Professional Documents
Culture Documents
FPL Answer
FPL Answer
PAGSASANAY 2
KATANGIAN KO, SURIIN MO!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sipi ng akademikong sulatin na makikita
sakasunod na pahina. Sa tulong ng talahanayan, suriin ito batay sa mga taglay
nitong katangian.
TALAHANAYAN 1: KATANGIAN KO, SURIIN MO!
Pamagat ng Teksto:
Bionote ni Bienvenido Lumbera
Ang kontribusyon ni Bienvenido Lumbera sa
larangan ng sining at panitikan. Ipinakita rin ang
kanyang mga naging ambag sa pagsuporta sa
Paksa bansang demokrasya. Ipinakita na kahit marami
na syang naabot, hindi pa rin nya nakalimutan ang
kanyang pinanggalingan,at ginamit nya pa ang
kanyang talento upang makatulong na maipalaya
ang ating bayan.
B. Panuto Sagutin ang tanong nang hindi bababa sa limang pangungusap.
1. Ano ang akademikong pagsulat? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng
pagsulat? (5 puntos)
Ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na ginagawa ng mga iskolar
para sa mga iskolar. Nakalaan ito sa mga paksang interesante sa akademikong
komunidad at naglalahad ng importanteng argument. Ito ay intelektuwal na pagsulat
na naglalayong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga mambabasa. Ilan
sa mga katangian taglay nito ang pormal at piling-piling paggamit ng pananalita,
pagiging obhetibo, may paninidigan, may pananagutan, at may kalinawan. Ang
pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang
indibidwal.