You are on page 1of 2

PEBRERO 6, 2021

Pagpapatupad ng Child Car Seat


Law, Pinatigil muna ni Duterte
BALITANG NASYUNAL

Pebrero 6, 2021 – Ipinagliban ni


President Rodrigo Duterte na
ipatupad ang Republic Act 11229 o
ang Child Safety in Motor Vehicles
Act, ayon kay Senator Christopher
Lawrence Go noong Sabado.

Napagdesisyunan ni President Duterte


na isuspende ang pag patupad ng batas na nagsasaad ang kagyat na pag
gamit ng mga car seat sa mga batang edad sanggol hanggng 12 taong
gulang.

Ayon kay Duterte, ito ay makakaabala lamang sa mga mamamayang


Pilipino lalo na at marami na ang nagdudusa dahil sa pagkalat ng
Corona Virus Disease.

Ang pag sasatupad ng RA 11229 ay dapat magkakabisa noong Pebrero 2


ngunit ito ay nailiban dahil sa kasalikuyang situwasyon ng ekonomiya
ng Pilipinas. Ang Land Transportation Office (LTO) ay nag anunsyo
noong Monday na sisimulan na ang pag papatupad o “Soft
enforcement” ng RA 11229

Tugon ni Go, “Hindi pa po napapanahon na i-implement iyang batas na


ito. Nagkakahirap-hirap na nga po iyong Pilipino, huwag na nating
pahirapan pa”
ENERO 5, 2021 - ULAT PANAHON

Rumaragasang Bagyo
Tumama sa Bikol
BALITANG LOKAL

Enero 5, 2021 –Namuo ang


isang low pressure area at
naging isang bagyo. Ito ay
tumama sa gitnang bahagi
ng Pilipinas (Partikular sa
Rehiyon ng Bikol) na nag
dala ng malakas na pagbaha
at pagguho ng lupa.

Ayon sa Philippine News Agency, natagpuang lima ang


nasawi sa probinsya ng Camarines Sur, Isa sa lugar ng
Pilar, at isa sa Bulan, Sorsogon. Isang tao pa rin ang
nawawala sa probinsya ng Camarines Norte. Mahigit 190
na katao ang nawalan ng mga tahanan at pansamantalang
naninirahan sa mga evacuation center

Ang mga daan sa Rehiyon ng Bikol ay lubhang na pinsala.


Sa kabila ng mga kapinsalaan noong nakaraan na araw,
asahan pa rin ang pagdagsa ng malakas na ulan sa
susunod na 24 oras.

You might also like