You are on page 1of 2

Ayon kay Melo Villareal (2020), ang Munisipalidad ng Oton ay isa sa mga lugar

kung saan umiiral ang lokal na industriya ng paghahabi. Ang Hablon ay isa sa mga sikat
na produkto na gawa mula sa paghahabi. Ang “Hablon” ay isang katutubong tela na
kasalukuyang nagkakaroon ng katanyagan sa industriya ng fashion dahil sa mataas na
pangangailangan ng mga tao sa mga tela na hinabi gamit ang tradisyonal na
pamamaraan (gawang-kamay). Ang Oton ay isa sa mga pinakamalaking komunidad ng
paghabi na gumagawa at nagbebenta ng mga produktong de-kalidad na pang-export
tulad ng tradisyonal na patadyong na palda, Barong Tagalog, saya, bandana, at mga
gamit sa bahay at mga bagong bagay tulad ng mga table runner, picture frame,
tsinelas, at seminar/corporate bag, at iba pa.

Ayon sa Fabriconlineph (2019), ang "Hablon" ay nagmula sa salitang habol, na


nangangahulugang "paghahabi ng kamay" sa Hilgaynon, Ilonggo. Ang mga
munisipalidad ng Miagao at Oton sa lalawigan ng Iloilo ay nananatiling pinakamalaking
hablon/weaving community na gumagawa at nagbebenta ng mga produktong de-
kalidad na pang-export na gawa sa makulay na hand-woven na tela. Ang Salngan
Livelihood Multi-Purpose Cooperative at Oton Handwoven products ay isa sa mga
institusyon at proyekto na isinusulong sa bayan ng Oton kung saan pinapanatili nila ang
pamamayagpag ng paghahabi sa ibang tao bilang isang kulturang popular. Ang
produksiyon ng Hablon mula sa paghahabi sa Oton ay nabigyan ng promotional boost
para ipakilala ang kultural na identidad ng mga Ogtonganons sa paghahabi ng
magagandang tela at maiparada ito sa iba’t ibang pagdiriwang partikular na ang
taunang fashion show sa Iloilo. Dagdag pa rito, ang industriya sa paghahabi ay naging
kaakibat ng mga Ogtonganons sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay particular
na aspeto ng kabuhayan, sosyal at mental na kalusugan.

Ayon sa Daily Guardian (2019), ang paghahabi ay tinuturing na isa sa


pinakamtaas na anyo ng sining na pagpapahayag sa Iloilo. Ang natatanging sining na
ito ay ipinasa mula sa henerasyon hanggang sa henerasyon at napanatili ang orihinal
nitong anyo. Ang mga tela ng hablon at patadyong ay manu-manong hinabi ng mga
dalubhasang manggagawa, na may mga disenyong naka-embed sa tela habang ito ay
nasa habihan. Maliban sa Miagao, Badiangan at Duenas, kabilang ang Oton sa mga
lugar sa Iloilo na mayroong mga dalubhasang manghahabi na gumagawa ng mga ibat’t
ibang malikhaing disenyo ng mga tela sa loob ng ilang taon.

https://myfabriconlineph.com/2019/11/21/sale-hablon-from-iloilo-colorful-textile/
https://outoftownblog.com/the-art-of-hablon-weaving-in-iloilo/
https://dailyguardian.com.ph/innovating-traditions-in-the-12th-indigenous-fiber-fashion-
fair/

You might also like