You are on page 1of 1

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:

Ang Balitang Aking Nakalap


Duterte: Cash aid sa manggagawa, ibigay bago mag-Pasko
Danilo Garcia, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon ) - November 4, 2020 -
12:00am
MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay na ng Department
of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa ang mga benepisyo bago pa
sumapit ang Pasko.
Ito ay ang inaprubahang Bayanihan 2 para sa mga manggagawa na hindi nakasama sa
mga naunang Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan na naapektuhan ng
COVID-19 pandemic.
Ayon kay Duterte, mahirap ang buhay ngayon kaya dapat may mahawakan man lang na
konting pera ang bawat pamilyang Filipino at maipapanggastos sa darating na Pasko.
Sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na kasado na ang pamamahagi nila
ng pondo sa mga benepisyaryo.
Tatakbo umano ang payout mula Nobyembre 15-20 at tututok sa mga lugar na tinamaan
ng bagyo tulad ng Region 5, Calabarzon at Mimaropa.
Kabilang dito ang mga nasa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating
Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at COVID Adjustment Measures Program
(CAMP) na hindi pa nabibigyan ng kanilang sahod o ayuda.

1. Pamagat o Headline ng balita: Duterte: Cash aid sa manggagawa, ibigay


bago mag-Pasko
2. Pinagkunan o source ng balita: Danilo Garcia, Gemma Garcia (Pilipino Star
Ngayon )
3. Petsa ng pagkakalimbag: November 4, 2020 - 12:00am
4. Maikling paliwanag kung tungkol saan ang balita: Ayon kay Presidente
Duterte, mahirap ang buhay ngayon kaya dapat may mahawakan man lang
na konting pera ang bawat pamilyang Filipino at maipapanggastos sa
darating na Pasko kaya naman nais niya na maibigay ng DOLE sa mga
manggagawa ang mga benepisyo.
5. Pasya kung katotohanan ba ito o hindi at ang paliwanag:
Para sa akin makatotohanan ito sapagkat mismong si Pangulong Duterte
ang may nais nito at may mga paliwanag kung bakit ipapatupad ito. At
ibinalita po ito sa telebisyon at inilimbag po ito sa dyaryo.

You might also like