You are on page 1of 2

Paunang Pagsusulit (Prelim)

Sa Filipino 1

Panuto: Ibigay ang hihinging kasagutan ayon sa pangangailangan

1. Kahulugan ng Wika
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito
ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig,
depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang
mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na
lingguwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula
naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag
ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang
lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit
ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" -
sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o
ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
2. Ano ang barayasyon ng wika
sa wika, ang pagkakaroon ng pagkakaiba ng mga wika ay tinatawag na barayti ng wika.
3. Ibigay ang nakapaloob sa bawat isa.
a. Register
Register ang tawa sa ganitong uri ng mga termino. Tinatawag ang mga espesyalisadong
termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng bat ibang
kahulugan sa ibat ibang larangan o disiplina.
b. Mode
Paraan kung paano isinsagawa ang uri ng komunikasyon.
c. Istilo
Ang istilo ay bahagi ng varayti ng wika, ito ay maaaring pormal o di-pormal,
isinasaalang-alang dito ang edad, seks, o kasarian, uri ng trabaho. Ikinakonsidera rin
ang uri ng okasyon, lugar, paksa, relasyon ng tagapasgsalita sa kinakausap at ang
layunin ng pag-uusap.
4. 2 Antas ng Wika
1. Pormal
a. Pambansa
b. Pampanitikan
2. Di-pormal
a. Lalawiganin
b. Balbal
c. Kolokyal

5. Bigyan ng mga halimbawa


TAGALOG
1. Duyog
2. Anluwage
3. Durungawon
4. Sapantaha
5. Kalupi
6. Alimusom
7. Salipawpaw
8. Payneta
9. Batalan
10. Tampalasan
LALAWIGANIN
1. Ditse
2. Sangko
3. Pasanin
4. Talukbong
5. Bahay
6. Burog
7. Dakula
8. Sadit
9. Kinalas
10. Isog
KOLOKYAL
1. Mayroon
2. Dalawa
3. Diyan
4. Kwarta
5. Nasaan
6. Paano
7. Kalian
8. Puwede
9. Pahinge
10. Naroon
BALBAL
1. Adiktus
2. Cherva
3. Chikadora
4. Da who
5. Deadma
6. Intrig
7. Ishogo
8. Junakis
9. Lafang
10. Starlet

You might also like