You are on page 1of 7

WESTERN LEYTE COLLEGE OF ORMOC CITY INC.

Wisdom Leadership Commitment

Modyul 4

“Gamit ng Wika”

1
Pangalan: ______________________________ Taon at Seksyon: ______________________________

Guro: G. Roguin P. Suson Markahan: Prelim Modyul: 4

11 “Gamit ng Wika”

I. Layunin

Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa.

II. Pangkalahatang Ideya

Maging magalang tayo sa gamit na conative kung nag-uutos tayo. Tiyakin nating tama at totoo ang gamit natin ng
informative kung nagbibigay tayo ng mga kaalaman at impormasyon. Higit sa lahat, iwasan natin ang pagbibigay ng
negatibong bansag o label sa ating kapuwa na maaaring makasakit ng damdamin.

III. Pormal na Aralin

Wika ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon. Wika ang instrumento sa paghahatiran ng mensahe at
palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap. May mga gamit ang wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita. Halimbawa, ang
intensiyon ng pahayag na "Bawal tumawid may namatay na dito ay magbigay ng babala sa mga taong tumatawid sa
kalsada sa pamamagitan ng pag-uutos na "bawal tumawid"at sa pagbibigay ng impormasyon na "may namatay na dito"

May ganito pang uri ng babala na mababasa tayo sa kalsada:

Nagbibigay din ng impormasyon ang pahayag na "walang


tawiran"at "nakamamatay.”
Hindi lamang sa mga babala natin nakikita o nababasa ang mga pahayag
na nag-uutos at nagbibigay ng impormasyon.

Kapag panahon ng eleksiyon, palagi nating naririnig o nababasa


ang mga pahayag na conative sa mga politikong kandidato tulad ng,
"Huwag po ninyong kalimutang isulat
ang pangalan ko sa inyong balota!" Naririnig din natin ang mga pahayag na
nag-uutos sa mga komersiyal sa telebisyon kapag pinabibili tayo ng mga
produktong iniendorso tulad
ng, "Ano pang hahanapin mo? Dito ka na! Bili na!" Sa mga talumpati ng
pangulo, madalas nating marinig ang kaniyang pakiusap na, "Magtulungan po tayo para sa pag-unlad ng ating bayan."

Ayon kay Roman Jacobson, kabilang sa mga gamit ng wika ang conative, informative, at labeling.

2
Sa mga sitwasyong naiimpluwensyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng pakiusap at pag-uutos, conative ang
gamit natin ng wika. Nakikita rin ang conative na gamit ng wika sa mga pagkakataong gusto nating humimok o
manghikayat, may gusto tayong mangyari, o gusto nating pakilusin ang isang tao.

Narito ang halimbawa ng isang maikling sanaysay na naglalaman ng conative na gamit ng wika.

Tuwing Darating ang Eleksiyon


Isa ang panahon ng eleksiyon sa maituturing na mahalagang panahon sa ating bansa.
Mahalaga ito sapagkat sa panahong ito tayo pumipili ng mga taong gusto nating maglingkod sa
atin. Huwag nating ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating bayan sa mga kandidatong hindi
karapat-dapat na maglingkod sa atin. Dapat na maging matalino tayo sa pagpili ng mga
kandidatong iboboto natin. Huwag tayong basta maniwala sa kanilang mga sinasabi at
ipinapangako sa atin. Lagi nating isaisip ang tatlo hanggang anim na taong pag-upo nila sa
puwesto. Kapag nagkamali tayo sa pagpili sa kanila, hindi natin sila kaagad mapapalitan.
Kung dati nang nanalo ang kandidato at tumatakbong muli, balikan natin ang kaniyang naging
paglilingkod. Balikan natin ang kaniyang mga nagawa. Alamin natin ang mga naitulong niya sa
pagsulong ng bayan at saka tayo magdesisyon kung muli ba natin siyang pagkakatiwalaan o hindi
na. Kapag bagong tumatakbo ang kandidato, alamin natin ang mahahalagang impormasyon
tungkol sa kanilyang propesyon, pamilya, at pagkatao. Huwag tayong magpadala sa tamis ng
pananalita ng isang kandidato.
Tuwing darating ang eleksiyon, gamitin natin at huwag balewalain ang isang mahalagang
pamana sa atin ng demokrasya-ang pagboto. Piliin natin ang mga kandidatong maglilingkod sa
atin. Nasa matalino nating pagpapasiya nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan.

Matutukoy mo ba kung ano-anong pahayag sa talata ang nagpapakita ng conative na gamit ng wika? Salungguhitan
mo ang mga ito.

INFORMATIVE na gamit ng wika sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa isang tao, nagbibigay ng mga
datos at kaalaman, at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig natin. Gayundin, madalas na nakaririnig
at nakababasa tayo ng mga pahavag na nagbibigay ng impormasyon. Sa panonood natin ng balita sa telebisyon o sa
pakikinig sa radyo, ibat ibang impormasyon ang nakukuha natin tungkol sa mga pangyayari at mangyayari sa ating bansa.
Maraming impormasyon din tayong nakukuha sa pagbabasa ng mga pahayagan, magasin, at iba pang babasahing
nagbibigay sa atin ng mga karagadagang kaalaman. Kahit sa mga simpleng pakikipag-usap o pakikipagkuwentuhan natin
sa ibang tao, maaari din tayong makakuha ng mga impormasyon. Tayo man ay nagbabahagi rin sa iba ng mga
impormasyong alam natin.
3
Narito ang isang maikling talata na nagbibigay ng impormasyon.

Bagong Bayani
ni Dolores R. Taylan

Sa kabila ng hindi magandang mga balita tungkol sa mga OFW, patuloy pa rin ang maraming
Pilipino sa pangingibayang-bayan upang magtrabaho. Bakit nga ba napipilitang umalis ang mga
Pilipino sa Pilipinas? Ano ang nagtutulak sa kanila para lisanin ang sariling bayan at magpasyang sa
ibang lupain na lamang magtrabaho at mag-alay ng kanyang lakas, galing, at talino? Sa tanong na
ito, marami kaagad ang mga Susulpot na kasagutan. Pinakakaraniwan nang maririnig ang sagot na
para maghanap ng mas magandang kapalaran o “greener pasture.” Marami ang nagsasabi na para
kumita ng dolyar, mapag-aral ang mga anak, makapagpatayo ng sariling bahay, makabili ng
sasakyan, makaipon ng perang pangnegosyo, at iba pa. Kung susumahin ang mga pahayag na ito,
halos lahat ay patungo sa iisang dahilan lamang-ang paghahanap ng mas mabuting oportunidad sa
trabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Kahirapan ang pinakakaraniwang
dahilan ng aksiyon ng mga Pilipino, lalo na ng kababaihan, na lisanin ang Pilipinas at iwan ang
pamilya para maghanapbuhay sa ibang bansa.
Subalit, ano ang karaniwang kinahihinatnan ng mga Pilipino pagsapit nila sa bansang kanilang
nakatakdang pagtrabahuhan? Lahat ba ng kanilang pangarap para sa kanilang pamilya ay
nabibigyang-katuparan? Gumaganda nga ba ang buhay ng mga OFW pati na ng kanilang pamilya
dahil sa kanilang pangingibang-bayan? Bagamat hindi maikakailang may mga Pilipinong
nagtatagumpay at nakakamit ang katuparan ng mga pangarap sa labas ng bansa, malungkot isiping
mataas ang bilang ng mga Pilipinong ang kinauuwian ay ang kabaligtaran ng lahat ng kanilang
pinapangarap at inasahan.
Gayunman, sinisikap naman ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan na magkaroon ng
hanapbuhay sa Pilipinas upang hindi na mangibang-bayan paang maraming Pilipino sa pagdalaw
ng pangulo sa iba't ibang bayan, iniimbita niya ang mga mangangalakal na magtayo ng negosyo sa
Pilipinas upang makadagdag sa trabaho ng mga Pilipino bansa. Sinisikap din ng pamahalaan na
matugunan ang pangangailangan ng mga OFW lalo na yaong nind maganda ang sinapit na
kapalaran. Hindi sila pinababayaan sapagkat sila ang gd Dagong bayani ng ating bayan.

Ano ang paksa ng sanaysay? Ano-anong impormasyon ang mahahango mula sa sanaysay? Itala mo ang mga ito sa
ibaba.

____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

4
LABELING na gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay.
Pansinin ang mga nakasulat na salita sa loob ng kahon.

King of Comedy

Jejemon Pamilyar ka ba sa mga salitang nabasa mo? Ano ang mga


salitang ito? Ang mga ito ay mga panawag o bansag sa mga tao o grupo ng tao. Lahat ng
Fashionista tao ay maaaring bigyan ng panawag o bansag, kilala man sila o hindi.

Jack of all Trades Madalas,


Pasaway nagbibigay tayo ng bagong pangalan, tawag, o bansag sa mga tao, batay sa pagkakakilala
o pagsusuri natin sa kanila. Sinusuri natin ang mga taong nakakasalamuha natin-ang
Fallen 44 kanilang ugali, pisikal na anyo, trabaho, hilig, gawi, at iba pa. Ang pagsusuri natin sa
kanila ang nagbibigay-daan para bansagan o bigyan natin sila ng label o ng katawagan.
Pambansang kamao

Queen of all Media


Halimbawa, sa pisikal na anyo, kapag mas matangkad sa karaniwan ang isang
PNoy
tao, binabansagan siya ng “Jojong tangkad” (kung Jojo ang pangalan). Kung
Bagong bayani minsan naman, batay sa trabaho ang pagbibigay ng bansag sa isang tao.
Walking calculator
Halimbawa, “Tonyong magtataho” kung ang trabaho ay paglalako ng taho.
Sa paaralan, may tinatawag ang mga estudyante na “Kuya Guard,” “Ate
Jologs Xerox” “Manong Jani” “Manang Jani” at iba pa. Nakabatay ang tawag na ito
Iskolar ng bayan sa trabaho nila sa paaralan bilang guwardiya, nagseseroks, o tagapanatili ng
kalinisan.
Terror

Lasalista
Sa literaturang Pilipino, may mga manunulat na gumamit ng bansag o label
Asia’s Song bird
sa kanilang mga tauhan. Marahil ay naaalala mo pa si "Impeng Negro"
(Rogelio R. Sikat), ang gurong si “Mabuti” (Genoveva Edroza Matute), si
“Vicenteng Bingi” (Jose Villa Panganiban), si “Pilosopo Tasyo” (Jose Rizal), si
“Sisang Baliw” (Jose Rizal), at marami pang iba.

Sa totoong buhay, marami rin tayong binibigyan ng bansag sa ating mga kaibigan, kapamilya, guro, politiko, artista,
mga nasa larangan ng media, isports, militar, at iba pa. Binibigyan natin sila ng bansag kung ano ang pagkakilala natin sa
kanila at kung paano natin sila sinusuri.

Malaya nating nagagamit ang wika sa iba't ibang sitwasyon at intensiyon. Gayunman, hindi natin dapat abusuhin
ang paggamit natin ng wika. Huwag kalimutan na dapat gamitin ang wika sa mabuti at maayos na paraan.

IV. Linangin
Balikan ninyo ang mga salita sa loob ng kahon na binasa mo kanina. Ang mga salitang ito ay mga salitang
nagbabansag. Magsagawa ng maikling pananaliksik o magtanong sa mga kakilala kung kanino madalas ipinatutungkol
ang mga bansag na ito. Ginawa na ang bilang isa at dalawa para sa inyo.

1) King of Comedy Dolphy

2) pasaway mga taong hindi sumusunod sa mga tuntunin o patakaran


5
3) Queen of all Media ______________________________________________________________
4) bagong bayani ______________________________________________________________
5) jejemon ______________________________________________________________
6) Fallen 44 ______________________________________________________________
7) pambansang kamao ______________________________________________________________
8) walking calculator ______________________________________________________________
9) fashionista ______________________________________________________________
10) terror ______________________________________________________________
11) jologs ______________________________________________________________
12) Ate Guy _______________________________________________________________
13) Jack of all Trades _______________________________________________________________
14) PNoy _______________________________________________________________
15) Iskolar ng Bayan _______________________________________________________________
16) Lasalita _______________________________________________________________

Magsaliksik kung sinong politico ang gumagamit ng mga nakatalang islogan. Isulat kung conative, informative, o
labeling ang gamit ng wika sa bawat islogan.

Politiko Islogan Gamit ng Wika

1. Gusto ko, Happy ka!

2. Mr. Palengke

3. Kung walang korap, walang


mahirap.
4. Hindi bawal mangarap ang mahirap.

5. Tama na, sobra na, palitan na!

6. Big Man ng Senado

7. Pag bad ka, lagot ka!

8. Ang Batas ay para sa lahat.

9. Let’s DOH it!

10. Galit sa buwaya!

11. Sa Ikauunlad ng bayan, disiplina ang


kailangan.
12. Diyos at Bayan!

V. Pagtataya

Pumili ng isang mahalagang isyu o pangyayari sa lipunan na narinig o nabasa mo. Magsaliksik tungkol sa isyu o
pangyayaring napili. Gamit ang mga nasaliksik na impormasyon, sumulat ng isang sanaysay na informative tungkol sa
isyu o pangyayari napili.

6
7

You might also like