ang oras sa kanyang habihan upang
makalimot sandal sa kanyang kasawian.

B. Natutukoy ang salitang may naiibang kahulugan

Ang tatlo sa apat na salita sa bawat bilang ay magkakasing-kahulugan. Lagyan ng

ekis ( ) ang salitang may naiibang kahulugan.

1. nakalilikha nakagagawa nakabubuo nakabibili

2. inaliw nilibak pinasaya nilibang

3. dumalang dumalas parati palagi

4. nabigo nasawi nagtagumpay natalo

5. lihim tago bunyag sekreto

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO
Pahina 8 of 15
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag)

Basahin ang alamat na pinamagatang “Alamat ng Palendag” na nasa

pahina 126-128.

Matapos basahin ang alamat na Alamat ng Palendag ay sagutin ang

sumusunod na katanungan. Kung hindi masyadong malinaw para sa iyo
ang mga katanungang ay maaari mo ring uliting basahin ang kuwento
upang mas lalong maintindihan.

SAGUTIN NATIN

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ayon sa binasang alamat, anong bagay ang pinagmulan ng instrumenting

palendag? Bakit mahalaga ito sa mga Magindanawon?

2. Ano ang kinalaman ng lendag o “paghikbi” sa pagkakabuo ng instrumenting ito?

Anong katangian ng palendag ang direktang maiuugnay sa lendag o paghikbi?

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO
Pahina 9 of 15
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag)

3. Sa paanong paraan nakaranas ng kabiguan ang dalaga sa akdang binasa? Sa

iyong palagay, nararapat nga ba ang ginawa niyang tahimik na pagluha hanggang
sa mabutas ang kawayang pinapatakan ng kanyang luha dahil sa kabiguan niya
sa pag-ibig? Bakit oo o bakit hindi?

4. Kung makakausap mo ang dalaga, ano ang sasabihin mo sa kanya patungkol sa

muling pagbangon mula sa isang kasawian?

5. Bakit may mga kulturta sa iba’t ibang rehiyon na nananatili, nababago, at

nawawala na?

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO Pahina 10 of
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag) 15

6. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga alamat? Paano mo magagamit ang aral na
taglay nito sa pang-araw-araw mong pamumuhay?

7. Saang lugar o rehiyon ang tagpuan ng alamat? Bakit mahalagang pag-aralan ang
panitikan ng Mindanao gayundin ang mga panitikan ng iba’t ibang rehiyon ng
Pilipinas?

B. Nakikilala ang mga detalye ng binasa

Isulat ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na mga tanong batay

sa binasang alamat.

1. Ang dalaga sa alamat ay isang ______________.

A. Mananahi
B. Tagaburda
C. Mangahahabi
D. Magsasaka

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO Pahina 11 of
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag) 15

2. Ang kasintahan naman ng dalaga ay isang ____________.

A. Manlalakbay
B. Datu
C. Kawal
D. Mangangalakal

3. Hindi na natupad ng binata ang pangakong pagbabalik sa kasintahan dahil siya

ay _____
A. Ikinasal sa ibang babae
B. Natalo sa sinalihang labanan
C. Namatay habang naglaalakbay
D. Nakatagpo ng magandang kapalaran

4. Ang palendag ay isang instrumenting pangmusikang tinutugtog na parang isang

______
A. Gitara
B. Plawta
C. Tambol
D. Piyano

5. Ayon sa alamat, ang unang bersiyon ng instrumenting ito ay nalikha sa

pamamagitan ng _______
A. Pagtusok dito ngkarayom na gamit sa paghahabi
B. Pag-ihip nang malakas sa kapirasong kawayan
C. Paggamit ng makina para mabutas ang kawayan
D. Laging pagpatak ng luha sa bahagi ng kawayan

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO Pahina 12 of
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag) 15

Napagtagumpayan mo na namang basahin

ang kuwento, binabati kita para diyan.
Alam ko ring pinagbutihan mo ang pagsagot
sa mga nakahandang katanungan kaya isang
malugod na pagbati ang handog ko sa iyo.

Ipagpatuloy mo lang ang iyong nasimulan at

tiyak na mas marami ka pang matututunan.

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO Pahina 13 of
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag) 15

BUOIN NATIN

Nakapagbabahagi ng mahirap na sitwasyon kinaharap sa buhay.

Suriin ang video at ibahagi kung paano nilagpasan ang problema.

https://www.youtube.com/watch?v=fDHZkLeh6vw

__________________________________________________________________________________

Binabati ulit kita dahil malapit mo ng

matapos ang aralin. Bilang paglalahat,
balikan at suriin mong mabuti ang iyong
sagot sa mga sumusunod na tanong.

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO Pahina 14 of
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag) 15

PAGLALAHAT
Ø Paano maaaring makabangon o makapag-“move on” ang isang taong mula
sa isang kabiguan masakit na pangyayari sa kanyang buhay?

Ø Bakit kailangang alamin ang mga akdang pampanitikang sumasalamin sa

Mindanao?

Ø Ano-anong paunang impresyon mo para sa Mindanao ang nagbago

pagkatapos mong mapag-aralan ang mga akdang sumasalamin sa makulay
at mayamang kultura nito?

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

Baitang / Asignatura: IKAPITONG BAITANG - FILIPINO Pahina 15 of
Pamagat ng Modyul: ALAMAT (Alamat ng Palendag) 15

Binabati kita at narating mo rin

ang dulo ng araling ito!
Tandaan mo ang kaisipang ito:

“Ang kabiguan ay bahagi na ng buhay ngunit di tayo magpalunod sa

lumbay; bagkus ay muling bumangon at sa ikot ng mundo ay
sumabay”

Copyright © 2021-2022 by Corpus Christi School. All rights reserved.

You might also like