You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 6

QUARTER 2
SUMMATIVE TEST NO. 3

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo
ang pinakawastong sagot sa mga tanong.
1. Isa sa mga pangunahing programa ni Pangulong Quezon ang pagtatag ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Layunin nitong magkaroon ng mga sariling sundalo ang Pilipinas na siyang magtatanggol laban sa mga magtatangka
ngn masama sa bansang ito. Ano kaya ang maaaringkahihinatnan nito?
A. Matatakot ang mga tao sa mga sundalo
B. Magkakaroon ng kumpyansa ang mga tao dahil may magtatanggol na
C. Magkakaroon ng pag-aalsa dahil hindi sang-ayon dito ang karamihan
D. Mas maraming buhay ang malalagay sa piligro dahil sa giyera
2. Dahil sa reporma sa Edukasyon na ipinatupad niPangulong Quezon, maraming mga Pilipino ang nabigyang
pagkakataong makapag-aral ng libre. Nagbigay din ng kautusan ang Pangulo na imbis na bigyang prayoridad ang
pagturo ng kulturang Pilipino kaysa sa mga banyaga. Ano kaya ang maaaring kahihinatnan nito?
A. Maraming mga Pilipino ang magtatago dahil ayaw mag-aral
B. Maraming Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil mas gustuhin na lamang na mag-aral
C. Maraming mga kultura at gawi ng mga Pilipino ang maimpluwensiyahan ng mga banyaga.
D. Maraming mga Pilipino ang matututong bumasa at sumulat at magkakaroon ng kamalayan sa sariling bansa
3. Ang pagkilala sa karapatang ng kababaihan ay isa sa mga mahalagang batas naipinatupad ni Pangulong Quezon.
Dahil sa batas na ito ay nabigyan ng karapatan ang mga kababaihan na sumali sa botohan at higit sa lahat ay pwede
na rin silang iboto o tumakbo sa halalan. Ano kaya ang maaaring kahihinatnan nito?
A. May pagkakataon ang mga kababaihan na marinig ang mga hinaing
B. May pagkakataon ang mga kababaihan na gawin ang gusto nila
C. May pagkakataon ang mga kababaihan na abusuhin ang karapatan
D. May pagkakataon ang mga kababaihan na gantihan ang mga lalaki
4. Ang Katarungang Panlipunan ay isang batas na nagtatakda ng walong oras sa pagtatrabaho at pagkakaroon ng
minimum wage kapalit ng serbisyo. Ano kaya ang maaaring kahihinatnan nito?
A. May pagkakataon ang kompanya na abusuhin ang mga manggagawa
B. May pagkakataon na maproteksyunan ang pansariling interes
C. Pagkakataon ng manggagawa na abusuhin ang pinagtatrabahoan
D. Pagkakataon ng manggagawa na maproteksyunan ang karapatan
5. Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng mga watak-watak na pulo na may sariling wika, naisipan ng tinaguriang “Ama ng
Wikang Pambansa” na si Pangulong Manuel L. Quezon na dapat magkaroon ng pambansang wika at ito ay ang
Tagalog. Ano ang kahulugan ng pagbabagong ito?
A. Magkakagulo sa buong Pilipinas dahil sa pagkapili ng wikang Tagalog
B. Magbubunyi ang mga dayuhang mananakop dahil sa programang ito
C. Magkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakaintindihan
D. Mas lalong hindi magkakaintindihan dahi lhindi Tagalog ang wika
6. Dahil sa patakarang Homestead maraming Pilipino na dati ay nakatira sa kabundukan ay lumipat sa kapatagan at
tumira malapit sa mga sentro o di kaya ay malapit sa kalsada. Ang mga bahay na dati ay bahay-kubo ay napalitan ng
mga bahay na yari sa mga kahoy at mga bato. Ano ang kahulugan ng pagbabagong ito?
A. Mas naging sibilisado na ang mga tao
B. Maraming bukirin ang hindi na natitirhan
C. Nagkaroon na ng kaunting pag-unlad sa pamumuhay ang mga tao
D. Lahat ng nabanggit maliban sa nasa letrang B
7. Bilang isang mag-aaral sa pampublikon gpaaralan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa programa sa
Edukasyon ni Pangulong Quezon?
A. Pagbutihin ang pag-aaral upang balang araw ay makatulong sa bansa
B. Hindi ko pagbubutihin ang pag-aaral, wala naman akong mapapala
C. Wala akong pakialam sa mga programa ng pamahalaan na niyan
D. Para sa akin ay hindi mahalaga ang mga programa ng pamahalaan
8. Isa sa mga programa ni Pangulong Quezon ay ang pagsulong sa karapatan ng mga kababaihan na nagbukas ng
maraming oportunidad para sa mga babae. Ang mga sumusunod ay mga pagpapahalaga sa programa ni Pangulong
Quezon para sa mga kababaihan maliban sa ISA.
A. Mahalaga dahil pwede ng makaboto at maiboto ang mga kababaihan
B. Mahalaga dahil sa wakas ay makakaganti na ang mga kababaihan
C. Mahalaga dahil may proteksiyon ang mga kababaihanp sa abuso
D. Mahalagang katuwang ng mga lalaki sa hanapbuhay ang mga babae
9. Lubhang napakaramingp agbabago ang naganap sa ating bansa dahil sa pamahalaang Komonwelt. Pagbabago na
hanggang ngayon ay tinatamasa ng maraming kababayan nating Pilipino. Bilang isang mamamayang Pilipino, anong
masasabi mo dito?
A. Lubos akong nagsisisi na ako ay naging isang Pilipino
B. Lubos akong nahihiya sa mga hakbang na ginawa ng pamahalaan
C. Lubos akong nagpapasalamat sa mga ginawa ng pamahalaan
D. Lubos akong natatakot dahil sa mga karapatang mayroon ang babae
10. Sa kabuuan, nagkaroon ba ng mahalagang kontribusyon ang pamahalaang Komonwelt patungo sa pagsasarili ng
ating bansa?
A. Oo B. Hindi C. Di-Tiyak D. Wala sa nabanggit

II. Ang mga sumusunod ay mga pagbabago dulot ng mga programa at patakaran na ipinatupad ng Pamahalaang
Komonwelt. Tukuyin kung saang programa nabibilang ang mga pagbabagong ito. Isulat ang titik lamang sa patlang
bago ang bawat bilang.
Mga Programa ng Pamahalaan
A. ProgramasaEdukasyon D. KatarungangPanlipunan
B. Patakarang Homestead E. Pagkilalasa Karapatan ng mgaKababaihan
C. Pagsulong ng PambansangWika F. Pagtatag ng HukbongSandatahan

_____1. Pagtakbo sa halalan ng mga kababaihan


_____2. Pagtuturo ng Edukasyong Bokasyonal
_____3. Pagkakaroon ng mga sundalo
_____4. Pagtatrabaho ng walong oras sa isang araw
_____5. Pagkakaroon ng mga bahay na yari sa bato
_____6. Tagalog ang opisyal na wika
_____7. Pagkakaroon ng reserve force
_____8. Pagkakaroon ng pagkakataon ng mga kababaihan na bumoto
_____9. Panukalang pagkakaroon ng minimum wage sa mga manggagawa
_____10. Libreng pag-aaral sa primary
PERFORMANCE NUMBER 3 Bumuo ng isang graphic organizer tungkol sa Pamahalaang Komonwelt Isulat tatlong s
Sangay at ang uri ng mga Programa nito. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. 100pts
PAMANTAYAN
PAMAHALAANG Nilalaman- 50%
KOMONWELT Pagkamalikhain- 30%
Kalinisan – 20%

MGA
SANGAY PROGRAMA
ARALING PANLIPUNAN 6
QUARTER 2
SUMMATIVE TEST NO. 4

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang pinakawastong sagot sa mga
tanong.
1. Hindi naging matatag ang kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa pagsasamantala ng mga
dayuhang mananakop, kung kaya nagkaroon ng programa sa pagbabago ang
pamahalaang Komonwelt upang umunlad ang kabuhayan. Alin sa sumusunod ang
hakbang na ginawa sa programang pangkabuhayan?
A. Pagbibigay-diin sa paglinang ng damdaming makabayan
B. Pagkakaroon ng katarungang panlipunan upang mapangalagaan ang karapatan ng tao sa paggawa
C. Paghikayat sa mga lalaking mag-aaral sa mataas na antas na magsanay sa
pamamgitan ng Preparatory Military Training
D. Pagpapahusay ng lingkuran ng telepono at radio
2. Ang pamahalaang Komonwelt ay nagsumikap upang mapabuti ang edukasyon kaya nilikha ang Pambansang
Sangguniang sa Eduaksyon. Paano nabibigyag-diin sa edukasyon ang paglinang ng damdaming makabayan?
A. Sa pamamagitan ng pagpupursige sa pag-aaral
B. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magagandang daan at tulay
C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling lupa ng mga magsasaka
D. Sa pamamagitan ng pagtuturo sa paaralan ng mga buhay at nagawa ng dakilang Pilipino
3. Ang Komonwelt ay nagpadala ang pamahalaan ng mga dalubhasa sa sining, agham, at panitikan sa ibang bansa.
Ginawa din ang lahat ng panghikayat upang maibalik ang awitin at sayaw ng katutubo. Bakit kaya ito ginawa ng
pamahalaan?
A. Dahil maraming perang pantustos ang pamahalaan
B. Dahil gusto ng Pilipinas na sumikat sa buong mundo
C. Dahil gusto ng pamahalaan na mabura ang kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino
D. Dahil gustung-gusto ng mga Pilipino ang pumunta sa ibang bansa
4. Pinabuti din ang sistema ng transportasyon sa pamamagitan ng pagpagawa ng mga tulay at daan, at pinahusay
ang lingkuran ng radio at telepono. Ano ang pakinabang nito sa sambayanang Pilipino?
A. Nakatutulong ito upang mapabilis ang pagluwas ng produkto
B. Nakatutulong ito upang maging matagumapay ang mga Pilipino
C. Matiwasay ang pagbibiyahe sa iba’t ibang lugar
D. Hindi tayo mapapahiya sa mga turistang bumibisita sa bansa
5. May mga kilusang nabuo ang mga magsasaka na tutol sa patakaran ng mga Amerikano. Ito ay naging malaking
banta sa seguridad ng pamahalaang Komonwelt kaya iminungkahi ni Pangulong Quezon na mas lalong palakasin ang
sandatahang-lakas kung saan pati ang mga mga-aaral na lalaki sa mataas na paaralan ay sinanay sa pamamagitan ng
tinatawaga na Preparatory Military Training o PMT upang maging handa kung sakaling kailanganin ng bansa. Sa
kasalukuyan, iminungkahi ni Pangulong Duterte na ibalik ang ROTC (Reserve Officer Training Corps) sa Grade 11 at
12. Sangayon ka ba dito o hindi? Bakit?
A. Oo, upang mapanatili ang pagiging makabayan at disiplina
B. Oo, upang mahirapan din ang mga kaklase ko
C. Hindi, dahil dagdag kalbaryo lang ito sa mga mag-aaral
D. Hindi, dahil hindi ko kaya at maysakit ako
6. Hindi naging matatag ang kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa pananamantala ng mga dayuhang mananakop, kung
kaya nagkaroon ng programa sa pagbabago ang pamahalaang komonwelt upang umunlad ang kabuhayan. Ano ang
tawag sa pagbabagong ito?
A. Programang Pang-edukasyon C. Programa sa Sining at Agham
B. Programang Pangkabuhayan D. Tanggulang Pambansa
2. Ang Komonwelt ay nagsumikap na mapabuti ang edukasyon at nilikha ang Pambansang Sangguniang sa
Edukasyon. Ano naman ang programang ito?
A. Programang Pang-edukasyon C. Programa sa Sining at Agham
B. Programang Pangkabuhayan D. Tanggulang Pambansa
3. Sa panahon ng Komonwelt, nagpadala ang pamahalaan ng mga dalubhasa sa sining, at panitikan sa ibang bansa.
Ginawa din ang lahat ng panghikayat upang maibalik ang awitin at sayaw ng katutubo. Anong pagbabago ito?
A. Programang Pang-edukasyon C. Programa sa Sining
B. Programang Pangkabuhayan D. Tanggulang Pambansa
4. Pinabuti ang sistema ng transportasyon sa pagpagawa ng mga tulay at daan, pinahusay ang lingkuran ng radio at
telepono. Anong programa ito?
A. Programa sa Transportasyon at Komunikasyon C. Programang Pangkabuhayan
B. Programa sa Sining at Agham D. Tanggulang Pambansa
5. May mga kilusang nabuo ang mga magsasaka na tutol sa patakaran ng mga Amerikano. Ito ay naging malaking
banta sa seguridad ng pamahalaang Komonwelt kaya iminungkahi ni Pangulong Quezon na mas lalong palakasin ang
sandatahang-lakas kung saan pati ang mga mga-aaral na lalaki sa mataas na paaralan ay sinama sa pamamagitan ng
tinatawaga na Preparatory Military Training o PMT upang maging handa kung sakaling kailanganin ng
bansa. Anong ahensya ang namamahala dito?
A. Programa sa Transportasyon at Komunikasyon C. Programang Pangkabuhayan
B. Programa sa Sining at Agham D. Tanggulang Pambansa

II. Gawin ang word search sa pamamagitan ng pagtala ng mga salitang makikita o mabuo.

PERFORMANCE TASK NUMBER 4: iguhit sa malinis na bondpaper ang mga hakbang mo para makatulong sa lipunan o
komunidad. (100pt)

Rubrics sa pagkuha ng puntos.

Pamantayan Puntos Natatamong puntos


Nilalaman at kaangkupang konsepto 50%
pagkamalikhain 30%
Kalinisan sa paggawa 20%

You might also like