Professional Documents
Culture Documents
Conative, Informative at Labeling Na Gamit NG Wika
Conative, Informative at Labeling Na Gamit NG Wika
INFORMATIVE
AT LABELING
NA GAMIT NG
Wika ang midyum na ginagamit sa
komunikasyon. Ang wika rin ang
instrumento sa paghahatid ng mensahe at
palitan ng reaksyon ng mga nag-uusap. Ito
ay maaaring pinapahayag ng berbal o di-
berbal.
Kinakailangan na
kabilang sa mga
gamit ng wika ang
conative,
informative at
Roman Jacobson labeling.
CONATIVE
Ang conative na gamit ng wika ay kadalasan
nating naririnig o nababasa tuwing panahon ng
eleksiyon o kaya naman sa mga komersyal sa
telebisyon at radio tungkol sa isang produkto.
Conative ang ginagamit upang makahikayat ng
ibang tao o gusto nating pakilusin ang isang tao
sa pamamagitan ng pakiusap o pag-uutos.
Mga Halimbawa:
• “Magtulungan po tayo para sa pag-
unlad ng ating bayan.”
• “Ano pang hahanapin mo? Dito ka na!
Bili na!”
• “Huwag po ninyong kalimutan isulat
ang aking pangalan sa inyong balota!”
INFORMATIVE
Ang informative na gamit ng wika ay may
layuning ipaalam sa isang tao ang isang bagay.
Ang informative na gamit ng wika ay nagbibigay
ng mga datos ng kaalaman at nagbabahagi ng
mga impormasyong nakuha o narinig.
Mga Halimbawa:
• “Naganap ang 5.1 magnitude na lindol
sa lalawigan ng Isabela kaninang
alas-3 ng hapon”
• “Nakasisigurong gamot ay laging bago”
• “Malapit na ang birthday ko”
LABELING
Ang labeling na gamit ng wika ay
ginagamit kapag nagbibigay tayo ng
bagong tawag o pangalan sa isang tao.
Mga Halimbawa:
• Superstar
• Pambansang Kamao
• Pilosopo Tasyo
• King of Comedy
• Asia’s Song Bird
Mga Halimbawa: