You are on page 1of 2

1.

Magbigay ng 5 kapatid ni Jose Rizal at ilarawan mo ang kanilang naging buhay sa


maikling pananalita.
1.1 Saturnina Rizal y Alonso Quintos “Neneng” Mercado Hidalgo – Siya ang panganay sa kanilang
magkakapatid na Ikinasal kay Manuel T. Hidalgo na taga Tanawan, Batangas.
1.2 Paciano Rizal Mercado y Alonso Realonda – Isa siya sa mga nakakantandang kapatid ni Jose Rizal
na kinilala bilang kaniyang tagapayo. Siya rin ay isang rebolusyonaryong Pilipino na namuno ng
pwersang militar sa Laguna noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
1.3 Paciano Rizal Mercado y Alonso Realonda - Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal at kinikilala
bilang pinakamatulungin sa kanilang pamilya. Isa sa mga mahalagang ginampanan niya sa pagkamatay
ni Jose Rizal ay ang paghahanap ng lugar kung saan ito inilibing sapagkat ang labi ng kaniyang kapatid
ay walang kahon at pangalan para pagkakilanlan.
1.4 Concepcion Rizal – Siya ay kilala bilang “Concha” at pangwalo sa magkakapatid. Siya ay namatay
sa edad na tatlo dahil sa malubhang sakit.
1.5 Trinidad Rizal Mercado y Alonso Realonda – Siya ang ikasampu sa kanilang mga magkakapatid at
kilala bilang “Trinidad Rizal”. Siya ang katiwala ng pinakasikat na tula ni Jose Rizal.

2. Magbigay ng 5 lungsod na pinasyalan ni Jose Rizal at ang kanyang karanasan bilang


mag-aaral/iskolar sa bawat isa.

1.1 Mexico City (Academy of San Carlos) – Nag-aral dito si Jose Rizal ng pagpipinta at paguukit at
kumuha ng mga aralin patungkol sa iba’t-ibang lengguwahe gaya ng French, German at Ingles.
1.2 Madrid, Spain (Universidad Central de Madrid) – Nagpatala si Jose Rizal ng dalawang kurso sa
Uniberisdad na ito na binubuo ng Medisina at Pagsulat at Pilosopiya. Dito, natuto siyang magbadyet ng
kaniyang pera at naging masinop sa buhay.
1.3 Madrid, Spain (Facultad de Medicina, Universidad de Madrid) – Dito nag-aral ng medisina si Jose
Rizal ng dalawang taon. Ngunit, makalipas ng ilang taon Nawala ang kaniyang interest sa medisina at
kumuha ng ibang kurso gaya ng pagpipinta.
1.4 Madrid, Spain (Real Academia de Bellas Artes de San Fernando) – Pagkatapos ng pag-aaral ni Jose
Rizal ng Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, siya ay kumuha ng aralin sa pagpipinta.
1.5 Madrid, Spain (Ateneo de Madrid) – Sa unibersidad na ito nahubog ang ibang talent ni Jose Rizal.
Siya ay dumadalo sa mga dulaang presentasyon, musika, tula at paglulunsad ng mga libro.

3. Magbigay ng 5 mga dayuhang dalubhasa/iskolar na nakasalamuha ni Jose Rizal at ang


kanilang pinagkadalubhasaan.

1.1 Marquez de Busto – Isa siya sa kilalang propesor si Jose Rizal sa Universidad de Madrid. Siya ang
nagturo ng medisina sa loob ng dalawang taon kay Jose Rizal.
1.2 Dr. Louis de Weckert – Si Jose Rizal ay naging mag-aaral at katulong sa kaniyang Klinika. Kilala si
Dr. Louis de Weckert sapagkat maraming duling na mata ang kaniyang naituwid.
1.3 Ferdinand blumentritt – Siya ay isa sa mga nagging pinakamalapit na tao kay Jose Rizal at lubos
siyang pinagkakatiwalaan nito. Ang tawagan nila sa isa’t isa ay “Mein
Bruder” na ang ibig sabihan ay kapatid ko. Kinilala din siya bilang pinakamagaling na eksperto sa
Pilipinas
sa Europa noon.
1.4 Dr. Adolph B. Meyer. – Taong 1886 pumunta si Jose Rizal sa Dresden at dito niya nakilala si Dr.
Adolph B. Meyer. Siya ay kilala bilang Patnugot ng Museo sa “Anthropology” at “Ethnology”.
Dalawang araw lang nanatili si Rizal sa lungsod at agad din umalis papuntang berlin.
1.5 Tetcho Suehiro – Siya ay isang mamamahayag,nobelista at tagapagtanggol ng karapatang pantao sa
Hapon. Nagkakilala sila ni Jose Rizal sa barko tungo sa Estados Unidos.

4. Magbigay ng 5 pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere at ang kanilang ginampanan sa


nasabing nobela.

1.1 Maria Clara - kababata at babaeng minamahal ni Ibarra. Noong nalaman niyang patay na si Ibarra ay
tinakot niya si Padre Damaso na hayaan na lamang siyang magmadre para makalimutan ang sinapit ni
Ibarra kundi magpapakamatay siya.
1.2 Ibarra - mayamang binata na may lahing Espanyol at Filipino na kadadating lang galing sa Europa.
Pagkatapos niyang pumunta sa isang pagsasalo sa pagdating niya sa Pilipinas ay pinuntahan niya si
Maria Clara at nag-usap sila tungkol sa kanilang pag-ibig sa isa't isa.
1.3 Padre Damaso - pari na naninirahan sa Pilipinas na may pagka-arogante. Siya ang nagnanais na
magpakasal si Maria Clara kay Linares kaya siya ang nag-ayos sa kasalang ito.
1.4 Sisa - ina ni Basilio at Crispin. Noong nawala ang mga anak niya ay nawala siya sa katinuan. Pagala-
gala siya at hinahanap ang mga ito.
1.5 Crispin at Basilio - magkapatid na anak ni Sisa. Sila ay mga sakristan. Noong paparusahan na sila ay
nakatakas si Basilio ngunit sa kasamaang palad hindi nakatakas si Crispin.

5. Habang nasa Dapitan bilang isang destierong walang taning magbigay ka ng 5 kasanayan na ipinakita ni
Jose Rizal na naging kapaki-pakinabang.

1.1 Manggagamot – Si Jose Rizal ay nagbigay ng libreng gamot sa mga mahihirap.


1.2 Inhinyero – Si Jose Rizal ay may titulo na Perito Agrimensor o Expert Serveyor. Dito, nagpatupad
siya ng mga proyekto gaya ng sistemang patubig, liwanag gamit ang langis ng niyog at iba pa.
1.3 Guro – Nagkaroon si Jose Rizal ng dalawampu't isa estudyante at tinuruan niya ito magbasa,
magsulat, mga wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industrial, kalikasan, mga moral at
gymnastics.
1.4 Magsasaka – Bumili ng mga lupa si Jose Rizal at nag tanim ng mga kakaw, kape, tubo, niyog at mga
punong namumunga.
1.5 Negosyante – Nakipagsosyo si Jose Rizal kay Ramon Carreon sa industriya ng pangingisda at abaka.
Nakapagpatayo din siya ng pagawaan ng apog o limestone at itinayo din niya ang Asosasyong
Kooperatiba ng mga magsasaka ng Dapitan.

You might also like