You are on page 1of 3

Pangalan: Lester Khiets Roa Seksyon: BSCE 2-A

Ating makikita ang paglaganap ng memes sa pag-usbong ng social media.


Kadalasan ay tinatawanan natin ito sapagkat ang mga ginagamit na mga salita at
konsepto sa pagawa ng meme ay nakakatawa. Ngunit, lingid sa ating kaalaman na hidi
lamang pagpapatawa ang nais ipahiwatig sa ating ng mga meme na ito. And bawat
meme ay may tinatagong mensahe na minsan magpapamulat sa atin sa tunay na
nangyayari sa mundo. Maraming layunin ang meme at kabilang na ditto ang pagiging
midyum sa komparatibong pagsususri sa pagkakaiba ng kultura ng Pilipinas at Amerika.
Ang mga sumusunod na larawan ay mga halimbawa ng meme na
nagpapahiwatig ng pagkakaiba ng kultura ng Pilipinas at Amerika. Susubukan nating
bigyan ng interpretasyon ang bawat meme kung ano ang nais nitong iparating sa
madla.

Noon pa man, nakasanayan na


ng mga Pilipino ang gawing batayan ang
mga pamahiin or paniniwala upang
maging gabay sa kanilang
pagpapaliwanag sa mga pangyayari sa
paligid katulad nalang ng nasa meme na
ito. Agad-agad na bumuo ng konklusyon
na baka ang sanhi ng aksidente ay ang
white lady na pinaniniwalaan nilang
nagpapakita sa daan na iyon. Kahit
walang tunay na ebidensiya ay
ginagamit pa rin natin ito upang
maipaliwanag at mabigyang kasagutan
ang mga pangayayari kahit ito ay hindi
naman totoo at hindi naman ang naging
dahilan ng pagka-aksidente. Hindi
kagaya ng mga taga-amerika na
isinasantabi nila ang kanilang
mapamahiin na mga paniniwala at bumabase ang kanilang pangangatuwiran at
pagpapaliwanag sa mga pangyayari sa totong kaganapan at sa mga ipinakitang
ebidensya. Ang iba’t ibang paniniwala sa mga kasabihan at pamahiin ay bahagi na ng
ating kulturang Pilipino at ito ay naiimpluwensyahan ang ating pangangatwiran at
pagpapaliwanag sa mga nagaganap sa ating paligid na kung minsan nagbibigay takot
sa mga tao.
Pangalan: Lester Khiets Roa Seksyon: BSCE 2-A

Isa sa mga ugali ng mga Pilipino


na aking palaging napapasin ay ang
pagpapagaan ng mga bagay-bagay at
sitwasyon. Makikita natin na sa halip na
tawagin niya itong kaaway, gumamit sya
ng kabaliktaran nito at inilarawan nito na
bestfriend. Sa ganitong paraan
napapagaan ang tensiyon ng damdamin
ng kanyang kaibigan at maging daan
upang lumikha ng ngiti sa kanyang
mukha. Hindi kagaya ng sa amerika na
kung ano ang kanilang makikita ay iyon
ang kanilang sinasabi kahit alam nila na
puwede itong maging sanhi ng problema.
Tayong mga Pilipino ay natural na mapagbiro kung kaya hindi natin tinatanaw ang mga
pangyayari sa literal nito na anyo, sa halip ay ginagawa nating katatawanan ang mga
bagay na nagsasanhi ng pagpapagaan ng damdamin.

Tayong mga Pilipino ay mahilig


mang-asar kapag tayo ay nagkikita-kita
sa isat-isa lalo na kapag may mga
okasyon. Sa tuwing may reunion tayong
dinadaluhan, sa halip na tayo ay
salubungin ng pagbati, tayo ay
sinasabihan ng mga mapang-asar na
mga salita kagaya nalamang nito sa pag-
alala at paglarawan sa mga ‘di
makakalimutang pangyayari na naganap
noon. Sa ating mga Pilipino, ito ay isang
malaking bagay sa pagpapahayag ng
damdamin na sila ay nakikilala at
malugod na sinasalubong. May mga gawi at salita tayong hindi palaging nasa pormal
na anyo ngunit nagbibigay ng nagpapabatid ng pagtanggap at pagrespeto.
Pangalan: Lester Khiets Roa Seksyon: BSCE 2-A

Nasa ugali na ng mga Pilipinog


ina na magalit at magkaroon ng
pagsabog ng emosyon kapag
nakikitang nito sa pag-uwi na walang
may nagbago sa sitwasyon ng kanilang
tahanan lalong lalo na sa usapin ng
paglilinis. Isa itong paraan ng ating mga
ina upang tayo ay disiplinahin at matuto
ng gawaing bahay at hinahanda tayo
sa ating kinabukasan kapag tayo
naman ang nagkapamilya. Dagdag pa
rito, likas sa mga Pilipinong mga nanay
na masinop at maasikaso sa mga gawi ng paglilinis ng tahanan kung kaya maya’t maya
na lang ang pagpapaalala sa atin sa mga bagay na ito sa pamamaraan ng pagsigaw
upang ang atensiyon natin ay mapukaw.

Karamihan sa ating kapwa Pilipino


kapag sinisingil ay nagagalit at paminsan
minsan ay malakas ang tono ng pagsasalita
kapag kinakausap ng taong inutangan.
Madalas na ginagamit ang pangungusap na
“kala mo di babayaran” para ipahiwatig sa
taong inutangan na kaya niyang magbayad
ngunit hindi lang sa ngayon. Isa itong
istratehiya upang mabaling ang atensyon ng
taong inutangan at mahihiya sa pagsingil.
Likas sa mga Pilipino ang pagiging mautak
at pagamit ng sitwasyon upang manipulahin
ang ang pangyayari. Ipinapakita ng meme na ito na maparaan talaga tayong mga
Pilipino sa pagharap ng ating mga problema at mga pinagdadaanan sa mga buhay.

You might also like