You are on page 1of 44

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL

SA SENIOR HIGH SCHOOL SA BAUAN TECHNICAL INTEGRATED HIGH SCHOOL

Isang Tesis na Iniharap sa mga Guro

Ng Departamento ng Edukasyon

Ng Sta. Teresa College

Isang Pagtupad sa Kailangan ng Kursong

Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya

Nina:

Cawas, John Rovic F.

Dimaculangan, Noriezell G.

Matalog, Ana Lee D.

Nobyembre, 2019

0
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Likas na sa ating mga tao ang makipag-usap, makipagkwentuhan at makipag-ugnayan

sa ating kapwa na kadalasang nagaganap sa pamamagitan ng pasalitang paraan.

Magkagayunman, lingid sa ating kaalaman na hindi lamang sa ganitong paraan

nakapagpapahayag ang tao. Maliban nga rito, nagagawang maiparating ng tao ang kanyang

saloobin at ideya sa pasulat na paraan na nangangailangan ng mataas na kasanayan sa

pagpapahayag. Sa paggamit ng wika, hindi ito nakatuon lamang sa pagtuturo at pagkatuto sa

gramatika, nararapat na may kakayahan ang isang tao na umintindi at maintindihan lalong higit

sa paggamit ng wikang Filipino sapagkat ito ang ating Lingua Franca. Ito ay ginagamit natin sa

araw-araw kaya inaasahang ang lahat o ang karamihan ay bihasa at pamilyar na sa wastong

pagpapahayag pagdating sa kahit anong sitwasyon sa buhay.

Masasabing ang wika noon ay katulad ng ginagamit ng mga hayop subalit sa paglipas

ng panahon kasabay sa pag-unlad ng kultura ng tao, umunlad din ang wika. Nagkakaroon ng

adaptasyon kung saan hindi lamang tao ang tumanggap sa wika sapagkat ang wika ay

nagbabago sa paglipas ng panahon at nagkaroon din ng adaptasyon sa mga tao. Kapansin-

pansin nga ang malaking pagbabago ng wika, mula sa wikang Tagalog na naging wikang

Pilipino na hindi naglaon ay naging wikang Filipino na siyang pinagtibay ng Komisyon ng

Wikang Filipino na kung saan maging ang taglay na bilang ng titik ay nagbago rin.

1
Sa paglipas ng panahon naging kapuna-puna ang paraan ng pakikipag talastasan ng

kabataan lalo’t higit ang mga mag-aaral. Sumasabay sila sa pagbabago ng panahon at hindi

nabibigyang pansin ang wasto at angkop na paggamit ng wika sa partikular na ang wikang

Filipino. Kung ano ang nakasanayan ay iyon na rin ang gagamitin sa pakikipag-ugnayan sa

dahilang ito ay lubos na nilang nauunawaan subalit kung iisipin at papansining mabuti,

kalimitang mali ang pagkakabuo ng pahayag at kung minsan ay hindi naman wasto ang

paggamit ng mga salita pagdating sa linggwistika. Kaugnay nito, kapansin-pansin din ang

paglimot sa wastong paraan ng pakikipagkomunikasyon depende sa estado/katayaan ng

kausap. Sa usaping ito, mas nararapat na pagtuunan ng pansin ang kakayahang

komunikatibo.

Ayon kay Carpio (2015), ang kakayahang komunikatibo ay ang kahusayan sa

pakikipagkomunikasyon ng tagahatid na nakabatay sa taglay niyang kasanayan sa pang wika.

Lima ang kasanayang ito at ang lahat ng ito ay nararapat niyang taglayin. Dalawa sa limang

kasanayan ay nauukol sa kahusayan niya sa pagpapadala ng mensahe, ang pakikinig at

pagbabasa; at isa ang nauukol sa kahusayan niya sa pag-unawa ng mensahe ng ipinadala o

matatanggap. Bahagi rin ng kahusayang pangkomunikasyon ang pagiging bihasa ng

tagapaghatid ng mensahe sa paggamit ng di-berbal na komunikasyon. Nakadaragdag ito sa

katiyakan at kalinawan ng mensahe.

Ang kakayahang komunikatibo ay bunga ng mabisang paggamit ng apat na makrong

kasanayan pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagsasalita.Upang maging epektibo sa

pakikipatalastasan nararapat na ang isang indibidwal ay mayroong malawak na kasanayan at

2
kaalaman sa kakayahang pangkomunikatibo sa gramatika at

pagsulat.(https://www.google.com/amp/s/jaquesblog930141212.wordpress.com/2018/07/19).

Kaugnay ng kakayahang komunikatibo, nahahati o nakaklasipika ang mga mag-aaral

depende sa kakayahang taglay ng mga ito. May mga estudyante na parehong magaling sa

pagpapahayag sa paraang berbal o pasalita at sa pasulat ng paraan samantalang ang iba ay

maaaring mahusay sa pasalita at mahina sa paraang pasulat o maikaklasipika sa mga mag-

aaral na may angking galing sa pagsulat ngunit hindi sila sanay at bukas sa berbal na

pamamaraan. Magkagayun man, ang kakayahang ito ay napapag-aralan at nakadepende ang

pagkatuto sa kakayahan, kagustuhan at sa estratehiya ng mga mag-aaral.

Karamihan sa mga mag-aaral ay may kanya-kanyang estilo ng pagpapahayag sa

paraang pasulat at pasalita. Nahuhubog at nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng bawat

mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga guro ng iba't ibang aktibidades

pagkakatapos ng kanilang talakayan sa asignaturang Filipino. Ang asignaturang Filipino ay

may malaking gampanin upang matutuhan at mabigyang pansin ng mga mag-aaral ang

mabisang pagpapahayag. Ang ganitong kakayahan ay masusukat sa tulong ng aktwal na

pagganap ng isang tao. Kaugnay nito, bataysa isang pag-aaral, ang wika ay ginagamit upang

maghatid ng ideya mula sa isip ng tao patungo sa iba at ang pagkatuto sa paggamit ng wika

ay isa sa mahalagang aspekto sa pagdebelop ng isang tao.

Sa malaking pagbabago ng sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas, ang paglulunsad

ng programang K to12 Kurikulum, na may pamantayang programa sa Baitang 7-10, layunin ng

pagtuturo ng Filipino na malinang ang kakayahang komunikatibo, replektibo o mapanuring

pag-iisip at, pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga


3
babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na

literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap

sa daigdig. (https://www.academia.edu/36188626)

Hinggil sa makabagong kurikulum, ang Senior High Schoolo SHS ay karagdagang

dalawang taon ng pag-aaral na may kinalaman sa ispesipikong kurso na tatahakin upang

magsilbing paghahanda sa kolehiyo, maaring sa negosyo at sa anumang trabaho depende sa

kinuhang strand. Kaugnay nito, isa sa mahalagang kasanayan na nararapat taglayin ng bawat

indibidwal ay ang kakayahan sa mabisang pagpapahayag o ang tinatawag na kakayahang

komunikatibo. Ang pagtataglay ng nasabing kasanayan bilang isang mag-aaral ay

magsisilbing lakas o sandata sa pagpapayabong ng performans at kasanayan hindi lamang

pagdating sa iba't ibang asignatura sapagkat ito ay magagamit din sa ano mang aspeto ng

buhay.

Ang nasabing karagdagang dalawang taon ay naipatulad na sa bansa at karamihan sa

paaralang pangsekundarya ay nagkaroon na ng pagdaragdag ng mga silid-aralan para sa mga

SHS. Sa bayan ng Bauan, may apat na pangsekundaryang paaralan, pribado at pampubliko at

dalawa sa mga ito ang napili ng mga mananaliksik upang maging saklaw sa kasalukuyang

pag-aaral.

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin at tasahin ang antas ng kakayahang

komunikatibo ng mga mag-aaral sa Senior High School sa Bauan Technichal High School.

Nilalayon din ng mga mananaliksik na matuklasan kung paano nagkakaiba ang kakayahang

komunikatibo ng mga mag-aaral. Hinahangad din na malaman kung ano ang mga isyu at

hamon sa sining ng pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral sa Senior High School sa Bauan


4
Technichal High School. Kaugnay nito, ninanais ng mga mananaliksik na makapagbigay ng

mungkahing lunsaran upang malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino.

Balangkas Konseptwal

Ang bahaging ito ay naglalahad ng konsepto ng mga mananaliksik hinggil sa

isasagawang pag-aaral. Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay ginagamitan ng

input-process-output model.

Ang IPO Model ay modelo na naglalahad ng paghahanda o pagbabatayan ng gagamitin

sa isinasagawang pag-aaral. Nakapaloob din dito ang mga dapat gawing hakbang para

makuha ang hinahangad na resulta ng pag-aaral, kaugnay ng resulta ay ang

maimumungkahing gawain ng mga manananaliksik na nakatutulong higit sa mga tao at

organisasyon may kinalaman dito, (Ramirez, 2014).

Ayon kay Sepillo (2015), ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral ay may

mahalagang gampanin sa pagtaas ng antas ng performans ng bawat isa gayundin ang

pagkakaroon ng abilidad sa pakikipag-ugnayan o pakikipagtalastasan. Sa kaniyang pag-aaral,

sinukat ang galling ng bawat respondent sa pamamagitan ng pagsusulit kung saan lumalabas

na nararapat pang pagtuunan ng pansin ang kakayahang panglingguwistika.

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin at tasahin ang antas ng kakayahang komunikatibo

sa pamamagitan ng pagsusulit ng mga mag-aaral at interbyu sa mga guro sa Filipino sa

Senior High School sa Bauan Technichal Integrated High School. Nilalayon din ng pag-aaral

5
na ito na makapagbigay ng mungkahing lunsaran sa pagpapa-unlad ng kakayahang

komunikatibo.

Kaugnayng layuning ito, inaasahan na ang mga mag-aaral sa Senior High School sa

Bauan Technichal Integrated High School ay mas magkakaroon ng sapat na kaalaman at

kakayahan sa pakikipagkomunikasyon.

Naglalarawan ang susunod na pahina sa mga set ng baryabol mula sa pag-aaral na ito.

Ipinahihiwatig ng paradigm na sa tulong ng instrumentong gagamitin, ang pagsusulit at

interbyu ay magsisilbing batayan sa pagtasa at pagsukat ng antas ng kakayahang

komunikatibo ng mga mag-aaral upang makapagbigay ng mungkahing lunsaran sa pagpapa-

unlad ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa nasabing asignatura.

6
 Mungkahing
 Kakayahang lunsaran sa
 Pagsusulit Pagpapa-unlad
Komunikatibo
 Interbyu ng Kakayahang
Komunukatibo

Pigyur 1

Konseptwal Paradim

7
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang antas ng kakayahang komunikatibo ng

mag-aaral sa Bauan Technical Integrated High School.

Kaugnay nito, hinahangad ng kasalukuyang pag-aaral na mabigyang kasagutan ang

sumusunod na suliranin:

1. Ano ang antas ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sang-ayon sa;

1.1 ponolohiya

1.2 morpolohiya

1.3 semantika

1.4 at sintaksis?

2. Paano nagkakaiba ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral? Mayroon bang

mahalagang pagkakaiba?

3. Ano ang mga isyu at hamon sining ng pakikipagtalastasan?

4. Batay sa pagsusuri, ano ang maimumungkahing lunsaran upang malinang ang

kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral?

8
Haypotesis

Ayon kay Leedy (2013), ang haypotesis ay isang lohikal, isang makabuluhang

paghihinuha upang magbigay daan sa isang matalinong pag-aanalisa ang isang suliranin na

magagamit upang ito'y mabigyang kasagutan.

Walang signipikanteng pagkakaiba ang antas ng kakayahang komunikatibo ng mga

mag-aaral.

Saklaw, Limitasyon at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa kakayahang komunikatibo ng mga piling mag-

aaral mula sa Senior High ng Bauan Technical Integrated High School .

Ang panananaliksik na ito ay limitado lamang sa 80 respondente mula sa mga strands

ng Senior High School sa paraalang nabanggit sa itaas. Limitado rin ang resulta ng pag-aaral

sa ibibigay na pagsusulit at interbyu.

Sa kabilang banda, hindi na bibigyang-pansin ang iba pang mag-aaral sapagkat

gagamit ng ramdom sampling ang mga mananaliksik sa pagkuha ng respondente.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin at sukatin ang antas kakayahang

komunikatibo ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay

inaasahang makatutulong sa sumusunod:


9
Sa mga mag-aaral. Higit na mabibigyang-tuon ang kanilang kakayahang komunikatibo

partikular na sa asignaturang Filipino na kung saan mag-uudyok itong malinang at mahubog

pa ang kakayahang magpahayag at gumamit ng wika sa angkop na paraan.

Sa mga guro. Magkakaroon ng ideya kung epektibo ang paraan nila sa pagtuturo at

makatutulong din ang pag-aaral na ito upang makapili ng angkop na estratehiya sa

pagpapaunlad ng kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral.

Sa paaralan. Magkakaroon ng pagkilos patungkol sa paghubog ng kakayahan ng mga

mag-aaral gayundin ang pagiging epektibo ng mga guro sa pagtuturo.

Sa mga magulang. Magkakaroon ng kamalayan ukol sa kakayahan ng kanilang mga

anak na magtutulak upang hubugin at gabayan nila ang mga ito sa pag-aaral sa lahat ng

asignatura hindi lamang sa Filipino.

Sa mga susunod na mananaliksik. Magsisilbing basehan at kaugnay na pag-aaral sa

pagsasagawa ng panibagong pananaliksik na may kinalaman sa kasalukuyang pag-aaral.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Ang mga sumusunod na katawagan ay binigyang kahulugang konseptwal upang

maging maliwanag ang pagkaunawa ng mga mambabasa.

Antas - Ito ay tumutukoy sa katayuan, bilang o posisyon ng tao o bagay (Ramirez,

2015). Sa pag-aaral na ito, ito ang lebel ng performans ng mga mag-aaral.

10
Komunikatibo - Ito ay abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa

hinihingi ng isang interaksyong sosyal (Maranan, 2016). Sa pag aaral na ito, ito ay tumutukoy

sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon.

Ponolohiya - Ito ay sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng mga tunog o ponema ng

isang wika (Cuesta, 2016). Sa pag-aaral na ito, ito ay bahagi ng pagsusulit upang sukatin ang

kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa sistema ng paggamit ng mga tunog upang makabuo ng

yunit ng tunog na may kahulugan.

Morpolohiya - Ito ay pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang

morpema (Fe, 2015). Sa pag-aaral na ito, ito ay bahagi ng pagsusulit upang tasahin ang

kaalaman ng mga respondente ukol sa pagbuo ng mga salita.

Semantika - Ito ay pag-aaral na tumutukoy sa kung paano nabibigyang kahulugan ang

mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag (Gonzales, 2019). Sa pag-aaral

na ito, ito ay bahagi ng pagsusulit upang masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa

pagbibigay kahulugan sa salita, parirala at pangungusap.

Sintaksis - Ito ay pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap, pagsasama-sama ng

mga salita para makabuo ng mga parirala o mga salita (Verdin, 2021). Sa pag-aaral na ito, ito

ay bahagi ng pagsusulit upang masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong

istruktura ng pangungusap.

11
KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Inilalahad sa pag-aaral na ito ang kaugnay na literatura at pag-aaral na may malaking

kaugnayan sa isinasagawang pananaliksik. Ang mga impormasyon na nakalahad sa

kasalukuyang pag-aaralay tungkol sa kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino.

Kaugnay na Literatura

Filipino sa Senior High School. Ang karagdagang dalwang taon sa Senior High

School ay upang pagyamanin ang kakayahan ng bawat indibwal sa pagkatuto sa ng

asignaturang Filipino.

Ayon kay Santos (2016), pinayagan man ng Commission on Higher Education ang

pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, iginiit ni de Laza ang pangangailangang

pagbutihin at palawakin ang pagtuturo nito sa lahat ng antas, lalo na mula kolehiyo hanggang

antas graduwado. Sinasabing bata pa ang wikang pambansa. Hindi pa ito ganap na

intelektuwalisado o ginagamit sa araw-araw na diskurso. Dagdag pa ni de Laza, kailangang

ipagpatuloy ang pananaliksik sa iba’t ibang disiplina upang maitaguyod ang

intelektuwalisasyon ng wikang Filipino, lalo na sa agham at teknolohiya, negosyo, ekonomiya

at medisina.

12
Batay kay Jasareno (2012), angasignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa

pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at pag-iisip sa Filipino. Sumasalamin ito sa pagkilala

natin sa ating bansa. Ang pagkakaroon ng sariling wika aymasasabing katumbas ng

pagkakaroon ng sariling mga paa dahil ito ang tumatayong instrumento upang tayo’y

magkaunawaan at magkaisa. Ito ang unang hakbang patungo sa kaunlaran. Ang wika ang

nagsisilbing tulay ng bawat tao sa pakikipagsalamuha, sa pagkuha at pagbigay ng

impormasyon, at sa pagpapahayag ng ating saloobin. Wika ang nagsisilbing kaluluwa ng ating

bansa (Palencia, 2019).

Samantala, batay kay Yu (2019), ang Filipino bilang asignatura ay nagpapalalim ngating

wika at ng ating kultura. Ang asignaturang Filipino ang nagbibigay kaalaman sa mga mag-

aaral ukol sa ating wika at panitikan. Ang panitikan ay ginamit bilang lunsaran sa pag-unawang

kultura, magkakapareho man o magkakaiba sa bawat lipunan. Dahil sa ang panitikanay

nagsasaalang-alang sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa pang-araw-araw. Bukod dito, ay

nalilinang din sa mga mag-aaral ang kaisipang makabayan. Kaugnay ng pag-aaral ng

panitikan, napag-aaralan din ng mga mag-aaral ang kasaysayan ng Pilipinas. Sa madaling

sabi, ang panitikan ay nakatuon sa pagbabasa at literatura.

Kakayahang komunikatibo. Ang kakayahang komunikatibo ay napakahalagang

kasanayan sa pakikipagtalastasan. Ito ay nararapat taglayin ng bawat indibidwal sa pagbuo ng

matagumpay na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Batay kay Janaya (2015), ang kakayahang komunikatibo ay nagmula sa isang linguist,

sociolinguist, anthropologist at folklonist sa Portland, Oregon na si Dell Hymes. Nilinang nila

John J. Gumperz ang konseptong ito bilang tugon sa kakayahang linggwistika at bilang
13
reaksyon sa kakayahang linggwistika Noam Chomsky. Ayon kay Hymes, ang nagsasalita ay

hindi sapat na magkaroon ng kakahayang liggwistika upang epektibong makipagtalastasan

gamit ang wika. Nararapat din na alam ang paraan ng paggamit nito.

Ayon kina Maranan et.al., (2016), ang kakayahang komunikatibo ang pasaporte ng

bawat tao sa isang maganda at mapayapang buhay. Nagdudulot ito ng kaayusan at

sistematikong ugnayan ng bawat kasapi ng isang lipunan sapagkat nauunawaan ng

tagatanggap ng mensahe ang totoong layunin ng tagapagbatid nito. Ang hindi

pagkakaunawaan ng tao sa isang samahan ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng

husay sa komunikasyon ng namumuno rito. Napagagaan ng kakayahang komunikatibo ang

bigat ng dibdib na dinadala ng bawat isa, naitutuwid ang baluktot at naiitama ang mali. Sa

kabilang banda, ang papel na ginagampanan ng kakayahang komunikatibo sa larangan ng

edukasyon at sa pagsasaayos ng gusot ay ilan lamang sa mga sitwasyong naglalarawan ng

pangangailangan na maihanda ang mga mag-aaral sa mundo na kung saan ay nakasalalay sa

kanila ang kaayusan at sistema.

Ang kakayahang komunikatibo ay ang kahusayan sa pakikipagkomunikasyon ng

tagahatid na nakabatay sa taglay niyang kasanayan sa pangwika. Lima ang kasanayang ito at

ang lahat ng ito ay nararapat niyang taglayin. Dalawa sa limang kasanayan ay nauukol sa

kahusayan niya sa pagpapadala ng mensahe, ang pakikinig at pagbabasa; at isa ang nauukol

sa kahusayan niya sa pag-unawa ng mensaheng ipinadala at/o marltatanggap. Bahagi rin ng

kahusayang pangkomunikasyon ng tagahatid ang pagiging bihasa niya sa paggamit ng di-

berbal na komunikasyon. Nakadaragdag ito sa katiyakan at kalinawan ng mensahe (Carpio,

2015).

14
Isinaad ni Cahapay (2015), anng kakayahang komunikatibo ay nararapat na malaman

ang mga paraan ng paggamit ng wika ng lingwistikang pangkomunidad na gumagamit nito

upang matugunan at maisagawa ng naaayon sa layunin. Ang isang tao may kakayahan sa

wika ay dapat magtaglay ng kahusayan, kasanayan at galling sa paggamit ng wikang

naaangkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo.

Batay kina Mortera, O. et.al. (2017), dapat sanayin sa Filipino sa larangang edukasyon

o akademiko ang pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo o communicative competence.

Ito ay yaong anumang pagkatuto ng wika sa loob ng klasrum kung saan inuugnay naman sa

mga gawaing pangwika sa labas ng silid-aralan o paaralan.

Inilahad din ni Benico (2017), ang kakayahang komunikatibo ay ang abilidad ng isang

taong maihatid ang anumang uri ng impormasyon sa ibang tao nang malinaw, tumpak at ayon

sa nilalayon ng taong pinanggagalingan ng impormasyon. Ito ay maaaring pasalita, pasulat o

iba pang paraan ng komunikasyon. Ang pagkakaroon ng maayos na kakayahang

komunikatibo, at ang patuloy na paghasa nito, ay makatutulong ng malaki sa iba’t ibang

aspeto ng buhay ng isang tao, tulad na lamang ng pagpapalakas ng relasyon sa pamilya at

mga kaibigan o maging sa propesyunal na pag-unlad.

Ayon sa KAWIL III; Patnubay ng guro sa paglinang ng Kasanayan sa Wika at Literatura,

ang kausap na may kakayahang komunikatibo ay makauunawa sa nais na ipahayag ng

tagapagsalitakapag narinig niya. Sa pagdulog sa komunikatibo, ipinauunawa sa mag-aaral na

ang isang ideya o layuning pangkomunikason ay maisasagawa sa paggamit ng iba’t ibang

kayariang pangwika. Ang pag-uutos ay maipapahayag ng pangungusap na patanong,

15
pasalaysay, pautos at pakiusap. Gayundin ang isang kayariang pangwika ay maaring

magpahayag ng iba’t ibang bagay.

Isa pang kakayahang pangkomunikatibo na dapat alam ng mahusay na komunikeytor

ay ang kakayahang stratedyik. Ito ang kakayahang magamit ang verbal at Di verbal na mga

hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang

mga hindi pagkakaunawaan o nga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong mag-

aaral ng salitang hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang

paggamit ng Di verbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig, expression ng mukha at

marami pang iba upang maipaabot ang mensahe maging ang mga katutubong nagsasalita ng

wika ay ginagamit din ng kakayahang istratedyik kapag minsang nakalimutan ang tawag sa

isang bagay o nasa “dulo na Ito ng kabilang dila" at hindi agad maalala ang tamang salita.

Kilala rin ang mga Pilipinong madalas gumamit ng senyas pamamagitan ang nguso o

pagkumpas ng kamay kapag may nagtatanong ng lokasyon ng isang lugar.

Isyu at Hamon sa Sining ng Pakikipagtalastasan. Ang pakikipagtalastasan ay

pagpapahayag, pagpapaalam, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang

paraan, ngunit hindi maiiwasan ang isyu at hamon sa pakikipag-ugnayan

Batay kay Surbhi (2016), ang pakikipagtalastasan at ang wika ay minsan hindi tugma

dahil sa sumusunod na kadahilanan. Una , paggamit ng magkasalungat o hindi kompatibol sa

wika. Pangalawa, kakulangan sa pag-aaral lalo na kung gumagamit ng ikalawang wika ang

kausap at ang ikatlo ay tamlayin ang terminong ginamit lao na sa makabagong panahon kung

saan umusbong ang iba’t ibang termino na tanging higit kabataan lamang ang nakakaintindi.

16
Ayon sa artikulo na “Effective Use of Language”, isa sa mga paktor na nakaaapekto sa

pagpapahayag g ideya habang nakikipagtalastasan ay ang pagiging malinaw at hustong

paggamit ng wika. Ang pagpapahayag gamit ang wika ay hanggat maaari ay malinaw at

madaling maunawaan dahil may terminong nakakalitoat mayroon namang termino na taglay

ang maraming kahulugan.

Sa panahon ngayon ang pagkalubhasa sa wika ay para lamang sa mga dalubwika o sa

mga propesyong may kinalaman dito. Ayon kay Mangyao (2016), ang wika ay dynamic o

patuloy na nagbabago sa katagalan ng panahon, ito ay nagiging sanhi ng pagkalimot o hindi

paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa na rin ang modernisasyon sa nakaaapekto sa

pagbabago ng wika sa pamamagitan ng pagbabago o pag-usbong ng mga makabagong

terminolohiya na mas magpapaali sa pagbigkas. (Reyes, 2016).

Pagbuong Lunsaran. Batay kay Faeldan (2015), ang mga lunsaran sa paglalahad ng

aralin ay isang kaparaanang kawili-wili, nakagaganyak at nakakatawag-pansin. Ito ay

napakahalagang bagay na dapat pag-ukulan ng paglilimi ng isang guro. Walang gaanong

tagumpay na matatamo ang guro sa kanyang paglalahad ng aralin kung walang kawilihan at

pananabik na nadarama ang mga mag-aaral sa araling kanilang tinatalakay. Ang mga

lunsaran ay magsisilbing pangganyak upang kaludan ng mga mag-aaral ang liksiyong

itinuturo. Sa Ingles tinatawag itong “springboard”. Sa paglalahad ng bagong aralin upang

mapanatili ang kawilihan ng mga bata, ang guro ay kailangang gumawa ng paraan upang

maging buhay, mabunga at matagumpay ang kanilang pag-aaral. Magagawa ito sa

pamamagitan ng paglikha ng mga lunsaran sa paglalahad ng aralin. Ang ilan sa mga

lunsarang maaring likhain ng guro para sa paglalahad ng aralin sa Filipino o maging sa ibang

17
asignatura man ay ang tula, kuwento, anekdota, alamat, dula-dulaan, komik strip, talumpati,

sanaysay, balita, pangulongtudling, liham, talaarawan, talambuhay, anunsyo atbp.

Anumang bagay na nagsisilbing gabay sa pagpapakilala ng bagong aralin. Sa ibang

terminolohiya ang lunsaran ay nagsisilbing motibasyon o pagganyak sa lalong ikagaganda

atikasisigla ng talakayan. (Guzman, n.d).

Kaugnay na Pag-aaral

Batay sa pag-aaral nina Espenilla et. al (2017), ang wika ay ginagamit upang maghatid

ng ideya mula sa isip ng tao patungo sa iba at ang pagkatuto sa paggamit ng wika ay isa sa

mahalagang aspekto sa pagdebelop ng isang tao. Sa nasabing pag-aaral natukoy ang

pagkakaiba ng kahusayan ng mga mag-aaral batay sa kanilang kasarian, lumalabas na may

mas mataas na bilang ang mga estudyanteng babaeng may higit na kaalaman pagdating sa

linggwistika at kahusayan sa pagpapayag sa tulong ng marka ng bawat isa sa asignaturang

Filipino at sa isinagawang pagsusulit ng mga mananaliksik. Gumamit ang mga mananaliksik

ng sampling method sa pagpili ng respondente sa paaralan ng St. Bridget Colleges.

Binanggit ni Hortaleza (2017) na ang kakayahang komunikatibo ay may kaugnayan sa

kakayahang panggramatika at kakayahang sosyo-linggwistika o aktwal na pakikipag-ugnayan

sa kapwa. Sa tulong ng instrumentong ginamit--ang pagsusulit ang naging batayan upang

masukat ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral at batay sa resulta ng pagsusulit

kumakalahati ng mag-aaral ang nakakuha ng mataas na skor samantalang ang kalahati ay

18
nakakuha ng mababa at katamtamang taas na skor. Nararapat pang bigyang-pansin ang

kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral nina Janaya et.al, (2016) may mga salik na maaaring nakaaapekto

sa akademikong performans o pagganap ng mga mag-aaral: antas ng pamumuhay, natapos

ng kanilang magulang, at pamamaraan ng pagtuturo. Ito ay mayroong kaugnayan sa pansarili

nilang pang-kognitibong kakayahan. Nararapat lamang na malaman ng mga guro ang

demograpikong profayl ng mga mag-aaral nang sa ganoon alam ng guro kung ano ang

mailalapat at angkop sa pagtuturo. Kung ang edad ang pagbabatayan, ito ay maaaring

makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit ano mang larangan. Samantalang ang kasarian

ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang kakayahan. Ang kasarian ay

iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng guro, behaybyor at sa kursong kinukuha at

bayologikal na ibinibgay sa pagkakaiba ng kasarian sakanilang nakukuha.

Inilahad nina Dayao et.al (2016) na sa silid–aralan nagaganap ang pagkatuto at

paglinang sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga Pilipino. Dito nangyayari ang pormal na

pagkatuto ng wika. Mula sa kayarian o gramatika ng wika tulad ng mga bahagi ng pananalita,

wasto at tamang gamit ng bantas, pagbabaybay, ponolohiya, morpolohiya, at iba pang teknikal

na aspeto ng wika maaring hindi maabot ng mga Pilipinong mag-aaral ang pagkakaroon ng

kakayahang pangkomunikatibo. Nasusukat aniya ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga

mag-aaral sa kanilang talas sa pagsasalita ng wika, kakayahang umunawa, at makagamit ng

tamang salita o wika sa angkop na pagkakataon lalo na sa mgaawtentikong sitwasyon.

Ang pag-aaral nina Flores et.al (2016) ay isang pagtatangkang malaman ang akademik

performans ng mga piling mag-aaral ng Special Program in Sports sa Pambansang Mataas na


19
Paaralan Taong Panuruan 2014–2015. Gamit ang deskriptiv–analitik, ang mga mananaliksik

ay nagdisenyo ng sarvey–kwestyoneyr na pinasagutan sa tatlumpung (30) respondente. Batay

sa inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong saang karaniwang laro na

kinabibilangan ng mga mag–aaral sa Special Program in Sports ay mga “Indoor Games” gaya

ng basketbol, balibol, badminton at table tennis, at “Outdoor Games” gaya ng sepak takraw,

running, long at high jump, fotbol at lawn tennis. Karamihan sa mga respondente ay sumagot

na kaya sila sumali sa Special Program in Sports ay para makakuha ng “Scholarship o

benipisyo”. Hinggil naman sa negatibong epekto ng pagsali nila sa mga paligsahan bilang

kabilang sa Special Program in Sports, ang mga respondente ay nagkakaroon ng sakit o

karamdaman dahil sa pagod. Ang positibong resulta ng pagsali nila sa Special Program in

Sports ay ang pagkakaroon ng lidership at isportmanship sa bawat larong sinasalihan at

nakakakilala sila ng mga bagong kaibigan.

Inilahad din ni Robbins (2016) sa kaniyang pananaliksik na ang pagdebelop ng

kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wika ay matutunan sa proseso ng pagkatuto at

pagtuturo. Ang mga estudyante ay nararapat bigyan ng mga aktibidad na makatutulong sa

pagdagdag ng kanilang kakayahang komunikatibo.

Ang isinagawang pag-aaral ukol sa epekto ng asignaturang Filipino sa akademikong

performans ng mga dual-citizen students sa Pamantasang San Louis ni Galamay (2016) ay

pinagbatayan ang talatanungan sa pag-alam ng edad, kasarian at antas na kinabibilangan ng

mga mag-aaral na respondante ukol sa epekto ng asignaturang Filipino sa akademikong

performans ng mga dual-citizen students na nag-aaral sa Pamantasang San Luis. Sa pag-

aaral, natuklasan na maraming respondente ang sumasang-ayon na dapat mag-aral ng

20
asignaturang Filipino ang mga dual-citizen student. May tatlumpo ang sumasang-ayon na

mula sa School Natural Sciences (SNS) at School of Nursing (SON). Maraming sumang-ayon

na nakakatulong nga sa mga dual-citizen students ang pagdag ng asignaturang Filipino. Batay

sa resulta may animnapu’t isang sumang-ayon. Marami ding sumang-ayon na nakakatulong

nga sa mga dual-citizen students ang pagdagdag ng asignaturang Filipino sa kanilang pang-

araw-araw na pamumuhay. Ilan lamang ang respondante na hindi sumang-ayon dito. Sa

paraan naman ng pagtrato ng guro sa mga dual-citizen students, karamihan sa guro ay

isinasalin ang leksyon sa ingles.

Batay sa pag-aaral ni Galamay (2016), makatutulong sa mga dual-citizen students ng

Pamantasang San Louis sapagkat may maganda epekto sa kanila. Sa pagtrato naman ng

mga guro ay mainam na isasalin ang leksyon sa ingles sa pagturo sa mga dual-citizen

students ng Pamantasang San Louis. Nakatutulong naman ang mga konsiderasyon ng mga

guro sa pagkatuto ng mga dual-citizen students.

Sa pag-aaral naman na isinagawa ni Asi et. al (2016), nakalahad na ang antas ng

kakayahang komunikatibo sa berbal at hindi berbal na paraan ay mahalagang matutunan ng

mga magiging guro sa hinaharap upang magkaroon ng wasto at kasanayan sa pagtuturo hindi

lamang tungkol sa nilalaman ng bawat aralin kung hindi pati na rin sa paraan ng pagtuturo

partikular na sa pasalitang proseso kung saan makikita ang interaksyon ng guro at mag-aaral.

Nagsilbing respondente ang mga piling guro sa hinaharap sa paaralan ng St. Bridget Colleges

na may bilang na 150 respondente. Nakatala ang kahusayan ng mga guro sa hinaharap na

nagpapatunay na handa na ang mga ito na magbahagi at magturo sa mga mag-aaral.

Nakalahad din ang antas ng kakayahan ng mga respondente sa paggamit ng wikang ingles at

21
wikang Filipino sa tulong ng naging resulta ng pagsusulit, tinatayang ang mga guro sa

hinaharap sa nasabing paaralan ay mahuhusay sa paggamit ng dalawang wika sapagkat ang

wikang Filipino ang nagsisilbing Lingua Franca at ang wikang Ingles ang nagsisilbing

pangalawang wika sa bansa.

Ayon sa pag-aaral ni Foxworl (2015), batay sa marka, pagiging aktibo sa klase at

kumpyansa sa sarili, mahihinuha na ang akademikong performans ng mga mag-aaral na

nagmula sa pampublikong paaralan ay mas mataas kumpara sa akademikong perpormans ng

mga mag-aaral na nagtapos sa pribadong paaralan. Masuring hinanay ang mga datos base sa

uri ng paaralan at itinala ang mga ito upang makuha ang pinal na resulta sa sarbey. Sa

hangad na makalikom ng mga kasagutan, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey sa

sampung piling estudyante sa bawat departamento ng Business Economics, Financial

Management, Marketing, Entrepreneur at Human Resource Management.

Dagdag pa rito, saklaw ng pag-aaral na ni Foxworl (2015) ang mga salik na may

positibo at negatibong epekto sa akademikong performans ng isang mag-aaral na nagmula sa

pribado o pampublikong paaralan. Maging ang kaugnayan ng paaralang pinagtapusan at ang

kaugnayan nito sa pang-akademikong perpormans ng mag-aaral. Tinalakay din ang mga

pangunahing salik sa pagkakaiba ng akademikong perpormans ng mga mag-aaral mula sa

pribado at pampublikong paaralan.

Ayon naman kay Macalalad (2015), ang komunikasyon ay may kaugnayan sa pakikinig

at pagsasalita gayundin sa pagbabasa at pagsusulat. Kinakailangang may sapat at mataas na

kaalaman at kasanayan ang isang guro sa ano mang bahagi rito upang mas madagdagan pa

ang kanilang pagiging propesyunal. Sa pag-aaral na ito, ang mga guro ng St. Bridget Colleges
22
ang nagsilbing respondente na naglayong sukatin ang kaalaman at kasanayan ng mga guro

sa apat na makrong kasanayan sa paraan ng pakikipanayam at paggamit ng instrumentong

pagsusulit. Inalam din ng mga mananaliksik ang katagalan ng mga guro sa pagtuturo ngunit sa

kabilang banda, ito ay hindi naging batayan sa pagsukat ng kanilang kahusayan sa

pagpapahayag.

Ayon kay Sepillo (2015), ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral ay may

mahalagang gampanin sa pagtaas ng antas ng performans ng bawat isa gayundin ang

pagkakaroon ng abilidad sa pakikipag-ugnayan o pakikipagtalastasan. Sa pag-aaral na ito,

sinukat ang galing ng bawat respondente sa pamamagitan ng pagsusulit kung saan lumalabas

na nararapat pang pagtuunan ng pansin ang kakayahang panglingguwistika. Sa

pagpapahayag naman o sa berbal na pakikipag-ugnayan, may pagkakataon at karanasan ang

mga mag-aaral na magpahayag at tumayo sa harap ng maraming tao. Ang grado ng mag-

aaral sa asignaturang ingles ay naging batayan din sa pagsukat ng kakayahan at kaalaman ng

mga estudyante.

Ipinalalagay na ang kasarian ay isa sa mga determinant na salik na nakaimpluwensiya

sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Sa pag-aaral ni

Sibayan (2015), natuklasan ang mga lalaki at babae ay higit ang pagkakahawig kaysa

pagkakaiba ng akademikong pagganap. Dagdag pa, ang iba pang salik tulad ng konteksto at

paksa ay may malaking impluwensiya sa estilong pag-uusap kaysa sa kasarian. Sa kanya ding

pahayag, pinatunayan din niya na may pagkakaibang leksikal sapagitan ng mga lalaki at

babae, kalimitan dito ay ayon sa dami at sa uri.

23
Ayon kay Feingold (2014), ang kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang

malaman ang kanilang kayang ipakita. Ang kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad,

inaasahan ng guro, at behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayolohikal na ibinibigay

sa pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha. Bilang karagdagan, ang pag-aaral ni

Johnson (2014) ay nagpapatibay na ang kasarian ay may kaugnayan. Ayon sa isinagawa

niyang pananaliksik, ang mga kababaihan ay higit na mataas ang marka kumpara sa mga

kalalakihan. Higit na mas mababa ang kakayahang pang-akademiko ng mga lalaki kumpara sa

mga babae.

Sa pananaliksik ni Fitzgerald et. al (2013), ang kakayahang komunikatibo ay kaalaman

sa paggamit ng wika upang maunawaan ang gustong ipahayag sa pasalitang paraan. Ang

kahalagahan ng komunikasyon sa paggamit ng partikular na wika ay kadalasang makikita

kahit na sa pakikipag-usap sa isa't isa at kalimitang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Ang komunikasyon ay may dalawang proseso na maaaring bigyang halaga at hindi dapat

balewalain. Ang ibang tao ay nagiging arogante sa paniniwalang hindi sila makapupunta sa

ibang bansa dahil sa hindi nila alam ang wika at kultura ng mga tao sa lugar na kanilang

pupuntahan. Sa naging resulta ng pag-aaral, nakalahad na ang mga nauusong bagay-bagay

lalo na at mula sa ibang bansa ang isa sa nakaaapekto kung bakit hindi na napagtutuunan ng

pansin ang kawastuhan ng istruktura sa loob ng isang pahayag. Dagdag pa rito, sinasabi ring

walang kinalaman ang kasarian at edad ng mga estudyante sa pagtataglay ng nasabing

kakayahan.

Binanggit naman ni Palazo (2013) sa kanyang pag-aaral ang pagkakaiba ng

kakayahang komunikatibo at performans kung saan ang kakayahang komunikatibo ay

24
tumutukoy sa kaalaman ng tao tungkol sa wika at ang performans naman ay nakatuon sa

aktwal na paggamit ng wika. Mahalaga ang kakayahang komunikatibo sa paghubog ng

performans ng isang indibidwal sapagkat magkaiba man ng kahulugan, may malaking

ugnayan parin ang mga ito. Nakalahad sa pag-aaral ang signipikanteng ugnayan ng dalawang

baryabol--ang kakayahang komunikatibo at performans. Malinaw din inilahad ang kahulugan

ng kakayahang komunikatibo na may kinalaman sa lingguwistika at nasukat ang kakayahang

ito ng mga mag-aaral sa Rizal College of Taal sa tulong ng pagsusulit at kwestyuner. Naging

batayan rin ang marka ng mga piling mag-aaral sa asignaturang ingles sa nasabing paaralan.

Ang isinagawang pag-aaral ni Palazo (2013) ay naglalahad na talagang mahuhusay

ang antas ng kaalaman ng mga estudyante pagdating sa wikang ingles at nakalahad din na

nasa mataas na lebel ng performans ang mga mag-aaral sa tulong ng marka at mga

instrumentong ginamit. Nasa 87 porsyento ng mga mag-aaral ang nakaranas ng tumayo at

magpahayag sa harap ng maraming tao sa iba't ibang okasyong ipinagdiriwang sa paaralan.

Binanggit naman ni Torres (2013) na magkakaiba-iba ang antas ng kakayahang

panggramatika ng mga mag-aaral sa mga salitang pangnilalaman at mga salitang

pangkayarian dahil lumabas na may makabuluhang pagkakaiba ang mga iskor nila sa mga

salitang pangnilalaman at mga salitang pangkayarian. Masasabi ring may kaugnayan ang

kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral sa kanilang kakayahang panggramatika ngunit

walang kaugnayan dito ang kanilang unang wika na pinatunayan ngmakabuluhang pagkakaiba

ng mga iskor ayon sa kolehiyong kinabibilangan at walang makabuluhang pagkakaiba ayon sa

unang wika.Mula rito, itinatagubilin ng mga mananaliksik na dapat pang paunlarin ang

kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa Filipino tungo sa pagkakaroon nila ng ganap

25
na kakayahang panggramatika at komunikatibo. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay

ng mga guro ng marami pang pagsasanay sa mga bahagi ng panalita na mahirap para sa

kanila. Ang pagwawasto at pagsasagawa ng incidental teaching sakaling nagkamali ang mga

mag-aaral ay malaking tulong upang maiwasto ang kanilang mga kamalian sa gramatika.

Mahalaga rin ang matamang pagwawasto ng mga komposisyon upang maitama ang

mga kamalian sa gramatika. Itinatagubilin din ang pagbibigay-diin ng mga guro sa mga bahagi

ng panalita na sadyang nahihirapan ang mga mag-aaral.

26
KABANATA 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay sumasaklaw sa pamamaraan at disenyong na gagamitin ng mga

mananaliksik. Kalakip nito ang datos na nakalap at masusing inanalisa sa pamamagitan ng

iba’t ibang istadistikang tritment.

Disensyo ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito, naglalayon ang mga mananaliksik na malaman ang kakayahang

komunikatibo ng mga mag-aaral sa Senior High sa Bauan Technical Integrated High School.

Gumamit ang mga mananaliksik ng pamaraang deskriptibo o palarawang pananaliksik sa

kadahilanang ito ang mas angkop at mabisang gamitin upang makalap ang inaasahang datos

para sa pag-aaral. Higit ding maipaliliwanag ng disenyong ito ang mabubuong tabyular at

magiging resulta sa isasagawang pag-aaral.

Ang deskriptibong pananaliksik ay naglalayon na magbigay o magpalawak ng

kondisyon, proseso at maging ang sanhi at bunga ng may ugnayang baryabol, (Elmer, 2019).

Binanggit naman nina Espiritu et.,al. (2018) na ang deskriptibong pananaliksik ay aktibiti na

may kinalaman sa pangangalap ng datos upang mabigyang kasagutan ang mga katanungan

sa isinasagawang pag-aaral.

27
Samantala, ayon kay Garcia (2017), ang palarawang pananaliksik ay naglalayong

ilarawan nang may pagkakasunod-sunod, makatotohanan, wasto at obhetibo and isang

sitwasyon at problema.

Respondente ng Pag-aaral

Ang respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa SHS mula sa Bauan

Technical High School na may kabuuang bilang na 80 sa taong panuruan 2020-2021. Ang

gagamitin ng mga mananaliksik ay ramdom sampling kung saan ang pagpili ng magiging

respondente ay malaya sa kinabibilangan nitong pangkat.

Instrumentong Gagamitin

Ang gagamitin ng mga mananaliksik ay ang inihandang pagsusulit bilang instrumento

sa pangangalap ng datos upang mabigyang kasagutan ang mga nakalahad na suliranin. Ang

pagsusulit ay nakabatay sa antas ng kakayahang komunikatibo na may kabuuang apatnapung

(40) aytem. Ito ay binubuo ng ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at semantika. Dagdag pa

rito, makikipanayam din ang mga mananaliksik sa piling respondente upang alamin ang mga

isyu at hamon sa sining ng pakikipagtalastasan. Ang pagsusulit at mga nabuong tanong na

gagamitin sa pakikipanayam ng mga mananaliksik ay ipasusuri sa ilang gurong eksperto sa

Filipino.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ay masusing mangangalap ng impormasyon upang maisakatuparan

ang pagbuo at pamamahagi ng pagsusulit. Ang mananaliksik ay sumangguni sa iba't ibang

28
mga natapos na pananaliksik upang makakalap ng mga impormasyon na magsisilbing gabay

at basehan sa pabuo ng isang pag-aaral.

Ang nabuong pagsusulit ay naglalaman ng mga tanong tungkol sa antas kakayahang

komunikatibo sa asignaturang. Bukod dito, maghahanda rin ng ilang katanungan ang

mananaliksik na gagamitin sa pakikipagpanayam sa piling respondente upang masukat ang

husay ng mga ito sa aktwal na paggamit ng wika. Ang nasabing instrumento ay dadaan sa

masusing pagwawasto ng ilang gurong may kahusayan sa pagbuo nito bago ipamahagi sa

mgapiling respondente.

Matapos masagutan ng mga mag-aaral ang pagsusulit, ito ay muling kokolektahin. Ang

mga mananaliksik ay gagawa ng talahanayan kung saan mas mapapadali ang pagtatally sa

mga naging kasagutan ng mga mag-aaral. Ito ang mabisang paraan upang ilahad ang

kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.Makikipanayam din ang

mananaliksik sa piling respondente at itatala ang naging kasagutan upang maobserbahan

kung paano makipag-ugnayan ang mga ito.

Ang magiging resulta ng pagsusulit ay pagsasama-samahin at ihahanay sa gagawing

tabyular na may katumbas na interpretasyong berbal.

29
Ranggo Interpretasyong Berbal

90-100 Napakahusay

85-89 Mahusay

80-84 Katamtaman

75-79 Mababa sa Karaniwan

Below 75 Kailangang Paghusayin

Mga Istadistikang Tritment

Ang mga sumusunod ay ang mga istadistikang gagamitin ng mga mananaliksik.

Friedman Test- Ito ay gagamitin upang masukat ang pagkakaiba ng kakayahang

komunikatibo ng mga mag-aaral.

Frikwensi. Ang istadistikang tritment na ito ay gagamitin sa pagkuha ng tamang bilang

ng respondente sa isinasagawang pag-aaral.

Percentage. Ito ay gagamitin upang masukat kung ilang bahagdan sa kabuuang

populasyon ang may tamang sagot sa bawat aytem ng pagsusulit.

30
Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng paglalahad, pagsusuri at pagpapakahulugan sa

datos mula sa naging resulta ng pagsusulit na sinagutan ng mga mag-aaral gayundin ang

nakalap na datos sa pamamagitan ng isinagawang pakikipanayam ng mga mananaliksik sa

mga guro na sangkot na paaralan. Ang mga datos ay inilarawan sa talahanayang

pamamaraan. Ginamitan ito ng payak na istadistikang tritment mula sa mga datos na nakalap.

Ponolohiya

Talahayanan 1

Antas ng Kakayahang Komunikatibo sang-ayon sa Ponolohiya

Interpretasyong Berbal Antas Bilang Bahagdan

Napakahusay 90 – 100 2 2.50

Mahusay 85 – 89 6 7.50

Katamtaman 80 – 84 10 12.50

Mababa sa karaniwan 75 – 79 21 26.25

Kailangang Paghusayin 74 - pababa 41 51.25

Kabuuan 80 100

31
Ipinakikita sa talahayanan 1, ang antas ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral

sa Bauan Technical Integrated High School sang-ayon sa ponolohiya na nahahati sa iba't

ibang kategorya gaya ng Napakahusay (90-100), Mahusay (85-89), Katamtaman (80-84),

Mababa sa karaniwan (75-79), at Kailangang Paghusayin (74-pababa). Isinasaad sa

talahayanang ito na dalawa (2) lamang sa mga respondenteng mag-aaral ang nakakuha ng

napakahusay na resulta na tinumbasan ng 2.5 na bahagdan. Samantala ang anim (6) na mag-

aaral ay nasa mahusay na antas ng kakayahang komunikatibo sang-ayon sa ponolohiya na

may bahagdan na 7.50. Sampu (10) naman ang nabibilang sa antas na katamtaman, kung

saan may katumbas itong 12.50 na bahagdan. Makikita sa talahanayan ang naging resulta ng

pagsusulit ng mga mag-aaral na dalawampu't isa (21) sa mga ito ang nasa antas ng mababa

sa karaniwan na may bahagdan na 26.25 at apatnapu't isa (41) naman ang nasa antas ng

kailangang paghusayin na may bahagdan na 51.25. Sa nasabing pag-aaral, mas marami sa

mga respondenteng mag-aaral ang napabilang sa antas ng mababa sa karaniwan at

kailangang paghusayin na kakayahang komunikatibo sang-ayon sa ponolohiya. Batay sa

naging resulta ng pagsusulit, lumalabas na ang mga mag-aaral ay may pagkalito sa wastong

tono sa pagbigkas ng salita ayon sa nais nitong ipahiwatig gayundin ang wastong diin at

kayarian ng pantig. Karamihan din sa mga mag-aaral ang hindi pa lubos na pamilyar sa pares-

minimal at malayang nagpapalitan, maaaring nagkaroon sila ng pagkalito sa kahulugan at

halimbawa ng mga ito.

Samakatuwid, masasalamin sa ginawang pananasaliksik na ang mga mag-aaral sa

Baitang 12 ng Bauan Technical Integrated High School ay may mababang pagkatuto sa

ponolohiya sa asignaturang Filipino. Dahil sa naging resulta ng pag-aaral, ang mga

mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu para sa piling mag-aaral upang matukoy ang


32
posibleng dahilan o paktor na nakaapekto sa pagsasagot sa nasabing pagsusulit. Karamihan

sa mga mag-aaral ang nagsasabing hindi naging madaling sagutan ang pagsusulit sapagkat

limot na ang ibang aralin tungkol dito. Isa pa nga sa paktor na nakaapekto sa pagsasagot ng

mga respondenteng mag-aaral ay sa kadahilanang may trabaho na maaaring hindi

makapagpokus ng maayos sa pag-aaral. Nangangahulugang dapat bigyang-pansin ito ng mga

magulang at guro nang sa ganoon ay malutas ang suliraning naging sagabal sa pagkatuto ng

mga mag-aaral sa kakayahang komunikatibo sang-ayon sa ponolohiya.

Sa kasalukuyang pag-aaral may ilang mga kaugnay na pag-aaral ang nabanggit sa

ikalawang kabanta na maaaring makapagpatibay sa naging resulta ng isinagawang

pananaliksik.

Batay sa pag-aaral nina Janaya et.al, (2016) may mga salik na nakaaapekto sa

akademikong performans o pagganap ng mga mag-aaral: antas ng pamumuhay, natapos ng

kanilang magulang, at pamamaraan ng pagtuturo. Ito ay mayroong kaugnayan sa pansarili

nilang pang-kognitibong kakayahan. Nararapat lamang na malaman ng mga guro ang

demograpikong profayl ng mga mag-aaral nang sa ganoon alam ng guro kung ano ang

mailalapat at angkop sa pagtuturo. Ilan sa respondente ay mga working student, ayon sa

kanila ay naging salik ito sa pagsasagot ng pagsusulit ng kasalukuyang pananaliksik kaya

naging mababa ang resulta. Nahihirapan sila na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho,

maging ang oras nila ay limitado lamang para mapagtuunan nang maayos ang pag-aaral nila.

Ang kalagayang ito ay isa sa mga salik na nakaaapekto sa edukasyon.

33
Morpolohiya

Table 2

Antas ng Kakayahang Komunikatibo sang-ayon sa Morpolohiya

Berbal na Interpretasyon Antas Bilang Bahagdan

Napakahusay 90 – 100 3 3.75

Mahusay 85 – 89 10 12.50

Katamtaman 80 – 84 18 22.50

Mababa sa Karaniwan 75 – 79 16 20.00

Kailangang Paghusayin 74 - pababa 33 41.25

Kabuuan 80 100

Matutunghayan sa talahayan 2 ang nakuhang iskor sa pagsusulit ng mga mag-aaral sa

Bauan Technical Integrated High School tungkol sa morpolohiya na nahahati sa iba't ibang

kategorya gaya ng Napakahusay (90-100), Mahusay (85-89), Katamtaman (80-84), Mababa

sa karaniwan (75-79), at Kailangang Paghusayin (74-pababa). Isinasaad sa talahanayang ito

na tatlo (3) sa mga mag-aaral ang nakakuha ng napakahusay na iskor sa pagsusulit na may

katumbas na 3.75 na bahagdan. Samantala, sampu (10) sa mga mag-aaral ang nasa

mahusay antas na may bahagdan na 12.50. Labing walo (18) naman ang nabibilang sa antas

ng katamtaman, kung saan may katumbas itong 22.50 na bahagdan. Ipinapakita rin ng

talahayanan na labing anim (16) na respondenteng mag-aaral ang nakakuha ng iskor na

mababa sa karaniwan. Ito ay may katumbas na na 20.00 na bahagdan. Tinatayang mas


34
marami ang bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng iskor na nasa antas ng kailangang

paghusayin. Ito ay may bilang na tatlumpu't tatlo ( 33) at tinutumbasan ng 41.25 na bahagdan.

Batay sa naging pagsusulit, ang mga mag-aaral ay may kalituhan sa bahagi ng panalita, uri ng

morpema at sa uri ng tambalang salita.

Sa resulta ng pagsusulit tungkol sa antas ng kakayahang komunikatibo sang-ayon sa

morpolohiya, lumalabas na mas marami ang bilang ng mga respondenteng mag-aaral na

nakuha ng mababa sa karaniwan at ang kailangang paghusayin. Dahil dito, nakipanayam ang

mga mananaliksik sa piling mag-aaral upang malaman ang naging dahilan ng mababang

resulta sa pagsusulit. Ayon sa mga mag-aaral, may mga bahaging pamilyar at nadalian sila sa

pagsasagot ngunit mas lamang pa ring ang nahirapan sa ibang bahagi ng pagsusulit sapagkat

hindi nila agad matandaan ang paksang may kaugnayan sa tanong. Ilan sa kanila ang

nagsabing mahirap ang modular learning upang maintindihan nang maayos ang isang

leksyon. Magkagayunman, nararapat itong aksyunan ng mga mag-aaral upang mahubog ang

kanilang kaalaman sa usaping kakayahang komunikatibo. Maaaring magbasa o magbalik-aral

ang mga mag-aaral nang sa ganoo'y magkaroon sila ng kalinawan kung bakit sila nagkamali

sa ibang bahagi ng pagsusulit at mabalikan ang mga aralin patungkol dito. Ang mga guro at ng

kagawaran ng edukasyon ay nararapat ding magbigay aksyon upang masiguradong natututo

ang mga mag-aaral lalo sa pagpapalawig ng kakayahang komunikatibo parrikular ang

morpolohiya.

Sa isinagawang pag-aaral may ilang mga kaugnay na pag-aaral ang nabanggit sa

ikalawang kabanata na maaaring makapagpatibay sa naging resulta ng pag-aaral.

35
Batay sa pag-aaral ni Torres (2013), itinatagubilin na dapat pang paunlarin ang

kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa Filipino tungo sa pagkakaroon nila ng ganap

na kakayahang panggramatika at komunikatibo. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay

ng mga guro ng marami pang pagsasanay sa mga bahagi ng panalita na mahirap para sa

kanila. Ang pagwawasto at pagsasagawa ng incidental teaching sakaling nagkamali ang mga

mag-aaral ay malaking tulong upang maiwasto ang kanilang mga kamalian sa gramatika. Ang

modular learning bilang salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng kakayahang komunikatibo sa

kasalukuyang pag-aaral ay may kaugnayan din sa pag-aaral ni Torres (2013). Limitado

lamang ang kaalaman sa modular learning at walang interaksyong nagaganap sa pagitan ng

guro at mag-aaral. Kaugnay nito, itinatagubilin sa nasabing pananaliksik na palawigin pa ang

kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa tulong ng kanilang guro at ito rin ang

magandang hakbang na nararapat sa kasalukuyabg pag-aaral.

36
Semantika

Talahayanan 3

Antas ng Kakayahang Komunikatibo sang-ayon sa Semantika

Berbal na Interpretasyon Antas Bilang Bahagdan

Napakahusay 90 – 100 4 5.00

Mahusay 85 – 89 11 13.75

Katamtaman 80 – 84 20 25.00

Mababa sa Karaniwan 75 – 79 17 21.25

Kailangang Paghusayin 74 - pababa 28 35.00

Kabuuan 80 100

Inilalahad sa talahayanan 3, ang naging resulta ng pagsusulit ng mga mag-aaral sa

antas ng kakayahang komunikatibo sang-ayon sa semantika na nahahati sa iba't ibang

katergorya; Napakahusay (90-100), Mahusay (85-89), Katamtaman (80-84), Mababa sa

karaniwan (80-84) at Kailangan paghusayin (74-pababa). Makikita na (4) apat lamang sa mga

respondente ang nakakuha ng napakahusay na resulta na tinumbasan ng 5.00 na bahagdan.

Samantalang may (11) labing isa naman sa mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit ang

nakakuha ng resultang mahusay na may katumbas na 13.75 na bahagdan. Makikita rin sa

talahanayan na (20) dalawampu sa mga mag-aaral ang nakakuha ng resultang katamtaman

na may bahagdan na 25.00. May (17) labing pito namang respondente na nakuha ng resultang

mababa sa karaniwan may bahagdan na 21.25. At makikitang may pinakamataas na bilang na


37
(28) dalawampu't walo ng mga respondente ang nakakuha ng resultang kailangan

paghusayin. Ito ay may katumbas na 35.00 na bahagdan. Sa isinasagawang pananaliksik,

matutunghayan sa talahayanan na ito na mataas ang bilang ng mga mag-aaral na nakakuha

ng mababa at kailangang paghusayin sa kakayahang komunikatibo sang-ayon sa semantika.

Batay sa pagsusulit, marami sa mga mag-aaral ang hindi nakakuha ng tamang sagot tungkol

sa kahulugan ng mga parirala ayon sa gamit nito sa pangungusap.

Sa resulta ng talahanayan 3 ng isinagawang pananaliksik matutunghayan na mataas

ang bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng mababa at kailangang paghusayin sa

kakayahang komunikatibo sang-ayon sa semantika. Nakipanayam ang mga mananaliksik sa

ilang mga respondente upang alamin ang ilang naging salik sa mababang resulta ng

pagsusulit. Ayon sa mga mag-aaral, hindi na nila ganoon tanda ang ilang mga paksa sa

pagsusulit. Naging salik din ang limitadong aklat at impormasyon upang higit nilang

maintindhan ang mga aralin. Dahil sa ibinigay na salik ng ilang mag-aaral nararapat na bigyan

pansin ito ng mga guro nila sa Filipino upang matulungan ang mga mag-aaral na mapahusay

sa kakayahang komunikatibo sang-ayon sa semantika. Gayundin, upang mapataas ang

akademikong performans sa asignaturang Filipino.

Sa kasalukuyang pag-aaral may ilang kaugnay na pag-aaral sa ikalawang kabanata na

susuporta sa resulta ng isinasagawang pananaliksik.

Ayon sa pag-aaral ni Sepillo (2015), ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral

ay may mahalagang gampanin sa pagtaas ng antas ng performans ng bawat isa gayundin ang

38
pagkakaroon ng abilidad sa pakikipag-ugnayan o pakikipagtalastasan. Ang mga akademikong

aralin ay kadalasang hindi tumatagal sa memorya ng tao sa kadahilanang hindi ito lubos

nauunawaan at hindi aktwal na nagagamit. Kaugnay nito ang salik na binanggit ng piling mag-

aaral sa kasalukuyang pag-aaral.

Sintaksis

Talahanayan 4

Antas ng Kakayahang Komunikatibo sang-ayon sa Sintaksis

Berbal Interpretasyon Antas Bilang Bahagdan

Napakahusay 90 – 100 2 2.50

Mahusay 85 – 89 9 11.25

Katamtaman 80 – 84 14 17.50

Mababa sa Karaniwan 75 – 79 16 20.00

Kailangang Paghusayin 74 and below 39 48.75

Kabuuan 80 100

Makikita sa talahanayan 4 ang resulta ng pagsusulit ng mga mag-aaral sa antas ng

komunikatibo sang-ayon sa sintaksis, ang naging resulta na ito ay nahahati sa iba't ibang

katergorya; Napakahusay (90-100), Mahusay (85-89), Katamtaman (80-84), Mababa sa

karaniwan (80-84) at Kailangan paghusayin (74-pababa). Inilahad sa talahayanan 4 na (2)

dalawa lamang sa mga mag-aaral ang nakakuha ng napakahusay na resulta na tinumbasan

ng 2.50 na bahagdan. Mayroon namang (9) siyam sa mga mag-aaral na kumuha ng


39
pagsusulit ang nakakuha ng resultang mahusay na may katumbas na 11.50 na bahagdan.

Makikita rin sa talahanayan na (14) labing-apat sa mga respondente ang nakakuha ng

resultang katamtaman. Ito ay may bahagdan na 17.50. Samantalang may (16) labing anim

naman ang respondente na nakuha ng resultang mababa sa karaniwan na may katumbas na

20.00 na bahagdan. May pinakamataas namang naitala ang resultang kailangang paghusayin

na may bilang na (39) tatlumpu't siyam na mag katumbas na 48.75 na bahagdan. Makikita na

lampas pa sa kahalati sa kabuuang bilang ng respondente na kumuha ng pagsusulit ang

nakakuha ng mababa at kailangang paghusayin na resulta. Karamihan sa mga mag-aaral ay

mali ang pagtukoy sa ayos ng pangungusap gayundin ang pagkakaroon ng pagkalito sa

sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa.

Sa naging resulta ng pagsusulit ng mga piling mag-aaral sa Grade 12 ng Bauan

Technical Integrated High School ay makikita na lampas pa sa kahalati sa kabuuang bilang ng

respondente na kumuha ng pagsusulit ang nakakuha ng mababa at kailangang paghusayin na

resulta. Kaugnay nito ay nakipanayam ang mga mananaliksik sa ilang mag-aaral upang alamin

ang naging salik ng pagkakaroon ng mababang iskor sa pagsusulit. Lumalabas na dahil online

ang kanilang pagsasagot ay nakaapekto ang mababang koneksyon upang hindi na ganun

pagtuunan ang mga tanong. Sa makatuwid malaki rin ang naging epekto ng pamimigay ng

online na pagsusulit sa isinasagawang pananaliksik.

Sa kasalukuyang pag-aaral may ilang kaugnay na pag-aaral sa ikalawang kabanata na

susuporta sa resulta ng isinasagawang pananaliksik.

40
Batay sa pag-aaral na isinagawa ni Asi et. al (2016), nakalahad na ang antas ng

kakayahang komunikatibo sa berbal at hindi berbal na paraan ay mahalagang matutunan ng

mga magiging guro sa hinaharap upang magkaroon ng wasto at kasanayan sa pagtuturo hindi

lamang tungkol sa nilalaman ng bawat aralin kung hindi pati na rin sa paraan ng pagtuturo

partikular na sa pasalitang proseso kung saan makikita ang interaksyon ng guro at mag-aaral.

Napakahalaga ng personal na pakikipag-ugnayan upang lubos na magkaunawaan. Maiuugnay

ito sa karanasan ng ilang respondente, kung saan naging sagabal ang online at mabagal na

koneksyon sa pagkaunawa.

Pagkakaiba ng Kakayahang Komunikatibo

Table 5

Pagkakaiba ng Kakayahang Komunikatibo

Variables Mean p-value - value Decision Verbal

on Ho Interpretation

Ponolohiya 74.09

Morpolohiya 75.74
0.005 12.721 Reject Ho Significant
Semantika 76.93

Sintaksis 74.29

p – value < 0.05

41
Makikita sa talahanayan 5, ang ponolohiya na may 74.09 na mean, morpolohiya na

nagtataglay ng 75.74 na mean at may 76.93 na mean sa semantika. Ang sintaksis ay

nakakuha ng mean na 74.29. Gayundin, ito ay may X² - value na 12.721. Ang nakuhang p-

value ay 0.005 na mas mababa sa lebel ng signipikante na 0.05. Ito ay nangangahulugang

ang antas ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa Bauan Technical Integrated

High School ay may signipikanteng pagkakaiba. Sa kabilang banda, kung ipapares ang

dalawa sa kakayahang komunikatibo, matutukoy ang may pagkakatulad at pagkakaiba sa mga

ito. Ang magkapares na morpolohiya at ponolohiya, semantika at ponolohiya gayundin ang

sintaksis at semantika ay mayroong pagkakaiba sa bawat isa. Samantala, ang magkapares na

sintaksis at ponolohiya, semantika at morpolohiya gayundin ang sintaksis at morpolohiya ay

walang signipikanteng pagkakaiba. Kung paghahambingin ang magkapares, ang mga ito ay

magkatulad at hindi nagkakalayo.

Batay sa talahanayan, hindi normal ang naging resulta ng pagsusulit. Makikita na ang

kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral ay mababa at kinakailangan pang paghusayin.

Malinaw ring isinaad ang pagkakaiba ng kakayahang komunikatibo ng mag-aaral sang-ayon

sa ponolohiya, morpolohiya, semantika at sintaksis. Ang pagkatuto sa istruktura ng wika ay

may makatutulong sa pagtataglay ng kakayahang komunikatibo ng bawat indibidwal.

Kinakailangan munang matutunan ng mga mag-aaral ang salita, tunog at ang wastong

pagbigkas ng salita sumunod pa ang pagkatuto sa kahulugan ng mga ito at ng parirala bago

pa man lubos na matuto sa istruktura ng pangungusap. Ngunit ito ay hindi sa lahat ng

pagkakataon sapagkat karamihan sa mga mag-aaral ang may alam sa ibang bahagi ng

istruktura ng wika kahit hindi lunos na nauunawaan ang ibang bahagi nito.

42
Sa kabuuan, may signipikanteng pagkakaiba sa pagitan ng kakayahang komunikatibo

ng mga mag-aaral sa Baitang 12 ng Bauan Technical Integrated High School. Sa madaling

salita, may bahagi ng istruktura ng wika na madali at mahirap para sa mga respondente. Sa

bagay na ito, nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga guro ang pagpapaunlad ng

kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sapagkat ito ay napakahalaga partikular na

paggamit ang wikang Filipino.

Sa isinagawang pananaliksik may ilang mga kaugnay na pag-aaral ang nabanggit sa

ikalawang kabanata na maaaring makapagpatibay sa naging resulta ng kasalukuyang pag-

aaral.

Ayon kay Heramia (2017), simula ng tayo'y nasa mababang baitang pa lamang ay

itunuturo na sa paaralan ang iba't ibang gramatika at bokabularyo ng wikang Filipino.

Bagama't ito ay ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipagtalastasan,

maraming Pilipino pa rin ang hindi alam ng wastong paggamit nito. Iba-iba ng kaalaman at

kakayahan ang mga tao gayundin sa usaping pakikipagtalastasan. May mga taong maituturing

na bihasa at nagtataglay ng kakayahang komunikatibo. Ang iba naman ay sa ibang bahagi ng

istruktura ng wika nagiging bihasa. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magtataglay ng

kakayahang komunikatibo ang bawat indibidwal ngunit kung palalawigin at gagamitin ang mga

natutunan sa mga aralin tungkol sa ponolohiya, morpolohiya, semantika, sintaksis at sa iba

pang araling may kaugnayan dito, hindi malabong taglayin ang ganitong kakayahan.

43

You might also like