You are on page 1of 24

4

SINING
Unang Markahan–Modyul 3:
PAGGUHIT
Sining – ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 3: Pagguhit
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rhea B. Javier, Annabelle D. Cortez
Editor: Sharon Y. Somera, Joede Oliver B. Mabalot
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Napoleon G. Comicho, Rolex H. Lotilla, Arvin M. Tejada
Tagaguhit: Rhea B. Javier, Annabelle D. Cortez
Tagalapat: Arianne N. Tagolino
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE - Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero EdD, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag Jr. - REPS, MAPEH
Belen L. Fajemolin PhD - CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – Division EPS In Charge of LRMS
Bernadita M. Villano – ADM Coordinator
Napoleon G. Comicho – EPS, MAPEH Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Name of Division ADM Coordinator
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

SINING
Unang Markahan – Modyul 3:
PAGGUHIT
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Sining IV ng Self-
Learning Module (SLM) para sa araling Pagguhit !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Sining at IV ng Self-Learning


Module (SLM) ukol sa Pagguhit !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin
mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
Subukin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
Balikan
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
Tuklasin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

iii
Binubuo ito ng mga gawaing para
Pagyamanin
sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan
Isaisip
o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka


ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

v
Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipagmamalaki mo ang mga


disenyo sa kultural na pamayanan ng Luzon, Visayas at Mindanao
at pagtangkilik sa kanilang mga disenyo. Layunin nitong
makapagpapakita ang mga mag-aaral ng paglikha ng mga disenyo
ng Luzon, Visayas at Mindanao at pagtugon sa mga gawain.

Ang modyul na ito ay:


 Aralin 3 – Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa
Mindanao
Ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang kahalagahan ng mga kultural na komunidad
sa Mindanao at ang kanilang pagkakaiba sa pananamit,
palamuti sa katawan at paraan ng pamumuhay;

2. Nailalarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan sa


Mindanao ayon sa uri ng kanilang pananamit, palamuti sa
katawan at kaugalian tulad ng Ifugao, Kalinga at Gaddang;
at

3. Nakalilikha ng isang sining na ginagamitan ng mga disenyo


ng Mindanao

1
Aralin
Mga Disenyo sa Kultural na
3 Pamayanan sa Mindanao
Marami sa katutubong disenyo sa bansa ay malikhaing gawa ng
mga kultural na pamayanan sa Mindanao. Kilala silang mga
dalubhasa sa paggawa nito. Ilan sa kanilang mga gawa ay ang mga
damit, banig, hikaw, kuwintas, maliliit na kampanilya, placemat,
table runner, wall décor at marami pang iba. Lahat ng mga ito ay
ginamitan ng iba’t ibang hugis, kulay at linya.

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

______1. Sila ay gumagawa ng tela para sa mga damit mula sa


t’nalak na hinahabi mula sa mga hibla ng abaka.
A. Yakan C. T’boli
B. Tausug D. Maranao

______2. Anong pangkat-etniko ang kilala sa mga makukulay na


bangka na kung tawagin ay “Vinta”. Karaniwan silang nakatira sa
tabing dagat sa mga bahay na kung tawagin ay “house on stilts” o
kaya sa mismong bangka o “boat houses”.
A. T’boli C. Badjao
B. Tausug D. Maranao

______3. Sila ang itinuring na pangunahing pangkat ng mga


Muslim sa Basilan.
A. Bagobo C. Maranao
B. B’laan D. Yakan

2
______4. Sila ay kilala sa kanilang katapangan sa pakikidigma.
Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat
para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya.
A. Badjao C. Tiruray
B. Tausug D. T’boli

______5.Kilala sa paglalala na ginagamitan nila ng mga halaman


at prutas tulad ng pinya at abaka.
A. Bagobo C. Maranao
B. B’laan D. Yakan

______6. Paano natin pahahalagahan ang mga katutubong


disenyo na gawa ng ating mga ninuno?
A. Ilagay sa isang museo ang mga kagamitan o
kasuotan na gawa ng ating mga katutubo.
B. Itago na lamang ang mga ito para walang
makinabang.
C. Itapon na lamang ito sa basurahan.
D. Ipagbili ang mga bagay na ito.

______7. Sila ay isa sa mga pinakamatandang tribo sa ating bansa.


A. B’laan B. Manobo C. Tausug D. Yakan

______8. Isa sila sa pinakamakulay at kakaibang tribu.


A. Manobo B. Badjao C. B’laan D. T’boli

______9. Saan matatagpuan ang mga T’boli?


A. Marawi C. South Cotabato
B. Tawi-Taw D. North Cotabato

______10. Saan matatagpuan ang mga Subanon?


A. Zamboanga C. Marawi
B. Cotabato D. Lanao Del Sur

3
Balikan

Gawain 1

Suriin ang mga sumusunod na larawan ng iba’t ibang


katutubong disenyo na gawa ng mga pangkat-etniko sa
Mindanao.

Yakan Tausug Bagobo Maranao

T’ boli Badjao B’ laan Tausug

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang


Patnubay ng Guro (pp.202). Pasig City: Department of Education

Sagutin:
1. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawang ipinakita?
Magbigay ng kanilang pagkakaiba.

2. Anu-ano ang mga hugis, linya, at kulay na ginamit ng bawat


pangkat-etniko sa kanilang pananamit at kagamitan?

3. Nagpapakita ba ito ng iba’t ibang hugis, linya, at kulay?

4
Tuklasin

Gawain 2
Iguhit ang napiling disenyo ng kultural na pamayanan ng
Mindanao.

Mga Tala para sa Guro

 Ang mga Badjao o kilala bilang mga “Sea


Gypsies” o mga taong pagala-gala hindi sa
lupa kundi sa karagatan.
 Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng
Lawa ng Lanao, Lanao del Sur, Lanao del
Norte, Lungsod ng Marawi, at Lungsod ng
Iligan.
 Ang mga T’boli ay matatagpuan sa South
Cotabato.

5
Suriin

Sagutin:
1.) Ano ang iyong nararamdaman sa gawaing ginawa?

Ang mga Badjao o kilala bilang mga “Sea Gypsies” o mga


taong pagala-gala hindi sa lupa kundi sa karagatan. Karaniwan
silang matatagpuan sa mga Karagatan ng Celebes at Sulu sa
Katimugang bahagi ng Pilipinas. Ang mga probinsiya ng Tawi-
Tawi, Sulu, Basilan at Zamboanga ay may pinakamaraming
populasyon ng mga Badjao sa Pilipinas.

Kilala sila sa mga makukulay na bangka na


kung tawagin ay “Vinta”. Karaniwan silang
nakatira sa tabing dagat sa mga bahay na kung
tawagin ay “house on stilts” o kaya sa mismong
bangka o “boat houses”. Kilala sila bilang
magagaling na mangingisda at mga maninisid sa
karagatan. Kakaiba ang kaugnayan ng kanilang
buhay sa karagatan. Meron silang kaugalian kung saan itinatapon
sa dagat at bagong silang na sanggol at sasagipin naman ng mga
matatanda sa tribu. Karamihan sa mga Badjao ay
nananampalataya sa Islam.

https://images.app.goo.gl/TZzL4vA53YUracc5A

Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao,


Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi, at Lungsod
ng Iligan. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang

6
disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit,
damit, at banig, at sa kanilang mga kagamitang
gawa sa tanso.

https://images.app.goo.gl/SxZvi9wEEattTq1h7

Ang mga T’boli ay matatagpuan sa South


Cotabato. Gumagawa sila ng tela para sa damit
mula sa t’nalak na hinahabi mula sa hibla ng
abaka. Nagpapahid sila ng pulut-pukyutan sa
mukha, nagsusuot din sila ng maraming hikaw,
kwintas, maliliit na kampanilya, at binurdahang
damit.

https://images.app.goo.gl/NmiRS4qtxRvUCBPX9

Ang mga Yakan ay ang pangunahing


pangkat ng mga Muslim sa Basilan. Sila ay
kilala sa paglalala, na ginagamitan nila ng mga
halaman at prutas tulad ng pinya at abaka.
Gumagamit din sila ng mga dagta ng dahon,
ugat at sanga, bilang pangkulay. Sila rin ay
nagtitina ng mga hibla na may iba’t ibang kulay
at disenyo. Lahat ng mga gawang tela ng mga
Yakan ay may kakaibang disenyo at kulay tulad ng table runner,
placemat, wall décor, at iba pa. Lahat ng mga ito ay ginamitan ng
iba’t ibang hugis, kulay at linya.

https://images.app.goo.gl/DPnBPNn7kXvJY96f7

Ang mga Tausug o Suluk ay isang


pangkat-etniko sa Pilipinas. Ang katawagang
Tausug ay nagmula sa mga salitang Tau Sūg
na nangangahulugang "mga tao ng agos"
(Ingles: "people of the current"), na tumutukoy
sa kanilang lupang tinubuan sa Kapuluan ng

7
Sulu, na dating ipinamalas ang kanilang
kapangyarian sa pook na sa ngayon ay
binubuo ng mga lalawigan ng Basilan, Sulu, at
Tawi-Tawi.

https://images.app.goo.gl/cxx2ChAoq5gQunBc6

Ang mga B'laan ay isa sa pinakamakulay


at kakaibang tribu sa Mindanao. Sila ay mga
katutubong mamamayan ng Southern
Mindanao sa Pilipinas. Ang B'laan ay
kapitbahay ng T'boli, at naninirahan sa Lake
Sebu at munisipyo ng South Cotabato,
Sarangani, General Santos City, dakong timog-
silangang bahagi ng Davao at sa paligid ng Lake
Buluan sa North Cotabato. Ang mga ito ay sikat para sa kanilang
brassworks, beadwork at paghahabi ng Tabih.

https://images.app.goo.gl/agXw175JLyjKHeXw8

Ang mga Manobo ay isa sa mga


pinakamatandang tribo ng ating bansa na
dapat na ipagmalaki sapagkat mayaman
ang kanilang kultura na sana'y naipasa sa
bawat Pilipino. Ang nasabing tribo ay
tubong Agusan, isang lalawigan sa
Mindanao, ito'y ayon sa aming naka-usap
na isang tubong Agusan at kung maniniwala kayo ay isang
Manobo. Ayon din sa kanya napakarami nilang mga Manobo at
sila'y naninirahan sa iba't-ibang kabukiran sa Agusan.

https://images.app.goo.gl/38BghigVsSpxnKDL9

8
Ang mga Subanon, na tinawag rin
minsan na Subanen, ay matatagpuan sa mga
probinsya ng Zamboanga isla ng Mindanao sa
Pilipinas. Ang kanilang pinakahanapbuhay
ay ang pagtotoroso at pagsasaka tulad ng
palay, bigas, mais at niyog. Ang iba sa kanila
ay nakatira sa may tabing-dagat at natutong
mangisda at magkalakal. Ang kanilang relihiyon ay tradisyunal
na nakabase sa paniniwala at sa pagsasadakila ng mga espiritu at
anito.

https://images.app.goo.gl/KGHYoY9ThUhZJJRh9

Narito ang ilan sa kanilang mga ipinagmamalaking gawa at


kasuotan.

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral (pp.154). Pasig City: Department of
Education

Sagutin:

1) Ang kanilang mga disenyo ba ay nagpapakita ng iba’t ibang


linya, hugis, at kulay?

9
2) Ano ang napansin mo sa mga larawan?

3) May pagkakaiba ba ang kanilang mga disenyo?

Pagyamanin

Gawain 3

Maging Malikhain!
Gawaing Pansining: Disenyo sa Construction Paper
Kagamitan: cotton buds, chlorine, colored construction paper

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Ihanda ang mga kagamitang gagamitin.
2. Mag - isip ng disenyo ng mga kultural na pamayanan sa
Mindanao tulad ng Maranao, Manobo, Tausug, B’laan,
Yakan, at T’boli. Maaari ding gumamit ng sariling disenyo
na ginagamitan ng iba’t ibang hugis, kulay, at linya.
3. Isawsaw ang cotton buds sa chlorine. Marahan itong
ipahid sa colored construction paper. (Paalala: Kailangan
ang pagsubaybay ng MAGULANG sa gawaing ito upang
maiwasan ang disgrasya sa paggamit ng chlorine)
4. Maingat na ipahid ang chlorine sa construction paper
upang hindi ito mapunit.

10
5. Patuyuin muna nang ilang minuto ang ginawang likhang-
sining.
6. Pagtuyo na ito maaari na itong ipasa. Maghanda sa
pagpapahalaga.

Pamantayan sa Paggawa:
Panuto : Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng
iyongnaisagawa sa buong aralin.

Nakasunod Nakasunod Hindi


sa sa nakasunod
Mga Pamantayan pamantayan pamantayan sa
nang higit subalit may pamantayan
sa ilang
inaasahan pagkukulang (1)
(2)
(3)
1) Natukoy ko ang
iba’t ibang
disenyo na
nagtataglay ng
mga elemento at
prinsipyo ng
sining sa mga
gawa ng mga
taga Luzon.
2) Nalaman ko ang
mga disenyong
kultural na
pamayanan na
nagmula sa
Luzon.
3) Nakagawa ako
ng isang
likhangsining
na tulad ng mga

11
disenyong mula
sa Luzon.
4) Napahalagahan
at
naipagmamalaki
ko ang mga
katutubong
sining na gawa
ng mga kultural
na pamayanan
sa Luzon.
5) Naipamalas ko
nang may
kawilihan ang
aking ginawang
likhang sining.

Isaisip

Ang ating bansa ay punong-puno ng magagandang likha. Ang


mga ito ay nagtataglay ng mga elemento ng sining tulad ng linya,
hugis, kulay, at may prinsipyong paulit-ulit.

Ang mga disenyo sa kultural na pamayanan sa Mindanao ay


makikita sa kanilang mga kagamitan at kasuotan na ginagamitan
ng iba’t ibang linya, kulay, at hugis. Ang mga ito ay hango sa
kalikasan at sa kapaligiran tulad ng hayop, dahon, bundok, araw,
at bituin.

12
Isagawa

Sagutin:

1. Ano-anong mga kultural na pamayanan sa Mindanao ang


nabanggit sa ating talakayan?

2. Nagamit ba ang iba’t ibang uri ng linya, kulay, at hugis sa


paggawa ng mga disenyo? Papaano?

Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

______1. Sila ay kilala sa kanilang katapangan sa pakikidigma.


Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat
para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya.
A. Badjao C. Tiruray
B. Tausug D. T’boli

______2. Nananatili pa rin ang kanilang tunay at naiibang disenyo


at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit, banig, at sa kanilang
mga kagamitang gawa sa tanso.
A. Maranao C. Yakan
B. T’boli D. Bagobo

13
______3. Sila ay gumagawa ng tela para sa mga damit mula sa
t’nalak na hinahabi mula sa mga hibla ng abaka.
A. Yakan C. T’boli
B. Tausug D. Maranao

______4. Kilala sila sa mga makukulay na bangka na kung tawagin


ay “Vinta houses”.
A. T’boli C. Badjao
B. Tausug D. Maranao

______5. Sila ang itinuring na pangunahing pangkat ng mga


Muslim sa Basilan.
A. Bagobo C. Maranao
B. B’laan D. Yakan

______6. Paano natin pahahalagahan ang mga katutubong disenyo


na gawa ng ating mga ninuno?
A. Ilagay sa isang museo ang mga kagamitan o
kasuotan na gawa ng ating mga katutubo.
B. Itago na lamang ang mga ito para walang
makinabang.
C. Itapon na lamang ito sa basurahan.
D. Ipagbili ang mga bagay na ito.

______7. Sila ay isa sa mga pinakamatandang tribo sa ating bansa.


A. B’laan B. Manobo C. Tausug D. Yakan

______8. Isa sila sa pinakamakulay at kakaibang tribu.


A. Manobo B. Badjao C. B’laan D. T’boli

______9. Saan matatagpuan ang mga T’boli?


A. Marawi C. South Cotabato
B. Tawi-Tawi D. North Cotabato

______10. Saan matatagpuan ang mga Subanon?


A. Zamboanga C. Marawi
B. Cotabato D. Lanao Del Sur
14
15
Aralin 3-Subukin Aralin 3-Tayahin
1. D 1. D
2. B 2. B
3. B 3. B
4. C 4. C
5. A 5. A
6. A 6. A
7. B 7. B
8. C 8. C
9. C 9. C
10.A 10.A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

 Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng


Baitang Patnubay ng Guro (pp.201-204). Pasig City:
Department of Education

 Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng


Baitang Kagamitan ng Mag-aaral (pp.154-157). Pasig City:
Department of Education

 Most Essential Learning Competency – Quarter 1 – Arts –


p.233

16
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang
ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN
na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng
modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-
aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

17

You might also like