Labis ang aking kagalakan sa tagumpay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika
ngayong taong kasalukuyan.
Ang akin pong taos-pusong pasasalamat sa aming Nanunuparang Katuwang
na Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan, Nanunuparang Tagapamanihala Opisina ng Punong Pampaaralang Namamahala sa Operasyon, Dr. Jerry Dimla Cruz, CESE sa inyong hindi mapapantayang suporta sa Departamento ng Filipino na naging susi ng tagumpay ng gawaing ito.
Nais ko ring bigyang pagpupugay ang lahat ng guro sa aming departamento na
naging tulay upang maihatid sa mga mag-aaral ng ating sintang paaralan ang mga gawaing magiging daan ng tagumpay sa paglinang ng kasanayan at kakayahan na makapag-aangat ng kamalayan ng mga mag-aaral ukol sa wika at kasaysayan nito.
At lalong higit, nais kong ipahatid sa mga mag-aaral na nakiisa sa pagdiriwang
na ito ang aking kagalakan at pasasalamat na bagaman tayo ay nasa panahon ng pandemya ay patuloy pa rin ang inyong suporta at pakikiisa sa mga gawain ng paaralan. Lubos ang paghanga naming sa inyong lahat sa ibinahagi ninyong talento sa pamamagitan ng paglahok sa iba’t ibang patimpalak sa selebrasyon ng Buwan ng Wika.
Muli, atin pong iangat ang ating kamalayan ukol sa ating wika. Atin itong gamitin at pagyamanin.