You are on page 1of 3

Pangalan: Lester Khiets Roa Seksyon: BSCE 2-A

Ating makikita ang paglaganap ng memes sa pag-usbong ng social media.


Kadalasan ay tinatawanan natin ito sapagkat ang mga ginagamit na mga salita at
konsepto sa pagawa ng meme ay nakakatawa. Ngunit, lingid sa ating kaalaman na hidi
lamang pagpapatawa ang nais ipahiwatig sa ating ng mga meme na ito. And bawat meme
ay may tinatagong mensahe na minsan magpapamulat sa atin sa tunay na nangyayari
sa mundo. Maraming layunin ang meme at kabilang na ditto ang pagiging midyum sa
komparatibong pagsususri sa pagkakaiba ng kultura ng Pilipinas at Amerika.
Ang mga sumusunod na larawan ay mga halimbawa ng meme na nagpapahiwatig
ng pagkakaiba ng kultura ng Pilipinas at Amerika. Susubukan nating bigyan ng
interpretasyon ang bawat meme kung ano ang nais nitong iparating sa madla.

Noon pa man, nakasanayan na ng


mga Pilipino ang gawing batayan ang
mga pamahiin or paniniwala upang
maging gabay sa kanilang
pagpapaliwanag sa mga pangyayari sa
paligid katulad nalang ng nasa meme na
ito. Agad-agad na bumuo ng konklusyon
na baka ang sanhi ng aksidente ay ang
white lady na pinaniniwalaan nilang
nagpapakita sa daan na iyon. Kahit
walang tunay na ebidensiya ay ginagamit
pa rin natin ito upang maipaliwanag at
mabigyang kasagutan ang mga
pangayayari kahit ito ay hindi naman
totoo at hindi naman ang naging dahilan
ng pagka-aksidente. Hindi kagaya ng
mga taga-amerika na isinasantabi nila
ang kanilang mapamahiin na mga paniniwala at bumabase ang kanilang
pangangatuwiran at pagpapaliwanag sa mga pangyayari sa totong kaganapan at sa mga
ipinakitang ebidensya. Ang iba’t ibang paniniwala sa mga kasabihan at pamahiin ay
bahagi na ng ating kulturang Pilipino at ito ay naiimpluwensyahan ang ating
pangangatwiran at pagpapaliwanag sa mga nagaganap sa ating paligid na kung minsan
nagbibigay takot sa mga tao.
Pangalan: Lester Khiets Roa Seksyon: BSCE 2-A

Isa sa mga ugali ng mga Pilipino na


aking palaging napapasin ay ang
pagpapagaan ng mga bagay-bagay at
sitwasyon. Makikita natin na sa halip na
tawagin niya itong kaaway, gumamit sya
ng kabaliktaran nito at inilarawan nito na
bestfriend. Sa ganitong paraan
napapagaan ang tensiyon ng damdamin
ng kanyang kaibigan at maging daan
upang lumikha ng ngiti sa kanyang
mukha. Hindi kagaya ng sa amerika na
kung ano ang kanilang makikita ay iyon
ang kanilang sinasabi kahit alam nila na
puwede itong maging sanhi ng problema. Tayong mga Pilipino ay natural na mapagbiro
kung kaya hindi natin tinatanaw ang mga pangyayari sa literal nito na anyo, sa halip ay
ginagawa nating katatawanan ang mga bagay na nagsasanhi ng pagpapagaan ng
damdamin.

Tayong mga Pilipino ay mahilig


mang-asar kapag tayo ay nagkikita-kita
sa isat-isa lalo na kapag may mga
okasyon. Sa tuwing may reunion tayong
dinadaluhan, sa halip na tayo ay
salubungin ng pagbati, tayo ay
sinasabihan ng mga mapang-asar na
mga salita kagaya nalamang nito sa pag-
alala at paglarawan sa mga ‘di
makakalimutang pangyayari na naganap
noon. Sa ating mga Pilipino, ito ay isang
malaking bagay sa pagpapahayag ng
damdamin na sila ay nakikilala at malugod na sinasalubong. May mga gawi at salita
tayong hindi palaging nasa pormal na anyo ngunit nagbibigay ng nagpapabatid ng
pagtanggap at pagrespeto.
Pangalan: Lester Khiets Roa Seksyon: BSCE 2-A

Nasa ugali na ng mga Pilipinog


ina na magalit at magkaroon ng
pagsabog ng emosyon kapag nakikitang
nito sa pag-uwi na walang may nagbago
sa sitwasyon ng kanilang tahanan lalong
lalo na sa usapin ng paglilinis. Isa itong
paraan ng ating mga ina upang tayo ay
disiplinahin at matuto ng gawaing bahay
at hinahanda tayo sa ating kinabukasan
kapag tayo naman ang nagkapamilya.
Dagdag pa rito, likas sa mga Pilipinong
mga nanay na masinop at maasikaso sa mga gawi ng paglilinis ng tahanan kung kaya
maya’t maya na lang ang pagpapaalala sa atin sa mga bagay na ito sa pamamaraan ng
pagsigaw upang ang atensiyon natin ay mapukaw.

Karamihan sa ating kapwa Pilipino


kapag sinisingil ay nagagalit at paminsan
minsan ay malakas ang tono ng pagsasalita
kapag kinakausap ng taong inutangan.
Madalas na ginagamit ang pangungusap na
“kala mo di babayaran” para ipahiwatig sa
taong inutangan na kaya niyang magbayad
ngunit hindi lang sa ngayon. Isa itong
istratehiya upang mabaling ang atensyon ng
taong inutangan at mahihiya sa pagsingil.
Likas sa mga Pilipino ang pagiging mautak at
pagamit ng sitwasyon upang manipulahin ang ang pangyayari. Ipinapakita ng meme na
ito na maparaan talaga tayong mga Pilipino sa pagharap ng ating mga problema at mga
pinagdadaanan sa mga buhay.

You might also like