You are on page 1of 4

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang Buod ng Noli Me Tangere at pagkatapos ay sagutin ang mga

katanungan..

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang inilatha ni Dr. Jose Rizal. Naisulat ito dahil sa adhikain ng manunulat
na mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino sa totoong pamamalakad ng pamahalaan at simbahan.

Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya ay pinag-aral ng ama na si Don Rafael sa
ibang bansa. Mahigit pitong taon itong tumira sa Europa bago ito muling bumalik ng Pilipinas.

Naghanda ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang salubungin ang binata. Inimbitahan din ang
ilang panauhin katulad nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina, at ilang may
impluwensya sa lipunan.

Ipinahiya ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Ibarra ngunit wala itong ginawa bagkus
pinagpasensyahan lang niya ang pari. Magalang itong nagpaalam at nagdahilang may ibang pupuntahan.

Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang anak-anakan ni Kapitan Tiago,
mayamang taga-Tondo.

Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa pagtitipon. Nagkaroon ng pagkakataon
ang magkasintahan na muling balikan ang kanilang mga ala-ala. Muling binasa ng dalaga ang liham na binigay
ng binate bago pa ito tumungo sa Europa.

Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis upang ipagtapat ang pagkamatay ng ama.
Isinalaysay ng tinyente na naakusahan ang ama na erehe at pilibustero dahil sa hindi nito pagsisimba at
pangungumpisal.

Ipinakulong si Don Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa kasalanang di naman siya ang may gawa.
Malapit na sanang malutas ang paglilitis nang magkasakit at kalauna’y namatay ang ama ni Ibarra.

Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito at ilipat sa libingan ng mga
Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na buhatin ang bangkay kung kaya’t itinapon nalang ito sa lawa.

Sa kabila ng nangyari ay hindi hinangad ni Ibarra na makapaghiganti, sa halip ipinagpatuloy niya ang adhikain
ng ama na makapagtayo ng paaralan.

Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli na namang tinira ni Padre Damaso
ang binata.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan na niyang saksakin ang pari kung hindi
lang siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa nagawa ni Ibarra ay naging ekskumunikado siya.
Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra at inutusan si Kapitan Tiago na itigil ang
pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra. Nagpasya si Padre Damaso na ipakasal si Maria Clara kay Alfonso
Linares.

Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang bisa ang
pagiging ekskomunikado ni Ibarra.

Subalit may mga taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan. Kahit walang kasalanan ay
dinakip at binilanggo ang binata. Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias.

Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap bago gawin ang planong pagtakas.
Doon nalaman ni Ibarra na si Padre Damaso ang totoong ama ni Maria Clara kung kaya’t tutol ito sa
pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa.

Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang gwardiya sibil nasundan pa din ang
kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol sa pamamagitan ng paglusong nito
sa tubig.

Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga sibil hanggang sa magkulay dugo ang
tubig. Nawalan ng pag-asawa si Maria Clara dahil pag-aakalang patay na si Ibarra.

Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang maging isang madre. Napilitang pumayag si Padre
Damaso sa dalaga dahil magpapakamatay daw ito pag hindi ito pumayag.

Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at nanghihina. Doon ay natagpuan
niya si Basilio at malamig na bangkay ni Sisa.

Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Mamamatay siyang hindi nakikita ang maningning na
pagbukang liwayway. Ngunit para sa mga makakakita, bilin niya na batiin ito at huwag ding makakalimot sa
mga nabulid sa dilim ng gabi.

Mga Katanungan:

1.Si Ibarra ay isang eskomunikado. Anga salitang may salungguhit ay may kahulugang?

A.Tumutukoy sa Taong lumabag sa batas

B.tumutukoy sa taong tinanggal o lumabag sa mga patakaran ng isang grupo.

C.Tumutukoy sa taong kakampi ng may kapangyarihan

D.Tumutukoy sa mga taong umayon sa batas.


2. Si Padre Damaso ay patuloy na gumagawa ng masama laban kay Ibarra. Sa kabila nito ay hindi hinangad
ng huli na makapaghiganti, sa halip ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan.
Sa sitwasyong ito si Ibarra ay may katangiang___________________.

A.Malupit C. Mapaghiganti

B.Matiisin D. Mapagkumbaba

3. Ang mga sumusunod ay mga adhikain ni Rizal sa pagsulat ng Noli MALIBAN sa isa.

A. Matugunan ang mga ipinaparatang ng mga kastila gayundin ang kanilang paninirang puri.

B. Upang maisiwalat ang kalagayang panlipunan ng mga tao noong panahong iyon kabilang na ang uri ng
pamumuhay ng mga tao noon, kawalang pag-asa, maiulat ang kanilang damdamin o adhikain, karaingan at
kalungkutan.

C. Gusto din ni Rizal iparating na ang relihiyon ang ginawang sangkalan o dahilan ng mga Espanyol sa
paggawa nila ng masama.

D. Maipalaganap ang Kristiyanismo sa pamamagitan ng kanyang panulat.

4. Sa pahayag ni Elias na Mamamatay siyang hindi nakikita ang maningning na pagbukang liwayway. Ano ang
kahulugan nito?

A. Hindi na niya aabutan ang pagbubukang liwayway

B. Hindi na siya sisisakatan ng araw

C. Hindi na niya makikita ang paglaya ng bansa mula sa mang-aapi

D. Hindi na niya maaaring abutan ang kinabukasan.

5. Batay sa pagkakasulat ng buod ng Noli Me tangere. Ito ay may katangiang

A. Base sa totoong buhay.

B. Ito ay nasa anyong tuluyan (dire-diretso o hindi patula) at naglalaman ng kaugalian at

tradisyon ng lugar kung saan ito nagmula.

C. Ito ay pumupukaw ng damdamin ng mga mambabasa.

D. Ito ay lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila.

You might also like