You are on page 1of 66

1

WIKA AT KULTURANG PILIPINO SA PANGASINAN:

Ang Kahiligan ng mga Dagupeño sa Lungsod ng Dagupan

sa Wikang Tagalog

_______________________

Isang Pananaliksik

na Inihaharap sa mga Guro ng Paaralang Senior High School

Phinma-University of Pangasinan

Urdaneta City

_______________________

Bilang kailangang gawain sa Cor 003 Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

______________________

ni

Lowell Jairus Cerezo

Oktubre, 2016
2

MGA NILALAMAN

Mga Nilalaman ...................................... 2

Pasasalamat ........................................ 3

........................................ 4

Paghahandog ........................................ 5

TSAPTER

1 PANIMULA ....................................... 7

Rasyunale ng Pag-aaral ....................... 7

Paglalahad ng Suliranin....................... 14

Kahalagahan ng Pananaliksik....................... 15

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral................... 16

Depenisyon ng mga Termino ...................... 17

2 Lokal na Literatura............................. 19

Dayuhang Literatura ............................. 44

3 Disenyo ng Pananaliksik ......................... 61

Hanguan ng Datos ............................... 62

Instrumentasyon

at Pangangalap ng Datos ........................ 63

Kagamitan ng Pagsusuri ng mga Datos .............. 64

4 Paglalahad at Pagkakahulugan ng mga Datos .......


3

Ebalwasyon ng mga Respondente sa Kahiligan

ng mga napiling Dagupeño sa Wikang Tagalog

Pagsusuri ng mga Dagupeñong Respondente Dagupan

Wikang Tagalog ...............................

MGA NILALAMAN (Karugtong)

Pagkakaiba ng mga Ginawang Pagsusuri

ng mga Respondenteng Dagupeño sa Wikang Tagalog

at sa ibang lugar sa Pangasinan ...................

5 LAGOM, KONKLUSYON, AT MGA REKOMENDASYON ....

Lagom ng mga Pag-aaral ..........................

Konklusyon.......................................

Rekomendasyon ...................................

TALASANGGUNIAN ................................

MGA APENDIKS ................................

A.

B.

C.

Ang mga Mananaliksik ...............................


4

Pasasalamat

Nais naming ipaabot ang pasasalamat namin sa lahat

ng naging parte at tumulong sa amin para mabuo ang

pananaliksik na ito. Higit sa lahat, nagpapasalamat kami sa

Diyos dahil kung hindi dahil sakanya ay wala tayong lahat

sa mundo. Sa aming mga magulang at mga kapatid na nakasama

namin sa lahat ng aming mga problema. Sa aming mga kaibigan

na nakasama naming sa pagsasaya at kalungkutan at sa aming

propesor sa Cor 003 na nag inspire sa amin para gumawa ng

pananaliksik at makatulong sa iba pang mananaliksik na

mangangailangan ng aming pananaliksik.

Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay Utang namin sa mga

sumusunod:

 Sa aming mga Magulang na Sumuporta sa aming

pananaliksik at pinansiyal na pangangailangan.

 Kay Binibining Rose Ann Padilla na matyagang nagturo at

sumuporta upang mabuo namin ng maayos ang aming

pananaliksik.
5

 Sa aming mga Respondente sa Dagupan City upang magbigay

ng kanilang mga saloobin ang mga nalalaman sa pagbuo ng

aming Pananaliksik.

 At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa Pag bigay sa

amin ng Kaalam at Karunungan sa pagbuo ng aming

Pananaliksik at sa Pag gabay sa amin upang matapos ang

aming Pananaliksik. Dahil kung wala ang Poong Maykapal

hindi masisimulan itong Pananaliksik sapagkat lahat ng

Karunungan, Kaalam, Katalinuhan, Kalakasan,

Katagumpayan sa aming gawain ay nang gagaling sa kanya.


6

Paghahandog

Buong pusong inihahandog ng mga mananaliksik ang bunga ng

kanilang pinagpaguran sa kanilang pinakamamahal na mga

Magulang, at may mga tao ding naging inspirasyon sa paggawa

nito. Ang guro sa COR 003 na si Bb.Rose Ann Padilla, Mga

Kaibigan, Mga Kaklase, Mga Guro, at sa Ating Poong Maykapal


7

Tsapter 1

Panimula

Rasyunale ng Pag-aaral

A.) Wikang Tagalog

Ang Wikang Tagalog, na kilala rin sa payak na

pangalang Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng

Pilipinas at sinasabing ito ang de facto ("sa katunayan")

ngunit hindi de jure ("sa batas") na batayan na siyang

pambansang Wikang Filipino (mula 1961 hanggang 1987:

Pilipino). Ito ang katutubong wika ng mga lalawigan sa

Rehiyon IV (CALABARZON at MIMAROPA), ng Bulakan, at ng

Kalakhang Maynila. Sinasalita rin ito sa Hilagang Kapuluang

Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking

pangkat-etnolinguwistiko. Bilang isang pangunahing wika sa

Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang

pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman

halos nasa Ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan.

Bilang Filipino, kasama ang Ingles, isa ang Tagalog sa

kasamang-opisyal at tanging pambansang wika sa Pilipinas.

Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o


8

"tunay na wika" sa buong bansa, at sa mga pamayanang

Pilipino nasa labas ng Pilipinas. Subalit, habang kalat ang

Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang

Ingles, sa iba't ibang antas ng katatasan, sa mga larangan

ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag na mananagalog o

mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman

sa pananagalog. Kaugnay ng iba pang mga wika sa Pilipinas,

ang Wikang Tagalog, gaya ng mga wika sa Bikol, Ilokano, mga

wika sa kabisayaan, at Kapampangan, at mayroon ding

kaugnayan sa iba pang mga Wikang Austronesyo, gaya ng

Wikang Indones, Hawaiian at Malagasy. Ginagamit ang Tagalog

bilang lingua franca o "pangkaraniwang wika" (o "tunay na

wika") sa Pilipinas, subalit ang Ingles ang ginagamit sa

mga paaralan at sa pangkalakalan, pati na rin sa bugkos ng

pamahalaan. Isa ang wikang Tagalog sa una at may mataas na

uri ng wika sa kapuluang Pilipinas. Isa sa patunay ng

kagulangan o katandaan nito ang lathalaing Kasulatang

Limbag sa Tanso-laguna o LCI (822 A.D.), na bagama't may

pagkakaiba ang anyo sa kasalukuyang Tagalog, may patunay na

ito nga ang inang wika ng makabagong Tagalog sa Pilipinas.


9

Nagpayabong at nagpayaman sa wikang Tagalog ang lawig ng

panahon ng pakikipag-ugnayan ng kabihasnang tagalog sa

iba't ibang lahi ng mga taong nakarating sa kapuluan ng

Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang wikang Tagalog ang siyang

kinikilalang pangkaraniwang wika, at ang pambansang wika ng

Republika ng Pilipinas. Kasunod nito ang mga wika ng bawat

rehiyon ng bansa, katulad ng Hiligaynon, Sebwano, Bikolano,

Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, at iba pa. Sa kabila ng

maraming anyo ng salitang Pilipino o iba't ibang dialekto,

pangunahing wika pa rin ang Tagalog. Naitakda sa Saligang

Batas na ang Pamantayang Katawagan sa Pambansang Wika ng

Pilipinas ay Filipino na nakabatay sa lumang anyo nito na

Tagalog. Siya rin ang bagong Tagalog o Pilipino sa

kasalukuyan. Sumasakop ang "tahanang lupain" ng wikang

Tagalog, o ang Katagalugan, lumabis-kumulang sa kalawakan

ng gitna magpahanggang katimugang bahagi ng pulo ng Luzon -

tinutukoy ang sa Aurora, Bataan, Batangas, Bulacan,

Camarines Norte, Cavite, Laguna, Kalakhang Maynila, Nueva

Ecija, Quezon, at Rizal. Winiwika rin ang Tagalog ng mga

naninirahan sa mga kapuluan ng Lubang, Marinduque, at sa


10

hilaga at silangang bahagi ng Mindoro at sa buong Palawan.

Tinatayang sinasalita ito ng may 64.3 milyong mga Pilipino,

mga 96.4% ng bilang ng tao ng populasyong pangkabahayan.

21.5 milyon, o 28.15% ng kabuoan ng populasyon ng

Pilipinas,kung saan isa itong katutubong wika. Matatagpuan

ang mga nagsasalita ng Tagalog sa iba pang mga bahagi ng

Pilipinas, maging sa lahat ng mga bahagi ng mundo, bagaman

nakalaan lamang ang paggamit nito sa pakikipag-ugnayan sa

pagitan ng mga pangkat etnikong Pilipino. Ito ang ikaanim

na pinakawiniwikang wika sa Estados Unidos na may higit sa

isang milyong mga tagapagsalita. Sa Canada, winiwika ito ng

235,615 mga katao.

B.) Kulturang Pilipino

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay

pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga

kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.

Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng

Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking

kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino,


11

na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming

hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga

pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano,

Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa,

bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng

malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga

bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay

kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa

ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong

tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga

Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay

mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga

tradisyon at nakagawian. Bago pa man dumating ang mga unang

mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia,

Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din

sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may

impluwensiya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino

bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na

Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay

maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting


12

halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan

pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na

salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay

minana sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng

kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita

ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon,

musika at pamahalaan.

C.) Kultura ng Pangasinan

Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon

ng Ilocos. Matatagpuan ang lalawigan sa kanlurang bahagi ng

pulo ngLuzon sa may Golpo ng Lingayen at Timog Dagat Tsina.

Ito ay may kabuuang sukat na 5,451.01 square kilometres

(2,104.65 sq mi). Ayon sa senso noong 2010, ang populasyon

ay nasa 2,779,862. Pangasinan ang pangalan ng lalawigan, ng

mga mamamayan, at ang pangunahing wikang sinasalita sa

lalawigan. Tinatayang nasa 1.5 milyong ang mga katutubong

Pangasinan. Isa ang wikang Pangasinan sa mga opisyal na

kinikilalang wikang rehiyunal sa Pilipinas. Sinasalita ang

Pangasinan bilang ikalawang wika ng mga etnikong minorya sa


13

Pangasinan. Ang pinakakilalang pangkat etnikong minorya sa

Pangasinan ay ang mga Iloko, Bolinao at mga Tagalog. Ingles

at Filipino ang kadalasang wika dito at ang ginagamit sa

pagtuturo sa paaralan.Pangasinense ang ang wikang ginagamit

ng mga taong naninirahan sa gitnang bahagi ng Pangasinan at

Ilokano ang pangunahing wika sa pinakamalaking bahagi ng

lalawigan. Ang Bolinao ay may sariling wika.


14

Paglalahad ng Suliranin

Ang Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang kahiligan ng

mga Dagupeño sa Wikang Tagalog pati na rin ang kanilang

pamumuhay gamit ang Wikang Tagalog sa Araw-Araw na

pamumuhay at Pag gamit nito sa Wika at Kultura ng

Pangasinan.

Pangunahing Suliranin. Ano ang kinalabasan ng mga

nakalap na datos sa mga taga- Dagupeño ukol sa kanilang

Wikang Ginagamit (“Wikang Tagalog”).

Ang Tiyak na Suliranin. Upang lubusan masagot ang

pangunahing suliranin, binuo ang mga sumusunod na tiyak na

suliranin:

1.) Ano ang importansya ng Wikang Tagalog sa mga Dagupeño ?

2.) Ano-ano ang pagsusuri ng mga Respondenteng Dagupeño sa

Wikang Tagalog ayon sa iba’t-ibang katangian nito:

a. Tunog, b. Masistemang Balangkas,c. Kultura at Tradisyon?


15

Kahalagahan ng Pananaliksik

Mahalaga ang pagkakaroon ng pag-aaral tungkol sa

Wikang ating kinahihiligan upang hindi magkaroon ng

pagkakawatak watak pagdating sa wika. Ang kahalagahan ng

pananaliksik sa ating Wika ay upang malaman natin ang

wikang dapat nating gamitin upang tayo ay magkaisa tungo sa

ikakaunlad ng ating Wikang Pambansa. Sa paraang pag-aaral

nito nagkakaroon tayo ng mga makabagong ideya sa kahiligan

ng mga tao sa Wikang Pambansa, ang Tagalog at sa

pagpapalawak rin ng ating Karunungan sa Wika. Wika ang

siyang instrumento natin sa pakikipagkaroon ng komunikasyon

sa iba’t-ibang tao sa ating bansa pati na rin sa mga

ibayong bansa katulad ng Estados Unidos at iba pang lugar .


16

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Hangad ng pag-aaral na ito na maisalin, masuri, at pag

aaral ang Wikang Tagalog sa Dagupan City, Pangasinan sa

kanilang kahiligan sa pag-gamit nito sa pang araw-araw

nilang pamumuhay, mapa tradisyon man o kultura sa Dagupan

City. Higit na bibigyan ng pokus ang mga Dagupeño lamang

tungkol sa kahiligan nila sa Wikang Tagalog. At sa

pagsasagot sa mga katanungan sa pag-gamit ng Wikang Tagalon

ayon sa Tunog, sa Masistemang Pagbalangkas, at sa Kultura

at Tradisyon nito. Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay

tungkol lamang sa Kahiligan ng mga Dagupeño sa Wikang

Tagalog.
17

Depenisyon ng mga Termino

Wikang Pambansa. ay isang wika (o diyalekto) na natatanging

kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o

bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at

legal na diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang

bansa.

Wikang Tagalog. na kilala rin sa payak na pangalang

Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas at

sinasabing ito ang de facto ("sa katunayan") ngunit hindi

de jure ("sa batas") na batayan na siyang pambansang Wikang

Filipino (mula 1961 hanggang 1987: Pilipino). Ito ang

katutubong wika ng mga lalawigan sa Rehiyon IV (CALABARZON

at MIMAROPA), ng Bulakan, at ng Kalakhang Maynila.

Sinasalita rin ito sa Hilagang Kapuluang Mariana, kung saan

ang mga Pilipino ang pinakamalaking pangkat-

etnolinguwistiko.

Kulturang Pangasinan. may ibat-ibang kaugalian at

pamumuhay. Tulad na lamang sa Bolinao,Pangasinan, ang

sinaunang pamumuhay ng mga tao rito ay ang pangingisda.


18

Hindi ito maikakaila sapagkat napapaligiran ito ng mga

anyong tubig tulad ng mga dagat,ilog atbp. Ganoon din sa

bayan ng Agno at Lingayen . Bawat lugar ay may

ipinagdiriwang tuwing piyesta. Noong una pa lamang ay

pangingisda na ang ikinabubuhay ng mga taong malapit sa mga

baybayin at maging sa ngayon ay pangingisda pa rin at dahil

sa pagiging modernisado natin ngayon ay ay nakakagawa na

rin sila ng mga porselas na gawa sa kabibi at iba pang mga

palamuti na may ibat-ibang disenyo na maaaring gawing

dekorasyon sa bahay. Sa bayan naman ng Bani, karaniwang

ipinagdiriwang dito ang bibingka festival at pakwan

festival. Noong una ang kanilangidinaraos ay ang bibingka

festival kung saan makikita ang pagtatagisan ng galing sa

pagsasayaw ng ibat-ibang kalahok na mula rin sa bayang ito.


19

Tsapter 2

REVYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT MGA PAG-AARAL

Lokal na Literatura

Ang Tagalog ay isa sa Nangungunang 40 wika ng mundo na may

24 milyong nagsasalita nito bilang kanilang unang wika at

higit sa 65 milyong mga nagsasalita nito bilang kanilang

pandagdag na wika. Ang Tagalog ay katutubo sa rehiyon ng

Katagalugan ng bansa, na kung tutuusin ay ang binubuo ng

kabisera ng bansa, ang Maynila, at ang 10 katabi nitong mga

lalawigan sa kalagitnaan hanggang katimugang bahagi ng isla

ng Luzon kasama ang ilang mga bahagi ng mga isla ng

Marinduque at Mindoro. Ang Tagalog, na kasama sa

bokabularyong Austronesian ay pangunahing binubuo ng mga

salitang may pinagmulang Austronesian na may ilang mga

hiniram mula sa Espanyol, Min Nan/Hokkien Chinese, Malay,

Sanskrit, Arabic, Tamil, Persian, Kapampangan, mga wikang

sinasalita sa Luzon, at iba pa, lalo na ang iba pang mga

wikang Austronesian. Sa kabilang banda, ang wikang

"Filipino" ay ang pangalan ng opisyal na wika ng Pilipinas,


20

ang ang opisyal na wikang ito ay ibinatay sa Tagalog.

Marami pang ibang mga wikang sinasalita sa Pilipinas (tulad

ng Cebuano, Ilokano, Ilonggo) ngunit nang magpasya ang

pamahalaan ng Pilipinas na pumili ng isang opisyal na wika

para sa bansa, pinili nila ang Tagalog upang maging siyang

basehan para sa opisyal na wika na iyon (na siya namang

nakilala bilang Filipino). Ang Surian ng Wikang Pambansa

("National Language Institute", na ngayon ay kilala na

bilang Komisyon ng Wikang Filipino) ay inatasan para sa

gawaing ito. Ang unang direktor ng Surian na si Jaime de

Veyra ang siyang kinikilala bilang nagpanukala ng Tagalog

na maging basehan para sa wikang pambansa. Noong Nobyembre

13, 1936, pinili ng Surian ng Wikang Pambansa ang Tagalog

upang maging basehan ng wikang pambansa, at ang mga

pangunahing dahilan ay ang pagiging laganap nito sa

pananalita at sa mga akdang nakasulat, at pati na rin sa

pagiging siyang wikang ginagamit sa kabisera ng bansa, ang

Maynila. Pagkatapos ay inilathala ng Surian noong 1940 ang

isang opisyal na balarila ang diksyunaro, ang Balarila ng

Wikang Pambansa ("Grammar of the National Language") na


21

isinulat ni Lope K. Santos, at ang "Tagalog-English

Vocabulary". Ang alpabetong Pilipino, na gumagamit ng mga

Latin na pagsusulat at binubuo na ngayon ng 28 titik, ay

nagbago na nang husto mula sa panahon ni Lope K. Santos, na

siyang opisyal na naglabas ng isang alpabetong “ABAKADA” na

may 20 titik na siya namang ginamit ng Surian ng Wikang

Pambansa noong 1973--ang parehong taon kung kailan ay

itinakda ng batas na ang “Pilipino” ang maging pangalan ng

wikang pambansa. Ang pambansang alpabeto ay lumawak upang

magkaroon ng 31 titik—ang 26 titik ng alpabetong Ingles,

ang ñ mula sa Espanyol, ll, rr, at ch, at ang ng ng Tagalog

—at muli, noong 1976 ay nabago ito upang maisama ang mga

titik na C, Ch, F, J, Ll, Ñ, Q, Rr, V, X, at Z upang

maisama ang mga salita na nagmula sa Espanyol at Ingles.

Pagsapit ng 1987, ang alpabeto ay nabawasan at naging 28

titik, at natanggal ang rr, ll at ch, na kapwa nagmula sa

Espanyol, at kasabay nito ay ang pangalan ng opisyal na

wika ay napalitan mula “Pilipino” upang maging “Filipino”.

Kaakibat ng pagbabagong ito, may ilang mga "makalumang"

patakaran sa pagbaybay ang pinalitan (hal. ang "Caloocan


22

City" ay naging “Kalookan City”) habang sinimulng talikuran

ang transliteration o ang literal na pagbaybay ng mga

salita kapalit ang paggamit ng mga direktang katumbas na

salita (hal. “Pamantasan” para sa “University” sa halip na

“Unibersidad”) at--hangga't naaangkop--assimilation o

pagtanggap ng mga dayuhang salita (hal. COMPUTER” sa halip

na “kompyuter” para sa “computer”).Samakatuwid, ang

Filipino ang siyang itinakdang salita sa pagtuturo para sa

ilang mga asignatura sa paaralan sa buong bansa--pati na sa

mga lugar kung saan ay hindi sinasalita ang Tagalog (hal.

sa lalawigan ng Cebu kung saan ang Cebuano ang siyang

katutubong salita). Ngayon, ang makabagong wikang Filipino

ang siyang itinuturing na isinapamantayang bersyon, bagaman

kung tutuusin ay kaiba ito. Ang Filipino ay itinuturing ng

Ethnologue bilang isang uri ng Tagalog, isang wika ng

Kalagitnaang Pilipinas sa loob Malayo-Polynesian na sangay

ng pamilya ng mga wikang Austronesian. Sanhi nito, ang

Tagalog ay lubhang katulad ng Filipino, ngunit hindi sila

eksaktong magkapareho. Sa praktikal na punto-de-bista, ang

pangunahing pagkakaiba ay ang Tagalog ay mas hindi gaanong


23

nababago (sapagkat matatag ang pagkakatanim nito sa mga

pinagmulan nitong lugar kung saan ito ay sinasalita nang

walang gaanong pagbabago) habang ang Filipino naman ay mas

mapag-angkop sapagkat mas bukas-loob ito sa mga

impluwensyang matatagpuan hindi lamang sa loob ng bansa

(ibig sabihin sa mga hindi nagsasalita ng Tagalog tulad ng

mga Cebuano) ngunit pati na rin mula sa labas ng bansa

(hal. Ingles). Samakatuwid para sa mga paggagamitan na may

kasangkot na estilo ng pagsusulat na mas moderno, natural

at katanggap-tanggap ng iba't-ibang mga tao--lalo na sa

pagsasalokal—ang Filipino ay mas naaakma kaysa sa Tagalog

para makamit ang layunin ng taos-pusong pakikipag-ugnay sa

merkadong pang-Pilipinas at sa mga PIlilino sa kabuuan. Ang

salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, galing

sa tagá- na nangangahulugang "katutubo ng" at ilog, ibig

sabihin ay mga taong naninirahan sa tabi ng ilog. Walang

mga halimbawa ng Tagalog bago dumating ang mga Kastila.

Sinasabi ng ilan na ito ay marahil sinunog ng mga unang

paring Kastila, sapagkat sinasabing masademonyo ito.

Kakaunti lamang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng


24

wikang ito. Ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa

pananalita, ang mga ninuno ng mga Tagalog ay nagmula sa

hilagang silangang Mindanao o sa silangang Visayas, kasama

ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-gitnang

Pilipinas. 6Ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog

ay ang Doctrina Cristiana (Christian Doctrine) noong 1593.

Ito ay nakasulat sa Espanyol at dalawang uri sa Tagalog;

ang una ay nakasulat sa Baybayin at ang isa naman ay sa

titik Latin. Ang TAGALOG ay salitang hinango sa taga-irog

dahil kilala ang pangkat ng kayumangging ito sa pag irog sa

sinisintang kabiyak at pagiging tapat din sa pakikipag

ugnayan sa pinili niyang makasama sa buhay.Ito ay batay sa

nakaraang kaganapan nang ang mga tao ay may higit pang

katinuan at takot sa DIOS may kaugnayan ang salitang ito sa

isang kasabihang tagalog "mahirap mamangka sa dalawang

ilog/irog?.Wala pang nailathalang aklat na nagsasabi kung

gaano katanda ang wikang ito,subalit may dokumento o

kasulatan na nakalimbag sa tanso na nagpapatunay na ang

isang matandang uri ng wika na pinagmulan ng wikang tagalog

ay umiiral at ginagamit na mahigit isang libong taon nang


25

nakalipas!Ito ang SULAT SA TANSO NG LAGUNA ng taong 822

A.D. na patuloy pang inuusisa at pinag aaralan ng mga

nagdalubhasa sa wika.Ang mga katutubong wika sa pilipinas

ay ipinalagay na sangay na kauri ng wikang tagalog at ang

mga ito ay patuloy paring gamit sa bawat rehiyon at mga

lalawigan ng bansa.Nang dumagsa ang mga espaniol sa

kapuluan ng bansang ito, nasumpungan nila na may kabihasnan

na dito na may wika,panulat na baybayin at mga payak na

lipunan na may pinuno ang bawat pangkat o baranggay na

tinawag na DATU.Sa pagtuturo nila ng kaalaman mula sa

Europeo,nahubog ang kaisipan at kulturang pilipino sa

kaisipang dayuhan at nagpatuloy ito hanggang sa pagdagsa

dito ng Amerikano at hapon sa paglipas ng mga panahon.Sa

kabila ng inpluwensiyang ito, Ang wikang tagalog pa rin ang

kinilalang pambansang wika nakalalamang sa ibang dialekto

at maging sa wikang Ingles at wikang Español dito sa ating

bansa. Ang Tagalog ay ginagamit bilang lingua franca ng

Pilipinas, subalit ang Ingles ang ginagamit sa mga paaralan

at sa pangkalakalan, pati na rin sa bugkos ng pamahalaan.

Ang Wikang Tagalog ay isa sa una at may mataas na uri ng


26

Wika sa kapuluang Pilipinas. Isa sa patunay ng kagulangan

nito ay ang dokumento ng LAGUNA COPPERPLATE INSCRIPTION ng

taong 822 A.D. na bagamat may pagkakaiba ng anyo nito sa

kasalukuyang Tagalog ay may patunay na ito nga ang Inang

Wika ng bagong tagalog natin sa Pilipinas.Ang lawig ng

panahon ng pakikipag ugnayan ng kabihasnang tagalog sa ibat

ibang lahi ng mga tao sa ating kapuluan ay nagpayabong at

nagpayaman sa wikang ito.Sa kasalukuyan, ang wikang tagalog

ay siyang "lingua franca" o siyang kinilalang

pangkaraniwang wika na kinikilala at siya ring Pambansang

Wika ng Republika ng Pilipinas.Ikalawa dito ay ang mga wika

ng bawat rehiyon ng bansa katulad ng Hiligaynon, Cebuano,

Bikol, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan at iba pa.ang

wikang Inggles ay siyang wikang pangdayuhan at sa mga

nagsisigawa sa mga kawanihan o tanggapan na

nakikipagugnayan at nakikipagtalastasan di lang sa mga

pilipino kundi sa mga taga-ibang bansa din naman. Nauungkat

lamang muli ang usapin sa wikang Filipino kapag pinagmasdan

ang pinakabagong dalawampung pisong papel na inilabas ng

Bangko Sentral ng Pilipinas. Nakasaad doon ang “Filipino as


27

the National Language 1935” ngunit itinatanong ng ilan ang

katumpakan ng gayong pahayag. Hindi totoong noong 1935

nilagdaan ang batas at umiral ang Filipino bilang wikang

pambansa. Sa bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso

“ay inaatasang magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang

Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na

katutubong wika” (akin ang diin). Ibig sabihin, wala pa

noong ahensiya ng pamahalaan na mangangasiwa o

magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika.

At wala pa ring napipili noong 1935 kung aling katutubong

wika ang magiging batayan ng pambansang wika.

Mababatid lamang ang halaga ng pambansang wika kapag

isinaalang-alang na ang Espanyol at Ingles noon ay umiiral

bilang mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Ang siniping

probisyon sa Saligang Batas ng 1935 ay ipinaglaban ng mga

delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal na hindi Tagalog.

Kabilang sa pangkat sina Felipe R. Jose (Mountain

Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas


28

Confesor (Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros

Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte). Si Romualdez na

dating batikang mahistrado ang sumulat ng Batas Komonwelt

Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Sa

mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang

Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na

dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang

nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang

sinasalita at nauunawaan ng lahat.” Alinsunod sa Batas

Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa

“na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa

layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang

wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang pagpili ng

isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng

estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap

at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Sa

madali’t salita, Tagalog ang napili. At pinili ang Tagalog

sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte),

at kinabibilangan ng mga kasaping sina Santiago A. Fonacier

(Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto


29

(Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu

(Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog). Tampok sa pagpili ng

Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng

nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga

kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan,

publikasyon, at manunulat.” Hindi nakaganap ng tungkulin si

Sotto dahil sa kapansanan; samantalang si Butu ay namatay

nang di-inaasahan. Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan

batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin

ang Tagalog “bilang batayan ng wikang pambansa ng

Filipinas.” Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan

pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan noong

1940. Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP ang

pagbubuo at pagpapalathala ng A TagalogEnglish Vocabulary

at Balarila ng Wikang Pambansa. Pinagtibay ng Pambansang

Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7 Hunyo 1940 na

kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino National

Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas

pagsapit ng 4 Hulyo 1946. Gayunman, noong 1942 ay inihayag

ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas [Philippine


30

Executive Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na

nagtatakda na ang kapuwa Nihonggo at Tagalog ang magiging

mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Nagwakas ang gayong

ordinansa nang lumaya ang Filipinas sa pananakop ng Hapon.

At muling ipinalaganap ang paggamit ng Ingles sa mga

transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at negosyo. At upang

matupad ang mithing Pambansang Wikang Filipino, sari-saring

seminar ang idinaos noong panahon ng panunungkulan ni Lope

K. Santos sa SWP (1941–1946). Halimbawa, iminungkahi ang

paglalaan ng pitak o seksiyon para sa wikang pambansa sa

mga pahayagang pampaaralan nang masanay magsulat ang mga

estudyante. Pinasimulan noong panunungkulan ni Julian Cruz

Balmaseda ang Diksiyonaryong Tagalog. Lumikha ng mga

talasalitaan sa mga espesyalisadong larang ang termino ni

Cirio H. Panganiban, halimbawa sa batas, aritmetika, at

heometriya. Isinalin sa wikang Filipino ang pambansang awit

nang ilang beses bago naging opisyal noong 1956, at binuo

ang Panatang Makabayan noong 1950. Ipinatupad ang Linggo ng

Wika, at inilipat ang petsa ng pagdiriwang mulang Marso

tungong Agosto. Itinampok ang lingguwistikang pag-aaral sa


31

wikang pambansa at mga katutubong wika sa Filipinas noong

panahon ni Cecilio Lopez. Pagsapit sa termino ni Jose Villa

Panganiban ay isinagawa ang mga palihan sa korespondensiya

opisyal sa wikang pambansa. Nailathala ang English-Tagalog

Dictionary; at pagkaraan ay tesawro-diksiyonaryo.

Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng

Edukasyon noong 13 Agosto 1959, na tawaging “Pilipino” ang

“Wikang Pambansa.” Ang “Pilipino” na ibinatay nang malaki

sa Tagalog ay maghuhunos na “Filipino” alinsunod sa atas ng

Saligang Batas 1973 “na linangin, paunlarin, at pagtibayin

ang Filipino alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at

diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita

mula sa mga dayuhang wika.” Sa panahon ni Ponciano B.P.

Pineda, ang SWP ay nagbunsod ng mga pananaliksik na may

kaugnayan sa sosyo-lingguwistika, bukod sa pagpapalakas ng

patakarang bilingguwal sa edukasyon. Naipalathala ang mga

panitikan at salin para kapuwa mapalakas ang Pilipino at

iba pang katutubong wika. Noong 1986, pumapel ang SWP sa

paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986, at sa

naturang batas din kinilalang ang pambansang wika ng


32

Filipinas ay “Filipino.” Kung paniniwalaan ang nasabing

batas, “habang nililinang ang Filipino ay dapat itong

payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong

salitang umiiral sa wikang Filipino at iba pang wika.” Ano

ang maaaring ipakahulugan nito? Na ang “Filipino” ay

nangangailangan ng isang ahensiyang pangwika na

magtataguyod sa naturang simulain. Ang “Filipino” ay hindi

na ang “Pambansang Wika” na nakabatay lamang nang malaki sa

Tagalog, bagkus idiniin ang pangangailangang payabungin ito

sa tulong ng mga panrehiyong wika sa Filipinas, bukod pa

ang tinatanggap na mga salita sa ibang internasyonal na

wika. At upang “mapayabong” ang pambansang wika ay

kinakailangan ang isang institusyong pampananaliksik, na

may mandatong higit sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga

wika. Kaya naman sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.

117 na nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino nalikha ang

Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na sa pumalit sa

SWP. Malulusaw pagkaraan ang LWP nang pagtibayin at

pairalin ang Saligang Batas ng 1987 dahil iniaatas nito ang

pagtatatag ng isang komisyon ng pambansang wika.


33

Naisakatuparan ito nang maipasa ang Batas Republika 7104

noong 14 Agosto 1991, na nagtatag sa Komisyon sa Wikang

Filipino. Kailangan ang KWF dahil ito ang ahensiyang

makapagmumungkahi ng mga hakbang, plano, patakaran, at

gawain hinggil sa mga wika, lalo na sa paggamit ng Filipino

bilang pambansang wika. Maihahalimbawa ang kasong isinampa

ni Inocencio V. Ferrer noong 1965 laban kay Direktor J.V.

Panganiban at mga kagawad ng SWP; o kaya’y ang kasong

isinakdal ng Madyaas Pro-Hiligaynon Society laban sa SWP

upang pigilin itong isakatuparan ang gawaing bumuo ng

pasiyang pangwika na labag umano sa Saligang Batas. Nagwagi

ang panig ng SWP na kinatigan ng korte, at sinabing may

batayang legal ang pag-iral ng nasabing tanggapan, bukod sa

kinilalang ang “pagdalisay” at “pagpapayaman” ng katutubong

wika [i.e., pagpapakahulugan at talasalitaan] ay kaugnay ng

proseso ng “pagtanggap” o “pag-angkin” ng mga salita o

impluwensiya mula sa banyagang wika na siyang magpapatunay

na ang Filipino ay buháy na wika. Higit pa rito, inilantad

ng nasabing mga usapin ang pangangailangang paghusayin ang

paglinang at pagpapaunlad ng wika, sagutin punto por punto


34

ang mga argumento ng gaya ni Geruncio Lacuesta laban sa

tinawag niyang “Manila Lingua Franca,” alinsunod sa

matalinong paraang nakasandig sa masusing pag-aaral at

pananaliksik. Dapat lamang linawin dito na ang pagiging

pambansang wika ay hindi lamang nakatuon sa rehiyon ng

Katagalugan, kahit pa sabihing ginawang batayan ang Tagalog

sa pagbuo ng pambansang wika. Ang Filipino, na patuloy na

nilalahukan ng mga salita mula sa iba’t ibang wikang

panrehiyon at pandaigdigan, ay sumasailalim sa ebolusyong

hindi lamang limitado sa gramatika at palaugnayan kundi

maging sa mga pahiwatig at pakahulugan. Ginagamit na ang

Filipino hindi lamang sa panitikan o sa Araling Panlipunan,

bagkus maging sa pagpapaliwanag ng agham at teknolohiya,

inhinyeriya at medisina, batas at matematika, at iba pang

larang. Bagaman ang Departamento ng Edukasyon (DepEd) ay

nagpalabas ng bagong kautusan hinggil sa pagsasakatuparan

ng Edukasyong Multilingguwal, ang nasabing patakaran ay

hindi basta-basta maipatutupad hangga’t hindi nababago ang

Saligang Batas. Kinakailangang baguhin muna ang probisyon

ng Saligang Batas hinggil sa bilingguwalismo na nagsasaad


35

na tanging Filipino at Ingles ang “mga opisyal na wika sa

komunikasyon at pagtuturo,” at ang KWF ay malaki ang

tungkulin sa pagpili kung aling hakbang ang makabubuti sa

pagsusulong ng anumang panukalang polisiya hinggil sa wika.

Maselang bagay ang pagbabago ng mga polisiya, kaya naman

dapat ding maging maingat ang Pangulo kung sino-sino ang

itatalaga sa Lupon ng mga Komisyoner ng KWF. Anumang

mungkahing patakaran o programang pangwika ang imungkahi ng

lupon, at siyang sang-ayunan ng Pangulo alinsunod sa

itinatakda ng Saligang Batas, ang iiral at dapat ipatupad

sa buong kapuluan. Ang kasaysayan ng KWF ay kasaysayan din

ng pagpupundar ng pambansang wikang Filipino. Tuwing

babalikan ang pinag-ugatan ng KWF, matutuklasan ang

salimuot ng politika at pakikibaka laban o pabor sa

Filipino. Gayunman, napatunayan ng Filipino na kaya itong

tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika

ng rehiyon, dahil ang komposisyon ng Filipino ay hindi

nalalayo sa naturang wika, kompara sa Ingles na sa kabilang

polo nagmumula.
36

Mga Probisyong Pangwika Saligang Batas

Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) Ang Wikang Tagalog

ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Saligang Batas ng 1935 Ang Kongreso ay gagawa ng mga

hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang

wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na

katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang

batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga

wikang opisyal.

Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat

gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na

adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na

tatawaging Filipino. Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987:

WIKA SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at

pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at

sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at

sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,


37

dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang

ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino

bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng

pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. SEK.7. Ukol sa mga

layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang

opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang

itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay

pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at

magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.

Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at

Arabic. SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa

Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing

wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng

wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t-ibang

mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at

magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad,

pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga

wika.
38

EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA

Disyembre 30, 1937 – iprinoklamang ang wikang Tagalog ang

magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang

proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.

1940 – ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa

ikaapat na taon sa lahat ng pampubliko at pribadong

paaralan at sa mga pribadong institusyong pasanayang

pangguro sa buong bansa.

Hunyo 4, 1946 – nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na

pinagtibay ng Pambansang Asambleya noong Hunyo 7, 1940 na

nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang

Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

1959 – ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 nanagsasaad na ang Wikang

Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang

mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang

Pambansa Batay sa Tagalog”.


39

1987 – Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod

sa Konstitusyon na nagtatadhanang “ang wikang pambansa ng

Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalu-halong

sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito’y

may nucleus, ang Pilipino o Tagalog.

EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO

Nang dumating ang mga Kastila, may sarili nang palatitikan

ang ating mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng

14 katinig at 3 patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng

alpabetong Romano.

1940 – binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20

titik: a, b, k, d, e, g, h, i, I, m, n, ng, o, p, r, s, t,

u, w, y.

Oktubre 4,1971 – pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang

pinayamang alpabeto, na binubuo ng 31 letra: a, b, c, ch,

d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, rr,

s, t, u, v, w, x, y, z

Matapos ang Repormang Ortograpiko, nabuo ang sumusunod na

Alpabetong Filipino, na may 28 letra: a, b, c, d, e, f, g,


40

h, i, j, k, I, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x,

y, z

2001 – muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino.

Itinaguyod nito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa

pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at

pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang

walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f,

j, ñ, q, v, x, z. Oktubre 9, 2006 – sa kahilingan ng KWF,

ang DepEd ay nagpalabas ng isang memorandum na

pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001

Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang

Filipino”. Agosto, 2007 – inilabas ng KWF ang borador ng

Ortograpiya ng Wikang Pambansa. Mayo 20, 2008 – inilabas ng

KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN, AT TUNGKULIN NG KWF

magbalangkas ng mga patakaran, mga plano, at mga programa

upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman,

pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga

wika ng Pilipinas; magpalaganap ng mga tuntunin, mga


41

regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang mga

patakaran, mga plano at mga programa nito; magsagawa o

makipagkontrata sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-

aaral upang isulong ang ebolusyon, pagpapaunlad,

pagpapayaman at sa dakong huliý istandardisasyon ng

Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang

pagtitipon at pagsasaayos ng mga akda para sa posibleng

paglalakip nito mula sa multilinggwal na diksyunaryo o ng

mga salita, mga parirala, mga idyom, mga koteysyon, mga

salawikain at iba pang mga wika na sa kasalukuyan ay

karaniwang ginagamit o nakasama na sa lingua franca;

magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga

anyuing lingguwistiko at mga ekspresyon sa lahat ng opisyal

na mga komunikasyon, publikasyon, teksbuk, at iba pang

materyales sa pagbasa at pagtuturo;

ganyakin at itaguyod – sa pamamagitan ng sistema ng mga

insentibo, mga grant at award ang pagsulat at paglalathala

sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas, ng mga


42

obrang orihinal, pati na mga teksbuk at mga materyales na

reperensiya sa iba-ibang disiplina;

lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng

pagsasalingwika na gaganyak sa pamamagitan ng mga

insentibo, magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin

sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas ng

mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ng

mga grupong etnolinggwistiko, mga batas, resolusyon at iba

pang mga aktang lehislatibo, executive issuances, mga

pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga dokumentong

opisyal, mga teksbuk at mga materyales na reperensiya sa

iba-ibang disiplina at iba pang mga dayuhang materyales na

maaaring ipasyang kinakailangan sa edukasyon at para sa iba

pang mga layunin; tawagan ang alin mang department, byuru,

opisina, ahensya o alin mang kasangkapan ng pamahalaan o

pribadong entidad, institusyon o organisasyon para sa

kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, mga

tungkulin at mga pananagutan nito;


43

mangasiwa, sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal, ng mga

pagdinig publiko, mga komperensya, mga seminar at iba pang

mga talakayang panggrupo upang alamin at tumulong sa

paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa

pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at

iba pang mga wika ng Pilipinas; bumalangkas at maglagda ng

mga patnubay, mga istandard at mga sistema para sa

pagmomonitor at pagrereport ng tungkol sa pagganap nito sa

antas nasyonal, rehiyonal at lokal; at isumite sa Tanggapan

ng Pangulo at sa Kongreso ang taunang progress report

tungkol sa implementasyon ng mga patakaran, mga plano at

mga programa; humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng

umiiral na mga batas, ng mga opisyal at mga empleado nito

at ng iba pang mga tauhang kakailanganin para sa mabisang

pagganap ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan

nito; at itiwalag sila dahil sa malubhang kadahilanan;

organisahin at reorganisahin ang istruktura ng Komisyon,

lumikha o bumuwag ng mga posisyon, o magpalit ng

designasyon ng umiiral na mga posisyon upang matugunan ang


44

nagbabagong mga kondisyon o kailanman at dumarating ang

pangangailangan, sa pasubali, na ang naturang mga pagbabago

ay hindi makaaapekto sa istatus ng mga nasa puwesto, ibaba

ang kanilang mga ranggo, bawasan ang kanilang mga sahod o

magresulta sa kanilang pagkatiwalag sa serbisyo;

gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa

epektibong paggamit ng naturan sa unahan na mga

kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at mga

pananagutan.

Dayuhang Literatura

Mga Pag-aaral mula 1898-1998

Iilang pag-aaral ng mga dayuhan. Ang Gramatica Bisaya

(Guillen), Diccionario de idiomas Filipinos (Blumentritt),

Vocabulario Pangasinan-Castellano (Austria Macaraeg) ay

iilan sa mga pag-aaral noong 1898. Ang siyentipikong pag-

aaral sa wika ay nagsimula pagdating ng mga Amerikano. Ang

mga mahalagang pag-aaral sa panahong ito ay isinagawa nina

Cecilio Lopez, Morice Vanoverberg, Otto Scheerer, Hermann

Costenoble, Carlos Everett Conant, Frank R. Blake, and


45

Leonard Bloomfield. Ang anim na artikulo ni Costenoble ay

tungkol sa mga salitang ugat na binubuo ng isang pantig

lamang (monosyllabic), sa pagkakaiba at pagkakahawig ng mga

tunog sa iilang major na wika sa Pilipinas, at ikinumpara

rin niya ang mga pandiwa sa mga wikang ito. Si Otto

Scheerer ay maraming naisulat, simula ng 1909 hanggang

1932, tungkol sa mga wika sa hilagang Luzon --Kalinga,

Ilongots, Isinai, Batak, Isneg, at Bontoc. Si Vanoverbergh

ay sumulat ng gramatika at diksyonaryo ng Iloko, mga

etnograpiyang pag-aaral ng mga Isneg at Kankanay. Si Conant

ay may mga sampung pag-aaral tungkol sa mga wika ng

Pilipinas mula 1908 hanggang 1916. Kabilang na rito ang mga

pag-aaral sa ponolohiya ng Turirai (1913); ang ebolusyon ng

"pepet vowel" sa 30 wika sa Pilipinas; ang mga tunog na "f"

at "v" sa iilang wika sa Pilipinas; at ang correspondence

ng mga tunog na R-G-H-Y-NULL at R-L-D-G sa mga wika sa

Pilipinas--na kung saan iklinasipay niya ang mga wikang

Tagalog, Bikol, Bisaya, Ibanag, Magindanao, Tausug, at

Bagobo bilang "g-languages," ang Ilokano at Tiurai,"r-

language," ang Pangasinense, Kankanai, Ibaloy, Bontoc, at


46

Kalamian "l-languages," at ang Kapampangan, Ivatan, Sambal,

"y-languages." Tiningnan rin niya ang ebolusyon ng tunog na

/l/ sa Indonesia sa Tagalog, Bisaya, Bontok, Kankanay,

Samal, Mandaya, Isinai, Sambali, Inibaloi, Ivatan, at

Ilongot. May mga pag-aaral rin siya tungkol sa gramatika ng

wikang Isinai at sa mga salitang ugat sa Kapampangan na

naging monosyllabic. Si Blake ay sumulat ng mga 15 na

artikulo tungkol sa mga wika ng Pilipinas mula 1911

hanggang 1950, ang pito nito ay tungkol sa wikang Tagalog.

Ang kanyang gramatika sa wikang Tagalog ay tinagurian ni

Constantinobilang pinakamahalagang kontribusyon ni Blake sa

linggwistiks sa Pilipinas. Ang gramatikal na pagsusuri ni

Bloomfield sa wikang Tagalog ay ang pinakamagaling na

naisagawa sa anumang wika sa Pilipinas ayon kay Cecilio

Lopez. Malaki ang naiambag nito sa pag-aaral morpolohiya at

sintaks sa Tagalog. Maliban dito, sinuri din ni Bloomfield

ang sintaks ng Ilocano. Kabilang sa mga dayuhan na nag-

aaral sa mga wika sa Pilipinas si John U. Wolff ng

Unibersidad ng Cornell. Cebuano ang kanyang

espeyyalisasyon. Sumulat siya tungkol sa morpolohiya,


47

sintaks ng Cebuano at ng mga pedagodyikal na libro. Lumabas

noong 1972 ang kanyang diksyonaryo ng Cebuano Visayan. Isa

pang iskolar sa mga wikang Bisaya ay si David Zorc na

siyang nagklasipay ng mga wikang Bisaya at gumawa ng

rekonstruksyon sa mga ito (1975). Gumawa din ng gramar sina

Dubois sa Sarangani Manobo, Wolfenden sa Hiligaynon, Bell

sa Cebuano, Eyestone sa Ilocano. Ang iilan sa mga wika na

nagawan ng gramar, diksyonaryo o bokabularyo mula 1898

hanggang sa kasalukuyan at ang mga dayuhang iskolar na

gumawa ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: Abaknon,

Pallesen; Agta: Central Cagayan, Oates at Oates, Mayfield

at Mayfield; Dupaninan Agta, Nickell at Nickell; Agutayen,

Hendrickson atbp; Aklanon, Zorc; Bikol, Mintz, McFarland;

Balangao-Ilocano-Pilipino, Shetler; Bantoanon, Hindrickson

at Kilgour; Batak -Mayer at Rodda, Warren; Binukid,

Gardner; Bukidnon, Lynch, Gardner at Post; Bilaan, Word;

Sarangani Blaan, Blackburn; Koronadal Bilaan, Rhea at Rhea;

Bolinao, Persons at Persons; Bontok, Reid;Barlig Bontoc,

Gunther; Buhid, Hanselman atbp; Dumagat -Casiguran Dumagat,

Headland at Headland; Umiray Dumagat, Macleod atbp;


48

Ga’dang, Troyer, Forfia at Walrod; Hanunoo, Conklin;

Hanunoo-Mangyan-Ambahan, Postma; Ibaloi, Ballard, Conrad at

Longacre; Ibanag, Santo Tomas; Ibatan, Maree at Maree,

Larson; Ifugao -Batad, Newell at Newell; Amganad Ifugao,

West at Madrid; Kiangan Ifugao, Barton; Ifugaw, Beyer at

Lambrecht; Mayoyao Ifugao, Hodder at Kerley; Tuwali Ifugao,

Hohulin at Hohulin; Igorot -Bontok Igorot -Clapp,

Seidenadel, Waterman; Lepanto Igorot, Vanoverbergh; Sagada

Igorot, Scott, Eggan; Ilocano -Williams, Williams at Gaces,

Yamamoto (English-Ilocano-Pangasinan-Japanese), Eyestone;

Ilongot, Fox; Iraya, Page at Dombre; Itawis, Richards at

Richards; Itbayaten, Yamada; Binogan Itneg, Walton. Kalagan

-Kagan Kalagan, Wendel atbp. Tagakaulo Kalagan, Murray at

Murray; Kagayanen, Huggins at Pebley, MacGregor at

MacGregor; Kalinga -Timog Kalinga, Grayden; Pilipino-

Ilokano-Timog Kalinga, Grayden atbp.; Guinaang Kalinga,

Gieser; Limos Kalinga, Wiens at Wiens; Upper Tanudan

Kalinga, Brainard; Lower Tanudan Kalinga, Thomas at Thomas;

Kankanay, Allen at Allen; Northern Kankanay, Wallace;

Keley-i Kallahan, Hohulin at Hohulin; Maguindanao -Porter,


49

Fleischman, Moe; Mamanwa, Miller at Miller; Mandaya:

Dibabaon Mandaya, Bernard at Forster; Mangyan -Gardner,

Barbian; Manobo -Sarangani Manobo, Dubois; Central

Mindanao, Western Mindanao Manobo, at Bukidnon Manobo,

Elkins at Elkins; Cotabato Manobo, Errington atbp; Obo

Manobo, Khor atbp; Agusan Manobo, Schumacher; Ilianen

Manobo, Wrigglesworth; Mansaka -Thomas at Thomas, Svelmoe

at Svelmoe; Maranao -Laubach at Zwickley, Hamm

atbp.,McKaughan at Macaraya; Masbatenyo, Wolfenden at

Wolfenden; Molbog, Thiessen at Thiessen; Negrito Tayabas,

Garvan; Palawano, Duhe at Duhe; Pampango -Parker, Forman;

Pangasinense -Rayner, Benton; Samal, Bartter, Tawitawi

Samal, Conklin; Sama -Sama Sibutu, Allison; Sama Japun,

Conklin, Forman; Pangutaran Sama, Walton atbp, Southern

Sama, Allison, Drake at Drake; Proto-Sama Badjaw, Pallesen;

Sama Balangingi, Diment atbp. Sama Abaknon, Jacobson at

Jacobson; Sambal: Botolan Sambal, Houck, Tina Sambal,

Goschnick; Sangir -Lightbody, Maryott atbp; Subanon

-Churchill, Frake, Brichoux at Brichoux; Western Subanen,

Hall at Hall; Sulu -McCutchen; Sulu-Malay-Yakan, Gunther at


50

Whitaker, Johnson; Tagabili -Lindquist, Forsberg, Maryott

atbp, Moran atbp, Porter at Hale; Tagalog -Anceaux,

English, Haynor, Ignashev (Ruso-Tagalog-Ruso), Kasai,

Neilson, Nigg, Bickford at Bickford, Wolff (Deutsch-

Tagalog); Tagbanua, Fox, Dubois, Green at Green; Taosug

-Link, Ashley at Ashley, Copet; Tiruray -Post at Strohsahl,

Schlegel, Wood, Thomas atbp; Visaya-Español -Alcazar,

Medalle y Zaguirre; Visaya-English -Allin, Cohen atbp.,

Hall at Custodio, Maxfield, Kaufmann, Lynch, Rafferty,

Jonkergouw at Mierhofer, Meiklejohn at Meiklejohn, Nelson;

Yakan, Sherfan, Behrens. May mga dayuhang iskolar din na

nagklasipay sa mga wika sa Pilipinas tulad nina Conklin,

Dyen, Thoma s at Healy, Chretien, McFarland, Pallesen,

Reid, Walton, Zorc. Mga pag-aaral ng mga linggwistang

Pilipino Si Cecilio Lopez ay ang pinakaunang linggwistang

Pilipino. Natapos niya ang kanyang Ph.D sa Linggwistiks sa

Unibersidad ng Hamburg noong 1928. Sinulat niya noong 1940

ang kanyang gramatika ng wikang Tagalog matapos iproklama

ang Tagalog bilang batayang wika sa wikang pambansa. May

mga humigit-kumulang 30 na pag-aaral ang naisagawa ni Lopez


51

tungkol sa mga ponolohiya, morpolohiya, sintaks ng mga wika

sa Pilipinas mula 1928 hanggang 1967. Tinalakay rin niya

ang leksikon sa Tagalog at Malay at ang pangkalahatang

katangian ng mga wika sa Pilipinas. Isa pang kilalang

linggwista sa Pilipinas ay si Ernesto Andres Constantino.

May mga 11 na artikulo kanyang naisulat mula 1959 hanggang

1970. Isinulat niya noong 1964 ang "Sentence patterns of

the ten major Philippine languages" na naghahambing sa

istruktura ng mga pangngusap sa Tagalog, Waray, Bikol,

Cebuano, Hiligaynon, Tausug, Ilokano, Ibanag, Pangasinense,

Kapampangan. Sa 1965 lumabas ang kanyang "The sentence

patterns of twenty-six Philippine languages." Tinatalakay

dito ang uri ng mga pangungusap batay sa mga istruktura na

bumubuo nito at ang mga kaukulang transpormasyon.

Ikinumpara rito ang mga major na wika at ang iilang maynor

na wika tulad ng Abaknon, Bolinao, Botolan, Isinai,

Itbayat, Itneg, Ivatan, Malaweg, Manobo, Sama Bangingi,

Igorot, Tausug, Ternate, Tingguian, Ylianon, at Yogad.

Noong 1970 ay sinulat niya ang "Tagalog and other major

languages of the Philippines" na naglalahad ng deskripsyon


52

at ebalwasyon sa mga naisagawang pag-aaral sa linggwistika

ng Pilipinas mula sa panahon ng mga Kastila hanggang 1970.

Lumabas ang pre-publication na isyu ng kanyang English-

Filipino Dictionary noong 1996 at noong 1997 naman ay

lumabas ang Diskyonaryong Filipino-Ingles. Bukod nito

nasulat rin niya ang sumusunod na mga bilinggwal na

diksyonaryo sa Ingles at Ilocano, Aklanon, Bikol, Cebuano,

Kapampangan, Kinaray-a, Pangasinan, Romblomanon, Sambal,

Waray-waray, Tausug, at ang Comparative dictionary of

Tagalog. Si Consuelo Joaquin. Paz ay sumulat ng deskripson

at ebalwasyon sa mga naunang pag-aaral sa humigit-kumulang

50 na maynor na wika sa Pilipinas, kabilang na nito ang

Agta, Aklanon, Binukid, Dibabaon, Itbayat, Kankanay,

Kalinga, Kinaray-a, Mansaka, Mamanwa, Manobo, Tagakaolo,

Tagabili, Tausug,Yogad. Kasali rin ang Bagobo, Bontoc,

Bilaan, Chavacano, Kuyunin, Dumagat, Gaddang, Ibanag,

Ifugao, Ilongot, Isinay, Itawis, Ivatan, Magindanao,

Maranao, Mangyan, Nabaloi, Sambal, Sangir, Subanon,

Tiruray, Tagbanwa, at Yakan. Isa pang malaking ambag ni Paz

sa linggwistika sa Pilipinas ay ang kanyang historikal na


53

pag-aaral na pinamamagatang "A Reconstruction of Proto-

Philippine Phonemes and Morphemes" (1981). Si Fe Otanes ang

katuwang na awtor ni Paul Schachter sa pagsulat ng

gramatika ng wikang Tagalog (1972) na nakatulong sa

maraming iskolar sa larangang ito. Sumulat din ng gramar sa

Ivatan si Hidalgo at Hidalgo; si Barlaan sa Summer

Institure of Linguistics (SIL) sa Isneg; si Bunye at Yap,

Luzares at Rafael, Doroteo, at Trosdal sa Cebuano. Si Viray

ay may ginawa ring komparatib na pag-aaral sa mga gitlapi

sa mga wika sa Pilipinas Si Teodoro Llamzon ay gumawa rin

ng pag-aaral sa ponolohiya at sintaks ng Tagalog. Nalimbag

ang dalawa niyang klasipikasyon sa mga wika sa Pilipinas

(1966 at 1969). Maliban dito ay tinuonan din niya ng pansin

ang debelopment ng pambansang wika at ang pagplano nito.

May mga ilang artikulo din siyang naisulat tungkol sa

pagtuturo ng wika. Ang iilan sa mga iskolar na tumatalakay

sa mga palisi at pagpaplano ng wika at sa wikang pambansa,

bilinggwalismo at nasyonalismo ay sina Andrew B. Gonzalez,

Bonifacio P. Sibayan, Pamela C. Constantino. Sina Ma.

Lourdes Bautista, Emy Pascasio, Jonathan Malicsi, Zeus


54

Salazar, Casilda Luzares ay nagbibigay pansin naman sa

sosyolinggwistiks. Sa larangan ng leksikograpiya, maraming

Pilipinong iskolar ang namumukod. Isa na rito si Jose Villa

Panganiban na sumulat ng mga diksyonaryong sumusunod:

English-Tagalog vocabulary (1946), Talahulugang Tagalog-

Ingles (1952-64), Tesauro diksiyonaryo Ingles-Pilipino

(1965-66), Talahulugang Pilipino-Ingles (1966), Concise

English-Tagalog dictionary (1969), Diksiyunaryong Pilipino-

Ingles (1970), Diksyunaryo-tesauro Pilipino-Ingles (1972),

Comparative semantics of synonyms and homonyms in

Philippine languages (1972). Si Julio Silverio ay gumawa ng

mga diksyonaryo sa Ingles-Pilipino-Ilocano, Ingles-

Pilipino-Pangasinan, Pampango-Pilipino-Ingles noong 1976;

Pilipino-Pilipino, Bicolano-Pilipino-Ingles, Ingles-

Pilipino-Bicolano noong 1980. Si Mario Tunglo ay gumawa ng

trilinggwal na diksyonaryo sa Ingles-Pilipino at Ilocano,

Bicolano, Cebuano, Ilongo, Maranao, Pampango, Pangasinan,

Waray at ng bilinggwal Ingles-Pilipino, Pilipino-Ingles

mula 1986 hanggang 1988. Ang iba pang mga diksyonaryo na

nagawa ng mga Pilipinong iskolar sa panahong ito ay ang mga


55

sumusunod: Tagalog/Pilipino -Tagalog-Ingles o Ingles-

Tagalog -Anacleto, Buhain, Daluz, Jacobo, Ignacio, Laya at

Laya, de Leon, Mallari at Tablan, Aldave-Yap, Manalili,

Macapinlac at de Dios; English-Tagalog-Spanish, de Guzman

atbp, Ignacio; Kastila-Tagalog, Paglinawan; Nippongo-

Pilipino, Verzosa; English-Tagalog-Ilokano -Calderon,

Calip, Calip at Resurrection, Silverio, Dagdagan, Cacdac at

Cacdac; Ingles-Español-Ilocano-Pangasinan, Garcia; English-

Tagalog-Ilokano-Visayan, Dizon; Español-Ilocano -Pacifico;

Cebuano -Bas, Bunye at Yap, Cabonce, Cuenco, Custodio,

Trosdal; English-Visayan-Spanish, Gullas; English-Visayan-

Tagalog, Hermosisima at Lopez, Rudifera, Guerrero,

Jamolangue; Bikol -Belen, Imperial; Ingles-Bikol-Castila,

Dato; Pampango-Castellano-Ingles -Dimalanta atbp; English-

Tagalog-Pampango, Manalili at Tamayo; Hiligaynon-English

-Maroma, Motus; English-Tboli-Pilipino-Hiligaynon,

Gendulan; Waray-waray-Pilipino, Andrada; Subanu-Visayan-

Spanish-English, Lagorra; Sindangan Subanon-Cebuano-

Pilipino-English, Guilingan atbp; Matigsalug Manobo,

Manuel; Bilaan, Macabenta; Gaddang -Calimag; Tausug, Usman;


56

Chabacano-English-Spanish, Camins at Riego de Dios. Lumabas

noong 1995 ang komprehensibong English-Pilipino Dictionry

nila Vito C. Santos at Luningning E. Santos. Ito ay may

20,000 main entries na napaloob sa mahigit 1,600. Sa

larangan naman ng anthropological linguistics, si Dr.

Prospero R. Covar ay may pag-aaral tungkol sa Balarila ng

Wika (hindi pa nalimbag). Dito ay kanyang dinadalumat ng

kulturang Tagalog sa pamamagitan ng wika. Ang listahang ito

sa linggwistik na mga pag-aaral ay hindi kompleto. Gayun pa

man, maaring naipakita sa pamamagitan nito ang mga

debelopment sa pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas mula sa

panahon ng mga Kastila, sa rehimen ng mga Amerikano, at sa

kontemporaryong panahon kung saan ang mga Pilipino mismo

ang nag-aaral sa sarili nilang mga wika.

Linggwistiks at ang isyu ng wikang pambansa

Ang wikang pambansa ay matagal nang naging isyu sa kapuluan

ng Pilipinas na mayroong mahigit sa isangdaang

etnolinggwistikong grupo. Ang usaping ito ay nagsimula

noong 1908 pa kung kailan ipinasa ang panukalang batas na


57

nagtakda sa pagtatag ng Institute of Philippine languages

at ang pagsasanay sa mga guro sa gawaing ito. Tinanggihan

ito sa Asembleya sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si

Leon Ma. Guerrero na nagpahayag sa kanilang desisyon na

wikang dayuhan, sa halip na katutubong wika, ang tugon sa

pangangailan ng isang komon na wika sa Pilipinas. Gayun pa

man, iminungkahi ni G. Butte, ang ex-officio na Kalihim sa

Instruksyong Pampubliko noong 1931, na gamitin ang

bernakular bilang wikang pangturo sa mga antas I hanggang

IV sa elementarya. Itinaguyod ito ni Representante Manuel

V. Gallego sa kanyang pagpasa sa Panukalang Batas Bilang

588 na nagtakda sa wikang bernakular bilang wikang panturo

sa elementarya at sekondarya sa lahat ng paaralang

pampubliko. Tinalakay ang isyu ng wikang pambansa sa

Kombensyong Konstitusyonal noong 1935 at itinakda sa

Seksyon 3 Artikulo XIII ang pagdebelop ng isang wikang

komon batay sa mga sinasalitang wika sa Pilipinas. Tinatag

ang National Language Institute noong Nobyembre 13, 1936

alinsunod sa Commonwealth Act Bilang 184 at inatasang

gampanan ang isinasaad sa Sek. 3 Art XIII. Noong 1937


58

inirekomenda ng Institute ang Tagalog bilang wikang

pambansa. Tinawag itong Pilipino ng Kagawaran ng Edukasyon

noong 1959. Sa pasukan ng taong 1974-75, gradwal na

ipinatupad ang paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo

sa mga sabjek na Rizal at Kasaysayan sa mga unibersidad at

kolehyo. Inumpisahan ng Board of National Education noong

Agosto 7, 1973 ang bilinggwal na programa sa edukasyon

--ang paggamit sa bernakular sa Grade I at II, Pilipino sa

Grade III at IV, at Pilipino at Ingles sa hayskul at

kolehyo. Itinakda sa Konstitusyon ng 1973 na itaguyod ng

National Assembly ang pagdebelop at ang pormal na

pagtanggap sa komon na wikang pambansa na tinaguriang

Filipino. Itinakda rin sa Konstitusyon ng 1987 na ang

wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino; habang ito ay

nililinang, dapat itong payamanin at palaguin batay sa mga

wikang ginagamit sa Pilipinas. Ano ba ang Filipino? Ito ba

ay Pilipino o Tagalog? Ito "ang tinatawag naming lingguwa

prangka o Filipino" (Constantino, 1966: 180), "ay isang

wikang kompromiso," (Atienza, 1996), "ang kulturang popular

na nagmula sa Metro Manila at pinalaganap sa buong


59

kapuluan" (Flores, 1996), "ang English-Tagalog code switch

(Cruz, 1997). Kapansin-pansin ang pagkakaisa ng mga pahayag

na ang Filipino ay ang kasalukuyang lingua franca sa Metro

Manila na lumalaganap sa mga sentro ng mga rehiyon sa

pamamagitan ng radyo, telebisyon, diaryo, sa mga kanta ng

mga lokal na rock band. Ginagamit na rin ito bilang wika sa

akademya. May kaibhan ba ang Filipino sa Pilipino?

Ipinahayag ni Dr. Ernesto Constantino ang kaibhan sa

dalawa: (1) Mas marami ang tunog o ponema ng Filipino; (2)

magkaiba ang ortograpiya nila; (3) maraming hiram na

salitang Ingles ang Filipino; (4) iba ang gramatikal na

konstruksyon sa Filipino. Hindi maipagkaila ang kahalagahan

ng linggwistiks sa pagdebelop ng wikang pambansa. Ang

syentipikong pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas ay

mahalagang hakbang tungo sa isang komon na wika. Ang

pagsusuri ng mga cognate set sa iba’t ibang wika ay

magbibigay ng komon na leksikon. Ang paghahambing ng mga

tunog ay magpapalawak ng saklaw sa ponolohiya. Ang

pagsusuri ng mga morpema -mga salitang ugat at mga panlapi,

sa iba’t ibang wika ay magpapaunlad at magpapayaman sa


60

pambansang wika. Ang pagkukumpara sa sintaks ay maglalahad

ng lalong akmang kabagayan sa mga konstruksyon na napaloob

sa isang pangungusap At dahil ito ay katipunan ng mga wika,

itataguyod ito ng mga etnolinggwistikong grupo. Yayabong at

uunlad ang wikang pambansa sa pamamagitan ng linggwistiks.

Marami nang pag-aaral ang naisagawa sa linggwistiks sa

Pilipinas mula 1898 hanggang 1998. Guyun pa man, marami pa

ring pag-aaral ang dapat isagawa sa larangan ng

morpolohiya, semantiks, sosyolinggwistiks,

sikolinggwistiks, dayakronik o ebolusyon at pagbabago ng

mga wika, at maging sa ugnayan ng wika at kultura.

Kailangan rin ang komaparatib na pag-aaral upang maisulong

ang wikang pambansa na maituring na talagang hango sa iba’t

ibang wika sa Pilipinas.


61

Tsapter 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ng pag-aaral ay naglalaman mg

disenyo ng pananaliksik, hanguan ng datos, mga respondente,

instrumentasyon, at pangangalap at mga kagamitan sa

pagsusuri ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Gumamit ng deskriptiv na paraan ng mananaliksik sa

kasalukuyang pag-aaral.

Ito ay deskriptiv dahil tinangka nitong ilarawan

ang kinalabasan ng ginawang survey sa mga Dagupeno tungkol

sa kahiligan nila sa pag sasalita ng wikang tagalog.

Tinawag itong deskriptiv sa paraang paglalakap ng mga

deskriptiv na impormasyon sa internet.

Unang ginawa ang paglilikom ng mga survey at

paghahanap ng mga dagupenong respondente na maaring sagutin

ang mga katanungan tungkol sa kahiligan nila sa Wikang

Tagalog. Pagkatapos namin malikom ang mga talatanungan mula


62

sa mga respondente aming inisa isa ito. Matapos isa-isahin

ang mga talatanugan, pinaghambing at inalam ang

pagkakaibang sinagot ng mga respondente sa katanungan.

Pagkatapos pag hambingin ay agad nakakuha ng Resulta ang

mga Datos na nakalap.

Hanguan ng Datos

Ang mga kailangang datos sa pag-aaral pananaliksik

na ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang sampung dagupenong respondente na sasagot sa mga

talatanungan at magbibigay ng kanilang saloobin sa

pamamagitan ng pag sagot sa talatanugan na Oo, Hindi, o

Siguro. Kailangan ang dalawampung dagupenong respondente

upang makagawa ng resulta sa kalalabasan ng pananaliksik.

At sa mga napiling respondente mangagaling ang mga datos na

kung saan ay nakalap upang maging resulta ng datos.

2. Ang resulta ng survey ng mga respondente sa mga

talatanungan tungkol sa kahiligan nila sa pagsasalita ng

Wikang Tagalog.
63

3. Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga

napiling tao na nakatira ng matagal sa dagupan.

Instrumentasyon at Pangangalap ng Datos

Naisagawa ang pinal na resulta ng survey at pagsusuri

sa mga sagot ng sampung dagupenong respondente mula sa mga

nakalap na datos sa katanungang: kahiligan ng mga dagupeno

sa Wikang Tagalog, sa pamamagitan ng mga sumusunod na

instrumento at pangangalap ng mga datos.

1. Sampung respondeteng sumagot sa mga talatanungan sa

kahiligan sa pag sasalita ng wikang tagalog.

2. Talatanungan upang makalakap ng mga datos na kung saan

ay makakatulong sa pag papalawak ng mga ideya at bilang

suporta sa mga datos na nakalap mula sa mga respondenteng

dagupeno tungkol sa kahiligan ng mga dagupeno sa pag

sasalita ng Wikang Tagalog sa Dagupan City.

3. Talatanugan para suriin ang ginawang suvey sa sampung

dagupenong naging respondente sa pananaliksik batay sa mga

katangian nito: a. Tunog, b. Masistemang Balangkas,

c. Kultura at Tradisyon.
64

Matapos makalap ang mga talatanungan, inalam ang

pagkakaiba ng pagususuri ng mga respondente sa naggawang

talatanungan ng sampung dagupenong respondente batay sa mga

katangian nito: a. Tunog, b. Masistemang Balangkas,c.

Kultura at Tradisyon.

Pagsusuri ng mga Datos

Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng simpleng

pagsusuring istadistika.

1. Ginamit ang pormulang weighted mean para masagot ang

suliranin bilang 1.

WM= ∑wX
∑w

kung saan ang:

WM = Weighted Mean

∑wX = the weighting factor multiplied by

the observed phenomenon

∑w = sum of all weighting factors


65

2. Ginamit ang mga sumusunod na pormula para masagot ang

suliranin bilang 3.

Source of Variation

CF= (∑x)2
N
Ssw= Sst-Ssg

F= S12
S22

∑X -CF
SSt= 2

Kung saan ang:

CF = Correction Factor

SSt = Sum of Squares

SSwithin2 = Sum of Squares in group

Ssw = Sum of Squares within Groups


66

F = Anova Value

You might also like