You are on page 1of 24

7

AralingPanlipunan
Unang Markahan – Modyul 4
Kahalagahan ng Kalagayang Ekolihiko
ng Asya

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kahalagahan ng Kalagayang Ekolihiko ng Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr, CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Girlie C. Estur
Reviewers: Donna P. Olarte Ramon Villa Elter Hazel B. Miraflor
Lilia E. Balicog Edwin V. Beloy

Illustrator and Layout Artist: Precymar M. Manliguez

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Asst. Regional Director

Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Eugene I. Macahis Jr.


OIC,Assistant Schools Division
Superintendent

Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD


Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - AralingPanlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Region 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulag, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
AralingPanlipunan
Unang Markahan – Modyul 4
Kahalagahan ng Kalagayang Ekolihiko
ng Asya

Ang materyal sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng


mga piling guro, punong guro, at Education Program Supervisor sa Araling
Panlipunan ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Misamis Occidental.
Hinihikayat ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon-Rehiyon 10 sa
region10@deped.gov.ph.

Mahalaga ang iyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


PaunangSalita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa AralingPanlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyu 4 ukol sa Kahalagahan ng Kalagayang Ekolihiko ng Asya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang ma isalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mgagawainsamodyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanansapaglikha o paglinang ng
modyulnaito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumangmarka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mgakompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2

Aralin ----------------
Balikan ---------------- 3
Tuklasin ---------------- 3
Suriin ---------------- 4-9
Pagyamanin ---------------- 10
Isaisip ---------------- 10
Isagawa ---------------- 11
Tayahin ---------------- 12-14
Karagdagang Gawain ---------------- 15
Susi sa Pagwawasto ---------------- 16
Sanggunian ---------------- 17
Alamin

Kasabay nang pag-unlad ng mga bansa sa Asya ay ang patuloy na


paglala ng mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap nito sa
kasalukuyan.Isang hamon na dapat tugunan ng bawat Asyano kung paano
mapapanatili ang pagkakaroon ng balanseng kalagayang ekolohikal sa kabila
nang pag-unlad ng kabuhayan nito.( UbD 2010)

Sa araling ito, ilalahad ang mga suliraning pangkapaligiran at ang


kalagayang ekolohikal ng Asya sa kasalukuyan . Susuriin din ang mga dahilan at
epekto ng suliraning pangkapaligiran , mga hakbangin upang ito ay malutas at
mapanatili ang balanseng kalagayang ekolohikal ng mga bansa sa Asya.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa kahalagahan ng pangangalaga sa


timbang ng kalagayang ekolohiko ng Asya.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:CG Code-AP7HAS-lg-1.7

1.Natutunan ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang nakalagayang


ekolohiko sa Asya.
2. Napapahalagahan ang pakinabang ng mga likas na yaman sa pang-
arawaraw na pamumuhay ng mga Asyano.
3. Naipapamalas ang wastong pangangalaga ng mga likas na yaman
saAsya.

1
Subukin

Bago natin simulan ang ating talakayan, sagutan mo muna ang mga sumusunod
na katanungan. Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad sa pahayag
at Mali naman kung hindi.

1. Ang Asya ang itinuturing na pinakamalawak na biodiversity sa


buong
mundo.
2. Ang mataas na bilang ng populasyon ay nangangahulugan ng
mataas na bahagdan ng paggamit ng likas na yaman.
3. Ang kalusugan ng mga mamamayan ay hindi apektado ng
urbanisasyon.
4. Matindi ang idinudulot na presyur sa ecosystem dahil nasasaid ang
likas na yaman nito sa pagdami ng tao.
5. Kapag hindi mapananatili ang ecological balance, masisira ang
kalikasan.
6. Naiiba ang karanasan ng Asya sa pagharap ng iba’t ibang
suliraning pangkapaligiran.
7. Apektado ng land conversion ang mga tirahan ng hayop.
8.Mahalagang pangalagaan ang ozone layer dahil pinoprotektahan
tayo nito mula sa masamang epekto ng ultraviolet rays.
9. Nagiging mataas ang pangangailangan para sa kalikasan kung
marami ang tao sa mundo.
10. Ang red tide ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw
ng dagat.
11. Ang overgrazing ay hindi nakasisira sa vegetation ng isang lugar.
12. Masama ang dulot ng deforestation sa natural ecosystem dahil ang
likas na yaman ng kagubatan ay nababawasan.
13. Mayroong responsibilidad ang tao na pangalagaan ang kanyang
kapaligiran.
14. Magkaugnay ang tao sa kanyang likas na yaman.
15. Ang pagkasira sa kalikasan ay hindi nagdudulot ng suliranin sa tao.

2
Aralin Kahalagahan ng Kalagayang Ekolihiko
ng Asya

Balikan

Sa nakaraang aralin , napag-aralan mo ang implikasyon ng agrikultura ,


ekonomiya , pantahanan at kultura sa pamumuhay ng mga Asyano noon at
ngayon. Bago tayo magpatuloy , sagutin mo muna ang tanong sa ibaba. Isulat ito
sa sagutang papel.

Paano nakalilikha ng trabaho sa mga lokal na mamamayan ang


pagkakaroon ng magagandang dalampasigan?

Tuklasin

Pagsusuri ng Larawan:
Panuto: Suriin at ipaliwanag ang mga pangyayari na nasa larawan. Isulat ito sa
sagutang papel.

Ang larawan ay kinuha sa https://phys.org/news/2019-12-philippines-homes.html

3
Suriin

1. Ano ang balanseng ekolohikal?


2. Kaakibat ng pag-unlad ay mga suliraning pangkapaligiran, magbigay ng
halimbawa.
3. Bilang isang mag-aaral , ano ang magagawa mo upang masugpo ang
suliraning pangkapaligiran na ito?

Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na


bumubuo sa natural na kalikasan ay tinatawag na biodiversity. Ang Asya
ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Itinuturing din ito
pangunahing pinagmulan ng global biodiversity. Ang tao ay biniyayaan sa
Maykapal ng likas na yaman. Tungkulin natin na pangalagaan ang mga ito.
Madalas nating nakikita sa internet o telebisyon o di kaya ay naririnig sa
radyo ang mga matinding pagbaha sa iba’t ibang panig sa mundo kaakibat
ang landslide dulot ng malakas na pag-ulan at bagyo. Tumitindi na rin ang init
ng mundo o global warming.

Sa ating talakayan sa mga suliranin sa isyung pangkapaligiran,


makatutulong sa iyo ang mga sumusunod.

1. Desertification- Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong


bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag

kapakinabangan o productivity nito tulad ng

nararanasan sa ilang bahagi ng China,


Jordan, Iraq, Lebanon , Syria, Yemen , India at Pakistan.

4
2. Salinization- Sa prosesong ito , lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin

o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta


sa lupa. Ito ay nagaganap kapag mali ang
isinisagawang proseso ng irigasyon, sa
paligid ng mga estuary at gayundin sa
lugar na mababa ang balon ng tubig water

table. Unti-unting nanunuot ang tubig-alat o salt-water kapag


bumababa ang water level gaya ng nararanasan ng bansang
Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig-alat sa kanilang mga ilog.
3. Habitat- Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang
pangunahing apektado ng land conversion
o ang paghahawan ng kagubatan,
pagpapatag ng mga mabundok o maburol
na lugar upang magbigay-daan sa mga
proyektong pangkabahayan.
4. Hinterlands – Malayong lugar, malayo sa mga urbanisadong lugar
ngunit apektado ng mga pangyayari sa
teritoryong sakop ng lungsod. Ang lungsod
ay nangangailangan ng pagkain,
panggatong at troso para sa konstruksiyon
na itinustos ng hinterlands na humahantong
sa pagkasaid ng likas na yaman nito.
5. Ecological Balance- Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na
may buhay at ng kanilang kapaligiran.

.
5
6. Deforestation- Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa
mga gubat. Isa ito sa mga problemang
nararanasan ng Asya sa kasalukuyan .
Ayon sa Asian Development Bank (ADB)
nangunguna ang Bangladesh, Indonesia,
Pakistan, at Pilipinas sa mga bansang may pinakamabilis na antas o
rate ng deforestation.
7. Siltation – Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng
umaagos na tubig sa isang lugar. Ito ay isa
rin sa mga problemang kinakaharap ng
mga bansa sa Asya na dulot o bunsod ng
pagkasirang kagubatan at erosyon ng lupa,
gaya ng kondisyon ng lawa ng Tonle Sap sa Cambodia.
8. Red Tide- Ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng
dagat .

9. Global Climate Change – Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyunal na


klima na maaring dulot ng likas na nito sa
pagbabago sa daigdig o ng mga gawain ng
tao. Karaniwang tinutukoy kasalukuyan ay
ang pagtaas ng katamtamang temperature
o global warming.

10. Ozone Layer- Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng


maraming konsentrasyon ng ozone.

Mahalagang pangalagaan ang ozone layer


sapagkat ito ang nagpoprotekta sa mga tao,
halaman, at hayop mula sa masamang
epekto ng radiation na dulot ng ultraviolet
rays.

6
Ngayon alam mo na ang mga mahahalagang terminong kaakibat ng mga
suliraning kapaligiran. Maaring naitanong mo sa iyong sarili kung anu-ano ang
dahilan ng mga suliraning ito? Bakit kaya ito nangyayari ? Ang sumusunod na
teksto ay makatutulong sa iyo para magkaroon ng kasagutan ang iyong mga
katanungan.

Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

Pagkasira ng Lupa

Tunay na malaki at mahalaga ang papel na ginagampan ng lupa upang


patuloy na mabuhay ang mga tao. Sa kapakinabangan o productivity nito
nakaasa ang mga produktong agricultural na tumutustos sa kabuhayan ng
mamamayan. Gayunman, ang pag-abuso sa lupa ay nagbubunsod ng malalang
mga suliranin gaya ng salinization at alkalinization na nagaganap kapag mali
ang isinasagawang proseso ng irigasyon. Malubhang problema ang salinization
sa Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig-alat sa kanilang mga ilog na
dumadaloy sa 38% ng bansa. Nasa 33% ng mamamayan nito ang nakikinabang
sa ilog na ito. Samantala, isa ring malubhang problema sa lupa ay ang
desertification gaya ng nararanasan sa ilang bahagi ng China na
nakapapagtala na nang halos 358,800 km2 na desertified na lupain .Maging sa
ilang bahagi ng Asya tulad ng Timog- Kanlurang Asya ay nakararanas din ng
tuyong lupain gaya ng Jordan, Iraq, Lebanon, Syria at Yemen, at ang India at
Pakistan sa Timog Asya. Ang pagkasira ay maaring magdulot ng matinding
suliranin gaya ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan.

Isa pang pinagmulan ng pagkasira ng lupa ay ang overgrazing kung


saan ang kapasidad ng damuhan ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop. Ito
ay nakasisira sa halaman o vegetation ng isang lugar . Ang hilagang Iraq, Saudi
Arabia , at Oman ay ilang lamang sa mga bansang nakararanas ng ganitong
sitwasyon.

7
Urbanisasyon

Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis nang naapektuhan ang


kapaligiran nito. Ito ay nagbunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng
pagdami ng mahihirap na lugar o depressed areas at may mga pamayanan na
may mataas na insidente ng pagkakasakit at ibang panganib sa kalusugan.
Mahigit sa 3,119 sa mga bayan at lungsod ng India ay may ganitong sitwasyon.
Ang kalusugan ng mamamayan sa mga lungsod ay direktang naapektuhan ng
urbanisasyon gaya ng pagtatapon ng mga industriya ng kanilang wastewater sa
tubig o sa lupa. Ang mga kalapit–bayan ng lungsod ay naaapektuhan din ng
urbanisasyon sapagkat dito kinukuha ang ilang mga pangangailangan ng
lungsod na nagiging sanhi ng pagkasaid ng likas na yaman nito. Kaugnay na
problema rin ng urbanisasyon ay ang noise pollution mula sa sasakyan,
gayundin ang mga ilang aparato at makinang gumagawa ng ingay. Ayon sa mga
eksperto, may epekto sa kalusugan ang labis na ingay sapagkat nagdudulot ito
ng stress at nakadaragdag ng pagod. Sa ilang sitwasyon, ito ay nagiging sanhi
ng pagkabingi.

Pagkawala ng Biodiversity

Ang kontinente ng Asya ay itinuturing na isa sa mga pinakamayamang


biodiversity sa buong mundo. Ang China, India , Thailand, Indonesia at Malaysia
ay katatagpuan ng pinakamaraming species ng mga isda, amphibian, reptile ,
ibon, at mammal . Ngunit sa kabila nito , ang Asya rin mismo ang nakapagtala ng
pinakamabilis na pagkawala ng biodiversity bunsod ng : (1.) patuloy na pagtaas
ng populasyon , (2.) walang-habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na
yaman, (3.) pag-aabuso sa lupa (4.) pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan
(deforestation) , (5.) polusyon sa kapaligiran , at (6) ang introduksyon ng mga
species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon.

8
Pagkasira ng Kagubatan

Ang deforestation o tahasang pagkawasak ng kagubatan ay isang


napakakritikal na problemang pangkapaligiran. Masama ang dulot nito sa
natural ecosystem sapagkat ang likas na yaman ng kagubatan ay
nababawasan .Pinipiling putulin ang mga punong may ilang libong taon nang
nabubuhay sa kagubatan at hindi ito basta lamang napapalitan sa pamamagitan
ng muling pagtatanim. Sa pagkawala ng mga puno, marami ring mga species ng
halaman at hayop ang nanganganib dahil nawawalan sila ng natural na tirahan o
natural habitat. Ang pagkakalbo ng kagubatan ay nagbibigay-daan sa iba pang
problemang pangkapaligiran tulad ng pagbaha, erosion ng lupa, pagguho ng
lupa, siltasyon, at sedimentation.

9
Pagyamanin

Gawain 1. Hanapin at Iguhit Mo Ako !


Gamit ang mapa sa ibaba. Iguhit sa sagutang papel ang bansang may
problema sa isyung pangkapaligiran batay sa diskusyon sa itaas. Pagkatapos ay
isulat ang suliraning pangkapaligiran na kanilang kinakaharap. Ibigay ang output
sa iyong guro.

.
Ang larawan ay kinuha sa https://www.pinterest.ph/pin/139048707228470266/

Isaisip

Ang ay ang pagkaubos at pagkawala ng mga


punongkahoy sa mga .

10
Isagawa

Gawain 2: Hanap Solusyon


Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga angkop na solusyon sa suliraning
pangkapaligirang nakalista. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

Pagtatanim ng mga puno sa mga kagubatan Pagpapatigil sa mga illegal na


Pagmimina

Huwag magsusunog ng mga plastic Huwag gumamit ng dinamita sa


pangingisda

Itapon ang mga basura sa wastong lalagyan Maging malinis sa katawan at


kapaligiran

Linisin ang mga kanal na pwedeng daluyan Pagpreserba sa mga hayop sa


ng tubig kagubatan

Limitahan ang pagamit ng mga bagay na may Magplano ng pamilya


CFC

Suliraning Pangkapaligiran Solusyon


1.Tahasang paglobo ng populasyon
2. Pagkamatay at pagkasira ng mga yamang
dagat
3. Pagkakalbo ng mga kagubatan
4. Pagbaha sa mga bayan o lungsod
5. Pagkaubos ng mga yamang mineral
6. Nakakalat at mabahong basura kahit saan
7.Pagkasakit dulot ng maruming kapaligiran
8. Pagkasira/pagkabutas ng Ozone Layer
9. Polusyon sa hangin
10. Pagkawala ng mga hayop sa kagubatan

11
Tayahin

1. Ito ay tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay.


A. Desertification B. Habitat
C. Ecology D. Ozone Layer

2. Ito ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo na pinagmulan din ng


pangunahing global biodiversity.
A. Africa B. Asya
C. North America D. South America

3. Ano ang tawag sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o


lubhang tuyo?
A. Deforestation B. Desertification
C. Salinization D. Siltation

4. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit mabilis ang pagkawala
ng biodiversity sa Asya MALIBAN sa isa.
A. Pag-aabuso sa lupa. B. Pagkasira ng kagubatan.
C. Paggamit ng eco-bags. D. Pagtaas ng populasyon

5. Paano nakaaapekto sa kalikasan ang pagdami ng populasyon sa mundo?


A. Sa pagdami ng tao, nadaragdagan din ang produksiyon ng basura.
B. Ang Land Conversion ay nagreresulta sa pagkawasak ng tirahan ng
iba’t ibang species at hayop.
C. Matindi ang idinudulot na presyur sa ecosystem dahil nasasaid ang
likas na yaman nito sa pagdami ng tao.
D. Lahat ng nabanggit

12
6. Bakit dapat pahalagahan ang mga likas na yaman ng Asya?
A. Magkaugnay ang tao sa kanyang likas na yaman.
B. Hindi mabubuhay ang tao kung walang likas na yaman
C. Dahil dito kinukuha ng mga Asyano ang kanilang ikinabubuhay.
D. Lahat ng nabanggit .

7. Bakit mahalagang panatilihin ang ecological balance sa Asya?


A. Magkakaugnay ang tao at kapaligiran nito.
B. Kapag hindi mapananatili ang ecological balance, masisira ang
kalikasan.
C. Mawawalan ang tao ng kanyang tirahan kung mapapabayaan ang
kalikasan.
D. Dahil ito ay nakakaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng
kapaligirang pandaigdig.

8. Ano ang implikasyon kung naging mabilis ang paglaki ng populasyon ng isang
bansa?
A. Maraming mahirap sa bansang ito.
B. Mas mataas ang potensyal ng paglaki ng populasyon.
C. Nangangahulugan ito ng karagdagang pangangailangan sa likas na
yaman ng isang bansa.
D. Sagana sa likas na yaman ang bansa at kayang tustusan ang
pangangailangan ng mga mamamayan.

9. Nais ng iyong guro na magkaroon ng eco-tourism campaign sa inyong lugar.


Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin para magkaroon ng
matibay na ugnayan ang Local Government Unit at ang iyong paaralan?
A. Magtweet sa social networking sites ukol sa inyong lugar.
B. I tag sa facebook ang magagandang tanawin sa iyong lugar.
C. Magdaos ng isang engrandeng pagtitipon sa inyong barangay hall.
D. Anyayahan ang Local Tourism Officer ng iyong lugar para magbigay
ng eco-campaign

13
10. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng
pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapaekto sa pag-
unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang kabataan ay naanyayahan na
dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa
suliranin. Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin
sa kapaligiran.
C. Magpapatupad ng programa na magbabawal sa mga mag-asawa na
magkaroon ng anak.
D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng
kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa.

Para sa bilang 11- 15. Isulat ang salitang Ayos kung tama ang isinasaad na
pahayag at Hindi naman kung mali.
11. Nagiging mataas ang pangangailangan para sa kalikasan kung
marami ang tao sa mundo.
12. Ang tirahan ng mga hayop at mga bagay ang pangunahing
apektado ng land conversion.
13.Sa Asya lamang nararanasan ang mga suliraning pangkapaligiran.
14. Ang Asya ang itinuturing may pinakamalawak na biodiversity sa
mundo.
15. Ang red tide ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw
ng dagat

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang markang √ ang bilang kung ang pahayag/gawain ay tungkol
sa pangangalaga sa kalikasan. Markang X naman ang isulat kung ito ay tungkol
sa pagkasira ng kalikasan. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1. Paggawa ng Santuary/sangtuaryo para sa mga isda.

2. Itapon ang mga basura sa mga ilog at kanal.

3. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.

4. Pagtatapon ng mga kemikal sa mga ilog at dagat.

5. Pagbabaon ng mga basurang nabubulok sa ilalim ng lupa.

6. Pagtatanim ng mga puno at halaman.

7. Pagpuputol ng mga punong kahoy sa gubat

8. Pagsusunog ng mga plastic at basura.

9. Paghihiwalay ng mga basura sa nabubulok at di nabubulok.

10. Paggamit ng bisikleta o paglalakad kung malapit lang ang


pupuntahan

Binabati kita! Ngayong natapos mo na ang Modyul na ito, inaasahan kong


mas magiging malawak pa ang iyong pananaw para pangalagaan ang ating
Inang Kalikasan.

15
Susi sa Pagwawasto

16
Sanggunian

Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan Modyul para sa


Mag-aaral

Gabay sa Pagtuturo ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 ( Araling


Panlipunan II ), ang disenyong UbD

ELECTRONIC RESOURCES

https://phys.org/news/2019-12-philippines-homes.html
https://www.pinterest.ph/pin/139048707228470266/

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph

18

You might also like