You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) G12
Senior High School Department
SUMMATIVE TEST

Unang Semestre, Unang Kwarter


Panuruang Taon : 2021-2022

MODYUL 2: PAGLALAGOM

PANGKALAHATANG PANUTO:
 Sa mga nagdaang pagtalakay gamit ang inyong SLM (Self Learning Module)/LAS. Inaasahang
kayo ay naging matatas na sa mga konsepto at teorya.
 Sa pagkakataong ito tatayain ang inyong kaalaman, gawin ang mga sumusunod ayon sa
hinihingi ng bawat aralin, gagamitin ang rubrik para sa pagbibigay puntos sa inyong mga
awtput.
 Ang gawaing ito ay maaring encoded at at maaring sulat kamay. Sa mga encoded maaring e edit
lang ito at ito ang gagamiting template sa pagpasa .
 Gagamitin ang rubrik sa pagbibigay puntos sa bawat awtput
 Sa pagpasa, sundin ang format sa paglagay ng pangalan sa inyong mga awtput kung sakaling
ipapasa ninyo ito sa pamamagitan ng lawaran. Sundin ang mga sumusunod:

1.) Encoded: (Pangalan, magsisimula sa Family Name, Given Name, MI_ST_M2_Aralin1/2


(Tandaan na kung ito ay ipapasa dapat nasa PDF na format)
Halimbawa: Dela Cerna, Naruto N._ST_M2_Aralin1at2

2.) Sulat Kamay


(Ipapasa sa pamamagitan ng larawan na format, sundin ang mga sumusunod:
Pangalan, magsisimula sa Family Name, Given Name, MI_ST_M2_Aralin1/2_L1), ang
ibig sabihin ng L ay larawan at ang 1 ay tumutukoy sa kung pang ilang larawan na ito.

Halimbawa: Dela Cerna, Naruto N._ST_M2_Aralin1at2_L1


Dela Cerna, Naruto N._ST_M2_Aralin1at2_L2

PAALALA: Ugaliing sumunod sa ano mang panuto, alituntunin o instruksyon.

SUMMATIVE TEST 2 (URI NG PAGLALAGOM: ABSTRAK)

Panuto: PAGSULAT AT PAGSUSURI NG ELEMENTO NG ABSTRAK :


 Batay sa iyong nagawang pananaliksik sa baitang 11 o sa junior high school sa asignaturang
“Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik” o iba pang
asignatura. Gumawa ng isang abstrak
 Dapat ay makikita ang mga bagay na dapat tandaan at paraan ng pagsulat ng abstrak.
 Suriin ang mga elemento nito. Isulat sa tsart ang sagot.
 Gamitin ang rubrik bilang gabay sa paggawa

Pamantayan sa pagsulat ng abstrak PUNTOS


10 8 4 1
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng
abstrak.
Kompleto ang bahagi ng abstrak na nabuo at nakapagbibigay ng
komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakakasulat ng astrak at sintesis nang maingat, wasto at angkop
ang paggamit ng wika.
Wasto ang mga naitalang impormasyon at angkop ang sintesis na
nabuo at nasusuri ang nagawang abstrak batay sa elemento nito.
Naisusumite ang awtput sa nakatakdang araw ng pagpasa
(Deadline)
Kabuuang puntos
SUMMATIVE TEST 3 (URI NG PAGLALAGOM: SINOPSIS)
Panuto: PANONOOD NG EPISODO SA INTERNET AT PAGBABASA:
 Bago paman ipinapalabas ang mga programang mapapanood sa telebisyon ay mayroon itong mga
sinusunod na babasahin ayon sa pagkasulat ng manunulat nito gaya ng MMK, Magpakailan man, I
witness at iba pa.
 Pumili ng isang panoooring episodo o dokumentaryo sa sumusunod na palabas sa telebisyon o
internet at gumawa ng isang sinopsis batay dito.
 Matapos makagawa ng isang buong sinopsis , sa tulong ng graphic organizer suriin ito ayon sa
bahagi ng ginawang synopsis ng episodo.
 Sundin ang mga paalaala at paraan sa pagsulat at huwag kalimutang ilakip ang sangunian
ng pinagkunan ng impormasyon gaya ng halimbawa sa baba

1. Maalaala Mo Kaya https://www.youtube.com/watch?v=6eSvZR23G7I


2. MagpakailanMan https://www.youtube.com/watch?v=3rDFyzUMZs0
3. Witness Dokumentaryo ni Kara David
https://www.youtube.com/watch?v=3THuUnF2LCY

Pamantayan sa pagsulat ng sinopsis PUNTOS


10 8 4 1
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng
sinopsis
Nasunod ang mga dapat tandan sa pagsulat ng synopsis at
koompleto ang bahagi na nabuo at nakapagbibigay ng
komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakakasulat ng sinopsis nang maingat, wasto at angkop ang
paggamit ng wika.
Wasto ang mga naitalang impormasyon at angkop sa naisulat na
sulatin
Naisusumite ang awtput sa nakatakdang araw ng pagpasa
(Deadline)
Kabuuang puntos
SUMMATIVE TEST 4 (URI NG PAGLALAGOM: BIONOTE)
Panuto: PAKIKIPANAYAM SA GURO

 Kapanayamin /interbyuhin mo ang isa sa iyong mga guro sa Senior High School tungkol sa kanyang
Bionote.
 Maghanda ng mga makabuluhang tanong na may kaugnayan sa kanyang propesyon bilang guro.
 Sundin ang mga pamantayan at wastong pakikipanayam.
 Matapos makuha ang mga impormasyong kinakailngan, gamit ang wastong pagsulat, mga dapat tandan sa
pagsulat at katangian ng bionote ay gawan ang nakapanayam na guro ng isang bionote
 Sikaping lakipan ito ng larawan ng kinakapanayam.
Pamantayan sa pagsulat ng bionote PUNTOS
10 8 4 1
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang at mga dapat
tandan sa pagsulat ng bionote,
Kompleto ang bahagi ng abstrak na nabuo at nakapagbibigay ng
komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakakasulat ng bionote nang maingat, wasto at angkop ang
paggamit ng wika.
Wasto ang mga naitalang impormasyon at mailalahad ang latangian
ng isang bionote .
Naisusumite ang awtput sa nakatakdang araw ng pagpasa
(Deadline)
Kabuuang puntos

You might also like