You are on page 1of 144

Isaac Montemayor

MONTEMAYOR SAGA: 2
First Generation
Old story/Classic

Montemayor Saga Presents...


"Sa Akin Ka Liligaya"
ISAAC MONTEMAYOR
Story By: JamilleFumah

CHAPTER 1

NAPATINGALA si Agatha sa makulimlim na kalangitan. "Mukhang uulan pa yata..." Naisaloob ng


dalaga.

Naglalakad na siya noon papasok sa looban kung saan sila nakatira. Galing siya noon sa
pinapasukang bokasyonal na paaralan, at ang kinukuha niya ay HRM.

Umaasa pa din kasi siya na makakatungtong siyang muli sa barko ng mga Montemayor. Sino nga ba
ang mag-aakalang sa edad niyang kinse noon ay nakatapak na siya sa prestihiyosong barkong iyon
nang libre? At hindi lamang iyon, nakapaglayag na din siya sa buong mundo sakay ng extravagant
cruise!

At iyon ay dahil sa nanay niya dating chambermaid ng mga Montemayor. Sinuwerte lamang noon
ang inay niya, at nasama siya sa swerteng iyon. Scholar na siya ng amo nito ay nakakapag-summer
job pa siya noon sa barko. Napakabuti ng mga naging amo nila kaya naman malaki ang utang na loob
nila sa mga ito. Naging magaan daw kasi ang loob sa kanya ni senyora Dorcas kaya hinayaan siya
nito. Gayun pa man, kahit na katu-katulong lamang siya doon ng nanay niya sa barko ay naging
napakasaya naman talaga niya!

Napahinto siya sa paglalakad ng bigla siyang may naalala...

Si Isaac!

Ang unang lalaking itinangi ng puso niya.

"Kumusta na kaya siya ngayon?" May sumilay na kakaibang ngiti sa mga labi niya pagkaisip sa
gwapong mukha ng lalaking naging kaibigan niya sa cruise.

Si Isaac Montemayor. Matanda lamang yata ito sa kanya ng isa o dalwang taon. Anak ito ng amo ng
nanay niya kung kaya't amo din nila ito. Noong una ay iniiwasan niya ito, subalit makulit ang binata.
Nais nitong makipag-kaibigan at sino ba siya para tanggihan ito?

Hindi nga nagtagal ay naging close silang dalawa. Pero hanggang doon lamang iyon. Kaibigan lang
talaga ang turing nito sa kanya.
Bakit?

Kasi hindi sila pantay ng katayuan sa buhay. Isa pa, napakalayo niya sa mga mayayaman at naga-
gandahang babae sa buhay nito upang mapansin siya ng binata ng higit sa kaibigan.

"May girlfriend na kaya siya? Sabagay, hindi pwedeng wala... Kasi bukod sa mayaman na siya ay
napa-gandang lalaki pa niya..." Bigla siyang nalungkot sa isiping iyon. "At pilyo pa!"

Di niya maiwasang umasa, lalo pa't nangako si Isaac na dadalawin siya nito. "Naaalala pa kaya ako
ng mokong na iyon?" Mukhang nakalimutan na nga siya ng kaibigan. Isang taon na din kasi silang
mahigit na walang komunikasyon eh. Nasira pa kasi ang 3310 niyang telepono.

Best friend kuno siya ng binata noon. Siya ang takbuhan nito kapag hinahabol ito ng mga flings
nitong babae sa barko. Anyway okay lang naman sa kanya ang pagiging pabling nito dahil wala
naman siyang karapatang magselos. Pero minsan hindi niya din lubos maisip kung bakit hindi siya
nito makita bilang isang magandang babae... Marahil dahil lagi siyang naka uniporme ng pang
chambermaid na maluwag sa kanyang katawan. Ang hilig kasi ni Isaac ay mga sexy at makikinis na
babae.

Sabagay, sino nga ba ulit siya para pangarapin ang isang Isaac Montemayor? Heller??? Isa lamang
siyang ordinaryong tao kumpara dito!

At ang matipuhan siya nitong kaibigan ay sobra-sobra na para sa kanya. Choosy pa ba siya?
Ambisyosa lang?

Napabuntung-hininga na lamang si Agatha. "Hay... Kaka-miss din ang buhay sa barko. Kung di
lamang nagkasakit ang inay ay marahil nakakasakay pa din ako sa cruise ngayong bakasyon... Kahit
pa sabihing utusan lamang din ako doon." Napangiti siya ng may panghihinayang.

Nagkasakit kasi ang nanay niya. Diabetic ito dagdag pa ang sakit nito sa matris na pina-operahan nila
kama-kailan lang. Dahil doon ay nagkalubog-lubog sila sa utang. Pero hindi sila nagsisisi, atleast
ligtas na ang nanay niya sa kamatayan.

Natanaw niya na ang kanilang two storey townhouse na kahit luma na ay masasabi pa ding may
dating. Malinis ang bakuran nila na punong-puno ng mga halaman ng nanay niya.

NAGTAKA si Agatha ng makitang umiiyak ang kanyang nanay sa may pintuan.

"Agatha..." Agad naman itong nagpahid ng luha ng matanawan na siyang paparating.

"`Nay ano ho bang nangyari?" Nag-aalalang pumasok na siya sa kanilang bakuran. Inalalayan niyang
makapsaok ang ina sa loob ng kanilang munting sala.

"Ang Tatay mo eh..." Napasigok ang kanyang nanay. "Naroon siya sa baranggay ngayon."

"Ho?!" Nagulat siya. “Eh,, bakit naman ho ba?" Naupo sila sa mahabang silyang kawayan.
"Si Aling Pacing eh... Iyong pinagkautangan natin ng pampagamot ko... Iyong pinangpa-opera ko
noong isang buwan, naniningil na." Di pa din maampat ang luha ng nanay niya.

“Eh,, Nay, magbabayad naman ho tayo ah!"

Nang biglang may magsalita sa gawing pintuan nila. "Narito na ako."

Napatayo si Agatha sabay salubong sa ama. "Itay!"

"Samuel!" Tumayo na din si Aling Galeng.

Mangiyak-ngiyak naman si Mang Samuel nang yakapin nito ang mag-ina niya. "Galeng! Agatha!"

"`Tay..." Napaiyak na din si Agatha sa balikat ng ama.

"Baon na baon na tayo sa pagkaka-utang... Nakasangla pa ang lupa na kinatitirikan ng ating bahay.
Maari na din itong mailit ng bangko ano mang araw..." Wika nito.

"Itay... Hihinto ho muna ako sa pag-aaral..." Suhestiyon niya. "Maari ho akong magtinda o tumulong
sa inyo sa palengke..."

Umiling si Samuel. "Anak, patawad. Kahit huminto ka sa pag-aaral mo at tumulong ka sa trabaho sa


palengke ay hindi pa din sasapat." Malungkot na saad nito.

Todo iling naman siya. "`Tay, hindi ho pwedeng mailit ang lupa natin. Iyan na lang ang meron
tayo ,eh dugo't pawis `yon ni Nanay mula sa pagta-trabaho mula sa mga Montemayor."

Kagyat namang napaisip ang tatay niya dahil sa kanyang sinabi. "Ang mga Montemayor! Maari nila
tayong tulungan!" Bulalas nito.

Pero agad iyong kinontra ng nanay iya. "Naku Samuel. Nakakahiya na kina Mam Dorcas, marami pa
nga akong utang doon na hindi pa nababayaran..." Malumanay na paliwanag nito sa tatay niya.

Natahimik naman si Samuel bago ay siya naman ang bialingan nito. "Ikaw Agatha, hindi ba't
kaibigan mo iyong anak ni Senyora Dorcas? Iyong Isaac?"

"O-Oho, `Tay..." Parang alam niya na ang susunod na sasabihin ng tatay niya.

"Bakit di ka humiram ng pera sa kanya?" Mabilis na saad nito.

Napahumindig naman siya sa ideya na iyon. "Naku, `Tay! Nakakahiya! Isa pa, hindi na ho kami
nagkikita ni Isaac ngayon..." Kanda iling pa siya sabay tingin sa nanay niya na para bang humihingi
ng pagkampi mula dito.

Na agad namang naunawaan ng kanyang Ina na si Aling Galeng. "Wala yata silang komunikasyon
mula ng bumaba kami sa Montemayor Cruise Ship noong isang taon..." Kapagdaka'y wika ng inay
niya.
Naihilamos naman ni Samuel ang dalawang palad sa sarilig mukha. "Ay sus! Paano tayo? Gayong
wala na din tayong pamuhunan sa ating kainan sa palengke..."

BUONG gabing hindi nakatulog si Agatha dahil sa suliraning iyon ng kanilang pamilya.
Napabuntung-hininga siya sabay biling sa kanyang hinihigaang katre. Oo maari naman siyang
lumapit kay Isaac, may sarili namang pera ang binata. Pero ayaw niya pa din.

Nakakahiya...

Isa pa, nakalimutan na nga yata siya ng kaibigan niyang iyon ngayon eh...

Nakatulugan niya ang pag-iisip sa kanilang problema sa pera.

KINABUKASAN

NAGULAT si Agatha ng biglang sumigaw ang tatay niya. Nasa kusina siya noon at naghuhugas ng
pinagkainan nila. Napakunot ang makinis na noo ng dalaga. Wala siyang inaasahang bisita, pero
nagpasya na lamang siya na ayusin nang mabilisan ang sarili at saka lumabas ng kanilang bahay.

"Anak! Anak may bisita ka!!!" Muli'y boses ng kanyang ama. Binubuksan na nito ngayon ang bakal
na gate ng kabahayan nila.

"Ho?!" Napamaang naman siya. Dikawasa'y napatingin siya sa matangkad na lalaking pinapasok na
ng kanyang ama sa kanilang bakuran.

Nang makita siya ng lalaki ay ubod tamis siya nitong nginitian at saka kinawayan. "Agatha!" Bati
nito sa kanya.

Ganoon na lamang ang pagtambol ng dibdib niya ng makilala niya ang lalaking panauhin nila. "I-
Isaac?!"

Tuluyan na itong nakalapit sa kanya. "Kumusta bespren!"

"Isaac!" Hindi pa di sya makapaniwala.

"Ako nga!"

Na siya namang paglabas ng nanay niya. Maski ito ay nagulat ng makilala si Isaac. "Naku, senyorito
napadalaw kayo sa unca hija namin?!"

Tumingin ito sa nanay niya at ngumiti. "Kakumustahin ko lang ho sana si Agatha, baka kako
nagtatampo na." Anito na sa kanya na ngayon nakatingin. "Ito ho pala, may pasalubong ako para sa
inyo Manang Galeng at Mang Samuel." May inabot itong dalawang malalakig box sa tatay niya na
nakabuntot pa din pala sa binata.

Hula niya sa pasalubong nito ay mga imported cakes iyon.

Ngiting-ngiti ang tatay niya. "Ku, nag-abala ka pang bata ka! O, siya pasok ka, ipaghahanda kita ng
maiinom." Sinenyasan na siya nitong papasukin si Isaac.

Lumapit ang tatay niya sa nanay niya upang manghingi ng barya. "Pepsi sa may kanto Galeng,
bibilihan ko ang senyorito."

"O sige Samuel, madali ka. Mukhang init na init na ang senyorito sa paghahanap ng ating bahay ah!"
Nginitian muli ng kanyang Ina si Isaac.

"Oo nga po... Nalito po ako sa mga daan." Kamot-batok na wika naman ni Isaac.

Samantalang si Agatha naman ay hindi pa din makapaniwala. Hindi niya akalaing naalala pa din pala
ni Isaac ang pangako nito sa kanyang dadalawin siya. Hindi niya tuloy maiwasang pasadahan ng
tingin ang kaibigan.

Guwapo pa din ito. O mas maaring sabihin na mas lalo itong gumwapo. Ang bango-bango nito at tila
ba kay linis sa suot nitong hoody at pantalong baston. Tumangkad pa ito lalo at saka gumanda ang
pangangatawan. Ipupusta niyang may 6 pack abs ito! Kakaiba tuloy ang nararamdaman niya sa
pagkikita nila ngayon. Basta hindi pa din siya makapaniwala na nag effort itong hanapin ang bahay
nila para lamang dalawin siya, kahit pa sabihing magkaibigan sila.

Ipinagpasalamat niya na lamang na maaga pa lang ay naligo na siya, atleast hindi siya amoy paksiw
ngayon sa tabi ng binata.

"Naku saan mo iniwan ang kotse mo niyan?" Tanong ng nanay niya. Tuluyan ng nakalabas ng bahay
nila ang kanyang ama upang bumili ng softdrinks sa tindahan.

"Sa may labasan po..." Nagpupunas ng pawis na sagot i Isaac.

Napapalatak naman ang kanyang nanay. "Dios mio! Baka mapaano iyon doon! Marami pa namang
loko rine!"

Nag-alala din naman siya para sa sasakyan ng kaibigan. "Nay pupuntahan ko ho!" Presinta niya.
Aba'y nakakahiya kung may mangyaring masama sa sasakyan nito sa kanilang lugar!

"Sasama ako Agatha!" Tumayo na din si Isaac.

Itinaboy na sila ni Aling Galeng. "O, sige humayo kayo! Linsyak baka mapag-tripan pa ang kotse
mo!"

ISAAC

HABANG naglalakad naman sila sa kalsada ay di maiwasang humanga ni Isaac sa dalaga. Malaki na
nga talaga ang ipinagbago ni Agatha mula noon.

Nagmatured na ang mala-anghel nitong mukha ngayon. Noon kasi ay parang hindi ito makabasag ng
pinggan sa sobrang hinhin kung kaya't lagi itong nasasabon ng nanay nito sa barko. May kabagalan
din kasing kumilos si Agatha kaya naman tinutulungan niya ito minsan sa paglilinis sa mga cabin at
mga suites, kahit pa ayaw nitong tinutulungan ito.
Lagi itong naiilang sa kanya na lalo naman niyang ikina-amused dito. Hindi siya sanay na iniiwasan
ng mga babae, mas sanay siya na hinahabol-habol nang mga ito.

Kaya naman natuwa siya kay Agatha. Sa sobrang tuwa niya nga ay ginawa pa niya itong best friend
niya tuwing sasakay siya sa barko nila kapag bakasyon noon sa eskwela.

"Ang laki na ng ipinagbago mo, Agatha." Di niya napigilan ang sarili na punahin ito. Hindi niya
talaga akalain na sexy pala ang kaibigan niya kapag hindi ito nakasuot ng maluwag na chambermaid
uniform. At ang ikinagulat niya ay lumaki pa yata ang dibdib nito? Hindi niya napigilang akbayan
ang babae. "Mas bagay pala sa`yo ang T-shirt at short lang, dalagang-dalaga ka." Puri niya.

"Ha?" Nakita niyang bahagyang namula ang babae. Napapitlag din ito sa ginawa niyang pag-akbay
dito. Sabagay, sanay na siya sa mga ganoong reaksyon nito kapag dinidikitan niya ito noon pa man.

Napangiti siya. Ito pa din pala ang best friend niyang si Agatha na kapag pinapansin ay biglang
namumula. How sweet of her... Naiisip niya tuloy kung may boyfriend na ba ito ngayon?

Bahagya pa siyang dumikit sa dalaga habang naglalakad sila. "At mas bagay pala sa'yo ang mahaba
ang buhok." Aniya.

"Ganoon ba?" Pasimple namang lumayo sa kanya ang babae at saka siya tinapunan ng isang mabilis
na tingin. "Ikaw din, laki na ng ipinagbago mo..." Mahinang sabi naman nito.

"Lalo akong pumogi ano?" Nakangising tanong niya dito.

"Di ka pa din nagbabago! Hambog ka pa din!" Inirapan pa siya nito.

Ang lakas naman ng halakhak niya.

Pero natigil sila nang matanaw na nila ang sasakyan niya. May tatlong binatilyo na abala na sa pagta-
tanggal ng gulong ng kanyang kotse!

"Hayun ang kotse ko!" Napasigaw siya sabay turo sa kinaroroonan nang sasakyan. "Ano `yon?!
Inaalis nila ang gulong!" Nagpa-panic na napatakbo na siya palapit sa mga ito.

Pero naunahan pa siyang manakbo ni Agatha. Hinubad nito ang isa nitong tsinelas at buong lakas na
ibinato sa isa sa mga kawatang binatilyo.

SAPUL! sa ulo ang isang kawatan.

"Hoy Mando!!!" Nangga-galaiting sigaw ng dalaga. "Ibalik niyo iyan! Mga animal kayo! Kotse iyan
ng bisita ko dudugasin niyo pa!"

Nagulat naman ang mga kawatan. Sa itsura ng mga mukha nito ngayon ay natitiyak niyang kakilala
ito ni Agatha. "Naku nahuli tayo!" Sigaw ng isa sa mga ito.
Alerto naman si Agatha sa pagpulot ng isang malaking bato sabay amba sa mga ito. "Ibalik niyo `yan
kung hindi malilintikan kayo sa akin!" Matapang na banta nito.

Oh shit! Hindi niya akalaing ganito katapang ang mahinhin niyang kaibigan! She's really one hot
babe! Nakatanga lamang siya habang pinapanood ang mga pangyayari.

Animo namang nabahag ang buntot ng mga kawatan.

"Si Agatha!!!" Sigaw pa ng isa sa mga binatilyo sabay haltak sa kwelyo ng isa sa mga kasama nito.
"Takbo!!!"

Iniwan ng mga ito ang naalis ng gulong ng kanyang kotse.

Saka na siya hinarap ni Agatha. "Ang mga pasaway na `yon!" Nakasimangot na wika nito sa kanya.
"Pasensiya ka na, Isaac, nakakahiya talaga sa`yo."

"Okay lang, naagapan naman natin, eh." Nangi-ngiting sagot niya. Di yata't tigasin sa lugar na iyon
ang best friend niyang si Agatha.

Gumanti na din ng ngiti ang dalaga. "Kung hindi maglalakad ka pauwi niyan malamang..."

"Salamat, ha? ‘Di ko alam na tigasin ka pala dito sa lugar niyon, astig." Pinisil niya ang tungki ng
matangos nitong ilong.

"Adik... Tumigil ka nga diyan." At hayun namula na naman ang kanina'y sigang dalaga.

"Lalo kang gumanda, Agatha..." Taos sa pusong puri niya dito. Totoo naman ,eh gandang-ganda siya
dito ngayon.

"Isaac..." Natigilan naman ito sa sinabi niya.

SA DULO naman ng kalsadang iyon sa gawing tindahan sa kanto ay may isang pares ng mga matang
tila ba nasisiyahan na panoorin silang dalawa. Tutok na tutok ito sa kanila habang nakangiti na tila ba
hindi pa man nito napa-plano ang isang bagay ay batid na nitong ito'y magtatagumpay...

"Ang sagot sa aming mga suliranin..." Mahinang bulong nito.

Walang iba kung hindi si Mang Samuel... Ang ama ni Agatha.

"Ikaw, Isaac Montemayor ang sagot sa mga suliranin naming pamilya..." At isang makahulugang
ngiti ang umukit sa mga labi nito.

Montemayor Saga Presents...


"Sa Akin Ka Liligaya"
CHAPTER 2

ISA na naging dalawa, hanggang sa naging tatlong beses. Naulit pa ang pagdalaw ni Isaac kina
Agatha. At labis naman iyong ikinatuwa ng mga magulang ng dalaga.

At gaya nang mga gabing nasa barko pa siya ay hindi na naman siya makatulog. Nasasabik na naman
siya sa pag-u-umaga dahil malamang na makikita na naman niya si Isaac. Akala niya noon ay
mawawala din ang damdamin niyang iyon sa binata, pero hindi pala. Parang bumalik lahat ng
nakaraan sa muling pagkakita niya sa lalaki.

Ang lalaking unang itinibok ng puso niya kahit pa kaibigan lamang ang tingin nito sa kanya.

KINAUMAGAHAN ay hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. Naroon na naman ang binata sa
kanila at may dala-dala na namang mga pasalubong para sa kanila.

Gaya ng mga nakaraang pagdalaw nito sa kanila ay todo estima na naman ang tatay niya kay Isaac.
Pina-pangaralan pa nga siya ng tatay niya na palaging mag-aayos para hindi naman daw nakakahiya
sa bisita nila.

"Naku, napapadalas yata ang dalaw mo sa dalaga namin." Ngiting-ngiti ang tatay niya habang
kaharap sa kanilang maliit na sala ang binatang Montemayor.

Sa harapan na din ipina-parada ng itay niya ang kotse ni Isaac na bagong modelong volvo. Tila ba
nais ipagmalaki ng kanyang itay na may isang mayamang lalaki na dumadalaw sa kanila. Pupusta pa
siyang pinag-uusapan na siya ngayon ng mga kapit-bahay nila.

Isa pa, malamang alam na din sa lugar nila na ang palaging bisita nila ay si Isaac Montemayor.
Matunog ang pangalang iyon sa buong Pilipinas. Ang angkan kasi ng mga ito ang halos nagma-may
ari ng ilang malalaking establisyemento sa bansa. Sila din ang nagma-may ari ng pinaka-sikat at
pinaka-malaking cruise sa bansa.

Ngumiti ng matamis si Isaac at saka tumingin sa kanya. "Na-miss ko lang ho itong best friend ko."

Napa-palatak naman ang tatay niya. "Ay naku, sa gandang iyan ng aming anak, pang best friend lang
ba talaga siya sa`yo ha senyorito?" May himig nang panunukso ang boses nito.

Nahihiya siya sa asta ng kanyang ama. Halatang-halata naman kasi dito na halos ipagduldulan na
siya nito sa kanilang bisita. Ganoon talaga ito, kapag nariyan si Isaac ay hindi pa agad umaalis ang
tatay niya.

"Samuel!" Saway naman ng kanyang Nanay.

"Ito namang si Galeng! Nagbibiro lang ako eh!" Kakamot-kamot ng batok na sagot ng Tatay niya sa
kanyang Isa.

Pero tila balewala lamang kay Isaac ang panunuksong iyon ng kanyang Itay. "Oo nga ho, Mang
Samuel. Lalong gumanda ang unica hija niyo! At ngayon ko lang nalaman na ang mahinhin at
tahimik kong kaibigan noon sa barko ay maton pala dito sa lugar niyo." Sumulyap pa ito sa kanya at
saka kumindat.

Hindi naman niya naiwasang hindi pamulahan ng mukha. "Ano ka ba Isaac!" Kunwa'y asar na sita
niya dito. Hindi siya sanay na tinitingnan siya ng ganoon ng binata.

Tumawa naman si Isaac. "Totoo naman ,eh akala ko talaga ay hindi ka makabasag pinggan! Iyon
pala ay takot sa`yo ang mga taga lugar niyo dito!"

Aliw na aliw naman sa pakikinig ng usapan nila ang kanyang Tatay Samuel.

Humirit pa nga iton ng: "Naku wan op a kaynd iyang dalaga namin senyorito!"

"Itay, naman!" Ang ama naman ang hindi niya na napigilang sawayin. Paano ay hiyang-hiya na
talaga siya.

Ngiting-ngiti lang naman ang Nanay niya habang nagsasalin ito ng softdrinks sa baso.

Pero ganado talaga ang itay niya na-ibida siya kay Isaac. "Kung hindi niyo ho naitatanong ay
madami ang nagtangkang manligaw diyan! Subalit lahat ay supalpal kaagad sa kanya! Ni hindi na
namin siya kailangan pang bakuran ng nanay niya dahil kayang-kaya niya na ang sarili niya."
Pagmamalaki nito sa kanya.

Naiiling na lang na natatawa si Aling Galeng. "Hay naku ikaw talaga Samuel!"

"Ay totoo naman! Sabagay, dito sa ating lugar eh siya lang naman ay may itsura! Maganda kaya ang
ating anak! Hindi lamang iyon, may pangarap iyan sa buhay! Matalino pa at mabait na anak."

"Kung gayon ay hindi ka pa nagkaka-boyfriend Agatha?"

Nahihiyang umiling siya sa kaibigan. Hindi niya tiyak kung natuwa ba ito sa nalaman dahil sa
pangingislap ng mga mata nito.

"Senyorito! No boyfriend since birth iyang aminig si Agatha! Pero bigatin din ang mga nanliligaw
diyan! May anak ng kapitan dito sa aming baryo. Minsan ay nagtangka ding umakyat ng ligaw dito
ang professor niyang binata! At madami pang iba, subalit lahat ay hindi tinatanggap ng aming anak."

Bumaling sa kanya si Isaac. "Napakapihikan mo pala..."

Napatungo siya. Gusto niyang batukan ang kanyang sarili sa biglang pamumula ng kanyang mukha.

"H-Hindi naman... Prioridad ko lamang ang aking pag-aaral." Dahilan niya. Maari lang sanang
isatingi niya na kaya siya hindi tumatanggap ng manliligaw ay dahil sa ito ang nais niyang manligaw
sa kanya. Subalit sinarili niya na lamang ang mga iyon.

"Akala ko may hinihintay ka lang." May lamang wika ni Isaac.

Nagsikuhan naman ang nanay at tatay niya. Maya-maya pa ay nakangisi na namang bumanat ang
tatay niya.

"Ku! Baka nga may hinihintay lamang iyang anak namin." Makahulugang sabi ni Mang Samuel na
kay Isaac nakatingin. "Siguro iyong hinihintay niya ay hindi pa siya nililigawan."
"Tatay!" Sabihin pang napasigaw na siya.

Subalit hindi siya pinansin ni Mang Samuel. Patuloy lang ito sa pagsa-salita. "Pero alam mo
Senyorito... Sa totoo lang, hindi sa pagiging ambisyoso ko... Nais ko sanang ang makatuluyan nang
aming anak ay isang may kayang lalaki."

Pinanlakihan siya ng mga mata. "Itay!"

Hindi na din nakatiis na di manaway ang Inay niya. "Samuel!"

Nginitian silang mag-ina ni Mang Samuel. Pero bumaling ulit ito kay Isaac na pakinig na pakinig
naman sa kanyang ama. "Nagpapaka-totoo lamang ako. Bilang ama ay nais kong mapabuti ang
aming unica hija. Mabuting bata itong si Agatha! At maganda din siya. Hindi naman lugi ang
mapapangasawa niya sa kanya hindi ba?"

Tila naman nahihiyang sumagot na lamang si Isaac sa tatay niya. "O-Oho..."

Ikinatuwa naman ng tatay niya ang pagsagot ng binata. "Mangyari kasing... Nagkabaon-baon kami sa
utang mula nang mawalan ng trabaho sa barko niyo itong si Galeng. Nalulugi na din ang tindahan
namin sa Palengke..." Matabil na pagbubukas nito sa mga problema nilang pang-pinansyal.

"Ganoon ho ba..." Tatango-tango naman si Isaac.

Si Agatha naman ay nahihiling na lang na kung maari ay lamunin na siya ng lupa dahil sa hiya niya
kay Isaac.Pero talagang desidido ang tatay niya na mag-kwento pa ng kwento.

"Oo! Kaya kung may makikilala lamang akong mayaman ay agad ko ng ipapakasal itong si Agatha!
Para makabayad kami sa mga utang at hindi na mailit itong lupa namin. Aba'y kawawa din si Agatha
dahil sa hindi na naman siya makakapag-aral sa susunod na semestre. Kailangan naming unahin ang
pagpapa-gamot ng nanay niya dahil kakapa-opera pa lamang ni Galeng. Baon pa kami sa utang at---"

Naputol sa pagsa-salita ang tatay niya ng sumabat na ang nanay niya. Maging ito kasi ay hiyang-hiya
na din sa dati nitong amo. "Samuel, hamong tumigil ka na! Nakakahiya na sa Senyorito."

Umalma lang ang tatay niya. "Ay ano ka ba?! Best friend iyan ng ating anak. At ang kaibigan ng
ating anak ay para na din nating anak. Hindi na siya iba sa atin."

Malugod namang nagpa-salamat si Isaac. "Salamat ho, Mang Samuel."

"Basta iyon lamang ang gusto ko Senyorito Isaac..." Nasisiyahang wika ng tatay niya.

"Isaac na lang ho, Mang Samuel. Tutal ay hindi naman na ho nagta-trabaho si Aling Galeng sa amin.
Isa pa, kapamilya na ang turing niyo sa akin kaya dapat na ganoon na din ang turing ko sa inyo."

"Napakabuti mo talagang bata! Kaya hindi ako magagalit kung ikaw ang makakatuluyan nitong
aming si Aga---"
Doon na siya hindi nakapag-timpi. "Itay!!! Sobra na ho!" Medyo inis ng wika niya. Kulang na lang
ay sabihin ng tatay niya na sana ay pakasalan na siya ni Isaac para makaahon sila sa kahirapan.

Nginisihan lamang siya ng ama, saka ito malawak na ngumiti kay Isaac. "Naku, nahiya naman ang
aming dalaga sa krash niya!" Ikinampay pa nito ang kaliwang kamay na parang lasing.

"Tatay!" Pinamulahan siya ng pisngi.

Iiling-iling na lamang din ang nanay niya. Mukhang wala na itong magagawa sa katabilan ng asawa.
Humalukipkip na lamang ito sa tabi ng kanyang ama.

"Hindi ba't may litrato ka pa nitong si Isaac na iniingatan sa iyong silid? Akala mo ay di ko alam
iyon... Ku ikaw na bata ka, kaya hindi ka makapili ng nobyo ay palaging ang litrato ni Isaac ang
naiisip mong kausapin sa tuwina! Mga kabataan nga naman oo!" Tatawa-tawang sabi na naman nito.

Bukong-buko na siya! Na tunay naman, crush niya kasi talaga ang kaibigan noon pa man. Pero batid
naman niyang malabo siya nitong magustuhan...

Namilog naman ang mga mata ni Isaac. Para bang interesado ito sa sinasabing iyon ng tatay niya.
"Talaga ho?" Nakangiting tanong nito.

Pinandilatan niya ang kaibigan na aliw na aliw sa pagkapula ng kanyang mukha. "Ano ba, Isaac!"

At ang tatay niya pa talaga ang kinilig para sa kanilang dalawa ni Isaac. "Sus! Mahiyain ang aking
anak! Kaya nga iyan ay nalulungkot sa pag-aakalang nakalimutan mo na siya."

MATAPOS ang meryenda ay nag-paalam muna ang tatay niya na tutungo sa kumpare nito upang
manghiram ng sundang. Magka-katay kasi ito ng baboy sa palengke bukas ng madaling araw, dagdag
kita nito iyon.

Ang inay naman niya ay umakyat muna sa silid nito upang magpahinga. Suma-sakit pa din kasi
paminsan ang tahi nito sa opera kapag magha-hapon na.

Naiwan silang dalawa ng binata sa sala habang nanonood sa kanilang lumang 19 inches colored T.V.

"Pasensiya ka na sa tatay ko." Sabi niya pagkuwan. Bilad na bilad na kasi ngayon ang problema ng
pamilya nila sa binata.

Nagkibit-balikat lang naman si Isaac. Nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa palabas sa T.V.
Bagamat alam naman niyang wala talaga doon ang atensyon nito."Okay lang. Nakakatuwa nga siya,
napaka-bokal niya sa kanyang saloobin." Anito.

"Pero nakakahiya ang mga---"

Agaw nito sa sasabihin niya. "Ang sinabi niyang crush mo ako?"

"Naku hindi, ah!" kanda-iling naman siya. Hindi pwedeng isipin ni Isaac na may gusto siya dito.
Hindi maaari! Ayaw niyang magkalamat ang pagka-kaibigan nila.
Doon na ito tumingin sa kanya. Ang mga mata nito ay nanunudyo. “Eh, ano iyong picture kong
tinatago mo daw? Wala naman akong maalala na binigyan kita ng picture ko." Nakangising tanong
nito sa kanya.

Napataas na ang boses niya. "Nagkamali lang ang, itay! Pwede ba `wag na iyon ang pag-usapan natin
ha?"

"Sabi mo, eh." Sumunod naman ito sa kanya.

Kinuha niya ang remote sa lamesita nila at saka pinatay ang telebisyon. "Hindi naman tayo
nanonood. Patayin ko na lang, sayang kuryente."

Naa-amuse na tinitigan siya ng binata.

Para tuloy nais niyang pagsisihan ang pagpatay niya sa T.V. , ngayon tuloy ay sa kanya na ang buong
atensyon ng binata. Sa kanya na ito nakatingin ngayon na para bang kinakabisado ng mga mata nito
ang buo niyang mukha.

"Napapadalas ka yata dito?" Tanong niya at pampawala na din ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Ayaw mo ba?" Balik-tanong nito.

Humalukipkip siya at saka sumandal sa sandalan ng sofa. "Sabihin mo na ang totoo, Isaac. Kilala
kita."

Natawa ito. "Hey, ano `yan, huh?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "May pinagtataguan ka na naman bang babae? Ganiyan na ganiyan ka sa
barko noon kapag may naghahabol sa`yong babae! Sa akin ang takbuhan mo." May pait sa tinig na
saad niya.

Lalo namang natawa si Isaac. Humalukipkip din ito at sumadal sa sandalan ng inuupuan nito. "Ito
naman, oh! Nagbago na ako."

Tumawa siya ng mapakla. "Ikaw magbabago?" Sarkastikang tanong niya bagamat nakangiti.

"Okay, I admit. May ilan pa din akong flings hanggang ngayon. Pero you know me Agatha, I value
my freedom. Ayaw kong nang may sumasakal sa leeg ko. Iyong girlfriend kong si Samantha ay
kaka-break lang sa akin. Of course nasaktan ang ego ko dahil siya pa talaga ang nakipaghiwalay,
samantalang sa lahat ng mga naging nobya ko ay siya ang medyo tumagal sa akin."

Para namang may kirot na gumuhit sa loob ng dibdib niya sa sinabi nitong iyon. Kung gayon, may
sineryoso na pa lang babae ang kaibigan niya.

Marahil ang Samantha ding iyon ang dahilan kung bakit ngayon lamang natupad ni Isaac ang
pangako nitong pagdalaw sa kanya.
"Gaano kayo katagal noong Samantha?" Tanong niya kahit pa parang may nakabara na kung ano sa
lalamunan niya nang mga oras na iyon.

"Apat na buwan." Blangko ang mukhang tugon nito.

Muntik pa siyang masamid sa sagot ng binata. Ang siste 'apat' na buwan na ang pinaka-matagal
nitong relasyon? Ngali-ngaling batukan niya si Isaac sa asar.

"You know what, Agatha? Samantha is a good woman. Hindi siya gaya ng ibang naging flings ko...
Mahinhin siya at mabait. Maganda din siya at mula sa kilalang pamilya. Akala ko pwede na kami
kasi mukhang 'girlfriend material' naman siya. Pero kagaya ng ibang naging nobya ko ay naging
selosa din siya. Iyon bang nais niya na akong itali sa kanya."

Sa pananalita nito ay parang isang paboritong gadget lamang nito ang idini-describe nito sa kanya at
hindi ang 'ex-girlfriend' nito.

"At?" Nabiting tanong niya.

"At nasakal ako." Matabang na sagot nito.

"Akala ko ba siya ang nakipaghiwalay?" Naguguluhang tanong niya ulit. Hindi pa din nagbabago si
Isaac, magulo pa din itong magpaliwanag.

"After ng graduation niya ay niyaya niya na akong magpakasal agad. Sabi ko hindi pa ako handa...
Isa pa, kakahawak ko pa lang sa isa sa mga negosyo ng pamilya. Kumbaga nagsisimula pa lamang
ako sa buhay ko. Napuno siya sa akin dahil wala akong gaanong oras para sa kanya. Palagi niya na
akong inaaway at nagiging selosa na din siya sa lahat ng bagay. Sa kahit sino din ay nagsi-selos
siya..."

Umasim ang mukha niya. "Babaero ka kasi. Normal lang ng magselos ang nobya mo sa kahit sinong
babae."

"Ikaw talaga! Eh, wala akong magagawa, lapitin ako ng chicks eh!" Nakataas ang dibdib na sabi nito
sabay kindat sa kanya.

"Yabang!" Napatawa na lang din siya. Good thing, nawala na ang 'ilangan portion'.

Pero saglit lang pala iyon...

"Isang babae lang naman ang hindi tinatablan ng charm ko eh." Maya-maya ay sabi ng binata sa
seryosong tono, at saka siya pinakatitigan ng matiim.

"H-ha? Sino?" Sumikdo ang dibdib niya sa panibagong kabang dulot ng titig nito sa kanya.

"Ikaw." Walang gatol nitong tugon.


Montemayor Saga Presents...
"Sa Akin Ka Liligaya"

CHAPTER 3

APAT na araw nang hindi dumadalaw si Isaac sa kanila. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-
alala. Hindi kaya't natakot na ito sa mga pinagsasa-sabi ng tatay niya?

O di kaya naman ay may bago na itong nobya kung kaya't wala na naman itong panahon?

Hindi niya maiwasang hindi malungkot.

Kung sabagay, sino ba siya para umasa nang oras kay Isaac?

Hindi ba't kaibigan lamang siya nito?

Kaibigan lamang siya ng babaerong iyon. At kahit pa magpalipad ito nang hangin sa kanya ay batid
naman niyang hindi ito seryoso. Ganoon naman talaga si Isaac ,eh mapagbiro.

Sa sobrang mapagbiro nga nito ay palagi na siyang muntik na maniwala dito.

Pero hindi pwede.

Hindi si Isaac ang klase nang nagsi-seryoso.

At siya naman ang klase nang babaeng ayaw ng niloloko.

Hindi sila pwede.

Maraming dahilan kung bakit hindi pwede.

Isa na sa libong dahilan ang magkaibang kalagayan nila sa buhay.

Napapikit siya nang mariin. Kahit yata butasin niya ang kanyang mga mata ay mukha pa din ng
binata ang nakikita niya. Mula nang magpakita kasi ito ay nabuhay na naman ang dati niyang
damdamin para dito.

At hindi nga ba't kapag ang damdamin ay itinatago, lalo iyong lumalala at kumakawala?

Kagaya nang damdamin niya ngayon para kay Isaac.

"Hija? Mukhang nagkaka-igihan na kayo nang senyorito Isaac." Ani Mang Samuel nang lapitan siya
nito isang umaga.

"Ganoon ho talaga kami, itay..." Matamlay na sagot niya. Nakadungaw siya noon sa kanilang
bintanang capiz. Obviously hinihintay niya na naman ang pagdating ni Isaac.

Wala lang, nasanay na kasi siya na bigla-bigla na lamang itong sumu-sulpot sa pintuan nang tahanan
nila. Malamang hanggat wala pa itong bagong pinagkaka-abalahan ay madalas pa din ang gagawin
nitong pagbisita sa kanila. Sana nga, kasi nami-miss niya na ang kumag na iyon.

"Ganoon ba talaga?" Tila hindi naniniwala sa kanya ang Tatay niya.

Lumabas naman ang inay niya mula sa kanugnog na kusina. "Hay naku, Samuel! Tigilan mo nga si
Agatha!" Narinig pala nito ang pag-uusap nilang mag-ama.

"Aba'y bakit naman, Galeng?" Napanguso ang tatay niya. "Ayaw mo bang maging balae sina
Madame Dorcas?! Ikaw na din itong nagsabing mabubuti silang tao at hindi tumitingin sa katayuan
sa buhay."

Nanirik naman ang mga mata ng inay niya. "Hasus! Maghunus dili ka, Samuelito! Napakatayog nang
pangarap mo, mahirap bumagsak!" Palatak ng nanay niya. Naupo ito sa mahaba nilang silya at saka
tumingin sa kanya. "Magkaibigan lamang sina Agatha at Senyorito Isaac. Saksi ako sa pagka-
kaibigan nila noon sa barko! Kung may gusto man ang senyorito sa anak natin ay sana matagal niya
na itong niligawan."

"Itay, tama ang inay. Hindi tama na pinaparinggan niyo si Isaac. Mamaya niyan ay hindi na
magpunta iyon dito." Naglakad siya palapit sa nakaupong si Aling Galeng. "Inay, ako na ho pala ang
tatao sa tindahan ni Tiya Alma sa lunes ha?" Saad niya dito.

Napakunot noo naman ang tatay niya. "Aba'y bakit ka tatao doon sa tindahan niya sa palengke?"

"Itay, dagdag kita din ho kasi iyon. Two hundred kada araw ang bayad sa akin. Tuwing sabado ko
naman iyon sasahurin. Pang bigas din at gamot ni inay iyon. Tutal libre naman daw ang pagkain ko
doon." Paliwanag niya. Inakbayan niya pa ang kanyang katabing babae. "Di ba, inay?"

Nalungkot naman ang itsura ni aling Galeng. "Pasensiya ka na, Agatha..."

"Ang inay naman!" Natatawang sabi niya. "Makakaahon din tayo, ha?"

Pero hindi papayag ang itay niya. "Nunca!" Sabat nito.

"Itay?" Napatingin siya dito.

"Hindi ako papayag na magpa-alipin ka doon sa tiyahin mong balyena, Agatha! Hindi ka namin
iginapang ng inay mo sa pag-aaral upang magtao lamang sa tindahan ni Alma!" Inis na sabi ng tatay
niya. Namewang pa ito sa harap nilang mag-ina.

"Itay, naman! Pride pa din ba ang paiiralin natin ngayon? Kailangan ho natin ng pera, hindi na ho
sasapat ang gamot ng inay. Isa pa'y baon pa tayo sa pagkaka-utang." Malumanay na wika niya dito.

"At kahit naman magpaka-kuba tayo sa pagta-trabaho ay hindi pa rin, sasapat Agatha! Magising tayo
sa katotohanang milagro na ang kailangan natin!" Napipikong naupo na rin sa naroong silya ang
tatay niya. Pinagsalikop nito ang mga ugating palad at saka siya mataimtim na tinitigan.

“Eh, paano ho itay?" Tanong niya.


Nanatili namang walang kibo ang inay niya sa kanyang tabi. Batid ni Aling Galeng na hindi man
puntuhin ni Samuel ay siya pa din ang sinisisi nito sa biglaang pagbagsak ng kanilang kabuhayan.

Tunay naman. Dahil sa sunod-sunod na pagkakasakit niya at katatapos pa lamang na operasyon ay


nagkalubog-lubog na sila sa utang. Naisangla pa ang bahay nila.

"Pero, Itay..." Manga-ngatwiran pa sana si Agatha subalit pinigilan na siya nang nagbabantang tingin
ng kanyang ama.

"Ah, basta! Hindi ka magta-trabaho kahit na kanino! Nagkakaintindihan ba tayo?!"


Makapangyarihang utos nito sa kanya.

Napakagat-labi na lamang si Agatha.

"Ang nais ko ay maging masunurin kang anak!"

"O-opo!"

Iyon lan at tinalikuran na silang dalawang mag-ina ni Mang Samuel. Paharabas na itong lumabas ng
kanilang pintuan.

SA LABASAN nagtungo si Mang Samuel. Huminto ito sa isang tindahang naroon at agad na
tumawag sa tindera.

"Magkano limang minuto?" Tukoy nito sa naroong payphone.

"Lima, Samuel!" Tugon ng may katabaang babaeng bantay sa naturang tindahan.

"Oh, bayad ko." Inabutan niya ito ng baryang tigpi-piso. May kinuha siyang tarheta sa loob ng bulsa
nang suot niyang kupasing kulduroy.

Lingin sa kaalaman nang kaiyang mag-ina ay hiningi niya ang calling card ni Isaac ng minsan silang
nagkasolo ng binata sa sala.

Agad niyang pinindot sa telepono ang numerong naroroon.

Wala pang tatlong segundo ay may sumagot na kaagad sa kanya.

"Hello? Isaac?"

Natuwa si Samuel nang marinig ang boses ng kanyang sadya.

"Isaac? Alam kong busy kang tao... Pasensiya na sa istorbo ko, hane? Mangyari kasing si Agatha ay
ilang araw nang hindi kumakain. Tingin ko ay may sakit ang batang iyon. Hindi naman nakikinig sa
amin ng Inay niya, baka kako sa`yo ay mahiyang makinig. Hindi ba't magkaibigan naman kayo?"

Saglit na nagsalita ang binatang nasa kabilang linya.


"Isaac, matagal ka nang di nadadalaw dito sa amin. Marahil na-miss ka lang ng bespren mo!
Dumalaw ka dito mamayang gabi? Sana'y paunlakan mo ako. Hihintayin kita, ano?"

Napangiti si Samuel nang marinig ang kompirmasyon mula sa kausap.

"Sige, pangako iyan, ha? Maghihintay kami. Tiyak na matutuwa ang anak ko kapag dumating ka!
Salamat, Isaac!"

Ngiting-ngiti pa siya ng ibaba niya ang telepono.

"Aba'y mukhang masaya tayo, ah!" Kantyaw sa kanya ng tindera.

Lalo siyang napangisi. "Kasi ay malapit ng magpakasal ang unica hija kong si Agatha!" Sagot niya
na liyad ang dibdib.

"Siyanga, Samuel?" Hindi naman makapaniwala ang tindera ng tindahan. "Akala nami'y walang
nobyo ang anak mo? Hindi naman nagpapaligaw si Agatha hindi ba?"

"Ay, kasi nga ay long-distance sila ng nobyo niya!" Ikinampay pa ni Samuel ang isang kamay.
"Mamaya ay mamanhikan na ang mamanugangin ko. Hayaan mo, buong baryo ay imbitado sa
kasalan!"

Nagliwanag ang mukha ng tindera. "Aba, mukhang may kaya ang mapapangasawa niyang si Agatha
mo ah!"

"Oo naman! Ke ganda ng anak ko, papa-asawahin ko ba ng kapwa ko dukha lamang? Syempre ay
hindi! Kaingat-ingatan ko ang aking unica hija!" Mayabang na turan niya.

"Naku! Jackpot ka pala!"

"Oo! O sya, pabili ako ng alak. Lambanog na lamang, iyong pinakamatapang!" Nakangising order
niya dito.

"Oh, sige!" Tumalima naman agad ang tindera.

Hindi niya na mahintay ang katuparan sa kanyang mga binabalak...

Ang pag-ahon nila sa kahirapan...


Ang nakaabang na kasaganahan...

"Mapatawad mo sana ako Agatha..." Piping dalangin na lamang ni Samuel sa kanyang isipan.

Montemayor Saga Presents...


"Sa Akin Ka Liligaya"

CHAPTER 4
ALAS-SIYETE nang gabi ng biglang may humintong brandnew BMW na kulay itim sa tapat ng
kanilang bahay.

"Naku! Narito na pala ang senyorito." Malakas na boses ni Mang Samuel.

Saglit itong dumungaw sa pinto at pagkuway nilakihan na nito ang bukas ng pintuan.
"Tuloy!"

"Ha?" Napaangat ang mukha ni Agatha mula sa pinggan na kinakainan niya. Naghahapunan sila
noon sa mesang kahoy na nasa gitna ng kanilang bahay.

Ngiting-ngiti ang ama niya ng lumingon sa kanya. "Agatha! Narine ang senyorito."

Napatitig naman siya sa pumasok na binata. Muntik pa siyang masamid dahil sa di inaasahang
pagdalaw nito.

"Hello, Agatha!" Nakangiting bati sa kanya ni Isaac. Naka T-shirt itong kulay puti na may tatak na
Lacoste at sa pang-ibaba naman ay naka cargo shorts lamang ito. Guwapong-guwapo ito kahit hindi
ito naka-porma ngayon. Malinis na malinis ang ayos at tila ba kay bango-bango pa.

"I-Isaac!" Nabu-bulol na napatayo siya mula sa silyang kinauupuan.

Hindi niya kasi alam na pupunta pa si Isaac ngayon, kaya naman hindi siya ready. Hinuha niya ay
mukha pa siyang nanlilimahid ngayon dahil sa katatapos lamang niyang magkusot ng kanilang mga
kurtina at inabutan na siya ng gabi bago makapagsampay.

Lumapit ito. Noon niya lang napansin ang dala-dala nito. "Hi! Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"H-ha?" Napaawang ang mga labi niya habang nakatitig siya sa inia-abot nitong pumpon ng mga
bulaklak at maliit na basket ng prutas.

"Para sa`yo pala... fruits and flowers." Nakangiting sabi pa nito.

"P-para saan ito? Bakit nag-abala ka pa?" Takang tinanggap niya ang mga iyon at inilapag sa mesita.

Nanliligaw na ba sa kanya si Isaac? Parang gusto niyang mamula bigla. Ito na ba ang katuparan ng
mga pantasya niya? Na-realize na ba ni Isaac ngayon na siya ay hindi pang 'best friend' lang? Unti-
unti siyang napangiti.

Pero agad ding napalis ang pagkaka-ngiti niya ng magsalita na ulit ito.

"Ano ka ba?! Best friend tayo, 'di ba?"

Pakiramdam niyang may kung anong malaking bagay na dumagan sa dibdib niya dahil sa sinabi nito.

"Oo nga..." Sagot na lamang din niya. Nag-iba siya ng tingin.


Tila naman nakahalata ng tumikhim ang kanyang Itay. "Senyorito, naghapunan na ho ba kayo?"

Magalang namang sumagot si Isaac. "Oho Mang Samuel."

Ngumiti ang tatay niya at saka nito itinuro ang silyang naroon. "O, siya maupo ka muna."

TINAPOS lang ni Agatha ang pagkain niya at saka na siya naupo sa sala upang i-entertain ang
kanilang bisita. Nasa loob naman ng maliit nilang kusina ang kanyang Inay at Itay ng mga oras na
iyon.

Hindi niya mawari kung bakit, subalit naiilang siya kay Isaac ngayon.

"Kumusta?" Basag nito sa katahimikan.

Napasulyap siya dito. Magkatabi sila noon sa sofa.

"Okay lang..." Mahinang tugon niya. May gusto sana siyang itanong dito. Iyon ay ang 'Bakit ngayon
ka lang?' Pero hindi niya na itinuloy.

Isa pa, sino ba siya para tanungin ito ng ganoon? Mag-best friend lang sila, 'di ba?

Tila naman nabasa nito ang nasa isip niya.

"Sorry, ha? Naging busy ako lately." Paliwanag nito. "Si Dad kasi, ipinamahala na sa akin ang
Montemayor Imports kamakailan lang. Ako na ang acting CEO ng kumpanya ngayon." Wika nito at
saka sumandal sa sofa.

Nilingon niya ito ulit. Nakatitig si Isaac sa kanilang kahoy na kisame. "Good for you... Para maging
responsable ka." Sabi na lamang niya.

Nakangiting tiningnan siya ng binata. "Hey! Who told you that I'm not responsible!?"

Napangiti na rin si Agatha. "Ito naman, joke lang."

"Malaki na ang ipinagbago ko ngayon best friend."

Nagulat siya ng bigla siya nitong akbayan. Pero hindi na lang siya nagpahalata. Isa pa, madalas
naman talaga siyang akbayan ni Isaac kahit noong nasa barko pa sila eh.

Walang malisya, best friend lang naman ang tingin nito sa kanya.

"Talaga lang, ha?" Wika niya. Ngumiti pa siya ulit. Ayaw niyang ipahalata kay Isaac na naiilang siya
sa pagkakalapit nilang iyon.

Sino nga ba ang hindi? Ang bango ng binata. At damang-dama niya ang ma-muscle nitong dibdib at
balikat na bahagyang nakadikit sa kanyang katawan. Napakasarap makulong sa mga bisig nito.

Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkaka-akbay sa kanya. "Yeah. And wait..."


"Ha?" Napatingala siya dito. Binitiwan muna siya nito.

"Tingnan mo ito." May kinuha ito sa bulsa. Pitaka iyon at inia-abot sa kanya.

Takang tinanggap niya ang coach leather wallet nito at saka iyon binuksan ng wala sa kanyang loob.
"S-sino ito?"

Napatitig siya sa nag-iisang picture na naka-paloob doon. Sigurado siyang iyon ang nais nitong
ipakita sa kanya.

"Maganda ba siya?" Tanong din ang isinagot nito sa kanya.

Napalunok si Agatha. Maganda ang babaeng nasa picture. Morena ito subalit alam niyang
napakakinis ng kutis nito at tila ba wala man lang maski isang gasgas. Half body lang ang shot
subalit hindi noon naitago ang sexy nitong pangangatawan na hakab sa suot na golden yellow na
tube.

"Ah, oo naman. Mukha siyang sosyal... at para siyang modelo." Mahinang saad niya. Parang alam
niya na kung sino ang babaeng iyon sa buhay ng best friend niya.

"Tumpak! She's a model. I met her in Paris last year. Her name is Annie Chua. A half Filipina and a
half chinese." Masayang binawi nito sa kanya ang wallet na may litrato ng kung sino mang Annie na
iyon.

"So?" Hindi niya napigilan ang sarili na hindi magpakita ng di pagka-interes doon.

Pero hindi na iyon napansin pa ni Isaac. Ngiting-ngiti itong bumaling sa kanya.

"I think I'm in love!"

Balitang nagpayanig ng kanyang mundo ng gabing iyon.

"Ha?" Awang ang mga labi ni Agatha.

'Love' ba kamo ang binanggit ng kaibigan niya?

Napahagalpak naman ng tawa si Isaac dahil sa nakitang reaksyon niya. "Oh! Nagulat ka ano? Kasi
never mo pang narinig sa akin ang katagang 'love'! Pero iba si Annie, best friend. I think siya na
talaga." Muli siyang inakbayan nito matapos ibalik sa loob ng bulsa ang pitaka.

"G-ganoon ba?" Nauutal na saad niya. Pakiramdam niya'y may tumarak na punyal sa dibdib niya
dahil sa sinabi nito.

Ang sakit lang kasi...

"Yeah. She's nice, malambing, matalino at maganda. Hindi lang girlfriend material!"
"Kundi wife material na rin?" Mapait sa dibdib na tanong niya dito. Kailangan niya pang tumungo
upang di nito makita ang lungkot sa mga mata niya.

"Uhm, maybe." Nagkibit-balikat ito.

Marahan niyang inalis ang pagkaka-akbay nito sa kanya. "Kaya pala hindi ka na ulit nagagawi dito...
May pinagkakaabalahan ka na." Hindi niya naitago ang paghihinakit sa tono ng pananalita niya.

Napangisi naman ang binata. "Uy, jelling!" Tudyo nito sa kanya.

Pinanlakihan siya ng mga mata sabay hampas sa braso nito. "Hindi ako nagsi-selos, noh!"

Muling sumeryoso ang loko. "Pero alam mo Agatha, tama ka. Isa pa I'm not getting any younger
naman na. Anytime ay mag-aasawa na rin ako, gaya ng gusto nila Mommy. Alam mo naman kung
gaano pinapahalagahan sa aming angkan ang 'pamilya'. Syempre, ayokong dumating iyong araw na
mapikot lang ako ng kung sino... so, I think Annie is agood catch na. Matali man ako sa kanya, at
least hindi ako lugi."

Tahimik lamang siyang nakikinig sa binata.

Mataman siya nitong tinitigan pagkatapos ng wagas na speech nito.

"Oh, para san ang tinging iyan?" Naiilang na tanong niya dito.

"Ikaw ba? Wala ka ba talagang boyfriend? Wala ka bang napupusuan ngayon?" Nagulat siya sa
tanong ni Isaac.

Napatungo na lamang siya. "W-wala..."

"Bakit naman? Maganda ka naman, ah!? Mabait ka rin at matalino. Swerte ang lalaking mamahalin
mo."

Talaga? Kung maganda ako bakit hindi mo ako mapansin? Gusto niya sanang itanong dito subalit iba
ang naisa-tinig niya. "Ano ka ba! Wala pa sa plano ko iyan."

"Bakit naman?" Curious ito sa isa-sagot niya. Nangalumbaba pa ito habang nakatingin sa kanya.

"Marami pa akong prioridad sa buhay." Nag-iwas siya ng tingin. Ang takte, ang guwapo naman kasi
talaga ni Isaac, nawawala tuloy siya sa konsentrasyon.

"Ano bang type mo sa lalaki?" Muli'y tanong nito.

Napatitig siya sa mukha nito. "Kahit ano, basta mahal ako."

Napasipol ito. "Whoah! A hopeless romantic! Hindi ko alam na ganiyan ka, best friend."

Gusto niyang isigaw dito na tigilan na siya sa pagtawag ng 'best friend' dahil sa naiirita at nakukulele
na ang kanyang tainga.
Hindi pa tapos sa pang-i-interogate sa kanya ang binata. May pahabol pa ito. "Pero aside from that?"

Wala siyang maisip na isagot dito. "Gaya ng sabi ni itay, gusto ko, mayaman." Wala sa loob na sagot
niya dito, manahimik lang ito. Isa pa, naiinis na rin kasi siya sa kakulitan ng binata.

"Aw..." Napangiwi ito.

Napangiti siya sa naging reaksyon ni Isaac. "Iyong maiahon ako sa kahirapan, gayon na din ang
pamilya ko. Baon kami sa utang at kailangan namin ng pera. Dapat lang na maging praktikal ako, 'di
ba?"

"Wow, a good daughter, huh?" Matamlay na komento nito.

A good daughter nga ba? O a gold digger? Ah, whatever. Napipikang napasandal na lamang si
Agatha sa sandalan ng sofa.

"Kaya nga." Naisatinig niya.

Pero hindi pa tapos si Isaac. "Kahit ba hindi mo mahal? Basta iyong mapera?"

"Madaling mahalin ang taong maraming pera." Tugon niyang hindi tumitingin dito. So what kung
ano ang isipin nito sa kanya?

Nanahimik si Isaac. Bahagya ding nagdilim ang guwapo nitong mukha na hindi niya alam kung
bakit. Galit ba ito sa mga sinabi niya?

Ngumiti siya ng matamis upang mapawi ang namamagitang tensyon sa kanila. "Hoy, Isaac! Bakit
bigla ka yatang sumeryoso diyan, huh?!"

"W-wala..." Umiling ang binata.

"Bakit? Dahil sa hindi mo ako kilalang ganoon? Dahil ang pagkakakilala mo sa akin ay isang hindi
makabasag pinggang babae? Ganoon ba?" Tumawa siya sa nakitang pag-asim ng mukha nito.

"Hey, Agatha. Pwede ka namang yumaman sa sarili mong paraan, eh. If tungkol sa mga pagkaka-
utang niyo, I can help you. I can lend you money para maging kapital niyo. Pwede rin kitang ipasama
ulit sa scholar ng foundation namin para sa iyong pag-aaral. Makakatulong ka sa mga magulang mo
kapag nakatapos ka na. Isa pa, matalino kang babae... Marami kang mararating." Seryosong saad
nito.

At ang mokong sineryoso nga ang mga sinabi niya!

"No, Isaac." Ngumiti siya ng tipid.

"Bakit?" Kunot-noong tanong nito.

"Ayoko... tama na ang mga naitulong ng mga magulang mo sa amin noon." Bukal sa loob na wika
niya.

"Pero iyong mayamang sinasabi mo---"

Pinutol niya ang sasabihin nito. "Wag mong isiping nagpapahanap ako sa`yo! Pero kung may maire-
reto kang mayamang kaibigan mo sa akin, ayos lang." Binuntunan niya pa iyon ng tawa. Syempre
nagbibiro lang siya doon ano. "Ano ka ba, Isaac! Ang gullible mo naman, eh."

Pero hindi nakikipagbiruan ang lalaki. "Bakit ba kasi? Dahil mas madali kapag nag-asawa ka na lang
ng mayaman ganoon ba?" Madilim na madilim ang mukha nito na tila ba mananakmal na ano mang
oras.

"Hoy, wag ka ngang ganyan!" Natatawang hinampas niya ang balikat ni Isaac.

"Kung ganon lang din pala ang hanap mo, eh bakit hindi na lang ako?" Matiim ang titig na tanong
nito.

"Ha?" Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya dahil sa sinabi nitong iyon. Totoo ba ang
narinig niya? Namilog ang mga mata niya habang nakatingin sa seryosong mukha ni Isaac.

Ipini-presinta nito ang sarili para sa kanya? Totoo ba iyon? Nagkamali lang ba siya ng dinig at
intindi?

"Agatha!" Pumitik ito sa harapan ng mukha niya.

Namula ang magkabilang pisngi niya. Napatulala na pala siya.

"A-ano nga iyong sinabi mo?" Nabu-bulol na tanong niya dito.

"Sabi ko, bakit hindi na lang ako. ,eh 'di ba mayaman din naman ako, as in super yaman. Bakit hindi
na lang ako ang targetin mo?" Tumawa pa ng mahina si Isaac.

Nagsalubong naman ang kilay niya. Pinagti-tripan lang yata siya ng kumag na ito. Inis na inirapan
niya ang lalaki at saka siya humalukipkip at nag-iwas ng tingin dito.

"Ang choosy mo naman." Nangi-ngiti ng wika nito pagkuwan.

"Heh! Manahimik ka diyan!" Asik niya. Kung alam lang ni Isaac na para ng may naghahabulang
daga sa loob ng dibidb niya ngayon.

"Pinag-iisipan mo na ba, ha?" Nakatawa ng tanong nito.

"Baka pag ginawa ko nga iyan ay magsisi ka!" Banta niya dito. Gusto niya din kasing malaman ang
reaksyon nito.

Saglit namang natigilan ang binata.

Parang di din nito inaasahan ang sinabi niya, para tuloy gusto niyang masaktan. Oo nga pala, hindi
naman talaga isya type ni Isaac. Ang mga tipo nito ay iyong mga sexy at mga imported na modelo.

"Joke lang!" Pinilit niyang pasiglahin ang boses. "Wag ka ng matakot, joke lang!"

Bahagya lang itong ngumiti at saka sumeryoso na ulit. Kinabahan naman siya sa itsura nito.

Mabuti na lamang at dumating na ang itay niya.

"Isaac!" Ngiting-ngiting tumabi ito sa kanilang mahabang sofa.

Napatingin naman si Agatha sa malaking boteng bitbit ng kanyang Tatay. Lambanog iyon kung hindi
siya nagkakamali.

"Okay lamang bang samahan mo akong mag-inom?" Yaya ng tatay niya sa binata.

"Itay!" Nanlaki naman ang kanyang mga mata. Alam niyang umiinom si Isaac, subalit hindi pa ito
nakaka-inom ng lambanog! Matapang iyon! At siguradong malalasing ang kaibigan niya sa inuming
inihahanda ng kanyang ama.

"Okay lang ho." Nakangiting tugon naman ng binata.

"Galeng! Dalahan mo kami ng baso dine!" Sigaw ng itay niya sa kanyang nanay na nasa kanilang
kusina.

Lumapit naman ang inay niya na may dala-dalang tray na may lamang dalawang baso at dalawang
platito na pinaglalagyan ng mani at sisig.

"Dahan-dahan Samuel. Hindi sanay ang senyorito sa inuming iyan." Paalala ng inay niya.

"Sus! Nang makatikim naman ang senyorito ng kakaiba. Aba'y puro imported na lamang yata ang
tinatagay nito." Biro pa ng tatay niya kay Isaac.

"Hay naku! Ewan ko ba sa`yo kung bakit ngayon ka pa nakaisip na mag-inom." Palatak naman ng
nanay niya subalit bumalik na din ito sa kanilang kusina.

Tahimik lang naman siya habang nakamasid sa pag-iinom ng tatay niya at ni Isaac. Matawa-tawa pa
siya ng makita ang pagkaka-lukot ng guwapong mukha ng binata dahil sa lasa ng lambanog.

"Ano Isaac, suko na ba?' Kantyaw pa ng tatay niya matapos ang ilang shots.

"Naku, hindi ho. Nanibago lamang ho ako sa lasa." Nakangiting sagot naman ni Isaac. Mapungay na
ang mga mata nitong namumula na sa ilang tagay pa lang nito.

"Masarap, ano?! Sa umpisa lamang iyan! Sa susunod ako naman ang dalahan mo ng imported na alak
hane?" Wika ng itay niya.

Noon lang napansin ni Agatha na tila si Isaac na lang yata ang pinaiinom ng tatay niya!
"Itay, tama na ho! Magda-drive pa si Isaac." Awat niya.

Pero hindi nagpaawat ang tatay niya. "Ku tumigil ka nga diyan, Agatha!"

Ilang salin pa ito sa baso ni Isaac kahit na medyo hilo na ang huli. Parang pinipilit na lamang nito ang
sarili na uminom upang hindi mapahiya sa tatay niya.

"Isaac! Alam mo bang gustong-gusto kita!" Inakbayan pa ito ng tatay niya. "Napakabuti mong bata!
At napakabuti ng pamilya mo. Hindi kayo matapobre at may isa kayong salita. Hindi kayo nang-
aagrabyado ng mahihirap."

"S-Salamat ho..." Nauutal ng sagot ni Isaac sa itay niya.

Natampal na lamang ni Agatha ang sariling noo. Nalintikan na, mukhang lasing na lasing na nga ang
kaibigan niya.

"Agatha, tumagay ka din o!" Nagulat siya ng alukin din siya ng tatay niya.

Takang tinanggap niya ang basong may lamang lambanog. Hindi niya maunawaan, ayaw ng itay niya
na mag-inom siya subalit ngayon ay pina-iinom siya nito? At lambanog pa ha!

"Sige na! Inumin mo na iyan anak!" Nakangiting utos sa kanya ni Mang Samuel. "Minsan lang
naman."

Wala isyang nagawa kundi ang tunggain na lamang ang alak na ibinigay ng ama. Isa pa, na-curious
din siya sa lasa ng inuming iyon.

Pero ang isang tagay ng kanyang itay ay nasundan pa ng isa pa... at isa pa ulit. Sa huli ay si Isaac na
din ang umawat sa tatay niya.

"Tama na ho, Mang Samuel. Baka malasing si Agatha."

Pero nakaka-tatlo pa lang siya ay lasing na din yata siya!

Doon na lumabas ng kusina ang inay niya.

"Aba! Samuelito! Ano bang ginagawa mo? Mukhang tinodo mo na ang pagpapaka-lasing ha?"

Nakangiting tumayo ang itay niya at lumapit sa nanay niya.

"Ito namang si Galeng , oo!" Inakbayan pa nito ang huli.

Noon nasigurado ni Agatha na hindi nalasing ang itay niya! Sa makatuwid ay si Isaac lang yata ang
naka-kalahati ng lambanog na nasa bote!

"Agatha, iwan muna namin kayo ng inay mo, ha?" Nagulat silang pareho ng inay niya sa sinabi nito.

"Bakit saan tayo pupunta? Gabi na?" Takang tanong ng inay niya dito.
Ngumisi si Mang Samuel. "Nakalimutan ko, burol ng asawa ni Mang Karyo. Iyong sa may talyer sa
dulo... Huling lamay na ata. Pinapapunta tayo doon."

"Aba'y kailan pa kayo naging close nung Karyo na iyon?" Nakangiwing tanong ng inay niya.

"Asus! Kama-kailan lang! Hala, mag jacket ka, aalis na tayo."

At kahit umapela pa ang inay niya ay wala na din naman na itong magagawa sa kagustuhan ng
kanyang itay.

Bago lumabas ng pintuan ay nilingon pa sila ng itay niya. "Agatha! Isaac! Sandali lamang kami
doon."

"Anak, mag lock ka ng pinto kapag umalis na si Isaac!" Habilin ng inay niya.

Si Isaac ay tila wala na sa sarili habang nakaupo lang ito sa tabi niya at nakamasid din sa mga
magulang niya na ngayon ay nasa tapat na ng pintuan.

"Sus! Wag na. Isaac, maya-maya ka na umalis at baka mapaano ka pa sa daan. Pasensiya ka na hijo
at nalasing ka yata ng masyado. Pahinga ka muna ng kaunti. Hintayin niyo muna kaming makabalik
bago mo iwan ang unica hija namin ano." Malambing na kausap ng itay niya kay Isaac.

"Sige ho..." Namumula ang mga matang sagot naman ng binata dito.

Nang tuluyan na silang maiwan sa kabahayan ay saka lamang siya nakaramdam ng pagka-asiwa.

Parang sumasakit ang tiyan niya kaya't minabuti niya na lang na tumayo. Pero sa kasamaang palad ay
bigla namang umikot ang kanyang paningin.

"Hey, okay ka lang?" Maagap naman siyang naalalayan ni Isaac.

"H-Ha?" Napakapit siya sa braso nito. "Ah... oo, nahihilo lang ako." Sabay sapo sa kanyang ulo.

Napangiti ito."Ang tapang pala ng lambanog ng itay mo."

"Kaunti lang ang nainom ko subalit hilong-hilo na agad ako. Ikaw pa kayang naka-ilang baso?" Sabi
niya dito.

Natawa ito. Hinila siya nito paupo sa sofa, at nagpahinuhod naman siya. Isa pa hilong-hilo na siya.
At sigurado siyang ganoon din ang nadarama ni Isaac ngayon.

"Ah... Ang sakit ng ulo ko, Agatha." Narinig niyang halos ungol na lamang nito.

Nakapikit ang binata habang nakasandal sa kanyang balikat. Namumula ang buong mukha nito.
Saglit siyang napatitig sa mukha ni Isaac. Napaka guwapo talaga ng herodes na ito!

"G-Gusto mo ba ng tubig, ha?" Alok niya dito.


Marahan itong tumango.

Kumapit siya sa hawakan ng sofa at saka marahang tumayo. Kukuha siya ng tubig para kay Isaac.

Nagpasalamat siya at hindi na siya nabuwal. Ikinuha niya ito ng isang basong tubig sa kusina at saka
ito binalikan sa sala. Hindi niya alam kung paano niya nagawang maglakad dahil sa hilo pero natuwa
siya't nagtagumpay naman siyang ikuha ito ng maiinom.

"Ito na, Isaac." Inabot niya dito ang basong puno ng tubig.

Dumilat ito at tumingin sa kanya. Pero ng akmang aabutin na nito ang baso ay nabitawan niya iyon.

Nabuhos sa katawan ng binata ang lamang tubig niyon.

"Shit!" Nabigla ito. Malamig pa naman ang tubig na kinuha niya sa kanilang maliit at lumang ref.

"Naku, sorry!" Agad niya itong dinaluhan.

Dahil may kalakihan ang baso ay marami-rami ding tubig ang tumapon kay Isaac.

Basa ang T-shirt nito sa bandang dibdib patungo sa tiyan. Bahagya ding nabasa ang harapan ng cargo
short nito.

"Sorry, Isaac!" Tinabihan niya ito at hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa binata.

"It's okay, Agatha!" Ngumiti ito sa kanya. "Would you mind na hubarin ko muna ang T-shirt ko?
Ang lamig kasi."

"H-Ha? Sige..." Tama nga naman. Malamig kasi ang tubig.

Pero ikinagulat niya pa din ng hubarin ni Isaac ang suot na T-Shirt.

Para siyang napatulala sa isang demigod. Napakaganda kasi ng built ng katawan ng binata. At ang
kinis ng balat nito... pantay ang kulay.

Oo, nakita niya na ito dati sa barko na naka trunks lang kapag nagsu-swimming ito sa pool. Pero iba
ngayon, kasi silang dalawa lang sa bahay na iyon.

Saka mas lalo yatang lumaki ang katawan ni Isaac mula ng huli niya itong makita ng ganito ang ayos
noon.

"I-Ikukuha kita ng damit kay Itay..." Nau-utal na sabi niya dito.

"Kaya mo bang tumayo ulit? Nakita kong pagewang kang maglakad kanina sa kusina niyo..." Nag-
aalalang sabi nito.

"Okay lang..." Nginitian niya ito.


"Oh, no. Baka mahulog ka sa hagdan niyo, eh." Protesta nito. "Dito ka na lang." Hinila nito ang
kamay niya.

Pero huli na, nakatayo na siya. Sa paghila nito ng kamay niya ay na -out of balance siya pabagsak sa
kandungan ni Isaac.

Para siyang batang biglang napakalong dito.

"Isaac!" Napaawang ang mga labi niya sa pagkabigla.

Ito man ay nabigla din.

Bakit nga ba hindi? Gayong may kakaiba siyang naramdaman dahil sa pagkakaupo niya sa
kandungan nito!

His hardness!

Nabuhay ng pagkakaupo niya sa kandungan nito ang isang bagay na kailanman ay hindi niya
inakalang mararamdaman niya!

Namumula ang mukha niya ng itulak niya ang binata. Pero isang maling hakbang ang ginawa niya.
Dahil sa pagtulak niya kay Isaac ay napahiga lang ito sa kanilang sofa, at dahil sa hawak siya nito sa
bewang ay nadala siya nito padagan dito.

"Agatha..." Narinig niyang paos na tawag sa kanya ni Isaac.

Nag-angat siya ng tingin.

Magkalapit na magkalapit na ang mukha nilang dalawa at gahibla na lamang ang pagitan. Dagdag pa
ang katotohanang halos nakapatong na siya sa binata ngayon.

Titig na titig pa si Isaac sa mukha niya!

"Isaac... Tatayo ako..." Mahinang wika niya.


Pero tatayo nga ba siya? Gayong napaka-sarap ng pwesto niya sa ibabaw ng binata ngayon?

"Why? Natatakot ka ba sa akin, Agatha?" Mahinang tanong nito sa kanya.

Namumula na talaga ang mapupungay na mata ni Isaac. Malamang ay dahil sa alak. Pero bakit
parang may nakasungaw pang ibang damdamin doon?

Paghanga... Pagsuyo... At pagtitimpi?

Totoo ba ang nababasa niya sa mga mata ni Isaac?

Pinilit niyang hagilapin ang natitira pa niyang katinuan. Hindi pwede ang nasa isip niya.
Wala lang sa sarili si Isaac. At ayaw niyang magkailangan sila kinabukasan.

Huminga siya ng malalim at saka nagsalita. "Isaac... Tatayo na ako, ha? Pangit kasing tingnan, alam
mo na... Isa pa, tayo lang dalawa dito hindi ba?"

Sumungaw ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito. "I like it this way. It's not so bad." Anas nito.
"And... You're so beautiful, Agatha..."

"Ha?" Sabihin pang nabigla siya sa sinabi nito. Ano daw? Bigla yata siyang na-boba sa English!

"And... Forgive me dahil may gusto akong gawin na labag sa kagandahang asal." Malamyos ang tinig
na wika nito. And right then, nadama niya ang paghaplos ng mga palad nito sa kanyang likuran.

Nakalimutan na ba ni Isaac na mag 'best friend' lang sila?

"A-Ano iyon?" Kinakabahan bagamat nae-excite na tanong niya.

"I want to kiss you... I want to kiss my best friend."

And right after saying that ay kinabig na nito ang batok niya sanhi upang maglapat na ng tuluyan ang
kanilang mga labi.

Montemayor Saga Presents...


"Sa Akin Ka Liligaya"

CHAPTER 5

BASANG-BASA sila ng pawis habang magkapatong na nakahiga sa mahaba nilang sofa.

Yakap-yakap siya ni Isaac habang hinahalikan nito ang mga labi niya.

It was her first kiss!

At hindi niya akalaing kay Isaac niya iyon makakamtan.

And it was mind blowing! Dahil inilipad noon ang lahat ng natitirang katinuan sa pag-iisip niya. Ang
sa kanya ngayon ay nasisiyahan siya sa nakakakiliting galaw ng malambot nitong labi sa mga labi
niya.

He's a good kisser! At napakasarap nitong humalik. O dahil sa matagal niya na kasing pangarap na
mahagkan ng binata?

Lalo pang lumalim ang halik nito sa kanya ng madama ang kanyang pagtugon.

Batid niyang dapat niya itong pigilan sa kapangahasan nito pero hindi niya ginawa.
She looked at his eyes matapos ang halik na pinagsaluhan nila.
Kapwa habol nila ang paghinga.
Nasa mata nito ang purong pagnanasa at kawalan ng pakialam sa paligid.

Sa wakas, naging bida din siya sa paningin nito... Kahit ngayon lang.

Salamat sa epekto ng alak.

He kissed her lips again, tenderly at first, subalit muling lumalim ang halik na iyon. Para bang
mauubusan ito at gigil na gigil sa kanyang mga labi.

Hanggang sa ang halik nito ay unti-unti ng bumababa sa kanyang leeg.

"I-Isaac..." Halos mabaliw siya sa kakaibang damdaming lumulukob sa kanya ngayon.

Ang init ng hininga nito at parang nais niyang matupok.

At ang mga haplos nito... It made her feel beautiful.

Hindi kayang ipaliwanag ni Agatha ang sensasyong nadarama niya sa ginagawa ni Isaac sa kanyang
katawan. Unti-unti na ding nag-iinit ang pakiramdam niya.

At paanong nangyaring hindi niya na namalayang naalis na pala ng binata ang suot niyang baby T-
shirt?

Sabagay, magtataka pa ba siya?

Si Isaac yata ito. Sanay ito sa babae, at mas madaling sabihing bihasa ito.

Kabi-kabila ang babae nito noon sa barko. At alam niyang hindi simpleng jack-en-poy lamang ang
ginagawa ng mga ito kapag pumapasok sa cabin ng binata.

It hurts like hell... Bakit? Kasi noon pa naman ay may damdamin na siya dito.

"Agatha..." Anas nito sa pangalan niya habang patuloy ito sa pagsamba sa kanyang katawan.

"D-Don't stop, Isaac..." Impit na ungol niya.

Tanga siya, oo. At naiinggit siya sa mga babaeng napaligaya ni Isaac. Hindi naman siguro masama
kung hilingin niyang mapasa-kanya ito kahit ngayon lang ,di ba?

Naba-baliw na nga siguro siya.

She was crazy...

'Sige, Isaac... Sa akin ka muna ngayon. At sa iyo naman ako...' Piping bulong ng puso niya.

Kusang tumaas ang mga kamay niya para haplusin ang malapad na dibdib ng binata.
Napa-ungol ito sa ginawa niya.

"I'm yours tonight, Isaac..." Wala na sa sariling saad niya dito.

Muli siyang hinalikan ni Isaac habang nadama niyang dumako ang kamay nito sa likod niya para
tanggalin ang pagkaka-hook ng kanyang bra.

Gusto niyang itago dito ang parte niyang iyon dahil nahihiya siya pero pinigilan siya nito.

Gusto siya nitong makitang walang saplot? So be it.

Kaya din niyang maging daring kagaya ng mga tipo nitong babae! Hindi niya ito bibigyan ng
dahilang umatras! No not this time!

Pinagsawa nito ang mga labi sa kanyang dalawang bundok at halos tumirik na ang mga mata niya sa
kakaibang eksperyensiyang iyon.

Ah... Hindi niya ito magagawa kung hindi siya lasing.

Sa ngayon, kanya si Isaac at nababaliw ito sa kanya. Hindi siya nito best friend ngayong gabi, at iyon
ang labis na ikinasisiya ng puso niya.

Naramdaman niya ang saglit na pag-angat ng katawan nito. He un-buckled his belt. At ngayon ay
alam niyang wala ng atrasan pa.

Dalang-dala na din naman siya ng kakaibang damdaming lumulukob sa kanya ngayon.

Hindi niya na namalayan pa ang sumunod na pangyayari.

Napahiyaw na lamang siya sa sakit dahil sa unang pagsasanib nila subalit hinalikan siya kaagad ng
binata.

And suddenly, she felt like she had reached a place she had never been to before.

At pakiramdam niya'y nakompleto na ang pagkatao niya dahil sa pinagsaluhan nilang iyon...

"I love you..." Bulong niya sa punong tainga nito.

He's there. Sa ibabaw niya, habol ang paghinga at tila hapong-hapo.

Kahit mabigat ay hindi niya hinayaang umalis ito sa kanyang ibabaw. Sa halip ay niyakap niya ito ng
mahigpit.

Si Isaac naman ay napasubsob na lamang sa kanyang leeg.

Pagod at tila idinuduyan ang pakiramdam nito.


Napangiti siya ng matamis...

Kung ito ay panaginip, hindi niya na nais magising. Hanggang sa tuluyan na din siyang igupo ng
pagod at antok...

SAKTONG alas-siyete na ng umaga, sa labas ng bahay ay huminto ang isang honda civic na bagong
modelo. Bumaba doon ang isang babae na nasa edad kuwarenta na paitaas.

Larawan ng isang naka-aangat. Isang mula sa alta sociedad subalit napaka-amo ng mukha kahit may
edad na. Simple lamang ang ayos nito pero hindi maipagkakailang napakayaman nito.

Kasunod ng mamahaling sasakyan ay ang isang tricycle. Bumaba mula sa loob noon ang mga
magulang ni Agatha.

"Madam!" Gulat at pagtataka ang bumadha sa mukha ng inay ni Agatha pagkakita sa babae.

Samantala si Samuel naman ay pasimpleng nangi-ngiti sa gilid. Swerte at hindi napansin ng mga ito
na nakaparada pa sa gilid ng kalsada ang sasakyan ni Isaac. Sabagay, sa dami ng sasakyan ng mga ito
malamang di na tanda ni Madame Dorcas ang kotse ng anak.

"Galeng! Kumusta?" Magiliw na niyakap nito ang inay ni Agatha. "Ang alam ko'y may sakit ka...
Kaya pala hindi ka na nakabalik sa barko two years ago."

"Oho, madam..." Nahihiyang sagot naman ni Galeng.

"Hmnn, nagtatampo ako. Nagpa-opera ka daw at hindi na nagawa pang makapag-patuloy ni Agatha
sa kolehiyo dahil sa pinansiyal na problema. Sana ay kinontak mo ako... Disin sana'y natulungan
kita." Sinserong wika pa nito.

Halos maluha naman si Galeng. Napakabuti talaga ng kanyang amo dahil hindi siya itinuring na iba.
"Naku! Nakakahiya! Saan niyo ho nalaman?" Takang tanong ni Galeng.

"Nai-text sa akin ni Isaac kanina lang. Nag-alala nga ako kaya ako napapunta dito. Alam mo namang
hindi ka na iba sa akin. Kaibigan kita sa barko hindi ba?" Malambing na wika nito.

"Ho?" Napakunot naman ang noo ni Galeng. "Nag-text sa inyo si Senyorito Isaac?"

Ngumiti si Dorcas. "Oo, alam mong kaibigang matalik niya ang dalaga mo, hindi ba?"

Napangiti naman si Galeng. Lubha talagang napakabait ni Dorcas Montemayor. Isa pa, isa lang
siyang trabahante nito pero itinuring pa din siyang kaibigan.

SI SAMUEL ay nakapamulsa lamang sa likuran ni Galeng.

Ang totoo ay nasa bulsa niya ngayon ang cellphone ni Isaac. Hindi na namalayan ng binata kagabi na
pasimple niya iyong kinuha upang mai-text niya ang mama nito.

Pero siyempre binura niya na agad ang mga texts upang wala ng ebidensiya. At nasisiguro niyang
nasa loob pa ng kabahayan ang binatang Montemayor ngayon. At kung su-swertehin ay natupad na
ang mga plano niya!

Para saan pa at hinaluan niya ng gamot ang lambanog! Maliban na lamang kung bakla si Isaac!
Nunca! Sa ganda ng kanyang unica hija ay malayong hindi ito pag-interesan ng binata kagabi.

'Para sa`yo ito anak...' Bulong ng isipan niya. Batid niyang may gusto si Agatha kay Isaac... At alam
niyang mapapabuti ang anak niya kung magkakatuluyan ang dalawa.

Isa pa, nais nya nang guminhawa sila...

Ang makaahon sa kahirapan...


Ang makawala sa mga utang...

Nakikita niya na ang magandang kapalaran ng anak niya kapag ito'y naging isa ng Montemayor!

Ah, pihadong kaka-inggitan sila ng lahat!

"Madam Dorcas, pumasok ho muna kayo sa bahay namin." Yaya niya dito.

"Oo nga ho, nang mapag-kape naman namin kayo." Nahihiyang saad naman ni Galeng. "Pasensiya
na ho kayo sa bahay namin, maliit lamang."

Natawa naman si Dorcas. "Sus! Ako pa ba?"

Agad namang sumabat si Samuel. "Nasa loob ang aming si Agatha... Nag-iisa lamang iyon ngayon,
eh. Alam niyo na, puro aral ang anak namin kaya hindi pa talaga nagno-nobyo."

"Inumaga na ho kasi kami sa lamay kagabi kaya heto at di namin nauwi ang aming dalaga." Si
Galeng. "Ito kasing si Samuel ay ayaw pang paawat sa tong its sa patay." Biro pa nito.

Natawa naman si Dorcas. "Ay, napaka-swerte ng makakatuluyan ng anak niyo." Komento nito.
"Napaka-responsableng bata at mabait."

"Siyanga ho, Madam." Ngiting-ngiting wika ni Samuel.

Nang makarating na sila sa harapan ng pintuan ng bahay ay huminga muna ng malalim ang ama ni
Agatha.

Sana...
Sana...

Sana nagtagumpay siya!

At nasagot ang lahat ng pangamba niya ng makapasok sa sila sa loob ng sala.


Montemayor Saga Presents...
"Sa Akin Ka Liligaya"

CHAPTER 6

NAALIMPUNGATAN si Agatha dahil sa isang mabigat na bagay na nakadantay sa bandang tiyan


niya. Pakiramdam niya din ay nilalamig siya, gayon pa man ay pinapatay ng mainit na bagay sa
kanyang tabi ang nadarama niyang ginaw.

"Isaac!" Ganoon na lamang ang pagkagimbal ng dalaga ng makitang katabi niya ang halos hubo't-
hubad na si Isaac.

Tulog na tulog pa ito sa tabi niya. Namumula ang mukha ng binata at bahagya pang nakasiksik sa
kanyang leeg. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ang mga naganap kagabi.

Nakahubad din pala siya sa ilalim nito. Halos nakadagan pa sa kanya ang buong bigat nito habang
nagsi-siksikan sila sa kanilang sofa!

HINDI IYON PANAGINIP!

"Diyos ko ko!" Napatakip siya sa kanyang bibig. Hindi niya magawang makatayo dahil sa nakadagan
pa ito sa kanya. Ayaw niyang magising ang binata dahil hindi niya pa alam kung paano niya ito
papakiharapan.

Isa pa dama niya ngayon ang kakaibang kirot na tila pumupunit sa kanyang katauhan. Nananakit din
ang buo niyang katawan at para ba siya'y magkaka-sakit.

Napapikit siya.

Bakit niya hinayaang maganap ang hindi dapat maganap. Kaibigan niya si Isaac, pero dahil sa
nangyaring ito ay malamang magkalamat na ang pagka-kaibigan nilang dalawa.

Bahagya niya itong nilingon.

Tila bata itong natutulog dahil sa kapaguran. Oh well, napagod naman talaga ito kagabi.

Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa mga labi niya, natatandaan kaya ni Isaac kung paano siya nito
paulit-ulit na inangkin kagabi? Kung paano nito naipadama sa kanya kung gaano siya kaganda?

He's really good.

Napahawak siya sa kanyang mga labi... Ang mga labing ilang beses nitong inangkin.

Muli siyang bumaling dito.

Napaka-guwapo talaga ni Isaac sa kahit na anong parte at anong anggulo.

Ang matangos na ilong na nagpa- dominante sa anyo nito. Ang mahabang pilik-mata. Ang natural na
mamula-mulang labi nito...

Everything was perfect.

Hindi niya din naiwasang pagmasdan ang katawan nito. Makinis ang buong katawan nito. Maganda
ang built na para bang alaga sa gym. No wonder kung bakit ito pinagkaka-guluhan ng mga babae. At
kung bakit niya ito nagawang mahalin...

Pero hindi lang naman dahil doon. Mahal niya na talaga si Isaac hindi pa man sila nagiging
magkaibigan.

Mabait ito at maalaga sa kanya. Iyon nga lang, wala namang malisya dito ang lahat. At minabuti na
din niyang maging kaibigan na lamang nito. Hindi naman kasi sila nababagay ,eh isa pa malabo
naman siyang makita nito bilang higit sa isang kaibigan lang.

Pero kagabi...
Kagabi...

Kagabi ay natupad ang mga pantasya niyang mapansin nito.

Napapikit siya ng mariin habang inaalala sa kanyang balintataw ang mainit na tagpo nila.

Kung epekto iyon ng alak, o wala lamang sa sarili si Isaac... Hindi niya alam.

Basta alam niyang masaya siya...

"I love you, Isaac..." Mahinang bulong niya sa natutulog na binata.

Masarap pa lang mahalin nito kahit saglit lamang. Kahit isang saglit na pagkalimot lamang...

NAHIMASMASAN si Agatha ng makarinig ng tila pag-uusap mula sa labas ng kanilang bahay.


Natitiyak niyang malapit na iyon sa kanilang pintuan!

""Diyos ko! Sila Itay!" Parang doon lamang siya tinamaas ng katotohanang nasa bahay sila.

Dagli siyang napaupo mula sa pagkakahiga. Kasehodang magising niya si Isaac.

"Isaac! Gising!" Tinampal niya sa braso ang binata pero umungol lamang ito.

Babangon na sana siya ng biglang bumukas ang pintuan.

"MAHABAGING LANGIT!" Ang nanay niya!

At hindi lamang ang nanay at tatay niya ang dumating!

Maging ang mommy ni Isaac na si Senyora Dorcas Montemayor! Ang butihing amo nila sa cruise
dati!
"Oh my God!" Natutop din ng mommy ni Isaac ang sariling bibig.

Samantalang ang itay naman niya ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa ng
binata.

"Diyos ko! Agatha!" Napasigaw ang tatay niya. "Anong kahalayan ito?!!!"

Napaluha na siya. "I-itay..."

Tila nasaktan ang kanyang ama dahil sa nasaksihan. "Bakit, Agatha?! Binusog ka namin sa pangaral
at pagmamahal! Bakit mo kami binigo ng iyong inay? Bakit mo ito ginawa?!"

Napalipat ang tingin niya sa kanyang nanay na humahagulhol na din sa likuran ng nabibiglang si
Senyora Dorcas.

Doon na nagising si Isaac. Marahil sa ingay ng paligid ang naalimpungatan na din ito. Pupungas-
pungas itong umupo para lamang magitla sa makikita.

"Mom?!" Nanlalaki ang mga mata nito nang mapatingin sa kinaroroonan ng ina.

Pero nangunguna ng pasugod ang itay niya kay Isaac kung hindi lamang ito pinigilan ng kanyang
inay. "Hayop ka! ANONG GINAWA MO SA ANAK KO?!" Sigaw ng tatay niya.

Doon naman napagtanto ni Isaac ang lahat, lalo na ng mapadako sa kanya ang paningin nito. Tanging
hinubad na T-shirt na lamang kasi niya kagabi ang ipina-pantakip niya ngayon sa kanyang
kahubaran. Samantalang ito naman ay wala maski isang takip sa katawan nito!

"Shit!" Napapikit ng mariin si Isaac.

Ngayon batid na ni Agatha na naalala na din ng binata ang mga naganap sa kanilang dalawa.

Para siyang sinaksak ng punyal sa kanyang dibidb dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata nito.
Oo, siguro at malamang ay galit ito sa kanya...

Napatungo na lamang siya dahil sa hiyang nadarama...

"This is a dissapointment, Isaac!" Matigas na sabi ng senyora sa binata. "I will call your dad! And we
will fix this!" Madiing dagdag pa nito.

"Dapat lamang, ho!" Agaw ng itay niya. "Malinis ho ang anak namin ng pakialaman siya ng anak
niyo!" Itinuro pa ng itay niya ang mantsa ng dugo na nasa sofa ng kanilang bahay.

IYON lang naman ang mantsa ng pagkadala niya sa sitwasyon kagabi...

Ang pamamaalam ng kanyang kainosentehan sa mga kamay ni Isaac.

"Itinuring ka naming hindi iba..." Garalgal na sambit ng tatay niya habang dinuduro nito si Isaac.
"Akala ko'y isa kang mabuting kaibigan ng aming anak. Nirespeto namin ang pamilya niyo... Malaki
ang utang na loob namin sa inyo... Pero sana... sana hindi ang anak namin ang kinuha mong kapalit."

"Tama na, Samuel..." Awat ng inay niya sa itay niya.

Siya naman ay nakatungong umiiyak lamang sa tabi ni Isaac. Nanliliit siya sa hiya at awa sa sarili.

Pero hindi pa tapos ang speech ng itay niya. "Isaac! Paano mo nagawa ito sa anak namin?
Napakabuti niya! Marami pa kaming pangarap sa kanya! Paano na siya ngayon?! Paano kung
mabuntis mo siya?!" Galit na galit habang lumuluha si Samuel.

Nang mapasulyap siya sa mukha ng mommy ni Isaac ay nabasa niya doon ang sari-saring emosyon.
Alam niyang galit din ang senyora sa anak nito...

"Anak." Wika nito. "Kailangan mong panagutan ang ginawa mo." Hindi iyon pakiusap... Kundi isang
utos na nagmula kay Dorcas Montemayor.

Nang mapatingin siya sa mukha ni Isaac ay gayon na lamang ang sakit na nadama niya ng makitang
nagtagis ang mga ngipin nito.

Namumula sa galit ang mga mata nito habang tikom ang kamao. Pero ganoon na lamang ang gulat
niya ng makitang tumango din sa huli ang binata bilang pag-sang ayon sa ina.

TOTOO ba ito? Pakakasalan siya ni Isaac?!

Montemayor Saga Presents...


"Sa Akin Ka Liligaya"

CHAPTER 7

"HAYAAN muna natin ang mga batang makapag-bihis..." Narinig niyang sabi ng inay niya.

Wala na siyang maintindihan pa sa ibang pinag-uusapan ng mga ito. Maging ang magkaka-sunod na
paglabas sa pintuan ng kanyang inay at itay kasunod ang mommy ni Isaac.

Nang maiwan silang dalawa ng binata sa sala ay doon na bumalik ang pakiramdam niyang kanina ay
tila namanhid na. Hiyang-hiya siya sa itsura niya. Kulang na lang ay mamaluktot na siya sa sofa
upang maitago lamang ang kahubaran niya.

Pero ano pa nga bang ikahihiya niya dito? Nakita at nahawakan naman na din nito ang lahat-lahat sa
kanya ,di ba?

"Ano pang hinihintay mo? Magbihis ka na." Malamig na boses ni Isaac ang pumukaw sa
pagmumuni-muni niya.

Nang tingnan niya ang binata ay nakasuot na ito ng cargo short nito. Bagamat hubad baro pa din.
Hindi niya maiwasang hidni na naman humanga sa katawan nito. A demigod! Totoo bang inangkin
siya nito kagabi?
"O-Oo..." Nauutal na tumayo na din siya, nang biglang gumuhit na naman ang sakit sa kanyang
kaibuturan. Namula ang magkabilang pisngi niya.

"Gusto mo bang bihisan pa kita?" Narinig niyang ang sarkastikong tanong ni Isaac.

Isang matalim na tingin ang ipinukol niya dito. Tumawa lang naman ito ng mahina bilang sagot sa
kanya.

Kahit iinot-inot ay nagawa na din naman niyang isuot ang mga nahubad na damit niya kagabi. Hindi
niya alam kung paano niya nagawa pero nagpapasalamat siya at nagawa niya nga. Hindi naman
tumitingin sa kanya si Isaac kaya nagawa niyang makapagbihis ng maayos.

Hindi naman niya na pinag-aksayahan pa ng laway na kausapin si Isaac kasi malamang sa malamang
ay galit ito sa kanya. Parang gusto niyang matawa, ito pa talaga ang may ganang magalit? Kahit pa
siya ang babae, at siya talaga ang agrabyado dito?

Maya-maya lamang ay bumukas na muli ang pintuan. Ang unang iniluwa noon ay ang seryosong
mukha ng mommy nito.

"Hijo... Parating ang ate Aria mo at ang daddy mo ngayon."

Hindi kumibo si Isaac.

Ilang oras pa ay magkakaharap na sila sa mesa habang hinihintay ang pagdating ng iba pang
kapamilya ni Isaac.
Parang nakakabingi ang katahimikan. Ni hindi pa nga nila nagawang mag -almusal muna.
Balisa pa din ang inay at itay niya samantalang siya naman ay halos mabali na ang leeg sa kakatungo.
Ayaw niyang salubungin ang tingin ng mga ito... Lalong-lalo na ang nang-uusig na tingin ni Isaac sa
kanya.

Isang puting ferrari ang huminto sa harapan ng bahay nila matapos ang paghihintay. Lumabas na
muna ang itay niya upang salubungin ang mga bagong dating.

Ang Daddy ni Isaac at ang nakatatanda nitong kapatid.

"Drake..." Tipid na ngiti ang salubong ni Don Drake Montemayor sa asawa nitong si Dorcas na
mommy ni Isaac.

Kinabahan naman siya sa nakikitang nagliliyab na galit sa mga mata ng daddy ni Isaac para sa binata.

Pero ang mas ikinabigla niya ang ginawa ng panganay na kapatid na babae ni Isaac. Si Miss Aria, the
gorgeous captain ng Montemayor cruise ng mga panahong nasa barko pa din siya.

Inilang hakbang lamang ng babae ang pagitan nito sa kapatid at saka isang matinding sapok ang
pinawalan nito sa makinis na mukha ni Isaac.

"Aria!" Pati ang mommy ng mga ito na si Senyora Dorcas ay nagulat sa ginawi ng babae.
Halos tumagilid naman ang mukha ni Isaac sa natamo nito mula sa nakatatandang kapatid.

"Asshole!" Gigil na gigil si Aria habang awat-awat na ito ni Senyora Dorcas. "Ano, Isaac? Hanggang
kailan ka magdadala ng sakit ng ulo sa pamilya?! Hindi ka na nahiya! Hindi na iba sa atin si Aling
Galeng! Tapos gaganituhin mo ang pamilya nila? Pati ba naman si Agatha ay hindi mo pinaligtas,
ha?!"

"Ate! Hindi ko alam ang nangyari---" Hindi pa natatapos ni Isaac ang sasabihin pero ang daddy
naman nito ang sumuntok dito.

"Shut up! Isaac! Hindi kita pinalaking ganiyan!"

"Drake! Tama na!" Umiyak na si Senyora Dorcas ng makitang dumudugo na ang ilong ni Isaac.

Mulagat naman ang nanay at tatay niya sa nasasaksihan. Pero siya? Kanina niya pa gustong
magsalita kung di lang sana naumid ang dila niya. Gusto niyang ipagtanggol si Isaac. Gusto niya
itong proteksyunan...

At gusto niyang punasan ang dugo nito sa mukha...

"Now, young man! What is your plan?!" Galit pa ding tanong ni Don Drake.

Pero tumungo lamang si Isaac habang kuyom ang dalawang kamao. She can tell, galit na galit na ito
subalit nagtitimpi lamang.

"Isaac!" Muli ay ang kapatid nitong si Aria. "You will marry her! Papanagutan mo ang ginawa mo."

Lahat sila ang napanganga sa sinabi ni Aria Montemayor.


Totoo ba iyon?

Ipapakasal sa kanya si Isaac?!

Pero ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya ng tumanggi si Isaac. "What?! No!"
Eksaheradong tugon nito.

"And why no?!" Si Don Drake na lalong nanlisik ang mga mata. "Wala sa pamilya natin ang
umaatras sa responsibilidad. Ginawa mo ito so face the consequences!"

Doon na hindi nakatiis ang itay niya. Sumabat na din ito. "Mawalang galang lamang ho senyorito,
Isaac. Huwag niyo naman hong itulad ang anak namin sa ibang babae niyo. Oo nga't mahirap lamang
kami, oo nga't hindi sosyal ang aming anak. Pero alam niyo naman siguro, kayo ho ang nakauna sa
kanya. Maliwanag pa sa sikat ng araw na malinis niyong nakuha ang dangal niya."

Gusto niyang pamulahan ng mukha ng ituro pa ng itay niya ang mantsa ng dugo na natuyo na sa may
sofa ng kanilang sala.

Pero lalong naging magulo ang reaksyon ni Isaac. "I don't know what happened, she's my best friend.
Hindi ko gustong mauwi sa ganito. Hindi ko intesyon na..." Kusa na din itong tumigil sa pagsasalita.

Napalunok siya ng tumingin ito sa kanya.

Bakit parang siya ang sinisisi nito?

"Stop, Isaac!" Ang mommy na nito ang nagsalita. Hilam ang luha sa mukha ng Donya. "Please,
Isaac, don't do this to us. Wag mong sirain ang pangalan ng pamilya. You're a Montemayor, at hindi
tayo ang mga taong nang-aagrabyado ng iba. Wag mong sirain ang sinimulan ng iyong Lolo
Augusto. Be a man. You're not a boy anymore, honey... And responsibilidad mo ang ginawa mong
ito. Paano kung magbunga ang nangyari sa inyo? Maaatim mo ba na may isang bastardong
Montemayor na hindi mo kinilala? Marry Agatha... Iyon ang dapat mong gawin dahil iyon ang
tama."

Iiling-iling na napasabunot sa sariling buhok si Isaac. Nilapitan ito ng itay niya at tinapik sa balikat.

"Senyorito, hindi kayo magsisisi sa aming anak. Mabait na bata si Agatha, magiging mabuti siyang
asawa sa’yo..."

"Isaac." Pukaw ng mommy nito sa mababang tono.

"Okay." Halos malaglag ang puso niya ng marinig ang tipid at malamig na sagot na iyon ni Isaac.

Napapikit siya ng mariin.

Hindi sa ganitong paraan niya pinangarap ang fairytale love story niya...
Hindi ganito...

Hindi isang shotgun wedding...

At hindi niya kayang makita ang mapapangasawa niya na halos isuka na ang pag-ayaw sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang tumungo na lamang at mahinag humikbi.

Of course, hindi siya ang babaeng pangarap nitong maging asawa. Pero ngayon? Wala na itong
kawala pa sa kanya...

Ang masakit lang harap-harapan nitong ipanamu-mukha sa lahat na labag talaga sa kalooban nito ang
gagawing pagpa-pakasal sa kanya.

Montemayor Saga Presents...


"Sa Akin Ka Liligaya"

CHAPTER 8

APAT na araw na ang lumipas matapos ang insidenteng iyon. Hindi pa din makapaniwala si Agatha
na nakatakda na siyang mapabilang sa angkan ng mga Montemayor.
Parang panaginip...
Parang fairytale...
At parang siya si Cinderella.

Si Cinderellang hindi naman mahal ng kanyang Prince Charming!

Naiiling na napaupo siya sa kanilang mahabang sofa. Sa harapan niya ay mga shopping bags na
naglalaman ng ilang mamahaling damit, bags at sapatos. Lahat iyon ay dinala ng driver ni Senyora
Dorcas kaninang umaga.

Wala sa loob na hinaplos niya ang mga paper bags. Hindi pa man niya alam ang presyo ng mga iyon
ay parang nalulula na siya.

Bibili ba ng mumurahin ang isang Montemayor? Malamang hindi.

Kahit pa nga yata mag-shopping siya araw-araw sa lahat ng mga pamosong Mall sa Maynila ay hindi
niya mauubos ang kayamanan ng mga ito.

Pero hindi naman pera ang nagpapa-ligaya sa puso niya ngayon, kundi ang kaalamang ikakasal na
siya.

Ikakasal na siya kay Isaac.

Ah kung alam lang ni Isaac na matagal niya na itong mahal.

Pero hindi nito alam iyon. At hindi nito malalaman dahil abala ito sa ibang bagay.

Sa sobrang abala nga nito ay ni hindi man lang siya nito magawang dalawin upang kumustahin man
lang sana kung okay lang ba siya.

Tuwing sumasagi sa isip niya na hindi siya gustong mapangasawa ni Isaac ay parang binabarena ang
puso niya.

Hindi ba pwedeng ma-develop ang mag best friend?

Hindi ba pwedeng matutuhan siya nitong mahalin?

Bakit?

Dahil hindi siya ang ideal girl nito?

Dahil hindi siya sopistikada?


Dahil hindi siya sosyal?
Dahil hindi siya mayaman?

At
Dahil hindi siya ang tipo nitong babae?

Well, may magagawa pa ba ito?

Ang pamilya na nito ang nagpasya na wakasan na ang kalayaan nito.

Dahil sa ayaw at sa gusto ni Isaac ay papakasalan siya nito.

At gagawin niya ang lahat para mahalin din siya ng binata.

"ANAK! Hindi ako makapaniwala..." Ngiting-ngiti ang inay niya habang tinitingnan siya.

Naroon sila ngayon sa isang sikat na shop para sa mga wedding gowns. Iyong shop na ang nakaka-
afford lamang bumili ay ang mga mayayamang may sinabi sa buhay.

Napangiti siya ng may halong lungkot.

Ito na nga...

Ilang buwan na lamang ay soon to be 'Mrs. Isaac Montemayor' na siya.

Pinagmasdan niya ang kanyang repleksyon sa malaking salamin habang suot-suot niya ang isang
tube style balloon wedding gown na napili niya.

"Beautiful." Bulalas naman ni Senyora Dorcas na kakapasok pa lamang sa pintuan ng boutique.


Ngiting-ngiti ito ng lumapit sa kanya at hagkan siya sa kanyang pisngi.

"Salamat po, senyora..." Nahihiyang pasalamat niya dito.

Muling ngumiti ng matamis ang donya sa kanya. "Stop calling me 'senyora'. Hindi ba't mommy na
din ang dapat na itawag mo sa akin? Hmnn?" Malambing na wika nito.

"Mommy." Ngumiti na din siya. Napakabuti talaga nito, maging ang iba pang kapamilya ni Isaac.
Kailanman ay hindi naging issue sa mga ito ang estado sa pamumuhay. "Salamat po..." Naiiyak na
saad niya.

"Ano ka ba naman, hija?" Tumawa ang babae. "Magiging anak na din kita hindi ba? Hindi ba,
balae?" Bumaling naman ito sa inay niya na nasa kanyang tabi.

"Oho..." Ngumiti din ang inay niya.

"Oho? Aba'y, balae! Magkasing tanda lang tayo!" Muling tumawa ang mommy ni Isaac.

Kahit may edad na ay napakaganda pa din talaga nito.

"Nasaan ho pala si Isaac?" Bigla niyang naitanong. Dapat kasi ay narito na din ngayon ang binata
upang magsukat ng amerikang isusuot nito sa kasal nila.

Naging mailap naman ang mga mata ni Dorcas sa tanong niyang iyon. "Ah, may inaasikaso lamang
siya... Pero pupunta din iyon dito." Ngumiti ito ulit.

PERO natapos na ang araw na iyon sa pagsusukat niya ng gown na susuutin sa kasal at sa reception
ay hindi pa din dumadating si Isaac.

Nakapag lunch na sila sa malapit na restaurant doon ay wala pa din ito. Nakikita niya pang
pinagpapawisan na si Senyora Dorcas sa pag-contact nito sa binata subalit walang sumasagot dito.

Kahit ang inay niya ay bahagya na ding naiirita sa kanyang mapapangasawa. Ni wala din ito noong
nakaraang linggo ng mamili na siya ng mga wedding invitations. As in palagi itong wala.

Pakiramdam tuloy ni Agatha ay ikakasal siya sa sarili niya.

GABI na ng ihatid sila ni Senyora Dorcas sa kanilang bahay.

"Salamat po, mommy." Magalang na paalam niya dito.

"Sige na, magpahinga ka na, hija. Pasensya ka na kay Isaac, malamang busy siya opisina. Mag e-
expand na kasi kami sa Mexico next year, baka iyon ang nagpapa-hectic ng schedule niya." Ito na
ang nagpaliwanag sa kanya.

Pero tama bang dahilan iyon upang hindi ito sumipot sa pag-aasikaso ng kasal nila? Parang pinipiga
ang puso niya sa isiping wala naman talagang pakialam si Isaac sa kasal nila.

"Paano mauuna na ako, hija?"

NANG makaalis na ang mommy ni Isaac ay pumasok na siya sa loob ng bahay nila.

Kaya pala maingay ay may mga kainuman pala ang itay niya sa loob ng sala nila. Dire-diretso na
lamang niyang nilampasan ang mga ito patungo sa kanilang kusina kung saan naroon na ang inay
niya.

"Aba! Hindi pa man ay parang mukha ng donya si Agatha, ah!" Palatak ng isa sa mga kainuman ng
itay niya.

Tumikwas ang isang kilay niya sa narinig. Ang lagay ay alam na pala ng mga ito ang pagpapakasal
na gagawin niya sa isang Montemayor?

"Oo naman Pareng Mando! Eh, kaya nga di ko pinaliligawan iyang Agatha ko dahil alam kong
darating ang araw na makakasilo iyan ng mayaman!" Boses naman ng lasing na lasing niyang tatay
ang sumunod niyang narinig.

"Ke ganda naman kasi ng anak mo! Talagang di bagay iyan dito sa lugar natin! Bagay sa kanya sa
isang palasyo dahil mukhang prinsesa si Agatha! Kung sana'y mayaman lamang kami ay irereto ko
sa kanya ang binata kong si Kevin!"
"Ay, it's a no way!" Humagikhik pa ang tatay niya matapos mag-inggles. "Aba'y napaka-pogi ng
mamanugangin ko! Artistahin! Walang binatbat ang anak mong si Kevin. Hindi mo ba alam na isang
Montemayor ang nasilo niyang Agatha ko?! Parang Adonis, ang guwapo at ang ganda ng katawan!"

"Wow! Swerte pala iyang si Agatha nang sobra-sobra! Akala ko pa naman ay DOM ang nakulimbat
niya!" Sabad pa ng isang kainuman nito.

"Bakit gwapo naman ang Kevin ko, ah? Isa pa, seaman iyon! Malaki ang sahod non sa barko!" Apela
ng isang kausap nito kanina.

Tumawa naman nang malakas ang itay niya. "Ulol! Seaman lang ang anak mo! Eh, ang
mamanugangin ko? May ari ng barko! Hindi lang barko! Sila ang may ari ng Montemayor Cruise!
Iyong sikat na cruise na parang titanic! At marami pa silang negosyo sa loob at labas ng bansa!"

NAPAILING-iling na lamang si Agatha sa mga narinig na usapan sa sala nila.

Kung alam lang ng mga ito na ni wala nga yatang pakialam sa kanya ang mapapangasawa niya. Ni
ilang araw na nga itong hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang sa kanya!

Pakiramdam niya'y biglang nagsikip ang dibdib niya. Ayaw niya ng mag-alala pa ang inay niya
kaya't bumaling na lamang siya patungo sa hagdanan ng bahay nila. Siguro gaya ng ilang gabi ay
magkukulong na lamang siya sa maliit niyang silid at doon ibubuhos ang kanyang mga sama ng loob.

PERO natigil siya sa paglalakad papanhik sana sa pangalawang palapag ng bahay nila ng makarinig
ng ugong ng isang sasakyan.

Kasunod noon ay ang malakas na boses ng itay niya.

"Agatha! Narito ang mapapangasawa mo!" Sigaw nito.

ANO DAW?

Dumating si Isaac?!

Montemayor Saga Presents...


"Sa Akin Ka Liligaya"

CHAPTER 9

"Pasok, ho! Pasok!" Ngiting-ngiti ang itay niya ng pagbuksan ng pintuan si Isaac.

"Aba'y, guwapings nga ang mamanugangin mo Samuel, ah!" Palatak ng isa sa mga kainuman ng itay
niya.

"Mukha talagang mayaman! At de-kotse! Bigatin talaga!" Sang-ayon pa ng isa.


Liyad naman ang dibdib ng tatay niya na tila nagmamalaki.

"Aba, Samuel! Mayaman ka na! Baka kalimutan mo na kami, ha?" Biro pa ng isa sa mga kainuman
nito.

Ngising-ngisi lang ang itay niya.

SIYA naman ay parang itinulos sa kanyang kinatatayuan.

Titig na titig siya sa papalapit na binata. Ang mga mata nito ay hindi mababakasan ng ano mang
emosyon. Maging ang mga labi nito ay nakatikom na para bang wala man lang plano na bigyan siya
ng kahit isang pekeng ngiti man lamang.

"Isaac..." Pakiramdam niya'y nanuyo ang lalamunan niya.

Parang gusto niyang tumakbo palapit dito para yakapin ito ng mahigpit dahil sa sobra niya na itong
na-miss!

Pero hindi pwede.


Alam niya na galit ito sa kanya...

Matiim na matiim ang pagkakatingin nito sa kanya at hindi niya mawari kung ano ang iniisip nito
ngayon. Wala siyang mabakas na kahit ano sa mga mata nito.

Pero isa lang ang natiyak niya, lalo yatang gumwapo ang kanyang ex-best friend and soon-to-be her
husband!

His sexy pouted lips na kahit walang kangiti-ngiti ay para bang inaanyayahan siyang halikan ito.

Oh how she wish magawa niya nga.

Binigyan niya si Isaac ng isang kiming ngiti. "H-Hi... Napadalaw ka?" Nauutal na bati niya dito.

"Visiting my Fiancee." Walang kangiti-ngiti nitong sabi.

Naumid ang dila niya. 'Fiancee'? So tanggap na nito na engaged na sila ganoon ba?

SAKTO namang paglabas ng inay niya mula sa kusina. Nagulat din ito ng makita si Isaac. "Hijo!
Narine ka pala!"

"Magandang gabi ho, `Nay..." Magalang namang nagmano ito sa Inay niya.

'Nay'? Tama ba? Tinawag nitong 'Nay' ang inay niya?! Parang gustong magwala ng puso niya sa loob
ng kanyang dibdib!

"Kumain ka na ba, ha?" Magiliw namang tanong ng inay niya dito. "Kung nais mo ay ipaghahanda
kita ng makakain?"
"Wag na, ho. Pumunta lang naman ho ako dito para kay Agatha." Bumaling ito sa kanya.

"Ha?" Napaawang naman ang mga labi niya.

"Ay, kanina ka pa nga niya hinihintay." Ngumiti ng kimi ang inay niya. "Ilang araw kang hindi
nagagawi dito. Kanina ay hinihintay ka din namin sa wedding shop pero busy ka daw sabi ng
mommy mo." Bakas naman ang hinampo sa tinig ng nanay niya.

"Pasensiya na ho kayo, `Nay, marami kang trabaho sa opisina. Ako na ho kasi ang in charge bilang
CEO ng kumpanya namin ngayon. Anyway next month pa naman ho ang kasal namin ni Agatha.
Mapa-plano din po namin ng maayos iyon lalo na kapag nasa Quezon City na kaming dalawa."

"Quezon City?" Halos sabay pa sila ng inay niya.

"Oho. Balak ko na ho sanang isama ngayong gabi si Agatha paluwas sa Maynila." Ngumiti pa si
Isaac sa inay niya.

"Naku? Pero bakit biglaan naman yata?" Apela ng inay niya na bakas ang pag-aalala sa boses ng
balingan siya.

"Doon ho kasi Maynila ay maaasikaso ko si Agatha, gayon na din ang ilang detalye ng kasal namin."
Paliwanag ni Isaac na hindi man lang siya tinitingnan. "Nakausap ko na din ho ang mommy about
this. Sa condo ko ho tutuloy si Agatha habang nasa QC kami. May dalawa naman hong silid ang unit
ko so nothing to worry about, isa pa ho ay ikakasal na din naman kaming dalawa sa susunod na
buwan. Kailangan din ho kasi ni Agatha na pumasok sa isang tutorial class, kung hindi niyo ho
mamasamain."

"Tutorial?" Sabay pa sila ng inay niya.

"P-Para saan ang tutorial?" Nalilitong tanong niya.

"You're marrying a CEO." Ngumiti nang tipid sa kanya si Isaac. "Alam mo naman siguro ang
mundong ginagawalan ko, Agatha. As my wife kailangan kitang isama sa ilang parties na dadaluhan
ko in the future. Maaring sa mga hotel dito sa Pilipinas o sa labas ng bansa. Makikisalamuha ka sa
ibat-ibang taong galing sa alta sociedad. The tutorial is for you to grow, at ang magkaroon ka ng
kaalaman sa mundong ginagawalan ko."

Oo nakuha niya ang punto ni Isaac! Kuhang-kuha niya!

Tama nga naman, isa siyang dukhang tatanga-tanga na ikakasal sa isang prinsipeng tulad nito.
Nakakahiya naman kung aanga-anga siya kapag iniharap siya nito sa mga sosyalan ,di ba?

"Kung gayon ay kayo ho ang bahala." Nagulat siya sa pag-sang ayon na iyon ng inay niya.

"`Nay!" Napasigaw siya.

"Kailangan na nating umalis Agatha. Baka umagahin na tayo sa biyahe." Pormal ang mukhang sabi
sa kanya ni Isaac.
"P-Pero... Hindi pa ako nakakapag impake..." Mahinang sagot niya. Nagri-rebelde ang kalooban
niya.

"You don't have to." Malamig na sagot nito. "May magiging stylist ka sa Maynila. Siya ang
mamimili ng mga damit at gamit mo when we get there."

"P-Pero..." Aangal pa sana siya kaya lang hinawakan na siya ng binata sa kanyang kamay.

"Inay, aalis na ho kami ni Agatha..." Paalam nito sa nanay niya.

"Ha? Ah, mag-iingat kayo..." Wala naman ng nagawa pa ang inay niya.

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 10

KAHIT ang itay niya ay hindi na din naman nagprotesta pa, sa halip ay parang mas natuwa pa nga ito
ng hilahin na siya ni Isaac palabas sa kanilang bahay.

Napatingin siya sa kamay niyang hawak-hawak nito. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya na
tila ba ayaw na siyang pakawalan pa. Na para bang tatakasan niya ito.

Seryoso ang mukha nito kaya hindi na lamang siya umimik pa.
Kinakabahan siya!

Ano ang naghihintay sa kanya sa piling ni Isaac?

Lalo pa't sa iisang condo lamang sila titirang dalawa?

Handa na ba siyang makasama ito?

PERO bakit ganoon?

Mas lamang ang kilig na nadarama niya kesa sa kaba?

WALA silang kibuan sa loob ng sasakyan. Mahaba-haba din ang ba-biyahiin nila hanggang sa
Maynila kung kaya't hindi mapalagay sa kinauupuan niya si Agatha.

Ni hindi niya alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan ngayon ni Isaac. Tahimik lamang ito habang
nakatutok ang tingin sa kalsada. Kahit naman hindi niya ito tanungin ay batid niyang galit ito sa
kanya.

Pero kasalanan niya nga bang maituturing kung nagpaubaya siya dito?
Hindi ba't kung tutusin ay silang dalawa naman ang dapat sisihin?

"May sasabihin ka?"

Muntik na siyang mapatalon ng marinig ang boses ni Isaac. Sa kanya na pala ito nakatingin ngayon!

"H-Ha?" Ngali-ngaling batukan niya ang sarili dahil sa pagkautal niya. Ramdam ba ni Isaac na balisa
siya sa kinauupuan niya?

"Kanina ka pa tingin ng tinging sakin. I can see you from my peripheral vision." Pormal ang
mukhang wika nito.

Pinamulahan siya ng pisngi. Mabuti na lamang at may pagka dim ang ilaw sa loob ng kotse nito. Sabi
na nga ba, nahuhuli siya nito sa pasimpleng mga sulyap niya.

"C'mon, Agatha, ano iyon?" Untag nito sa pananahimik niya.

"W-Wala..."

"Ows?"

Tiningnan niya ito. Isaac is smiling at her habang ang mga kamay nito ay napakapagkit pa din sa
manubela.

"Isaac..." Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dito. Nanunuyo na ang lalamunan niya
sa tensyon. Hindi pa naman kasi siya handang magkasolo silang dalawa eh.

Pero nakangiti na si Isaac ngayon. Hindi na ba ito galit sa kanya?

"Nandito na tayo Agatha, may magagawa pa ba ako?' Tanong nito na parang hindi naman
nangangailangan ng sagot mula sa kanya.

Parang may humiwa sa puso niya dahil sa sinabi nito. Kung gayon, tama nga siya. Sunod-sunuran
lang sa agos ang binata. Marahil ayaw nitong maitakwil at mawalan ng mana kaya napilitan na lang
itong pakisamahan siya.

'We used to love each other as best friends' Parang nais niyang sabihin dito. Siguro naman ay hindi
siya mahirap matutunang mahalin kung magpapakasal na sila ,di ba?

Hindi naman siya pangit, iyon nga lang ay simple lamang siya at mula sa mahirap na pamilya.

Mabait din siya at batid niyang kaya niyang maging mabuting may bahay kay Isaac.

"Matulog ka muna diyan. Medyo mahaba pa ang biyahe natin, gigisingin na lang kita pag nasa condo
na tayo." Muli na nitong ibinalik ang paningin sa harapan ng sasakyan.

Sinunod niya ito. Pumikit na din siya at sumandal sa upuan. Mas maigi ng magpanggap siyang
natutulog kesa naman magpanisan sila ng laway ni Isaac. Mas awkward iyon.

Pero hindi na namalayan ni Agatha na nakatulog na nga siya sa loob ng apat na oras na biyahe nila.
Nagising na lamang siya sa mga mahihinang tapik sa kanyang pisngi.

"Agatha, we're here." Boses iyon ni Isaac.

Agad siyang nagmulat ng kanyang mga mata, para lamang makitang halos wala na pa lang pagitan
ang kanilang mga mukha ng binata.

"I-Isaac!" Agad siyang napatuwid ng upo.

Ayun nagkabungguan pa tuloy sila ng ulo ni Isaac. Hiyang-hiya siya ng makitang tila nasaktan ito sa
pagkaka-umpugan nila.

"Sorry!"

Himas-himas naman nito ang noo. "Okay lang. Sanay na ako sa pagiging clumsy mo."

Napasimangot siya. Loko 'tong lalaking ito, ah!

"C'mon, bumaba na tayo." Maya-maya ay sabi nito.

Noon niya napansin ang paligid. Mukhang nasa parking lot na nga sila ng condominium nito.
Bumalik ang kaba niya kanina, kung ganoon magkakasolo na nga talaga silang dalawa ni Isaac!

"We're here at Montemayor Condominium. Nasa Quezon City na tayo, pansamantala dito muna tayo
sa unit ko sa 27th floor." Binuksan na nito ang pintuan ng sasakyan. "Dito ako tumutuloy kapag nasa
Maynila ako."

Dali-dali naman din siyang nagbukas ng passenger seat door. Ayaw niyang si Isaac pa ang magbukas
noon para sa kanya.

SUMAKAY na sila sa elevator patungo sa unit nito pero hindi na siya nagsalita pa. Ni magtanong
kay Isaac ay hindi niya ginagawa. Para lang siyang manikang de susi na sumusunod dito. Si Isaac
naman ay naa-amused lang sa kanya dahil sa mga kinikilos niya.

Iginala niya pa ang paningin sa kabuuhan ng pinaka sala ng unit. Lalaking-lalaki ang mga designs,
pang bachelor talaga. Mula sa malalaking kurtina na kulay maroon at abo, mga dekorasyong gaya ng
babasaging bola ng soccer sa taas ng isang estante at mga muebles na hugis parisukat sa dingding.

Kompleto din iyon ng mga makabago at mamahaling appliances. Masasabi mo agad ng hindi basta
sino lang ang nakatira doon.

Malaki ang pad ng binata. Parang kasing laki iyon ng anim na sala nila sa probinsiyang pinagsama-
sama. Ang sahig noon ay may malambot na carpet at para bang kay sarap higaan. Mabango din ang
amoy ng paligid, amoy mayaman!
"Pasensiya ka na. Walang man lang feminine touch ang pad ko." Narinig niyang saad nito.

Nilingon niya si Isaac. Nakapamewang ito sa harapan niya na para bang kanina pa siya
pinagmamasdan habang siya naman ay abala sa pagsuri sa paligid. Shocks! Ang guwapo naman
talaga ng mapapangasawa niya!

"H-Ha? Okay lang, ano ka ba?!" Nahihiyang sagot niya.

"Anyway, you're free to do whatever you want here. You can change the designs anytime, bahala ka
na kung may nais kang baguhin o idagdag dito." Nagulat siya sa pagbibigay nito sa kanya ng
karapatang mangialam sa mga gamit nito.

"S-Sige..."

Itinuro nito sa kanya ang magiging kuwarto niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil nagsasabi pala
naman pala ito ng totoo na hindi sila share ng silid hanggat hindi pa sila kasal. Bagamat medyo na-
disappoint din naman siya ng very very light dahil hindi pala talaga sila magsasama sa iisang
kuwarto.

"Matulog ka na, maaga pa tayo bukas." Iyon lang at iniwanan na siya ni Isaac.

Naupo siya sa gilid ng kanyang kama matapos i-lock ang pintuan pagkalabas nito. Mukhang
mahihirapan siyang makatulog sa unang gabi niya dito. Tiyak na maninibago siya.

Pero choosy pa ba siya? Ang ganda kaya ng kwarto niya. Kahit plain lang ang kulay noon ay sosyalin
pa din. Noon akala niya sa mga mamahaling hotel lamang nag- e-exist ang mga ganitong klaseng
kuwarto.

Napapangiting hinaplos niya ang malapad na comforter ng kama. Napakalambot niyon. Tamang-
tama ang kapal dahil sa malamig matulog ng may aircon. Ang lawak din ng kama niya, kahit yata
magpagulong-gulong siya doon ay hindi siya mahuhulog.

Ano kaya ang itsura ng kwarto ni Isaac sa kabila? Malamang malaki din iyon. At may malaki ding
malambot na kama. Kapag ikinasal na sila ay magshi-share na sila sa kamang iyon, at malamang
magkayakap silang dalawang matulog!

Namiss niya bigla ang madama ang init ng katawan ng binata. Siguro naman kung magtatagal pa ay
matututunan na din siya nitong tanggapin. At ipina-pangako niyang gagawin niya ang lahat para
maging masaya ito sa kanya at sa piling mga magiging anak nila.

Mamahalin niya ito ng higit pa sa nais nitong pagmamahal. Hindi nito pagsisisihan ang gagawing
pagpapakasal sa kanya dahil magiging mabuti siyang asawa. Pagsisilbihan niya ito at aalagaan
hanggang sa tumanda silang dalawa.

Natigil siya sa pangangarap ng tumunog ang kanyang brandnew cellphone. Regalo lang naman iyon
ng Mommy ni Isaac sa kanya. Ayaw niya pa nga sana pero nagpumilit lamang ang butihing Donya.

"Hello?" Medyo hindi pa niya alam gamitin ang bago niyang celfone kaya kung ano-ano munang
napindot niya bago niya masagot ang tawag.

"Anak!"

Boses iyon ng inay niya! Oo nga pala, binilhan din ng mommy ni Isaac ng celfone ang nanay niya
pagkagaling nila sa Wedding Boutique.

"Nanay!" Bigla niyang na-miss ang inay niya, ito kasi ang unang beses na napalayo siya sa mga ito.

"Anak, nariyan na ba kayo sa Maynila ha? Maayos ba ang tinuluyan niyo? Mabait ba sa’yo ang
Senyorito?" Sunod-sunod na tanong nito.

Napangiti siya. "Opo, `Nay. Mabuti naman ang trato sa akin ni Isaac. At sa tinuluyan namin ay wala
ho kayong po-problemahin dahil napakaganda dito. Nasa 27th floor ho kami ng Montemayor
Condominium. Tig isa din ang silid namin dito sa unit niya." Alam ng inay niya ang condo na iyon
dahil palagi itong pinapalabas sa mga commercial sa T.V.

"Ay, sus! Twenti seben plor ikamo? Aba'y napakataas niyan! Paano kung mahulog kayo? Paano
kung magka-emergency? Paano kapag hindi gumana ang elevator, anak?! Diyos ko!" Nag-panic agad
ang inay niya.

Di niya malaman kung matatawa siya o ano. "Inay naman, malabo hong mangyari iyon. Matindi ang
security dito sa building. Isa pa, mukhang safe naman dito. May mga fire exits din po at maraming
guwardiya kaya bantay-sarado ang kaligtasan ng mga naririto." Pagpapahupa niya sa pag-aalala nito.

"Sigurado ka ba?" Alala pa ding tanong nito.

Pero hindi pa siya nakakasagot ay narinig niyang may katalo na ang nanay niya mula sa kabilang
linya. Tila ba may umaagaw ng telepono mula dito.

"Hello Agatha?!" Hindi nga siya nagkamali, ang itay niya ang umagaw ng celfone sa nanay niya.

"Itay, kumusta ho kayo?" Kahit may sama siya ng loob sa ama ay nami-miss na din niya ito kaagad.
"Alagaan niyo ho ang inay habang wala ako, ha?"

Pero iba ang sagot nito sa sinabi niya. "Ano, anak? Maganda ba diyan sa tinuluyan niyo? Nasa ika-
dalawam put pitong palapag? Aba, gusali iyan, ah?! Ku, sosyalin ka na talaga, anak!"

"`Tay naman..." Medyo napipikong napailing na lamang siya.

"Aba anak, magpaputi ka diyan, ha? Naku, tiyak puputi ka nga sa aircon! Kikinis ang balat mo!
Magmumukha ka lalong mayaman! Sikat na sikat ka na dito sa atin! Aba'y napaka-suwerte mo sa
napangasawa mo, eh! Mayaman, asyendero at guwapo!"

Narinig niya pa ang pananaway ng inay niya sa itay niya. Malamang lasing pa nga ang tatay niya.
Hindi na lamang niya sinagot ang mga sinabi nito.

"Basta anak, gawin mo ang lahat para ibigin ka ni Isaac! Dapat lagi kang maganda at sexy sa
paningin niya! Naku, mahirap ng magsisi iyan at humanap pa ng iba! Dapat gawin mo ang lahat para
iyong-iyo na siya!"

"Sige po, itay..." Biglang na lang sumama ang pakiramdam niya. "Goodnight na ho Tay, Nay...
Maaga pa daw ho kami bukas, eh. Magpahinga na din ho kayo diyan..." Hindi niya na hinintay pang
makapagsalita pa ang tatay niya dahil pinatay niya na agad ang celfone.

Ang bigat na naman tuloy ng pakiramdam niya. Paano'y malinaw pa sa mineral water na talagang
ipinamimigay na siya ng tatay niya.

Sabagay, tama din ito... Maigi ng kay Isaac siya napunta atleast buhay na buhay siya ,di ba? Isa pa,
mahal naman niya ang binata.

Nakatulog si Agatha na hindi na nakapagpalit ng damit. Parang noon niya lang nadama ang lahat ng
pagod sa lahat ng mga naganap sa buhay niya nitong mga nakaraang linggo...

Paghahandaan niya pa ang ilang araw na makakasama niya si Isaac...

Montemayor Saga Presents...


"Sa Akin Ka Liligaya"

CHAPTER 11

PAGKA-GISING niya kinabukasan ay naligo siya kaagad matapos iligpit ang pinaghigaan niya.
Isang simpleng T-shirt ang pinili niya at isang pantalong fitted sa kanyang pang-ibaba na tinernuhan
niya ng flat color black sandals.

Maganda na siya doon, at saka niya ipinuyod ang hanggang balikat na buhok. Neat and simple!
Napangiti siya ng mamalas ang kabuuhan sa salamin. Ito ang simpleng Agatha na nakilala ni Isaac
noon sa barko. Nagpahid lang siya ng kaunting lipstick at pulbo.

Dumiretso na siya kaagad sa kusina ng pad ni Isaac.

"Good morning..." Mahinang bati niya sa binatang nagka-kape.

"Good morning, kumain ka na." Pormal na utos nito sa kanya. Nakita niyang naka office attire na si
Isaac, malamang di-diretso na ito sa opisina mamaya.

"O-Okay..." Kumuha siya ng mug niya at saka nagtimpla ng kanyang kape. Sa gilid ng mga mata
niya ay palihim niyang sinu-sulyapan ang binata.

Paano nga bang naging ganito sila ka-civil sa isat-isa na dati naman ay hindi? Nakaka-miss tuloy ang
mga tawanan nila at biruan noon.

At nami-miss niya na ang kanyang 'best friend'.

Wala silang kibuan ni Isaac habang nag-a-almusal sila. Si Isaac man ay abala na sa pagbabasa nito ng
news paper pagkatapos nitong magkape. Sinamantala naman niya ang pagkakataon para bumanat ng
kain.

Kinuha niya ang garapon ng imported speculous spread na naroon at saka ipinalaman ito sa tinapay.
Napangiti siya sa lasa noon.

"Bilisan mong kumain aalis tayo." Nagulat siya ng biglang magsalita si Isaac.

"O-Oo!" Nau-utal niyang sagot. Nakita pala siya nito ng kagatin niya ang tinapay! Nakakahiya, ang
laki pa naman ng pagkaka-nganga niya kanina!

MATAPOS ang almusal ay dinala siya ni Isaac sa sinasabi nitong magiging tutor niya. Si Becky
Solaiman, isang sikat na fashion consultant at fashion tutor etcetera!

Pagdating sa boutique nito ay sinalubong siya ng ibat-ibang tingin ng mga tao doon. Mula sa mga
empleyado hanggang sa mga parokyano ni Becky Solaiman.

Halos malusaw siya sa klase ng mapanuring tingin ng mga ito. Pakiramdam niya'y isa siyang
specimen na nasa ilalim ng pagsusuri. Bigla tuloy siyang nanliit at nagsisi kung bakit simpleng
pantalon at T-shirt lang ang isinuot niya ngayon. Tuloy ay pinagta-taasan siya ng kilay ng mga
kababaihang naroon.

"So, she's the lucky girl." Si Becky ang naunang nagsalita.

Pinamulahan naman siya ng pisngi.

"Please, take care of her Becky." Saad ni Isaac. "Babalikan ko siya mamaya."

"Makakaasa ka, Isaac!" Tinanguan lang ito ng binata at siya naman ang hinarap pagkatapos.

"I'll go ahead. Be good, Agatha." At saka na siya nito iniwanan.

Ni wala man lang 'goodbye kiss'?

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang kay Becky kesa matusta siya sa titig ng mga
empleyado nito doon.

Marahil nagtataka ang mga ito kung bakit sa isang kagaya niya lamang bumagsak ang isang Isaac
Montemayor.

'Mamatay kayo sa inggit.' Naisip na lamang niya.

At batid ni Agatha na madami pa siyang haharaping mga ganoong uri ng tao sa mundong
ginagalawan ni Isaac. Tama ang itay niya, kailangan niyang tatagan ang loob niya kung nais niyang
tumagal.

Magiliw naman si Becky sa kanya at mukha namang hindi lang siya nito pina-plastic kaya naman
medyo palagay na din siya dito.
Napag-alaman niyang everyday ang classes niya sa boutique nito. Tuturuan din daw siya nito ng
English 101. Five hours a day, Monday to Friday hanggang sa maikasal sila ni Isaac.

Pumasok sila sa isang airconditioned room.

"Ang ganda mo naman, Agatha." Puri sa kanya ng babae - teka babae nga ba ito?

Ngayon niya ito napasadahan ng tingin.

Matangkad si Becky na nadagdagan pa ng suot nitong stilletos at payat ito. O mas madaling sabihing
malnourish yata? Makapal ang make up sa maliit nitong mukha subalit sopistikadang tingnan.
Burgundy ang kulay ng sobrang iksi nitong buhok at ang suot naman nito ay amerikanang kulay pink
at super iksing skirt na kulay itim!

Ganoon ba talaga ang fashion ngayon? Parang gusto tuloy manakbo ni Agatha.

"Relax, darling." Tila napansin naman nito ang pangingilag niya dito. Inilahad nito ang kanang
kamay sa kanya.

Tinanggap naman niya iyon.

"Napaka-suwerte mo naman at ikaw ang naka-bingwit sa bachelor na si Isaac! Aba, kung alam mo
lang na halos magpakamatay ang mga kababaihan para mapansin niya lamang!" Turan nito.
"Malamang, maraming puso ang mawawasak kapag lumabas na sa mga pahayagan ang nalalapit
niyong kasal."

Kinabahan siya sa sinabi nito.

Pinaupo siya ni Becky sa isang Primadonna chair na naroon.

Nalaman niyang hindi nga babae si Becky sa halip ay isang Modernang Maximo. Isa din itong sikat
na make up artist sa Europe na ngayon ay namumuhunan na sa Pilipinas bilang isang Fashion
Consultant. Nais niya pa ngang malula ng malamang halos lahat ng nagiging kliyente nito ay mga
artista!

"Alam mo bang napaka-simple ng kagandahan mo." Narinig niyang sabi nito habang hinihimas-
himas ang kanyang buhok na hanggang balikat.

"S-Salamat..."

May tinawag itong dalawang babae na naka-uniporme para linisan siya ng kuko sa paa at mga
kamay.

Sumailalim din siya sa foot spa, facial at kung ano-ano pa.

Kailanman ay hindi siya nasanay na pina-pamper ng ganoon, pero hindi na siya kumibo pa.

Nang matapos iyon ay muling bumalik ang naka-ngiting si Becky. Pinaalis na nito ang dalawang
umasikaso sa kanya kanina.

"Let's start." Magiliw na saad nito.

So hindi pa pala sila nag-i-start sa lagay na iyon?

"And don't worry, ilalabas natin ang tunay mong ganda!" Masayang saad nito at saka hinila ang isang
magandang drawer na naroon.

Iniharap siya nito sa malaking salamin na mas mahal pa yata sa bahay nila sa probinsiya.

"Papatalbugin ng simpleng ganda mo ang kagandahan ng mga babaeng na-link kay Fafa Isaac, ha!"
Maarteng dagdag pa nito.

Ngumiti na lamang siya.

Nakita niyang mula sa drawer ay may kinuha itong box na kulay gold. Nang buksan nito iyon ay
sumalubong sa kanyang paningin ang ibat-ibang klase ng pampaganda.

Mahigit kalahating oras siya nitong inayusan. Nang masdan niya ang repleksyon sa salamin ay halos
di niya na makilala ang sarili niya.

"Wow!" Nakangiting bulalas niya.

"See, darling!" Malambing na itinayo siya nito. "And now let's proceed to your wardrobes!"

Gandang-ganda siya sa kanyang sarili. Natuwa naman siya kay Becky dahil hindi naman gaanong
heavy ang make ups na inilagay nito sa mukha niya. Simpleng ganda pa din iyon. Puro light colors
na lalong nagpatingkad sa kanyag maamong mukha.

Light pink lipstick din ang ginamit nito sa kanyang maninipis na mga labi. At na-enhance naman ang
kanyang malantik na pilik-mata dahil sa mascara na inilagay nito. Bahagya din nitong inahit ang
kanyang kilay sanhi upang maging aristokrata ng kaunti ang kanyang malambot na aura.

"Ang babagay sa'yo ay mga light colors na damit." Inisa-isa nito ang closet na naroon. Ipinili siya ng
mga bagay sa kanya at isa-isa iyong ipinasukat.

Lahat ay hakab sa kanyang balingkinitang katawan. All perfect ika nga. Gusto niya lang i-protesta
ang medyo sexy na tabas ng mga damit pero wala naman siyang magagawa.

Isa pa, ang sexy naman niya kaya wala siyang dapat ikahiya. Okay na din na magbago siya ng
fashion para naman bumagay siya kay Isaac!

Mahigit benteng dresses ang pinili ni Becky sa kanya at saka iyon ipinabalot sa mga tauhan nito sa
boutique. Halos malula siya ng malaman ang presyo ng lahat ng iyon.

"Three hundred thousand pesos?!" Gulat na sambit niya. Nilipad na yata lahat ng saya niya kanina.
Tumawa naman ng mahina si Becky. "My dear Agatha, hindi pa man ay paid na itong lahat ng iyong
super rich ang handsome groom-to-be. Isang milyon nga ang dineposito niya sa account ko para sa
session natin."

"Ano?" Sabihin pang muntik na isyang malaglag sa kinauupuan niya. "I-Isang milyon kamo?!"

"Barya lang iyon sa mga Montemayor, sistah!" Kinindatan siya nito.

Hindi na siya nag-usisa pa. Basta the whole time ay tulala na lamang si Agatha habang kung ano-ano
naman ang pinapa-gawa sa kanya ni Becky.

Pinalakad siya nito ng tuwid habang suot niya ang isang pares ng high heel shoes na napakamahal
din ng presyo. Pinatungan pa nito ng apat nalibro ang ulo niya at inutusan siyang wag na wag niya
iyong ihuhulog.

Halos mangawit na nga ang leeg niya sa pagba-balanse subalit naka-ilang hulog pa din siya! Mabuti
na lamang at mukhang mahaba ang pasensiya nitong si Becky.

Tinuruan din siya nito ng tamang pag-inom ng wine. Ilang pangalan din ng alak ang ipinakabisado
nito sa kanya. Kailangan daw iyon lalo na kapag sumama siya kay Isaac sa ilang pagtitipong
dinadaluhan nito.

"Jose Cuervo, Agave Loco, Dos Lunas Anejo, Patron Anejo..." Inisa-isa nito sa kanya ang mga
pangalan.

"Tequila!" Maagap na sagot niya.

Pumalakpak naman si Becky. "Wow!"

Syempre, HRM yata ang course niya. Medyo aware na din naman siya sa mga pangalan ng alak.
Napapangiting pumalakpak na din si Agatha, nag-e-enjoy na din siya sa kanyang classes ng mga oras
na iyon.

“Eh, sa Vodka?" Tanong ulit nito.

Saglit siyang nag-isip. "Absolut, Three Olives, Three Olives Grape, Three Olives Cherry,
Bubblegum, Kettle One at Espresso!"

"Bravo, Agatha! Napaka-galing mo sa pagmemorya!"

"Salamat nang marami, Becky!"

"O, siya, maghanda ka na. Nagtext na ang Prince Charming mo! Parating na daw siya." Nanunudyo
ang himig nito.

Pinamulahan naman siya ng pisngi.

NANG Sunduin na siya ni Isaac ay halos mapanganga ito ng makita siya sa kanyang bagong ayos.
Nakakalunod ang pagkakatitig nito sa kanya!

At ano nga ba ang nabasa niya sa mga mata nito? PAGHANGA?

Suot lang naman niya ang isang mamahaling light pink dress na hindi umabot sa tuhod ang haba.
Hapit iyon sa kanyang makurbang katawan at may mababang neckline. Labas din ang kanyang
makinis na balikat at bukana ng kanyang dibdib. First time niyang magsuot ng ganoon sa harapan ni
Isaac.

Sa sapatos naman ay naka wedge siya na lalong nagpatangkad sa kanya at ilang aksesorayang
inspired by Vera Bradley. Sino ba ang magsasabing hindi siya sopistikada? Isang simpleng gandang
lalong gumanda!

"Anong masasabi niyo, Sir?" Ngiting-ngiti si Becky dahil sa reaksyon ni Isaac.

Pero isang tipid na ngiti at tango lang ang isinagot ng binata dito.

Bigla tuloy siyang nalungkot. Hindi ba okay kay Isaac ang bago niyang anyo ngayon? Waley pa din
ba? Tahimik na lamang siyang lumulan sa kotse nito matapos magpaalam kay Becky.

"Kumusta ang klase mo kay Becky?" Maya-maya ay tanong nito sa kanya.

Sa tono ni Isaac ay parang wala naman itong interes, parang itinanong lang nito iyon sa kawalan ng
sasabihin.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung-hininga bago niya ito sagutin. "Okay lang naman,
mabait si Becky."

"Weel that's good." At hindi na ito nagsalita pa ulit.

Nanahimik na lamang din siya sa upuan niya. Ano pa nga ba ang ini-expect niya kay Isaac ? Mabigat
tuloy ang pakiramdam niya sa buong biyahe nila.

HUMINTO sila sa isang Five Star Hotel para mag dinner. Nangangatog pa nga ang tuhod niya pero
sinikap niyang hindi siya mawalan ng poise. Kailangang ipakita niya sa mapapangasawa na
deserving siyang maging Mrs. Montemayor!

Nagulat pa siya ng malamang nakapapa-reserved na pala ang binata ng table para sa kanilang dalawa.

Date ba ito? Piping umasa na naman ang suwail niyang puso.


Nang makaupo na sila sa pwesto nila ay kaagad silang nilapitan ng isang unipormadong waiter.

Siya na ang umabot sa menu na ibinibigay nito.

Mabuti na lamang at tinuruan din siya ni Becky kanina kung paano umorder sa mga menu ng
mamahaling restaurant. Tinuruan din siya nito kung paano i-pronounce ang mga menu dishes na may
kakaibang spelling.
Amused na amused naman si Isaac habang pinagmamasdan siya.

"Steak iyong well done and aburi sushi please." Matamis ang ngiting saad niya sa waiter na lumapit
sa kanila.

"Ganoon na din ang akin." Sabat ni Isaac. "And Whiskey for drinks."

"Right away Sir, Ma’am." Magalang na sagot ng waiter. "Brand for Whiskey if you have anything in
mind?"

Siya na ang pa-bibang sumagot. "Canadian Club."

Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isang ngiting sumilay sa mapupulang labi ni Isaac.
Napangiti na din siya ng bumaling siya sa binata.

Nang maakalis na ang waiter ay mas lalong napa-ngiti si Agatha ng biglang magsalita si Isaac.

"You're so beautiful tonight..."

Pakiramdam niya'y biglang nagwala ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib!

Montemayor Saga Presents...


"Sa Akin Ka Liligaya"

CHAPTER 12

"`TAPOS ka na bang kumain?" Napansin pala ni Isaac ang pagtusok-tusok niya lang sa karne.

"Ha?" Nag-angat siya tingin.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Salubong ang kilay nito habang pinapanood ang pagkain niya, or ang
pagdu- double dead niya sa steak.

"O-Okay lang naman..." Nabibilaukang saad niya. Hindi niya masabing di niya type ang steak.

Umiling-iling si Isaac. "Oh, I forgot na hindi ka pala mahilig sa karne. Bakit kasi iyan ang in-order
mo?" Naalala pa pala nito noon ng nasa barko pa siya. Bihira kasi siyang magkaka-kain ng karne
noon.

Namula ang pisngi niya. “Eh,, ganito kasi ang halos lahat ng kinakain ng mga tao dito..." Nakalabing
saad niya.

Lalo namang napasimangot ang binata. "Tsk, kailan ka pa dumipende sa iba?"

Sabagay, never naman talaga siyang dumipende sa iba. Kung anong gusto niya ay iyon ang ginagawa
niya... Nagbago lang ang lahat ng masadlak sila sa ganitong sitwasyon ni Isaac.
She wanted to please him.
Gusto niya kasing maging perpekto para kay Isaac.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng may isang sexy at magandang babaeng lumapit kay Isaac.

"Isaac!" Matinis ang boses na tawag nito sa pangalan ng soon to be groom niya!

Tila naman nabigla si Isaac pagkakita sa babae.


"Annie?!" Takang baling nito sa bagong dating.

"Hi, darling!" Naupo naman ang babae sa katabing silya nang kay Isaac.

Napakatamis ng ngiti nito.


Ngiting pang sosyal!

Annie? So ito pala si Annie? Pakiramdam ni Agatha ay may kumirot na kung ano mula sa dibdib
niya.

Ito pala ang dream girl ni Isaac. No wonder, maganda naman talaga ito. Makinis ang balat, maliit ang
mukha at magandang manamit. Kumbaga hindi nakakahiyang ipang-display!

Namilog ang mga mata niya ng makitang hahalikan ni Annie si Isaac.

"Hey---" Kahit si Isaac ay nagulat din, umiwas agad ito. Saglit pa itong napatingin sa gawi niya
subalit nag-iwas siya ng tingin.

Ngumisi naman ang babae. "Oh, I missed you kasi! Dalaw ka sa house sa Sunday, huh? Uuwi sina
Daddy from France, I'll bake a cake for us." Nahinto lang ito sa kakadakdak ng mapatingin sa gawi
niya.

Agad na nangunot ang makinis nitong noo.

"And sino siya?" Maarteng tanong nito.

"Si Agatha... Mapapangasawa ko." Walang gatol na sagot naman ni Isaac dito.

"What?!" Sabihin pang nanlaki pati butas ng ilong ni Annie! "Are you fucking kidding me?!" Halos
sigaw nito.

"No, babe. Si Agatha at ako ay magpapakasal na sa katapusan ng buwan na ito."

'Babe'? Siya naman ang napakunot ang noo, bakit ba tinatawag pang babe ni Isaac ang bruhildang
ito! Himutok ni Agatha.

"B-but..." Lumungkot naman ang mukha ni Annie at saka ito tumitig ng matiim kay Isaac. "You told
me na wala kang balak mag-asawa? You value your freedom and madami ka pang..."

Tumikhim si Isaac. Tensyonado na din. "Let's talk some other time, okay? Nagdi-dinner pa kami..."
Malambing na saad nito sa babae.

"Oh!" Napa-irap naman si Annie sa gawi niya. "Just give me a call..." Tumayo na ito.

"Sure." Sagot lang ng binata

"Bye, Isaac... and bye ---Agatha?" Ngumiti ito sa kanya na hindi niya alam kung totoo ba o peke.

"B-Bye..." Sagot naman niya. Pero iyong pakiramdam na para kang may bara sa lalamunan.

Tinalikuran na sila nito at pakendeng-kendeng na bumalik sa kung saang lupalop man ito nanggaling.

LALO namang nawalan ng gana si Agatha. Kibuin dili niya si Isaac. Kaya heto, ang steak na naman
ang pinagbuntunan niya ng asar niya.

PERO hindi naman nakatiis si Isaac. Nagsalita na din ito matapos ang ilang sandaling katahimikan.

"Agatha..." Mahinang tawag nito sa kanya.

"Siya pala si Annie..." Walang ganang saad niya.

"Yeah."

"Mas maganda siya sa personal..." Matamlay na komento niya. Hindi niya alam kung ano ang itsura
ng mukha niya ngayon, kung halata ba sa kanya ang pagkayamot at pagsi-selos.

He just nodded.

"Tara na nga." Tila wala na ding ganang tumayo na si Isaac. Nag-iwan lamang ito ng tig-i-isang
libuhing pera sa ibabaw ng mesa nila.

Tumalima naman kaagad siya kahit hindi pa siya tapos kumain.

WALA silang kibuan sa loob ng sasakyan ng pauwi na sila. Panira talaga ang Annie na iyon, pero
hindi na lamang nagsalita pa si Agatha.

"Bukas maaga ka ulit kay Becky." Wika ni Isaac bago siya pumasok sa silid niya.

"S-Sige..." Tinanguan niya lang ito.

Papasok na siya sa kuwarto niya ng tawagin ulit siya ni Isaac.

"Ah, Agatha..."

"Ha?" Lumingon siya. May gusto bang sabihin si Isaac sa kanya?


Pero umiling ang binata. "Ah, wala."

Nagtataka naman siya. "Okay, matutulog na ako."

"Alright. Matulog ka na..."

NANG makapagbihis na siya at nakahiga na sa kama ay bigla siyang napa-isip.

May gusto kayang sabihin kanina si Isaac?


Ano kaya iyon?

Parang balisa, parang may iniisip kanina pa sa sasakyan.

Si Annie kaya iyon? Nalungkot siya sa isiping iyon.

Biling-baliktad siya sa higaan. Hindi siya dalawin ng antok, kaya naisipan na lang niyang magtungo
sa kusina para magtimpla sana ng gatas.

"Tulog na kaya siya?"

SUBALIT nagulat siya ng buksan niya ang pinto palabas ng silid niya.

"I-Isaac!" Halos mabangga pa siya dito.

Kailan pa ito nakatayo sa labas ng pintuan niya? Saka bakit hindi man lang ito kumatok?

"Hi." Bati nito sa kanya. Nakapamulsa ito at nakangiti sa kanya. Parang hindi ito ang Isaac na
sobrang pormal kanina.

Napalunok si Agatha. "H-Hindi ka pa natutulog?"

"Obviously,"

"Ah..." Tumango siya. Pinasadahan niya ng tingin si Isaac. Naka T-shirt itong kulang puti at
pajamang kulay itim o maroon yata. Medyo dim light kasi dahil walang ibang nakabukas na ilaw
kungdi ang lampshade na nasa gawing gilid ng kama niya.

"Can I come in?" Husky ang boses nito ng magpaalam sa kanya. Ito naman ngayon ang nagpasada ng
tingin sa kanyang kabuuhan. Pero huminto ang tingin nito sa gawing dibdib niya.

"Ha?" Pinamulahan siya ng pisngi ng matukoy kung saan ito nakatingin!

Wala pala siyang suot na brassiere sa loob ng kanyang baby pink silk duster! At ang kanyang dibdib
ay tila nagyayabang ngayon sa harapan ni Isaac!

Pero ang higit na ikinagitla niya ay nang tuluyan na ngang pumasok sa loob ng kuwarto niya ang
binata. Ni hindi na nito hinintay na sumagot pa siya.
"Isaac!" Napaatras siya kasi kung hindi ay tatama siya sa dibdib nito.

"Hindi ko alam kung ano ang naganap sa atin ng gabing iyon. Hindi ko lubos maisip na magagawa
ko iyon sa'yo Agatha, you were my best friend. Pero nangyari na ang nangyari. Naiinis ako sa sarili
ko because I was so drunk then at wala talaga akong matandaan..." Namumungay ang mga matang
wika nito.

"Isaac..." Ilang beses siyang napalunok.

"Maliban sa..." Huminto ito sa pagsa-salita ng mapatitig ito sa mga labi niyang bahagyang
nakaawang.

"Ha?"

"Sa lasa ng mga labi mo... And I wanna taste it again." Ngumiti ang binata at saka inisang hakbang
ang pagitan nilang dalawa.

"Isaac!" Huli na para itulak niya ito.

Dahil bilanggo na siya ng maiinit at matitigas na braso ng binata. Sinakop nito ang mga labi niya at
saka pilit siyang tinangay sa dako paroon sa pamamagitan ng halik na iyon.

'Isaac...' Bulong ng puso niya.

Hindi na siya nakapalag pa. Isa pa, wala din naman siyang balak pumalag. Nami-miss niya na ang
binata... At ngayon ang pagkakataon niyang tighawin ang pangungulilang iyon.

Sa ganitong paraan nais niyang mabura ang larawan ng mukha ng Annie na iyon sa isipan nilang
dalawa.

Kusa siyang napapikit habang dinadama ang mga yakap at halik ni Isaac. Maski ang mga braso niya
ay tuluyan na ding yumakap dito.

Napasinghap pa si Agatha ng bumaba ang halik ng binata sa kanyang leeg. Wala na siya sa tamang
katinuan ng tuluyan na siyang buhatin ng binata at dalhin sa kanyang kama.

Ang lahat ay parang anag-ag na lamang. At sila ay walang pakialam sa paligid.

Walang salitang namagitan sa kanila subalit mas lumamang ang aksyon sa buong magdamag. Ilang
ulit pa siyang nagising sa mga halik ni Isaac at sa paulit-ulit sa loob ng gabing iyon ay nagpaubaya
siya dito.

PERO pag gising niya kinaumagahan ay wala na si Isaac sa tabi niya. Gayon pa man ay may ngiting
bumangon sa kama si Agatha.

Batid niyang hindi panaginip ang naganap kagabi...

Dahil parehas silang nasa katinuan, wala sila sa impluwensiya ng alak o anu pa man.
Nagmamadali ang mga kilos niya ng makitang mag-a-alas diyes na pala ng umaga. Oo nga pala,
tinanghali siya ng gising!

Napagod kasi siya kagabi.

Pakanta-kanta pa si Agatha ng pumasok siya sa banyo at naligo. Matapos iyon ay isang kulay peach
na summer dress ang isinuot niya at coach na pink semi rubber shoes. Ang ganda ng kinalabasan sa
kanya ng kombinasyon. Simple pero cute at mukha siyang modelo.

"Sabi ko na nga ba at may iga-ganda pa ako, eh!" Napahagikhik siya ng tumingin siya sasalamin.

"At napakaganda ko kagabi sa piling ni Isaac! Parang wala akong kasing ganda!" Sinuklay niya ang
kanyang hanggang balikat na buhok at saka nagpahid ng kaunting make up sa mukha.

NAABUTAN niyang nagka-kape si Isaac sa sala.

"G-Good morning..." Mahinang bati niya dito. Nagtataka siya sa kanyang sarili kung bakit nahihiya
na naman siya dito.

Sabagay, parang bumalik na naman sa dati si Isaac. Tahimik na naman ito at tila ba walang
nangyaring kakaiba sa kanila kagabi.

"Kumain ka na sa kitchen. I'll wait you here, sinabi ko na kay Becky na mali-late ka today." Pormal
ang mukhang wika nito sabay lagok sa iniinom na kape.

Bigla siyang nalungkot sa sinabi nito. "Okay..." Iyon lang ang nai-sagot niya saka nakatungong
tumungo na siya sa kusina.

SI ISAAC naman ay habol tingin sa papalayong si Agatha, may kung anong kislap sa kanyang mga
mata habang minamasdan ang dalaga...

Say something about tMontemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 13

SABADO. Maaga siyang nagising ngayon kasi nagluto pa siya ng agahan nila ni Isaac. Talagang
desidido na siyang hulihin ang loob ng binata. Isa pa, ilang gabi na ding may nangyayari sa kanilang
dalawa.

Sa katunayan ay kinasanayan na din niya na tuwing kalagitnaan ng gabi ay kakatukin siya ng binata
sa kanyang silid...

At doon mauulit ang maiinit na tagpo kahit walang namamagitang salita sa kanilang dalawa.
At matutulog silang magkayapak...
Mahal niya ito...

Ganoon yata kapag nagmamahal, wala ka ng pakialam sa ibang bagay.

Masaya na siyang magigising sa umaga na ang guwapong mukha nito ang nasisilayan niya.

Pero kagabi, sa kauna-unahang pagkakataon ay ginabi ng uwi si Isaac. Nagpaalam ito sa kanya na
hindi siya masusundo so shop ni Becky kaya naman nag-taxi na lang siya pabalik sa Montemayor
Palace Condominium.

At nang umuwi ito ay pasado ala una na ng madaling araw. Takang-taka nga siya dito dahil hindi ito
dumiretso sa silid niya, pero ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon.

HABANG nagliligpit sa sala ay nagulantang siya ng sunod-sunod na doorbell.

“Ha?” Nagtataka namang tinungo ni Agatha ang pintuan.

Wala naman silang ini-expect na bisita para sa araw na iyon. Isa pa, rest day ngayon ni Isaac kaya
malamang na ayaw nitong magpa-istorbo. Tulog na tulog pa nga ito sa kuwarto nito ngayon, at hindi
nito gusto na naiistorbo sa pagtulog. Kilala niya na ang ugali nitong ganoon kahit noong mag best
friend pa lang sila ni Isaac. Mainit ang ulo nito kapag ginigising.

Pinindot niya ang buton sa pintuan para buksan iyon. Ni hindi niya na naisip na tingnan muna sa
monitor kung sino ang nasa labas kung kaya't ngulat siya ng mapagbuksan ang kanilang bisita.

"Oh, hi!" Ito man ay nagulat din sa kanya, subalit nginitian pa din siya ng babae. Mukha namang
mabait ang bukas ng mukha nito bagamat may pagka aristokrata.

"H-Hi!" Ganting bati niya kahit pa tila natuyuan yata siya ng laway.

"Nariyan ba si Isaac?" Lumampas sa kanya ang tingin nito.

"Oo, nasa kuwarto niya-" Napatigil siya sa pagsa-salita. Pero huli na dahil nadinig na ni Annie ang
sinabi niya.

"Kuwarto kamo niya?" Tumaas ang isa sa magagandang kilay nito. "So, hindi kayo tabing matulog?"
Di din nakaligtas sa kanya ang kakaiba nitong ngiti matapos siya nitong pasadahan ng tingin mula sa
kanyang ulo hanggang sa mga paa.

Naka puting T-shirt lang siya at short na maong, simpleng pambahay kumpara sa suot nitong parang
a-attend ng binyagan.

"H-Ha?" Nailang naman siya sa klase ng mapanuring tingin nito. “Ah, k-kasi…”

"Oh, it's okay! I'm a friend here, darling." Ngumiti pa ito lalo ng ubod ng tamis. "Pwede ba akong
pumasok?" Pagkuwa’y paalam nito.
"S-Sige..." Wala naman siyang nagawa kungdi ang hayaan ito. Ayaw naman niyang lumabas na
bastos.

Gumala naman ang tingin ni Annie sa kabuuhan ng sala. "Hmn, mukhang may ilang nabago dito sa
pad ni Isaac." Komento nito.

"Ah, binigyan niya ako ng pahintulot na-"

"Okay." Putol nito. Humarap ito sa kanya. "Agatha, hindi tayo masyadong na-introduced sa isat-isa
the last time ,di ba? But I'm pretty sure na kilala mo na ako at kung ano ang papel ko sa buhay ni
Isaac, right?"

"Ha?" Napamaang siya.

"I'm his girlfriend." Walang gatol na saad nito. Taas-noo at tila isina-sampal pa sa kanya ang
katotohanang iyon.

"Annie..." Nagsisi tuloy kung bakit pinapasok niya pa ito.

"He told me about what happened between you two. Alam kong dahil sa fixed marriage na iyon ay
nakahanda ng mawala ng tuluyan sa akin si Isaac." Lumamlam ang mga mata nito.

"I-I'm sorry..." Nais niyang kasuklaman ang sarili dahil sa pagso-sorry niya dito. Pero batid naman
niyang nararapat pa din siyang humingi ng tawad kay Annie, besides ginulo niya naman talaga ang
relasyon nito kay Isaac.

Napalis ang magandang ngiti nito. "You should be." Maanghang na sagot sa kanya ni Annie.

"Annie..." Yes, nasaktan marahil ito dahil sa isang iglap ay naagawan niya ito ng nobyo. Pero anong
magagawa niya? Mahal niya din si Isaac, at hindi naman ito tumangging pakasalan siya ,di ba?

"Hindi aatras si Isaac, I know that." Saad ni Annie. "Masyado siyang masunurin sa parents niya, isa
pa mawawalan siya ng mana kapag nagmatigas siya. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang
pagiging isang 'Montemayor'. Hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira niya. He's a man with
ambition, at nagsi-simula pa lang siya para tumigil agad." Makahulugang dagdag pa nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong niya.

"Marami siyang gustong patunayan kaya hindi siya nagmamatigas ngayon sa mga magulang niya.
Kahit pa labag sa kalooban niya ang magpakasal sa'yo ay hindi niya ito aatrasan." Bumuntung-
hininga ito.

Napatungo siya. "Si Isaac ang magpapasya niyan..."

"No, Agatha!" Umikot ang mga mata nito na animo'y nauubusan na ng pasensiya sa kanya. "Ikaw!"

"Ako?"
"Ikaw lang ang may kakayahang umatras. Sabihin mong isang malaking pagkakamali ang lahat at
ayaw mo ng ituloy ang kasal. Ikaw mismo ang umatras. Magalit ka at mag-rebelde. In that way ay
hindi siya ang sisisihin ng mga magulang niya."

"B-Bakit ko gagawin iyon?" Tila nabubulunang tanong niya. Isa pa, bakit niya gagawin iyon?!

"He doesn't love you." Naka-ismid na sagot nito. Namewang ito sa harapan niya at sinuyod na naman
siya ng makamandag nitong tingin.

Naiilang na nag-iba siya ng tingin. "A-Alam ko... P-Pero..."

Ngumiti na naman ito, pero this time ay ngiting nang-iinsulto. "Money?" Tahasang alok ni Annie sa
kanya.

"Ha?" Pinamulahan siya ng pisngi. Ganoon ba kababaw ang tingin ng babaeng ito sa kanya?!

"Alam ko kung ano ang dahilan ng isang kagaya mo para manatili sa ganitong sitwasyon."

"Nagkakamali ka---"

"Oh c'mon! I can give you whatever you want darling." Mayabang na saad nito.

'Kaya mo bang ibigay sa akin ang puso ni Isaac?' Gusto niya sanang sabihin dito, pero iba ang
namutawi sa bibig niya.
"Paano mo nasisigurong maibibigay mo nga ang ano mang gusto ko?" Mahinang tanong niya.

Tumawa ng mahina si Annie. Isang sopistikadang tawa. "I can issue you a cheque, kahit ngayon
mismo."

"Tseke?" Namilog ang mga mata niya, mayayaman nga naman. Ang akala nila lahat ng bagay ay
may katumbas na halaga.

"Or cash if you want. Mayaman din ako kagaya ni Isaac, so kami ang bagay na dalawa. Hindi ka
magiging masaya sa kanya, darling. Sa umpisa pa lang ay alam ko ng nahihirapan kang mag-adjust,
hindi ba? Hindi na uso ang fairytale ngayon, wala ng Prince Charming na nag-e-exist para sa isang
Cinderella. Nasa realidad tayo, gumising ka habang maaga bago pa maging bangungot ang iyong
sweetdreams."

Naikuyom niya ang kanyang kamao. Kung di lang siya nakakapag-timpi ay baka inginudngod niya
na sa carpet ang magandang mukha ni Annie!

"Magkano ka, Agatha? Handa kitang bayadan kahit kalahating milyon o sobra pa. Ang gusto ko'y
umalis ka na sa buhay ni Isaac."

Sasagot sana siya ng biglang lumabas mula sa pintuan ng kwarto nito si Isaac. Naka-pajama lamang
ito at walang pang-itaas. Gulo-gulo pa nga ang buhok nito na halatang bagong gising pa lang.

But still, ito pa din yata ang pinaka-guwapong nilalang na nakita ng mga mata ni Agatha.
Napasinghap pa siya ng mamalas ang katawan ng kanyang mapapangasawa.

His body was close to perfection! Kaya bakit niya ito ipapa-ubaya kay Annie?

Si Isaac naman ay agad na nangunot ang noo ng makita si Annie.

"What are you doing here?" Takang tanong nito. Lumapit ito sa kanila na di man lang alintana ang
sariling kahubadan.

Sabagay, for sure ay nakita na din naman ni Annie ang katawan ni Isaac! Pero ang sakit lang isipin!
Ang sakit isipin na may ibang babaeng napaligaya na ni Isaac.

Ngiting-ngiti naman si Annie. Kaagad din nitong sinalubong ang binata. "Oh, ano bang klaseng
tanong iyan, hon? Hindi ka ba natutuwang makita ako?" Malanding umangkala pa ito sa braso ni
Isaac.

Ngali-ngali namang hilahin niya ang buhok ng Annie na ito sa kanyang inis.

"I told you na tatawagan na lang kita ,di ba? Saka kahapon lang tayo nag-usap." Walang kangiti-
ngiting sabi naman ni Hunter dito.

So nagkita pala ang dalawa kahapon?! Kaya ba ginabi na ng sobra si Isaac sa pag-uwi ganoon ba?!
Another pain in her heart!

"Yeah," Lumungkot naman ang mukha ni Annie. "Kaya lang, wala eh. Na-miss kita so I decided na
dalawin ka dito... Kagaya ng madalas kong gawin noon." Sumulyap pa ito sa gawi niya para tingnan
kung ano ang naging reaksyon niya.

Sa binanggit nitong 'madalas na pagdalaw' kay Isaac noon ay nahinuha kaagad ni Agatha kung ano
ang 'madalas' na gawin ng dalawa dati! Ano pa nga ba? Alangan naman mag jack-en-poy lang
magdamag!

Nagsi-sikip ang dibdib niya sa inis at selos. Bakit kailangang sa harapan niya pa maglampungan ang
dalawang ito?! At naiinis din siya sa kanyang sarili dahil hindi niya maikilos ang kanyang mga paa
palayo sa lugar na iyon. Mistulan siyang itinulos.

Gusto niya sanang umalis at magkulong sa kuwarto niya upang di niya na madinig ang usapan ng
mga ito,
subalit ayaw talagang makinig sa kanya ng katawan niya.

Napuna naman ni Isaac na kanina pa siya nakatanga doon habang kausap nito si Annie. Tila ba
naiilang na din ito sa sitwasyon.

Nasapo nito ang ulo at saka binalingan muli ng tingin ang babaeng nakapulupot pa din dito.

"Hey, Annie, wait me here." Utos nito. "Magbi-bihis lang ako." At saka sila parehong tinalikuran ni
Isaac. "Sa labas tayo mag-uusap."
"Okay, hon." Malambing namang sagot ni Annie.

NANG maiwan ulit silang dalawa sa sala ay doon na parang nauupos na kandilang napaupo siya sa
sofa.

Pakiramdam niya'y may patalim na tumusok sa dibdib niya.

So ganoon na lang? Aalis si Isaac at sasama ito kay Annie? At saan pupunta ang dalawa?

Ni hindi pa nga kumakain si Isaac, paano naman ang niluto niyang almusal para dito?

Ano ba siya sa lugar na iyon? Palamuti?

Bakit harap-harapan siyang sinasaktan ng mapapangasawa niya?


Oo nga pala, magiging asawa na siya nito...

Pero bakit ganito?

Naramdaman niya ang palad ni Annie sa balikat niya. Nang tingalain niya ito ay nakita niya ang
nakasilip na lungkot sa magaganda nitong mga mata.

"You love him? Don't you?" Mahinang tanong nito.

Hindi siya kumibo. Pero alam niyang sapat na iyon para sa sagot na hinihintay ng babae.

"I'm sorry, Agatha..." umiling-iling ito. "Akala ko pera lang ang habol mo kay Isaac."

Napahikbi siya.

"Pero mahal ko din kasi siya. And please try to understand, ako ang girlfriend niya. At kung ilalagay
mo ang posisyon mo sa posisyon ko, malalaman mo kung gaano din kasakit na maagawan. Ang
maagawan na wala kang kalaban-laban..." Mahinang saad nito.

The real Annie. Sabagay, tama ito. At napaka-suwerte ni Isaac kay Annie. Na ikinamalas naman nito
dahil sa biglang paglitaw niya sa eksena.

"He's so damn hot and handsome. Dagdag pang mayaman siya! Kaya hindi kita masisisi kung
nagkagusto ka na din sa boyfriend ko..." Ngumiti ito ng pilit. "But Agatha, hindi ko siya igi-give up
sa'yo... I hope you understand."

So may the best 'woman' win? Ganoon ba ang ipinapahiwatig ni Annie?

Pero paano kung lamang na lamang na ito?

Ano ang ipapanakot niya kay Isaac aber? Na aalisan ito ng mana ng mga magulang nito kung di siya
papakasalan?

Sa isiping iyon ay tumodo ang lungkot na nadarama niya.


"Think of my offer, Agatha... It will help you." Untag sa kanya ni Annie. “You and your family.”

Hindi niya na ito pinansin, sa halip ay iniwan niya na ito sa sala at doon siya sa kanyang silid nag-
iiyak.

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 14

PASADO alas- onse na ay wala pa rin maski anino ni Isaac.

"Saan ba kasi sila pumunta?" Himutok niya. Ang aga pang umalis ni Isaac kasama ang Annie na iyon
pero hindi pa din bumabalik ang binata.

Ni walang text o tawag man lang...

"Isaac..." Naiiyak na naman siya. Maghapon niya yatang iniyakan ang pag-alis ni Isaac kasama ang
ex nitong si Annie.

Para na siyang masisiraan ng bait sa kaka-paikot-ikot niya sa sala. Ni hindi niya magawang kumain
dahil sa pag-aalala.

Nag-aalala siya na baka nagtanan na nang tuluyan ang dalawang iyon. Sabagay, si Annie naman
talaga ang girlfriend ni Isaac at sampid lang siya sa relasyon ng mga ito.

Parang sasabog na ang dibdib niya sa sari-saring emosyon. Parang hindi niya kakayaning mawala na
si Isaac sa kanya ngayon. Hindi niya na kaya...

"Saan ba dinala ng Annie na iyon si Isaac?!" Asar na napasalampak siya sa sofa.

Pakiramdam niya'y may pumipiga sa puso niya dahil kay Annie. At ang babaeng iyon, nagsabi pa
itong hinding-hindi igi-give up si Isaac. Ano ba ang laban niya kay Annie? Eh, sa pa-sexy-han ay
talbog na talbog na siya dito. Ano ba ang ginawa ng dalawang iyon maghapon? Baka naman na-
realized na ni Isaac ang mga baby fats niya kaya naman si Annie na talaga ang pinili nito.

Saka bakit ni hindi man lang ito nag-aalala sa kanya ngayon? Sabagay, sino nga ba siya para isipin pa
ni Isaac ,di ba?

Pero ganoon ba talaga ka-busy ito at ni hindi man lang siya nagawang tawagan o i-text man lang.
Nahihiya naman siyang maunang mag-text dito.

Naiiyak na naman siya. Made-dehydrate na yata siya sa dami ng luhang nailabas niya sa buong
maghapong naghihintay siya sa pagbabalik ng kanyang 'mapapangasawa'.
Ni hindi pa nga sila kasal pero may 'kabit' na kaagad!

Sa pagod kakaiyak ay naisipan na lang niyang pumasok sa silid niya para mahiga. Ayaw niyang
maabutan siya ni Isaac sa sala na naghihintay dito. Hindi niya ito papansinin dahil masama ang loob
niya dito.

Iyon ay kung uuwi pa nga talaga si Isaac sa kanya...

Pero hindi na din namalayan ni Agatha na nakatulog na din pala siya.

Nasa kahimbingan na siya ng tulog ng maalimpungatan sa init na tumatama sa kanyang mukha.

Someone is staring at her, at ang mainit at mabangong hininga nito ay tumatama ngayon sa kanyang
pisngi.

"Agatha?" Mahinang gising sa kanya ng baritonong tinig na kilalang-kilala niya.

"Hmn..." Nananaginip ba siya? Bigla siyang napadilat.

SI ISAAC!

"Isaac!" Biglang nulas ng mga labi niya. Nag-init ang mga mata niya at parang gusto niyang maiyak.

Kahit lampshade lang ang ilaw sa silid niya ay batid niyang ito nga ang binata. Amoy na amoy niya
pa ang mamahaling pabangong kinasanayan niya ng maamoy dito kahit noong mag 'best friend' pa
lang silang dalawa.

Ikinurap-kurap niya pa ang kanyang mga mata.

Si Isaac nga ang nakatunghay sa kanya habang natutulog siya. Kung gayon ay bumalik ito! Nawala
bigla lahat ng tampo niya dito at parang gusto niyang yakapin ito sa sobrang saya, pero pinigilan niya
ang sarili. Pinigil niya ang emosyon. Masaya na siya ngayon, atleast umuwi ito...

Naramdaman niya ang paghaplos nito sa braso niya. Hindi pa din niya magawang bumangon.

"Tulog ka na ba?" Tanong nito.

"K-kararating mo lang?" Nabu-bulol na tanong niya.

"Yeah."

Nilinga niya ang alarm clock na nasa side table ng kama.

1:00 am

Inumaga na pala ito. Naalala niya ang pintuan. "P-Paano ka nakapasok dito?"

"Hindi naka-lock." Simpleng sagot nito. Lalo itong tumungo sa kanya kaya hindi na talaga siya
nakabangon.

"Ha?" Oo nga pala, nasanay na siyang hindi nila-lock ang pinto ng kuwarto niya.

Naiilang siya sa pagkakalapit nilang dalawa. Para kasing awkward lang matapos ang pagbisita ni
Annie kanina. Bahagya siyang umusod patungo sa headboard pero hindi niya nagawa ng maayos.
Nakatukod kasi ang dalawang kamay ni Isaac sa tagiliran niya.

"Si... si Annie?" Sa kawalan ng sasabihin. Napalunok pa siya. "Nasaan na siya ha?"

"She's gone." Tipid na sagot nito na ipinagtaka niya.

"Gone?" Ulit niya sa sinabi nito. Paanong 'gone'?

"Yeah. So wag mo na siyang problemahin."

"Ah..." Napatango na lang siya. Ibig sabihin ba niyon ay wala na ang dalawa? Pakiramdam niya'y
ngumiti pati ang puso niya dahil sa isiping iyon. Sana nga totoo...

Hindi niya masyadong makita ang reaksyon ng mukha ni Isaac basta alam niya lang na nakatitig ito
sa kanya.

"K-Kumain ka na ba?" Tanong niya. Hindi pa din siya mapakali, para kasing kada minuto ay lalong
lumalapit si Isaac sa kanya, ni di niya na nga maaninag ang mukha nito dahil sa pagkakatalikod nito
sa liwanag na nagmumula sa lampshade.

"Yeah."

"Ah, sige..." Akmang tatagilid siya pero pinigilan siya ng binata sa balikat. Muli siya nitong
itinihaya.

"Hey, matutulog ka na ba?".

Nahulaan niya agad ang naiisip nito. "Ah, o-oo sana..." Namumula na siguro ang pisngi niya ngayon,
salamat na lang at mapusyaw ang liwanag.

"Wag muna..." Halos paanas na saad nito.

"H-Ha?" Tanga-tangahan.

Tumungo pa ito para maging gahibla na lang ang pagitan nilang dalawa. So ito ang nais ni Isaac kaya
sinadya na naman siya sa kwarto niya?

Gusto niya sanang humindi at umiwas.

Pero alam naman niyang ta-traydurin na naman siya ng puso't katawan niya. Gusto din naman kasi
niya ang nakatakdang maganap sa kanila. God knows how much she love this man!
At hindi nga siya nagkamali.

"I want you, Agatha..." Paos na pakiusap sa kanya ni Isaac.

"Isaac!" Gayon pa man ay nabigla pa din siya. Kailan pa ba siya masasanay?

"Can I have you again?" Malambing na tanong nito habang ang mga palad ay naglalakbay na sa ibat-
ibang parte ng katawan niya.

"Isaac..." At mabilis na siyang nadadarang. Napakahusay ba naman ng mga kamay nitong lalaking
ito, at sino siya para tumanngi?

"C'mon, answer me... Can I have you again?" Ulit nito. Mas malambing na tinig at punong-puno ng
pag-aasam.

Ngumiti siya, kung nakikita nito ay di niya alam. "K-Kung sasabihin ko bang 'hindi'... ay papayag
ka?"

Mahinang tumawa lang ito at saka na tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. Sumailalim na
naman siya sa nakaliliyo nitong halik.

'Isaac...'

Ilang saglit pa ay bumaba na ang mainit at basa nitong mga labi sa leeg niya. Napa-igtad pa siya ng
sapuhin nito ang isa niyang dibdib sa ibabaw ng materyal.
Kahit ilang beses na nila itong ginagawa ay pakiramdam niya'y ito pa din ang una. Naging pangahas
na din ang mga kamay niya sa ma-muscle na katawan ng binata. Ah, saka na ulit sa mga inhibisyon.
Nais niya ding madama ang presensiya ni Isaac ngayon, na totoong kasama niya pa ito ngayon at
hindi ng Annie na iyon.

Magkayakap silang dalawa habang dinadama ang isat-isa.

Tumayo lang si Isaac para hubadin ang lahat ng saplot nito sa katawan at pagkatapos ay siya naman
ang hinubaran nito.

At ngayong gabi, kagaya ng iba pang nagdaang gabi... Magiging ganap na babae na naman siya sa
mga kamay ni Isaac.

At hinding-hindi siya magsasawang ipagkaloob dito ang sarili niya kahit ilang taon pa ang lumipas...

TULOG na si Isaac ay nakatanghod pa din siya sa guwapong mukha ng binata. Dalawang beses siya
nitong inangkin bago ito tuluyang gupuin ng pagod at antok. Magkasukob sila sa iisang kumot
habang nakayakap pa ang braso nito sa bewang niya.

Dinig na dinig niya pa ang malalim nitong paghinga kaya natiyak niyang malalim na ang pagtulog
nito. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti.

Paano ba naman ito hindi mapapagod?


Daig pa nito ang kalabaw sa kasipagan sa ibabaw niya. He can't get enough of her, na para bang
palaging mauubusan.

But she loves it...

Atleast sure siyang hindi ito gumawa ng kalokohan kasama ang Annie na iyon. Ganadong-ganado pa
si Isaac at sabik na sabik sa kanya, hindi ito kababakasan ng pagod habang inaangkin siya nito.

He's really good in bed. Napangiti ulit siya.

Hindi niya akalaing bababa siya sa ganoon para sa lalaking minamahal niya. Anyway, ikakasal na
naman sila kaya okay lang. At hindi ba't sinabi nitong 'gone with the wind' na si Annie. Sana nga...

Sana nga kasi hindi niya na kayang masaktan.

"Na-realized kong... Hindi kita kayang ibigay kay Annie..." Mahinang anas niya habang minamasdan
ang guwapong mukha ni Isaac.

Malamlam ang mga mata niya habang nakatitig sa natutulog na binata. Sana nga ay pagmamahal ang
dahilan ng mga naganap sa kanila kanina at noong mga nakaraan pa...

"I need you..." Hinaplos niya ng marahan ang makinis nitong pisngi. Marahang-marahan para hindi
ito magising.

"I love you, Isaac... Hindi dahil Montemayor ka, kung hindi dahil ikaw ang pinili ng puso ko..."

Nagsumiksik siya sa malapad nitong dibdib.

"Ayoko ng may kahati..." Bulong niya bago siya pumikit.

LUMIPAS ang ilang araw ay ganoon pa din ang mga pangyayari sa kanila. Maaga na ulit na umuuwi
si Isaac, at labis iyong ikinatu-tuwa ni Agatha.

Umaasa siyang isa na ngang tapos na kabanata sa kanila si Annie.

She felt bad for her, pero wala siyang magagawa dahil mahal niya din si Isaac.

"Breakfast!" Nakangiti niyang inilagay sa mesa ang tray na may lamang pagkain. Hindi ba he bst
way daw into a man’s heart ay ang food!

"Ano iyan?" Tanong nito habang inilalapag ang newspaper na kanina'y binabasa.

"Omelette lang po at ham." Ngumiti siya. Inilagay niya ang isang tasa sa harapan nito. "Ito brewed
coffe, iyong gusto mong timpla."

"Oh."
"Hindi ba't gusto mo ang mga iyan... Noong nasa barko pa tayo ay palagi mo akong nilalambing na
ipagluto ka ng special omelette ko? Saka hindi ba't gusto mo ang timpla ko sa brewed coffe mo?"
Naupo na siya sa kaharap nitong silya. "Kain na."

"Naaalala mo pa pala iyon..." Nakatingin sa kanya si Isaac pero hindi niya mabasa ang iniisip nito.

"O-Oo naman..." Bakit, ikaw ba hindi na? Gusto niya pa sanang idugtong.

Sinimsim nito ang kape sa tasa. "Hmn..."

"Okay pa din ba ang lasa?" Excited at kabado niyang tanong dito.

Tuwang-tuwa siya ng ngumiti si Isaac. "Yes, okay na okay."

Sinandukan niya ito ng fried rice sa isang plato at saka nilagyan ng special omelette niya.

"Ikaw naman, ang dami ko ng pagkain." Reklamo pa nito bagamat hindi naman galit.

Ngumisi siya sabay lagay ng ham sa gilid ng plato nito."Sige. Oh, ito pa..."

"Tama na, baka tumaba na ako niyan." Amusement naman ang nakalarawan sa mga mata ni Isaac
habang pinapanood ang mga kilos niya.

"Sus, maganda naman ang katawan mo eh-" Napatigil siya sa pagsa-salita ng maunawaan ang sinabi
niya.

Si Isaac naman ay ngiting-ngiti sa kanya.

Pinamulahan siya ng pisngi. "Ang ibig kong sabihin ay... okay ang katawan mo." Bawi niya saka
sunod-sunod na sumubo na siya.

Gusto niyang batukan ang sarili sa pagiging taklesa niya.

"Ikaw din. You have a very beautiful body." Seryosong saad nito na ikinatigil niya sa pagsubo.

"Ha?" Lalong namula ang pisngi niya. Talaga?

"Daig mo pa ang nagji-gym. Nasa tamang lugar ang laman." Dagdag pa nito.

Napangiti na siya bagamat namumula pa din. "Bino-bola mo na ako... Ang dami ko kayang baby
fats!"

"Maigi din sa babae ang kahit paano ay may nayayakap na laman, kesa sa sa sobrang sexy ay
mistulan ng poste kapag niyakap."

Umismid siya. "Eh, bakit si Annie?" Hindi na naman nag-iisip na tanong niya. Pero huli na kasi
naitanong niya na.
Hindi sumagot si Isaac.

Nainis tuloy siya dahil bumalik na naman tuloy ang katahimikang ilang araw niyang pinaghirapang
sugpuin. Okay na sila eh kaya lang humirit na naman siya.

Tahimik na naman tuloy nilang kinain ang nakahanda nilang almusal sa mesa.

MATAPOS ang breakfast ay tinawag siya ni Isaac. Nasa kitchen na siya noon para maghugas ng
plato, wala kasi si Becky ngayon kaya wala siyang klase.

"Hey, may meeting ako ng 9:00pm sa office. I don't know kung gaano katagal, so baka gabihin na
ako." Paalam nito.

Natuwa naman siya dahil nagpaalam ito sa kanya.

"Ah, ganoon ba?"

"Yeah. Mag-ingat ka dito." Kinuha na nito ang attache case na nasa center table.

"Mag-ingat ka din..." Inihatid niya pa ang binata sa pinto.

"Ah, Agatha." Lumingon ito.

"Ha? Bakit?" Maang na tanong niya. Mag gu-goodbye kiss ba ito?

Pero iba ang ang sinabi ni Isaac.

"About Annie..." Seryosong umpisa nito.

Muling nabuhay ang inis at sakit sa dibdib niya pagkarinig sa pangalan ng babae. "A-anong tungkol
sa kanya?"

Nasapo ni Isaas ang sariling sentido at saka ito umiling.


"Uhg, nevermind." Biglang bawi nito, para bang pinagsisihan nito ang pagbanggit pa sa pangalan ni
Annie.

"Ha?" Lalo naman siyang nagtaka.

Tumalikod na itong muli sa kanya. "Sige na, bye."

"B-bye..." Hindi naman na siya humabol pa.

Nakaalis na si Isaac at lahat pero para pa din siyang naba-batong nakatayo sa harapan ng pintuang
nilabasan nito. Tulala pa din siya.

Ano bang gustong sabihin sa kanya ni Isaac? Buong araw tuloy siyang tiyak na balisa na naman.

Akala pa naman niya ay tapos na ang tungkol sa ex-girlfriend nito... Pero bakit ganoon? Para na
naman itong multong bumabalik ngayon?

Sabagay, hindi ba't sinabi na nga ni Annie na hindi nito igi-give up si Isaac sa kanya?

Paano niya maari ng buo ang binata kung palagi pa ding nasa eksena ang dream girl nito? Paano siya
nito matu-tutunang mahalin kung hindi pa rin maalis sa sistema nito si Annie?

Paano?

Kung sana kasi ay mahal na siya ni Isaac, sana ay hindi niya na intindihin pa ang babaeng iyon.

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 15

"OH? Bakit gising ka pa?"

Muntik pa siyang mapatalon pagkarinig sa boses ni Isaac. Agad siyang tumayo sa sofa para
salubungin ito. Hating-gabi na kasi pero hindi pa din siya dalawin ng antok. Nag-aalala siya dito
kaya minabuti niyang hintayin na lang ang binata. Isa pang dahilan ay ang tungkol sa kasal nilang
dalawa, kailangan na kasi nila iyong pag-usapan.

"Hinihintay kita..." Kiming sagot niya.

"Hindi na dapat." Hinubad nito ang coat at saka isinunod ang necktie.

"Let me help you." Tinulungan niya itong alisin ang tie sa leeg nito. Hindi naman kumibo si Isaac.
Nakatingin lang ito sa kanya habang ginagawa niya iyon.

Medyo nailang siya sa sobrang lapit nilang dalawa pero hindi siya nagpahalata sa binata. Kailangang
masanay na sila sa isat-isa lalo pa't ikakasal na sila sa susunod na linggo.

"Ah, Isaac." Tumingala siya dito. "Sina Itay, tumawag noong nakaraang linggo... Nakalimutan ko
lang sabihin sa'yo kasi masyado ka ding abala nitong mga nakaraang araw." Bantulot na saad niya.

"Bakit daw?"

"Dumating na iyong mga damit nilang gagamitin sa kasal natin."

"Ah." Sagot lang nito.

"K-kasi..." Hindi siya umalis sa harapan nito. "Nagtataka sina Nanay... W-wala daw kasing petsa ang
mga invitations, kaya hindi pa pala naipamimigay hanggang ngayon."

Nangunot naman ang noo nito.


"Tinawagan ko kahapon si Mommy- ang mama mo... Sabi niya, ikaw daw ang magpapasya ng petsa
niyon." Napalunok pa siya. "Tinatawagan ka daw niya pero laging busy ang line mo. Noong isang
beses nagpasabi na siya sa secretary mo pero hindi ka naman daw nagsalita."

"Uh..." Nasapo nito ang noo. "Dahil siguro sa problema sa site."

"Ha?"

"Tambak ang trabaho dahil sa pagmamadali nang pag-e-expand. Can you see buntis ang ate Aria ko,
ako lang ang katulong ni Dad sa negosyo."

Napatungo siya. Nalu-lungkot kasi siya. Kung gayon nakalimutan pala ni Isaac ang mga plano sa
kasal nila? Ano bang dahilan nito? Madami naman silang tauhan ah? Bakit parang petsa na lang ay
pinagda-damot pa yata nito sa kanya.

"Agatha..." Hinawakan naman nito ang baba niya para itaas muli ang kanyang mukha.

"O-okay lang, Isaac..." Sinungaling! Sigaw ng isipan niya. Syempre hindi okay, pero kailangan
niyang magpanggap para hindi naman siya magmukhang super kaawa-awa.

"Ipapa re-sched ko na lang ang unang schedule natin sa pari. Anyway ay garden wedding naman
iyon, so madali lang. Mabilis lang kapag may pera, kahit dalawang gabi ay makakapaghanda agad."

Pero ang mga bisita? Piping reklamo niya. Paano ang mga bisita nila? Baka wala ng pumunta sa
kakausod-usod nila ng petsa?!

"Tara na sa kuwarto, pagod na ako, eh." Inakbayan na siya nito at iginaya na maglakad.

Tahimik lang naman siya. Hindi pa din tumitimo sa isipan niya ang lahat. Ano ba ang ibig sabihin ni
Isaac ha? Paano naman siya? Bakit parang okay lang dito na nauudlot ang pagpa-pakasal nilang
dalawa?

Nang makarating sila sa loob ng kuwarto ay agad siyang niyakap ni Isaac. Ganito na naman...

Magaling lang ito kapag nasa kuwarto sila. Pero pagkatapos ay wala na naman itong pakialam sa
kanya. Naiinis na din siya sa sarili niya kung bakit pumapayag pa siya...

Pero paano nga bang hindi? Isang haplos lang ni Isaac sa balat niya ay nadadarang na kaagad siya. At
halikan lamang siya nito ay nawawala na lahat ng sama ng loob niya dito. Ganoon niya ito kamahal...

"I miss you..." Bulong nito sa punong-tainga niya na naghatid ng bolta-boltaheng kuryente sa
katawan niya. Bigla siyang napapikit...

"Agatha... I want to make love with you..." Anas nito sa pagitan ng pagkagat sa leeg niya.

Ah, pag naikasal na sila ay wala na siyang po-problemahin pa. Sa ngayon ang nais niya ay
mahumaling na talaga ng tuluyan sa kanya si Isaac.
Maganda nang simula ang pagiging okay ng relasyon nila ngayon... at kailangan niya na lang iyong
alagaan.

Kaya ng binuhat na siya nito patungo sa kama ay hindi na siya tumutol pa.

Buong magdamag na naman siyang inangkin nito. At buong puso naman niya itong tinugon.

Madaling araw na ng mapagod ang binata sa pagsamba sa kanya. May ngiti sa mga labing nakatulog
na ito habang nakasubsob sa kanyang leeg.

Sa ngayon, okay na muna ang ganito.

NAGISING siya kinabukasan sa tunog ng telepono sa side table ng kanyang kama. Wala na si Isaac
sa tabi niya at nag-iisa na lang siya sa higaan. Pupungas-pungas siyang bumangon at saka pakapang
inabot ang telepono.

"H-Hello?" Antok pang sagot niya.

"Agatha!" Boses ng tatay niya.Humahalo pa sa paghinga ng itay niya ang ingay sa paligid. Marahil
ay nasa gilid ng kalsada ito ngayon at nakikitawag lamang sa payphone ng isang tindahan.

Bigla namang nawala ang antok niya. Sa boses ng itay niya ay mukhang galit ito.
"B-Bakit po, itay?" Kabadong tanong niya.

"Naku, ikaw na bata ka!" Tungayaw nito. "Aba, eh kagabi pa kami nagti-text at tumatawag sa selpon
mo ay di ka naman suma-sagot! Linsyak na bata ito, pinag-alala mo kami ng nanay mo, ah!"

Napasabunot siya sa buhok niya.


Oo nga pala, naka silent ang cellphone niya dahil sa nasira niya ang charger niya kaya't tinitipid niya
ang baterya. Nahihiya kasi siyang magsabi kay Isaac na aksidenteng natapakan niya ang charger niya
ng nagmamadali siyang magligpit ng higaan. Pero tini-tingnan-tingnan niya naman niya ang
cellphone niya ng madalas kung may text o tawag, kahapon lang talaga hindi.

"Pasensiya na, itay..." Hingi niya ng paumanhin.

"Asus! Hindi lang iyon ang dapat mong ihingi ng tawad!" Paasik na saad nito. "Aba! Napapahiya na
kami sa mga kapit-bahay natin ah, tanong na sila ng tanong kung tuloy pa ba ang kasal mo diyan kay
Isaac! Ni wala ng update ang invitation, ah!"

Sinasabi na nga ba niya. Napailing siya. "Itay, nagka-problema kasi si Isaac, eh..."

"Problema?" Nadinig niya pa ang pagdura ng tatay niya. "Aba! Unahin niya ang kasal niyo bago pa
ang ibang problema niya! Ano siya sinu-swerte? Malamang nakaka-ilan na siya sa'yo diyan pero di
ka pa din niya pina-pakasalan!"

Nag-init naman ang pisngi niya sa sinabi ng itay niya.


"Hoy, Agatha! Wag kang pauto diyan sa lalaking iyan! Ku, hindi niyo ako maloloko na walang
nagaganap sa inyo diyan!"

"`Tay..."

"Maging matalino ka Agatha! Wag mong hayaang ikaw ang ma-under ng lalaki! Dapat ay
magpakasal na kayo, madaliin mo na!" Ma-awtoridad na utos ng tatay niya.

"`Tay, inaayos naman na po namin ang bagay na iyan..." Pagsi-sinungaling niya.

"Aba, bilisan mo! Paano tayo giginhawa niyan gayong wala ka pang karapatan sa pera nina Isaac?!
Hindi ka pa legal na Montemayor! Wala ka pang pera, nanlilimos pa din tayo!" Palatak ng tatay niya.
"Alam mo namang baon tayo sa utang mula ng magpagamot ang nanay mo! Madami pa tayong
bayarin, dyahe namang manghingi sa nanay niya! Dapat ay may sarili ka na ding bank account!"

"Itay magkakaroon din ako niyon, wag kayong mag-alala. Hindi ko naman ho kayo kakalimutan..."

"Maigi ng malinaw! Baka sa sobrang alwan ng pamumuhay mo diyan sa Maynila ay makalimutan


mo na kami ng nanay mo!"

"Itay, naman... Syempre ho ay hindi."

“Eh, kumusta ang trato niya sa'yo? Nalulong na ba sa'yo?"

"Okay ho kami." Mahinang sagot niya. "Medyo bumabalik na ang dating samahan namin, nakukuha
ko na din ang loob niya at mukhang di magtatagal ay matututuhan niya na talaga akong mahalin...
Gagawin ko naman ang lahat para mangyari iyon, itay. Gusto kong maging maayos ang pagsasama
namin ni Isaac." Bukal sa loob na kwento niya sa ama.
Gusto din niyang lumuwag ang kalooban niya kaya sinabi niya iyon dito. Ginagawa niya naman
talaga ang lahat para maging maayos na sila ni Isaac, at alam niyang kaunti na lang ay magiging okay
na sila.

Natuwa naman ang itay niya sa kanyang isinagot. "Magaling! At sana kapag nagkaroon ka na ng
karapatan sa pera ni Isaac at ibili mo kami ng bagong bahay ng inay mo sa mamahaling subdivision.
Ang pangit naman kung dito pa din kami nakatira samantalang isa ng Montemayor ang anak namin,
hindi ba?! Saka ng kotse, para makapasyal kami... Ipatikim mo sa amin ang alwan ng buhay,
Agatha!"

"Opo..." Sagot na lang niya para matigil na ito. Mukha namang good mood na ulit ito ngayong
nakausap na siya.

"O, siya sige... ayusin mo ang karinyo diyan sa mapapangasawa mo. Maigi ng magpabuntis ka na din
para wala na talagang kawala!" Tumawa pa ang itay niya, kung nagbi-biro ito ay di niya na alam.

Nang ibaba niya ang telepono ay nanghihinang napahiga ulit siya sa kama.

-
SA LABAS naman ng silid ay nagtatagis ang mga ngipin ni Isaac. Halos madurog na ang telepono sa
mga kamay niya.

Dinig na dinig niya ang usapan nina Agatha at ng tatay nito kani-kanina lang. Lahat ay nadinig niya
mula sa extension ng linya pagka-angat niya ng telepono.

"Damn!" Nag-iigting ang galit na anas niya.

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 16

NAGULAT siya ng mapagbuksan ng pintuan si Isaac. "K-Kanina ka pa ba diyan?" Nabu-bulol


niyang tanong. Nasa harapan niya ngayon ang binata at hindi niya alam kung kanina pa ba ito doon.

"No." Malamig na sagot nito. "Kakatukin lang sana kita para gisingin. Nandiyan na si Becky, may
klase ka na ulit sa kanya." Pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya nito

"H-Ha?" Nagtaka naman siya kung bakit parang hindi yata maganda ang mood ngayon ng binata.
Anong nangyari?

Kibit-balikat na pumasok na lang ulit siya ng silid para maghanda na sa pagpunta sa shop ni Becky.
"Hay naku, mukhang may topak ang lalaking iyon."

Binilisan niyang mag-shower at saka siya namili ng isu-suot. Kailangan maganda siya, kasi baka
after ng klase niya ay mag-dinner na naman sila ni Isaac sa hotel.

Pinili niya ang isang hapit at may kaiksiang tube style dress. Plain lang iyon at kulay light blue na
parang maong kung sa malayo titingnan, pero cotton ang tela niyon kapag hinawakan. Pinarisan niya
iyon ng color skin tone na wedge. Pagkatapos ay nag-apply siya ng kaunting make up sa kanyang
mukha.

"See! Ang ganda at ang sexy ko!" Napangiti siya matapos niyang bistahan ang itsura sa salamin.

Nakalugay lang ang buhok niya na medyo na-curl dahil sa pagkaka-blower niya. Tinuruan din kasi
siya ni Becky ng ilang tips sa pag-aayos.

Hinaplos niya ang kanyang maliit na bewang.

"Hmp... Nagbunga ang pagda-diet ko sa pagkain, hayan at ang super flat na talaga ng tiyan ko! Wala
na maski kaunting baby fats! Magkasing sexy na kami ni Annie!" Muli siyang napa-bungisngis.

Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Isaac na may maganda daw siyang katawan. Masaya na siyang
malamang naa-appreciate siya nito, na nagagandahan ito sa kanya.
At damang-dama niya iyon kapag nakakulong siya sa matitigas nitong bisig. Pakiramdam niya nga
ay ayaw niya ng malayo pa dito...

Ngayon lang siya nito nakita bilang isang babae. Bilang isang magandang babae. At least, hindi na
siguro basta 'best friend' na lang ang tingin nito sa kanya ngayon. Sana naman ay medyo pasado na
siya dito bilang mapapangasawa nito.

Masaya na siya... At mas magiging ganap ang kasiyahan niya kapag napasa-kanya na din ang puso
nito. Ang puso nitong matagal niya ng pina-pangarap.

"Magiging maganda ako para sa'yo. At sisiguraduhin kong matututunan mo akong mahalin. Kagaya
ng pagmamahal ko sa'yo."

Dinampot niya na ang kanyang itim na purse at saka siya lumabas ng silid.

"Isaac! Ready na ako." Malambing niyang tawag sa kanyang groom to be! Ngiting-ngiti siya dito.

Nang lingunin naman siya ng binata ay saglit itong napatulala ng makita ang ayos niya. Bakit nga ba
hindi? Ang sexy niya kaya sa suot niya. Kitang-kita ang korte ng katawan niya maski ng kanyang
dibidib. Gayon pa man simple pa din ang ayos niya at hindi masasabing bastusin.

"Isaac." Pukaw niya sa natutulalang binata. Palihim naman siyang napangiti dahil sa inakto nito.
For sure nagandahan talaga ito sa ayos niya at nanibago. Gusto niyang malaman nitong kaya niyang
makipagsabayan sa mga naga-gandahang babae sa paligid nito.

"Ah..." Napilig naman ni Isaac ang ulo at saka tumingin sa suot na relo. "Okay, let's go."

"Sige..." Umangkala siya sa braso nito na medyo ikinapitlag naman ng binata. Hindi pa kasi ito sanay
na siya ang unang nagpapakita ng motibo eh.

Pagkasakay ng kotse ay sumandal na siya agad sa sandalan ng passenger’s seat at saka itinutok ang
paningin sa gilid ng binatang nasa gawi niya. Sa ganoong pagkakaupo niya ay bahagyang nakaliyad
ang dibdib niya at alam niyang kaakit-akit siya sa akto niyang iyon. Wala naman siyang balak na
akitin si Isaac, pero siguro sa ganoong paraan ay hindi siya nito makakalimutan sa maghapon.
Kakapalan niya na ang mukha niya. Malamang kasi magpapa-cute na naman dito ang kiring
sekretarya nito kaya dapat maging maparaan siya. Hindi pwedeng maagaw ang atensyon ni Isaac!
Dapat siya pa din ang nasa isipan nito sa buong araw, desperada na siyang makuha ang buong si
Isaac! Napahagikhik siya sa sarili niyang kalokohan.

Nang umandar na ang sasakyan ay wala ng nagsalita pa sa kanilang dalawa.

Buong biyahe niyang pinapakiramdaman si Isaac. Tahimik lang ito sa pagma-maneho pero sa
pheriperal vision niya ay batid niyang pasimle itong tumitingin sa kanya. And that's a good thing!

Nang makarating na sila sa tapat ng shop ni Becky ay saka niya lang ito nilingon. "Aalis na ako."

"Ha?" Para namang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.


Nakitaan niya ng pagtutol ang magagandang mata ni Isaac. Ayaw ba siya nitong paalisin?

Nginitian niya ang binata ng ubod tamis. "Bye, Isaac! Mag-ingat ka sa pagmamaneho."
Akmang bubuksan niya ang pintuan na ang pintuan ng sasakyan pero pinigilan siya ni Isaac sa braso.

"Isaac!" Maang na napatingin siya ulit dito. Nagtatanong ang mga mata niya.

"Ah..." Nakatanga lang ito sa kanya.

"Isaac?" Untag niya sa natutulalang binata. "Huy!" Ipinitik niya pa ang daliri sa harapan ng mukha
nito.

"Ha?" Napakurap naman ito, wari'y hindi alam ang sasabihin. Nakita niya pa ang pagtaas-baba ng
adam's apple nito.

"Ayos ka lang ba, ha?" Natatawang tanong niya. Hinaplos niya ang pisngi nito. "May masakit ba
sa'yo?"

"Ah wala..." Umiling si Isaac at saka hinuli ang kamay niyang nakasapo sa mukha nito. "W-wag ka
munang umalis..." Parang batang nahihiya ito ng sabihin iyon.

Napangiti siya. Mukhang nagkabaliktad yata silang dalawa ngayon, ito naman kasi ang parang
kabado sa presensiya niya.

"Ang cute mo..." Hindi niya napigilang pisilin ang matangos nitong ilong. "Para kang baby."

Sumimangot naman ang guwapong mukha nito.

"Isaac, baka hinahanap na ako ni Becky..."

Umiling lang ito saka lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Ano bang gusto ni Isaac?

"Dito ka muna... Kahit saglit lang." Ungot nito. Mukhang nawala na talaga ang bad mood nito
kanina.

"Oh, sige... Pero saglit lang, ha?" Umayos siya ng upo kahit hawak pa din nito ang isang kamay niya.
"Ano bang gagawin natin?"

"Ah..." Muli itong napalunok.

"May kinalaman ba sa kasal natin?" Ewan pero parang may kakaibang kislap siyang nabasa sa mga
mata ni Isaac ng banggitin niya ang tungkol sa kasal.

Galit ba iyon?

Biglang bumalik ang kapormalan ng mukha nito. "Sige na." Umayos na din ito ng upo at saka
binitawan ang kamay niya. "Baka nga hinihintay ka na ni Becky sa loob." Walang ganang saad nito
at saka inalis ang tingin sa kanya para harapin na ang manubela.
"Ha?" Nasaktan naman siya sa ikinilos nito. Ano iyon? Nang mabanggit ang tungkol sa kasal ay
bigla na lang itong nagbago na naman ng mood?

"Go now." Malamig na utos nito. Parang hindi na iyong Isaac na kausap niya kanina.

Nairita na talaga siya. Tahasan na nitong pinapamukha sa kanya na hindi na ito interesado sa kasal
nila! Sa sama ng loob niya ay binuksan niya na ang passenger’s side door at saka walang paalam na
iniwanan ito sa loob ng kotse.

Pabalabag niya pang isinara ang pintuan at nagmamartsang tinungo na ang lobby ng shop ni Becky.
Nagpupuyos talaga ang kalooban niya sa inis kay Isaac.

 
-

HABOL tingin naman ni Isaac papalayong dalaga.

"How can she be so hot?" Naiiling na kausap niya sa sarili. Napatingin pa siya sa harapan ng
kanyang pantalon na nagsikip bigla, napansin kaya ni Agatha iyon?

Matagal niya ng alam na maganda si Agatha, pero hindi niya akalaing may iga-ganda pa pala ito. At
aaminin niyang nag-e-enjoy siya sa company nito... lalo na when it comes to bed.
Hindi niya akalaing hahantong sila sa ganito ng kanyang 'best friend'.

At kakaiba ngayong umagang ito ang dalaga, para bang lalo itong nagiging madikit sa kanya at
malambing. Nawawala na tuloy siya sa disposisyon niya, pakiramdam niya'y nababaliw na siya kay
Agatha.
Na habang tumatagal ay lalo siyang naa-adik dito. Hindi kagaya ng ibang babaeng nagdaan sa buhay
niya na pansamantala lamang. Agatha is different, hindi siya nagsasawa dito at sa halip ay lalo niya
pa itong pina-nanabikan. Hindi kaya ginayuma na siya nito out of desperation?

Napamura siya sabay balik ng tingin sa dalaga.

Nasa pintuan na ang shop si Agatha. Ni hindi man lang siya nito nilingon gaya ng nakakagawian na
nito tuwing hinahatid niya.

Mabilis ang mga hakbang nito at alam niyang nainis ito sa kanya sa inasal niya ng banggitin nito ang
tungkol sa pagpapa-kasal nila. Bigla na lang kasi niyang naalala ang narinig niyang usapan sa
telepono kanina, at ewan pero nagsiklab na naman ang inis sa dibdib niya.

He is Isaac Montemayor. No one can tell him what to do. Ayaw niya ng minamanduhan ang buhay
niya. Pero ngayon ay ikakasal siya kay Agatha na hindi naman niya plinano mula pa noong una.

Agatha is his friend. Her best friend.

Pikot. Yeah, he can call it that way. Maybe pinikot nga siya nito katulong ang mga magulang nito na
hindi niya akalaing makakagawa ng ganoong bagay.
Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang magalit dito ng lubusan kahit gayong alam
niya na ang tunay na pakay nito.

At ngayon ito nga at ikakasal na silang dalawa.

Hindi sa ayaw niya dito. Actually he really likes her. The first time he saw her sa Montemayor Cruise
ay na-attract na kaagad siya sa simpleng ganda nito. Sa mabining pagngiti at mahinhing pagtawa. Her
laughter was like music to his ears.

He might court her then pero hindi niya ginawa. Agatha was a working student and a scholar. Mula
ito sa mahirap na pamilya subalit nagsisikap sa buhay. Hindi siya ang lalaki para dito, iyon agad ang
naisip niya. Umpisa pa lang ay harapan na din nitong ipinakita sa kanya na hindi siya ang tipo nitong
lalaki. He felt safe then, at least may isa din pa lang kabaro ni Eva na hindi tinalaban ng karisma
niya. Pero at the same time naiinis din siya, pakiramdam niya'y hindi siya ganoon ka-guwapo para
hindi siya magustuhan ni Agatha. Kalaunan ay na-realized niya na lang na mukhang uubra siguro
silang magkaibigan na lang na dalawa.

Isang kaibigang hindi mapo-fall sa kanya, iyon kasi ang kailangan niya. Ayaw niya kasi ng ibang
babaeng makausap niya lang ng ilang saglit ay in love na agad sa kanya.

Sa huli ay kinaibigan niya na nga lamang ang dalaga.

Matagal niya ng kaibigan si Agatha. Sa totoo lang, mas pinagkakatiwalaan niya pa ito sa kahit na
kanino. For him, she's an angel. Alam niyang mabuti itong tao.

And they end up so well. Agatha is a nice friend. Takbuhan niya ito kapag may tinatakasan siyang
kalokohan noon sa barko.

Pero paanong ang babaeng pinagkakatiwalaan niya ay naging ganito? At bakit ginawa ito sa kanya ni
Agatha?

"You want to play games, huh?" Bulong niya sa hangin. "Okay, then... I'll play with you." At saka
isang misteryosong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

Parang gusto niya ng hilahin ang oras para matapos na ang araw na iyon at magkasolo na ulit silang
dalawa ni Agatha sa pad niya.

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 17

MATAPOS ang mahabang araw ay sinundo pa din siya ni Isaac gaya ng nakagawian nito matapos
manggaling sa opisina. Nangi-ngiti naman sa kanyang sarili si Agatha, huling-huli niya kasi ang
pasimpleng tingin sa kanya ng binata kahit kaninang nasa sasakyan pa lang sila hanggang sa
restaurant na kinainan nila.
Balisa ang kilos ni Isaac habang panakaw siyang pinagmamasdan. Hindi na lang niya ito pinapansin
dahil may tampo pa siya sa binata. Natutuwa na din siyang isipin na buong araw siya nitong
malamang na pinagpa-pantasyahan.
Oo alam niya, knowing this guy! Kilala niya na yata ito mula ulo hanggang paa. Mahilig ito sa
magagandang babae at hindi ito natatahimik kapag may natipuhan ito. Hindi sa pagmamalaki pero
sigurado siyang napakaganda niya ngayong araw.
 
Talagang sinadya niya yatang magpa-sexy. At ano man ang sumpong nito kanina ay malamang
naglaho na nang makita siya sa ganoong ayos.
 
Sexy. Sophisticated. Yet, naroon pa din ang kasimplehan na hindi niya hinayaang mawala sa kanya.
At alam niyang na-hook niya na ang binata dahil sa ayos niya ngayon. Kanina niya pang umaga
napupuna ang malagkit na sulyap sa kanya ni Isaac, for sure kanina pa ito naglalaway sa kanya.

Pero dahil nga sa hindi maganda ang paghihiwalay nila kanina ay hindi ito maka-porma ngayon.
Hindi niya ito pinapansin. Pormal lang ang mukha niya at ni hindi niya ito tinatapunan ng tingin
kahit pa nga kaninang nagdi-dinner na sila.

Pero aminin man niya o sa hindi ay na-miss niya rin si Isaac...

Hindi nga siya makapag-focus sa mga tinuturo ni Becky kanina dahil naglalakbay ang isipan niya. Si
Isaac ang laman ng isip niya maghapon. Ang kanyang guwapong mapa-pangasawa. Gusto niya na
agad itong makita at makasama...
 
"Kumusta kayo ni Becky?" Sa wakas ay nagsalita na din ang lalaki.

Iyon lang naman ang hinihintay niya ,eh ang ito ang mauna. "Okay lang naman, madami akong
natututunan sa kanya." Sagot niyang hindi tumitingin dito. Dire-diretso siya sa sala ng condo nito at
saka hapong napaupo sa sofang naroon. Talagang itinaas niya pa ang nangangawit niyang mga binti
sa maliit na lamesita upang ibilad sa paningin ni Isaac ang kanyang kakinisan.

Gusto niyang matawa ng makitang parang napalunok ang binata habang inaalis nito ang suot nitong
necktie.

"Good to hear that."

 
Tiningala niya ito. "Ah, Isaac..."

Naupo ito sa isa pang sofang katapat ng kinauupuan niya. "About the wedding, tuloy na siya,"

"Ha?" Nagulat siya sa sinabi nito. Nagulat at nagulat! Totoo?

Ngumiti ng tipid ang binata. Hindi niya mabasa kung ano ang naglalaro sa isipan nito ngayon,
marahil may kinalaman sa pagka-irita niya dito kanina.

"Gusto mo bang umuwi sa inyo sa weekend?" Tanong nito na ikinagulat niya ulit.
Anong nakain nito?

"Okay lang ba?" Paniniyak niya. Excited na din siyang umuwi sa kanila dahil nami-miss niya na ang
inay at itay niya. Isa pa, gusto din niyang personal na imbitahin ang ilang kaibigan niya sa kanila.
Hindi niya din kasi na-save ang ibang number maging ng mga kaklase niyang napalapit na sa kanya.

"Oo naman, bakit hindi." Tugon nito habang titig na titig sa kanya.

"Thank you!" Sa tuwa niya ay bigla pa siyang napatayo at napapunta sa kinauupuan ni Isaac para
yakapin ito.

Parehas silang nabigla dahil sa ginawa niya. "S-sorry..." Namumulang saad niya sabay atras.
Napaupo na lang siya mismong tabi nito.

Hindi siya sanay na nagpapakita ng ganoong apeksyon kay Isaac lalo pa't wala sila sa loob ng silid o
sa kalagitnaan ng alam mo na.

Ngumiti lang ito ng matipid. "Sige na, magpahinga ka na." Tumayo na ito at saka hinila ang kwelyo
ng suot na polo. Nainitan yata ang mokong, or nag-init dahil sa pagyakap niya dito?

Napatayo na din siya."S-Sige..." Mabilis niyang tinungo ang silid niya at saka pumasok na doon. Ang
lakas ng kabog ng dibdib niya.

 
Mabilis niyang hinubad ang suot niyang dress at saka pumasok na sa loob ng banyo sa loob ng
kwarto niya. Kailangan mabango siya mamaya...

Sa ganoong mga titig ni Isaac ay nahihinuha niya na ang nais nito. At alam niyang maya-maya lang
ay kakatukin na siya nito!

Well, naglaho na ang kung ano mang inis na nararamdaman niya dito kanina. Masaya siya dahil uuwi
na siya sa kanila, at alam niyang binibigyan lamang siya ng pabor ni Isaac. Busy ito sa office pero
uuwi pa din sila sa Probinsya, kaya naman na-touch siya. Siguro napapansin nitong naiinip na siya
dito sa lungsod.

 
At isa pang kinatutuwa niya ay MALAPIT na at TULOY na TULOY na talaga ang wedding nila ng
binata. Kaya heto at parang tinatambol ang puso niya sa tuwa.

It's a 'goodbye Annie issue' na talaga!

Ngiting-ngiit tuloy siya kahit nang nasa loob na siya ng banyo habang nagsha-shower.

Matapos maglunoy sa tubig ay lumabas na siya ng banyo at nagtapis ng tuwalya. Ni hindi niya pa
nga tuluyang natutuyo ang buhok niya ay kumatok na nga si Isaac sa dahon ng pintuan ng kwarto
niya.

Sabi na nga ba eh.


"Agatha..." Nabuksan niya ang binata na naka-pajama na lang at walang suot na pang-itaas. May
hawak itong maliit na tuwalya na marahil ay pinangpunas nito sa medyo basa pang buhok. So nag
shower din pala ito?

"Isaac..." Napasinghap siya ng maamoy ang mabangong sabon na ginamit ng binata. Amoy pa lang
nito nakakabaliw na, what more na lang ang itsura ,di ba? Lalo pa ngayong half naked na naman ito
sa harapan niya.

 
And his eyes, was burning in desire! Ganitong mga tingin ni Isaac ang nagpapalambot ng tuhod niya.
Bakit ba hindi? Guwapong-guwapo na nga tapos dagdag pa ang killer eyes nito na kahit sinong babae
ay talaga namang tatakasan ng bait sa sarili.

At maswerte siya, dahil malapit niya ng maging pag-aari ang Adonis na ito. Magiging kanya na si
Isaac kapag ikinasal na silang dalawa.

 
Isang panaginip na nagkaka-totoo na.

Tuluyan na itong pumasok sa silid niya. Hindi naman maalis ang tingin niya sa mukha nito. Kahit
yata habang buhay niya itong titigan ay hinding-hindi siya magsasawa.

"Why are you looking at me like that?" Anas nito habang mas lumalapit pa.

Ngumiti siya. "W-wala naman..."

"Hindi mo ba alam kung ano ang epekto sa akin ng mga tingin mong iyan?" May nagtatagong
kakaibang ngiti sa mapupulang labi ng binata.

Para saan iyon?

Oh! Parang alam niya na...

 
Ano daw ang epekto ng tingin niya dito? Gaya din ba ng epekto ng tingin nito sa kanya?

 
Well, it's obvious. Kasi kahit may pagka dimlight ang liwanag sa silid niya gaya ng nakagawian ay
nakikita niya pa din ang kabuuhan nito.

 
And there, sa manipis nitong pajama... Sa harapan ng mismong manipis nitong pajama ay nakabakat
ang sagot sa sarili nitong tanong...

Kung ano ang epekto niya dito.

Namula ang mukha niya na ikina-ngiti nito. Hinawakan siya nito sa balikat.
"You're very lovely today..." Nagsalita ito sa pagitan ng paghaplos sa balikat niya at paglapit pa sa
kanya.

Mas masarap pa din pa lang marining mula sa bibig nito ang mga salitang iyon kesa nakikita niya
lang sa mga mata nito.  

"Today lang ba?" Nanunuksong tanong niya. Kung saan niya kinuha ang lakas ng loob ay hindi niya
pa alam. Basta nasa mood siyang lambingin ang lalaki.
 

Hindi ito sumagot. Hinapit siya nito palapit at saka sinimulang taniman ng halik ang kanyang buhok,
pisngi at sa kanyang makinis na leeg.

Bumulong ito. "Can I have you tonight?"

"Have me all night..." Buong pusong sagot niya.

Sa sinabi niya ay naging mapangahas na naman ang ibang kilos nito. Naroon na naman ang
kasabikan. Marahil kumakawala  na ang kanina pa nito pinipigilang damdamin.

He wants her...

And she wants him too...

"I love you, Isaac..." Mga katagang hindi niya na napigilang sambitin dito...

Pero wala siyang sagot na nakuha kay Isaac. Saglit lang itong natigilan pero maya-maya lang ay
ipinagpatuloy na nito ang nasimulan. Ni hindi niya na nakita ang kakaibang kislap ng kung ano man
sa mga mata nito...

 
 

ALAS KUWATRO na ng hapon ng makarating sila sa baryo. Nagkaroon ng emergency call si Isaac
kaya naman kinailangan muna nitong iwanan muna siya. Ang driver na nito ang inutusan na
maghatid sa kanya sa mismong bahay nila pagkagaling nila sa terminal. Hindi na siya kumibo sa
halip ay sumakay na lang siya sa Pajerong minamaneho ni Mang Andres, ang family driver nila Isaac
na tinawagan nito.

Sa bukana pa lang ng kanilang gate ay nakita na ni Agatha ang ilang pagbabago.

 
Gawa na sa bakal ang dating gawa sa kawayang gate nila at hindi lalampas sa taong bakuran nila.
Medyo malago na din ang ilang pananim ng inay niya. Maaliwalas na din ang pinaka daanan papunta
sa kanilang pintuan. Smentado na din ang kalahati ng bahay nila.

 
Anong nangyari? Nagtataka siya pero hindi niya na muna iyon pinagtuunan ng pansin. Mas
importante sa kanya ngayong mayakap ang inay at itay niya. Miss na miss niya na ang mga ito.

 
Hindi niya na din napansin pa ang second hand toyota na nakaparada mula sa di kalayuan ng
kabahayan nila.

"INAY!"

Napalingon naman ang ginang na abala pa sa pagdi-dilig ng mga halaman nito. "Agatha!" Bakas ang
kaligayahan sa mukha ni Aling Galeng ng makilala siya.

Pumasok siya ng kanilang gate na hindi naman nakasara. Sinugod niya ng yakap ang kanyang inay at
pinagha-halikan ito sa mukha.

"Nanay!" Tuwang-tuwa siya na makita ito muli. Masaya din siya dahil medyo tumataba na din ang
inay niya at halatang wala na itong masyadong nararamdaman sa kalusugan nito.

"Nasaan ang asawa mo?" Tanong nito matapos silang magyakapan. Nakangiti ang inay niya kahit
medyo may pag-aalala pa ding nakabadha sa mukha nito.

"Ah, nasa mansion ho nila... Bigla ho kasing nagka aberya, pero susunod ho siya dito mamaya."
Sagot niya na hindi pa din bumibitiw dito.

"Ah ganoon ba? Naku, hindi ka nagpasabing uuwi hindi tuloy kami nakapaghanda."

 
Inakbayan niya ito. "Okay lamang ho. Dapat kasama ko si Isaac ngayon, pero pinakiusapan ko ng
umuwi muna sa kanila." Paliwanag niya. "Si itay ho pala? Saka, may bisita ho ba tayo?" Doon niya
na napansin ang pamilyar na toyota sa gilid ng bahay nila.

Umilap naman ang mga mata ng nanay niya. "Ah, eh..."

Hindi niya na ito hinintay na makasagot. Dire-diretso na siya sa nakabukas na pinto ng bahay nila.
May nadidinig din kasi siyang pamilyar na boses ng lalaki na tila kausap o kasagutan ng itay niya.

Una niyang nakita ang gulat na mukha ng itay niya ng makita siya.

"Agatha!" Namutla pa ito.

Saka niya lang napansin ang lalaking bisita nila. Maging ito ay nabigla ng makita siyang dumating.

"Agatha!" Bumadha ang kaligayahan sa mukha nito.

 
"Marion!" Nagulat din siya ng makita ang kaklase niya.

Si Marion Dela Cruz, ang kaklase niya sa kolehiyo na naging masugid niya ding manliligaw. Subalit
kagaya ng ibang nagtangkang manligaw sa kanya ay tinapat na din niya ito na walang maaasahan sa
kanya maliban sa pakikipag-kaibigan lamang.
Gayon pa man, hindi pa din ito sumuko. Mabuting kaibigan din naman ito kanya kaya hindi niya na
pinalayo pa ang binata.

 
"Hi." Simpatikong nginitian siya nito. "I've been trying to reach you pero iba na yata ang number mo.
Nag aalala na kasi kami sa school, hindi ka na kasi pumapasok. Hinahanap ka na din ng mga Prof
natin, alam mo namang ikaw ang paborito nila."

Sumabat naman ang tatay niya. "Hay, bakit kailangan pang magpaliwanag ni Agatha sa inyo at sa
mga Prof niyo?! Hindi na nga siya papasok dahil mag-aasawa na siya!" Halata sa tinig nito ang
disgusto sa kaklase niya.

Siya man ay nairita na sa itay niya. "Itay naman!" Saway niya dito. Nahihiya siya sa inasal nito sa
kaibigan niya.

"Ku! Kausapin mo nga iyan, bilisan mo lang. Hindi magandang nakikipag-usap ka pa kung kani-
kanino gayong ikakasal ka na sa susunod na linggo!" At saka sila padabog na tinalikuran ng tatay
niya.

Kakauwi pa lang niya ay ganito na agad ang sumalubong sa kanya.

Nagtataka man ay napahawak na lamang si Agatha sa noo niya. Ano pa nga bang bago? Ganoon
naman ang tatay niya sa lahat ng lalaking nagtangkang ligawan siya.

Binalingan niya ng nagpapa-intinding tingin ang kaharap na binata.

"Pasensiya ka na, Marion."

"Okay lang, Agatha..." Ngumiti ulit ito.

"Maupo ka..." Itinuro niya ang sofa.

Hindi naman ito tuminag. Sa halip ay titig na titig lang ito sa kanya. "Totoo ba Agatha?" Biglang
tanong nito.

"H-Ha?" Napamaang naman siya.

"Ikakasal ka na daw sa susunod na linggo?" Seryoso ang mukha nito. Bigla naman siyang nailang sa
binata.

Alam na din pala ni Marion. Sabagay, malamang sinabi na agad ng itay niya dito ang detalye,
nabanggit na din nito kanina ng magparungit ito.
"O-Oo..." Nahihiya niyang sagot.

Bumalatay naman ang sakit sa mukha nito. "Akala ko nagbibiro lang ang itay mo. Totoo pala, pero
paanong nangyari iyon? Wala ka namang nobyo ,di ba? Sabi mo ayaw mo pang magnobyo dahil sa
nais mo pang makatapos ng pag-aaral... Hindi nga ba't maski ang pagibig na inihuhulog ko sa'yo ay
tinanggihan mo din?"
"Marion..." Lalo yatang sumakit ang ulo niya.

"Agatha, may hindi ba ako nalalaman? Akala ko ba kaibigan ang turing mo sa akin?" May
hinampong tanong nito.

Napabuntung-hininga siya. "Oo naman... K-Kaya lang..."

"Mayaman daw ang papakasalan mo, iyon ang pinapa-ulit-ulit sa akin ng tatay mo tuwing
pumupunta ako dito." May kalakip na inis ang himig ng binata. "Hindi ganoon ang pagkakakilala ko
sa'yo Agatha, alam kong hindi ka tumitingin sa estado ng pamumuhay ng tao."

"Marion..." Kung gayon ay nakailang punta na pala si Marion sa kanila na di man lang nasasabi sa
kanya ng itay niya kapag tumatawag ito? Nako-konsensiya din naman siya dahil kahit paano ay
kaibigan niya si Marion at ang ilan pa nilang kaklase.

"Basta Agatha, narito lang ako kung kakailanganin mo ako. Pero kung magiging masaya ka sa
papakasalan mo, kapag natiyak kong mahal mo siya at mahal ka din niya... Magiging masaya na
ako." Seryoso pa ding wika nito.

"S-Salamat, Marion." Iyon na lang ang nasabi niya.

"Pero hindi ka mukhang masaya, Agatha." Nagulat siya ng bigla siya nitong lapitan at hawakan sa
braso.

 
"Ha?" Agad naman siyang napaatras. Iba ang dating sa kanya kapag hinahawakan siya ng ibang
lalaki, iba... at pakiramdam niya'y nagkakasala siya kay Isaac.

"Dahil ba kagustuhan lang ito ng itay mo?" Ayun na naman ang inis sa boses nito.

"H-Hindi!" Nabibiglang saad niya na napalakas na pala ang tinig niya. Hindi niya kasi kilalang
ganito ang binata. Tahimik ito at mabait, kaya nagtataka siya ngayon kung bakit tila nagiging
possesive na ito, gayong wala naman itong karapatan.

Ngumiti ito ng nakakaloko. "Hindi ka magaling magsinungaling, Agatha..."

"M-Masaya ako kay Isaac." Naiinis na napaatras ulit siya.

Umiling-iling ito at malungkot na tumingin sa mga mata niya. "Hindi iyan ang nakikita ko sa'yo."

How dare this man para husgahan siya? Pinilit niya pa ding magpaka-hinahon kahit naiirita na siya sa
binata. "Marion, gusto ko ng magpahinga... Matagal ang biyahe ko mula Maynila eh... Salamat sa
pagdalaw mo, iti-text ko na lang ang iba nating kaklase para makadalo sa kasal ko."

Tinitigan lang siya nito na tila ba inaarok ang sina-saloob niya.

Natulala naman siya sa hindi malamang kadahilanan. Hindi niya na din napansin ang kotse ni Isaac
na dumaan sa harapan ng bahay nila.
Tumayo na si Marion. "Sige, magpahinga ka na..."

Nang lumabas ito sa kanilang pintuan ay saka pa lamang nahimasmasan si Agatha.

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 18

"HIJA, narito na si Isaac." Mag-aalas ocho na ng tawagin siya ng nanay niya.

Nasa silid na siya niyon at nagpa-pahinga. hindi niya pa din naayos ang ilang gamit niya dahil sa
nakatulog siya kaagad.

"Bababa na ako, `Nay..." Sagot niya. Inayos niya muna ang buhok niya at saka siya lumabas ng silid.
Alam niyang susunod si Isaac pero hindi niya alam na gagabihin na ito. Inintindi niya na lang, baka
talagang matindi ang problema nito sa trabaho kaya ganoon.

NAABUTAN niya ang binata na kausap ang ngiting-ngiting tatay niya. Napansin niya din ang ilang
lilibuhing pera na isinusuksok ng tatay niya sa pantalong kupasin nito. Nang makita siya ng huli ay
agad iyong tumalilis.

Hindi na lamang niya pinansin ang ama, may kaunting tampo pa din kasi siya dito tungkol sa hindi
magandang pakikitungo nito sa kaibigan niyang si Marion. Plus pa na nakita niya itong tumanggap
na naman yata ng pera mula kay Isaac. Oo nga't naghihirap sila, pero hindi naman excuse ang
pagiging mahirap upang magpakababa sila ng ganoon.

Diri-diretso siya sa walang kangiti-ngiting si Isaac.

"Isaac!" Nginitian niya ang binata. Alanganin pa siyang lumapit dito, paano ba'y pormal na naman
ang mukha nito. May sumpong na naman yata.

"Hi." Kaswal na bati nito sa kanya.

"Kumusta?" Anong nangyari? May sumpong na naman nga yata si Isaac.

Namulsa ito at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Naayos na ang ilang detalye sa kasal natin. Kumusta
ang mga kaibigan mo? Napadalhan mo na ba sila ng imbitasyon?"

Tumango siya kahit di siya nito nakikita. "Ah, oo. Kaunti lang naman ang mga kaibigan ko... Mga
taga dito lang din sa amin, si inay ang umasikaso ng pagpapadala ng mga iyon."

"Okay." Sagot lang nito.

Sumilip sa pinto ng kusina ang inay niya at ngumiti pero hinila din kaagad ito ng itay niya.
Ilang minuto muna silang nagpanisan ng laway bago siya kinausap muli ni Isaac. "Dito ka ba sa
inyo? Or sasama ka sa Mansion namin."

Nailang naman siya sa malamig na pakikipag-usap nito sa kanya. "D-Dito na lang... Namiss ko din
sina Inay eh." Dahilan niya bagamat totoo namang nami-miss niya na ang mga magulang.

Pero sumulpot ang itay niya. Halatang nakikinig ito sa usapan nila. "Hay, naku! Sumama ka na sa
asawa mo Agatha!" Pangi-ngialam nito.

"`Tay!" Bumaha naman ang pagtutol sa dibdib niya. Ni hindi pa nga siya nagtatagal sa bahay nila eh.

Tiningnan siya ni Mang Samuel. "Dapat lang kasama ka niya kahit saan, magpapakasal na kayo!"

Hindi na hinitay ni Isaac na magsalita pa siya. Hinawakan na agad siya nito sa braso. "Then let's go."
Wika nito sa ma-awtoridad na tono. "Don't worry, pwede ka namang magpahatid sa driver kapag nais
mong dumalaw dito anytime. Malapit lang naman ang subdivision namin dito sa bario niyo."

"Isaac!"

Binalingan lang nito ang tatay niya na nakangisi pa din sa di malamang dahilan. "Mauuna na ho
kami." Paalam ni Isaac dito.

Lumabas na din ng kusina ang inay niya. "Sige anak. Mag-iingat kayo ha?"

Napatingin siya sa nanay niya na animo nagpapa-saklolo. "`Nay..."

"Sige, anak..." Ngumiti ng matipid si Aling Galeng.

Lumapit na din ang itay niya. "Isaac, salamat ha?"

"Sige, ho." Tuluyan na siya nitong hinila palabas ng kabahayan nila.

At ang itay niya, super alerto na ibaba ang maleta niya na hindi niya pa nabubuksan mula kanina.
Agad nito iyong inilagay sa compartment ng sasakyan ni Isaac.

Walang imik na sumakay na lang siya sa kotse nito at malungkot na tinanaw ang bahay nila.

SA buong biyahe patungo sa subdivision nina Isaac ay tahimik lang siya.

"Sino iyong lalaking pumunta sa inyo kanina?" Basag nito sa katahimikan.

"Ha?" Nagulat siya sa tanong na iyon.

Bigla namang umiling ang binata. "Nevermind." Naka-simangot na saad nito.

Kinabahan siya. "P-Paano mo nalamang may bisita ako kanina?"


Hindi ito sumagot.

"Isaac!" Nagpa-panic na tawag niya dito.


Of course kilala niya ito, pawisin ang matangos na ilong nito tanda na seloso ang lalaki. Hindi
mahalaga kung mahal nito o hindi ang isang bagay, basta pag-aari nito ay napaka-seloso nito. Alam
niya iyon dahil magkaibigan na sila noon pa man, kilala niya ito lalo na sa mga naging past flings
and girlfriends ni Isaac. Ayaw nito ng may kahati at may kakitiran pati ang pag-iisip nito sa ganoon.

Kahit siya noon na best friend nito ay pinagsi-selosan na siya ng binata kapag may iba siyang kausap
na lalaki, what more na lang ngayon na fiancee na siya nito?

Susme, nagkakasundo pa lang sila ay may pag-aawayan na naman yata silang dalawa.

"What?!" Pasinghal na saad nito. Salubong ang mga kilay.

"P-paano mo mo nga nalaman ang tungkol sa kanya? Pumunta ka ba sa amin kanina?!"


Kinakabahang tanong niya.

"Nag drop out ka na ,di ba?" Hindi nito sinagot ang tanong niya, sa halip ay ito pa ang nagtatanong
ngayon sa kanya. Sambakol pa din ang mukha nito habang mahigpit ang pagkaka-kapit nito sa
manubela.

"Oo pero..." Napatungo siya. Boom! At alam na nito pati kung sino si Marion sa buhay niya?

"You still have communications with him?" Maigting ang tonong kompronta ulit nito.

"Isaac, kaibigan ko iyong tao." Sinalubong niya ang nagbabagang tingin nito kahit pa medyo
natatakot na siya dito. Yes. Nakakatakot si Isaac kapag galit ito.

Lalong tumalim ang tingin nito. "At kaibigan mo lang din ako dati. Pero ano na tayo ngayon?"

Mangiyak-ngiyak na napailing siya. "Grabe ka mag-isip."

Padaskol nitong hinampas ang manubela. "You are mine, Agatha. Ikakasal na tayo, hindi ka na dapat
nakikipag-usap sa kung sino-sino. To the point na inabot pa siya ng mahigit dalawang oras sa inyo,
ano-ano bang pinag-usapan niyo at nagtagal siya ng ganoon?"

And now he knows!

"Isaac, nangangamusta lang si Marion!" Nauubusan ng pasensiyang paliwanag niya.

Umingos ito. "So that asshole has a name now."

Napamulagat siya. "Kaklase ko nga siya, kaibigan!"

"Alam sa lugar na ito na ikakasal ka na. Alam din naman siguro ng Marion na iyan ang bagay na
iyon, but still punta pa din siya ng punta dito! Umaasang makikita ka niya!"
"Isaac!" Paano nito nalaman ang mga bagay na iyon?!

Tila nabasa naman nito ang iniisip niya. "Of course I know! Sinasabi sa akin ng tatay mo!"

"Ano?" Lalo siyang nagulat. So ang tatay na naman niya ang dahilan. Napailing-iling siya, sumasakit
ang ulo niya.
Naku, naku pinapasakit ng dalawang lalaking mahalaga sa kanya ang kanyang ulo. Ang itay niya na
nagpi-playing cupid at itong si Isaac na love of her life!

"Minamadali ng itay mo ang kasal natin, natatakot siyang baka hindi iyon matuloy dahil sa Marion
na iyon!" Asar pang turan nito.

"Anong kinalaman ni Itay dito?! Kaibigan ko lang si Marion!"

"Cut that crap, Agatha! That jerk, may feelings siya sa'yo! Wag mo akong lokohin, manliligaw mo
siya at hindi lang basta kaibigan! How dare you to hide the truth?!" Kumambyo ito kaya muntik na
siyang mauntog sa salamin ng kotse.

"Sinabi ng itay iyan?" Inis na pakli niya.

"Yeah!"

"Kakausapin ko ang itay! Sumo-sobra na ata siya..." Napahilamos siya sa kanyang mukha. "Kaibigan
ko lang si Marion... Oo nanligaw siya, pero matagal ko na siyang tinapat na wala siyang aasahan sa
akin."

"Wala talaga siyang aasahan sa'yo." Malamig na saad nito. Sa pagkakasabi nitong iyon ay may kung
anong humaplos sa puso niya.

Napalingon siya dito.

"Dahil sa akin ka na Agatha, ginusto mo ito. At dahil mapapangasawa na kita ako na ang masusunod!
Ako na ang magde-desisyon sa buhay mo!" Buong deklara nito.

And why is that? Imbes na mainis at magalit ay tila kinilig siya sa sinabi nitong iyon?! What the!

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 19

NANG makarating na sila sa bahay nila Isaac ay halos malaglag ang panga ni Agatha.

Isang malaki o napakalaking lupain ang sinasakop ng sinasabi nitong Villa. May sariling guard iyon
pwera pa sa Subdivision na pinasok nila kanina. Ang dulo niyon ay mistulang rancho na may
napakaganda at luntiang tanawin.
Huminto sila sa isang mala-mansiong spanish style na bahay. Tantiya niya ay may limang palapag
iyon.

Oo alam niyang napakayaman ng binata, pero hindi niya akalaing kasing laki yata ng Mall of Asia
ang mansion na tinutukoy nito!

Iyong gate pa lang, parang aabutin yata siya ng isang buwan bago niya ito magawang akyatin.
Sinalubong sila ng mga unipormadong kasambahay na mukhang magigiliw ang mababait naman.

"Magandang gabi, senyorita!" Iisang bati ng mga ito.

Kiming ngiti lamang ang ibinigay niya. Nahihiya pa din kasi siya... at kinakabahan.

Wala namang imik si Isaac sa tabi niya. Inakbayan siya nito papasok sa solar ng mansion.

Lalo siyang humanga ng makapasok sa loob niyon. Napakaliwanag katulad ng solar ng Montemayor
cruise. Malaki ang makintab ang chandelier na halatang napakamahal ng presyo.

"Dito ka muna, I mean tayo." Pormal ang mukhang wika ni Isaac. May tinawag itong lalaki na naka-
uniporme din at inutusan itong bitbitin ang mga gamit nila sa itaas.

Nanlalamig naman ang mga palad niya. Wala ba dito ang pamilya nito?

"Ang isa kong kapatid na babae na si Gab ay nasa States nag-aaral. Sina mom naman ay marahil nasa
kabilang mansion." Magaling talagang bumasa ng isipan ang kumag na ito paminsan-minsan.

"Kabilang mansion?" Nilingon niya ito.

"Yeah, ang villa Montemayor ay may tatlong mansion. Ang isa ay sa ate ko at sa asawa niya... Doon
sila tumutuloy kapag umuuwi sila dito sa Dalisay. Iyong isa ay ito, ang pinaka-unang mansion na
pag-aari naman ng mommy at daddy ko." Paliwanag nito. "Malamang na naroon sila mommy sa
bahay ng nakatatanda kong kapatid."

"Ah, isa pang mansion?" Kagat-labing tanong niya.

"Hindi pa iyon tapos." Tipid na sagot nito.

"Ha?"

"Iyon ang magiging bahay natin." Kaswal na sagot nito.

"Ha?" Namilog ang mga mata niya.

"Yes, you heard it right. Ipinagawa ko iyon noong makalawa lang, ganoon dito. Kapag nag-asawa na
din ang mga kapatid ko ay magpapatayo din sila ng kanilang mansion dito sa Villa." Ngumiti ito ng
may kayabangan. "Kakasya kahit singkwentang mansion dito sa Villa Montemayor, kaya kahit ang
mga magiging kaapu-apuhan natin ay maaaring magpatayo ng kanilang sariling dream house dito
kung nanaisin nila."

"H-Hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyan..." Namamanghang saad niya. Nalulula siya
at the same time ay kinilikig?

Ngumisi ito. "Bakit tutulong ka ba sa pagka-karpintero?"

Namula ang pisngi niya at inirapan niya ito.

"Sige na, umakyat ka na sa taas." Tinawag nito ang isang balingkinitang babae na naka-uniporme
din. "Pakisamahan ang fiance` ko sa kwarto."

"Masusunod ho, senyorito." Nakangiting tugon nito.

"Isaac-" Tatawagin niya na sana ito subalit hindi na siya nito pinansin pa, tumalikod na ito sa kanya.

NANG marating niya ang silid na pinagdalhan sa kanya ng kasambahay ay napuna niyang naroon na
din pala ang gamit nila.

Naupo siya sa gilid ng kama. "Ano bang problema ng lalaking iyon?" Nakangusong tanong niya sa
hangin.

Nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.

"Hello?" Hindi naka-register ang number. Nga naman pala, bago kasi ang sim niya.

"Congrats, bru!" Matinis na boses mula sa kabilang linya. Familiar.

"Sino ito?"

"Si Krisha! Loka, ang lihim mo, ah!" Tumawa ito.

"Krish!" Nagliwanag ang mukha niya pagkarinig sa pangalan ng kanyang kaibigan. College friend
niya ito.

"Nagtext ka pala kina Monica about your wedding! Sorry nagpalit kasi ako ng number, tapos wala pa
akong number mo kaya di kita ma-text. Kay Monica ko kinuha ang number mo."

"Sorry, ha? Late ako nagtext sa inyo..." Umayos siya ng upo. Tuwang-tuwa talaga siya dahil sa
pagtawag nito. Atleast nabawasan ang tensyong nadarama niya ngayon.

"Sus! Atleast imbitado kami sa kasal mo!"

"Salamat, basta pupunta kayo ha?"

"Oo, naman! Teka- sino pala ang maswerteng lalaki? Gosh! Napakalihim mo naman!!!" Ang lakas
ng boses nito. Para tuloy siyang naka louspeaker.
"Krish!"

Humagikhik si Krisha. "Akala ko wala kang jowa? Di ba napaka ilag mo sa mga lalaki at puro aral
lang ang inaatupag mo? Tapos bigla-bigla nang walang pasabi na nagdrop out ka na pala, tapos
ikakasal na agad?! Ginulat mo kami luka-luka ka!"

"Mahabang istorya, Krish!" Napangiti siya nang maalala ang guwapong mukha ng kanyang magiging
asawa. Oh Isaac!

"Naku! I-kuwento mo! Bruha ka, hurt na hurt si Fafa Marion!"

"Krish..." Natigilan siya ng marinig ang pangalan ng kanina'y pinagta-talunan nila ni Isaac.

"Anyway, naiintindihan ka namin. Malaki ka na at alam mo na ang ginagawa mo... Pero gusto
naming makilala ang lalaking naka-bingwit sa’yo!"

"Ha?" Naawa din siya kay Marion.

"Pupuntahan ka namin sa inyo! ,di ba narito ka na ulit sa bario natin? So saan ka namin pupuntahan
ha?" Tanong nito.

"Naku, wala ako sa amin... Narito kasi ako sa bahay ng mapa-pangasawa ko, dito sa Dalisay."

“Eh, pupunta kami diyan! Sakto para makilala namin siya!" Naka-sigaw na naman si Krisha sa
kabilang linya, ganoon talaga ito makipag-usap.

Natigilan siya, ano bang isa-sagot niya dito? "Baka hindi pwede-"

Pero pinutol ng isang baritonong tinig ang pagsasalita niya. "Papuntahin mo sila!"

Napalingon siya sa pintuan. "Isaac!" Nagulat siya sa biglang pagsulpot nito. Kanina pa ba ito doon?

Humalukipkip ito pagkuway sumandal sa nakapinid ng pintuan. "Papuntahin mo dito ang mga
kaibigan mo. I want to meet them, too." Walang kangiti-ngiting wika nito. Hindi iyon basta salita
lang, it was a 'command'.

"Isaac..."

Ikinampay nito ang isang kamay sa hangin. "Bumaba ka na pagkatapos mo diyan, kakain na."
Lumakad ito at binuksan ang pintuan. "I'll wait you, bilisan mo."

"S-Sige..." Nauutal na sagot niya. Oh my gosh!

Nang makalabas na ito ng silid ay saka niya lang naalala na may kausap pala siya sa telepono.

"Bruha!!!" Matinis na tili nito ang nagpagulantang sa kanya. Nakatapat pa pala ang cellphone sa
tainga niya!
"Krish!" Napasimangot si Agatha. Dios mio! Natulele siya sa sigaw nito.

"Narinig ko iyon! Pumunta daw kami!!!" Masayang saad nito.

"Krish..." Mukhang hindi niya na mapipigilan ang mga kaibigan niya. "Sige na nga..."

"Eee! Boses pa lang, `te! Fafable na! Mukhang guwapo iyang ipinalit mo kay Marion, ah!" Kilig na
kilig ito.

Nalukot ang mukha niya. Ayun binanggit na naman ng bruhilda! "Anong ipinalit?! Hindi naging
kami nung tao..."

"Haha, whatever! Basta! Maaga pa lang bukas ay nariyan na kami!"

AFTER makipag-telebabad ay bumaba na siya. Muntik pa siyang maligaw kung saan ba banda ang
kitchen o dining area sa mansion. Gusto pa nga niyang batukan ang sarili niya ng makarating pa siya
sa pool area!

Awa ng Diyos ay may nakasalubong siyang kasambahay at ito ang naghatid sa kanya sa kainan.
Naabutan niya doong kumakain na ang kanyang magaling na husband-to-be! Ni hindi man lang siya
nahintay, anyway hindi niya ito masisisi kasi ang tagal niya namang bumaba.

Ah, marahil gutom na talaga ito.

Oh, my darling Isaac... Poor boy, halatang gutom na gutom nga ang loko. Paano ang lalaki ng subo
nito at parang hindi naman nginunguya man lang ang pagkain, diretso lunok.

Wala silang pansinan habang kumakain.

NANG akmang matutulog na siya sa kwartong ibinigay sa kanya ay nagulat siya ng pumasok din
doon si Isaac. Dire-diretso ito sa shower room at mukhang maliligo na.

Doon niya lang napansin ang kabuuhan ng silid. Pang lalaki ang interior design ng malaking
kuwartong kinaroroonan niya. Sa madaling sabi kay Isaac ang kuwartong iyon.

Natutop niya ang sariling bibig. Kung gayon sa iisang kuwarto lang sila ni Isaac matutulog?!

Oo nga't natutulog sila sa condo nito ng magkatabi. Pero hindi sa ganitong mula umpisa ay iisang
kuwarto na silang dalawa. Awkward. Nakakahiya sa mga kasama nito sa bahay dahil hindi pa naman
sila kasal.

At mas lalong nakakailang kay Isaac.

Hindi tuloy siya mapakali, paikot-ikot siya habang kagat ang kanyang hintuturo. Kinakabahan siya
na ewan. Ano bang dapat niyang gawin? Mahiga na sa gilid ng kama patalikod sa kabilang gilid na
hihigaan nito? Tapos magta-talukbong siya ng kumot?

Anong sasabihin ni Isaac? Ang arte niya at feeling niya mari-rape siya any moment kaya ganoon
siya? As if naman hindi siya nagpapa-rape dito gabi-gabi sa condo nito!

Nagpa-padyak siya. Masisiraan yata siya ng bait.

Hanggang sa nakapagpasya na siya. Kinuha niya ang isang blanket at inilatag iyon sa sahig na
carpeted. Inis na kinuha niya ulit iyon kasi mukha naman siyang kaawa-awa masyado kung doon nga
siya matutulog. Napasulyap siya sa sofang nasa paahan ng malaking kama, oh thanks God! Mas okay
sa sofa kesa sa sahig.

Kumuha siya ng dalawang unan sa limang unan sa kama. Tinirhan niya ng tatlo ang binata at saka na
siya nahiga sa sofa at akmang pipikit na nang...

"Hey, ano 'yan?" Iyon ang eksenang naabutan ni Isaac.

Napabalikwas siya ng bangon.

Salubong ang may kakapalang kilay ng binata habang inis na nakatingin sa kanya. Bagong ligo ito at
nakatapis lang ng tuwalya sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito... Correction: Nang macho at
magandang katawan nito!

Tumutulo pa ang basang buhok nito patungo sa malapad na dibdib at balikat. Oh, shit Agatha! Bigla
yata siyang naging maniac.

Napalunok muna siya bago makasagot. "D-Dito ako sa sofa matutulog..."

"And why?!" Tumikwas ang isang kilay nito. Humakbang na ito papalapit sa kanya.

"K-Kasi..."

"Itigil mo ang kalokohang iyan, Agatha." Matigas na wika nito. "To the bed. Now!" Itinuro nito ang
malaking kama.

"Hindi ito kalokohan!" Naiinis na ding tugon niya. "Hindi pa tayo kasal Isaac, nakakahiya sa mga
kasama mo sa bahay kung-"

"Stop it." Putol nito sa mas naiinis na boses.

"Isaac, naman."

Napasabunot ito sa sarling buhok at intense siyang tinitigan. "Diyan tayo sa kama matutulog na
dalawa! Geez, Agatha, gabi-gabi na ngang may nangyayari sa atin umaarte ka pa ng ganyan!"

"Hindi ako umaarte!" Napasigaw na din siya. Maiiyak na siya sa halo-halong emosyon. Kaba, pagka-
asiwa at feeling hopeless ng kalagayan niya. Ang hirap kayang makipagtalo sa guwapong ito!

"Shit! Then what?!" Halos bulyawan na siya nito. Good thing malaki ang kuwarto, wala naman
sigurong nakakarinig sa kanila mula sa labas.
Bumaba na ang tono niya. "Sabi ko naman sa'yo... Nahihiya ako sa mga-"

"May kinalaman ba dito iyong Marion na iyon, ha?" Madilim ang mukhang tanong nito.

Oh no!

"Isaac, naman!"

Naupo na ito sa gilid ng kama at saka umaktong hihiga na. Naka-simangot pa din ito. "Then kung
wala, mahiga ka na dito sa tabi ko! I don't fucking care kung anong isipin ng kahit sino dito sa bahay
na ito! I don't give a damn! Ako ang masusunod, dito ka matutulog!"

Napanganga siya. Shit. Mukhang wala na naman siyang magagawa kundi sundin ang kagustuhan ng
kanyang ex-best friend and soon to be her husband.

"Lumipat ka na, wag mong sagarin ang pasensiya ko, Agatha. Or else gusto mo pang buhatin kita at
itapon dito sa kama!" Pa-singhal na pahabol nito bago ito tuluyang nahiga.

Sa takot niya ay agad siyang kumaripas na tayo sa sofa at nagtungo agad sa kama. Nahiga siya sa tabi
nito pero nagharang siya ng dalawang unan at saka patalikod na nagtalukbong. Urgh!

NASA kalagitnaan na siya ng pagtulog ng maramdaman niyang may nangingialam sa kanyang


katawan.
May mainit at malaking kamay na pumi-pisil-pisil sa maliit niyang bewang at humihimas sa
matambok niyang puwitan. Napadilat siya, madilim ang paligid dahil nakapatay na ang mga
lampshade sa gilid ng kama.

"Isaac..." Tawag niya sa nag-iisang taong alam niyang suspect sa kapangahasang nagaganap ngayon.

"Shhh..." Hinawakan nito mga kamay niya at inilagay iyon sa tabi ng kanyang uluhan. "Stay still,
baby..." Anas nito.

"Hmnn..." Napa-pikit na lang siya ng sakupin na ng binata ang mga labi niya. Hindi siguro nakatiis
ang loko! At siya naman bumigay na naman, useless lang ang mga unang hinarang niya sa pagitan
nila kanina.

"You are mine, Agatha, Only mine." Humihingal na wika nito matapos ang makapugtong hiningang
halik.

"Yes, I am yours, Isaac..." Just tell me the magic words...

Pero hindi na muling nagsalita pa si Isaac. Okay, ano pa nga ba?

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"
CHAPTER 20

"NARIYAN na ho ang mga kaibigan niyo, Ma’am Agatha..."

Binilisan niya ang pagsu-suklay ng kanyang buhok nang marinig ang tawag ng kasambahay nila
Isaac. Pagka-gising niya kanina ay wala na agad si Isaac, may inasikaso daw ito sabi ng mommy nito
na nakasabay niya pa sa breakfast. Maaga ding umalis si Mrs. Montemayor kasama ang butihing
asawa nito.

"Salamat, aling Lydia." Nginitian niya ang may edad ng babae at saka nagmamadaling tinungo niya
na ang hagdanan pababa sa sala ng mansion. Nasa ikalawang palapag kasi siya noon.

"Krisha! Monica! Sandy!" Natanawan niya na agad ang tatlo niyang kaklase't kaibigan. Prenteng
nakaupo ang mga ito sa mahabang sofa na nasa sala. May nakahain na ding Juice at ilang meryenda
para sa mga ito.

"Bruha!" Unang tumayo si Monica at saka siya sinalubong ng yakap.

"Hoy! Congrats!" Si Sandy na nakiyakap na din kasunod ni Krisha.

"Salamat!" Mangiyak-ngiyak siya sa tuwa. Miss na miss niya na din kasi ang mga kaibigan niya. Ito
lang kasing tatlo ang nagtiyaga sa kanya kahit pa hindi naman siya gaanong palakibo.

"Grabe! Hindi mo naman nasabing super yaman pala ng mapapangasawa mo! At ang guwapo pa!"
Palatak ni Monica. Ngiting-ngiti ito sa kanya.

Sumabat naman ang may pagka-boyish bagamat magandang si Sandy. "Kaya naiinitindihan ka na
namin ngayon kung bakit ka nag drop!" Nanunudyong wika nito. Nasa ugali talaga nito ang
mapanukso. Bully ito sa Institute nila, gayon pa man ay kwela naman ang babae.

Natawa siya. "Sira!"

Naupo na sila sa sofa ay hindi pa din nagpapa-awat ang mga kaibigan niya. "Grabe, Agatha! Tiba-
tiba ka!" Halos patiling sabi ni Monica. “Haciendero at heredero! Bonggang rich! Ang lawak ng
lupain nila. Halos kanila pala ang kalahati ng buong bayan ng Dalisay!”

Si Krisha naman ay parang batang binubuting-ting ang mga nakalagay na palamuting pigurine sa
ibabaw ng mahabang lamesitang kaharap nila. "Naku Agatha, ang laki ng mansion ha? Akala talaga
namin na nagkamali ka lang sa address na ibinigay mo, gosh hindi pala! Totoo pa lang magiging
donya ka na!" Nagni-ningning pa ang mga mata nito.

Nahihiyang umiling naman siya. "Hindi naman..."

"Sus, pa-humble ka pa eh!" Pabirong hinila ni Monica ang buhok niya. Katabi niya ang babae at
halos lumingkis na ito sa pagkakayakap sa kanya. "Ang bango ng donya! Amoy imported na
shampoo." Suminghot-singhot pa ito na ikinatawa niya lalo.

Luka-luka talaga itong mga kaibigan niya. Mga kalog kasi ang mga ito, sa kanilang apat ay siya lang
talaga ang namumukod-tanging tahimik at seryoso.

Nginisihan siya ng katapat na si Sandy. "Hay, ngayon talagang naiinitindihan na namin kung bakit
inayawan mo si Marion!"

"True! Akala namin na-boba ka lang kaya tinanggihan mo siya! Aba't good catch na ang isang iyon,
ha? Guwapo, matalino at mayaman din naman! Isa pa, mabait si Marion." Segunda ni Monica na
halos nakahiga na sa kanya.

Umingos naman si Krisha sabay pabirong umirap sa kanya. "Kaya nga, kaya kina-iinggitan ka dahil
ikaw ang natipuhan niya! Aba napaka-tiyaga niya ngang manligaw sa'yo kahit pa pinamumukha mo
na sa kanyang friendship lang ang kaya mong i-offer sa kanya ,di ba? Hindi ka pa din niya sinukuan."

Umayos na ng upo si Monica dahil nabibigatan na siya dito. "Paano ba naman kasi, wala ka namang
ini-entertain na manliligaw kaya tuloy inisip niyang may pag-asa pa din siya sa'yo." Dumi-kwatro si
Monica. "Hay, kung alam mo lang kung paano siya nag-alala nang bigla-bigla ka na lang hindi
pumasok."

"Nagka-family problem din kasi ako..." Paliwanag niya.

Pero hindi na pinansin pa ng mga ito ang sinabi niya. Tumayo si Sandy na para bang may hinahanap.
Nangha-haba ang leeg nito sa pagtanaw ng kung ano. "Teka, nasaan ba ang mapa-pangasawa mo?
We're so excited to meet him!" Wika nito na ikinakaba niya.

"Oo nga! Gusto namin malaman kung bukod sa pagiging mayaman eh kung guwapo din ba siya!" Si
Monica na tumayo na din. "We want to say 'hi' to him."

Tatango-tango naman si Krisha.

Nagsalita ulit ang nanghahabang leeg na si Sandy. "Yeah, kung mas guwapo ba siya kay fafa
Marion!" Nalilito tuloy siya dito, may pagka-boyish ang babae pero may kaartehan din naman.

Mula naman sa main door ng kabahayan ay pumasok ang isang matangkad na lalaki. Naka itim itong
pantalon at kulay puting polo na bahagyang nakabukas ang ilang butones sa harapan sanhi upang mas
lalong malantad ang kakisigan nito sa malapad nitong dibdib. Nang alisin nito ang suot na shades ay
lalong kumabog ang dibdib niya.

Isaac is a real handsome! Walang duda iyon, kaya naiintindihan niya kung bakit natulalang bigla ang
mga kaibigan niya ng makita ito.

Para itong batang Brad Pitt kahit pa itim na itim naman ang buhok ng lalaki. Halong kastilain kasi at
mestizo ang binata.

"Hi, girls!" Bati nito sa biglang natulalang mga kaibigan niya.

Ang unang nakabawi ay si Monica. Nawala na ang poise ng babae dahil sa sobrang kilig nito kay
Isaac. "Oh my!!! Siya ba Agatha?!"
"Ah..." Napatango na lang siya. Pati yata siya na-starstruck sa ayos ngayon ng mapapangasawa niya.
Gosh! Isaac was so hot sa suot nito!

Nginitian siya ng binata. "Agatha, baka gusto mo namang ipakilala sa akin ang magagandang dilag
na bisita natin ngayon?"

Natauhan siya. "Ah, si Monica nga pala..." Agad niyang pakilala sa pinakamalapit dito at saka niya
itinuro ang nakanganga pa ding si Sandy. "Iyon si Sandy at iyon naman si ---"

"Krisha! Hi!" Nagulat siya ng bigla na lang lumapit si Krisha kay Isaac at saka nakipag-kamay dito.

Mahilig sa mga guwapo si Krisha, muse din nila ito kaya lapitin din ito ng guwapo. Pustoryosa kasi
ito at maboka kaya mas madalas na ito ang napapansin ng mga lalaki bago sa kanilang tatlo nila
Monica. Pero mataas ang standards ni Krisha kahit ganoon, bihira itong magka-crush at kaunti lang
ang hinahayaan nitong kalahi ni Adan na mapalapit dito. At ngayon niya lang ito nakitang natulala ng
ganoon nang dahil sa isang lalaki, kaya naman parang gusto niyang maging proud bigla kay Isaac.

Sabagay, kahit madami din namang guwapo sa Institute na pinag-aaralan nila ay wala pa ding sinabi
ang mga iyon sa fiance` niya. Iba ang karisma at kaguwapuhang taglay ni Isaac. Hindi lang kasi ito
basta guwapo, kundi guwapong-guwapo.

Tinanggap ng binata ang pakikipag-kamay ng kaibigan niya. "I'm Isaac. Isaac Montemayor. Kumusta
kayo? I'm glad dinalaw niyo ang sweetheart ko."

"Eee, ang sweet naman!" Kilig na kilig na sabi ni Sandy. Lumapit na din ito.

Namilog ang mga mata ni Krisha na hindi pa din binibitawan ang kamay ni Isaac. "Isaac
Montemayor kamo? So you're one of the Montemayors?" Amazed na tanong nito.

"Yeah." Magalang na ngumiti naman si Isaac at pa-simpleng binawi ang kamay nito. Napangiti siya
sa ginawi nito.

“Sabi ko na nga ba! Sa’yo nga ang Hacienda at Rancho Montemayor! Akala ko naman kamag-anak
lang nila or what. Gosh! Montemayor ka nga!” Napalingon naman sa kinatatayuan niya si Krisha.
"Oh! Lucky Agatha! Nagbabasa ako palagi ng mga business mag, laging featured doon ang mga
businesses ng asawa mo!"

"My Gosh! Ang guwapo naman talaga niya." Namimilipit na bulong sa kanya ni Monica.

Muling bumaling si Krisha kay Isaac, naroon pa din ang mga ngiti sa labi ng kaibigan niya. Halatang
nagpapa-cute ito. Ngali-ngaling hilahin niya na ang buhok nito palayo sa mapapangasawa niya pero
ngumiti na lang siya ng tipid. Nakita naman niya ang pagsilay ng kakaibang ngiti sa mga labi ni
Isaac, ang loko nahalata yata ang pagsi-selos niya kay Krisha!

"So, okay lang ba talaga na dinalaw namin si Agatha, I mean hindi ba kami nakaka-istorbo?" Tanong
ni Sandy dito.

Tumango naman si Isaac. "Of course. Naiinip na din kasi siya dito at nalu-lungkot. You know, I'm a
businessman kaya medyo busy ako at hindi ko siya gaanong maasikaso. Magiging mas masaya siya
kung mapapadalas ang dalaw niyo."

Napa-palakpak si Krisha. "Naku talaga?! Wow pwede pala kaming dumalaw palagi!"

Nginitian ito ng matamis ni Isaac na sinadya pa yatang ipakita sa kanya. "Oo naman. Palaging bukas
ang bahay ko para sa inyo." Magiliw pang saad nito pero sa kanya nakatingin.

"Naku ang guwapo at ang bait naman ng magiging Mister mo Agatha!" Nag-tumbs up sa kanya si
Sandy.

"Ha?" Napaawang na lang ang mga labi niya. Okay lang bang dumalaw ng madalas ang mga
kaibigan niya sa Villa Montemayor? Hindi ba iyon nakakahiya sa pamilya ni Isaac?

"Sweetheart invite mo lang sila anytime." Naglakad palapit sa kanya si Isaac. "Pwede kayong mag
pool party o kaya naman isama mo sila kapag gusto mong mag shopping or mamasyal, magsama
lang kayo ng driver pag aalis kayo." Hinawakan nito ang braso niya na ikina-pitlag niya naman.
Jusko!

"Wow shopping!!!" Tuwang-tuwa ang mga lukaret!

Ang naisip niya agad ay ang gastos. "Naku-" Magsa-salita pa sana siya ng may ilagay sa palad niya si
Isaac.

Hindi niya napansin na may kinuha pala ito mula sa bulsa ng suot nitong pantalon. Napatitig naman
siya sa itim na leather wallet na hugis rectangular na nakapatong na ngayon sa ibabaw ng palad niya.

Ngumiti si Isaac. "Basta treat your friends. Mas gusto ko ng puro babae ang kaibigan mo."

Bakit pakiramdam niya'y may laman ang pagkakasabi nito ng 'puro babae lang ang kaibigang nais
nito para sa kanya?'

"C'mon, open it sweetheart."

'Sweetheart?' Kailan pa? Kanina pa ito patawag-tawag ng kung di 'honey' ay 'sweetheart' sa kanya ah!
Nakakahalata na siya. Ano bang palabas ng lalaking ito ha? Playing sweet?

"Oh!" Napanganga siya ng makita ang laman ng manipis na wallet na iyon. Dalawang credit cards!
Bago pa ang mga iyon at lahat ay naka-pangalan sa kanya! So ito pala ang inasikaso ni Isaac kaya
maaga itong umalis kanina?

Nakabalatay naman sa mukha ng mga kaibigan niya ang naghalong inggit, tuwa para sa kanya at
kilig na din. Akalain mo iyon? May credit cards na siya! At for sure malalaki ang credit limit ng mga
iyon! Kahit kailan at kahit saan ay maaari na siyang mag-shopping at kumain ng mga maiibigan niya.

Nagulat siya ng tumungo si Isaac para gawaran siya ng magaang halik sa noo. Napatingala siya dito.
Namumungay ang mga mata nito na para bang may nais iparating sa kanya. Napapasong ibinalik
niya ang kanyang tingin sa leather wallet na may credit cards.
Bumaling ito sa mga kaibigan niya. "So girls mauuna na muna ako ha? May trabaho pa kasi ako sa
office, malayo pa ang biyahe ko pabalik ng Manila."

"Sige sige." Si Monica ang nakangiting sumagot.

"Kayo na muna ang bahala sa bride-to-be ko. I need to go to the office na kasi, you know."

Si Monica ulit. "Oo naman, Isaac! Naiintindihan namin."

"Sige." Pinisil ni Isaac ang baba niya. "Bye, honey."

Naiilang na ngumiti siya dito. "B-Bye!"

NANG lumakad na ulit ang binata palayo sa kanila ay saka lamang siya tila nanghihinang napaupo sa
sofa.

Natatawang tumabi naman si Monica sa kanya. "Hmnn... Smells something fishy, ah!"

"Ha?" Maang-maangan niya. Ibinulsa niya na sa kanyang suot na bestida ang ibinigay ni Isaac,
mamayang gabi ay kakausapin niya ito ukol sa mga creditcards na iyon. Hindi niya iyon kailangan.

Nagsi-upo na din ang dalawa niya pang kaibigan. "Mas gusto niya daw na puro girlalu ang friends
mo! Ano kayang ibig sabihin non? Hmmn?" Si Sandy na nangi-ngiti.

"Sandy!" Pinandilatan niya ito.

"Asus!" Si Krisha naman. Inabot nito ang isang baso ng juice na nasa lamesita at saka tinungga iyon.

"May idea ba si Fafa Isaac kay Fafa Marion?" Tanong ni Sandy na hindi inaalis ang tingin sa mukha
niya. Parang sa reaksyon siya nito huhulihin dahil batid nitong hindi niya ito sasagutin.

Ayaw niyang pag-usapan iyon. Ganoon siya, kapag hindi niya type pag-usapan ay hindi talaga siya
suma-sagot.

Tatawa-tawa naman sa tabi niya si Monica. "Okay nga iyon, eh! May pagka possesive si Fafa!
Nakakakilig kaya iyon!"

Naiiling na lang tuloy siya. Mukhang hindi na siya tatantanan ng mga ito tungkol sa issue ni Marion.
"Naku tigilan niyo nga iyang mga iniisip niyo diyan! Hay, hindi pa din kayo nagbabago!"

Mahinang hampas naman sa balikat ang ibinigay sa kanya ni Monica. "Pero `te aminin mo? Nakaka-
kilig kapag nagsi-selos ang partner mo sa ibang lalaki ,di ba?"

Napaisip siya. May punto ito, kaya hindi niya man gusto ay napa-ngiti na din siya.

Naghagik-hikan naman ang mga kaibigan niya. "Yeah, mas kilig iyon! Atleast alam mong love ka
talaga ni Fafa Isaac kasi natatakot siyang maagaw ka ng iba!" Maarteng banat muli ni Monica.
"Trulajen!" Patiling sang-ayon ni Sandy. Nawala ang pagka-boyish nito, pumalit ang malanding side
ng babae. Natawa na siya ng tuluyan. May pumasok ding kalokohan sa isipan niya...

"Kuuu ang sarap ma-in love!!!" Pumipikit-pikit pang sabi ni Krisha.

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 21

"NAKAALIS na pala ang mga kaibigan mo." Napalingon siya sa bumukas na pintuan. His husband-
to-be is back!

"Oo... Kanina pa." Ngumiti siya dito, super ganda ng mood niya. Patulog na sana siya kaya lang
naisipan niyang hintayin ang binata para magpasalamat sa pagtanggap nito sa mga kaibigan niya
kanina.

Napuna niyang hindi nito suot ang coat nito kanina. Ah, marahil naiwan sa kotse.

Inalis nito ang suot na relo at saka naupo sa gilid ng kama katabi niya. "Okay lang kahit pumunta sila
dito araw-araw."

"Salamat, Isaac." Lumuhod siya sa harapan nito.


Tinulungan niya itong mag-alis ng suot nitong sapatos, hindi pa man aktong asawa na talaga siya.
Hindi pa din maalis ang mga ngiti sa mga labi niya. Kanina kasi ay napag-isip-isip niya ang mga
sinabi nina Monica na baka nagsi-selos nga si Isaac kay Marion.
Dahil kung nagsi-selos man ito ay malamang na may feelings na din sa kanya ang binata. Sa isiping
iyon ay parang kinikiliti sa kilig ang puso niya. Posible nga kaya?

Tumayo na ito at naghubad ng suot na colored black V-neck T-shirt. "It's okay. Maigi na din na hindi
ka mainip."

Napalunok naman siya habang pinagmamasdan ito sa paghuhubad na din ng suot nitong pantalon.
He's really a hunk. Malaki ang kaha nito sa saktong paraan. Nakakapagtaka lang kasi bihira naman
itong mag gym at malakas pang kumain. Hindi niya na namalayan ang sarili na para nang natutulala
sa pagtitig sa katawan nito. Kulang na nga lang ay tumulo na ang laway niya.

"Hey." Natatawang pansin nito sa pagtulala niya.

Agad siyang nagbawi ng tingin. Aw nakakahiya. Huling-huli siyang titig na titig sa katawan nito. Sa
sobrang pagkalulong niya sa pagtitig dito ay di niya na napansing naka-briefs na lang pala si Isaac!
Ngumiti siya ng tipid para maitago ang pagkapahiya niya at saka nagkunwaring pahiga na sa kama.
"Matutulog na ako."

Dinampot nito ang puting tuwalya sa couch bago tumungo sa pinto ng kanilang banyo. "Wag ka
munang matulog." Sabi nito bago pumasok doon.

Napatulala na naman siya. Ano daw? Wag daw muna siyang matulog? Napakurap-kurap siya. He
sounded suave and sophicticated! Ang sarap pakinggan! Boses pa lang ulam na.

'Tumigil ka nga diyan Agatha!' Suheto niya sa sarili. Kailan pa siya naging maniac?

AT HINDI nga muna siya natulog! Ganon siya pagka-masunurin. Saka paano nga ba siya
makakatulog eh nae-excite na siyang lumabas mula sa banyo ang bagong paligong si Isaac!

But wait! May nakalimutan siya... Hindi pala sila pwedeng mag-do ngayon ng binata. Hindi pwede
hanggang apat na araw. But how can she say it to him?

Maya-maya lang ay lumabas na ang nakatapis na lang nang tuwalyang binata. Agad itong lumapit sa
gawi niya. Napabangon naman siya kaagad mula sa pagkakahiga.

Tumutulo-tulo pa sa malapad na dibdib at balikat nito ang tubig na nagmumula sa basa nitong buhok!
Oh how manly!

"I'm glad sinunod mo ako..." Namumungay ang mga matang sabi nito sa kanya. Obvious naman
kasing namumula na sa antok ang mga mata niya but still hindi pa din siya natulog para hintayin
itong makatapos maligo.

May nakalimutan din kasi siyang ipag-paalam dito kanina. "Ah.. Isaac..."

Naupo na ito sa tabi niya at saka siya hinila sa kanyang braso.

"Yes?" Sinimulan na siya nitong halik-halikan sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg.

Bahagya niya itong itinulak palayo. Kailangan muna nila palang mag-usap. "D-Dito pa din ba tayo
titira pagkatapos ng kasal natin? O sa Maynila dahil naroon ang trabaho mo?" Paglilihis niya.

Nalukot naman ang mukha nito. Ganiyan yan ,eh ayaw na ayaw ng may pinag-uusapan sila lalo na't
ganado ito at nasa mood. Sabagay lagi naman itong nasa mood kapag nagkaka-solo na sila. Pero
sinagot pa din naman siya ng binata. "Well dahil naitanong mo... Pwede naman sigurong mag-uwian
na lang ako dito everyday. You can stay at our house kapag okay na iyon. Pwede ka din sa mga
magulang mo habang wala pa ako. Pero gusto kong maabutan na kita sa bahay natin kapag pauwi na
ako."

Napatitig siya sa mukha nito. "G-Gusto kong mag-aral ulit."

"Okay." Walang ganang sagot ni Isaac at saka muli siyang inulalol ng halik sa kanyang leeg. Ang
siste ayaw magpaawat!

Itinulak niya ulit ito. "Magwo-working student sana ako."

Doon na ito nainis ng tuluyan. "What?" Halos pasigaw nitong tanong. Kusa na din itong tumigil sa
pagromansa sa kanya.
Umusod pa siya ng bahagya para mapalayo dito. "Nakakahiya naman kasi kung aasa lang ako sa'yo...
and besides, ang laki na nang naitulong mo sa mga magulang ko. Nalaman ko kay inay na nagbigay
ka pala ng pera sa tatay ko para pambayad sa mga utang namin. Nagbigay din pala ng puhunan ang
mommy mo para dagdag puhunan sa palengke."

"So?" Lalong kumunot ang makinis nitong noo.

"G-Gusto kong kumita ng sarili kong pera..." Mahinang-mahina ang boses na sagot niya dito. Totoo
naman, ayaw niya kasing umasa lang dito.

Kumibot-kibot ang mamula-mulang labi ng binata. "Then bibigyan kita ng puhunan para makapag-
negosyo ka."

"Isaac!" Nanlaki ang mga mata niya. Iyon nga ang iniiwasan niya eh!

Tuluyan na talagang nagbago ang mood nito. Inis nitong kinamot ang sariling batok at saka nanlilisik
ang mga matang tinitigan siya. "Anong gusto mong sabihin ng mga tao ha? Agatha?! Na I can't
provide for my wife? Gusto mong magtrabaho habang nag-aaral?!" Medyo mataas na ang tonong
tanong nito.

Natakot naman siya sa galit na nakikita niya dito. Nasagi niya yata ang pride nito. "H-hindi naman sa
ganoon."

"Then what?"

Napabuntung-hininga siya. Ayaw niyang magalit nang tuluyan ang binata sa kanya lalo pa't nagiging
okay na sila lately. Saka niya na ipapa-intindi dito ang gusto niya kaag siguro okay na okay na talaga
sila. "Okay, hindi na ako magwo-working student."

"Hindi mo naman kailangang gawin iyon." Naka-simangot pa din ito. "Kung kailangan mo ng pera
bibigyan kita, malapit ka na din namang magka-access sa pera ko once na makasal tayo. Bibigyan
din kita ng budget mo monthly para sa pag-aaral mo. I can send you kahit saang malalaking
unibersidad sa Maynila. Planado ko na ang lahat, sasabay ka sakin tuwing luluwas ako. O kung
mahihirapan ka pwede naman tayong mag-uwian na lang sa condo ko sa Q.C."

"Salamat. Pero may ipapakiusap pa sana ko..." Hinawakan niya ang kamay nito.

"Ano?"

"Ako ang pipili ng papasukan kong college school."

"Why I have this feeling na sa isang simple at murang school ka lang papasok?" Simangot na
simangot pa ding tanong nito. Oh, how she love his reaction... Super cute kapag salubong ang kilay
nito yet nakakatakot ng kaunti kapag seryoso.

"Basta." Ngumiti siya ng matamis dito. Pag ngini-ngitian niya naman ito ay medyo kumakalma din
ang lalaki.
Umismid ito. "Stop it, Agatha. Please, wag mo ng sayangin ang energy mo sa kung ano mang
tumatakbo diyan sa isipan mo."

Nagkibit-balikat siya bilang pagpapa-tianod sa sinabi nito. "Pupunta pala ako sa amin bukas." Paalam
na din niya.

"Pahatid at pasundo ka sa driver. Or much better na pahintay ka na lang."

"Hindi na... Malapit lang naman---"

"Agatha!" Nanlisik na naman ang mga mata ni Isaac sa kanya.

Natatawang nagtaas siya ng kanyang mga kamay bilang pagsuko dito. "Okay!"

Tumango ito. "Isa pa, ayokong makikipagkita ka sa Marion na iyon."

Lihim siyang napangiti sa nakitang selos sa mga mata ni Isaac. Nagsi-selos nga ito kay Marion!
Confirmed! Parang gusto niyang magpa-fiesta bigla!

Pero natigilan din siya bigla sa pagsasaya ng may mapansin sa harapan ng binatang nakaupo sa tabi
niya.

Hindi niya pa pala tuluyang nailihis ang mood nito!

Naroon pa din ang pag-aasam sa mga mata ni Isaac habang nakatitig na naman sa mukha niya. And
there sa harapan nito, sa gawing ibaba ng iyan nitong 6 pack ay bukol na bukol pa din ang simbolo
ng nais nitong gawin sa kanya kanina pa.

"Agatha..."

Napalunok siya. "B-Bakit?" Tanong niya kahit alam na alam niya na ang pakay nito!

At paano niya ito hi-hindian?!

Hindi niya pa alam ang magiging reaction nito kapag tumanggi siya sa unang beses!

No!

No!

Naramdaman niya ang marahang paghila nito ulit sa kanya. "Tama na muna ang usap..."

"Isaac..." Napalunok ulit siya. Paano niya masasabi kay Isaac na hindi pwede ngayon? Paano niya ito
pipigilan gayong mukhang kahit harangan ito ng sibat ay mukhang hindi na ito papaawat?

"Come..." Husky ang boses nito ng hilahin pa siya papalapit. His eyes are burning with desires.
Nakatingin ito sa gawing dibdib niya na halos lumuwa na sa suot niyang sleeveless top.
"Ha?" Parang nais niya tuloy pagsisihan kung bakit nag manipis pa siyang pagtulog ngayon. Para
niya pa tuloy tino-torture si Isaac.

Nang bahagya na siyang makalapit ay agad na nitong sinakop ang mga labi niya. Napaungol siya ng
agad na sumapo sa isang dibdib niya ang mainit nitong mga palad.

"Come, baby..." His tongue is teasing her and tormenting her. Pero hindi nga pwede!

"Isaac---" Itinulak niya ito pero lalo lang humigpit ang pagkakayapos nito sa bewang niya. At
damang-dama niya na ang matigas na bagay na iyon sa gilid ng kanyang bewang na enjoy na enjoy
nitong ikiskis sa kanya.

"Hmnn... Amoy strawberry..." He started kissing ger again.

No! Mahirap ng bitinin ito mamaya! So it's now or never! Nag-ipon siya ng maraming tapang at
lakas ng loob upang itulak ito ng malakas. "Isaac, teka!"

Nagsalubong na naman ang mga kilay nito. Nabitin ang loko!

"Why?" Medyo inis na tanong nito sa kanya.

Lumunok muna siya ng maraming beses. C'mon Agatha... Tell him... Udyok niya sa sarili niya.
Napatungo siya sa hiya dito at saka mahinang-mahinang sinabi dito ang kanyang dahilan.

"M-Meron ako..." Pulado ang mukhang pagtatapat niya about her buwanang dalaw.

Umungol si Isaac at saka parang sinisilihang tumayo. "Urgh! ---Shit!"

Nang iangat niya ang ulo niya ay nakita niyang nagmamadali itong tumakbo pabalik sa banyo.

"You'll pay for this, lady!" Pahabol pa nito bago niya narinig ang malakas na pagbulusok ng shower!

Hindi na nakuhang magsara ng pinto sa sobrang pagmamadali. Naiiling na natatawa na lang si


Agatha.

Poor boy...

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 22

"MONICA!" Sinalubong niya ng yakap ang kaibigan. Naroon siya noon sa Campus nila para kuhanin
ang records niya last sem. Pinasamahan siya ni Isaac sa personal driver ng mga ito na si Mang
Domeng.
Tuwang-tuwa din naman itong makita siya. "Hey bruha!"

Nagtaka siya na hindi makita ang iba pang kaibigan niya. Kadalasan kasi ay hindi naman
naghihiwalay ang mga ito. "Nasaan sila?"

Ngumisi naman ang babae sabay pasada ng tingin sa kanya. "Ganda mo ah! Naka-branded tayo
ngayon!"

Nginitian niya lang ito.

"Ah, nandun na sa cashier ang mga bruha. Mag-e-enroll na si Krisha ,eh baka maubusan daw siya.
Naku alam mo naman iyon atat lagi."

"Ganon ba? Kukunin ko lang kasi iyong mga papers ko. Sa Maynila na ako mag-aaral pagkatapos ng
kasal namin ni Isaac." Sumabay siya sa paglalakad nito papasok sa accounting building.

"Ang taray ng lola! Manila girl na talaga!" Palatak nito.

Natawa na lang siya. "Sira!"

Pagkarating nila sa pintuan ng building ay tinapik siya nito sa balikat. "O, siya! Una na ako, sundan
ko muna sila Krish! Maya na tayo magkwentuhan."

Tinaguan niya ito. "Sige, see you later!" Ngingiti-ngiti siya habang tanaw ang papalayong si Monica.

Naghanap siya ng mauupuan sa gawing iyon ng building, mamaya pa kasi ang number niya kaya
maghihintay muna siguro siya. Ganoon kasi sa school nila, medyo mabagal ang proseso kung
minsan.

"AGATHA!" Mga ilang minuto pa lang siyang nakaupo doon ng may biglang tumawag sa kanya.

"M-Marion!" Nagulat siya ng bigla na lang itong naupo sa tabi niya.

"Hi. I'm glad naabutan kita." Nakangiting wika nito habang titig na titig sa kanyang mukha. "Sabi ko
na nga ba't pupunta ka today eh!"

"Ha?" Bigla niyang naalala ang bilin ni Isaac na wag na siyang makikipag-usap pa dito.

"Sinabi kasi nila Monica na pupunta ka ngayon para sa mga transcript mo." Ani pa nito.

"Ah ,eh oo..." Umilap ang mga mata niya. Nag-isip siya ng pwedeng magandang idahilan dito para
makaiwas siya. Napakatamis ng ngiti ni Marion, parang nakaka-konsensiya naman kasi kung iiwan
niya lang ito basta-basta. Isa pa kaibigan din naman niya ito at ayaw niya ding maging bastos sa
binata.

Pero naunahan na siya nito. "Pwede ka bang mayayang magkape man lang? Kahit saglit lang."
Tumingin pa ito sa hawak-hawak niyang papel na kinasusulatan ng numero niya. Wala na siyang
kawala dahil batid na nitong malayo pa siya sa pila ng registrar.

Mabilis siyang nag-isip. "K-Kasi kasama ko iyong driver ni Isaac eh. Baka hanapin ako..."

Nalungkot naman ang maamong mukha nito. "Sandali lang please, oh?"

Nahabag naman siya dito. Isa pa, maigi na din sigurong makapag-usap silang dalawa para malinaw
niya na dito ang lahat. She owe him an explanation din naman kahit paano.
"Okay." Sagot niya na ikinalawak lalo ng ngiti ni Marion.

SA ISANG malapit na cofee shop siya nito dinala. Agad itong umorder ng tig isa nilang special
coffee at clubhouse sandwiches. Binayadan din agad nito ang bill upang hindi na siyang magkaroon
ng pagkakataon na magpresintang bayadan ang parte niya.

"Kumusta ka na, Agatha?" Simula nito. Magkaharap sila noon sa pangdalawahang mesa na katabi ng
salaming dingding ng coffee shop.

Ngumiti siya ng tipid dito. "Ayos lang naman."

Bahagyang lumamlam ang mga mata nito habang tinitingnan siya. "Balita ko asensado ka na. Malaki
na nga daw iyong pwesto ng parents mo sa palengke sa bayan."

Napatingin siya dito sa pagitan ng pagkagat ng sandwich niya.

"Hindi pa kayo kasal, Agatha." Maya-maya'y seryosong saad ni Marion. Hindi pa din nito inaalis ang
matamang pagtitig sa mukha niya.

"Ha?" Nailang naman siya.

"Hindi ka pa dapat tumira sa kanya." Pinunto na nito ang nais na sabihin.

Pakiramdam niya'y namula ang buong mukha niya dahil sa sinabi nito. "D-Doon na din naman ang
punta namin." Katwiran niya.

"Kahit na!" Nagulat siya ng biglang tumaas ang tono ng pananalita nito. "Hindi ganoon ang
pagkakakilala ko sa'yo, Agatha."

Tuluyan na siyang nairita sa binata. "Marion!" Sinalubong niya ang tingin nito.

Nalungkot naman ang mga mata nito. "Iba na talaga ang nagagawa ng pera, noh?"

Napa-ismid siya. Nagkamali yata siya ng pagsama dito. "Kung iinsultuhin mo lang ako I better go
now! Thanks for the coffee though!" Akmang tatayo na sana siya.

"I'm sorry!" Pinigil siya nito sa kamay.

Agad naman siyang pumiksi. Inayos niya ang pagkaka-sukbit ng shoulder bag niya sa kanyang
balikat. "Bakit ba, Marion?!"
"Agatha I'm sorry! Umupo ka na ulit, oh? Mag-usap tayo... Pasensiya na nabigla lang ako."

"Marion, please... Wag ganito, magkaibigan tayo... Ayokong masira iyon." Gayon pa man ay naupo
na siya ulit.

"Sorry, Agatha. Hindi ko lang kasi matanggap na bigla ka na lang mawawala sa akin." Pagpapa-
unawa nito.

"Hindi ako naging sa'yo, Marion. Kahit kailan ay hindi." Matigas niyang tugon dito.

Ngumiti ito ng ngiting hindi naman umabot sa mga mata nito. "I know. Pero I used to think na sa
akin ka nga. Kasi ako lang ang lalaking naging malapit sa'yo, eh so inisip kong baka nga may pagasa
na ako. Gago lang kasi ako, assuming. Hindi ko talagang mapigil ang nararamdaman ko sa'yo,
Agatha. I love you... At nagulat talaga ako na ikakasal ka na bigla."

Bumalik naman ang simpatya niya dito. Bahagya na din siyang kumalma. Sabagay, nagmahal lang
din naman ito. At alam niya ang pakiramdam ng ganoon.

Dahil tulad nito ay umasa din siya noon kay Isaac noon, ang kaibahan nga lang ay nagkaroon sila ng
chance ni Isaac ngayon. "Marion. You're a nice guy... Hindi ka mahirap magustuhan, kaya lang may
mahal na ako. Mahal ko si Isaac. Hindi ko lang siya basta minahal dahil mayaman siya o ano pa man.
Minamahal ko na siya noon pa mang magkaibigan pa lang kami. Siya ang dahilan kung bakit hindi
ko mapagbigyan ang pagibig na inihuhulog mo sa akin noon pa man. Siya ang dahilan kaya hindi ako
tumatanggap ng manliligaw. Mahal na mahal ko ang mapapangasawa ko." Seryosong saad niya. And
she mean it.

Ginagap nito ang palad niyang nasa ibabaw ng mesa. "Now I know." Mahinang turan nito.
Kababakasan ng labis na pagkasawi ang mga mata ni Marion, at naaawa siya dito. Pero wala naman
na siyang magagawa pa, hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay na pagtingin dito.

Pinisil niya ang palad nito at saka sinalubong ang malungkot nitong tingin ng tinging nagpa-
paunawa. "Makakahanap ka din ng babaeng para sa'yo. Iyong babaeng tutugunin ang damdamin mo
ng higit pa... At hindi ako iyon. I'm very sorry, Marion. Magkaibigan lang talaga tayo."

"Sana maging masaya ka sa kanya, Agatha."

"Masaya ako sa kanya." Paniniyak niya.

Ngumiti na din ito ng totoo. "Well good to hear that. Gusto ko maging masaya ka, Agatha, I mean it.
Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ako... as a friend."

"Thank you."

"Can I have a hug? A friendly hug." Paalam nito. "Promise, walang malisya..."

Hindi naman siguro kalabisan kung pagbibigyan niya ang binata ,di ba? Isa pa ayos na naman ang
issue nilang dalawa. "Sure..."
Tumayo siya para yumakap din dito. Pero hindi naman masasabing yakap iyon dahil may
nakapagitan pa ding maliit na mesa sa kanila. Nagkatawanan pa sila dahil sa sitwasyon.

"Best wishes..."

"Salamat, Marion."

Naupo na sila ulit. "Ubusin mo na iyong kape mo."

Nakangiting dinampot niya ang tasa niya. "Sige... Mahal `to ah."

Umirap naman ito sa kanya. "As if naman hindi mo pa kayang bumili niyan. Baka nga pati itong
buong shop kaya mo ng bilihin eh."

Pinandilatan niya ito. "Marion! Iyan ka na naman, ha!"

"Joke lang."

Napapitlag siya ng biglang nag beep ang cellphone niya. "Wait, ah?" Pasintabi niya sa kaharap at
saka i-ch-in-eck ang message na na-receive niya.

Isaac: Where are you? Kanina ka pa hinahanap ni Mang Domeng.

Oo nga pala, hindi siya nakapag-paalam kay Mang Domeng na matatagalan siya. Agad siyang
nagtipa sa keypad ng CP niya.

Me: Nandito pa sa school. Mahaba iyong pila, eh. Naka-silent pala iyong CP ko. Sorry.

Hindi naman iyon kasinungalingan kasi talaga namang may pila siyang hinihintay. Ang itinago niya
lang dito ay kasama niya ngayon si Marion. At syempre hindi niya iyon sasabihin kay Isaac at baka
kung ano pa ang isipin nito.

Nag-beep ulit.

Isaac: Call u.

Napalunok siya at saka nagtipa ulit ng reply dito. Hindi pwedeng tumawag si Isaac, baka mahalata
siya nitong wala siya sa pila.

Me: Wag na. Ako na lang tatawag mamaya. Madaming tao dito. Maingay baka di din tau
magkarinigan.

Isaac: Umuwi ka agad pagkatapos.

Me: Oo.

Isaac: I miss u.
Napangiti siya sa text nito. 'I miss you' daw! Parang nalusaw ang puso niya sa kilig. Totoo ba iyong
text nito? O na-wrong sent lang?

Hindi na siya nakapag-isip pa, nagreply siya kaagad sa binata.

Me: I miss u too Isaac.

Isaac: I'll go home early, may utang ka pa sakin. 3 nights na, may tubo na iyon.

Napangiti na naman siya. Oo nga pala, nabitin ito sa kanya ng ilang gabi. Para siyang kinikiliti
habang nagta-type ng reply dito. Oh! Kailan pa sila naging ganito ka-sweet?

Me: Baliw.

Isaac: Crazy for you.

ANO DAW?!

Nanginginig ang mga daliri niya nang magtype ulit.

Me: Sige na, ako na ang susunod sa pila. Call u later.

Isaac: OK TC, fiancee.

Me: TC 2.

Wala man lang 'I love you?'. Aarte pa ba siya? May 'I miss you' na nga eh at may 'Crazy for you' pa!
Amf!!!. Okay na iyon kesa wala. Nangi-ngiti niya pa ding ibinalik sa kanyang shoulder bag ang
cellphone niya.

"Siya ba ang ka-text mo?" Nagulat siya ng biglang magsalita si Marion.

"H-Ha? Ah, eh oo. Naku sorry Marion ha." Nakalimutan niya ang presensiya nito dahil sa sobrang
kakiligan niya.

Nginitian naman siya ni Marion. "Okay lang."

"Paano mo pala nasabing siya iyong ka-text ko? Di ko alam na manghuhula ka na pala ngayon."
Biniro niya ito.

"Sideline ko." Sakay nito sa biro niya.

"Loko mo!" Natatawang hinampas niya sa balikat ang binata. Atleast nawala na ang pagka-ilangan sa
kanilang dalawa. Magkaibigan na ulit sila ni Marion.

"Pero alam ko talagang si Isaac ang kausap mo. Nakangiti ka kasi habang nagta-type ka sa CP mo.
Para kang kinikilig."
"Naku? Halata ba?" Nahiya naman siya.

"You really love him." Pagkuway seryosong anito.

Ngumiti siya ng ubod tamis dito. "Yes, Marion." Pag-amin niya, oh what a feeling na may
napaglabasan na siya sa tunay niyang nararamdaman kay Isaac. Ang nakakatawa lang ay kay Marion
niya pa talaga unang nasabi!

"He's a very lucky guy." Komento nito na hindi naitatago ang pananaghili sa boses.Hindi na lang
iyon pinansin ni Agatha.

SAMANTALA sa tapat ng coffee shop na iyon ay nakaparada ang sasakyan ni Isaac. Restaurant din
kasi ang katapat niyon at doon nanggaling ang binata kasama ang nakababatang kapatid nitong babae
na kakauwi pa lang galing Amerika.

"Kuya? Si Agatha iyon, di ba?" Si Gabriella ang unang nakapansin dito. Paano'y nasa tabing
salaming dinding pa naka-pwesto si Agatha kasama ang lalaking kausap nito.

Agad namang napalingon si Isaac sa itinuturo ng kapatid. "Ha?"

Sinipat pa ni Gabriella kung tama ba ang tingin niya sa magiging hipag niya. "Si Agatha nga! Teka,
who's that guy na kasama niya?" Nangunot ang noo nito ng makita ang kasama nitong lalaki.

Si Isaac naman ay parang biglang sinilaban sa nakitang eksena!

Agatha is having a date with that guy! Obvious naman dahil dalawa lang ang mga ito sa loob ng
coffee shop. At ang masaklap nagsinungaling pa ito sa kanya! Ang sabi nito nakapila daw ito sa
registrar kaya hindi niya ito pwedeng tawagan! Iyon naman pala ay busy lang ito sa
pakikipaglampungan sa kung sinong lalaki!

Marahil ang lalaking kasama nito ay si Marion. Naikuyom niya ang mga palad niya sa tindi ng inis
na lumukob sa kanya.

At sinuway pa pala ni Agatha ang bilin niya na iwasan na ang dati nitong manliligaw ha!

Nagkaroon ng apoy ang mga mata niya sa sobrang galit na nararamdaman niya. Ito ang unang beses
na magkaganoon siya. Iyong pakiramdam na makakapatay siya sa sobrang selos!

Selos?

Bigla siyang natigilan.

Nagsi-selos nga ba siya sa kasamang lalaki ni Agatha?

Maybe.

Dapat kanya lang si Agatha! Kasi magpapakasal na silang dalawa. Ayaw niyang makikipagkita pa ito
sa kung sino-sinong lalaki!

Bumalik lang ang isip niya sa kasalukuyan ng tapikin siya ni Gabriella sa balikat. "Kuya! Puntahan
natin?"

Sumimangot siya. "Wag na. Kaklase niya lang siguro iyon, hintayin na lang natin siya pag uwi niya
mamaya." Pinilit niyang pahinahunin ang boses niya kahit gusto niya talagang sumigaw at magwala.
Mahirap na kasi, baka makahalata si Gabriella.

Nagkibit-balikat na lang ang dalaga pero doon pa din ito nakatingin sa coffe shop. "Okay, sabi mo
eh."

"Let's go Gabriella." Pabalibag niyang inilagay sa compartment ng kotse ang malaking bag ng
kapatid. Well, hindi niya na napigilan ang sarili.

Nagulat naman si Gabriella sa inasal niya. Obviously may problema kaya napaatras ang dalagang
balik-bayan.

Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Oh-oh... I smell trouble!"

Lumigid na agad siya sa gilid ng kotse at di na nag-abala pang pagbuksan ang kapatid niya ng pinto
ng passenger’s seat.

"Let's go!" Binuksan niya na ang driver's seat ng sasakyan niya at akmang papasok na roon.

"But---"

Nairita siya ng makitang hindi pa din pala kumikilos si Gabriella mula sa pagkakatingin nito kina
Agatha. Asar na lumigid siya ulit palapit dito. "Gab! I said let's go!" Halos itulak niya ito papasok sa
loob ng kotse.

Natawa naman ito sa kanya. "Eto na nga! Ikaw talagang pogi ka! Kahit kailan napaka-mainipin mo!"

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 23

"GAB." Napahinto siya sa pagpasok sa mansion ng makita ang nakababatang kapatid ni Isaac.
Matanda lang siya dito ng isang taon kung di siya nagkakamali. Nagulat siya ng madatnan niya ito
doon. Ang alam niya kasi ay nasa Amerika ito, nakauwi na pala ang dalaga.

Ngumiti naman ito ng makita siya. "Oh, Agatha! I am so happy to see you again!"

Nakipagbeso-beso siya dito. "Ako man."

Nagningning ang mga mata nito habang nakamasid sa buong mukha niya. "I knew it! Alam kong
kayo talaga ni kuya Isaac ang nakatakdang magkatuluyan! The way he looks at you, ahhh grabe alam
ko na agad!" Matinis ang boses na wika nito.
Ganito talaga si Gabriella, may pagka-madaldal pero hindi naman iyon nakabawas sa kagandahan
nito. Katulad ng mga magulang ng mga ito ay mabait din si Gabriella at hindi tumitingin sa estado ng
pamumuhay ng isang tao.

Tumaba naman ang puso niya dahil sa sinabi nito. Totoo naman ba kaya iyon? "Talaga?"

Lalong lumawak ang pagkaka-ngisi nito. "Oo naman."

Nawala na ang lahat ng ilang niya dito. Hindi pa din nagbabago si Gabriella, umaasa pa din itong
siya ang makakatuluyan ng kuya nito. Naging ka-close niya na din kasi ito noon sa barko, inis din
kasi ang dalaga sa mga maaarteng kababaihan na lumalapit kay Isaac noon.

Pinagmasdan niya ang kabuuhan nito. Marami na ding nagbago kay Gab makalipas ang ilang taon,
lalo yata itong gumanda at nagmukhang sopistikada. Ito man ay sinusuri din pala siya ng tingin.

"By the way, you look great!" Puri niya ditnito sa kanya.

Napahagikhik siya. "Ikaw man, ang ganda mo pa din."

"Well, hiyang sa America!" Nakatawang saad nito.

"Balita ko ikakasal ka na din daw?"

Kumindat ito sa kanya. "Natatakot ka bang magsukob ang kasal natin nila kuya?"

"Naku, hindi naman. Hindi naman ako naniniwala sa sukob." Sabay na silang pumasok sa pinaka-
sala ng mansion.

"Good. Pero don't worry, sista! Hindi tuloy ang kasal ko. Kaya ako umuwi ng Pinas kasi namiss ko
na ang buhay dito. Dito na ako mag-stay for good."

"Ha? Bakit naman?" Nagtaka siya sa tono ng pananalita nito. Bakit parang masaya pa yata ang
magiging hipag niya na hindi natuloy ang kasal nito sa kung sino mang lalaking iniwanan nito sa
Amerika.

"Mahabang istorya. Teka, kumain ka na ba?" Nakangiti pa ding tanong nito sa kanya. Pagkaraan sa
sala ay sabay pa silang umakyat sa matayog na hagdanan ng mansion.

"Oo, kumain na ako kasama ng mga kaibigan ko." Kwentuhan lang sila at tamang kumustahan
hanggang sa tumigil na sila sa dulong pasilyo ng ikalawang palapag ng mansion.

Pinisil nito ang pisngi niya kagaya ng nakagawian na nitong gawin dati. Nagpaalam na din si
Gabriella sa kanya. "Sige, punta muna ako sa kuwarto ng bunsong kapatid namin, ha? Nami-miss ko
na iyon, eh."

"Sige..."
"Nasa kuwarto niyo na pala si kuya, kanina ka pa hinihintay non! Naku miss na miss ka na." Pahabol
pa nito bago tinungo ang silid ng bunsong kapatid ng mga ito.

Naiiling na lamang si Agatha. Minsan may pagkakahawig din pala ang ugali nina Gab at Isaac, di din
niya maunawaan ang tumatakbo sa isipan pamisan-minsan. Pero parehong mababait ang mga ito.

Tumuloy na din siya sa sa silid nila ni Isaac. Nae-excite na din kasi siya at medyo kinakabahang
makaharap ang binata. Kinikilig pa din kasi siya sa palitan nila ng text messages kanina. Tuloy hindi
niya alam kung paano ito papakiharapan na hindi siya masyadong obvious.

Nagulat pa siya ng pagbukas niya ng pintuan ay maliwanag pa ang buong silid.

"HI." Agad niyang bati sa binata. Nakatayo ito sa harapan ng kanilang flat screen T.V. at akmang
papatayin na iyon. Naka-pajama na lang si Isaac at wala na itong pang-itaas na damit.

Ibinaba nito ang remote ng makita siya. "Hi." Pormal ang mukhang ganting bati nito sa kanya.

Teka? Mukhang wala na naman sa mood ang mokong na ito, ah?! Ano na naman kaya ang
problema?

Tuloy-tuloy siya, ibinaba niya ang shoulder bag niya sa sofa at saka isinunod na hinubad ang
kanyang cardigan. Tanging sleeveless top na lang at fitted jeans ang suot niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya dito.

"Yeah." Walang ganang tugon naman nito. Binuksan na ni Isaac ang lampshade sa tabi ng kama nila
at saka pinatay ang pinaka-switch ng ilaw sa kanilang silid.

Naupo naman siya sa gilid ng kama para hubadin ang suot niyang gladiator sandals. Naisip na lang
niya na marahil ay nainip kakahintay si Isaac sa kanya. "Sorry ha ngayon lang ako? Ang haba kasi ng
pila sa school. Dumaan pa ako saglit kina inay." Paliwanag niya dito.

"Are you telling the truth, Agatha?"

Napataas ang tingin niya dito. "What do you mean?"

"You tell me." Nakatayo na sa harapan niya ngayon ang binata. Kahit medyo madilim na ay
naaaninag niya pa din ang matiim na pagkakatitig nito sa kanya. Kinabahan tuloy siya bigla.

"Nagpunta ako sa school kanina Isaac, inasikaso ko ang pagtransfer ko sa Manila gaya ng gusto mo.
Dumaan ako kina inay pagkatapos. Kahit itanong mo pa kay Mang Domeng o kina Monica."

"And?"

"Wala na. Ano pa ba?" Napakunot pa ang noo niya. Ano bang pinupunto nito?

"Really?" Naupo ito sa tabi niya.


Kinakabahan na talaga siya sa takbo ng usapan nilang dalawa. "R-Really..."

"Liar." Mahinang sambit nito.

"Isaac!" Namilog ang mga mata niya. Oh no! Hindi kaya?

At sinagot na nga nito ang katanungan sa isipan niya. "I saw you." Mahinang wika nito.

"Ha?" Oh no! No! No! No! Pinagpawisan siya ng malapot. Patay kang bata ka!

"Dumaan ako sa harapan ng school mo. Sinundo ko si Gabriella kanina sa airport at dumaan kami
doon. Nag stop over kami sa restaurant na katapat ng restaurant na pinuntahan mo kasama ang lalaki
mo!" Seryosong saad pa nito.

Nag-init ang mukha niya. "L-Lalaki ko?!"

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Siya ba si Marion?" Matiim pa din ang pagkakatitig nito sa
mukha niya na para bang sinusuri ang bawat reaksyong magkakaroon siya.

Napakagat-labi siya. "Isaac, nagkakamali ka!" Iniisip na marahil nito na masama siyang babae, na
niloloko niya ito. At hindi niya ito masisisi kung ganon nga ang isipin nito sa kanya lalo pa't
nagsinungaling pa siya.

"Talaga?" Nang-uuyam na tanong nito.

"Kaibigan ko lang si Marion!"

"So, siya nga si Marion?!" This time may galit na siyang nabasa sa malabong anag-ag sa mga mata
nito.

Napatungo siya. Hindi niya kayang salubungin ang nang-uusig nitong tingin sa kanya, yes kasalanan
niya kasi nagsinungaling pa siya dito.
"O-Oo..." Parang maamong tupang amin niya sa binata. Naiinis siya sa sarili niya kung bakit
kailangan niya pang magsinungaling dito. Paano naman kasi malamang na sarado na din ang isipan
ni Isaac kung iku-kwento niya pa ang usapan nila ni Marion kanina.

Narinig niya ang marahas na pagpapakawala ni Isaac ng malalim na buntung-hininga. "Hindi ba't
sinabi ko na sa'yo na ayaw kong makikipagkita ka sa kanya?! Bakit mo ako sinuway?!"

Naiiyak na napaangat muli ang mukha niya. Kailangan niyang magpaliwanag. "Isaac, naman!
Makinig ka, please, mali ang iniisip mo tungkol sa amin. Niyaya niya lang akong magkape kasi---"

Sambakol naman ang mukha ni Isaac. "Maniniwala pa sana ako sa mga sasabihin mo kung hindi ka
nagsinungaling sa akin to begin with!" Mukhang galit na galit na talaga ito dahil halos bulyawan na
siya ng binata.

Katahimikan.
Nangilid na ang mga luha niya. Oh, please, hindi niya kayang magalit ito sa kanya. "Isaac hindi ko
naman gustong magsinungaling." Subok niya uling magpaliwanag dito.

Ito naman ang napatungo. "Shut up. I don't want to hear it." Mahinang saad nito. Kumalma na ba ito?

Hinawakan niya ito sa balikat. Hindi niya kayang magalit ito sa kanya, hindi niya matatanggap na
isipin ni Isaac na niloloko niya ito. "I'm sorry..."

Niyapos siya nito sa bewang at saka isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. "It's okay... Wag ka ng
magpaliwanag." Mahinahon ng saad nito.

Sa pagkakalapit nilang iyon ay naamoy niya ang hininga nito. "Isaac... Nakainom ka ba?" Amoy
chico kasi ang binata. Hindi nga kaya't nag-inom ito? Lalo tuloy siyang nakonsensiya.

"Just whisky." Matipid na sagot nito.

"M-Matapang iyon, di ba?"

"So? I am used to it. Hindi na ako ang dating best friend mo na nagsusuka kapag umiinom ng alak.
I'm a grown up man now." Hinawakan nito ang pisngi niya at saka siya tinitigan sa kanyang mga
mata.

Marahan niya itong nginitian. "I know..." Yes of course... He's a grown up man now. At marami na
talagang nagbago dito.

"I mean it when I told you I miss you, Agatha..." Nagbago na ang timbre ng pananalita nito. At
hayun sumasal na naman ang kabog ng dibdib niya. Iba pala kapag personal na sinabi sa kanya ni
Isaac ang mga katagang iyon.

Totoo nga kaya? Anyway ,kababakasan naman ng sincerity ang boses nito.

Naiiyak na tuloy siya. "I miss you too, Isaac. I mean it, too..." and I love you... Gusto niya pa sanang
idugtong pero naduduwag siya sa magiging reaksyon nito.

Ngumiti si Isaac. "Strip." Mahinang utos nito.

"Ha?" Nanlaki ang mga mata niya.


Napatitig siya sa mga mata ni Isaac at ang malamlam na repleksyon ng mga mata nito at
nahalinhinan na naman ng pagnanasa. Ganon na lang ba iyon? Napatawad na siya agad nito at
ngayon ay pinaghuhubad na siya nito?

"I said, strip." Ulit nito. Seryoso at bagamat mahina ay ma-awtoridad ang boses na utos nito sa
kanya.

"Isaac..." Nalungkot naman siya, iyon lang yata ang namiss nito sa kanya... Pero hindi naman niya ito
pwedeng hindian.
Montemayor Saga Presents...
Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 24

NAPAPIKIT siya ng mariin. Nilinga niya ang natutulog na katabi. May ngiti pang naiwan sa mga
labi ni Isaac. Para siyang hinaplos ng malamig na kamay sa kanyang dibdib habang nakatitig sa
mukha nito.

Subalit ano nga ba talaga ang ibig sabihin kay Isaac ng mga nangyayari sa kanilang dalawa?

Base sa mga maiinit na tagpo na pinagsasaluhan nila halos gabi-gabi ay pwede niyang sabihing may
pagtingin na din ito sa kanya. Dagdag pa ang ipinapakitang pagsi-selos nito kay Marion.

Pero hindi pa din siya makontento. Hindi pa naman niya kasi naririnig sa mismong bibig nito at nais
niyang marinig mula dito. Quits lang pala, kasi maski siya ay hindi pa nagsasabi dito ng tunay niyang
nararamdaman.

Pero siguro naman ay obvious na iyon.

Pero paano pala kung napagkamalian niya lang ang lahat ng kilos nito? Paano kung kahit katiting ay
wala naman pala itong nararamdaman sa kanya?

Kung noon ay mahal siya nito bilang kaibigan, baka ngayon ay wala na ang damdaming iyon dahil sa
pagpikot niya dito. At baka ang dahilan ng lahat ng mga nangyayari sa kanila ay pagbawi na lang
nito sa kanya. Baka iniisip ni Isaac na sulitin na lang siya tutal wala naman na din itong kawala pa sa
pagpapakasal sa kanya. Kailangan siyang pakasalan ng binata sa ayaw man o sa gusto nito dahil
mana nito ang nakataya.

Malungkot siyang bumangon mula sa kama. Marahan ang kilos niya dahil ayaw niyang magising ito.
Alas onse na pala ng gabi pagtingin niya sa wall clock na nasisinagan ng kaunting liwanag mula sa
kanilang lampshade.

Nang makatayo na siya ay nagsuot siya ng roba. Muli niyang pinagmasdan ang natutulog na si Isaac.
Nakadapa ito at walang ibang nakatakip sa matikas nitong katawan maliban sa kumot na nasa gawing
bewang nito pababa.

Mahal niya ito. Mahal na mahal.

Pero hindi pwedeng ganito na lang ang set up nila palagi... Hindi pwedeng sa kama niya lang
nararamdaman ang pagmamahal nito. Hindi pwedeng ganoon.

Nakabuo siya ng isang pasya. Kailangang mag-usap silang dalawa pagising nito. Kailangang pag-
usapan nilang maayos ang lahat. Ipagtatapat niya na din dito ang tunay niyang damdamin dito na
napakatagal niya ng itinago sa binata.
At kailangan na nilang magkaunawaan. Kagaya ng pagsi-selos nito kay Marion na walang basehan.
At ang pagsi-selos niya kay Annie na alam naman niyang maraming dahilan.

Kung magkakasundo sila na pagbigyan ang kanilang realsyon kung meron man, ay itutuloy nila ang
kasal. At ang gusto niya ay maging tunay silang masayang mag-asawa pagkatapos niyon. Gagawin
naman niya ang lahat para matutunan din siya nitong mahalin. Pero kung hindi talaga siya nito
kayang mahalin, pwes maigi pang wag na lang silang magpakasal. Masakit man para sa kanya ay
iyon ang nakikita niyang magandang gawin.

Para sa katahimikan ng lahat.

Nilapitan niya ito at saka naupo sa gilid ng kama.


"Isaac..." Sa pagkakatitig niya sa maamong mukha nito na bahagyang nakatagilid ay sari-saring
emosyon ang pumaloob sa kanya. Parang hindi niya yata kayang hindi matuloy ang kanilang kasal.

Doon dumako ang tingin niya sa mesitang nasa tabi niya. Naroon ang iPHONE nito, at bahagya
iyong lumiwanag tanda ng may nagtext sa binata. Umekis-ekis pa iyon dahil sa pag-vibrate nito.
Naka-silent naman kasi palagi ang telepono ni Isaac.

Wala sa loob na kinuha niya iyon. Alam niyang hindi tamang makialam siya sa gamit nito pero
parang may kung anong malakas na pwersang nagtutulak sa kanyang basahin ang mensaheng nag-
appear sa screen ng iPHONE.

Galing kay Annie. Parang may kung anong kabang bumundol sa dibdib niya. Nanginginig pa ang
mga kamay niya ng i-open ang mga text ni Annie. Madami na pala itong messages kay Isaac. Sunod-
sunod ang unread messages nito at sunod-sunod niya din iyong pinagbabasa.

Message 1 Annie: Honey can you come over later?


(08:00 PM)

Message 2 Annie: Oh! Masyado ka ng nagiging busy darling.


(08:35 PM)

Isaac: I can't Tiff. Baka mag-isip si Agatha.


(09:40 PM)

Message 3 Annie: Oh, your fiancee! (note the sarcasm) I hate her! Inaagaw ka niya sakin.
(09:50 PM)

Annie: Thank u so much Isaac! BUt so sad ng magising ako wala ka na. I feel so empty, darling. Oh,
I really love u. I wish ur hir again.
(11:00 PM)

Message 4 Annie: Oh by the way, u forgot your coat in my condo, darling. Anyway ayos lang, kahit
man lang sa coat mo maramdaman kong katabi pa din kita ngayong gabi... Oh, I really love ur smell
honey.
(11:15 PM)
Annie: Hey? Tulog ka na ba? I miss u so bad baby! I miss ur lips... kissing mine.
(11:20 PM)

Para siyang sinaksak ng maraming kutsilyo sa dibdib matapos niyang mabasa ang mga text ni Annie
para kay Isaac.

Kahit puro kay Annie lang nanggagaling ang convo ay malinaw pa rin na nagkikita pa pala ang
dalawa! At saka ano ang sinasabi ni Isaac na baka mag-isip siya? Anong ibig sabihin niyon?

May lihim pa bang relasyon ang mga ito?!

Niloloko siya ni Isaac!

Akala niya wala na si Annie sa buhay nito...

Namalayan na lang niya ang paglandas ng luha sa kanyang pisngi mula sa kanyang mga mata.

Ang sakit.

Umasa siya sa wala.

Oo nga naman, bakit papakawalan ni Isaac si Annie na dream girl nito para lamang sa isang hamak
na katulad niya?

Saka hindi basehan na gabi-gabi siyang ginagapang ni Isaac para masabi niyang mahal na siya nito.
Babaero si Isaac, nakalimutan niya na bang kabi-kabila ang mga babae nito noon? At ngayon, isa na
siya sa mga babaeng iyon. Iyong mga babaeng pangkama lang!

At si Annie? Ito ang babaeng gusto nito.

Marahan niyang inilapag ang iPHONE nito pabalik sa mesang kinalalagyan nito kanina. Pinahid niya
ang luha sa kanyang magkabilang pisngi.

Malinaw pa sa sikat ng araw na umaasa na lang siya sa wala. Masakit pa sa masakit ang
nararamdaman niya ngayon. Naupo siya sa naroong sofa na katapat ng kanilang kama. Nakatulala
lang siya doon. Ayaw niya ng umiyak.

Dinampot niya ang nakita niyang maliit na libro sa tabi niya. Story book iyon na napulot niya sa
hardin noong nakaraang araw pero nakalimutan niyang ibigay sa yaya ng bunsong kapatid ni Isaac.
Binuhay niya ang maliit na lampshade na katabi ng inuupuan niya at saka muling ibinalik ang
atensyon sa librong hawak-hawak niya.

Binuklat-buklat niya iyon kahit ang totoo'y hindi naman niya mabasa ang nakasulat sa aklat dahil
hilam na ng luha ang kanyang mga mata, bagamat hindi naman pa naman iyon bumabagsak muli sa
kanyang mga mata. Maigi ng iyon ang titigan niya kesa ang binatang natutulog pa din sa kanilang
kama.

Sa ganoong akto siya namulatan ng binata


-

NAGISING si Isaac dahil hindi niya nadama na may katabi pa siya. Pupungas-pungas na bumangon
siya sa kama. "Agatha?" Tawag niya sa dalagang nakaupo at nakatungo sa kung ano mang binabasa
nito doon sa sofa.

Nagtataka siya dahil pasado alas-dose na pala pero gising pa din ito. Kadalasan ay sabay na sila
nitong natutulog, pero ngayon ay bumangon pa ang babae.

Hindi siya nito pinansin. Patuloy pa din ito sa pagbabasa. Doon na napakunot ang noo niya, what's
wrong with her?

Tumayo na siya at isinuot ang kanyang boxer at saka ito nilapitan. "Hey, ano ba iyang binabasa mo?
Matulog na tayo..." Yaya niya dito.

"Mauna ka na, hindi pa ako inaantok." Sagot nito na hindi man lang siya tinitingnan.

"Tama na iyan." Inagaw niya dito ang librong hawak-hawak nito.

Doon na ito tumingin sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito. "Ano ba?! Nagbabasa pa ako, eh!"

Lalo siyang nagtaka sa reaksyon nito. "Hey? Ano bang problema mo?"

Padabog itong tumayo at humarap sa kanya. "Ikaw?! Ano din bang problema mo, ha?!"

"Agatha?!" Nagulat siya sa galit na nakikita sa mukha nito. Never pang nagalit ng ganito ang dalaga,
never pa as far as he can remember. She was always calm at palaging kababakasan ng kabaitan ang
maamo nitong mukha. But now, para itong tigre na nakatingin sa kanya.

"Akina iyan, nagbabasa pa ako!" Hinablot nito sa kanya ang libro pero agad din niya iyong nabawi
dito.

"Ano ba ito?" Inis niyang tiningnan ang libro para lamang lalong mairita. "Geez! Ito ba ang
pinagkaka-abalahan mong basahin? 'Jack And The Beanstalk'?!" Hindi siya makapaniwala.
Natatawang naiinis na siya.

Natigilan naman ito saglit at saka pinamulahan ng mukha. "Sa kapatid mo iyan... Hinihram ko lang."

Umarko ang kilay niya. "Really, huh?!"

"Really!" Inis na tugon nito.

Inihagis niya sa kung saan mang parte ng kanilang kuwarto ang pesteng libro at saka niya kinabig
papalapit si Agatha. "Come." Yaya niya dito.
Seeing her angry made him hard. Na-turn on siya sa reaksyon nito. Hindi niya akalaing ang hot pala
ni Agatha kapag galit ito. Hindi niya mapigilan ang sarili niya. Hindi sa pagigng maniac o ano pa
man, pero never pa siyang na-turn on ng ganito katindi kahit pa marami na din siyang babaeng
naikama before. Agatha is far different from those girls in his past... Ibang-iba ito. At lalo siyang
nahibang dito mula ng napasakanya na ang dalaga. Ang plano niya ay bukas sila mag-uusap ng
dalaga.
Gusto na kasi niyang ayusin ang kung ano mang meron sila, kaya nga nakipagkalas na siya ng
tuluyan kay Annie. Gusto niya ng maging malinaw ang relasyon nila ni Agatha, at aaminin niya na
din dito ang tunay niyang damdamin na nitong mga nakaraang araw ay tuluyan ng naging malinaw sa
kanya.

Pumiksi naman ito at parang nandidiring lumayo sa kanya. "No. Ayoko."

Napatitig siya sa mukha ni Agatha at alam niyang may problema nga ito. Of course he can tell,
kilalang-kilala niya na ito. "Hindi lang ang librong iyan ang problema mo." Mahinahong wika niya.
Naiinis siya sa sarili niya at nalulungkot at the same time. ang pinaka-ayaw niyang gawin nito ay ang
lumayo sa kanya na tila ba natatakot.

"What?" Bahagya ng gumaralgal ang boses nito ng tanungin siya. May problema nga based sa timbre
ng boses nito.

"I know, may iba pa." Sagot niya.

"Ano bang pinagsa-sasabi mo!" Paiyak na ito. O kanina pa ito umiiyak? Namumugto pala ang mga
mata ni Agatha at natiyak niya iyon ng maliwanagan ng lampshade ang buong mukha nito.

Sinubukan niya itong hawakan uli pero umatras ulit ang dalaga. "Agatha, let's talk!"

"Bakit ba?!"

"Tell me. Anong problema?"

"Why do you care?!" Mapait na tanong nito. Lumigid ito sa kaliwa niya para madali itong makalayo
ulit kapag lumapit pa siya.

Oh, God! Ayaw niyang makitang ganito si Agatha, and he’s blaming himself kung bakit nahihirapan
ng ganito ang dalaga. All the while it's his falt pero nagmanhid-manhidan siya. Balak niya sana ay
mag-uusap sila bukas to clear things out, pero heto at mukhang hindi niya na makakausap ng maayos
ang dalaga.

Napikon na din siya. "Agatha! Isa!" Baka sakaling umayos ito kapag ipinakita niya ditong siya pa din
ang superior sa kanilang dalawa.

"Ano?!" Pero mukhang walang balak patalo sa kanya si Agatha.

"Agatha!"

"Uuwi muna ako sa amin bukas." Matapang na sabi nito.

Napasabunot na siya sa kanyang buhok. "Shit!" What happened to her? Kailan pa tumapang ng
ganito ang dating mahinhin at hindi makabasag pinggan niyang best friend? "Shit!" Mura niya ulit.
Sira ang plano niya.

Lalo namang nagtatarang si Agatha. "Uuwi na ako! Please, hayaan mo na ako! Gusto ko ng umuwi
sa amin!"

"What?!" Parang may sumipa sa dibdib niya dahil sa sinabi nito. Bakit nakapag-decide ng ganito si
Agatha? At bakit ngayon pang malapit na ang kasal nila? Napatitig siya sa mukha nitong namumula
na, no... No. Ganitong-ganito ang naramdaman niya noon ng bumaba siya sa barko. Iyong
pakiramdam na para bang ang hirap isiping magkakalayo na naman sila.

Iyong mga panahong inililihim niya dito kung ano talaga ito para sa kanya. Iyong mga panahon na
pinili niyang maging kaibigan na lang ito.

Kaya lang iba na ang sitwasyon ngayon. Ikakasal na sila ng dating kaibigan niya. At kahit na gusto
nitong magback out ay no way niya itong papayagan! Kaya nga kahit umuwi na sila ay hindi niya ito
hinayaang mag-stay sa bahay ng mga ito.

"Ikakasal na tayo, for God’s sake!" Napabulyaw na siya sa sobrang damdaming lumulukob sa kanya
ngayon.

Pero matigas si Agatha. "Iyon na nga, eh! Ikakasal pa lang! Kaya hindi pa dapat ako dito nakatira!
Dapat nga hindi ako sumama sa'yo sa Maynila, eh!"

NAPATITIG siya sa mukha ni Isaac. Bakit ba ayaw siyang paalisin ng lalaking ito? Bakit kailangan
pa siya nitong plastikin?! Maganda nga iyon ,eh atleast siya ang kusang aalis kaya hindi ito ku-
kwestyunin ng mga magulang nito. Magiging malaya ito na makipagkita sa Annie na iyon.

"Ngayon mo pa talaga sinasabi iyan?" Mahina na ang tinig nito ng muling magsalita.

"Ha?" Napakurap siya. Bakit may lungkot sa boses ni Isaac? Tama ba ang pakinig niya dito o
dinadaya lang siya ng panrinig niya? O di kaya naman ay umaarte lang ito

Pulado na din ang mukha ng binata. Tila may kinikimkim na galit at lungkot na ayaw ipakita sa
kanya. Pero nangibabaw pa din ang inis nito.

"Geez, Agatha! Paano ba tayo humantong sa ganitong sitwasyon in the first place!"

Napalunok siya. Bakit ba siya pinapahirapan ng ganito ng lalaking ito?!

"Ano pa bang inaarte mo?" Napahilamos na sa sariling mukha si Isaac.

Tinalikuran niya ito. Ayaw niyang makita nito ang tunay niyang nararamdaman. "Hindi ako
umaarte!"

“Eh, ano? Hindi ka pa ba masaya? Nakuha mo na ang gusto mo! Ikakasal ka na sakin!"
"Ano?!" Nanlaki ang butas ng ilong niya.

"Bakit? Sa tingin mo ba kung ibang babae ay papakasal ako ng ganon ganon lang?! Lugi ka pa ba
sakin? May kulang pa ba?!" Pulang-pulang tanong ni Isaac. Oh how cute! Pero no! Hindi siya
pwedeng magpadala sa ka-kyutan ng Isaac na ito!

Nagpantig na ang tainga niya. Asar na kumuha siya ng unan sa kanilang kama at saka inihampas ito
dito. "Tama na, Isaac! Tama na!"

Gigil na inagaw naman nito sa kanya ang unan at saka itinapon iyon sa sahig. Pahablot siya nitong
hinawakan sa magkabilang balikat niya at saka siya iniharap dito. "May kinalaman ba dito ang
gagong Marion na iyon, ha?! Siya ba ang dahilan ng ipinagkaka-ganyan mo ngayon ha, Agatha?!
Tell me!"

Talsik-talsik pa ang laway nito sa mukha niya sa sobrang lapit nila. Napapikit na lang siya. Oh, hindi
nakaka-turn off bakit ganon? ang bango ng hininga nito kahit bagong gising lang ito. At sa sobrang
lapit ng mga mukha nila ay lalo niyang natiyak na kahit galit ay guwapo pa din si Isaac. Asar na asar
siya sa kanyang sarili, bakit ba hindi niya magawang kamuhian ng sobra ang lalaking ito? Bakit
lamang pa din ang pagibig niya dito sa kabila ng mga nalaman niya?

Samantala ay galit na galit pa din ito at nadamay pa nga si Marion. "Anong sinabi sa'yo ng hayop na
iyon? Niyayaya ka ba niyang sumama sa kanya?! Anong mga sinabi niya sa'yo at nagkaka-ganyan ka
ngayon!" Dumiin na ang mga palad nito sa balikat niya dahil sa tindi ng galit ni Isaac ay nakalimutan
na yata nitong hindi siya manhid para di masaktan.

Napahikbi siya, ang walang hiyang ito pati ba naman physically ay gusto siyang saktan! Wala nga
yata itong pagmamahal sa kanya kahit kaunti. At sa pagsigaw nito sa kanya ay halos mabingi na din
siya.
"W-Wala siyang sinabi... Please, wag ka ng sumigaw!" Naiiyak ng saad niya.

Niluwagan naman nito ang pagkakahawak sa kanya ng makitang papaiyak na siya. Huminahon na
din ito ng kaunti. "So, why?"

Umiling-iling siya sabay tungo. "Ayoko na... Nakakapagod na..."

"Napapagod ka na? Kaya ayaw mo na?" Parang nabibilaukang tanong sa kanya ng lalaki

"Please..." Bakit ba kailangan pa siyang plastikin ni Isaac? Lalo tuloy nagiging mahirap sa kanya ang
lahat. Parang gusto niya pa tuloy umasa sa wala.

"Please what?! C'mon tell me, Agatha! Anong pina-pakiusap mo sakin ngayon, ha?"

"I don't know... Hindi ko na alam... Basta tama na..."

Nagpakawala ito ng buntung-hininga."Gets ko na. So it's all about the money..."

"Ha?" Napaangat ang mukha niya


Montemayor Saga Presents...
Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

CHAPTER 25

"HINDI na ba makapaghintay ang Marion na iyan?" Malungkot na tanong nito. Hindi na ito
nakatingin sa kanya ngayon.

"Isaac..." Nakita niya kung paano magpabago-bago ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa
pagkalungkot, galit, papaiyak at galit muli.

Muli itong lumingon sa kanya. Pain and hatred are written all over his face. "No Agatha, hindi ako
papayag na umalis ka at pumunta ka sa lalaking iyon! Dahil akin ka lang!"

NANG BIGLANG magring ang cellphone niya. Nag-uunahan pa sila ni Isaac na kuhanin iyon mula
sa kanyang ginamit kaninang shoulder bag. Naalala niya na ibinigay niya pala kay Marion ang
numero niya kanina. Kinakabahan siya na baka ito ang tumatawag. Isa pa anong oras na para
magkaroon siya ng caller?

Pero dahil mas malakas at mas mabilis si Isaac sa kanya ay ito ang unang nakakuha ng cellphone
niya. Pagalit nitong sinagot iyon.

At nagdilang-anghel na may sungay nga siya! Si Marion nga ang caller! Patay!

Halos durugin ni Isaac ang cellphone niya mula sa pagkakahawak ng malaking kamay nito.

Hindi niya na naintindihan ang mga naunang sinabi dito ni Isaac, mukhang hindi na din makasagot
mula sa kabilang linya si Marion dahil sa tuloy-tuloy na dakdak ni Isaac dito. Iilan nga lang din ang
naulinigan niya sa mga pinagsasabi nito kay Marion.

Hindi niya maagaw ang cellphone mula dito dahil mas matangkad sa kanya si Isaac. Tuloy-tuloy ito
sa pagbulyaw kay Marion sa kabilang linya.

"You fucking asshole! Do you hear me? I have something to say to you before you can go to hell for
all we care! So listen carefully! Stop pestering my fiancee! Wag na wag ka ng tatawag kay Agatha or
else mababalitaan na lang ng pamilya mo na palutang-lutang na sa ilog ang katawan mo isa sa mga
araw na ito!"

"Isaac!" Napahumindig siya sa pagbabanta nito. Pinilit niyang agawin ulit dito ang cellphone niya.

"Shut up, Agatha!" Pinanlisikan siya nito ng mata bago muling sinigawan si Marion. Oh, poor
Marion! "Nagkakaintindihan ba tayo?! Bye!" At padaskol nitong inilapag sa sidetable ang kawawang
cellphone niya.

"Ano ka ba, Isaac!" Hinampas niya ito sa balikat. How dare this man para magbanta ng ganoon?
Dahil ba mayaman ito at kaya nitong bayaran ang kahit sino at mismong ang batas? Hindi ganito ang
pagkakakilala niya kay Isaac!

Pero bakit ganoon? Kinikilig siya?

Asar na asar lalo tuloy siya kay Isaac! Bakit ba ginugulo ng herodes na ito ang damdamin niya!

Ngayon ay nakaharap na ulit sa kanya si Isaac, hindi niya mabasa ang nasa isipan nito. Pero siguro
nga kailangan niya ng aminin dito ang damdamin niya, once and for all.

"Okay, I will tell you... I will tell you the reason why. Hindi ito about kay Marion!" Umpisa niya.

Umarko ang kilay nito. Aba hindi pa kumakalma ang loko. May hang over pa din sa pakikipag-usap
kay Marion kanina. "Then what?!" Inis na tanong nito.

At ito pa talaga ang inis ngayon ha?

Huminga siya ng malalim at saka pikit-matang sinabi dito ang katotohanang ewan bakit hanggang
ngayon ay hindi pa din nito alam.

"Mahal kita, Isaac! Mahal na mahal kita!"

KATAHIMIKAN.

Nabigla ba si Isaac?

"Agatha..." Mahinang anas nito sa pangalan niya.

Kahit nakapikit siya ay batid niyang na-shock ito sa sinabi niya.

Ang hayup na `to! Napakamanhid talaga! Ang iniisip lang siguro nito ay pera lang ang habol niya
dito! "At galit ako sa'yo! Galit na galit ako sa'yo!" Dugtong niya.

Dumilat na siya. Naluluhang tinitigan niya ng masama ang binata.

"Hey..." Sinubukan siya nitong yakapin pero itinulak niya ito.

"Papakasalan mo ako? Para ano, Isaac? Para sa mana mo?" Mapait na sabi niya dito. "Yes, tama ka
siguro, it's all about the money." Tumulo na ang masaganang luha sa mga mata niya.

So what kung mukha na siyang cheap sa harap nito? So what kung umamin siya? eh iyon din naman
ang ipinapakita niya dito. Ang kaibahan lang napaka-bobo at manhid ni Isaac!

"Kasi ‘pag hindi mo ako pinakasalan ay itatakwil ka ng pamilya mo!" Umiling pa siya at tumingin
dito na tila iritang-irita.

"Hindi iyon ang dahilan ko." Tumigas naman ang anyo nito.

"Then what?! Anong dahilan mo?!" Singhal niya. "Na ano?! Na nagustuhan mo na din ako? Na hindi
na lang kaibigan ang tingin mo sa akin? Na mahal mo na ako?! Wag na wag mong sasabihin iyan
dahil hinding-hindi ako maniniwala!"

"At bakit hindi?" Seryosong sagot nito sa kanya. Unti-unti itong lumakad palapit sa kinatatayuan
niya.

Natigilan siya. Pero nang makapag-isip ay muli siyang umiling at umatras palayo dito. "Dahil hindi
ko nararamdaman..."

"What?"

"Si Annie... Pinagsasabay mo kaming dalawa!" Muling bumalasik ang kanina'y naguguluhang mukha
niya.

Nangunot naman ang noo nito. "Hey, paanong nasali si Annie dito?!"

"Why don't you check your phone?!" Asik niya.

"Nakialam ka sa gamit ko?" Hindi maipinta ang mukha ni Isaac.

Tumalikod ito at tinungo ang kinaroroonan ng cellphone nito.


"Hindi mo dapat iniintindi si Annie. Ikaw ang papakasalan ko, ano pa bang gusto mo?" Saad nito.

"Hindi pa tayo kasal may kabit ka na." Mariing wika niya. Nakita niyang muling nilapag nito ang
cellphone at hinarap siya.

"Agatha!"

"Sabagay, siya naman talaga ang dream girl mo? At ako? Ako lang naman ang sumira sa masasayang
araw niyo ng Annie mo!"

"Stop that nonsense, Agatha! Wala na kami ni Annie! At mas lalong hindi ko kayo pinagsasabay!"
Nangga-galaiting sigaw nito.

"Sinungaling! Ano iyang mga text niya sa'yo, ha? Naiwan mo pa ang coat mo sa condo niya? At
nanggaling ka pa talaga don?! Saka ng nasa Maynila tayo harap-harapan mo siyang pinili sa akin! Ni
wala kang pakialam sa naramdaman ko ng sumama ka sa kanya!"

"Nang araw na iyon natapos na ang lahat sa amin. Believe me..." Bahagyang lumambot ang
ekspresyon nito.

"Ayoko ng maniwala sa'yo! Wag mo akong gawing tanga Isaac! Alam kong may relasyon pa din
kayo! Ang hindi ko maintindihan kung bakit pinagbabawalan mo akong makipag-kaibigan man lang
kay Marion gayong wala naman kaming ginagawang masama! ‘Tapos ikaw? Ikaw puro kababuyan
ang ginagawa niyo ng Annie mo!" Sumbat niya dito. Naupo siya sa gilid ng kama at saka sumubsob
sa kanyang mga palad. Ayaw niya ng makita ang pagmumukha ni Isaac at baka matalo pa siya ng
damdamin niya dito.
"So, talagang sisingit pa iyang Marion mo?" Inis na sabi nito.

"Sinabi ko na sa'yo wala lang kami ni Marion! Kaibigan ko lang siya! Pero ikaw!-- May relasyon
kayo ni Annie!" Muli'y counter attack niya dito. Nakasubsob pa din siya sa mga palad niya.

Hindi na din siya nilingon ni Isaac. "Wala na kaming relasyon! Tama na ang usapang ito! At hindi ka
aalis bukas hanggat hindi tayo nagkaka-ayos! Understood?!"

Sinilip niya ang lalaki. Kinuha nito ang T-shirt nitong nakapatong sa sofa at saka paharabas na
lumabas sa kanilang veranda bitbit ang cellphone nito.

Narinig na lang niya ang pagsara ng sliding door ng terrace nila.

Lalo naman siyang napaiyak sa sama ng loob dito. Ang walang hiya! Tatawagan siguro ang Annie
niya! Ngitngit na ngitngit siya.

Durog na durog na talaga siya.

"Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?! Ano bang nagawa ko?! Ano?! Minahal lang naman
kita ,di ba? Bakit ang hirap mong mahalin..." Mahinang tangis niya.

Iyak siya ng iyak pero hindi pa din bumabalik si Isaac para amuhin siya. Hanggang sa nakabuo na
siya ng isang malupit na pasya. Tumayo siya at tinungo ang kanilang closet.

SAMANTALA ng makalabas ng silid ay agad na tiningnan ni Isaac ang cellphone niya.

Message 1 Annie: Honey can you come over later?


(08:00 PM)

"Shit!" Napamura siya ng mabasa ang lahat ng iyon. Kaya naman pala galit na galit sa kanya si
Agatha!

Gigil na tinawagan niya si Annie. Nakipagkalas na siya dito pero ayaw lang talaga nitong pumayag.
At tungkol sa coat niya ay totoong naiwan niya nga ito sa condo nito ng puntahan niya ito para
kausapin ng masinsinan noong nakaraang gabi.

"Hello, Annie?!"

"Baby you called!" Tuwang-tuwa ang babae sa kabilang linya.

"Yeah! And this will be the last!" Gigil na sagot niya dito.

Ilang minuto niya ding pinaliwanagan ang babae na tumigil na sa panggugulo. Hindi lang matanggap
ng ego nito na kinalasan niya na ito. Paulit-ulit niyang nilinaw dito na wala na talaga sila at si
Agatha, si Agatha ang mahal niya.
Mula pa noon ay si Agatha lang ang mahal niya, and he's stupid para isiping sa paghahanap ng mga
babaeng kabaliktaran nito ay makakalimutan niya ang dalaga.

At dahil ngayon na ikakasal na sila ni Agatha ay hinding-hindi na siya babalik sa dating pagiging
palikero niya. Nagsuggest din kasi itong si Annie na willing naman itong maging kabit niya basta
wag lang niyang ituloy ang pakikipag-hiwalay dito.

Pero hindi! Hindi siya mapagsamantala. Naaawa siya kay Annie kasi maari ngang mahal talaga siya
nito, but she deserves better than him, and he deserves only Agatha.

Agatha... Agatha... Oh, her best friend... and his first love.

NANG matapos ang pakikipag-usap niya sa babae ay bumalik na siya sa kuwarto. Naabutan niyang
naka-impake na ang dalaga.

"Agatha..." Gulat na napatingin siya sa bagaheng bitbit nito.

"I'm leaving you." Matigas ang boses na tugon nito. Ni hindi siya nito nilingon.

"What?" Agad siyang napalapit dito.

"Hindi ka ba masaya? Eto na oh, ako na nga mismo ang aalis."

"No, Agatha! Itigil mo nga iyan!"

"Bakit ba? ha?! Wag kang mag-alala, kakausapin ko naman ang parents mo! I will tell them na ako
mismo ang nagpasyang wag ituloy ang kasal natin!"

"What?!" Sumakit bigla ang ulo niya sa mga sinabi nito.

"In that way ligtas ka pa din. Hindi ka maalisan ng mana dahil ako ang may problema. Palalabasin
nating ako ang umayaw at hindi ikaw. Magiging malaya ka na sa lahat ng ito Isaac. You will be
happy and free like a bird again!" Mapanuyang sabi pa ng dalaga.

"Paano ka?" Mahinang tanong niya dito. Daig niya pa ang sinaksak sa dibdib.

"Kaya ko ang sarili ko, Isaac." Taas-noong sabi nito.

"No. You're not going anywhere, Agatha!" Hinding-hindi niya ito hahayaang iwanan siya!
Sukdulang lumuhod siya sa harapan nito. To hell with his fucking pride na dahilan kung bakit
humantong pa silang dalawa sa ganitong sitwasyon.

Si Agatha naman ay mukhang nakabuo na nga ng pasya. Galit siya nitong sinalubong ng tingin."At
bakit mo ako pinipigilan, ha? Ano ito? Pakitang tao?"

"No!" Napailing siya.

Umismid ang dalaga. "Wag mo na akong alalahanin, okay naman ako, eh. Tubong-lugaw na nga ako
sa'yo ,di ba? See, naipaayos na ang bahay namin. Nakabayad na kami sa mga utang namin.
Makakapag-aral pa ako sa magandang university. Hindi lang iyon, bibigyan mo pa ako ng pera ,di
ba?"

Nasaktan siya sa sinabi nito. "So, it's all bout the money?"

"Hindi!" Pasigaw na sagot nito.

“Eh, ano?! Pera lang ba talaga ang puno't dulo ng lahat ng ito ha, Agatha?!"

"Isaac!"

"So, tama ang narinig ko sa usapan niyo ng tatay mo noon sa telepono sa condo? Na pera lang ang
dahilan kung bakit ka magpa-pakasal sa akin." Ungkat niya sa narinig niya noon sa condo niya sa
Q.C.

Bumakas naman ang pagkapahiya at pagkagulat sa mukha ni Agatha."Nakinig ka sa usapan namin?"

"Accidentally." Sagot niya. Pinakatitigan niya ang mukha nito. Her angelic face...

"Mali ka ng iniisip..." Mahinang anas nito. Nag-iba ito ng tingin at saka umiling-iling.

"Mali? May mali ba sa narinig ko? Mali ba ang narinig kong planado ang pagpikot mo sa akin? Ako
ang magsasalba sa pamilya mo mula sa mga utang niyo. Magiging masagana kayo dahil sa pera ko."
Matabang na sabi niya. Gusto niyang hulihin ang magiging reaksyon nito.

Namilog ang mga mata nito. "Hindi ko plinano iyon, Isaac! Ganon ba kababa ang tingin mo sa akin,
ha?!" Nangilid muli ang mga luha ni Agatha. Bigla tuloy siyang nakonsensiya. "Magkaibigan tayo,
Isaac! Naging kaibigan mo ako bago mangyari sa atin ang lahat ng ito! Kilala mo ako, Isaac! Hindi
ako mukhang pera! At alam mong ikaw ang unang lalaki sa buhay ko!" Nagsimula na itong
humagulhol pagkatapos.

Awang-awa naman siya dito. Oh, how stupid of him! Palagi na lang palpak ang mga nagagawa niya.
Inis na inis siya sa sarili niya.

Niyakap niya ang luhaang dalaga at saka ito hinaplos sa buhok.

Noong una ay umiyak lamang ito sa dibdib niya subalit ng mahimasmasan ay itinulak na siya nito.
Hindi niya ito hinayaang makaalpas kahit na naghe-hysterical na ito.

"I hate you!!! I hate you!!!" Humahagulhol na tulak nito sa kanya.

"Agatha..."

Nang mapagod ay tumigil na din sa pagwawala ang dalaga. "Pinagpi-pilitan mong may relasyon
kami ni Marion... Tapos ngayon sinasabi mong ginagamit lang kita..." Lumuluhang saad nito.

Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos dito. "Dahil akala ko iyon ang totoo. You're leaving me
now..."

"Aalis ako dahil nahihirapan na ako!"

Itinaas niya ang mukha nito at saka ito tinitigan. "Nahihirapan ka? I am giving you everything I have!
Sabihin mo sakin kung anong kulang at ibibigay ko sa’yo para hindi ka umalis!"

Bumalatay naman ang pagkalito at galit muli sa magandang mukha nito. "Wala ng patutunguhan ang
usapan nating ito, Isaac..."

Marahan siya nitong itinulak at ewan bakit hinayaan niya itong makawala sa mga bisig niya.

Pero muli siyang natauhan ng makitang dinampot na muli ng dalaga ang maletang kinalalagyan ng
ilang damit nito.

"Agatha!" Akmang yayakapin niya ulit ito pero naunahan na siya ng dalaga.

Isang malakas na tuhod ang biglang tumama sa gitna ng kanyang mga hita sanhi para mamilipit siya
sa sahig at hindi na makahabol pa dito.

"Leave me alone, you jerk!" At saka nagmamadaling binitbit na ni Agatha ang maleta nito papalabas
ng silid nila.

"Agatha!!!" Ayun hanggang sigaw na lang tuloy siya, paano nabasag yata ang kanyang minamahal
na kayamanan dahil sa ginawa nito.

Montemayor Saga Presents...


Isaac Montemayor
"SA AKIN KA LILIGAYA"

The Last Chapter

"NAKU, Ma’am, saan ho kayo pupunta?" Nagulat ang nagka-kapeng si Mang Domeng sa lanai ng
lumabas siya ng mansion dala-dala ang maleta niya.
Ganitong oras kasi ay gising pa ang family driver nila Isaac dahil minsan ay may importanteng
service ito.

Dire-diretso lang naman siya sa kinapaparadahan ng sasakyang madalas gamitin ng may edad na
family driver.
"Uuwi na sa amin." Tipid niyang sagot dito.

Sumunod naman ito sa kanya. "Naku, baka magalit ho si senyorito Isaac! Hindi po tayo pwedeng
umalis na walang pahintulot niya---"

"Wala akong pakialam sa amo mo! Uuwi ako sa ayaw at sa gusto niya!" Paharabas niyang binuksan
ang passenger seat ng kotse at paitsang inilagay ang kanyang maleta sa loob niyon.
Kakamot-kamot naman ng ulo ang pobreng matanda. Hindi nito malaman kung paano siya pipigilan.
May order kasi dito si Isaac na hindi siya maaaring umalis na walang pahintulot ng binata. "Naku,
Ma’am--"

"Kung ayaw mo akong ihatid okay lang Manong Domeng. Kaya ko namang umuwi mag-isa!" Ewan
at bakit sumobra yata ang pagka-maldita niya ngayon at pati ang pobreng matanda ay nasungitan
niya na.

Basta ang tanging nais niya lang ngayon ay ang makaalis na sa lugar na iyon. Mula naman sa main
door ng mansion ay nagsisi-sigaw ang pahabol sa kanyang si Isaac. Kabadong napalingon siya sa
gawi nito.

"AGATHA!" Si Isaac na hindi magkamayaw sa paghabol sa dalaga. Gigil na gigil siya dahil sa
ginawa sa kanya ni Agatha. Medyo matagal pa bago nakapag-move on sa sakit ang ‘ano’ niya na
tinuhod nito kanina.

Patakbo niyang tinungo ang kinatatayuan ng tila naitulos na dalaga at walang sabi-sabing binuhat
niya ito na parang sako ng bigas.

"Ano ba?! Ibaba mo ako!!!" Nagpa-papasag naman ito. Pinagsusu-suntok nito ang likuran niya pero
hindi niya na ininda ang sakit na dinudulot niyon.
Hindi niya ito hahayaang umalis! No! Never!

"You're not going anywhere! Ikakasal pa tayo!" Maigting na saad niya dito. Lumakad na siya pabalik
sa mansion.

Naiwan namang nakatanga si Mang Domeng sa garahe. Para itong nanonood ng teleserye sa
pagkakatingin nito sa kanila. Sa huli ay nangiti na lang din ang matandang family driver.

"Ayoko! Ayoko ng magpakasal sa'yo!" Tili ng dalaga habang patuloy ito sa paghahampas at
pagsuntok sa likod niya.

"At bakit? Saan ka pupunta ha? Kay Marion ba?!" Pinakpak niya ang matambok na puwitan nito na
nakasukbit sa kanyang balikat.

Lalo namang nagti-titili ang dalaga. "Bastos ka! Ano ba! Bitawan mo nga ako! Ibaba mo ako!!!"

Muli niyang tinapik ang puwitan nito at saka marahang pumisil doon. "Hindi ka aalis! Let's go back
to our room! Mag-usap tayo!" Tinungo niya ang kinaroroonan ng hagdanan.

"Ayoko nga, eh! Doon ka na sa Annie mo!!! Siya na lang ang manyakin mo! Bastos ka talaga! Wag
mong mapisil-pisil ang puwitan ko!" Gigil na singhal nito.

"Kung ayaw mong panggigilan ko itong puwitan mo ay manahimik ka diyan!"

"Ano ba?! Ibaba mo ako!!!"


Humahangos namang lumabas ng silid ang kapatid niyang si Gabriella dahil sa naulinigan nitong
ingay.

"Kuya!" Nagtataka ang mukha nito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Agatha.

Maski ang mommy niya ay napalabas na din sa silid nito. Mabuti na nga lang at wala ang daddy niya
ngayon dahil sa out of town business trip nito.
"Isaac! Anong nangyayari dito?!" Salubong ang kilay na hinarang sila nito. "Bakit mo buhat-buhat ng
ganiyan si Agatha at bakit ang ingay niyo?" Bagamat mahinahon ay kababakasan pa din ng pag-
aalala ang boses nito.

Agad siyang umiwas dito. Good thing hindi naman kumibo si Agatha. "Nothing mom,
naglalambingan lang kami!" Mabilis niyang pinihit ang seradura ng pintuan ng kanilang kuwarto at
saka agad na pumasok doon.

Inihagis niya sa gitna ng malaking kama ang dalaga. Napangiwi siya ng iunat niya ang mga braso
niya. Nanigas yata ang mga muscles niya sa balikat sa bigat nito.

TALBOG naman sa kama si Agatha. Para siyang sako ng bigas na binuhat ni Isaac mula sa garahe
hanggang sa kanilang kuwarto! At ang herodes nagdahilan pa sa mommy nitong naglalambingan
lang daw sila!

Gigil na sinikmat niya ito ng matalim ng tingin. "Ano ba?!" Hindi pa siya nakontento at binato niya
pa ito ng unan.

Sapul sa ilong ang mokong!

Nakangiwi naman siyang nilingon ni Isaac. "Ikaw ang ano ba?!"

Asar na naupo siya sa gilid ng kama. "I hate you! Hayaan mo na kasi akong umalis, eh! Hindi na nga
ako manggugulo! Makipagbalikan ka na sa Annie mo! I promise you maski ng itay ay hindi na din
manggugulo!"

"Tumigil ka!" Bulyaw nito sa kanya. Nakapamewang ito habang nanlilisik ang mga matang
nakatingin sa kanya.

Nanahimik naman siya bigla. Jusko! Galit na galit ang lolo mo!

"Anong sinasabi mong hindi ka na manggugulo?!" Parang dragon na hinarap siya nito. "Ngayon pa
bang tuluyan mo ng nagulo ang buhay ko?!"

Napatanga siya. Ginulo? Daig niya pa ang pinigaan ng puso. So talaga pa lang nakagulo siya sa
buhay nito.

"Agatha, hindi kita hahayaang umalis! Over my dead body!"


Over your dead gorgeous body?! Really? Napakurap siya para hindi siya tuluyang maiyak na naman.
"Aalis na ako..."

"And what? Pupunta ka kay Marion? That fucking asshole?! No! Mas lalong di kita hahayaang
makaalis!" Sumampa ito sa kama at lumapit sa kanya.

Agad naman siyang umusod papalayo dito. Nagsumiksik siya sa headboard ng kama. "Pwede ba?
Wag mo na nga siyang idamay dito! Kaibigan ko nga lang sabi iyong tao, eh!" Eto na naman sila,
paulit-ulit na lang eh!

Sinikmat siya nito sa balikat. Hindi na siya nakaiwas kasi mabilis ang malakas si Isaac. "Hindi kita
hahayaang mapunta lang sa Marion na iyon o kung sino mang lalaki diyan! Because you are mine
Agatha! Do you hear me? Sa akin ka lang! Akin!"

Tinabig niya ang kamay nito. "Ang selfish mo naman! Gusto mo lahat sa'yo! Nasa’yo na nga ang
Annie na iyon, pati ba naman ako!"

"I don't care about Annie!" Halos umusok na ang ilong nito.

"Really? Eh ,di ba galing ka nga don nong ginabi ka ng uwi?! Wala pa man niloloko mo na ako! Ang
sama-sama mo talaga!"

Saglit namang napatitig sa mukha niya si Isaac at ang galit nito sa mukha kanina ay napalitan ng –
amusement?

"Are you jealous?" Tanong nito na ikinalaglag ng panga niya.

Napakatanga talaga nitong si Isaac! "Wala pa ba akong karapatan?" Inis na balik-tanong niya dito.

"So, you're jealous?" Nagulat siya ng biglang tumawa ng parang bale ang lalaki.

Nasisiraan na talaga ito. Gigil na pinaghahampas niya ito ng unan. “Ano ba?! Bakit ka ba
tumatawa?!”

Hindi pa din ito tumitigil sa paghalakhak na lalo niyang ikina-asar dito. How dare this man para
pagtawanan siya?! Samantalang siya ay para ng mamamatay sa sama ng loob!

"I hate you! I hate you! Tanga ka! Bobo! Syempre magsi-selos ako dahil mahal kitang gung-gong
kang manhid ka! I love you mula pa noon! Mahal na mahal kita Isaac! Minahal kita noon pa mang
magkaibigan pa lang tayo... Minamahal pa din kita hanggang ngayon kahit hirap na hirap na ako..."
Tuluyan na naman siyang napaiyak! Oh, ilang beses ba siyang papaiyakin ni Isaac ngayong
magdamag?

Doon na ito tumigil sa pagtawa. "Agatha..." Hinaplos nito ang luhaang pisngi niya. “Shhh… Stop
crying, please? Mugtong-mugto na ang mga mata mo oh…”

Lalo siyang napahikbi sa inaasal na iyon ni Isaac. How can he be so sweet and insensitive at the same
time? "I love you... Iyon ang dahilan kaya papakasal ako sa'yo... Pero maniwala ka sakin, hindi ko
plinano na pikutin ka... Nagulat din ako sa mga nangyari. Pero aaminin ko, somehow... Natutuwa ako
na magpapakasal na ako sa'yo. " Nakatungong amin niya.

Maybe it’s about time na umamin na siya. Ayaw niya nang umasa sa wala… Hirap at pagod na siya
sa paulit-ulit lang na pangyayari. Ayaw niyang magsuffer habang buhay sa piling nito gayong ibang
babae ang tunay na gusto nito.

"Pero hindi mo ako mahal." Mapait pang dugtong niya.

"Who told you that?" Mahinang sabi ni Isaac na ikinatingin niya dito.

"Ha?"

Ngumiti ito sa kanya. "Of course I love you, Agatha!"

"Isaac!" Hindi siya makapaniwala. Really?! Is this a joke?

"Hindi ako mapipilit nino man na magpakasal sa isang babaeng hindi ko mahal. Kasehodang
tanggalan pa ako ng mana! I don't care!" Hinuli nito ang isang kamay niya at dinala sa mga labi.

Namimilog naman ang luhaang mga mata niya. "Ibig mong sabihin---"

"Yeah. Mahal kita, Agatha... Siguro noon pa din. Hindi ko alam kung paano, basta naramdaman ko
na lang ang kakontentuhan sa piling mo... na kailanman ay di ko naramdaman sa ibang babaeng
dumaan sa buhay ko." Seryosong pahayag nito.

"Pero si Annie... Siya ang dream girl mo, hindi ba? Napakalayo ko sa kanya..." Naguguluhan siya.
How come na matagal na siyang mahal ni Isaac?!

"Oo, malayong-malayo nga." Tugon nito, may naglalarong kung anong ngiti sa mga labi ni Isaac.

Na-hurt siya doon. Oo naman malayong-malayo siya sa modelong Annie na iyon na ipinaglihi yata
sa mannequin sa ka-sexy-han at kakinisan ng balat.

Agad namang bumawi si Isaac ng makita ang pagsimango ng mukha niya. "Hey... Ang ibig kong
sabihin ay wala siyang binatbat kumpara sa'yo."

Nagtagis ang bagang niya. Uululin pa siya ng herodes na ito gayong nadulas na nga ito na malayong-
malayo daw siya sa Annie na iyon! "Wag mo ng bilugin ang ulo ko, Isaac Montemayor! Kung para
lang iyan sa mana mo pwes back off! Bahala ka na sa buhay mo!"

"Sino bang nagsabing tungkol pa din sa mana ito? To hell with that! Mayaman pa din ako kahit
alisan ako ng mga magulang ko ng mamanahin!--Unless, pera lang talaga ang gusto mo sa akin?"

"Baliw ka din, noh?! ,di ba sinabi ko na ngang mahal kita! Kahit pa tuyo lang ang ulamin natin araw-
araw okay lang! Basta magkasama tayo!"
"Iyon naman pala, eh!"

"Pero iba na ngayon! Galit na ako sa'yo! Sinagad mo na ang pasensiya kong herodes ka!"

Muli itong huminahon. "Mag-usap tayo ng maayos, Agatha."

"Okay-okay!" Itinaas niya ang isang kamay. "Sige, magsalita ka!" Utos niya dito.

Huminga muna ito ng malalim bago nagsimulang magsalita. Tila pinaka-isip-isip muna ang mga
angkop na pangungusap na sasabihin sa kanya.

"Kung ang ikinaga-galit mo ay ang tungkol kay Annie! Pwes hindi dapat. Tapos na kami. Pumunta
ako sa condo niya para kausapin siya, para tuluyan ng tapusin samin ang lahat. Sa totoo lang hindi
naman talaga seryoso ang relasyon namin. Pero makulit siya, ayaw niyang pumayag... pero kahit
naman di siya pumayag ay hindi niya din ako kayang pigilan na pakasalan ka."

Umingos siya at umirap dito. "Lokohin mong lelang mong panot!"

Ito naman ang napa-simangot. "Hoy! Sumosobra ka na, ah! Hindi panot ang lola ko!"

Hindi niya pinansin ang pagsu-suplado nito. Siya lang ang pwedeng magsuplada ngayon! "Bakit ba
sinasabi mo pa iyan sakin Isaac? Bakit hindi mo na lang ako pabayaan... Napapagod na ako..."

Umusod ulit ito palapit sa kanya, at dahil nasa headboard na siya ng kama ay hindi na siya makausod
pa palayo dito. Sukol na sukol na siya nito. "Agatha... I love you."

Nagtakip siya ng kanyang tainga at saka pumikit. "Ayokong maniwala..."

"I love you mula pa noong nasa barko tayo. I love you..."

"Talaga lang, huh?! Kung mahal mo ako bakit hindi mo ako niligawan? Bakit kung kani-kanino ka
pang babae dumidikit?!” Hindi pa din siya dumidilat. No! Hindi siya papabilog dito!

"Dahil ayokong saktan ka..." Mahinang anas nito. Ni hindi ito nagtangkang alisin ang mga kamay
niya sa kanyang tainga o pilitin siyang dumilat man lang.

Nagpatuloy lang ito sa pagsa-salita.

"Hindi ko alam kung capable ba talaga akong magmahal. Kilala mo naman ako. Kabi-kabila ang mga
babaeng dumadaan sa buhay ko... until I met you. Noong umpisa akala ko mawawala din ang kung
ano mang nararamdaman ko sa'yo. Iba ka sa lahat, Agatha... Kaya mas pinili kong maging kaibigan
mo na lang. Kasi baka sa pagiging magkaibigan ay tumagal pa tayo."

Hindi pa din siya dumidilat. Nakikinig lamang siya dito.

"God knows kung paano ko pinipigilan ang sarili ko na yakapin ka tuwing malapit ka sa akin. God
knows..."
"B-Bakit hindi mo ginawa?" Nabibikig ang lalamunan niyang tanong sa binata. Tuksong-tukso na
din siyang malaman ang reaksyon ang mukha nito ngayon para makita kung nagsi-sinungaling lang
ba ito sa kanya o ano, pero nanatili pa din siyang nakapikit.

Sumagot ito. "Para ano? Takbuhan mo ako pagkatapos? Sirang-sira na ako sa'yo... Malamang ako na
ang huling lalaking nanaisin mong maging kasintahan mo. Kilalang-kilala mo na akong babaero ,di
ba. At siguro nga naduwag talaga ako noon. Nakakatawa ano? Sa ibang babae napakatapang ko, pero
pagdating sa'yo ay nababahag ang buntot ko..." Mahinang-mahinang amin nito.

Doon na siya napadilat. "Isaac..." Nabasa niya ang katapatan ng mga pinagsasabi nito sa mga mata
mismo nito.

"Ayokong makatanggap ng rejection mula sa'yo, Agatha. Natatakot ako... At kung sakali mang
naging tayo noon, natatakot naman akong masaktan lang kita. That's my greatest fear. So, I decided
na mag-concentrate na lang as your best friend." Ang mga mata nito ay titig na titig sa kanya.
As if isa siyang Diyosa na hindi nito magawang alisan ng tingin.
"Akala ko okay na eh. As in okay ng magkaibigan na lang tayo... Hanggang sa hindi na tayo nagkita
ulit. I missed you, Agatha. Kahit ng magkalayo tayo ay hindi ka nawala sa isipan ko, maniwala ka.
Tiniis ko iyon at pinilit kong alisin ka sa sistema ko. Pero tinanggap ko ng magkaibigan na lang
talaga tayo. Kaya lang dumating naman ang pangyayaring iyon ng muli tayong magkita. We are both
drunk, at doon lumabas ang mga damdaming matagal ng pinipigilan at buong akala ko'y lumipas
na..."

"Pero galit ka sa akin dahil pinikot kita..." Naguguluhan pa ding saad niya.

Nasapo nito ang ulo. "I don't know, Agatha! I was devastated then... Hindi ko maintindihan ang sarili
ko... Kung ano-anong tumatakbo sa isipan ko... Na baka masaktan lang kita, na baka hindi ko kayang
maging mabuting asawa sa'yo, na baka pagsisihan mo ang pagpapakasal mo sakin..."

Napamaang siya.

"Nabigla ako na sa ganoong pangyayari tayo matatali sa isat-isa. Wala iyon sa hinagap ko... As in
walang-wala. Parang bomba na bigla na lang sumabog... Kung kailan akala ko'y tanggap ko na ang
katotohanang magkaibigan na lang tayo..."

"Kahit naman ako nabigla din... Pero hindi ako nagsisisi, hindi ko alam kung baliw na ba ako at
ikinatuwa ako ang pangyayari... I'm sorry, sinamantala ko rin ang sitwasyon."

"Shh... Don't say that..." Hinila siya nito papalapit.

"Isaac..." Hindi na din siya tumutol ng yakapin siya nito.

"Gago din ako. Hindi dapat ako naging malamig sa'yo... Akala ko hindi ko kayang pangatawanan ka.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ko noon. Pero Agatha, hindi ko gustong saktan ka..."
Hinagkan nito ang ulo niya.

"Iniisip mong pera lang ang dahilan ng lahat..." Malungkot na wika niya habang nakasubsob siya sa
malapad nitong dibdib. Oh, how she love being close to him.
Naramdaman niya ang pagtigas ng kalamnan nito. "I don't care! And I don't give a damn kahit
maubos pa ang pera ko! O kahit sunugin mo pa araw-araw lahat ng perang meron ako... I don't care."

Napangiti na siya. "Wag mo akong biruin, baka gawin ko nga iyan! " Biro niya dito.

"Naku wag pala, kawawa naman ang mga magiging anak natin... Baka wala ng silang manahin."

Tiningala niya ito. "Anak agad? Hindi pa nga tayo kasal..." Nakalabing saad niya.

"Tuloy na ba ulit ang kasal natin?"

"Basta wag ka ng magsi-selos..." Nginitian niya na ito. Parang bigla nang inilipad ng hangin ang
lahat ng sama ng loob niya kanina.

Ngumiti din naman sa kanya ang binata at saka marahang hinaplos ang kanyang pisngi. "Di ba dapat
sa'yo ko sinasabi iyan?"

Napanguso siya. "Sorry na... Mahal na mahal kasi talaga kita..."

“Mahal na mahal din kita, Agatha… Kaya ayaw kong umalis ka… Kaya kita papakasalan dahil ayaw
ko ng pakawalan ka. You belong to me…”

Naluha na sya sa kaligayahan. “Thank you, Isaac…”

“Thank you.” Gaya nito sa sinabi niya. “Thank you for making me a happy man… since the day na
may mangyari sa tin. Im just so stupid and idiot na pinaabot ko pa sa ganito ang lahat, nasaktan pa
tuloy kita…” Malungkot na tumitig ito sa mga mata niya.

Umiling siya. “Worth it naman! Saka kahit nasaktan ako, alam ko namang mas masasaktan ako kung
iniwan na talaga kita. Galit lang ako at nagsi-selos, akala ko kasi ako lang ang nagmamahal sa atin…
Napakasakit niyon. Pero alam ko, kahit mahirap at kahit masakit, alam kong sa’yo lang ako liligaya,
Isaac… Sa piling mo lang.”

“Yes, sa akin lang dapat!” Hinalikan nito ng banayad na halik ang mga labi niya at saka siya muling
tinitigan sa kanyang mga mata. Now his eyes are full of so much love, happiness… and desire. "So,
will you marry me now?"

Lumawak na ang pagkakangiti niya. Ang pinakahihintay niyang proposal! At hindi niya iyon
tatanggihan! "Yes, Isaac! Yes!"

Natatawang kinabig siya nito ulit papalapit.

"Oh! I love you, baby!" He embraced her.

At buong higpit din naman niyang tinugon ang yakap nito.

And yes, sa piling lamang ng isat-isa nila masusumpungan ang kaligayahang babaunin nila sa
matagal pa nilang pagsasama bilang mag-asawa in the near near future!

Ngayon ay parang nais niya ng halikan sa tuwa at pasasalamat ang itay niya dahil sa hokus-pokus
nitong ginawa para malagay sila sa sitwasyong iyon.

SAMANTALA, naiiling na natatawa na lamang si Gabriella sa labas ng pintuan ng silid ng kanyang


kuya Isaac, lumayo na siya doon ng malamang nagkaayos na ang mga ito.

Well, corny man eh ganoon talaga pagdating sa pagibig. And masaya siya dahil at last matatali na
ang kanyang palikerong kuya. Ayos na ang kanyang kuya at hipa-to-be niya, sila na lang ni baby
Hendrick ang wala pang lovelife! – oh! Mali pala, may lovelife na pala siya, at iyon ang sadya niya
kaya siya umuwi ng Pilipinas para balikan ang lalaking iniwanan niya years ago.

At si baby Hendrick? Oh, two years old pa lang ito so malayo pang lumablayp! Hihi.

SA LOOB NAMAN ng silid nila Isaac ay puro love moans na lamang ang mauulinigan… Pero at
least, sure ng may kasalang magaganap.

At ang honeymoon? Well, saan pa ba kung hindi sa pinagmulan ng kanilang mga secret feelings
mula pa nang una silang magkakilala!

Sa Montemayor Cruise…

Ang The Ship Of Their LOST and FOUND LOVE!

LOVE.LOVE.LOVE

WAKAS

You might also like