You are on page 1of 3

Phil-IRI Form 1 – Pretest

Pangalan: ____________________________________________________
Baitang at Pangkat: ___________________________________________
Nagugol na Oras sa Pagbasa: ____________ Iskor: _______________
(Reading Time in Seconds) (Score)

Panuto: Basahin nang tahimik ang seleksyon. Matapos magbasa,


isulat ang oras na nagugol sa pagbasa. Basahin ang mga
tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

Sayaw sa Palatuntunan

Nanlalamig ang kamay ni Cita dahil sa kaba. Malapit


na kasi silang sumayaw ng kanyang kaibigang sina Rina at
Ditas ng pandango sa ilaw.

Nilapitan sila ng kanilang guro na si Gng. Ramos bago


sila umakyat sa entabalo, “Handa na ba kayong tatlo?
Huwag ninyong kalimutang ngumiti habang sumayaw,” ang
mahigpit na bilin ng kanilang guro.

“Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga


mag-aaral mula sa ikatlong baitang sa pamamahala ni Gng.
Rosa Ramos,” ani ng guro ng palatuntunan.

Habang sumasayaw, binalanse nila ang mga ilaw na


may ningas sa kanilang ulo at pinaikot nila sa kanilang
dalawang kamay ang may sinding lampara. Bilib na bilib sa
kanila ang lahat ang mga nanonood.

Matapos ang sayaw, niyakap sila nang mahigpit ng


kanilang guro dahil sa ipinamalas nilang galing.

Gr. III
Bilang ng mga salita: 126

SY 2012-2013
Mga Tanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


a. Awit sa Palatuntunan
b. Tula sa Palatuntunan
c. Sayaw sa Palatuntunan
d. Balagtasan sa Palatuntunan

2. Sino ang Gurong Tagapamahala sa kuwento?


a. Gng. Cruz
b. Gng. Garcia
c. Gng. Santos
d. Gng. Ramos

3. Ano ang kanilang sinayaw?


a. Rabong
b. Singkil
c. Tinikling
d. Pandango sa Ilaw

4. Ano kaya ang pakiramdam ng guro habang sila ay


sumasayaw?
a. Natatakot
b. Nagagalit
c. Nasisiyahan
d. Nalilito

5. Bakit nila binabalanse ang baso na may ningas sa kanilang


ulo?
a. Dahil mabigat
b. Dahil magaan
c. Para hindi mahulog
d. Para magandang tingnan

SY 2012-2013
6. Magaling kang sumayaw kaya isinali ka ng guro sa
palatuntunan. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
a. Gagalingan ko po.
b. Di po ako sasali.
c. Nahihiya po ako
d. Nalulungkot po ako.

7. Kung ikaw ay nagkamali habang nagsasayaw sa entablado,


ano ang gagawin mo?
a. Titigil sa pagsasayaw.
b. Itutuloy ang pagsasayaw.
c. Ipapaulit muli ang sayaw.
d. Lahat ng ito ay tama.

SY 2012-2013

You might also like