You are on page 1of 50

Filipino sa Piling Larang-Akademik – Grade 12

Alternative Delivery Mode


Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be necessary
to exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission
to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Module:


Development Team of the Module
Authors: Michelle M. Aguinaldo
Jamela R. Amerol
Authors: MICHELLE M.Myra
AGUINALDO, JAMELA R. AMEROL, MYRA CAPILI
Capili Cuenca
CUENCA, WILMA J. GASAL, CHARITY A. GONZALES, CRISTINE S.
Wilma J. Gasal
MONTERNEL, Charity A. Gonzales
GLENDA J. PARADILLO, MILEN
Cristine S.JOYCE N. TORRES, VANESSA FHER M.
Monternel
TEMPORADA-BLASE Glenda J. Paradillo
Milen Joyce N. Torres
Evaluator: JESUSA V. Vanessa
SULAYAO Fher M. Temporada-Blase
Evaluators: Jesusa V. Sulayao
Illustrator: Jay Michael A. Calipusan
Illustrator:
Management Team:
Layout Artist:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional
Management Team: Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Members: Dr.by
Printed in the Philippines Bienvenido U. Tagolimot, Jr.
Regional ADM Coordinator

Department of Education Elesio M. Maribao
- Alternative Delivery Mode (DepEd-
EPS, Filipino
ADM)

Office Address: Masterson Avenue, Upper Balulang, Zone 1, Cagayan de Oro


Printed in the Philippines by: Cagayan
City, Department
deofOro,
Education – Regional
Lalawigan Office Oriental
ng Misamis 10
Office Address: Zone 1, Upper Balulang Cagayan de Oro City 9000
Telefax:
Telefax: _____________________________________________________
(088) 880-7071, (088) 880-7072
E-mailAddress:
E-mail Address: ________________________________________________
region10@deped.gov.ph

2
Modyul Pagsulat ng Akademikong
3 Sulatin

Alamin

Kumusta na mag-aaral? Sana maganda ang araw mo dahil


sasamahan kita sa iyong pag-aaral. Ang modyul na ito ay sadyang
inilaan para sa iyo. Ngayon ay tutulungan kitang kilalanin ang pagsulat
ng panukalang proyekto, talumpati, katitikang pulong, at replektibong
sanaysay bilang bahagi ng akademikong gawain.
Naghanda ako ng mga aralin at gawain na makatutulong sa iyo
upang lalo mong maintindihan ang paksa. Mayroon din itong mga
pagsasanay upang lalo kang humusay sa pagsulat. Sana ay magiging
maganda ang matagumpay at kasiya-siya ang ating pagsagawa sa
bawat gawain. Galingan mo!

Ang modyul na ito ay naglalaman ng:


Modyul 3.1 - Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Modyul 3.2 - Pagsulat ng Talumpati


Modyul 3.3 - Katitikang Pulong
Modyul 3.4 - Replektibong Sanaysay

Layunin:

Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan


ng mga binasang halimbawa. (CS_FA12PB-Om-o-102

1 58
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin (CS_FA12PT-Om-o-90)
2. Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan ng pinakinggang/binasang halimbawa(CS_FA12PN-0g-i-91)
3. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa
pamamagitan ng mga binasang halimbawa. (CS_FA12PB-0m-o-102)
4. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin. (CS_FA12PT-0m-o-90)
5. Natitiyak ang mga elemento ng paglalahad ng pinanood na episodyo ng isang
programang pampaglalakbay (CS_FA12PD-Om-o-89)
6. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin
(CS_FA12/PU-Op-r-94)

Pangkalahatang Panuto:
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi modyul at sundin ang
mga direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

2 59
Modyul Pagsulat ng Akademikong
3 Sulatin

Alamin

Kumusta na mag-aaral? Sana maganda ang araw mo dahil


sasamahan kita sa iyong pag-aaral. Ang modyul na ito ay sadyang inilaan
para sa iyo. Ngayon ay tutulungan kitang kilalanin ang pagsulat ng
panukalang proyekto, talumpati, katitikang pulong, at replektibong
sanaysay bilang bahagi ng akademikong gawain.

Naghanda ako ng mga aralin at gawain na makatutulong sa iyo


upang lalo mong maintindihan ang paksa. Mayroon din itong mga
pagsasanay upang lalo kang humusay sa pagsulat. Sana ay magiging
maganda ang matagumpay at kasiya-siya ang ating pagsagawa sa bawat
gawain. Galingan mo!

Ang modyul na ito ay naglalaman ng:


Modyul 3.1 - Pagsulat ng Panukalang Proyekto
Modyul 3.2 - Pagsulat ng Talumpati
Modyul 3.3 - Katitikang Pulong

Modyul 3.4 - Replektibong Sanaysay

Layunin:
our text here
1. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa
pamamagitan ng mga binasang halimbawa. (CS_FA11/12PB-Om-o-102)
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin (CS_FA11/12PT-Om-o-90)

3 60
3. Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng
pinakinggang/binasang halimbawa(CS_FA11/12PN-0g-i-91)

Layunin:

1. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa


pamamagitan ng mga binasang halimbawa. (CS_FA11/12PB-Om-o-102)
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin (CS_FA11/12PT-Om-o-90)
3. Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng
pinakinggang/binasang halimbawa(CS_FA11/12PN-0g-i-91)

4 61
MODYUL 3.1: Panukalang Proyekto

Alamin

Nakaranas ka na bang humiling? Marahil ay naranasan mo nang humihiling


na makapunta sa isang lugar, magdiwang ng kaarawan, maisama sa isang lugar o
pagdiriwang, o magawa ang isang bagay. Minsan, humihiling din tayo ng
pagbabago sa ating magulang, kaibigan, paaralan, at pamahalaan. Sa iyong
paghiling umiisip ka ba ng mga pamamaraan upang mahikayat ang kinakausap
upang ikaw ay pakinggan at mapagbigyan? Isa sa mga pamamaraang ito ay ang
pagpapanukala.

Ang araling ito ay tungkol sa panukalang proyekto. Mararanasan mo na


maglahad ng isang panukala para sa paglulunsad ng isang pagbabago.
Matututuhan mo sa araling ito ang mga iba’t ibang bahagi ng panukalang proyekto
at ang mga dapat gawin. Saklaw ng aralin ang pagsulat ng mga bahaging ito.

Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahan na ikaw ay makasusulat o


makagagawa ng isang panukalang proyekto para saiyong paaralan.

Saklaw ng Aralin

 Kahhulugan ng Panukalang Proyekto


 Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto
 Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Subukin

Ang kasunod na Gawain ay paggunita sa mga pinakahuling proyekto sa inyong


paaralan o pamayanan na nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa
maraming tao. Isagawa ang hinihingi ng gawain.

GAWAIN 1 :Tala-Kaalaman
Panuto: Anong pinakahuling proyekto sa inyong paaralan ang iyong natatandaang
nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa maraming tao? Ibahagi o ipahayag

5 62
mo ang ilang mahahalagang bagay hinggil sa nasabing proyekto sa pamamagitan ng
pagkompleto sa Pyramid Diagram (dalawampung (20) puntos).
Pamagat ng Proyekto

Nagpanukala

Lugar kung saan isinagawa

Petsa ng Pagpapatupad

Mga Nagpatupad

Pakinabang ng proyekto

Balikan

Gawain 2
Panuto: Sa unanag modyul ay nahasa ang iyong kakayahan sa paglalagom.
Sa araling ito ay mararanasan mo ang paglalahad ng isang panukala upang makalutas
ng isang suliranin. Subalit, bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral, magbigay ka ng
limang bagay na natutunan mo sa modyul 2.
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________

Tuklasin

Gawain 3.1
Panuto: Tunghayan ang halimbawang ito ng panukalang proyekto. Basahing mabuti
ang teksto

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER


PARA SA BARANGAY BACAO

Mula kay Leah Grace L Delgado


324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Bacao
General Trias, Cavite
Ika-11 ng Disyembre, 2015
Haba ng Panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati

6 63
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan
ng General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayananang agrikultural
bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa


kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito
ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng
pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at mga pananim. Ang
pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-aapaw ng tubig sa ilog na
nanggagaling sa bundok.

Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o


pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito
ay maipapatayo tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga
mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy
na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang
proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng
mga mamamayan.

II. Layunin

Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang


mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan
ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at
hanapbuhay sa susunod na buwan.

III. Plano ng Dapat Gawin

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)


2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa
pagpapagaawa ng breakwater o pader (2 linggo)
 Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang
tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting
plano para rito.

Gawain 3.2
Panuto: Pagkatapos mong napag-aralan ang teksto, isulat ang limang (5) bagay na
natutunan mo mula diro:
1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________
7 64
Suriin

Ano nga ba ang panukalang proyekto?


Panukalang Proyekto

Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO) sa paglikha ng
mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
Kaya ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaingihaharap sa tao o samahang pag-
uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito. Ayon naman kay Besim Nebiu,
may-akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang panukalang
proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong
lumutas ng isang problema o suliranin.
Sa klase, ang panukalang proyekto ay inihahanda upang mabigyan ang guro
ng pagkakataong masukat at masuri ang halaga at pakinabang ng inihahandang
proyekto ng isang mag-aaral o grupo ng mag-aaral. Ang proyekto ay maaaring isang
pana naliksik namay kaugnayan sa agham, humanidades,o agham panlipunan
Mahalagang maging maingat sa papapalano at pagdidisenyo ng panukalang
proyekto. Ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging
sapat na pagsasanay. Una sa lahat, ito ay kailangang maging tapat na dokumneto na
ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat
ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang
pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat
at totoo sa layunin nito.
Mga dapat gawin sa pagsulat ng Panukalang Proyekto
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
Bago lubusang isulat ang panukalang proyekto, kailangang tukuyin ang
pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iyong
project proposal.Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang
proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Ang
pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.
1. Magmamasid sa pamayanan o kompanya. Maaaring magsimula sa
pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
a. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang
solusyon?
b. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan sa nais mong
gawan ng panukalang proyekto?

8 65
2. Mula sa makukuha mong sagot sa mga nakatalang tanong ay makakakuha
ka ng ideya tungkol sa mga suliraning nangangailangan ng agarang
solusyon.
3. Mula sa mga suliraning maitatala ay maitatala mo na rin ang mga posibleng
solusyon upang malutas ang mga nabanggit na suliranin.
Maaaring magkaroon ng maraming solusyon para sa isang suliranin subalit
higit na makabubuti kung magbigay-tuon lamang sa isang solusyon na sa palagay
mo ay higit na mhalagang bigyang-pansin. Dito iikot ang iyong isusulat na
proyekto. Mula rito ay maaari mo nang isulat ang panimula ng iyong panukalang
proyekto kung saan ito ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng pamayanan,
kompanya, o organisasyonng pag-uukulan nito at kung paanong makatutulong sa
kanilang pangangailangan ang panukalang proyektong iyong isasagawa.
Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin na Pagpapahayag ng Suliranin. Tunghayan
at suriin ang halimbawang nakatala sa ibaba.

B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto


Matapos na mailahad ang suliranin ay isunod na gawin ang pinakakatawan ng
sulating ito na binubuo ng layunin, planong dapat gawin, at badyet.
1. Layunin- Sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong makamit o
pinaka-adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak ang layunin at isulat
batay sa mga inaasahang reuslta ng panukalang proyekto at hindi batay sa
kung paano makakamit ang mga resultang ito. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn
Miner (2008), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.
Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang
proyekto
Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
Measurable- may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing
proyekto
Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
Evaluable- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang
buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang
na isasagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano itong mabuti
ayon sa tamang pagkakasunud-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga
taong kakailangin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Dapat maging
makatotohanan.

9 66
Mas makabubuti kung maisasama sa talaakdaan ng gawain ang petsa kung
kalian matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin.
Kung hindi tiyak ang mismong araw na maaaring matapos ang mga ito ay
maaaring ilagay na lamang kahit linggo o buwan. Makatutulong kung gagamit
ng chart o kalendaryo para markahan ang pagsaasagawa ng bawat gawain.
Suriin ang halimbawa sa ibaba.
Badyet- ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet ang isa sa
pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto. Ito ay ang talaan ng mga
gagastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng
badyet ayon sa datos mula sa modyul na may pamagat na “Paghahanda ng isang
Simpleng Proyekto.”(http:eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/)
a. Gawing simple at malinaw ang badyet.
b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito.
c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo.
d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin.

C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito

Ang pag-apruba ng panukalang proyekto ay kadalasang nakasalalay sa


malinaw na pagsasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano
ito makatutulong sa kanila. Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao
o samahang makikinabang sa pagsassakatuparan ng layunin. Maaari ring isama sa
bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito ay
maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang
panukalang proyekto.

Paano nga ba isulat ang balangkas ng Panukalang Proyekto?

Balangkas ng Panukalang Proyekto

Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto ang maaaring


gamitin depende sa may-akda na naghahain nito. Ngunit para sa higit na payak na
balangkas para sa pagsulat ng panukalang proyekto ay maaaring gamitin ang
sumusunod:

1. Pamagat ng Panukalang Proyekto- Kadalasan, ito ay hinango mismo sa


inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala- naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa- o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa
bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaanao katagal gagawin ang
proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin- dio nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
5. Layunin- naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isigawa ang panukala.
10 67
6. Plano ng Dapat Gawin- Dito makikita ang talaan ng pagkakasunud-sunod ng
mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang
petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet- ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng
proyekto.
8. Pakinabang- kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala
kung saan nakasaad dito ang mga makikinabang ng proyekto at benepisyong
makukuha nila mula rito.

Bilang gabay sa pagsulat nito ay tunghayan ang mga halimbawa ng bawat


bahagi ng panukalang inilahad sa nagdaang talakayan.

1. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa


ng breakwater (1 araw)
 Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling
contractor para sa kabatiran ng nakararami.
2. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay
bacao ( 3 buwan)
3. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater Php 3, 200,000.00
batay saisinumite ng napiling contractor
(kasama na rito ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga trabahador)
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20,000.00
pagbabasbas nito
Kabuoang Halaga Php 3, 220,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-


pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa
pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan.
Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan
at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang
pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon ng kapanatagan ang puso ng bawat
isa sa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig
sa ilog sa tulong ng ipapatayong mga pader.

11 68
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng
barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa
tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan ang pagkasira ng
pananim ng mga magsasaka na karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay
ng mga mamamayan nito.
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamamyan ng Barangay Bacao.
Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsislbing proteksiyon sa
panahon ng tag-ulan.

Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang


mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga
mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod
na buwan.

Pagyamanin

Gawain 4
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mahalagang salita/termino sa pagsulat ng
panukalang papel. Isulat ang iyong sagot sa linya.
1. Panukala:
______________________________________________________________
__________________________________________________
2. Panukalang Proyekto:
______________________________________________________________
__________________________________________________
3. Badyet:
______________________________________________________________
__________________________________________________
4. SIMPLE (para sa layunin ayon kay Jeremy at Lynn Miner)
a. Specific:
___________________________________________________
___________________________________________________

Immediate:
___________________________________________________
Measurable:
___________________________________________________
___________________________________________________

12 69
Practical:

Logical:
___________________________________________________
___________________________________________________Evalua
te: ___________________________________________________
___________________________________________________

Isaisip

Gawain 5
Panuto: Basahing mabuti ang talata at alamin ang mga salitang nawawala sa
pahayag. Isulat ang mga salitang ito sa patlang upang mabuo ang ninanais nitong
iparating. Piliin ang mga salita sa loob ng kahon upang makumpleto ang mensahe ng
pangungusap sa loob ng talata.

Ilog o mamamayan sa
Ng aapaw kagamitan
Ng mga sasapit
ng baha mga

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa 1) ____ ay magiging kapaki-


pakinabang sa lahat ng mamayan 2) ____ Barangay Bacao. Ang mga panganib sa
pagkawala 3) ____ buhay dahil sa panganib na dulot ng 4) _____ ay masosolusyunan.
Di na makaranas ang mga 5) ______ ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga 6)
_____ na tunay na nagdudulot ng malaking epekto 7) _____ kanilang pamumuhay.
Higit sa lahat, magkakaroon ng 8) ____ kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing
9) _____ ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad 10) ____ ang tubig sa ilog sa tulong
ng 11) _____ ipapatayong pader.
Tiyaking ligtas ang buhay ng 12) ____ mamamayan ng Barangay Bacao.
Ipagawa ang breakwater 13) ____ pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa
panahon ng tag-ulan.

13 70
Isagawa

Gawain 6
Panuto: Balikan ang halimbawang binasang panukalang proyekto sa aralin at saka
suriin ito batay sa tseklist sa ibaba. Lagyan ng tsek ( √ ) ang nanay sa mukhang
masaya kung nakitang maayos na nasunod nito ang katangiang dapat taglayin ng
bahaging nakatala sa kaliwa at tsek ( √ ) ang mukhang malungkot kung hindi. Sumulat
ng maikling paliwanag tungkol sa napiling sagot.

Bahagi ng Panukalang
Paliwanag
Proyekto

1. Pamagat
2. Pagpapahayag ng
Suliranin
3. Layunin
4. Plano na Dapat Gawin
5. Badyet

6. Pakinabang/Benepisyo

Tayahin

Gawain 7
Panuto: Maghanda ng panukalang proyekto na isusumite sa prinsipal kaugnay sa
proyektong pagpapaunlad ng sariling paaralan. Halimbawa, pagpapanukala ng
recycling center sa paaralan o pagsisimula ng proyektong human library para sa isang
pagdiriwang. Isaalang-alang ang pamantayan sa susunod na pahina sa pagsulat.

Pamantayan Puntos
Nakasulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang 5
panukalang proyekto.
Makatotohanan at katanggap-tanggap ang panukalanag 5
proyektong naisulat
Nakasulat ng panukalang proyektong batay sa maingat, wasto, at 5
angkop na paggamit ng wika
Nasasalamin sa kabuoan ng sulatin ang pagsasaalang-alang ng 5
etika sa binubuong akademikong sulatin.
Kabuuang Puntos 20

14 71
Karagdagang Gawain

Gawain 8
Panuto: Bago mo ipagpatuloy ang susunod na aralin, sagutin mo muna ang
sumusunod na mga katanungan (sampung (10) puntos).

1. Bakit mahalaga ang paggawa ng panukalang proyekto?


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Maaari mo bang maiuugnay ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Binabati kita dahil matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa


modyul na ito. Sa pamamagitan ng mga gawain na iyong naisakatuparan, nagkaroon
ka na nang mas malalim na pag-unawa sa pagsulat ng panukalang proyekto. Walang
dudang isa kang masipag na mag-aaral.

Sanggunian

Julian, A.B. & Lontoc, Nestor S. (2017). Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larang
(Akademik), Quezon Ave, QC: Phoenix Publishing House,Inc.,pp.59-92.

Evasco, Eugene Y. & Ortiz, Will P. (2017). Filipino sa Pagbasa at Pagsulat sa Piling
Larangan (Akademik), EDSA, South Triangle:QC, C&E Publishing,Inc.,pp.39-56.

15 72
MODYUL 3.2: Pagsulat ng Talumpati

Alamin

Nakaririnig ka na ba ng bumibigkas ng talumpati? Tumatak ba sa iyong puso


at isipan ang bawat pahayag na kanilang binibitiwan? Paano kaya ang paghahanda
ng talumpati? Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng talumpati? Ang mga
katanungan na ito ay masasagutan habang pag-aaralan natin ang pagsulat ng
talumpati.

Ang Aralin 2 ay tungkol sa pagsulat ng talumpati. Bahagi rin ng pag-aaral ang


mga uri, layunin at ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati upang
maging mabisa ang pagtatalumpati.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsulat ng isang


talumpating manghihikayat at magbigay impormasyon sa kapwa kabataan upang mas
maging responsable sa pagpapahayag o paggamit ng social media at mga
makabagong teknolohiya batay sa sumusunod na pamantayan: nasusunod ang mga
hakbang, organisado, malikhain at kapani-paniwalang talumpati, wasto at angkop na
paggamit ng wika.

Subukin

Narito ang gawaing makatutulong sa iyo upang masagot ang pokus na tanong
na, Bakit makabuluhan ang pagkakatuto sa pagsulat ng talumpati? Gawin ang mga
sumusunod upang masagot ang mga tanong na ito.

GAWAIN 1: Tala-Kaalaman
Panuto: May kaalaman ka ba tungkol sa talumpati? Ilahad ang iyong kaalaman sa
pamamagitan ng pagpuno sa graphic organizer sa susunod na pahina.

16 73
Pamagat ng Talumpating Alam ko

______________________________________

______________________________________

Iba Pang Bagay na Alam Ko

______________________________________
Talumpati
_____________________________________

Iba Pang Bagay na Alam Ko

______________________________________

_____________________________________

Balikan

Gawain 2
Panuto: Sa unang aralin, natutuhan mo ang pagsulat ng panukalang proyekto bilang
isang akademikong sulatin. Ngayon bago mo sisimulan ang paglalahad ng iyong
opinyon gamit ang talumpati ay itala mo muna sa nakalaang espasyo ang iyong
repleksiyon tungkol sa kahalagahan sa pagsulat ng panukalang proyekto

Nauuunawaan ko na
__________________________________________________________ ____
_________________________________________________________ _____

Napagtanto ko na
__________________________________________________ __
___________________________________________________________________

17 74
Tuklasin

GAWAIN 3: Pag-unawa sa Binasa


Panuto: Narito ang halimbawa ng talumpating isinulat ni Manuel L. Quezon. Basahin
itong mabuti at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang
espasyo.

Mensahe sa Aking Mga Kababayan

Manuel L. Quezon

Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong lagi ninyong tatandaan.
At ito ay: kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang tanging bayan
na ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat ninyo itong ingatan para sa inyong mga
sarili, sa inyong mga anak, at sa mga anak ng inyong anak, hanggang sa
katapusan ng mundo. Kailangan ninyong mabuhay para sa bayan, at kung
kinakailangan, mamatay para sa bayan.

Dakila ang inyong bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan at dakilang


kinabukasan. Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng
buhay at yaman ng inyong mga bayani, martir, at sundalo. Ang Pilipinas ngayon
ay pinararangalan ng taos-pusong pagmamahal ng mga pinunong di makasarili
at may lakas ng loob. Ang Pilipinas ng bukas ay magiging bayan ng kasaganaan,
ng kaligayahan, at ng kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas ang noo sa kanlurang
Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa kanyang kamay ang ilaw ng
kalayaan at demokrasya. Isang republika ng mga mamamayang marangal at may
paninindigan na sabay-sabay nagsisikap mapabuti ang daigdig natin ngayon.

Mula sa Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang (Akademik)2017


1. Tungkol saan ang talumpati?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________________

2. May epekto ba sa iyo ang talumpating iyong binasa? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
_________________________________________________________

18 75
Suriin

Sa nakaraang aralin ay nagagawa mo ang pagsulat ng panukalang proyekto. Paano


mo naman ito ilalahad at ipapahayag sa nakararami?

Magbasa Tayo

Alam mo ba na …

Pagsulat ng Talumpati

Ang pagtatalumpati ay isang paraan sa pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang


pasalitang tungkol sa isang partikular na paksa. Karaniwang isinusulat ito upang
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na
maaaring ipapahayag sa pamamagitan ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad
at pangangatwiran.

Binibigkas ang talumpati sa harap ng tagapakinig batay sa sumusunod na apat na uri:

1. Biglaang Talumpati (Impromptu) – Ipinapahayag ang talumpati na walang


paghahanda o ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.

2. Maluwag (Extemporaneous) – Sa uri na ito ay binibigyan ng ilang minuto ang


mananalumpati sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay.

3. Manuskrito - Pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat dahil ginagamit ito


sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik.

4. Isinaulong Talumpati – Mahusay rin itong pinag-aralan at hinabi nang maayos


bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang kaibahan lang nito sa manuskrito ay
sinasaulo ito at binibigkas ng tagapagsalita.

19 76
Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran – Ang talumpating ito


ay may layuning ipaalam sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o
pangyayari. Mahalagang gumamit ng mga larawan, tsart, dayagram at iba pa na
makatutulong upang maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos
sa pagsulat ng ganitong uri ng talumpati.

2. Talumpating Panlibang – Ang talumpating ito ay may hangarin na magbigay ng


kasiyahan sa mga nakikinig. Kadalasang ginagawa ang ganitong uri ng talumpati
sa mga salo-salo, pagtitipong sosyal at mga pulong ng mga samahan.

3. Talumpating Pampasigla – Pagbibigay inspirasyon sa mga nakikinig ang


layunin ng talumpating ito na karaniwang isinasagawa sa araw ng pagtatapos sa
.
mga paaralan at pamantasan, anibersaryo ng organisasyon at iba pang
pagdiriwang.

44. Talumpating Panghikayat - Pangunahing layunin ng talumpating ito na himukin


ang mga tagapakinig na tanggapin ang posisyon ng mananalumpati sa
pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga ebidensiya. Ilan sa mga halimbawa
nito ay ang sermong naririnig sa mga simbahan, kampanya ng mga politiko,
talumpati sa Kongreso, at maging ang talumpati ng abogado sa panahon ng
paglilitis sa hukuman.

5. Talumpati ng Pagbibigay-galang – Tanggapin ang bagong kasapi ng


kasamahan o organisasyon ang pangunahing layunin ng talumpating ito.

6. Talumpati ng Papuri – Layunin ng talumpating ito na magbigay ng


pagpapahalaga o pagsaludo sa isang tao o samahan.

Mga Dapat isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

A. Uri ng mga Tagapakinig

Mahalagang magkaroon ng impormasyon ang mananalumpati tungkol sa kaalaman,


pangangailangan at interes ng kanyang magiging tagapakinig. Ang ilan sa dapat
mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig (Lorenzo et al.,2002) ay ang
sumusunod:

1. Ang edad o gulang ng mga makikinig


2. Ang bilang ng mga makikinig
3. Kasarian
4. Edukasyon o antas sa lipunan
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig

20 77
B. Tema o Paksang Tatalakayin

Narito ang mga hakbang na maaaring isagawa sa pagsulat ng talumpati.

1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin


2. Pagbuo ng Tesis – Ang tesis ang magsisilbing pangunahing ideya.
3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto

C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati

May tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati (Casanova at


Rubin,2001).
1. Kronolohikal na Hulwaran
2. Topikal na Hulwaran
3. Hulwarang Problema-Solusyon

D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati

Ayon kay Alemitser P. Tumangan, Sr. et al., may-akda ng Retorika sa Kolehiyo, ang
isang talumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong bahagi.
1. Introduksiyon – Mahalaga ang isang mahusay na panimula upang:
a. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig
b. makuha ang kanilang interes at atensiyon
c. maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa
paksa
d. maipaliwanag ang paksa
e. mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
f. maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe

2. Diskusyon o Katawan - Ang kawastuhan, kalinawan at kaakit-akit sa


katawan ng talumpati ay kailangang taglayin nito.

3. Katapusan o Kongklusyon - Nilalagom ang mga patunay at


argumentong inilahad sa katawan ng talumpati sa bahaging ito. Ito rin ay
kalimitang maikli ngunit malaman.

4. Haba ng Talumpati – Ito ay nakasalalay kung ilang minuto o oras


ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito.

21 78
Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto: Naaalala mo pa ba ang iyong binasang talumpati ni Manuel L. Quezon sa
Gawain 2, Pag-unawa sa Binasa? Magsagawa ng pagsusuri dito batay sa gabay na
tanong na makikita sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1. Anong uri ng talumpati ang iyong binasa batay sa layunin at sa hulwaran?


___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

2. Ano ang pangunahing kaisipan o palagay na makuha sa talumpating ito?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

3. Kaagad bang napukaw ng iyong interes sa simula pa lamang ng talumpati?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
5. Makikita ba nito ang katangiang dapat taglayin ng katawan ng talumpati gaya ng
kawastuhan, kalinawan, hindi paligoy-ligoy, at iba pa? Ilahad ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

6. Maayos ba ang pagkakalagom o kongklusyon nito?


___________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

7. Batay sa halimbawang iyong sinuri, masasabi mo bang nakikilala mo na ngayon


ang katangian ng isang mahusay na talumpati? Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________.

22 79
Gawain 4.2

Panuto: Isulat ang mga hakbang na dapat gawin o isaalang-alang sa pagsulat ng


isang talumpati ayon sa paksa o temang tatalakayin. Magbigay ng maikling paliwanag
sa bawat hakbang. Isulat ito sa ladder organizer.

3.

2.

1.

Isaisip

Gawain 5

Panuto: Sa kahon sa ibaba, ipaliwanag kung paano napagtibay ang iyong kaalaman
sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na isinulat
at sa mga talumpating binasa sa araling ito.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________-.

23 80
Isagawa

Gawain 6
Panuto: Magbigay ng dalawang paksang sa palagay mo’y magandang gawan ng
talumpating makatutulong sa kabataang Pilipino sa kasalukuyang henerasyon upang
mas maging responsable sa kanilang pagpapahayag o paggamit sa social media at
mga makabagong teknolohiya. Maglahad ng tigdadalawang paraan kung paano ito
makatutulong sa inyo.
Paksa 1 ______________________________________________________________
______________________________________________________________
______ __
______
______________________________________________________________
______
______________________________________________________________
_

Paksa 2 ______________________________________________________________
______________________________________________________________
______ __
______
______________________________________________________________
______
______________________________________________________________
_

Tayahin

Gawain 7

Panuto: Buoin ang balangkas batay sa mga bagay na dapat isaalang-alang sa


pagsulat ng talumpati.

1. Mga Uri ng mga Tagapakinig


a. _______________________________________________________
b. _______________________________________________________
c. _______________________________________________________
d. _______________________________________________________
e. _______________________________________________________

24 81
2. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
a. _________________________________________________________
b. _________________________________________________________
c. _________________________________________________________

3. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati


a. ______________________________________________________
b. ______________________________________________________
c. ______________________________________________________
d. ____________________________________________________

Karagdagang Gawain

Gawain 8

Panuto: Sumulat ng isang talumpating manghihikayat at magbigay impormasyon sa


kapwa kabataan upang mas maging responsable sa pagpapahayag o paggamit ng
social media at mga makabagong teknolohiya. Gawing gabay ang sumusunod na
pamantayan:

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 5
talumpati
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang 5
talumpati
Nakasusulat ng talumpating batay sa maingat, wasto, at angkop na 5
paggamit ng wika
Nakabubuo ng talumpating may batayang pananaliksik ayon sa 5
pangangailangan.

Malugod kitang binabati sa iyong pagtatapos sa aralin! Maluwalhati mong


natapos ang mga gawaing nakatulong sa iyo upang maipamalas mo ang likas na
galing mo sa pagsulat ng talumpati. Maaari ka nang magpatuloy kung lubos mo nang
nauunawaan ang paksa. Kung may kalituhan sa paksa, maaaring balikan ang modyul
o di kayay magtanong sa guro. Tandaan na ang nagtatanong ay nagpapahayag ng
pagnanais na matuto. Kung malinaw na sa iyo lahat ay maaari ka nang magpatuloy
sa susunod na aralin - ang pagsulat ng katitikang pulong.

25 82
26 83
Modyul 3.3: Katitikan ng Pulong

Alamin

May karanasan ka na bang dumalo sa isang pulong? Kung mayroon man,


maari mo bang ilarawan ang pulong na iyong dinaluhan?
Sa kasalukuyang panahon, ang pagpupulong o miting, lalo na ang business
meeting ay bahagi na ng buhay ng maraming tao. Pangkaraniwang gawain ito ng
bawat samahan, organisasyon, kompanya, paaralan, institusyon at iba pa.
Kadalasang nangyayari ito o nagaganap na pulong sa opisina, lingguhang board
meeting sa kompanya, seminar at maging sa pagdaraos ng malalaking komperensiya.

Subukin

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga sitwasyong ibinigay sa mga letrang A-C na nagpapakita ng
iba’t ibang pagpupulong saka mo sasagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat mo ang
sagot sa nakalaang linya (dalawang (2) puntos bawat bilang).

A. Nag-usap ang dalawang magkakaibigan para sa gagawing ulat mula sa


paksang itinalaga sa kanila ng guro.
B. Nagbigay nang anunsiyo ang guro na magkakaroon ng pagpupulong para sa
mga magulang tungkol sa mga problema ng kani-kanilang anak na may
kaugnayan sa marka at pag-uugali nila sa loob ng klase.
C. Nagkaroon ng pag-uusap ang manager at kaniyang mga manggagawa kung
paano papaunlarin at payayabungin ang kanilang negosyo.

1. Anong mga pagpupulong ang iyong nabasa batay sa sitwasyon sa itaas?


______________________________________________________________
__________________________________________________
2. Sa iyong palagay, anong mga bagay na dapat mong gawin o ihanda bago ang
pulong?
______________________________________________________________
__________________________________________________

27 84
3. May mga bagay na kailangang gawin upang matandaan ang pinag-uusapan
sa pagpupulong, ano ang mga ito?
______________________________________________________________
__________________________________________________

4. May kaalaman ka ba sa paggawa ng adyenda at katitikan ng pulong?


___________________________________________________________________
_________________________________________________________

5. Kung mayroon, ilahad ang iyong nalalaman sa paggawa nito.


___________________________________________________________________
_________________________________________________________

Balikan

Magaling! Binabati kita sa matagumpay mong pagsagawa sa gawain 1.


Ngayon naman, bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa Aralin 3.3 Katitikan ng Pulong,
sukatin ko muna ang iyong kaalaman sa nakaraang aralin 3.2 Pagsulat ng Talumpati.

Gawain 2
Panuto: Magtala ka ng limang (5) natutunan mo sa Talumpati.
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________
3.____________________________________________________________
4.____________________________________________________________
5.____________________________________________________________

Tuklasin

Malaki ang maitutulong ng lahat ng iyong natutunan sa talumpati para sa pag-


aaral ng susunod na aralin, ang katitikan ng pulong. Ang pakikinig o pagsulat ng
talumpati ay katulad ng pakikinig o pagsulat sa isasagawang pulong. Para mas lalo
mong maintindihan ang aralin, sagutin muna ang pokus na tanong-bakit mahalagang
matutuhan ang iba’t ibang uri ng pulong at ang mga bagay na dapat tandaan sa
katitikan ng pulong?

28 85
Gawain 3
Panuto: Iminungkahi kong gawin mo ang mga sumusunod upang masagot ang
tanong sa itaas. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at sagutin ang katanungan sa
linyang nakalaan.

1. May mahahalagang anunsiyo ang guro para sa darating na buwan ng wika at


maraming mga bagay ang dapat ihanda dahil ikaw at kabilang sa opisyales ng
Filipino Club, ano ang iyong gagawin habang ikaw ay nakikinig sa kaniya?
___________________________________________________________________
____________________________________ ___.
2. Malapit na ang inyong depensa sa inyong isinagawang pag-aaral sa panahong
papel kaya kinausap ka ng iyong kaklase para sa mga bagay na dapat ninyong
gawin at kailangang ihanda, ano ang iyong gagawin?
i.
3. Nagmiting ang manager ng inyong kompanya para paunlarin at palawakin pa
ang inyong negosyo, kung ikaw ang kabilang sa mga manggagawa, ano ang
gagawin mo habang nakikinig sa mga sinasabi ng inyong manager?

Suriin

Alam mo ba na …

Ang Katitikan ng Pulong

Mababalewala ang pulong kung hindi maitatala ang mga napag-usapan na o


napagkasunduan. Tinatawag na katitikan ng pulong, ang opisyal na tala ng isang
pulong. Isinagawa ito nang pormal, obhetibo at komprehensibo o nagtataglay ng lahat
ng mahahalagang tinalakay sa pulong. Ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan
ng samahan, kompanya o organisasyong maaaring magamit bilang prima facie
evidence, isang legal na term na ginamit upang sabihin na mayroon kang sapat na
katibayan na mapatunayan ang isang bagay sa pamamagitan ng pagturo sa ilang mga
pangunahing katotohanan ngunit ang iyong patunay ay maaaring tanggihan.
Ang katitikan ng pulong ay may mga bagay na dapat isaalang-alang:

29 86
Ang Mga Mahahalagang Bahagi

1. Heading – Naglalaman ito ng pangalan ng kompanya, samahan,


organisasyon, o kagawaran gayundin ang ang petsa, ang lokasyon, at ang
oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga kalahok o dumalo – Nakasulat dito ang nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong, ang pangalan ng lahat ng mga kasamang mga panauhin at ang
pangalan ng mga liban o hindi nakadalo.
3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong – Nakasulat
dito ang katibayan sa pagbabagong isinagawa sa nakaraang katitikan ng
pulong.
4. Usaping napagkasunduan – tapos o hindi tapos na gawain o
nagawang proyekto - Nakasulat dito ang mahahalagang tala hinggil sa
mga paksang tinalakay gayundin ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu
at ang desisyong nabuo ukol dito.
5. Pabalita o patalastas – Ilagay sa bahaging ito ang iminungkahing adyenda
mula sa mga dumalo para sa susunod na pulong, subalit hindi ito laging
makikita.
6. Iskedyul ng susunod na pulong – Dito nakatala ang petsa o lugar-
ganapan ng pagpupulong.
7. Pagtatapos – Nakasulat dito ang oras ng pagwawakas ng pulong.
8. Lagda – Mahalagang isulat sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha
ng katitikan ng pulong maging ang petsa ng pagsumite.

30 87
Ang Mga Kailangang Gawin sa Pagkuha ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong
na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang mga napag-usapan
sa pulong, sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat lamang ito. Narito
ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga taong kumukuha ng katitikan
ng pulong na hinango mula sa aklat ni Sudpart (2014) na English na Workplace 3. Ang
kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:

1. hindi miyembro sa nasabing pulong


2. nakaupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. may kopya ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4. nakahanda lagi sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
5. pokus lamang sa nakatalang adyenda
6. nagtataglay ng tumpak at kompletong heading
7. irekord ang mga mahahalagang nangyayari
8. itala nang maayos ang mga nangyaring mosyon o pormal na suhestiyon
9. ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan ay nakatala
10. Isaayos agad ang mga datos na naitala ng katitikan pagkatapos ng
pulong.

Ang mga sumusunod ay mga uri ng estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong:

a. Ulat ng Katitikan – Nakatala ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa


pulong kasama na ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay ng
paksa at ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong
isinagawa.
b. Salaysay ng Katitikan –Ang mahahalagang detalye ng pulong ay
isalaysay. Lahat ng mga dokumentong nakatala ay legal.
c. Resolusyon ng Katitikan – Nakatala dito ang mga isyung
napagkasunduan.

Ang Mga Bagay na Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Dawn Rosenberg McKay (, isang editor at may-akda ng The Everything
Practice Interview Book at ng The Everything Get-a-Job, sa pagkuha ng katitikan ng
pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong,
habang isinagawa ang pulong, at pagkatapos ng pulong. Ilan sa mga ito ay makikita
sa kabilang pahina.

31 88
Bago Mangyayari ang Pulong

1. Pagpasiyahan ang paraan ng pagtatala ng katitikan at maaaring gumamit ng


bolpen at papel, laptop, tablet, computer o recorder.
2. Tiyaking ang gagamiting kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon upang
maiwasan ang aberya hanggang matapos ang pulong. Halimbawa, kung ikaw
ay gagamit ng laptop siguraduhing ito ay may sapat na baterya.
3. Gumawa ng outline o balangkas ng katitikan ng pulong. .

Sanggunian

Ailene Baisa-Julian and Nestor S. Lontoc.2016 Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling larang
(Akademik).Quezon City:Phoenix Publishing House

Filipino sa Piling Larang Akademik


Kagamitan ng Mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

32 89
33
90
Susi ng Kasagutan
Gawain 1
20 puntos. Malayang sagot ng mga mag-aaral
Gawain 2
5 puntos. Malayang sagot ng mga mag-aaral
Gawain 3
5 puntos. Malayanga sagot ng mga mag-aaral
Gawain 4
1. Panukala - isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain
para sa isang komunidad o samahan.
2. Panukalang proyekto - nangangahulugang isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaingihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.
3. Badyet- ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng
proyekto.
4. a.Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa
panukalang proyekto
b.Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
c.Measurable- may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing
proyekto
d.Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
e.Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
f.Evaluable- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
Gawain 5
1.ilog 6. kagamitan 11. mga
2.ng 7. sa 12. mga
3.ng 8. mga 13. sa
4.baha 9. sasapit
5.mamamayan 10.aapaw
Gawain 6
6 puntos. Malayang sagot ng mga mag-aaral
Gawain 7
20 puntos. Malayang sagot ng mga mag-aaral
Gawain 8
10 puntos. Malayang sagot ng mga mag-aaral
MODYUL 3.4: Replektibong Sanaysay

Alamin

Ang sanaysay ay isa sa mga akdang pampanitikang madalas ipababasa at


tatalakayin sa paaralan simula nang ikaw ay nasa ikapitong baitang pa lamang
hanggang sa kasalukuyan. Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan ang kasanayan o
kakayahang manindigan sa iyong desisyong ginawa o pinanghahawakang
katotohanan o prinsipyo. Sa araling ito ay iyo namang lubos na matutuhan ang
kakayahang maglahad sa pamamagitan ng pagsulat ng replektibong sanaysay.

Subukin

Gawain 1

Panuto: Isulat ang letrang M kung tama ang pahayag at letrang T naman kung mali.

1. Kadalasang nakabatay sa karanasan ang Replektibong sanaysay kaya


mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
2. Ang mga bagay na naiisip, nararamdaman at pananaw hinggil sa isang
paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito ay
bahagi ng Replektibong Sanaysay.
3. Nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari.
4. Madalas itong gamitin upang mailarawan ang tiyak na bagay, kaisipan, at
pangyayaring nakita o nasaksihan.
5. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang dyurnal at akademik portfolio.

34 91
BALIKAN

Naitatala ang dating kaalaman hinggil sa aralin

Gawin 2

Panuto: Matagumpay ang iyong pagbuo ng sintesis o buod batay sa pulong na


napanood sa nagdaang aralin. Ibigay ang iyong kaalaman hinggil dito.

1. Gaano kahalaga ang pagsulat ng sintesis o buod sa bawat pulong na


dadaluhan?
2. Maari ba nating kapupulatan ng repleksiyon ang bawat Katitikan ng Pulong
na ating naisulat? Ipaliwanag ang sagot.

TUKLASIN

Pag-unawa sa Napakinggan

Gawain 3

Panuto: Pakinggan mo ang awiting pinamagatang “ Kanlungan” ni Noel Cabangon.


Maaaring gamitin ang video na ito: https://www.youtube.com/watch?v=FDuZ_xs7AE.

1. Ano ang ibig sabihin ng “Kanlungan” sa napakinggang awit:


2. Malinaw ba at madaling maunawaan ang ginagawang pagpapaliwanag ng
mga ideya o kaisipan?
3. Anong Antas ng Wika ang ginamit ng may-akda?
4. Mayroon ka bang gusto o nais na balikan sa inyong nakaraan?
5. Maaari bang buoan ng isang sanaysay tungkol sa pagmuni-muni o
repleksiyon ang awiting ito? Ipaliwana

35 92
SURIIN

Marami ka nang sanaysay na nabasa o naisulat mula sa iyong Junior High .


Alin sa mga sanaysay na iyon ang natatandaan o pinakanagustuhan mo? Basahin at
unawaing lubos ang tungkol sa Replektibong Sanaysay.

Replektibong Sanaysay

Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat,
ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasanay na may
kinalaman sa pagsuri o pag-arok sa isip o damdamin (introspection). Pagbabahagi ng
mga bagay na nasa-isip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa.
Maihahalintulad ito sa pagsulat ng dyurnal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala
ng mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari.
Maihahalintulad din ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon
ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay
ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat.

Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University
of Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang
tao mula sa isang karanasan o pangyayari. Ibinabahagi ng sumulat ang kanyang mga
natutuhan at kung paano ito gamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman ay kung paano
pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay. Dahil ito ay
kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa o
pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat. Narito ang halimbawa ng
mga paksa na maaaring gawan ng replektibong sanaysay.

Librong katatapos lamang basahin, katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik,


pagsali sa isang pansibikong gawain, praktikum tungkol sa isang kurso, paglalakbay sa
isang tiyak na lugar, isyu sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, isyung pambansa
at politika, paglutas sa isang mabigat na suliranin, isang natatanging karanasan bilang
mag-aaral, at marami pang iba.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay;

1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng replektibong


sanaysay.
2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin sapagkat ito
ay nagpahiwatig ng personal na karanasan.
3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga
naoobserbahan o katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay higit
na mabisa at epektibo ang pagkakasulat
36 nito. 93
4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa akademikong
sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong
malinaw at madaling mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan
upang maipabatid ang mensahe sa mga mambabasa.
6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at
kongklusyon.
7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Ang Replektibong Sanaysay ay dapat na magtaglay ng introduksiyon, katawan, at


wakas o kongklusyon.Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga
tanong na: ano, paano, at bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang
iyong mga sagot sa loob ng isang pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing tesis o
pangunahing kaisipan na siyang magiging gabay sa iyong pagsulat ng replektibong
sanaysay.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Introduksiyon: siguraduhing ito ay


makapupukaw sa atensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa
pagsulat ng mahusay, gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o Quatation,
tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at
layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng kabuuan ng sanaysay.
Isulat lamang ito sa loob ng isang talata.

Sa pagsulat ng Katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan


tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga obhetibong
datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang
iyong ipaliliwanag at paggamit ng mga mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang
datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga
napagnilay- nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung paano
nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.

Sa pagsulat naman ng Kongklusyon, muling banggitin ang tesis o ang


pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano
mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pagwawakas,
maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man magnilay sa kanilang
buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang
pag-isipan. Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol
sa isang paksa na maaring makapagdulot na maaaring makapagdulot ng epekto o hindi
sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.

Mula sa Pinagyamang

Ailene Baisa – Julian at Nestor B. Lontoc

37 95
PAGYAMANIN

Pag-unawa sa Binasa

Sa ibaba ay tunghayan ang isang halimbawa ng replektibong sanaysay tungkol sa


isang seminar na dinaluhan ng isang guro hinggil sa paksang “Paghahanda at Paghubog sa
mga Mag-aaral I Ika-21 Siglo.”

Replektibong sanaysay patungkol sa dinaluhang seminar hinggil sa paksang


“Paghahanda at Paghubog sa mga Mag-aaral ng Ika-21 Siglo”

“We need to prepare our children for a competitive future ang thefuture is now.” Ito
ang katagang namutawi sa bibig ni Sec. Jesli Lapuz ang dating kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ang masalimuot na bukas na binabanggit dito ay ang mga pagbabagong
nararanasan sa buhay ng mga mag-aaral ng ika-21 siglo dulot ng pagsibol ng
modernisasyon at pagsulpot ng makabagong imbesyiyon dulot ng pagsibol ng
modernisasyon at pagsulpot ng makabagong imbensiyon at teknolohiya. Mahalagang
maunawaan natin ang katangian ng mga kabataang mag-aaral sa kasalukuyan at kung
paano sila huhubugin upang maging handa sa pagharap sa totoong buhay.

Ayon sa seminar na aking dinaluhan, ang 21st century skills na dapat mahubog sa
mga mag-aaral na Pilipino sa kasalukuyang panahon ay may kakayahang panteknolohiya
(technological fluency), komunikasyon (communication), pakikiisa (teamwork), pamumuno
(leadership), at paglutas sa problema (problem solving). Kung ang mga ito ay maituturo
sa mga mag-aaral, maihahanda sila sa pagharap sa totoong buhay lalo na sa larangan ng
pagtatrabaho. Tulad na lang halimbawa ng datos na inilabas ng Department of Labor and
Employment o DOLE, ayon sa kanilang tala, 17.6% ng 29.1% ng walang trabaho sa bansa
noong 2006 ay mga kabataan. Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi sila matanggap
sa trabaho ay dulot ng kakulangan nila ng sapat na kasanayan sa komunikasyon o
pakikipagtalastasan. Sa aking personal na karanasan, ang suliraning ito ay nag-uugat sa
kakulangan ng mga gawaing pagtuturo at pagkatuto sa paaralan na humuhubog sa
kakayahan ng mga mag-aaral na magsalita ng mahusay ito ma’y pasulat o pasalita. Akin
ding napagtanto na mahalagang mataya ang kasanayan ng mga mag-aaral hindi lamang
sa antas ng pagsasaulo ng mga datos o mahahalagang impormasyon sa halip kailangang
magamit nila ito sa totoong buhay ang kanilang mga natutuhan.

Binigyang-pansin din sa seminar na suportahan ang isinusulong na pagbabago ng


pamahalaan sa edukasyon ang paglunsad ng K to 12 Basic Education Program.

38 96
Pangitain at layunin ng programang ito na bawat magtatapos na mag-aaral sa
Senior High School ay magtataglay ng sapat na kakayahang panteknolohiya (technology
skills),
kasanayang pampagkatuto at paglunsod ng pagbabago (learning and innovation skills),
kahusayan sa pakikipagtalastasan (effective communication skills), at kahandaan sa
pagkakaroon ng maayos na buhay at propesyon o trabaho (life and career skills).

Bilang isang guro ng makabagong panahon, mahalagang yakapin ko ang mga


pagbabagong inilulunsad ng ating pamahalaan. Magkaroon ng paradigm shift sa aking
pananaw na ang uri ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay may Malaki nang kaibahan
sa mga mag-aaral sa nakalipas na taon. Napakahalaga na magkaroon ako ng
pagbabago sa paraan ng aking pagtuturo upang makamit ang layuning ito ng ating
. gobyerno. Maging guro na huhubog sa mga kabataang magiging handa sa pagharap sa
masalimuot na buhay sa mundo.

Tunay na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang isa sa mga
bumubuo ng malaking bahagdan ng ating populasyon. Higit sa lahat, sila ang
sumusunod na lider ng ating bansa at magtataguyod sa kaunlaran ng ating Inang Bayan.
Taglay ang 21st century skills ng mga kabataang ito, tulungan at hubugin natin sila.
Tayong mga guro, magulang, at mga nakakatanda ang magsisilbing gabay sa paghubog
sa kanilang pagkatao. Ihanda natin sila sa pagharap sa totoong buhay.

Mula sa Pinagyamang Pluma


Isinulat ni: Nestor S. Lontoc

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasa

Gawain 4.1

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. Nagtataglay ba ito ng isang tiyak na paksa o tesis na iniikutan ng tiyak ba ng


nilalaman ng Replektibong Sanaysay.
2. Ano ang Panauhan ang ginamit ng may-akda? Magbanggit ng halimbawa na
napapansin mo sa iyong binasa
3. Sa personal na karanasan ba ito nakabatay at nagtataglay rin ba ito ng
patunay o ebidensiya upang maging mabisa at epektibo? Patunayan ang
sagot.
4. Gumamit ba ng mga salitang pormal ang sanaysay na ito?
5. Sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan. Ito ba ay malinaw at madaling
mauunawaan?
6. Nakasunod ba sa tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay:
Introduksiyon, katawan, at kongklusyon?
7. Naging lohikal ba at organisado ang pagkakasulat ng mga talata?

39 97
Gawain 4.2

Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan, mga dapat isaalang-alang, at hakbang sa


pagsulat ng Replektibong Sanaysay.

MGA DAPAT
ISAALANG- MGA HAKBANG
REPLEKTIBONG ALANG SA SA PAGSULAT
SANAYSAY PAGSULAT NG NG LAKBAY
REPLEKTIBONG SANAYSAY
SANAYSAY

Gawain 4.3

Panuto: Ibigay ang hinihinging kasagutan sa sumusunod na tanong

1. Bilang mag-aaral na katulad mo bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat


ng replektibong sanaysay?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

40 98
ISAISIP

Gawain 5

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang replektibong sanaysay? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng
sanaysay?_____________________________________________
2. Isa-isahin ang mga paksang maaaring gawan ng replektibong sanaysay.
Alin sa mga ito ang mga sa palagay mo’y madali mong magagawan ng
sariling replektibong sanaysay?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Bakit kailangang gumamit ng pormal na salita sa pagsulat ng replektibong
sanaysay?
______________________________________________________________

ISAGAWA

Nakapagpapahayag ng pagsusuri sa sarili

Gawain 6

Panuto: Ayon kay Socrates na isang kilalang Pilosopo, ang pangunahing daan upang
maging matagumpay sa buhay ay ang makilala ang sarili (“Know thyself”). Magbanggit
ng mga paraan kung paanong lalo pang mahuhubog sa mga kabataang tulad mo ang
mga nasabing kasanayan

Pagsusuri sa Sarili: Mga Hakbang


Kung Paano
Lalong Mahu-
Hubog ang
Sarili:

41 100
TAYAHIN

Gawain 7

Panuto: Kompletuhin ang balangkas sa pamamagitan ng pagtatala ng mahalagang


detalyeng kinakailangan para rito.

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

A. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat

1. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
3. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
4. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
5. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
6. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
7. ________________________________________________________
________________________________________________________

B. Mga Hakbang sa Pagsulat

1. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

3. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

42 101
KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 8

Panuto: Sumulat ng Replektibong sanaysay batay sa napili mong paksa sa

ibaba. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsulat.


 Librong o palabas katatapos mo pa lamang basahin
 Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
 Pagsali sa isang pansibikong gawain
 Praktikum tungkol sa isang kurso
 Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral

Pamantayan Puntos

Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang ng 5


replektibong sanaysay.

Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- 5


paniwalang sulatin na replektibong sanaysay

Nakakasulat ng replektibong sanaysay batay sa maingat, 5


wasto, at angkop na paggamit ng wika

May isang tiyak na paksa ang replektibong sanaysay na 5


nabuo.

20

Tanggapin mo ang taos puso kong pagbati. Nalampasan mo nang


matiwasay ang mga yugto ng pagkatuto sa lahat ng aralin sa modyul 3. Napakagaling.

43 102
103 44
text
Susi ng Pagwawasto
Gawain1. 1-5 K
Gawain 2. Malayang Sagot
Gawain 3. Malayang Sagot
Gawain 4.1 hanggang Gawain 6: Malayang Sagot
Gawain 7: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
A. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat
1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng
replektibong sanaysay.
2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin
sapagkat ito ay nagpahiwatig ng personal na karanasan.
3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga
naoobserbahan o katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay
higit na mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa
akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong
malinaw at madaling mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o
kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga mambabasa.
6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan,
at kongklusyon.
7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata.
B. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
1. Introduksiyon
2. Katawan
3. Kongklusiyon
Sanggunian:

 Julian A.B. at N.S. Lontoc (2016). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino sa


Piling Larang (Akademiks). Quezon City, Phoenix Publishing House Inc.
(pahina 26-28)

Internet Sites:

 https://www.youtube.com/watch?v=FDuZ_xs7AE.

45 104
OPEN HIGH SCHOOL PROGRAM FOR SENIOR HIGH SCHOOL
TABLE OF SPECIFICATION
Grade: 12 Subject: Filipino sa Piling Larangan Grading Period: 1st Date:

Possible Levels of Difficulty (encode the item number)


Encode the Number of Easy (60%) Average (30%) Difficulty
Encode
NUMBER Items per
the
OF Competenc Encode ITEM
Encode the LEARNING COMPETENCIES NUMBE Reme Under-
CONTACT y (Note: NUMBER Appl- Analy- Evalu Creat- Total
R OF mberin stan-
DAYS/ Check the ying zing a-ting ing
ITEMS g ding
HOURS total no. of
items)
Nabibigyang-kahulugan ang 6 3 1
1 akademikong pagsulat 4 10 10 I.1-10 10
(CS_FA11/12PB-Oa-c-101)
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong 6 3 1
I.11,12,13,15,
sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c)
2 4 10 10 16,21,22,24, 10
Katangian (d)Anyo
25,27
(CS_FA11/12PN-Oa-c-90)
Nakapagsasagawa ng panimulang 6 3 1

46
pananaliksik kaugnay ng kahulugan, I. 14,17,18,19,
3 kalikasan, at katangian ng iba't ibang 4 10 10 20, 23,26,28, 10
anyo ng sulating akademiko 29,30,
(CS_FA12EP-Oa-c-39)
Naisasagawa nang mataman ang mga 6 3 1
hakbang sa pagsulat ng mga piniling
4 4 10 10 II.31-40 10
akademikong sulatin
(CS_FA11/12PU-0d-f-92)
Nakasusunod sa istilo at teknikal na 6 3 1
5 pangangailangan ng akademikong 4 10 10 III.41-50 10
sulatin (CS_FA12PU-0d-f-93)
Total 20 50 50
Encode the Total Number of Contact
20 50
Hours /Days
Pls Check
the
Encode the Total Number of Items 50 Possible
Number of
Items
OPEN HIGH SCHOOL PROGRAM FOR SENIOR HIGH SCHOOL
TABLE OF SPECIFICATION
Grade: 12 Subject: Filipino sa Piling Larangan Grading Period: 2nd Date:
Possible Levels of Difficulty (encode the item number)
Encode the Number of Easy (60%) Average (30%) Difficulty
Encode
NUMBER Items per
the
OF Competenc Encode ITEM
Encode the LEARNING COMPETENCIES NUMBE Reme Under-
CONTACT y (Note: NUMBER Appl- Analy- Evalu Creat- Total
R OF mberin stan-
DAYS/ Check the ying zing a-ting ing
ITEMS g ding
HOURS total no. of
items)
Napagtitibay ang natamong kasanayan 7 3 1
sa pagsulat ng talumpati sa
1 8 20 11 B.6-16 11
pamamagitan ng pinakinggang/binasang
halimbawa (CS_FA/12PN-0g-i-91)
Nabibigyang-kahulugan ang mga 3 2 1
terminong akademiko na may kaugnayan
2 4 10 5 A.1-5 5
sa piniling sulatin(CS_FA/12PB-0m-o-
102)
Nakikilala ang mga katangian ng 4 2 1
mahusay na sulating akademiko sa
3 4 10 7 C.17-23 7

47
pamamagitan ng mga binasang
halimbawa(CS_FA/12PB-0m-o-102)
Natitiyak ang mga elemento ng 4 2 1
paglalahad ng pinanood na episodyo ng
4 4 10 6 D.24-29 6
isang programang
pampaglalakbay(CS_FA/12PD-0m-o-89)
Nakasusulat ng organisado, malikhain at 7 3 1
5 kapani-paniwalang sulatin (CS_FA/12PU- 6 15 11 E. 30-40 11
0p-r-94)
Nakabubuo ng sulating may batayang 6 3 1
pananaliksik ayon sa pangangailangan
6 15 10 II.41-50 10
(CS_FA/12PU-0p-r-95)
Total 32 50 50
Encode the Total Number of Contact
32 1
Hours /Days
Pls Check
the
Encode the Total Number of Items 50 Possible
Number of
Items

You might also like