You are on page 1of 1

WRITTEN WORK (WEEK 7 AND 8 )

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
I.Basahin at unawain ang mga tanong. BILUGAN ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
a. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
b. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
c. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.
d. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.
2. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?
a. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
b. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.
c. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing tira.
d. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.
3. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapagisip, “sa mga mahalagang
pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito;
a. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
b. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.
c. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya
d. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon
4. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa
iyong pasiya, kailangan mong…
a. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
b. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.
c. Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.
d. Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.
5. Ang higher good ay tumutukoy sa:
a. Kagandahang loob sa bawa’t isa
b. Kabutihang panlahat
c. Ikabubuti ng mas nakararami
d. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay
6. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?”
Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag
a. Mahirap maging isang bulag
b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
c. Hindi mabuti ang walang pangarap
d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay
7. Ang itinurong mga halaga ng mga magulang sa tahanan ay maaaring mawala sa isang iglap lalo na sa yugto ng
kabataan.
a. Tama, dahil nagiging malayo sila sa isa’t isa sa yugto ng kabataan
b. Tama, dahil maaaring mabag o ito ng mga impluwensya ng kapwa kabataan
c. Mali, dahil ito ay nakatanim na sa isip at puso ng mga kabataan
d. Mali, dahil hindi makikinig ang mga kabataan sa iba maliban sa kanilang mga magulang
8. Ang pagtatagumpay ay pinaghihirapan at dapat may pinaglalaanan
a. Magtakda ng pangarap para sa sarili
b. Maranasan ang kasiyahan sa pagtakda ng mithiin
c. Mas matamis ang pagkapanalo ng taong nagsikap para sa sarili at sa iba
d. Ang pagtagumpay ay daan para sa pagtulong sa iba
9. Ang pagtatagumpay ay pinaghihirapan at dapat may pinaglalaanan
a. Magtakda ng pangarap para sa sarili
b. Maranasan ang kasiyahan sa pagtakda ng mithiin
c. Mas matamis ang pagkapanalo ng taong nagsikap para sa sarili at sa iba
d. Ang pagtagumpay ay daan para sa pagtulong sa iba
10. Paanong maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?
a. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip
b. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin
c. Pinag-aralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing tira
d. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga

II. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng mga hakbang sa Paggawa ng Wastong
pasya tungo sa pagpili ng KURSO/TEKNIKAL O BOKASYONAL O PAGHAHANAPBUHAY. Isulat ang
MABUTI kung ito ay nagpapakita ng paraan tungo sa wastong pagpapasiya at MASAMA naman kung hindi.

____________1. Magkalap ng impormasyon


____________2. Piliin kung ano ang mataas ang sahod
____________3. Sundin ang opinion ng mga kaibigan
____________4. Ibatay ang pasya sa iyong kahinan
____________5. Piliin ang kursong naaayon sa iyong talent at kakayahan

You might also like